Author
others
View
304
Download
7
Embed Size (px)
0
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress Zeal of Partnership
9
Pangalan: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
Ikalawang Markahan- Modyul 2:
Karapatan ay ipaglaban,
Tungkulin ay gampanan
Edukasyon sa Pagpapakatao
1
Ang modyul na ito ay inihanda upang lubos mong maunawaan ang
iyong mga karapatan at tungkulin. Magiging ganap ang iyong pagkatao kung iyong isasabuhay ang paggalang sa karapatang pantao at pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa paghubog sa
iyong sarili. Maraming mga isyu hinggil sa paglabag sa karapatan ng tao na isinisiwalat sa social media na nagiging pamulat-mata sa mga taong patuloy
na nagbubulag-bulagan sa lipunan.
Pagkatapos mong pag-aralan at isagawa ang mga gawain sa modyul
na ito, inaasahan na maipamamalas mo ang mga sumusunod:
5.3 Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao (EsP9TT-IIb-5.3)
5.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIb-5.4)
Sa nagdaang aralin, napag-aralan mo ang iba-t-ibang uri ng
karapatang di maaalis o inalienable rights na ayon sa panulat ni Sto. Tomas
de Aquino. Nalaman mo rin na bilang tao kailangan mong gampanan o
gawin ang mga tungkuling nakaatang sa iyo. Nararapat lamang na sa lahat
ng pagkakataon ay iggalang ang karapatan ng indibidwal dahil siya ay may
dignidad na nagpapabukod-tangi sa kaniya.
ALAMIN
BALIKAN
2
Gawain 1: Tsart ng mga Karapatan at mga paglabag sa mga ito Nalaman mo na ang kahulugan ng karapatang pantao. Ngunit may
mga panahon na nilalabag ang mga ito.
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang
lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.
Mga Karapatan Mga paglabag
sa bawat
karapatan
Angkop na kilos
upang ituwid ang
napunang paglabag
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang
panganib
Hal. Aborsiyon
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan pang magkaroon
ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan,
edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang
pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili
ng relihiyon at pagsunod sa konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat
sa ibang lgar upang manirahan
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na
proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa mga karapatang ito
3
Gawain 1: Pagsusuri sa Sitwasyon Panuto: Suriin ang sitwasyon. Tukuyin kung anong uri ng likas na
karapatan ng tao ang nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung
bakit. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba ng gawain
Mga tanong:
1. Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang inilalarawan sa bawat sitwasyon?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
TUKLASIN
Sitwasyon A
Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Jean sa kaniyang ina na mag-aasawa na
siya. Napagtapos na niya anf kaniyang dalawang kapatid at nasa Junior High School
na ang bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang magtapos ang
huli bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng ina.
Sitwasyon B
Mula nang lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia,
nangangailangan siya ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinisuweldo niya
sa mga ito at libre ang pagkain nila lalo na kapag may overtime na trabaho. Ngunit
nang nagkatampuhan si Aling Delia at ang kaniyang asawa, nagpasiya itong bimuli ng
condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila. Dahil dito, hindi
na tumanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa nila ito natatanggap
sa takdang araw.
Sitwasyon C
Maraming sako ng bigas ang nakatago sa sa 50 conatainer van ni Mang Enteng
bukod sa nakikita sa kaniyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng
pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera at damit para sa mga biktima ng bagyong
Yolanda, 30 sako ng bigas lang ang pinadala niya sa Samar, Leyte.
4
2. Ano-ano ang maaaring gawin ng kabataang kasing edad mo upang pukawin ang kamalayan ng kapuwa Pilipino sa mga paglabag na ito?
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “Kapayapaan
sa Katotohanan” Pacem in Terris:
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng
maayos na pamumuhay
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o
proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng
mga karapatang ito
Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem In
Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
(Universal Declaration of Human Rights) na binanggit sa Modyul 5. Ibinatay ang
mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas
at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang
pundasyon ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa buong mundo. Saan
nagsisimula ang karapatang pantao? Narito ang sagot ni Eleanor Roosevelt, pinuno
ng pangkat na bumuo ng Deklarasyon: Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula
sa mundo ng indibidwal na tao – sa maliit na pamayanan kung saan siya nakatira,
sa paaralang pinapasukan niya sa factory, sakahan o opisina kung saan siya
nagtatrabaho.Ito ang mga lugar lung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o
mga bata ang pantay na katarungan, oportunidad at dignidad nang walang
diskriminasyon.
Binigyang-diin ito ni Max Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang
kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao.Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong
panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
SURIIN
5
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay halaga sa karapatan at tungkulin upang
makabuo ng batayang moral kung lahat ng lalaki at babae ay mamumuhay nang
mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao.
May 19 na artikulo ang Universal Declaration of Human Rights. Narito ang
unang apat na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan (fundamental Principles for
Humanity)
Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan,
opinion sa mga isyung political, wika, edad, nasyonalidad o relihiyon ay may
tungkul ang lahat ng tao sa paraang makatao.
Artikulo 2.Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong
asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang
dignidad at tiwala sa sarili ng kapuwa.
Artikulo 3.Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat
mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang pamantayang
moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama
sa lahat ng bagay.
Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat
tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan,
lahi bayan at elihiyon nang may pagkakaisaL Huwag mong gawin sa iba ang
anumang ayaw mong gawin sa iyo.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na
igalang ito at ang kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang mga tungkulin.
Mahalaga sa bawat isa, lalo na sa yugtong ito ng iyong kabataan, ang pagsasaloob
ng mensaheng ito. Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong pagkatao sa
lipunan kung igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan ng iyong kapuwa
at kung tutuparin mo ng mapanagutan ang iyong mga tungkulin.
Masalimuot man ang pagtupad ng iba’t-ibang tungkulin sa bawat papel na
ginagampanan mo lalo na sa lipunan, mahalagang patuloy na tayahin ang sarili
kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad ng
iyong mga tungkulin at paglilingkod sa lipunan.
6
Gawain 1: Bigyang Diin
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang
mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Ano-ano ang konsepto at kaalamang
pumukaw sa akin?
Ano ang aking pagkaunawa at
reyalisasyon sa bawat
konsepto at kaalamang ito?
Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang
mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa aking buhay?
1. Tungkol sa Karapatan
2. Tungkol sa Tungkulin
3. Tungkol sa paglabag sa karapatan
Gawain 2: Lingguhang Plano Panuto: Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin
upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin.
ARAW TUNGKULING GAGAMPANAN
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo
Sagutin:
1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos gawin ang gawain? 2. Paano makatutulong ang pagtutupad sa tungkulin sa pagbuo ng
iyong pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahalaan?
PAGYAMANIN
7
Gawain. Ang aking mga nahinuha.
Panuto: Isulat sa kahon ang iyong iyong sagot.
Gawain: Puso ng Pagkatuto
Panuto: Isulat sa loob ng mga puso ang mga mahalagang konsepto
iyong natutunan na nais mong ilapat sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
ISAISIP
ISAGAWA
Ang karapatan ay
magkakaroon ng tunay na
kabuluhan kung . . .
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Ang pagganap sa tungkulin
ay magkakaroon ng tunay
na kabuluhan kung . . .
Ang pagkakapantay-pantay
ng dignidad ng lahat ng tao
ay magdudulot ng . . .
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
8
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ______________.
A. Obligasyong moral C. Karapatang Moral B. Likas na Batas Moral D. Moralida
2. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan? A. Sa paggawa ng moral na kilos.
B. Dahil sa dahilang tao lang ang may isip. C. Dahil sa tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos.
D. Dahil tao lang ang marunong kumilos.
3. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao? A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer B. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero C. Isang linggo ng hindi pa nakatatanggap ng sahod ang mga manggagawa
dahil sa bagyo D. Mga menor de edad ay pinagtatrabaho sa isang minahan upang
makatulong sa mga magulang
4. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay
karapatan sa _______. A. Pribadong ari-arian C. Bumili ng mga ari-arian
B. Mag-impok sa bangko D. Umangkin ng ari-arian 5. Kapag nilabag ang karapatan magkakaroon ng _____________.
A. Pag-iisip ng pagsisisi C. Damdamin ng pagsisisi B. Konsensya D. Pagmumuni
6. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na
binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano
ang gagawin mo? A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa
aking mga kaeskwela. B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang
naghihintay siyang malugaran.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
7. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay ___.
A. Obligasyong moral ng tao dahil nakasalalay ito sa malayang kilos ng tao. B. May kaakibat na kapangyarihan.
C. May kakayahang tumulong sa iba tama man o mali. D. Maipagtanggol ang sarili sa lahat ng uri ng kasamaan.
8. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng
oportunidad tulad ng trabaho o komportableng pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang ________________.
A. Magtrabaho o maghanap buhay. B. Pumunta sa ibang lugar.
C. Pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay. D. Mag-abroad.
TAYAHIN
9
9. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan
sa kanilang pagsasama. Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila. Pinagsumikapang
magtrabaho nang maayos ang mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Ito ay ang kanilang karapatang ____________________.
A. Bilang mag-asawa. B. Magkaroon ng pribadong ari-arian.
C. Magkapagtrabaho. D. Makapumunta sa ibang lugar o bansa.
10. May nakita kang isang lalaking de kotse na pinapagalitan ang isang
matandang drayber dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi niya ang
kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo? A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan. C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para
mamagitan sa kanila.
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na.
11. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay _________________.
A. Bagay na pansarili lamang. B. Mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
C. Magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao. D. Mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao.
12. Nakita mong kinukutya ng iyong mga pinsan ang kapitbahay niyong may
kapansanan sa pananalita. Bilang indibidwal, ano ang angkop na kilos na iyong gagawin?
A. Sasali ako sa panunukso B. Isusumbong ko sila sa mga magulang ko
C. Pagsasabihan ko sila na mali ang kanilang ginagawa dahil ang lahat ay may
dignidad na dapat igalang
D. Ipagwawalang-bahala ko na lang ang aking nakita
13. Paano magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
A. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas
B. Sa pamamagitan ng pagtupad sa tungkulin
C. Sa pamamagitan ng pagkalinga sa kapwa tao
D. Wala sa nabanggit
14. Ang mga sumusunod ay mga karapatang di maaalis maliban sa:
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang magpasiya
B. Karapatang magpakasal D. Karapatang sumamba
15. Nakapila ka sa isang ATM machine nang may nakita kang matanda na
pimipila din. Anong angkop na kilos ang iyong gagawin?
A. Sasabihan ko siya na ako na lang ang kukuha ng pera niya para di na siya
pumila
B. Hahayaan ko lang siyang pumila
C. Pagsasabihan ko siya na huwag na lamang pumila hintayin na lang na
kumonti ang tao.
D. Pagsasabihan ko ang ibang nakapila na paunahin na ang matanda dahil
10
kailangang unahin ang mga may edad na.
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa
Mag-aaral, DepEd-BL, Muling Limbag 2017,pp 79-92
TAYAHIN
1.A
2.A
3.D
4.A
5.C
6.C
7.A
8.C
9.C
10. C
11. C
12. C
13. B
14. C
15. D
11
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jonathan Gilbert E. Cruz SST-II, Basilan NHS, Isabela City Division Editor: Aimee A. Torrevillas, SST-III
Tagasuri: April Joy I. Delos Reyes, SST-I Tagaguhit:
Tagalapat: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief Henry R. Tura, CID Chief Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator