14
Eugene Spencer C. Lopez Sir Allan Ortiz 8- Compostela Valley Agosto 6, 2015 PANITIKAN NG PILIPINAS SA PANAHON NG ESPANYOL AT HAPONES ESPANYOL HAPONES PANAHON NG ESPANYOL Tanong: 1. Nang dumating ang Pilipinas sa bansa, ano ang tema ng uri ng panitikan ang lumaganap noong panahon ng mga Espanyol? Sagot: May dalawang uri ng panitikan ang lumaganap noong panahon ng Espanyol. Ito ang Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang Asal. Ang isa ay ang Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso. na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa. (1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal

ESS Filipino Panitikan Kastila Hapones

Embed Size (px)

DESCRIPTION

research work

Citation preview

Eugene Spencer C. LopezSir Allan Ortiz8- Compostela Valley Agosto 6, 2015

PANITIKAN NG PILIPINAS SA PANAHON NG ESPANYOL AT HAPONES

ESPANYOL HAPONES

PANAHON NG ESPANYOL Tanong:

1. Nang dumating ang Pilipinas sa bansa, ano ang tema ng uri ng panitikan ang lumaganap noong panahon ng mga Espanyol?

Sagot:May dalawang uri ng panitikan ang lumaganap noong panahon ng Espanyol. Ito ang Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang Asal. Ang isa ay ang Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso.na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa.(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal- karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya.- ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit - Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.- Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.- Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa namay ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin angcarillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.- Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.

(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso- karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.- nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.- Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayongmatamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.

Tanong:

2. May dalawang panahon nahati ang panahon ng Espanyol sa panitikan, isa-isahin ito at talakayin ang bawat panahon batay sa kasaysayan, at tema ng panitikang lumaganap sa bawat panahon.Sagot: Panitikan sa panahon ng himagsikan: Ang paksa ay paghingi sa pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan Ang diwang makabayan Ang pag-asam ng kalayaan Panitikan sa panahon ng tahasang paghihimagsik: Ang paksa ay ang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan Pagbibigay payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda upang matamo ang kalayaan.

Tanong:3. Sino-sino ang mga nakilalang manunulat at makata sa bawat panahon ng espanyol. Isa-isahin.

Sagot:Mga kilalalang manunulat sa Panahon ng Himagsikan ng Espanyol

1. Jose Rizal Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.

2. Marcelo H. del Pilar Kilala sa tawag na Plaridel, Piping Dilat at Dolores Manapat Sinulat ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa , Kaigat Kayo at Tocsohan

3. Graciano Lpez-Jaena Kilala sa tawag na Fray Botod Sinulat ang Sa Mga Pilipino

4. Antonio Luna Si Antonio Luna rin ang nagtatag at naging patnugot ng La Independencia, ang dyaryong pang rebolusyon. Sinulat ang akdang Noche Buena, Por Madrid at iba pa

5. Mariano Ponce-isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na hinimok ang mag-rebolusyon ang Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1896.- sinulat :Ang Alamat ng Bulacan, isang katipunan ng mga alamat; Mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan ng Bulacan; Ang Pagpugot kay Longhinos, isang dulang itinanghal sa Liwasang Bayan ng Malolos; Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda; Ang Makasaysayang Pag-aaralTungkol sa Pilipinas, at marami pang iba.

6. Pedro Paterno kauna-unahang Pilipino na sumulat ng isang opera sa wikang Pilipino, sang Sandugong Panaginip. Nilikha rin niya ang mga aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at Poesias Lyricas y Dramaticas.

7. Jose Ma. Panganiban isa sa mga manunulat sa pahayagang ''La Solidaridad'' na naging istrumento upang maimulat ang mga Filipino sa mga kalupitan ng mga mananakop na Kastila sa Filipinas. Ginamit niya ang sagisag panulat na "Jomapa" at J.M.P sa pagsusulat upang maikubli ang kaniyang tunay na katauhan.

8. Pascual Poblete kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.- Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal. Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong panahon ng mga Amerikano.

Mga kilalalang manunulat sa Panahon ng Tahasang Paghihimagsik ng Espanyol

1. Andres Bonifacio Binansagan siyang "ama ng Himagsikang Pilipino". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.

2. Emilio Jacinto isang rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng Himagsikan (1896) na naging isa sa mga magagaling na lider ng Katipunan. Sa Bayang Tinubuan ipinalalagay na ang tula niya sa Kastila ang siya niyang Obra-Maestra.

3. Apolinario Mabini-kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899

4. Jose Palma isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas.

Tanong:

4. Ano ang nangyari sa Pilipinas nang pumasok ang mga Hapones sa bansa? May nadagdag bang uri ng panitikan sa panahong ito?

Sagot A.) Sa panahong ito nabalam ang umuunlad na panitikang Pilipino. Ipinagbawal ang mga magasin tulad ng Tribune at Free Press. Tinatawag na panahon ng pamumulaklak ang Panitikang Tagalog noong Panahon ng Hapones. Tinawag din itong Gintong Panahon.

B.) Opo may dalawang nadagdag na panitkang Hapones. Ito ang: Haiku at Tanaga.

Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Korido - may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong2. Awit - binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig3. Mga Tulang Pantigan - isang uri ng pagtatalongpatulana ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip.3.1 Karagatan isang larong may paligsahan sa tula ay batay sa alamat ng singsing ng isangdalaga na nahulog sa gitna ng dagat pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing hindi kinakailangang sumisid sa dagat ang binatangnais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaringpagkaing-nayon Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro

3.2 Duplo larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ringmauring tulang pantigan lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sakaluluwa ng namatay Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kayanaman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan 3.3 Balagtasan- Isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Ang mga kasali dito ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. 3.4 Batutian - Isang uri ngtulangpatnigan na hinango sabalagtasan. Ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao.

Mga tula noong panahon ng Hapones

1. Haiku Tulang may malayang taludturan Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod Maikli lamang at hindi nagtataglay ng matatalinghagang pananalita

2. Tanaga Tulang may malayang taludturan Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod Maikli lamang at hindi nagtataglay ng matatalinghagang pananalit