23
Ang Mabuting Samaritano Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata

Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ang Mabuting Samaritano

Inihahandog ngBibliya Para sa mga Bata

Page 2: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Isinulat ni: Edward Hughes

Inilarawan nila: M. Maillot at Lazarus

Ibinagay nila: Ruth Klassen at Sarah S.

Isinalin ni: Christine Cornejo

Inilimbag at ipinamamahagi ng Bible for Children

www.M1914.org

©2011 Bible for Children, Inc.Pahintulot: Ang materyal na ito ay maaaring makopya o malimbag,

ngunit hindi maaaring ipagbili.

Page 3: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

“Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” Ito ang tanong ng isang dalubhasang

lumapit kay Hesus upang Siya’y subukin. “Ano ba

ang nakasulat sa

Kautusan?” ang sagot ni Hesus.

Page 4: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

“Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapwa,” sabi ng

lalaki. “Ngunit sino ang aking kapwa?”

Page 5: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng

mga tulisan.

Page 6: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Kinuha ang lahat ng gamit ng manlalakbay, pati ang damit sa kanyang katawan!

Page 7: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Siya ay binugbog at iniwan sa daan ng halos walang buhay.

Page 8: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Siguradong siya ay

tutulong sa sugatang lalaki.

Page 9: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ngunit hindi! Nang makita ang taong duguan, lumihis siya

at nagpatuloy sa kanyang paglakad sa

kabila ng daan.

Page 10: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Pagkatapos ay may isa na namang parating. Siya ay isang Levita– ang mga taong tumutulong

sa mga pari sa templo.

Page 11: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Nilapitan at tinignan ang taong nabugbog, ngunit siya ay nagpatuloy din sa paglalakad at hindi tumulong.

Page 12: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ngunit may isang Samaritanong dumaan. Galit ang mga Hudyo sa mga Samaritano.

Page 13: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ang mga nakikinig kay Hesus ay hindi inakala na isang Samaritano ang magiging mabait

sa kwento. Ngunit ang Samaritano ang naawa at huminto para tumulong.

Page 14: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ang Samaritano ay lumuhod, at nilagyan ng gamot at benda ang sugat ng lalaki. Pagkatapos ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno.

Page 15: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Sa isang bahay-panuluyan,inalagaan ngSamaritano

ang lalakibuong gabi.

Page 16: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Kinabukasan, nagbayad ang Samaritano sa may-ari ng

bahay-panuluyan upang alagaan

ang lalaki hanggang sa siya’y maging mabuti muli.

Page 17: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Nang matapos ang kwento, nagtanong si Hesus, “Sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa sa taong nasaktan?”

Page 18: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ang sagot ng dalubhasa, “Ang kanyang kapwa ay ang Samaritano na tumulong sa kanya.”

Page 19: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

“Sige ganoon din ang iyong gawin,” ang sabi ni Hesus. Ang kapwa ay ang sino mang nangangailangan.

Page 20: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Maari nating mapakita ang ating pagmamahal sa pamamagitan

ng pagtulog sa mga taong nangangailangan. Iyan ay kalugod-lugod sa Diyos.

Page 21: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ang Mabuting Samaritano

isang kuwentong nanggagaling sa Salita ng Diyos, ang Bibliya,

makikita sa

Lucas 10

“Ang bukas ng iyong mga Salita ay nagbibigay ng liwanag.” Mga Awit 119:130

Page 22: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Ang Wakas

Page 23: Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata - Bible for Children · Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa . isang taong naglalakbay . mula sa Jerusalem

Sinasabi sa kuwentong ito mula sa Bibliya ang tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos na Siyang lumikha sa atin at nais Niya na

makilala natin Siya.

Alam ng Diyos na tayo'y nakagawa ng masasamang bagay na tinatawag Niyang kasalanan. Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan ngunit lubos

ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus na Siyang napako at namatay sa Krus upang pagbayaran

ang ating mga kasalanan.

Subalit hindi nanatiling patay si Hesus. Nabuhay Siyang muli atbumalik sa langit! Kung mananampalataya ka kay Hesus at hihingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan, papatawarin ka Niya. Siya ay

darating at mananahan sa iyong buhay magpakailanman.

Kung ibig mong maligtas at mapatawad sa iyong kasalanan, narito ang isang panalangin na maaari mong tularan:

“Mahal kong Diyos, naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa akin, ngunit Siya ay nabuhay muli. Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay at

patawarin Ninyo po ako sa aking mga kasalanan upang ako'y magkaroon ngayon ng bagong buhay, at sa isang araw ay makasama Kayo magpakailanman.

Tulungan po Ninyo akong mamuhay bilang Inyong anak. Amen.”

Basahin ang Bibliya at manalangin sa Diyos araw-araw! Juan 3:16