14
H E K A S I 4 Modified InSchool Off School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELFINSTRUCTIONAL  MATERIALS REHIYON X HILAGANG MINDANAO Department of  Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex,  Meralco Avenue Pasig City 

Hekasi 4 Misosa - 24. Rehiyon x Hilagang Mindanao

Embed Size (px)

DESCRIPTION

region 10

Citation preview

  • HEKASI4

    ModifiedInSchoolOffSchoolApproachModules(MISOSA)DistanceEducationforElementarySchoolsSELFINSTRUCTIONALMATERIALS

    REHIYONXHILAGANGMINDANAO

    DepartmentofEducationBUREAUOFELEMENTARYEDUCATION2ndFloorBonifacioBuildingDepEdComplex,MeralcoAvenuePasigCity

  • Revised2010bytheLearningResourceManagementandDevelopmentSystem(LRMDS),

    DepEdDivisionofNegrosOccidentalundertheStrengtheningtheImplementationofBasicEducation

    inSelectedProvincesintheVisayas(STRIVE).

    ThiseditionhasbeenrevisedwithpermissionforonlinedistributionthroughtheLearningResourceManagementDevelopmentSystem(LRMDS)Portal(http://lrmds.deped.gov.ph/)underProjectSTRIVEforBESRA,aprojectsupportedbyAusAID.

    Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  • 1

    GRADE IV

    REHIYON X HILAGANG MINDANAO

    Ngayon naman sa modyul na ito ay patutungo ka sa Rehiyon X Hilagang Mindanao na lalong kilala sa tawag na Daungan sa Kaunlaran. Ano kaya ang pagkakatulad nito at pagkakaiba sa iba pang rehiyon na napag-aralan mo na?

    Alamin mo ang mga sumusunod tungkol sa Rehiyon X:

    mga lalawigan at lungsod

    Ito muna ang iyong gawin:

    Sagutin ang mga sumusunod. Isulat mo ang iyong sagot sa kuwaderno.

    1. Anu-ano ang mga lalawigan at lungsod sa Rehiyon IX? 2. Sa 1-3 pangungusap, ilarawan mo ang klima ng rehiyon.

    3. Bakit pagsasaka ang isa sa pangunahing hanapbuhay ng Rehiyon IX?

    4. Bakit kaya kilala sa buong mundo ang perlas na nasisisid sa karagatan

    dito?

    5. Aling hanapbuhay ng rehiyon IX ang maaaring makatulong sa pag-unlad nito? Bakit?

    ALAMIN MO

    PAGBALIK-ARALAN MO

  • 2

    Tingnan mong mabuti ang mapa sa ibaba.

    Ang rehiyon ay naliligid ng sumusunod: Sa Silangan ay Agusan del Sur Sa Hilagang Silangan ay Agusan del Norte Sa Timog Silangan ay Davao Sa Timog ay Cotabato at sa Timog Kanluran ay Lanao del Sur Sa Hilaga ay ang Dagat Bohol Sa Kanluran ay Rehiyon ng Zamboanga Peninsula

    PAG-ARALAN MO

  • 3

    Topograpiya

    Narito ang katangiang pisikal

    Klima

    ng rehiyong ito. Iba-iba ang anyong lupa dito. May mga bundok, kapatagan sa mga baybayin at kapatagan sa gitna ng rehiyon.

    May mga lawa at ilog na nagtutustos ng tubig sa rehiyon. Ang mga ito ay

    ang Lawa ng Iligan, Lawa ng Gingoog at Ilog ng Agusan.

    Sa buong taon ay pantay ang dami ng ulan sa rehiyon. Ligtas ito sa

    dinaraanan ng mga bagyong dumarating sa bansa.

    Produkto at Hanapbuhay: Nasa rehiyong ito ang malawak na kapatagan sa Bukidnon na nagsisilbing

    lupang pansakahan. Ang palay, mais, niyog at abaka ang mga pangunahing pananim dito. Ang pagtatanim ng repolyo, sibuyas at pinya ay angkop sa malamig na klima rito. Matatagpuan sa Bukidnon ang malawak na taniman ng pinya. Dito rin matatagpuan ang malaking pagawaan ng Del Monte, isang kompanya na nagsasalata ng pinya at iba pang mga katulad na produkto. Ang mga ito ay iniluluwas sa ibang bahagi ng bansa gayundin sa ibang bansa.

    Ang kape, kakaw, tubo at goma ay iba pang produktong pansakahan sa

    rehiyon. Matamis na lansones ang naaani sa Camiguin. Ang pagmimina at paggawa ng papel ay ilan din sa iba pang industriya sa Hilagang Mindanao. Dati, ang pagtrotroso ay isa ring maunlad na industriya dito. Nahinto ito upang mapangalagaan ang mga kagubatan.

    Ang isa pang ikinabubuhay sa rehiyon ay ang pag-aalaga ng hayop tulad

    ng baka. Mainam mag-alaga ng baka dito dahil sa malalagong damuhan sa mga talampas ng rehiyon.

  • 4

    Ngayon naman ay subukin mong sagutin ang mga pagsasanay upang masukat mo ang iyong natutunan. Gawin mo ito sa iyong kwadernong sagutan. A. Hanapin sa Hanay B ang binabanggit sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang

    sagot.

    Hanay A Hanay B 1. Lalawigang pinanggalingan ng matamis na a. Del Monte Lansones b. kapatagan 2. Dito matatagpuan ang malawak na taniman ng pinya c. ulan 3. Malaking pagawaan na nagsasalata ng pinya at d. Daungan ng iba pang katulad na produkto Kaunlaran 4. Isang anyong lupa sa Rehiyon X e. baka 5. Pantay ang dami nito na tinatanggap ng rehiyon f. pagtrotroso sa buong taon g. pagmimina 6. Isa ito sa iba pang industriya sa Hilagang Mindanao h. pinya 7. Kilalang tawag sa Hilagang Mindanao i. Camiguin 8. Inaalagaan ito sa malawak na damuhan sa mga j. Bukidnon talampas sa Rehiyon X 9. Industriyang inihinto na upang mapangalagaan ang mga kagubatan 10. Isinasalata ito at iniluluwas sa ibang bahagi ng bansa at maging sa ibang bansa

    PAGSANAYAN MO

  • 5

    B. Hanapin sa mga titik na nasa loob ng kahon ang ngalan ng mga sumusunod na pangunahing produkto ng matatagpuan sa Rehiyon X. Bilugan ang mga ito.

    lansones niyog saging papaya pinya kamatis palay

    A H L A N S O N E S T K S A G I N G

    B I L M N O P Q R S T U V W X Y Z Z

    C J K L M N O P Q R S T U V W K X Y

    D P I N Y A B D A N P Q S T U A V A

    E A C F G H K L N I Y O G N O M P B

    F P G M S D T S D A C T V U P A Q C

    G A I O A F Q W T Y Z A Q P R T S D

    H Y J P C L S R O C J H P Q V I T E

    I A L Q P T V B I T Y E A R Y S U F

    J K L N P O P A L A Y S T V U Y V G

    - Ang Rehiyon X Hilagang Mindanao na kilala sa tawag na Daungan sa Kaunlaran.

    - Ito ay binubuo ng 5 lalawigan (Misamis Occidental, Misamis Oriental, Bukidnon, Lanao del Norte, Camiguin)

    - Sagana sa likas na yaman ang Rehiyon X

    TANDAAN MO

  • 6

    Basahing mabuti ang mga kalagayan ng bawat bilang. Sa iyong sagutang kuwaderno, pangatwiranan mo ang iyong sagot.

    A. Ikaw ay isang mag-aaral sa Rehiyon X. Paano mo ito ipagmamalaki sa

    ibang bata sa ibang rehiyon? B. Napag-aralan mo na ang pagtrotroso ay isa sa mga hanapbuhay ng mga

    tao sa rehiyon. Sa iyong palagay, makabubuti ba ito sa kapaligiran? Kung hindi, ano ang iyong magagawa upang mapahinto ito?

    C. Nabanggit din sa modyul na isa pa ring hanapbuhay sa rehiyon ang pag-

    aalaga ng hayop tulad ng baka. Bakit kaya? Paano ka makatutulong sa pagpapaunlad nito?

    Gawin mo ang mga sumusunod. 1. Gumuhit ng isang tanawin sa rehiyon. Gamitan ito ng crayon etching o

    pagkaskas ng crayon sa pagkukulay.

    2. Gumawa ng mural na ipinakikita ang mga hayop na inaalagaan sa malalagong damuhan sa talampas ng Bukidnon.

    3. Maraming papaya ang inaani sa Rehiyon X. Ang mga ito ay maaaring

    gawing atsara. Subukan mong gumawa nito. Sundin ang sumusunod. Basahin at unawain ang paraan ng paggawa ng atsara.

    ISAPUSO MO

    GAWIN MO

  • 7

    ATSARANG PAPAYA

    Mga Sangkap: 1 hilaw na papaya (katamtaman ang laki) 1 tasang tubig 1 tasang suka 1 kutsaritang asin 2 siling pula 1 karot 1 sibuyas, hiniwa ng manipis 4 na kutsarang asukal na brown 1 ulo ng bawang, hiniwa ng manipis Mga Kagamitan: kutsilyo garapon sangkalan kaserola

  • 8

    Paraan ng Paggawa:

    1. Talupan ang papaya. Biyakin at alisin ang buto.

    2. Gayatin ang papaya. Pigain at palabasin ang katas. Itabi.

    3. Gayatin ang sili, karot, at luya. Itabi muna ang mga ito.

    4. Pagsamahin ang suka, tubig, asukal at asin sa isang mangkok at ilagay sa kaserola. Pakuluan ito.

  • 9

    A. Tingnang mabuti ang mapa. Isulat sa kwadernong sagutan ng lalawigang hinihingi sa bawat bilang.

    5. Ilagay sa mga esterelisadong garapong may takip at imbakin.

    PAGTATAYA

    5

    1

    2

    3 4

  • 10

    B. Balikan ang mapa sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

    1. Aling lalawigan ang nasa hilaga ng Misamis Oriental? __________ 2. Aling lalawigan ang nasa timog ng Misamis Oriental? __________ 3. Anong lungsod ang kabisera ng mga sumusunod na lalawigan? Bukidnon - __________________ Lanao del Norte - __________________ Misamis Occidental - __________________ Misamis Oriental - ___________________ 4. Aling lalawigan ang nasa timog-silangan ng Misamis Occidental?

    __________ 5. Aling lalawigan ang nasa hilaga ng Bukidnon? __________

    C. Buuin ang mga pangungusap sa loob ng talata. Pumili ng angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ito sa sagutang kwaderno.

    Ang rehiyon X ay nasa __________ ng Mindanao. Binubuo ito ng

    __________ lalawigan. Ang pulong lalawigan sa mga ito ay ang

    __________. Ang mga __________ at __________ ang nagtutustos ng

    tubig sa rehiyon. Matatagpuan sa __________ ang malawak na taniman

    ng pinya. Dito rin matatagpuan ang __________, ang kompanyang

    nagsasalata ng pinya. Matatagpuan naman sa Camiguin ang

    napakatamis na __________. Ang __________ at __________ ang iba

    pang industriya ng Rehiyon X.

    apat; lima; Camiguin; Bukidnon; lawa; Del Monte; pinya; lansones; ilog; dagat; pamgmimina; pagtotroso paggawa ng papel; hilagan; silangan

    1

    10

    2

    3 4 5

    6

    7

    8 9

  • 11

    Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

    24- REHIYON X HILAGANG MINDANAO - Cover24- REHIYON X HILAGANG MINDANAOPAGBALIK-ARALAN MOALAMIN MOPAG-ARALAN MOTopograpiyaKlimaPAGSANAYAN MOTANDAAN MOISAPUSO MOGAWIN MOATSARANG PAPAYAPAGTATAYA

    /ColorImageDict > /JPEG2000ColorACSImageDict > /JPEG2000ColorImageDict > /AntiAliasGrayImages false /CropGrayImages true /GrayImageMinResolution 300 /GrayImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleGrayImages true /GrayImageDownsampleType /Bicubic /GrayImageResolution 300 /GrayImageDepth -1 /GrayImageMinDownsampleDepth 2 /GrayImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeGrayImages true /GrayImageFilter /DCTEncode /AutoFilterGrayImages true /GrayImageAutoFilterStrategy /JPEG /GrayACSImageDict > /GrayImageDict > /JPEG2000GrayACSImageDict > /JPEG2000GrayImageDict > /AntiAliasMonoImages false /CropMonoImages true /MonoImageMinResolution 1200 /MonoImageMinResolutionPolicy /OK /DownsampleMonoImages true /MonoImageDownsampleType /Bicubic /MonoImageResolution 1200 /MonoImageDepth -1 /MonoImageDownsampleThreshold 1.50000 /EncodeMonoImages true /MonoImageFilter /CCITTFaxEncode /MonoImageDict > /AllowPSXObjects false /CheckCompliance [ /None ] /PDFX1aCheck false /PDFX3Check false /PDFXCompliantPDFOnly false /PDFXNoTrimBoxError true /PDFXTrimBoxToMediaBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXSetBleedBoxToMediaBox true /PDFXBleedBoxToTrimBoxOffset [ 0.00000 0.00000 0.00000 0.00000 ] /PDFXOutputIntentProfile () /PDFXOutputConditionIdentifier () /PDFXOutputCondition () /PDFXRegistryName () /PDFXTrapped /False

    /CreateJDFFile false /Description > /Namespace [ (Adobe) (Common) (1.0) ] /OtherNamespaces [ > /FormElements false /GenerateStructure false /IncludeBookmarks false /IncludeHyperlinks false /IncludeInteractive false /IncludeLayers false /IncludeProfiles false /MultimediaHandling /UseObjectSettings /Namespace [ (Adobe) (CreativeSuite) (2.0) ] /PDFXOutputIntentProfileSelector /DocumentCMYK /PreserveEditing true /UntaggedCMYKHandling /LeaveUntagged /UntaggedRGBHandling /UseDocumentProfile /UseDocumentBleed false >> ]>> setdistillerparams> setpagedevice