Upload
mark-cua
View
934
Download
7
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Philippine Informal Reading InventoryPhil-IRI for School Year 2014-2015Filipino 3PretestOral Reading TestDepEdReading Material
Citation preview
SY 2014-2015 Elementary Education Division, NCR – Filipino Area
Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________
Pagganyak: Paano kayo tumutulong upang mapanatiling malinis ang
inyong bahay? Mahalaga ba ang pagtutulungan upang
mapanatili ang kalinisan? Alamin natin kung paano ito nagbigay ng tagumpay sa Baitang III.
Gr. III Bilang ng mga Salita: 73
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng ating kwento? ________ Sagot: Tagumpay ng isa, tagumpay ng lahat
2. Alin ang napiling pinakamalinis na silid-aralan? ________
Sagot: sa Baitang III
3. Sino ang tumanggap ng premyo? ________
Sagot: Si Jose
4. Bakit kaya Baitang III ang nagwagi sa paligsahan? ________
Maaaring Sagot:
Dahil nagpunas sila ng mga bintana at dingding.
Dahil nagtanim sila ng halaman at gulay.
Dahil araw-araw silang naglilinis.
Dahil sila ay nagbayanihan. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Phil-IRI Form 1 – Oral Pretest
Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat
“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang Baitang III. ”
Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.
Tinanggap ni Juan ang premyo bilang pangulo ng kanilang klase.
“ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang mga aklat sa kabinet, nagpunas ng mga
bintana at pader. Sama-sama rin kaming nagtanim ng mga gulay at
halamang namumulaklak. Araw-araw namin itong ginagawa. Nanaig
ang bayanihan sa amin.”
Literal
Pagpapaka-
hulugan
SY 2014-2015 Elementary Education Division, NCR – Filipino Area
5. Ano kaya ang naramdaman ng gurong tagapamahala
nina Jose ng sila ay nanalo? ________
Maaaring Sagot
Masaya
Natutuwa
Ipinagmamalaki niya ang kanyang mag-aaral. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
6. Kung sasali ang inyong klase sa paligsahan ng
pinakamalinis na silid-aralan, ano ang gagawin
ng inyong klase upang manalo? ________
Maaaring Sagot:
Hindi kami magkakalat.
Maglalagay kami ng kurtina sa bintana.
Hihingi ng tulong sa magulang upang mapinturahan
ang klase.
Magtutulungan kami sa paglilinis. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
7. May iba’t ibang paligsahan na nagaganap sa inyong
paaralan, magbigay ng isa mga paligsahang ito
at bakit ito ang gusto mong salihan? ________
Maaaring Sagot:
Slogan Contest, nais ko pong mahasa ang aking
talino sa pagsulat.
Pagpipinta, nais ko pong mahasa o gumaling
sa pagguhit at pagpipinta. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
Paglalapat
SY 2014-2015 Elementary Education Division, NCR – Filipino Area
Phil-IRI Form 1 – Pretest
Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat
“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang
Baitang III. ”
Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.
Tinanggap ni Juan ang premyo bilang pangulo ng kanilang klase. “ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang mga
aklat sa kabinet, nagpunas ng mga bintana at pader. Sama-sama din kaming nagtanim ng mga gulay at halamang
namumulaklak. Araw-araw naming itong ginagawa. Nanaig ang bayanihan sa amin.”