Click here to load reader

Bakit Kulay Itim Ang Uwak

  • View
    398

  • Download
    8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

alamat

Text of Bakit Kulay Itim Ang Uwak

Bakit Kulay Itim Ang Uwak ?Ni: Jesus AnayoNoong uanang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw niya ito sa pamamagitan ng napaka laking baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah at sa mga hayop na kasama niya sa arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng Bathala bago pa man maganap ang pag baha.Kasama ni Noah sa kanayang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila maganda ang tinig.Nang humupa ang baha, Inutusan ni Noah ang uwak.. Lumabas ka ng arko at alamin kung maari na tayunh bumaba sa lupa Agad tumalima ang uwak sa utos ni Noah . Labis siyang nagimbal sa nakita niya. Nag kalat ang mga patay na bangkay ng tao at mga hayop.

Bumaba siya sa isang patay na kabayo . Dahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya sa katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.

Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati. Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang ipag uutos ko sa iyo. Una tignan mo kung anon a ang nangyari sa uwak : alamin mo rin kung maari na tayong bumaba sa lupa.

At umalis ang kalapati. Tualad ng uwak, nalungkot siya sa mga nakahambalang bangkay sa lupa. Napag alaman din niyang ligtas nang bumaba sa lupa.

Pabalik n asana siya sa arko nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba. Lumapit siya ng kaunti . Kitang- kita niya ang uwak sa patuloy pa rin sa pag kagat sa mga bangkay na hayop.

Dali dali siyang nag balik sa arko.Ibinalita niya kay Noah ang nasaksikan. Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.

Ang sabi ni Noah:Dahil sa iyong katapatan , kalapati ikaw ay magiging simbolo ng kalinisan , katapatan at kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim. Ppanget ang kanyang tinig at kakainisan siya ng mga tao at ibang hayop . Ang kanyang tinig ay mapapaos.

Magmula nga noon ang uwak ay nagging itim. Pumangit siya, ang kanyang tinig ay nagging paos. At ang tanging salitang lumalabas sa kanyang bibig ay Uwak,uwak, uwak

UWAK, UWAK,UWAK