of 11 /11
Pililla National High School Pililla, Rizal

Ang Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician

  • Author
    mc-weh

  • View
    555

  • Download
    40

Embed Size (px)

Text of Ang Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician

Slide 1

ANG TAGUMPAY NG PLEBEIAN LABAN SA PATRICIANPililla National High SchoolPililla, Rizal

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga Plebeian noong 494 BCE upang makamit ang pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang banal na bundok.Pleibeians-mga karaniwang tao na angmula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa.

Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga Patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga Plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin ng dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga Plebeian ng dalawang mahistrado o Tribune na magtatanggol sa kanilang karapatan.

Patrician-nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa.Tribune-sampung pinuno na siyang magsusulong ng kanilang interes sa pamahalaan.

May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga Plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang iang panukalang batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na Veto! (Tutol Ako!).

Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na karapatan ang Plebeian. Noong 451 BCE, dahil sa mabisang kahilingan ng mga Plebeian, nasulat ang mga batas sa 12 lapidang tanso at inilgay sa Rostra ng Forum upang mabasa ng lahat.

Ang 12 Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panglilinlang sa mga Plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapag-asawa ng Patrician, mahalal na konsul, at maging kasapi ng senado.

Pagsapit ng 287 BC, pantay na ang karapatang tinatamasa ng mga patrician at Plebeian. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang kapangyarihang pulitikal ay nasa kamay pa rin ng mga patrician at ilang mayayamang plebeian. Patunay ito na ang republika at ang senado ay nasa kapangyarihan pa rin ng iilang mamamayan.

Mga Miyembro Tochie Rubian

Angelica Mae Pajalla

Giselle MalolesMargareth Gimena

Louvia Ramos

Mary Cris Retuerma

Jonathan Jr. Marcelino

KAMI ANGPANGKAT 3

null311062.53null19043.232null27663.838