26
PAGTANGGAP (Unang Araw ) O, Ina ng Diyos at Ina namin, Mariang pinagpala, ikinalulugod at ipinagkakapuri po namin ang pagdalaw mong ito sa aming maralitang tahanan, na magiging tahanan Mo rin sa loob ng pitong araw na ipamamalagi Mo sa aming piling. Igawad Mo po samin Inang sinisinta ang iyong pagpapala, basbasan Mo po kaming lahat sa tahanang ito at huwag mong itulot na kami ay makagawa ng anumang ikalulumbay Mo. Kami ay iyo, aming Reyna, at aming Ina. Ingatan Mo kaming lagi bilang pag-aari mong tunay magpakailanman. SIYA NAWA. PAGPAPAALAM (Huling Araw) O, Inang kaibig-ibig, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa aming maralitang tahanan na naging tahanan Mo rin sa loob ng pitong araw na ipinamalagi Mo sa aming piling. Hindi kayang banggitin ng aming mga labi ang pasasalamat na nag-uumapaw sa aming mga puso, udyok ng iyong pagmamahal-Ina. Minarapat mong makiisa sa aming piling kahit sumandali, salamat Ina, salamat. Magbalik kang muli sa aming piling, sa ibang araw dito ay hihintayin Ka namin ng buong pananabik.

Holy Rosary

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Holy Rosary

PAGTANGGAP (Unang

Araw)

O, Ina ng Diyos at Ina namin, Mariang pinagpala, ikinalulugod at

ipinagkakapuri po namin ang pagdalaw mong ito sa aming maralitang

tahanan, na magiging tahanan Mo rin sa loob ng pitong araw na

ipamamalagi Mo sa aming piling.

Igawad Mo po samin Inang sinisinta ang iyong pagpapala, basbasan Mo

po kaming lahat sa tahanang ito at huwag mong itulot na kami ay makagawa

ng anumang ikalulumbay Mo.

Kami ay iyo, aming Reyna, at aming Ina. Ingatan Mo kaming lagi bilang

pag-aari mong tunay magpakailanman. SIYA NAWA.

PAGPAPAALAM (Huling

Araw)

O, Inang kaibig-ibig, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa

aming maralitang tahanan na naging tahanan Mo rin sa loob ng pitong araw

na ipinamalagi Mo sa aming piling. Hindi kayang banggitin ng aming mga

labi ang pasasalamat na nag-uumapaw sa aming mga puso, udyok ng iyong

pagmamahal-Ina. Minarapat mong makiisa sa aming piling kahit sumandali,

salamat Ina, salamat. Magbalik kang muli sa aming piling, sa ibang araw dito

ay hihintayin Ka namin ng buong pananabik.

Page 2: Holy Rosary

Sa iyong pagpanaog, baunin Mo ang aming pagmamahal, isama Mo

ang aming mga puso. Huwag mong itulot na kami ay makalimot at mawalay

sa iyong pag-aaruga kailanman. AMEN.

PAGHAHANDOG SA UMAGA

Namumuno:

Ganito ang minsa’y inawit ng Salmista: “Inaalay ko sa Hari ang aking

mga gawain”. Marapat paghandugan ang Hari ng ating mga gawain. Ihandog

mo rin araw-araw ang iyong mga gawain sa Panginoon na nagpapaligaya sa

iyong kabataan.

Alalahanin mo ang sinabi ng isang Kastilang Banal: “Hindi ko nais

maglingkod sa Panginoong maaaring mamatay”. Paglingkuran mo ang

walang kamatayang Hari ng mga panahon, ang marapat paghandugan ng

buo mong sarili.

Tuwing umaga…

Bago ka magtungo sa pagawaan, sa iyong pag-aaral o sa paghahanap-

buhay ay ihandog mo sa Diyos ang buong maghapon sa pamamagitan ng:

PAGHAHANDOG NG IYONG MGA GAWAIN

Lahat: Purihin at luwalhatiin magpasawalang hanggan ang Hari ng mga

panahon, tangi at iisang Diyos, di nakikita at walang kamatayan. Amen.

Namumuno: Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na

nagtaguyod sa amin sa simula ng araw na ito, palakasin Mo kami ngayon sa

pamamagitan ng Iyong kabanalan upang huwag kaming magkasala sa

Page 3: Holy Rosary

maghapong ito, kundi upang ang lahat naming salita, pag-iisip at gawa ay

maayon sa iyong kalooban. Sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak at

aming Panginoong nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu

Santo, Diyos magpawalang hanggan.

Lahat: Amen

Lahat: Sa iyo, Panginoon, ay inihahandog namin na sa pamamagitan ng

Iyong biyaya, ay kasama ng lahat ng kaanib ng Iyong pandaigdig na

Simbahan ang aming pagkatao, ang aming gawain, ang aming pag-iisip, ang

aming damdamin at nasa, upang lahat ng ito ay maukol sa Iyong

ikaluluwalhati sa pagpapalaganap ng Iyong kaharian. Nais din naming

makamtan ang lahat ng indulhensyang maaaring tamuhin sa maghapong ito

sa ikapagbabayad-puri sa nagawa naming kasalanan.

PANALANGIN

Namumuno: Marapatin Mo Panginoon, Diyos ng langit at lupa na

patnubayan at pabanalin, pamahalaan at pamunuan sa araw na ito, ang

aming mga kaluluwa’t katawan, ang aming mga pandamdam, salita at gawa,

ayon sa batas Mo at sa landas ng Iyong mga utos upang dito at sa kabilang

buhay, sa tulong Mo ay makamtan namin ang kaligtasan at kalayaan.

Tagapagligtas ng daigdig na nabubuhay at naghahari magpasawalang

hanggan.

Lahat: Amen.

Namumuno: Patnubayan sa kapayapaan ng Panginoong makapangyarihan

ang ating mga araw at pagkilos.

Lahat: Amen.

Page 4: Holy Rosary

SA ATING BANAL NA INA

Lahat: Aking Reyna at aking Ina! Iniaalay ko sa iyo ang buo kong sarili. At

upang patunayan ang pamimintuho ko sa iyo ay inihahandog ko sa iyo sa

araw na ito ang aking paningin, ang aking pandinig, ang aking dila, ang

aking puso, sa isang salita, ang buo kong sarili. Yayaman ako’y iyong iyo,

butihing Ina, ingatan Mo ako, ipagtanggol Mo ako na parang sarili at pag-aari

Mo. Amen.

SA ANGHEL NA TAGATANOD

Lahat:: Anghel ng Diyos, na dahil sa dakilang pagmamahal-ama ay inilagay

ako ng Panginoon sa ilalim ng iyong pangangalaga; sa araw na ito ay

liwanagin, ingatan, pangunahan at patnubayan Mo ako na ipagkatiwala sa

iyong pagkakandili. Amen.

Page 5: Holy Rosary

ANGELUS

I. Ave Maria Purissima ……………………………. (3x)

Sin Picado Con Su Vida ………………… (3x)

Sa Pangalan Ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, AMEN.

II. Namumuno: Binati ng anghel ng Panginoon si Ginoong Santa

Maria

Lahat: At siya’y naglihi lalang ng Diyos Espiritu Santo

Aba Ginoong Maria…

Namumuno: Narito ang alipin Mo Panginoon

Lahat: Maganap sa amin ayon sa wika Mo

Aba Ginoong Maria…

Namumuno: At ang Verbo ay nagkatawang-tao

Lahat: At tumira sa gitna natin

Aba Ginoong Maria…

Namumuno: Ipanalangin Mo kami, O Santang Ina ng Diyos

Page 6: Holy Rosary

Lahat: Upang kami ay maging marapat makinabang sa mga pangako

ni Hesukristong aming Panginoon.

III. MANALANGIN TAYO

Panginoon naming Diyos, kasihan nawa ang aming mga kaluluwa ng

Iyong mahal na grasiya, at yayamang dahilang sa pamamalita ng anghel

nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo,

pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ay

papakinabangan Mo kami sa Kanyang pagkabuhay na mag-muli, sa

kaluwalhatian sa langit, alang-alang kay Hesukristong aming

Panginoon.AMEN.

IV. Namumuno: Luwalhati sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo (3x)

Lahat: Kapara ng sa unang-una, ngayon at magpakailan man at

mag-pasawalang hanggan.Siya Nawa (3x)

V. Ave Maria Purissima ………………………………..(3x)

Sin Picado Con Su Vida …………………(3x)

Alleluya ………………………………………………………...(3x)

Sa Pangalan Ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, AMEN.

Page 7: Holy Rosary

PAGNINILAY

Halina Espiritu Santo at punuin Mo ang mga puso ng mga tapat sa Iyo,

at papagningasin Mo sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig. Ipadala Mo ang

Iyong Espiritu at sila’y malalalang, at babaguhin Mo ang mukha ng

sangkalupaan.

MANALANGIN TAYO

O, Diyos na sa liwanag ng Espiritu Santo ay nagturo Ka sa puso ng mga

tapat. Ipagkaloob Mo sa amin, na sa pamamagitan na rin ng Espiritung iyan

ay malaman namin ang matuwid at matamasa naming palagi ang Kaniyang

pag-aliw. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Sinasampalatayanan ko, Panginoon, na naririto Ka, hindi Ka man

nakikita ng aking mga mata, nararamdaman Ka naman ng aking

pananampalataya. Tulungan Mong huwag malibang sa ibang bagay ang pag-

iisp ko. Ipagkaloob Mo na matalastas ko ang mga Katotohanang nais Mong

ituro sa akin sa pagninilay na ito. Loobin Mong ipasiya ko ang pagsasagawa

ng mga ito. Nakikinig ang alipin Mo Panginoon, mangusap Ka sa aking

kaluluwa.

Santa Maria, tagapamagitan ng lahat ng biyaya, ipagkaloob Mong

dinggin ko ang tinig ng Panginoon. Amen.

Page 8: Holy Rosary

Ama Namin…

Aba Ginoong Maria… 3x

Luwalhati…

Sumasampalataya…

PASASALAMAT

Pinasasalamatan Ka po namin, O, Diyos na Makapangyarihan, sa lahat

ng mga pagpapalang ipinagkaloob Mo sa amin, Ikaw ng nabubuhay at

naghahari magpasawalang hanggan.

Santa Maria pinagpalang Ina, ipamagitan Mo po ang lahat naming

hangarin, pagkilos at gawain sa gabing ito, ay maukol lamang sa lalong

ikararangal at ikaluluwalhati ng Kadakilaan ng Diyos na Panginoon.

Manatilihing palagi sa amin ang biyaya ng Diyos (3x)

Page 9: Holy Rosary

REGINA COELI

(Sa Panahon ng Pagkabuhay)

Namumuno: Reyna ng langit, matuwa Ka, Alleluya

Lahat: Sapagkat yaong minarapat Mong taglayin, Alleluya

Namumuno: Ay nabuhay na magmuli ayon sa Kaniyang sinabi, Alleluya

Lahat: Ipanalangin Mo kami sa Diyos, Alleluya

Namumuno: Magalak Ka at matuwa. O Birhen Maria, Alleluya

Lahat: Sapagkat ang Panginoon ay tunay na nabuhay na magmuli, Alleluya

Page 10: Holy Rosary

SANTO ROSARYO

1. Ave Maria Purissima ………………………………..(3x)

Sin Picado Con Su Vida …………………(3x)

2. Sa Pangalan Ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, AMEN.

3. PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo,

gumawa at sumakop sa amin, pinagsisisihan kong matibay, masakit sa

tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw nga po ang Diyos

ko, Panginoon ko’t Ama ko na iniibig ko nang higit na lalo sa lahat. Nagtitika

akong mangungumpisal sa dilang kasalanan ko, at umaasa akong

patatawarin mo rin alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Amen.

4. Awitin: Lumang Krus

Sa malayong pook malapit sa bundokNariyan ang isang lumang Krus

Na pinagpakuan ng Poong MaykapalSa sala ng tao’y tumubos

Koro:Kung kaya’t aming iniaalay

Ang lahat sa lumang Krus na yanHandog ko’y dalangin at dasalNang hirap niya ay maparam

Krus na yan ay tigib ng dugo at luhaKay Hesus na mahal ng madla

Page 11: Holy Rosary

Nagtiis ng hirap, namatay Siya sa KrusSa sala ng tao’y tumubos.

Repeat Koro5. Ave Maria Purissima………..

Sin Picado Con Su Vida

Namumuno: Buksan mo po Panginoon ang aming mga labi (Hawakan

ang Krus)

Lahat: At ang aming bibig ay siyang magpupuri sa Iyo

Namumuno: O Diyos lumapit Ka at ako’y tulungan Mo

Lahat: O Panginoon magmadali Ka sa pagsaklolo sa akin

Namumuno : Luwalhati sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo

Lahat: Kapara ng sa unang-una, ngayon at magpakailan man at mag-

pasawalang hanggan. Siya Nawa.

6. SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na

may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,

Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,

ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako

sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa mga yumao. Nang may ikatlong

araw, nabuhay na magmuli; umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos

Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula paririto at huhukom sa

nangabubuhay at nangamatay na tao.

Page 12: Holy Rosary

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, Sa Santa Iglesia

Katolika, sa kasamahan ng mga Santo, sa ikawawala ng mga kasalanan.

Mabubuhay na magmuli ang namatay na tao, at may buhay na walang

hanggan. Amen.

7. AMA NAMIN (Unang Butil)

Ama namin na nasa langit, sambahin po namin ang pangalan Mo,

mapasa amin po ang kaharian Mo, sundin po namin ang loob Mo dito

po sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon ng aming

kakainin sa araw-araw at patawarin Mo po kami sa aming mga

kasalanan para nang pagpapatawad po namin sa mga ngakakasala sa

amin at huwag Mo po kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo po kami

sa lahat ng masama. Amen.

8. Aba Ginoong Maria ( Tatlong Butil)

Aba Ginoong Maria punung-puno Ka po ng grasiya, ang

Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod Ka pong pinagpala sa babaeng

lahat at pinagpala po naman ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin Mo po kaming

makasalanan, ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen.

9. Luwalhati:

Luwalhati sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo

Kapara ng sa unang-una, ngayon at magpakailan man at mag-

pasawalang hanggan. Siya Nawa.

Page 13: Holy Rosary

10. Hakulatoryo:

O katamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas Mo po kami.

Pagkalooban Mo po ng kapayapaan ang buong daigdig. Lalung-

lalo na ang bansang Pilipinas, at papagbalik-loobin Mo po ang

mga taong makasalanan, ituro Mo po sa kanila ang landas

patungo sa Iyong kaharian O Panginoon.

O Hesus ko, patawarin Mo po kami sa aming mga sala,

iligtas Mo po kami sa apoy ng impyerno, hanguin Mo po ang mga

kaluluwa sa Purgatoryo, lalung-lalo na sa mga kaluluwang

walang nakaka-alala.

11. Pag-aalay (Offering Intentions)

Ang Santo Rosaryo pong ito ay buong puso naming iniaalay sa

Iyo Mahak naming Ina, at sa buong Santisima Trinidad. Ito ay buong

puso rin naming inihahandog as banal na lulukan ng Espiritu Santo,

Santa Maria Virginia. Sa lahat ng binasbasan ng Mahal na Ingkong, sa

kapayapaan ng buong daigdig lalo’t higit sa bansang Pilipinas. Sa lahat

ng mga namumuno sa amin, Political man o Espiritual. Sa lahat ng may

karamdaman ng kaluluwa at katawan, sa pagbabalik loob ng mga

taong makasalanan, sa lahat ng kaluluwa sa Purgatoryo, lalong-lalo na

sa mga kaluluwang walang nakakaalala. Gayon din po para sa

kapayapaan, kasaganaan, at kaligtasan ng mga nasa tahanang ito na

iyong inakyatan. Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa pamamagitan

ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Page 14: Holy Rosary

12. Atin pong pagnilay –nilayin ang limang Misteryo ng……

Ang unang Misteryo ay ang…

13. Mga Dasal ng Bawat Misteryo:

Ama Namin ………....(1x)

Aba Ginoong Maria……..(10x)

Luwalhati sa Diyos….…(1x)

Ave, Ave, Ave Maria…...(2x)

14. MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO

Mga Misteryo Ng Tuwa

(Lunes at Huwebes)

1. Ang pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos

2. Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Santa Elizabeth.

3. Ang pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo.

4. Ang paghahandog sa sanggol na si Hesus sa Templo.

5. Ang pagkatagpo sa batang si Hesus sa templo.

Page 15: Holy Rosary

Mga Misteryo Ng Hapis

(Martes at Biyernes)

1. Ang pagpapawis ng dugo sa halamanan ng Getsemani.

2. Ang paghahampas sa Panginoong Hesukristo na nakagapos sa

haliging bato.

3. Ang pagpuputong ng koronang tinik.

4. Ang pagpapasan ng Krus patungong kalbaryo.

5. Ang pagpapako at pagkamatay sa krus ng Mananakop.

Mga Misteryo Ng Luwalhati

(Miyerkoles, Sabado at Linggo)

1. Ang pagkabuhay na magmuli ng ating Panginoong Hesukristo.

2. Ang pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo.

3. Ang pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles.

4. Ang pag-aakyat sa langit sa Mahal na Birheng Maria, kaluluwa pati

katawan.

5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birheng Maria bilang

Reyna ng langit at lupa.

15. (Pagnilay-nilayin ang buong Rosaryo,pagkatapos ay isunod

dasalin ang sumusunod):

Page 16: Holy Rosary

Litanya Sa Mahal Na Inang Birheng Maria

Namumuno: Sagot:

Panginoon, Maawa Ka sa amin Panginoon, Maawa ka sa aminKristo, maawa Ka sa amin Kristo, maawa Ka sa aminPanginoon, Maawa Ka sa amin Panginoon, Maawa ka sa aminKristo, pakinggan Mo po kami Kristo, pakinggan Mo po kamiKristo, pakapakinggan Mo po kami Kristo, pakapakinggan Mo po kami

Diyos Ama sa Langit Maawa Ka po sa aminDiyos Anak na tumubos sa sanlibutan Maawa Ka po sa aminDiyos Espiritu Santo Maawa Ka po sa aminKabanal-banalang tatlong persona sa iisang Diyos Maawa Ka po sa amin

Santa Maria Ipanalangin Mo po kamiBanal na Ina ng Diyos Ipanalangin Mo po kamiBanal na Birhen ng mga birhen Ipanalangin Mo po kamiIna ni Kristo Ipanalangin Mo po kamiIna ng Grasya ng Diyos Ipanalangin Mo po kamiInang Kalinisnisan Ipanalangin Mo po kamiInang walang malay sa kahalayan Ipanalangin Mo po kamiInang palaging Birhen Ipanalangin Mo po kamiInang di nalapitan ng masama Ipanalangin Mo po kamiInang kaibig-ibig Ipanalangin Mo po kamiInang kataka-taka Ipanalangin Mo po kamiIna ng mabuting kahatulan Ipanalangin Mo po kamiIna ng Lumalang Ipanalangin Mo po kamiIna ng Mapag-adya Ipanalangin Mo po kamiBirhen kapaham-pahaman Ipanalangin Mo po kamiBirheng dapat igalang Ipanalangin Mo po kamiBirheng dapat ipagbantog Ipanalangin Mo po kamiBirheng makapangyayari Ipanalangin Mo po kamiBirhen maawain Ipanalangin Mo po kamiBirhen matibay na loob sa magaling Ipanalangin Mo po kamiSalamin ng katuwiran Ipanalangin Mo po kamiLuklukan ng karunungan Ipanalangin Mo po kamiMula ng tuwa namin Ipanalangin Mo po kamiSisidlan ng kabanalan Ipanalangin Mo po kamiSisidlan ng karangalan Ipanalangin Mo po kamiSisidlan ng tanging kataimtiman Ipanalangin Mo po kamiRosang 'di malirip ang halaga Ipanalangin Mo po kami

Page 17: Holy Rosary

Torre ni David Ipanalangin Mo po kamiTorreng Garing Ipanalangin Mo po kamiBahay na Ginto Ipanalangin Mo po kamiKaban ng tipan Ipanalangin Mo po kamiPinto ng langit Ipanalangin Mo po kamiTala sa umaga Ipanalangin Mo po kamiMapagpagaling sa mga may sakit Ipanalangin Mo po kamiSakdalan ng mga taong makasalanan Ipanalangin Mo po kamiMapang-aliw sa mga nagdadalamhati Ipanalangin Mo po kamiMapag-ampon sa mga kristiyano Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga anghel Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga patriarka Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga propeta Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga apostoles Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga martir Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga kompesor Ipanalangin Mo po kamiReyna ng mga birhen Ipanalangin Mo po kamiReyna ng lahat ng santo Ipanalangin Mo po kamiReynang ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal Ipanalangin Mo po kamiReynang Iniakyat sa langit Ipanalangin Mo po kamiReyna ng kabanal-banalang Santo Rosaryo Ipanalangin Mo po kamiReyna ng kapayapaan Ipanalangin Mo po kami

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan Patawarin Mo po kami, PanginoonKordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sandaigdigan Pakapakinggan Mo po kami, PanginoonKordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng santinakpan Maawa Ka po sa amin

16. MANALANGIN TAYO

Hinihiling namin sa Iyo, Diyos namin at Panginoon na ipagkaloob

Mo sa amin na Iyong mga lingkod na tamasahin namin ang walang

maliw na kalusugan ng kaluluwa at katawan. At maligtas kami, sa

pamamagitan ng mapalad na lagging Birheng Maria, sa mga

kalungkutan ng buhay na ito at magkaroon ng kasiyahang makamtan

Page 18: Holy Rosary

ang mga katuwaan ng buhay na walang hanggan alang-alang kay

Hesukristong aming Panginoon. Amen.

17. ABA PO SANTA MARIANG HARI

Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng awa, Ikaw ang kabuhaya’t

katamisan. Aba pinanaligan Ka namin, Ikaw nga po ang tintawag

naming. Pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin po ang

ipinagbubugtong-hininga namin ng aming pagtangis dito sa lupang

baying kahapis-hapis. Ay Aba, pintakasi Ka namin, ilingon Mo po sa

amin ang mata mong maawain, at saka kung matapos yaring

pagpanaw sa amin ay ipakita Mo po sa amin ang Iyong Anak na si

Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain at maalam, at matamis na

Birhen.

18. Namumuno: Ipanalangin Mo kami, O banal na Ina ng Diyos

Sagot: Upang kami’y maging marapat makinabang sa mga

pangako ni Hesukristong aming Panginoon, Amen.

Lahat: Makapangyarihan at walang hanggang Diyos na sa

tulong ng Espiritu Santo ay inihanda Mo ang kaluluwa’t katawan ng

maluwalhating Inang Birhen Maria upang maging marapat na tahanan

ng Iyong Anak; ipagkaloob mo na kaming nagagalak sa paggunita kay

Maris ay maligtas sa tulong ng kaniyang mairugung pamamagitan, sa

kasalukuyang mga kasamaan at sa kamatayang walang hanggan. Sa

pamamagitan rin ni Hesukrsitong aming Panginoon. AMEN.

19. Awitin: Ina Poon Bato

Page 19: Holy Rosary

Ina Poong Bato, Mahal na Birhen

Tulungan Ninyo kami sa araw-araw naming suliranin,

Sa aming mga kasalanan, Ipanalangin Ninyo’t patawarin

Samatuwid na landas Kami ay inyong akayin

Ina Poon Bato, Mahal na Birhen

Kayo ang Ina, tanging pag-asa namin

Anuman ang Inyong ipagkaloob sa amin

Buong pusong pasasalamatan at tatanggapin

Mahal na Ina ng Diyos, Mahal na Birhen

Kayo ang Ina, tanging pag-asa namin

20. Luwalhati sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo

Kapara ng sa unang-una, ngayon at magpakailan man at mag-

pasawalang hanggan. Siya Nawa (3x)

21. Pasasalamat

Pinasasalamatan Ka po namin, O Diyos na Makapangyarihan, sa

lahat ng mga pagpapalang ipinagkaloob Mo sa amin, Ikaw ng

nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

Santa Maria pinagpalang Ina ipamagitan Mo po ang lahat naming

hangarin, pagkilos at gawain sa gabing ito ay maukol lamang sa lalong

ikararangal at ikaluluwalhati ng Kadakilaan ng Diyos na Panginoon.

Manatiling palagi sa amin ang biyaya ng Diyos (3x)

Ave Maria Purissima ………………………………..(3x)

Page 20: Holy Rosary

Sin Picado Con Su Vida …………….……(3x)

Alleluia……………………………………………………………..(3x)

22. Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaating lahat mula

sa ating Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, AMEN.

Page 21: Holy Rosary

LABINGLIMANG (15) PANGAKO NG

MAHAL NA INA SA NAGDADASAL

NG SANTO ROSARYO

1. Sino mang matapat na nagsisilbi sa aling sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo ay makatatanggap ng mahalang grasya.

2. Ipinapangako ko ang aking tanging pagsanggalang at grasya sa lahat ng magdarasal ng Rosaryo.

3. Ang Rosaryo ay isang malakas na baluti laban sa impyerno, ito ay nakagigiba sa bisyo, nakababawas sa kasalanan at nakalalaban sa maling pananampalataya.

4. Ito ay magiging sanhi ng kabaitan at mga banal na gawain para sa kaluwalhatian; ito ay makapagkakamit para sa mga kaluluwa ng masaganang awa ng Diyos, ito ay makapaglalayo sa puso ng tao sa hangaring kamunduhan at kawalang halaga nito. Ang Santo Rosaryoay magtataas sa kanila sa pagnanais sa walang hanggang kaligayahan; o kaya’y magpakabanal ang mga tao sa pamamagitan ng Rosaryo.

5. Ang mga kaluluwang naglalagak ng kanilang sarili sa akin sa pamamagitan ng Rosaryo ay hindi mapapahamak.

6. Sino mang magdasal ng mataimtim ng Rosaryo habang nagninilay ng mga misteryo ay hindi malulupig ng kasawiang-pasiya. Hindi siya mamamatay ng kamatayang walang paghahanda, kung siya’y nabubuhay ng matuwid. Siya ay mamamalagi sa buhay na walang hanggan.

7. Sino mang may matapat na debosyon sa Rosaryo ay hindi mamamatay ng walang sakramentong ng Iglesya.

8. Ang mga matatapat sa pagdarasal ng Santo Rosaryo ay magakaroon sa buhay at sa kamatayan ng liwanag ng Diyos at ng kasaganaan ng grasya. Sila ay makakalahok sa kagalingan at kabitihan ng mga Santo sa PARAISO.

9. Aking hahanguin sa purgatoryo ang mga deboto sa Rosaryo.

10.Ang matatapat na anak ng Aking Rosaryo ay magkakamit ng mataas na kaluwalhatian sa langit.

Page 22: Holy Rosary

11.Kakamtan ninyo ang ano mang hihingin sa akin sa pamamagitan ng Santo Rosaryo.

12.Lahat ng magkalat ng debosyon sa Santo Rosaryo ay tutulungan ko sa kanilang pangangailangan.

13.Aking natanggap sa Aking Anak na Diyos na ang lahat na tagataguyod ng Rosaryo ay nagkakaroon ng tagapamagitan sa buong kalangitan.

14.Ang lahat ng nagdarasal ng Santo Rosaryo ay ibibilang kong anak at kapatid ng bugtong kong Anak nasi Hesus.

15.Ang debosyon sa aking Rosaryo ay isang dakilang tanda ng katalagahang pagkaligtas ng isang tao.

KAHULUGAN NG SANTO ROSARYO

1. Sandata ng tao upang makarating sa Mahal na Ina

2. Panlaban sa lahat ng klase ng kasamaan

3. Ang mga butyl nito ay mga Banal na daraanan ng mga tao.

4. Sino mang hindi humawak at magdasal nito ay walang puwang sa Mahal na Ina

5. Walang kapatawaran ang sino mang yumurak nito

6. Nakalilinis sa mga kaluluwa ng tao

7. Nakatutulong sa mga kaluluwa ng namatay na nasa impyerno at kalawakan.