Click here to load reader

Kaya Natin - BaKit Nabibigo Ang Tao

  • View
    689

  • Download
    16

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Nasusulat dito ang walong dahilan kung bakit nabibigo ang mga tao.

Text of Kaya Natin - BaKit Nabibigo Ang Tao

D A H I L A N

BAKIT NABIBIGO ANG TAO1

Maari mong i-download ang file na ito sa:

jefmenguin.comIbahagi ang jefmenguin.com sa iyong mga kaibigan at kakilala.

2

1. Bulag sa LayuninA useless life is an early death. Magmasid ka sa iyong paligid. Sa But there is suffering in napakaraming tao na nakakasalamuha mo sa araw, malinaw ba life, and there are defeats. No one can avoid them. sa iyo kung anu-ano ang mithiin o naisin sa buhay ng bawat isa sa But it's better to lose some kanila? Ilan sa kanila ang magtatagumpay sa buhay? Ilan sa of the battles in the kanila ang mabibigo? Ilan sa kanila ang nagpupunyagi upang struggles for your dreams makamtan ang pangarap.

than to be defeated without ever knowing what Ang sabi ni Aristotle, An unexamined life is a life unlived. Ilang you're fighting for. taon na ang nakararaan, hinanap ko rin ang aking sarili. Tulad ng -Paulo Coelhomarami, nabuhay din ako ng parang dahon na tinatangay lamang ng agos ng panahon. Gumigising sa umaga, nagmumumog, nagaalmusal, nagsisipilyo, naliligo, pumapasok sa eskuwelahan upang magturo, uuwi ng bahay, maghahanda ng lesson plan, magtsitsek ng papel ng mga estudyante, manunuod ng TV, at matutulog upang maagang gumising kinabukasan. At gawin ang nakagawian sa araw araw. Paminsan-minsan may social life din naman ang isang teacher. Pero sa pangkalahatan, predictable ang lahat ng gawain. Pare-pareho lang naman. Tumatakbo ang oras hanggang magising ka isang umaga at makita mo ang isang tao na wari ay napaglipasan na nang panahon. Nakakaawa.

3

Minsan sa isang Toastmasters meeting, napag-usapan ang mid-life crises. Namangha ako sa aking narinig. May ilan na nasa edad 60 pataas na dumaranas pa rin daw ng midlife crises. At mayroon namang ilan na nasa 20s ang nagsasabing nararanasan na nila ito. Technically, ang mga kabataang ito ay masasabing nasa quarter-life crises. At malamang ilan sa mga kakilala mo ay mga taong naghahanap din ng kabuluhan sa buhay. Sila din ay nagtatanong: Sino ako? Saan ako patungo? May halaga ba ang buhay ko? Paano ako liligaya?

Walang pinipiling edad ang mga tanong na ito. Maaring isang araw ay makalimutan na natin magtanong at matulad sa marami na parang robot na kumikilos ngunit walang buhay, lumalakad subalit walang tiyak na direksyon at destinasyon. Lumaki ako sa isang squatters area. Bagaman at hindi totoo ang lahat ng napapanood ninyo sa pelikula, malinaw sa akin kung bakit maraming naliligaw ng landas. Malabo sa kanila ang landas ng kanilang tinatahak. At hindi nila natatanaw and dulo nito. Para sa kanila, ang buhay ay pang-araw na pakikipagsapalaran upang manatiling buhay. Maraming masipag, kumikilos, kumakapit sa patalim, at ginagawa ang lahat upang maitawid ang sikmura sa malupit na gutom. At mayroon din namang bumibigay na lamang, umaasa sa iba, at hindi na lumalaban pa. May ilan sa mga matapang makipagsapalaran ang nakakasumpong ng tamang daan. At marami, parang torumpo, paikot-ikot hanggang hininga ay malagot.

4

Subalit huwag mo rin iisipin na ang kayamanan o ang pagiging mayaman ay nagbibigay ng direksyon. Higit na mas marami ang limitado at makitid ang pananaw. Ilagaw mo ang salapi sa mata ng isang nilalang, mahirap man o mayaman, at kung siya ay masisilaw , magmimistulang bulag, at hindi na makikita ang tunay na kahulugan ng buhay. Marami din sa kanila ang nabubuhay upang matugunan ang gutom sa kayamananan at kapangyarihan. Marami rin sa kanila ang gumagalaw ng parang robot ngunit walang buhay. Marami rin sa kanila ang buhay na patay. Lahat ng pinoy ay may pagkakataong magtagumpay. Habang nabubuhay tayo, habang may oras pang nalalabi para sa atin, may pagkakataon tayo na hanapin ang totoong misyon natin sa buhay. May pagkakataon tayo na bigyang kahulugan ang bawat sandali, minuto, oras, araw, buwan, at taon ng ating buhay. Ang paghihirap ay hindi nangangahulugan ng kabiguan. Ang araw ay sumisikat para sa lahat ng nilalang. Ang ulan ay dumidilig sa lahat, sa tigang na lupa at sa sapa. Mabait ang Diyos. Ang tao lamang ang malupit sa kanyang kapwa, sa kanyang sarili. Kung nais mong tumigil sa paikot-ikot na buhay na parang torumpo. Kung nagsasawa ka na sa mundong nagpapagalaw sa iyo. Kung nais mong may makabuluhang mangyari buhay mo. Panahon na para baguhin ang iyong mundo. Panahon na para baguhin ang iyong sarili. Tumigil ka sandali. Idilat mo ang iyong mga mata. Hanapin ang iyong tunay na misyon. Paulit ulit kang madadapa. Magagalusan. Masusugatan. Subalit kong malinaw sa iyo ang iyong layunin, higit kang mas mapalad sa mas nakakarami sa atin. May paborito akong berso mula sa bibliya. Ang sabi, Seek ye first the kingdom of God and his righteousness, and all these things shall be given unto you. Sa madaling salita, hanapin mo ang kalooban sa iyo ng Diyos at lahat ng pangarap mo ay matutupad. Kaya mo yan!

Seek ye first the kingdom of God and his righteousness and all these things shall be given unto you.

5

2. Walang PaninindiganWalang gulugod. Walang paninindigan. Walang balls. Sunod-sunuran lamang. Ito ang katangian ng mga taong talunan. Bagaman ang pagkakaroon ng paninindigan ay hindi nagtitiyak ng tagumpay, ang kawalan ng paninindigan ay nagtitiyak ng kabiguan. Ang mga dakilang tao ng kasaysayan ay may paninindigan. Dahil sa paghahangad ng equality o pagkakapantay pantay, nagawang manindigan ni Mahatma Gandhi. Hinangad nya ang paglaya ng India mula sa pananakop ng England. Nanindigan siya na maaari itong makamit sa mapayapang paraan. Makailang ulit siyang ikinulong. Makailang ulit siyang hinimok ng mga pulitiko na mas mahusay ang paggamit ng dahas sa pag-agaw ng kapangyarihan. Subalit siya ay nanindigan. Lalaya ang bayan sa mapayapang paraan. Sinabi nilang wala siyang alam. Isang karaniwang maybahay lamang. Paglalaruan lamang siya ng mga pulitiko at mga uhaw sa kapangyarihan. Hindi nila naisip na siya ay puno ng panindigan. Nanindigan siya sa mithiin ng kanyang kabiyak na maibalik ang demokrasya sa Pilipinas. Nanindigan siya na hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan, at wala sinoman sa kanyang pamilya ang maaaring magsamantala. Maraming katangian si Cory Aquino. Sa ganang akin, dakila siya dahil sa kanyang mga panindigan.

6

Ang mga taong walang panindigan ay hindi marunong tumayo sa sariling mga paa. Kapag binigyan mo sila ng posisyon, madali silang natatangay ng mga tiwali. Maaring hindi sila maging magnanakaw, subalit sila ay magbubulag-bulagan, magbibingi-bingihan, at magsasawalang kibo na lamang. Nakikiayon para sa pakikisama, para maging in kahit alam nilang sila ay nasa mali. Ang paninindigan ay buong pusong pagtangan sa mga dakilang prinsipyo katulad nang katapatan, kalayaan, kapayapaan, at pagkamakabayan. Kapag walang prinsipyo ang isang tao, masasabi natin na wala siyang paninindigan. We need conviction not only to fight for our most noble ideals. We need to have conviction everyday. We need conviction to make the most of our lives. Ito ang pinapaniwalaan ko. Maraming tao ang nananatili sa kahirapan hindi dahil kulang sila sa sipag at talino. Kulang sila sa paniniwala na maari silang mabuhay ayon sa kanilang mga dakilang pangarap. Many people stay living the lives they hate because they do not have the conviction that will bring them out of their prisons. Malaya taong gawin ang mga inaakala nating tama at mahusay. Malaya tayong angkinin ang magandang buhay na ating inaasam. Mas pinipili ng marami ang maging maghintay na lamang, ang maging sunudsunuran, ang maki-ayon, at magmistulang gulay na walang gulugod. Tunay nga ang ang kabiguan sa buhay ay bunga ng kawalang paninindigan. Manindigan tayo. Kaya natin ito.

7

Matalino sila. Masipag sila. Pero natatalo pa rin sapagkat madali silang umaayaw. Ang mga winners nang buhay ay marunong magsikhay, magpunyagi, mag- persists. At ang mga talunan naman ay madaling tumigil, umayaw. Mga mahusay magbiro, subalit mabilis mapikon kapag biniro ng buhay. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Nakakalungkot isipan na maraming tao ang umaayaw na kahit hindi pa man nag-uumpisa. Kaya maaari kong sabihin na ang taong may persistence ay taong matapang. They persist on doing what is right; they persist on not doing what is not right. Likas na sa atin ang humanga sa iba. At madali sa atin ang humanga sa mga taong tila hindi marunong umayaw. Natatandaan ko pa na maraming taga hanga si Robert Jaworksi at kung saan man siya team nabibilang dahil sa never-say-die attitude na ipinapakita nila. Sa maraming pagkakataon, namangha ako sa husay ng ganitong paniniwala. Minsan napanood ko kung paanong nag-alisan ang mga fans sa Araneta Coliseum dahil malaki na ang lamang nang kalaban sa huling dalawang minuto. Subalit maya maya ay nagsisipagbalikan sapagkat mabilis na humahabol ang team ni Jaworkski. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi. Naalala mo ba ang huling pagkakataon na umayaw ka sa isang hamon? Mayroon bang isang hamon na pinagsisihan mo at hindi mo hinarap?

8

Kung ang bundok ay lubhang napakataas, tila ba mas mainam na lamang manatili sa paanan. Kapag ang suliranin ay gabundok, tila ba ang pag-ayaw ang pinakamadaling solusyon. Sa mga talunan, mahirap akyatin ang matayog na pangarap. Sapagkat hindi sila nakakatiyak ng tagumpay, pipiliin na lamang nila ang tiyak ng kabiguan. Hindi sila magtatangka, ang kung magtangka man ay madali rin aayaw. Ang champion boxers ay tinatamaan din ng suntok. Bumabagsak din. Nabubugbog din paminsan minsan. Subalit hindi umaayaw. Ang pagbagsak ay hindi pagkatalo. Matatalo ka lamang kapag ayaw mo na tumayo. Marami ang naiingit kay Manny Pacquiao, sikat na boksingero at isang bilyonaryo. Marami ang naghahangad na maging kampeon. Subalit hindi nila nakikita ang pagpupunyagi, ang pagtitiyaga, ang mahaba at mahirap na pagsasanay para sa 12 rounds na boxing match. Sa laban ni Pacquiao, matalo at manalo, mayaman pa rin. Subalit mas higit sa salapi ay ang maging tagumpay. Ang makami