Hekasi 4 Misosa - 12. Mga Likas Na Yaman Ng Bansa

  • Upload
    wwwrokr

  • View
    699

  • Download
    12

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Likas na yaman

Citation preview

  • HEKASI4

    ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)DistanceEducationforElementarySchoolsSELFINSTRUCTIONALMATERIALS

    MGALIKASNAYAMANNGBANSADepartmentofEducationBUREAUOFELEMENTARYEDUCATION2ndFloorBonifacioBuildingDepEdComplex,MeralcoAvenuePasigCity

  • Revised2010bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),

    DepEdDivisionofNegrosOccidentalundertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation

    inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).

    ThiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistributionthroughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupportedbyAusAID.

    Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  • 1

    GRADE IV

    MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSA

    Alam mo ba na ang ating bansa ay biniyayaan ng mga likas na yaman.

    Sa likas na yaman nanggagaling ang mga pangunahing kailangan ng mga tao at ng bansa.

    Tingnan mo ang larawan. Ano ang likas na yaman ang matatagpuan dito?

    Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga likas na yaman ng ating bansa. Anu-ano kaya ang mga ito?

    ALAMIN

  • 2

    Bago ka magpatuloy sa pag-aaral, subukin mong sagutan ang sumusunod.

    A. Isulat ang hinihingi sa bawat bilang.

    1. Magbigay ng mga halimbawa ng mga anyong-lupa. a. __________________

    b. __________________

    c. __________________

    d. __________________

    e. __________________

    2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga anyong-tubig.

    a. __________________

    b. __________________

    c. __________________

    d. __________________

    e. __________________

    Naibigay mo ba ang mga hinihingi sa bawat bilang? Magaling! Alam mo bang ang mga anyong lupa at tubig ay may malaking kaugnayan

    sa paksang tatalakayin natin Handa ka na ba?

    PAGBALIK-ARALAN MO

  • 3

    Suriin mo ang graphic organizer

    sa ibaba.

    Ipinakikita ng diagram ang mga uri ng likas na yaman. Ito ang mga

    yamang lupa, yamang gubat, yamang tubig at yamang mineral.

    PAG-ARALAN MO

    Likas na Yaman

    Yamang Lupa

    Yamang Gubat

    Yamang Tubig

    Yamang Mineral

    Lupang sakahan

    Mga punongkahoy

    Pangisdaan Metal na Mineral

    Di-metal na Mineral

    Lupang pastulan

    Buhay ilang

    Lupang panirahan

  • 4

    Suriin mo ang sumusunod na mga larawan Ang yamang lupa ay pangunahing likas na yaman na nagtutustos ng

    mga kailangan ng tao upang mabuhay. Ang mga pangunahing pangangailangang ito ay pagkain, tahanan, kasuotan at mga gamot. Sa lupa rin umaasa ang mga halaman at hayop na ginagamit ng tao para matugunan ang kanilang mga kailangan.

    Alin ang itinuturing na pinakamahalagang likas-yaman ng bansa?

  • 5

    Bakit ito itinuturing na pinakamahalag? Maglibot ka sa inyong pamayanan. Malawak ba ang mga lupang taniman dito? Bukod sa lupang taniman,

    ano pa ang mga yamang lupang matatagpuan sa inyong pook? Sa paanong paraan ginagamit ito ng mga tao?

    Basahin mo naman ito.

    Yamang Tubig Pangunahing yamang tubig ng bansa ang mga pangisdaan. Ito

    ay sa dahilang ang ating bansa ay napaliligiran ng tubig. May mga dagat, lawa, ilog at sapa sa ating bansa na napagkukunan ng ibat ibang uri ng isda, perlas, kabibe, alimango, hipon, damong dagat at marami pang iba.

  • 6

    Narito ang mapa ng Pilipinas. Ipinakikita rito ang mga

    pangunahing pangisdaan sa ibat ibang bahagi ng ating bansa. Dahil dito, isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng

    mga Pilipino ang mga pangisdaan sa bansa. Ang Dagat Sulu at mga tubigan sa Palawan ang pinagkukunan ng

    maraming isda, gayunpaman, halos lahat ng lalawigan sa bansa ay may mga pangisdaan at palaisdaan

  • 7

    Narito ang talaan ng mga pangunahing pangisdaan.

    1. Dagat Sulu 2. Dagat Bisaya 3. Malampaya Sound 4. Look ng Maynila 5. Look San Miguel sa pagitan ng Camarines Norte at

    Camarines Sur 6. Look Sibuguey sa timog ng Zamboanga del Sur 7. Look Tayabas sa timog ng Quezon 8. Golpong Moro sa pagitan ng Zamboanga at Cotabato 9. Look Lamon sa silangan ng Quezon at timog ng Pulo ng

    Pollilo 10. Dagat Samar.

    1. Gumuhit ka ng isang mapa ng Pilipinas sa iyong kuwaderno. Ipakita mo ang mga pangunahing pangisdaan sa bansa.

    2. Kung may pangisdaan sa inyong lugar, itala ang mga nakukuha rito.

    Yamang Gubat

    Isa pa ring mahalagang likas na yaman ng bansa ang yamang gubat. Ang mga produktong mula sa gubat tulad ng troso, kahoy, katas ng mga halamang iniha-halo sa paggawa ng gamut, pabango at langis sa buhok ay nagbibigay ng malaking kita sa bansa.

  • 8

    Nakatutulong din ang mga punongkahoy sa mga kagubatan at

    bundok sa pagpigil ng baha at malalakas na hangin. Ang mga ugat ng mga punongkahoy ay sumisipsip sa tubig-ulan upang hindi magkaroon ng biglaang pagbaha sa mga kapatagan.

    May ibat-ibang uri nga kahoy ang makikita sa kagubatan ng Pilipinas.

    Ang dipterocarp ang pinakamataas na uri ng kahoy sa bansa. Kinabibilangan ito ng tangile, apitong, lawaan, yakal, at guya. Iniluluwas ang mga ito sa ibang bansa.

    Ang ikalawang uri ay ang molave. Kabilang dito ay nara, dao, tindalo at ipil. Ginagamit ang mga ito sa pagyayari ng magagandang klase ng cabinet at mga kasangkapan.

    Ang mga pino ay ikatlong uri ng kahoy. Matatagpuan ito sa

    Hilagang Luzon tulad ng mga lalawigang bulubundukin. Ginagamit ito sa paggawa ng bahay at sa paguukit ng ibat ibang gamit.

    Ang mangrove o bakawanang pang-apat na uri ng kahoy. Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng uling. Karaniwang makikita ang mga ito sa bunganga ng dagat, ilog o sapa.

    Sa iyong palagay, paano pa maaaring pakinabangan ng mga tao sa bansa ang mga yamang gubat?

    Isa pa sa nagbibigay ng malaking kita sa bansa ang mga yamang

    mineral. Ano nga ba ang yamang-mineral? Sa anong mga mineral sagana ang ating bansa?

  • 9

    Basahin ito.

    Yamang Mineral Maraming kabundukan ang Pilipinas. Karaniwang sa mga bundok

    nakikita ang ibat-ibang minahan. Ang pagmimina ay isa sa pangunahing industriya ng bansa. May dalawang uri ng mineral. Ang mineral na metal at mineral na di-metal.

    Sinasabi na may 22 uri ng metal na mineral na namimina sa bansa. Ilan sa mga ito ang ginto, pilak, tanso, bakal, manganese, nikel, mercury, chromite at zinc. Sa mga ito, ang ginto ang pinakamahalagang mineral na metal. Ang malaking deposito ng ginto ay nasa Baguio, Paracale, Camarines Sur, Masbate, Bulacan at Surigao. Itinuturing ang Pilipinas na pinakamalaking tagapagluwas ng ginto sa buong Asya at isa sa sampung pangunahing tagapagluwas sa buong mundo.

    Narito ang mapa ng Pilipinas na ipinakikita ang minahan ng metal na mineral.

  • 10

    Ang mga di-metal na mineral ng Pilipinas ay kinabibilangan ng luwad, buhangin at bato, apog, silika, marmol, guano.

    Nasa Romblon ang pinakamalaking deposito ng marmol. Ang guano o dumi ng mga paniki ay matatagpuan sa mga kuweba ng Zambales, Palawan at Panay. Mayroon na ring mina ng langis sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Palawan.

    Batay sa pinag-aralan mo, sagutin ang sumusunod na pagsasanay.

    A. Panuto. Basahin ang bawat pangungusap. Sabihin kung ang isinasaad nito ay katotohanan o di-katotohanan

    Yamang Lupa

    . Isulat sa kuwaderno ang sagot.

    1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng saganang likas na yaman. 2. Ang kabibe at kapis ay bahagi ng produktong galing sa dagat. 3. Nasa kapatagan ang malalaking kagubatan ng bansa. 4. Ang pangingisda ay isa sa pangunahing industriya ng bansa. 5. May mina na ng langis sa Pilipinas. 6. Kakaunti ang pook pangisdaan sa Pilipinas. 7. Ang bundok isa sa yamang lupa ng bansa. 8. Ang mga punongkahoy ay nakatutulong sa pagpigil ng malalakas na

    pagbaha. 9. Nagbibigay ng malaki kita sa bansa ang pagluluwas ng mga kahoy sa

    ibang bansa. 10. Ang langis ay isang uri ng metal na mineral.

    B. Pangkatin ang sumusunod na likas na yaman ng bansa sa:

    Yamang Tubig

    Yamang Gubat

    Yamang Mineral

    PAGSANAYAN MO

  • 11

    1. hipon 2. punongkahoy 3. isda 4. ginto 5. apitong 6. tirahan 7. marmol 8. gulay 9. pusit 10. usa 11. chromite 12. pastulan

    13. dao 14. guano 15. ibon 16. taniman ng palay 17. nikel 18. langis 19. bakawan 20. lutuingan 21. damong dagat 22. perlas 23. apog

    Ang mga likas na yaman ng bansa ay binubuo ng yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat at yamang mineral.

    Ang mga likas na yaman ay nagbibigay sa pangangailangan ng mga

    bansa.

    Ang yamang lupa ng Pilipinas ay napagtataniman ng sari-saring pananim.

    Nakukuha sa mga ilog, lawa at dagat ng Pilipinas ang ibat-ibang uri ng

    isda, kabibe at hipon.

    May dalawang uri ng yamang mineral, metal at di-metal na mineral.

    TANDAAN MO

  • 12

    Ano ang gagawin mo?

    1. Kasapi ka sa isang samahan ng mga mag-aaral sa inyong paaralan. Kayo ay nangangampanya upang pangalagaan ang mga puno at halaman sa inyong lugar. Katulong din ninyo ang mga kagawad ng inyong barangay.

    2. Narinig mo sa radyo na may darating na bagyo sa inyong lugar. Namimintog na ang mga butil ng palay at malapit na itong anihin.

    3. Nakita mo ang nakapaskil na babala na bawal pumutol ng puno sa lugar na iyong pinapasyalan. Sa di kalayuan may nakita kang mga bata na nagpuputol ng mga batang puno sa paligid.

    4. Dumalo ka sa pulong ng barangay. Pinag- usapan dito ang dapat gawin upang mapanatiling malinis ang mga ilog sa inyong lugar upang patuloy na mabuhay ang mga isda at iba pang yamang tubig.

    5. Namimingwit ka ng isda kasama ang iyong mga kaibigan. Marami kayong nahuling isda. Ipinakita ng bawat isa ang kani-kanilang huli. Napansin mong karamihan sa mga isda na inyong nahuli ay maliliit pa.

    ISAPUSO MO

  • 13

    A. Awitin ang awit sa ibaba sa himig ng Leron, Leron, Sinta.

    Likas na Yaman

    (Himig: Leron, Leron, Sinta)

    Bundok, gubat, ilog Bukid, dagat, lawa Mga punongkahoy Saka mga hayop Ang lahat ng ito

    Ay likas na yaman Ang lahat ng ito

    Yaman nitong bayan

    B. Isakilos at bigyang-kahulugan ang awit na natutuhan. Gawin ang mga isinasaad sa bawat bilang.

    1.

    2.

    3.

    4.

    5.

    6.

    7.

    Awit: Bundok, gubat, ilog

    Kilos: Lukso pakaliwa (3x) ............................................................. 16 blg.

    Awit: Bukid, dagat, lawa

    Kilos: Igpaw pakanan (3x) ............................................................. 16 blg.

    Awit: Mga punongkahoy

    Kilos: Pagpapadulas pasulong (3x) ............................................... 16 blg.

    Awit: Saka mga hayop

    Kilos: Pagpapadulas paurong (3x) ................................................ 16 blg.

    Awit: Ang lahat ng ito

    Kilos: Tumakbo nang mabagal sa kinaroroonan .......................... 16 blg.

    Awit: Ay likas na yaman

    Kilos: Umiskape pakaliwa (3x) ....................................................... 16 blg.

    Awit: Ang lahat ng ito

    Kilos: Pagpapadulas pakaliwa, pakanan ....................................... 16 blg.

    GAWIN MO

  • 14

    8. Awit: Yaman nitong bayan

    Kilos: Pagtataas ng dalawang kamay na nakabuka nang

    bahagya ang mga paa ......................................................... 16 blg.

    C. Lumikha ng isang dibuho na magtatampok sa Likas na Yaman ng bansa sa

    pamamagitan ng Crayon Resist.

    Crayon Resist Mga Kagamitan: Krayola Water Color Bond Paper Maliit na lalagyang may lamang tubig Paint brush Pamamaraan: 1. Iguhit sa ibat ibang kulay ang inyong disenyo gamit ang krayola. Gamitin

    ang ibat ibang linya at mga hugis. Maglagay ng mga espasyo. Gumamit ng mga makakapal na linya.

    2. Punuan ang ibang mga espasyo ng kulay na ibat iba. Gawing madiin ang

    pagkukulay. 3. Pintahan ang natitirang mga espasyo ng itim na water color. Gumamit ng

    isang direksiyon sa pagpipinta.

    D. Magtanim ng anumang uri ng halaman sa inyong likod bahay. Maaari ring magtanim ng punla sa lata, sa plastik o sa paso kung walang mapagtatanimang lugar.

  • 15

    Piliin ang titik ng tamang sagot.

    1. Ang ating kakahuyan ay nasisira bawat taon. Kung magpapatuloy ang ganitong pagkapinsala ng kagubatan, tayo ay daranas ng _______________________.

    a) tagtuyot baha b) kahirapan sa pagpapatayo ng bahay c) panghihina ng katawan d) kakulangan sa ibon at iba pang hayop sa gubat

    2. Maipakikilala ang wasto at maingat na paggamit ng likas na yaman sa pamamagitan ng __________________________.

    a) pagtatapon ng basura sa ilog b) paggamit ng lambat na pino ang butas sa pangingisda c) paghuli ng natatanging hayop-gubat d) pagpili ng punongkahoy na dapat putulin

    3. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Bakit mahalaga sa bansa ang pagkakaroon ng saganang likas na yaman?

    a) ginagawang dekorasyon at kasangkapan sa bahay b) nagbibigay ng mga produktong pagkain c) nagagawang libangan at tirahan ng tao at hayop d) pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng tao at bansa

    4. Ibat ibang halaman ang nabubuhay sa ibat ibang lugar. Bakit hindi pinisan ng Diyos ang likas na yaman sa iisang lugar?

    a) pantay ang pagtingin ng Diyos sa mga tao b) maiwasan ang inggitan ng mga tao c) nang hindi magkapareha ang mga aning produkto d) iba-iba ang klima sa bawat lugar

    5. Ano ang maaaring mangyari sa kabuhayan ng bansa kung patuloy ang maling paggamit ng tao sa likas na yaman ng bansa?

    a) pagtatapon ng basura sa ilog b) paggamit ng lambat na pino ang butas sa pangingisda c) paghuli ng natatanging hayop-gubat d) pagpili ng punongkahoy na dapat putulin

    PAGTATAYA

  • 16

    1. Magmasid sa inyong pamayanan. Itala ang mga pinagkukunang

    yaman sa inyong pook at ang mga paraan kung paano nakikinabang ang mga tao rito.

    2. Maaari kang magtanong sa sinumang kasapi o pinuno ng barangay.

    PAGPAPAYAMANG GAWAIN

    Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

    12 - MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSA - Cover12 - MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSAALAMINPAGBALIK-ARALAN MOPAG-ARALAN MOPAGSANAYAN MOTANDAAN MOISAPUSO MOLikas na YamanCrayon Resist

    GAWIN MOPAGTATAYA

    /ColorImageDict > /JPEG2000ColorACSImageDict > /JPEG2000ColorImageDict > /AntiAliasGrayImages false /CropGrayImages true /GrayImageMinResolution 300 /GrayImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleGrayImages true /GrayImageDownsampleType /Bicubic /GrayImageResolution 300 /GrayImageDepth -1 /GrayImageMinDownsampleDepth 2 /GrayImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeGrayImages true /GrayImageFilter /DCTEncode /AutoFilterGrayImages true /GrayImageAutoFilterStrategy /JPEG /GrayACSImageDict > /GrayImageDict > /JPEG2000GrayACSImageDict > /JPEG2000GrayImageDict > /AntiAliasMonoImages false /CropMonoImages true /MonoImageMinResolution 1200 /MonoImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleMonoImages true /MonoImageDownsampleType /Bicubic /MonoImageResolution 1200 /MonoImageDepth -1 /MonoImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeMonoImages true /MonoImageFilter /CCITTFaxEncode /MonoImageDict > /AllowPSXObjects false /CheckCompliance [ /None ] /PDFX1aCheck false /PDFX3Check false /PDFXCompliantPDFOnly false /PDFXNoTrimBoxError true /PDFXTrimBoxToMediaBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXSetBleedBoxToMediaBox true /PDFXBleedBoxToTrimBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXOutputIntentProfile () /PDFXOutputConditionIdentifier () /PDFXOutputCondition () /PDFXRegistryName () /PDFXTrapped /False

    /CreateJDFFile false /Description > /Namespace [ (Adobe) (Common) (1.0) ] /OtherNamespaces [ > /FormElements false /GenerateStructure false /IncludeBookmarks false /IncludeHyperlinks false /IncludeInteractive false /IncludeLayers false /IncludeProfiles false /MultimediaHandling /UseObjectSettings /Namespace [ (Adobe) (CreativeSuite) (2.0) ] /PDFXOutputIntentProfileSelector /DocumentCMYK /PreserveEditing true /UntaggedCMYKHandling /LeaveUntagged /UntaggedRGBHandling /UseDocumentProfile /UseDocumentBleed false >> ]>> setdistillerparams> setpagedevice