12
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatan Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

  • Upload
    others

  • View
    232

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatan

Zest for Progress

Zeal of Partnership

8

Pangalan: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Page 2: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

1

Nakaranas ka na ba ng pagkahiya? O hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin

dahil sa tuwa? Ang iyong nararamdaman ay sinasabi nating emosyon.

Ayon kay Vincent Van Gogh (1989) “Let’s not forget that the little emotions are the

great captains of our lives and we obey them without realizing it”. Marami ang

dumarating mga pagsubok at kaligahan sa ating buhay ngunit dapat alam natin kung

paano natin mapamamahalaan ang ating emosyon. Dahil minsan ang ating emosyon ay

siya ring magdala sa atin sa kapahamakan o maging sa kagalakan.

Sa modyul na ito, inaasan na makamit ng mga mag-aaral ang malalim napag-

uunawa tungkol sa emosyon at kahalagahan ng pagtataglay ng mga birtud upang

mapamahalaan ito ng wasto tungo sa mapanagutang pakikipagkapwa.

7.3 Napangangatwiranan na:

Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng katatagan at kahinahunan bilang birtud ay nakatutulong upang harapin ay matinding pagkamuhi, kalungkutan, takot at gamot.

(EsP8PIIf-7.3)

7.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon.

(EsP8PIIf-7.4)

Panuto: 1. Suriin ang bawat aytem at tukuyin kung ito ay kalimitan, paminsan-minsan, o bihira

lamang. 2. Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kolum. Gawing gabay ang halimbawa sa unang

bilang.

Talaan ng Damdamin at Kilos Kalimitan Paminsan-

minsan

Bihira

lamang

Halimbawa 1. Nakatuon ang aking buong atensyon sa taong

kausap.

2. Ako ay hindi nababahala sa nagatibong emosyong nararamdamanng iba.

3. Madali kong maramdaman na may bumabagabag sa aking kapwa o mahal sa

buhay.

4. Hindi ako nababahala sa tuwing nakaramdam ako ng kalungkutan, kagalakan, galit at takot.

5. Binibigyan ko ng atensyon ang aking nararamdaman tuwing ako ay gumagawa ng

pasiya.

ALAMIN

BALIKAN

Page 3: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

2

Gawain 1: Ang mga kilala kong Emosyon?

Kilalanin at isulat sa patlang kung ano ang ipinahihiwatig ng mga emoji.

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

1. Sa anong sitwasyon mo naipapakita ang mga emosyong iyong naitala, naisulat?

2. Paano nakakatulong ang emosyon sa pagtulong ng ating pagkatao? 3. Kailangan bang magkaroon ng kontrol sa mga emosyon?

Pangatwiranan Gawain 2: Crossword Puzzle Panuto: Buuin ang mga salita sa pamamagitan ng pagpuno ng mga titik sa kahon.

Pahalang:

1. Ang pakiramdam ng pagkagalit o ayaw niyang makita ang isang tao.

3. Ang pakiramdam ng panibugho. 5. Ang pakiramdam ng nagkasala.

Pababa:

2. Ang pakiramdam na mayroong masidhing damdamin, pagkamuhi.

4. Ang pakiramdam na mayroon siyang nagawang maganda, napaindak at galak.

TUKLASIN

P K H I

I G T

A Y A

Page 4: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

3

Ano ang Emosyon? Emosyon ay isang malakas na pagpapalabas o pagpapakita ng isang bagay

na nagmula sa isip at puso, kahit may kamalayan o wala, ngunit kadalasan ay nangyayari ng Hindi inaasahan Kaya nagreresulta sa pagbabago ng mga ugali buhat ng

bugso ng damdamin.

(Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/550586#readmore)

Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban

na Education in Values: What, Why, and for Whom: (1990, ph.51).

Mga Pamgunahing Emosyon

Pagmamahal (love) Paghahangad (desire)

Pagkatuwa (joy) Pag-asa (hope) Pagiging matatag (courage)

Pagkamuhi (hatred} Pag-iwas (aversion)

Pagdadalamhati (sorrow) Kawalan ng pag-asa (despair) Pagkatakot (fear)

Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng

wastong pamamahala. Halimbawa, bagaman natutuwa ka na mayroon kang nakitang

tsokolate sa inyong refrigerator ngunit alam mo na hindi ito sa iyo kaya hindi mo ito dapat kainin.

Ang mga emosyon sa pangalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil ito

ay nakaktakot, nakalulungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao.Maraming mga mag-aaral na ayaw nang subukan mag-aral ng kolehiyo dahil nahihirapan silang tustusan ang kanilang pinansiyal na pangangailangan. Natatakot silang hindi

makapagtapos ng pag-aaral. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan ng katatagan ng loob (fortitude) upang malampasan ang hirap at takot ng nararamdaman. Ang birtud na

ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi lamang

tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa buhay,

kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa napapanahong paraan.

Sa pamamagitan ng emosyon, naipamamalas ng tao ang kaniyang pagpapahalaga sa mga bagay sa kaniyang paligid - tulad ng mga bagay na kaniyang nakikita, naririnig,

nalalasahan, naaamoy, nadarama, at nararanasan. Kung kaya’t ito ay nararapat na napamahalaan nang wasto upang magdulot ito ng maganda sa sarili at ugnayan sa kapwa.

Ayon kay Felman (2005, ph.346), sa pamamgitan ng emosyon ay:

a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na

sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang nararamdaman ay takot. Dahil sa nararamdaman mong takot ikaw ay lilisan ng maaga upang kayo ay di magpang-

abot.

SURIIN

Page 5: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

4

b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin. Nakapag-iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng

sitwasyong nararanasan sa sarili at kapwa. c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang

pagpapahayag ng emosyon ay maaaring marahan o lantad tulad ng ekspresyon ng iyong mukha, pagsuntok sa pader, pag-iyak, o pagtawa nang malakas. Sa

pamamagitan ng emosyon, naipababatid natin ang tunay nating nararamdaman at naipahihiwatig ang mga pangangailangan natin at inaasahan mula sa iba.

Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang

impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin,

o pagkalito. Ngunit hindi lahat ay sapat ang kakayahan upang mapamahalaan ang kanilang emosyon. Nabalitaan mo ba ang isang mag-aaral na nakapanuntok ng

kanyang kapwa mag-aaral dahil sa selos? O isang lalaki na nabasted at nagmukmok dahil sa kahihiyan? Ilan lamang ito sa mga pagkakataon na hindi napamamahalaan

nang maayos ang emosyon kung kaya’t nagbubunga ng mga reaksiyong hindi maganda sa sarili at sa pakikipagkapwa.

Nakita ng mga siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner, at Goleman ang

kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng kaniyang

emosyon, nangangahulugan na mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na Emotional Intelligence.

Paano napauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang pangunahing element ng EQ (Goleman, D., 1998).

1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin. 2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang mapamahalaan an gating

emosyon ay mahalaga dahil ang mga ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na

hindi dapat upang matupad ang isang layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.

4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng iba.

5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan.

Gawain 1: Maikling Kwento Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang maikling kwento. At sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

PAGYAMANIN

Si Mang Ondoy

Si Mang Ondoy ay isang maglalako ng mga isda sa kanilang baryo. Ito ang kanyang hanap-

buhay at dito niya itinataguyod ang kaniyang pamilya. Sa pamamagitan nito ay napagtapos niya

ang kanyang dalawang anak sa kolehiyo.

Isang araw, nalaman niya na ang kanyang isang anak ay nasagasaan ng di sinadyang may ari

ng kotse. Ngunit galos lang ang nangyari sa kanyang anak. Dahil sa galit ni Mang Ondoy ay

bigla niya nasuntok at sinipa ang may ari hanggang ito ay hinimatay. Kung kaya, si Mang

Ondoy ay napatawan ng physical injury, at nakabayad pa ng malaking halaga.

Page 6: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

5

Mga tanong: 1. Ano ang mga kaganapan sa loob ng kwento?

2. Kung ikaw si Mang Ondoy ano ang iyong gagawin? 3. Paano mo mapapangalagaan ang ganitong sitwasyon ng hindi humahantong sa

ganitong kaguluhan?

Gawain 2: Egg Roll Kagamitan: 2 o 3 itlog.

Panuto: A. Hikayatin ang isang miyembro ng pamilya para sa gawain na ito. B. Humanap ng lugar na makinis ang sahig na malapit sa may dingding.

C. Sumukat ng isang dipa o isang metro magmula sa dingding. D. Ipagulong ang mga itlog ng iba’t ibang pwersa.

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang iyong pakiramdam sa mga sumusunod?

a. Nung nabasag ang itlog

b. Buo ang itlog pagkatapos ito ipagulong

2. Kung sakali ang itlog na ito ay iyong buhay, ano ang iyong gagawin upang hindi

mabasag/mapariwara?

3. Paano mo sasabihin sa ibang tao na an gating emosyon ay dapat din nating

pahalagahan?

Gawain 3: Ang aking Emosyon Panuto: Sa bawat kahon ay mayroong nakasulat na mga emosyon, Sabihin ninyo kung pagyamanin o baguhin at sabihin ninyo kung bakit?

Emosyon Pagyamanin/baguhin Dahilan kung pagyamanin/baguhin

Pagkamuhi

Pagkatuwa

Pag-asa

Pagkatakot

Pagka-inggit

ISAISIP

Page 7: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

6

Gawain 4: Loop-a-word Hanapin ang mga sumusunod na mga emosyon ng pahalang, pababa o pahilis at

bilugan ito.

P A G K A M U H I T A N P

A E A A D A L A M H A T I

G D A I L H A N G A D E S

M M N N L I N G I M A N O

A P A G K A T U W A A N L

M A T G I I N I K S A R A

A G S I O N I I B I L I N

H H C T T A K O T G A N G

A P A G M A M A H L A Y O

L T L O M A H I Y A I N O

Pagmamahal hangad pagkatuwa masigla mahiyain Pagkamuhi

dalamhati takot galit inggit

ISAGAWA

Gawain 5: Jumbled words Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na mga salita at isulat ang inyong sagot sa

patlang pagkatapos ng pangungusap.

1. T G I L A- _______ uri ng emosyon na may masidhing damdamin o sama ng

loob.

2. Y I A H – _______ pagkaramdam ng may pagkasala.

3. O K T A T – ________ pagkaramdam ng may bumabagabag o may kinakatakutan.

4. U A W T – ______ang pakiramdam na mayroong nagawa ng maganda.

5. G I L A S – ________ ang pakiramdam na parang marami kang enerhiya.

Page 8: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

7

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Isa sa mga kilos na nagpapakita ng pagmahahal. A. Ang pagsunod sa utos ng magulang.

B. Ang pagsisuningaling sa tunay na damdamin sa crush. C. Ang pagtulong sa kapwa kung may mga pangyayari o kalamidad para makilala ng

mga tao. D. Ang pagdadala ng school supplies na mula sa opisina para sa mga anak.

2. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng emosyon maliban sa: A. Ito ay isa sa mga paraan upang mapanatili na mapayapa ang ugnayan sa sarili at

sa kapwa tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa. B. Ito ay ang mga pananaw natin sa buhay batay sa desiyon ng ating pag-iisip.

C. Ito ay ang interpretasyon ng pag-iisip ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman at at narinig.

D. Ito ang nagbibigay sa buhay ng makukulay na karanasan at nagbibigay sigla sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

3. Si Aling Goreng ay naglalako ng sampaguita sa may Edsa, sa kasamaang palad ay wala siyang naibenta kahit isa. Kasiyahan ang ipinakitaq niya sa kanyang mga anak

sa kabila ng kalungkutan. Ano ang ipinapakita ni Aling Goreng? A. Nagpakita si Aling Goreng ng positibong emosyon.

B. Nagpakita ng hindi magandang emosyon si Aling Goreng dahil dapat siya ay magalit.

C. Dapat magpakita ng pagkadismaya.

D. Dapat magpakita ng pagkabalisa dahil wala silang makain.

4. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing emosyon maliban sa:

A. Pagmamahal B. Pagkagalit C. Pagkatuwa

D. Pagkamasinop

5. Ito ay ang reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman at narinig

na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip. A. Kilos C. Emosyon B. Mood D. Desisyon

6. Kinausap si Abner ng kanyang ina dahil hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado.

Nag-aalala ng lubos si Abner dahil baka hindi siya makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang dapat patibayin upang mapagtagumpayan

ang pagsubok na ito? A. Sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon. B. Tanggapin na lamang na sadyang may mangyayaring gaya nito.

C. Magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala sa kakayanin niya ito. D. Humingi ng paumanhin sa ina sa naging pagkukulang sa klase.

TAYAHIN

Page 9: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

8

7. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?

A. Suntukin na lamang ang pader. B. Kumain ng mga paboritong pagkain.

C. Huwag na lamang siyang kausaping muli. D. Isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba

8. Gabi na nang nakauwi si Annabelle mula sa praktis nila sa sa paaralan. Habang siya

ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan niya ang kaniyang pandinig at

binilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?

A. Makapag-iingat siya B. Mapoprotektahan na niya ang sarili. C. Hindi na siya muling dadaan sa madidilim na kalsada.

D. Makaiiwas sa mga nakatatakot sitwasyong maaaring maranasan muli.

9. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa

siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?

A. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda. B. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit

C. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip.

D. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli.

10. Pangarap ni Dexter na maging isang guro. Ngunit ang maging Accountant ang gusto ng kanyang mga magulang. Ngayon ay nasa unang taon na siya sa kolehiyo sa

kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa kalagayan

ng kaniyang emosyon? A. Ang kanyang mood

B. Ang napakaraming nararamdaman C. Ang dikta ng kanyang isip

D. Ang mga pagsubok na naranasan

11. Marami ang nagiging biktima ng extortion sa inyong paaralan. Minsan sa iyong

paglalakad patungo sa inyong silid-aralan ay nakasalubong mo ang mga

extorsiyonista. Paano mo harapin ang ganitong sitwasyon? A. Makikipagsuntukan upang hindi mamihasa ang mga nambibiktima.

B. Magtimpi at pagkatapos ay magsusumbong sa Task Force at Guidance Counselors.

C. Magpapabugbog ngunit hinding hindi ibibigay ang iyong pera.

D. ibibigay ang pera at kukumbinsihin sa isali ka nila sa kanilang grupo.

12. Ang mga taong galit ay kadalasang sumisigaw upang maipalabas ang kanilang

hinanakit o saloobin. Ano ang maidudulot ng pagsigaw sa pakikipag-ugnayan sa

kapwa. A. Mas magiging maayos ang ugnayan sa kapwa. B. Malalaman ng kapwa mo ang iyong tunay na saloobin.

C. Magiging maingat na siya sa pakikitungo sa tao. D. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong kapwa.

Page 10: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

9

13. Bilang isang mag-aaral, paano mo bibigyan ng solusyon ang negatibong

damdamin? A. Magmaktol at magmukmok.

B. Pabayaan na lang dahil lilipas din ito. C. Ibalewala ang problema upang hindi mastress

D. Alamin ang problema at bigyan ito ng kaukulang solusyon.

14. Birtud na nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan

ang mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.

A. Pagtitimpi (temperance) B. Kahinahunan (prudence)

C. Katarungan (justice) D. Katatagan ng loob (fortitude)

15. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong

kasintahan, pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kanyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang

kausapin sila. Umiwas kana muna dahil saiyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo. Ano ang

kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)? A. Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba. B. Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay.

C. Nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin. D. Nakaiiwas sa pananakit sa sarili sa kapwa.

Page 11: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

10

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-BLR, Unang Edisyon 2013, pp 166-194

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Alvin A. Sahidjan SST-II, Basilan NHS, Isabela City Division

Editor: Aimee A. Torrevillas,SST-III

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

Tayahin

1.A

2.B

3.A

4.D

5.C

6.C 7.C

8.C 9.D

10.D 11.B

12.D

13.D

14.D

15.D

Page 12: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Emosyon ay Pag-ingatanAng mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong

11

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX Our..

Eden... Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

'T is I, O my country, raising a song unto thee.

And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good-by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo

I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖