11
F I L I P I N O 4 Modified InSchool OffSchool Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELFINSTRUCTIONAL MATERIALS URI NG PANGNGALAN Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino teachers guide grade VI

Citation preview

Page 1: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

F I L I P I N O  

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 

URI NG PANGNGALAN 

Department of Education 

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 

Page 2: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 

DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education 

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

  This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.  

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

1

URI NG PANGNGALAN

A. Isulat ang titik T sa patlang kung ang tinutukoy sa bawat

bilang ay pangngalang tao, H sa hayop, B sa bagay o P sa pook.

_____ 1. lapis _____ 6. higad _____ 2. Graciela _____ 7. Saranggani _____ 3. Bulevard _____ 8. adidas _____ 4. dikya _____ 9. Tandang Sora _____ 5. punungkahoy _____ 10. Lungsod ng Palawan

B. Piliin naman sa talata ang mga pangngalan. Isulat rin sa

sagutang kuwaderno.

Si Don Diegong hari sa Hungary ay may apat na anak na ubod nang gaganda, ngunit ang bunsong si Flocerfida ang pinakatampok sa lahat. Hindi kataka-takang napakaraming prinsipe, konde, duke at kabalyero ang nagsisipagsadya sa palasyo ng hari upang hingin ang kamay ng prinsesa.

Ganito ba ang iyong mga sagot? A. 1. B 4. H 7. P 10. P 2. T 5. B 8. B 3. P 6. H 9. T B. 1. Don Diego 6. prinsipe 11. prinsesa 2. hari 7. konde 12. palasyo 3. Hungary 8. duke 13. kamay 4. anak 9. kabalyero 5. Flocerfida

Magaling!

Pagbalik-aralan Mo

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapag-uuri ng pangngalan bilang kongkreto o di-kongkreto at magagamit nang wasto sa talata, usapan at balita ang mga pangngalang ito.

Page 4: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

2

Basahin ang kwento

Si Prinsipe Bantugan

Sa katimugang bahagi ng ating bansa may mga kapatid tayong hindi Kristiyano. Muslim ang tawag sa kanila. Masasabi ring mas nakararami ang bilang ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao kung ihahambing sa iba pang lugar sa bansa.

Hindi mapasusubalian ang katanyagan ng kuwento tungkol kay Prinsipe Bantugan lalo na sa gawing Lanao ng Mindanao. Kadalasang nagpasalin-salin na ito sa bibig ng bawat Muslim.

Dito sa parteng Lanao, may kaharian si Haring Madali. May kapatid

siyang binata, si Prinsipe Bantugan na makisig at kilala sa tapang. Dahil sa kanyang katapangan ay walang sinumang mangahas na makidigma sa kanilang kaharian. Sa kakisigan naman niyang taglay ay napakaraming dalaga ang nabighani at umibig sa kanya.

Gayon na lamang ang pagkainggit na naghari sa buong katauhan ni

Haring Madali. Sadyang hindi niya matanggap na higit na makalalamang ang katangian ni Prinsipe Bantugan.

“Ako ang hari at prinsipe lamang siya. Hindi ko mapahihintulutang madaig

niya ako sa lahat ng bagay,” wika sa sarili ni Haring Madali.

Pag-aralan Mo

Page 5: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

3

Hindi siya mapalagay. Kailangang makaisip siya ng paraan kung paano

madadaig ang kapatid na binata. “Simula ngayon ay ipinagbabawal ko sa lahat ang makipag-usap kay

Prinsipe Bantugan. Ang sinumang hindi sumunod sa aking tagubilin ay aking parurusahan,” utos ni Haring Madali.

“Bakit kaya ipinag-uutos ng hari na huwag nating kausapin ang kanyang

kapatid?” mahinang tanong ng isang tanod. “Marahil naiinggit siya sa kakisigan ni Prinsipe Bantugan,” sagot ng isa. “Oo, mas makisig kasi kaysa sa kanya si Prinsipe Bantugan at mas

matapang pa, “ tugon ng isa pang tanod. “Sssh . . . huwag tayong maingay at baka marinig tayo ni Haring Madali e,

mapapadali ang kaparusahan sa atin,” patawang sabi ng unang tanod. At nagtawanan ang mga tanod. Maraming tao ang natakot sa kautusan ng hari kung kaya’t minarapat na

lang nilang iwasang makipag-usap kay Prinsipe Bantugan kahit mahal na mahal nila ito.

Labis na dinamdam ni Prinsipe Bantugan ang utos ng kapatid. “Bakit kaya ipinag-utos ng hari na huwag akong kausapin ng mga tao?”

nagtataka niyang wika sa sarili. “Malungkot ang ganitong buhay, wala kang makausap,” patuloy niya.

Nag-isip si Prinsipe Bantugan kung ano ang nararapat niyang gawin.

Napagpasiyahan niyang umalis na lang sa kanilang kaharian. Nagtungo siya sa ibang bayan.

1. Ano ang tawag sa mga kapatid nating di Kristiyano sa katimugan ng

bansa? 2. Ano ang pangalan ng Hari at ng kapatid nito? 3. Saang lugar naroroon ang kaharian ni Haring Madali? 4. Kung ikaw si Haring Madali, ano ang iyong gagawin? Bakit? 5. Ano ang natatanging katangian ng mga pangunahing tauhan sa kwento

ang maaaring tularan mo? Bakit?

Page 6: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

4

Ibigay ang lahat ng mga pangngalan na matatagpuan sa kwento. Maaari mong sundan ang sumusunod na halimbawa.

KONGKRETO DI-KONGKRETO

binata pagkabighani Mindanao kaparusahan _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________

Ang pangngalang binata ay tumutukoy sa isang lalaki. Ang pangngalang Mindanao

Ang kapatid kong binata ay mahilig umawit. Mahusay rin siya sa pagtugtog ng gitara. Isang araw siya raw ay magiging tanyag ng musikero. Ginamit na muli ang salitang binata sa talata. Alin pa sa talata ang iyong makikita at mahahawakan? Hindi ba’t ang pangngalang

ay tumutukoy sa isang malaking pulo sa Pilipinas. Ang pangngalang binata at Mindanao ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pangngalang kongkreto katulad ng upuan, kusina at iba pa. Ang mga ito’y iyong makikita at maaaring mahawakan.

gitara at musikero? Magaling Pansinin mo naman ngayon ang nasa ikalawang hanay. Ang salitang pagkabighani ay pangngalang nagpapahiwatig ng nadarama ng isang tao. Ang salitang kaparusahan

Alin pa ang salitang nagbibigay ngalan sa isang kaisipan, nadarama at pangyayari maliban sa

ay pangngalang tumutukoy naman sa isang kaisipan tungkol sa parusa. Ang mga pangyayari, kaisipan, iniisip at nadarama katulad ng pagkabighani at kaparusahan ay mga pangangalang hindi kayang hawakan at hindi nakikita. Pangngalang di-kongkreto ang turing sa mga ito.

kaparusahan? Katarungan ba ang iyong sagot? Mahusay! Anu-ano pa ang mga pangngalang naitala mo sa hanay na may titulong kongkreto? sa hanay na di-kongkreto?

Nararapat na bigyan ng kaparusahan ang sinumang nagkasala upang makamit ang minimithing katarungan ng kaawa-awang biktima.

Page 7: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

5

Suriin mong muli kung ganito ba ang iyong ginawa.

KONGKRETO DI-KONGKRETO binata Haring Madali kaparusahan Prinsipe Bantugan katanyagan dalaga matapang Lanao katapangan Mindanao kakisigan muslim pagkainggit Kristiyano kautusan kapatid

\

• Ang pangngalang kongkreto

• Ang

ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,

bagay o pook na nakikita, nahihipo, nalalasahan, naaamoy,

natitimbang, nasusukat o naririnig.

pangngalang di-kongkreto

ay mga kaisipan o damdaming

tumutukoy sa pangyayari, iniisip o nadarama.

Isaisip Mo

Ngayong tama ang iyong ginawa, maaari ka nang magsanay sa susunod na bahagi.

Page 8: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

6

A. Basahin ang mga salitang nasa hapag kainan. Gumawa sa

sagutang kuwaderno ng talahanayan. Sa hanay A ay itala ang mga pangngalang kongkreto at pangngalang di-kongkreto naman sa hanay B.

Pagsanayan Mo

Page 9: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

7

B. Magbigay ng limang kongkreto at di-kongkretong mga salita

at gamitin ito sa inyong sariling mga pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno. Hal.: 1.

2.

kahon Si Pepito ay madalas mamulot ng mga kahon para ipagbili.

Nagpamalas ng pambihirang gilas at lakas si Manny Pacquiao sa kanyang huling laban.

gilas, lakas

1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ 3. ___________________________________________________ 4. ___________________________________________________ 5. ___________________________________________________

A. Punan ang tsart.

Pangngalang Kongkreto

Pantao Bagay Lugar

Hal. Kiko Prutas silid 1. 2. 3. 4.

Subukin Mo

Ngayong lubusan mo nang nalaman kung ano ang

pangngalang kongkreto at pangngalang di-kongkreto at

nagagamit mo na nang tama ang mga ito sa pangungusap,

maaari ka nang dumako sa bahaging “Subukin Mo”

Page 10: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

8

5. Pangngalang Di-Kongkreto

Pangyayari Kaisipan Nadarama

Hal. pagtatapos kagipitan pagkatakot 1. 2. 3. 4. 5.

B. Sipiin ang tula sa kwaderno. Ipaloob sa lobo ang pangngalang kongkreto at sa dahon

naman ang pangngalang di-kongkreto. Gumamit ng krayola sa pagsagot.

LUPANG HINIRANG…

DUYAN KA NG MAGITING (Tula)

Mutyang Pilipinas, bayang minamahal Lupang tinubuan ng lahing marangal;

Nakatulad mo’y perlas ng silangan Na may hatid-ganda at yaman sa tanan.

Ikaw ay nilikha ng Poon sa langit.

Kaloob mo’y dagat, bundok, lupa’t bukid; Sagana sa puno’t halamang makisig Mayaman sa isda’t perlas na marikit.

Mayama’t malawak ang lupang sakahan,

Sagana ang gubat sa mga minahan; Tubig sa ilog mo ay pagkalinamnam

Pang-alis ng pagod, ng uhaw, at lumbay.

Dahil sa taglay mong yaman, yumi’t ganda, Kayraming dayuhang sa iyo’y nahalina; Sa taglay na tapang ng anak mo, sinta Dumanak ang dugo’t ipinaglaban ka.

* Mula sa aklat na Bagong Filipino sa Salita at Gawa nina Angelita L. Aragon at Zenaida S. Badua

Binabati kita! Makapagpapatuloy ka na sa susunod mong modyul.

Page 11: FIL 4 MISOSA - Uri Ng Pangngalan

9