43
Page | 1 p.1 PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR ikalawang sem 2010-2011 | prop. mykel andrada | FC 3011 | [email protected] | http://aklatandrada.multiply.com LAYUNIN NG KURSO 1. Masuri ang mga batayang konsepto sa pagluluwal ng panitikan at kulturang popular sa pilipinas 2. Mabusisi ang ugnayan ng kulturang popular, pantikan, ideolohiya, uring panlipunan, at bayan 3. Mausisa ang mga kamalayan at karanasang nalilikha ng industriya ng kulturang popular 4. Makita ang transgresibong potensiyal ng kulturang popular para sa pagbabagong panlipunan 5. Masuri ang papel ng Pan Pil 17 sa RGEP DALOY NG KURSO A. Sulyap-suri sa Institusyunalisasyon ng Kulturang Popular Key terms: ideolohiya, diskurso, kultura, kulturang popular 1. Gawain: “What’s in a name?”: Kasaysayan ng Pangalan 2. Sanaysay: “Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon” ni Jennifer Padilla B. Bida at Kontra-bida sa Industriya ng Kulturang Popular Key terms: kapitalismo, globalisasyon, reaksyonaryong modernismo, komoditi 1. “Nang Sumali si Inday sa Deal or No Deal” 2. “Esem” ng Yano 3. “Para Sa ‘yo ang Laban na ‘to” inawit ni Manny Pacquiao 4. “Order of Lakandula, rank of Champion for Life, for Pacquiao” ni David Cagahastian 5. “Mandirigma at Alipin ng Ating Panahon” nina Soliman Santos at Kenneth Guda 6. “Upuan” ni Gloc 9 7. “Aralin sa Ekonomyang Pampulitika” ni Kerima Lorena Tariman 8. Pag-uulat ng Grupo 1: Bayan at Kulturang Popular C. Kulturang Masa Bersus Kulturang Popular Key terms: commodity fetishism, co-optation, reification, surplus value, political economy 1. “Para sa Masa” ng Eraserheads 2. Maiikling pelikula ni Ramon Bautista: “Dan Michael” at “One Sip at a Time” 3. “Naging Mahirap” ni Merlee Jayme 4. “Villar Pahirap” ni Anonymous 5. Pag-uulat ng Grupo 2: Masa at Kulturang Popular 6. “Ukay-ukay” ni Delfin Tolentino 7. “Intellectual Mass Starvation” ni Vlad Gonzales 8. Gawain: pagkalap / pagpicture ng mga textong MMDA: art, signs, stickers, posters, tarpaulin atbp D. Transgresibong Potensiyal ng Kulturang Popular Key terms: subversion, cultural revolution, tradisyon 1. “Dasalan at Tocsohan” ni Marcelo H. del Pilar 2. “Aba Santong Diyablo” ni Anonymous 3. “Aba Naman Gloria” ni Anonymous (Text Message) 4. “Pasyong Mahal ni San Jose” ni Jose F. Lacaba 5. Pag-uulat ng Grupo 3: Relihiyon at Kulturang Popular 6. “Vandalismo” ni Rolando B. Tolentino 7. “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes 8. Gawain: pangangalap ng mga graffiti 9. “Etika ng Protesta” ni Danilo A. Arao 10. “Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong Pag-aaral sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong Sumagot” ni German V. Gervacio 11. Gawain: paglikha ng sariling politikal na bugtong 12. “Mensahe sa Paksa Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura 13. “Ni Uncle Sam” ni Anonymous 14. Pag-uulat ng Grupo 4: Indie: Rebolusyon at Kulturang Popular MGA KAHINGIAN quizzes, assignments, seatworks, attendance, recitation 25% pag-uulat at mga mayor na papel 25% unang mahabang pagsusulit 25% ikalawang mahabang pagsusulit _25% 100%

PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ikalawang sem 2010-2011 | prop. mykel andrada | FC 3011 | [email protected] | http://aklatandrada.multiply.comLAYUNIN NG KURSO1. Masuri ang mga batayang konsepto sa pagluluwal ng panitikanat kulturang popular sa pilipinas2. Mabusisi ang ugnayan ng kulturang popular, pantikan,ideolohiya, uring panlipunan, at bayan3. Mausisa ang mga kamalayan at karanasang nalilikha ngindustriya ng kulturang popular4. Makita ang transgresibong potensiyal ng kulturang popularpara sa pagbabagong panlipunan5. Masuri ang papel ng Pan Pil 17 sa RGEP

Citation preview

Page 1: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 1 p.1

PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR ikalawang sem 2010-2011 | prop. mykel andrada | FC 3011 | [email protected] | http://aklatandrada.multiply.com LAYUNIN NG KURSO 1. Masuri ang mga batayang konsepto sa pagluluwal ng panitikan

at kulturang popular sa pilipinas 2. Mabusisi ang ugnayan ng kulturang popular, pantikan,

ideolohiya, uring panlipunan, at bayan 3. Mausisa ang mga kamalayan at karanasang nalilikha ng

industriya ng kulturang popular 4. Makita ang transgresibong potensiyal ng kulturang popular

para sa pagbabagong panlipunan 5. Masuri ang papel ng Pan Pil 17 sa RGEP DALOY NG KURSO A. Sulyap-suri sa Institusyunalisasyon ng Kulturang Popular Key terms: ideolohiya, diskurso, kultura, kulturang popular 1. Gawain: “What’s in a name?”: Kasaysayan ng Pangalan 2. Sanaysay: “Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng

Globalisasyon” ni Jennifer Padilla B. Bida at Kontra-bida sa Industriya ng Kulturang Popular Key terms: kapitalismo, globalisasyon, reaksyonaryong modernismo, komoditi 1. “Nang Sumali si Inday sa Deal or No Deal” 2. “Esem” ng Yano 3. “Para Sa ‘yo ang Laban na ‘to” inawit ni Manny Pacquiao 4. “Order of Lakandula, rank of Champion for Life, for Pacquiao”

ni David Cagahastian 5. “Mandirigma at Alipin ng Ating Panahon” nina Soliman Santos

at Kenneth Guda 6. “Upuan” ni Gloc 9 7. “Aralin sa Ekonomyang Pampulitika” ni Kerima Lorena Tariman 8. Pag-uulat ng Grupo 1: Bayan at Kulturang Popular C. Kulturang Masa Bersus Kulturang Popular Key terms: commodity fetishism, co-optation, reification, surplus value, political economy 1. “Para sa Masa” ng Eraserheads

2. Maiikling pelikula ni Ramon Bautista: “Dan Michael” at “One Sip

at a Time” 3. “Naging Mahirap” ni Merlee Jayme 4. “Villar Pahirap” ni Anonymous 5. Pag-uulat ng Grupo 2: Masa at Kulturang Popular 6. “Ukay-ukay” ni Delfin Tolentino 7. “Intellectual Mass Starvation” ni Vlad Gonzales 8. Gawain: pagkalap / pagpicture ng mga textong MMDA: art,

signs, stickers, posters, tarpaulin atbp D. Transgresibong Potensiyal ng Kulturang Popular Key terms: subversion, cultural revolution, tradisyon 1. “Dasalan at Tocsohan” ni Marcelo H. del Pilar 2. “Aba Santong Diyablo” ni Anonymous 3. “Aba Naman Gloria” ni Anonymous (Text Message) 4. “Pasyong Mahal ni San Jose” ni Jose F. Lacaba 5. Pag-uulat ng Grupo 3: Relihiyon at Kulturang Popular 6. “Vandalismo” ni Rolando B. Tolentino 7. “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes 8. Gawain: pangangalap ng mga graffiti 9. “Etika ng Protesta” ni Danilo A. Arao 10. “Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong

Pag-aaral sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong Sumagot” ni German V. Gervacio

11. Gawain: paglikha ng sariling politikal na bugtong 12. “Mensahe sa Paksa Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre

sa Larangan ng Kultura 13. “Ni Uncle Sam” ni Anonymous 14. Pag-uulat ng Grupo 4: Indie: Rebolusyon at Kulturang Popular MGA KAHINGIAN quizzes, assignments, seatworks, attendance, recitation 25% pag-uulat at mga mayor na papel 25% unang mahabang pagsusulit 25% ikalawang mahabang pagsusulit _25% 100%

Page 2: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 2 p.2

KALAGAYAN NG SINING AT KULTURA SA PANAHON NG GLOBALISASYON Jenifer Padilla Executive Director, Amado V. Hernandez Resource Center I. INTRODUKSYON Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang “may pag-asa pa ang bansang ito.” Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa pundamental na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomya kung saan ang karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang pinagpapawisan. Kailangan ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno ng iilan, at hindi ng karamihan. Pero batid din natin na ang pagbabago sa lipunan ay hindi magiging ganap kapag walang kasabay na pagbabago sa kultura ng bayan. Pagbabago sa dominanteng kaisipan, kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan. Pero ano nga ba ang kailangan baguhin sa kultura sa bansa ngayon? Hayaan ninyo akong magbahagi ng aming pagsusuri hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at programa sa kultura ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at pulitika ng bansa sa panahon ng globalisasyon. Kung ito ay makakatulong sa paglilinaw at paggigiit sa tungkulin ng artistang Pilipino sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan, nakamit na rin namin ang aming layunin sa pagkakataong ito. II. KASALUKUYANG KRISIS NG SINING AT KULTURA SA PILIPINAS Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa ekonomya at politika ng bansa – ang U.S. at ang mga elit sa ating lipunan, ang malalaking kapitalista at asenderong Pilipino.

Ang pamantayan ng U.S., hindi lamang sa pulitika at ekonomya, kundi maging sa kulturang kolonyal ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino. Sa kulturang burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na pwedeng manipulahin para higit na pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at palaasa sa “swerte” at sa kawanggawa ang masang bihag ng kulturang pyudal. Sa tulong ng dominanteng kulturang ito, nagiging mas madali ang patuloy na pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa sambayanang Pilipino. Sa ngalan ng “globalisasyon”, ibayo ang pananalakay ng dalawang pinakadominanteng pwersa sa kulturang Pilipino – ang imperyalismong U.S. at ang simbahang Katoliko Kinakasangkapan din ng mga dayuhang imperyalista at mga naghaharing uri ang estado upang ipalaganap ang artipisyal na kulturang popular, ang kultura ng korupsyon, at kultura ng pasismo upang palakasin at higit na palawakin ang kanilang dominasyon. Kultura ng Globalisasyon Ang Pilipinas ay nakapailalam sa mga kasunduan at patakarang pinagkaisahan at idinidikta ng mga economic superpowers o mga imperyalistang bansa. Kabilang dito ang mga neoliberal na patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatitsasyon na itinutulak ng IMF, WB at WTO lalo na sa mga mahihirap na bansa. Sa gayon ang mga bansang katulad ng Pilipinas ay nagsisilbing mas maluwag na palengke para sa mga produkto at serbisyo ng mga malalaking kapitalista mula sa mayayamang bansa. Malayang kalakalan ng mga produktong pangkultura Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakakapasok pati mga dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software. Sa ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili,

Page 3: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 3 p.3

pag-agaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod: 1) likhang sining at distribusyon nito (sa pamamagitan ng karapatang ari at mga kaakibat nito), 2) tatak (trademark) at pagtukoy sa pinagmulan ng produkto (geographical indications), 3) imbensyon (sa pagmamagitan ng patente), industrial design at trade secrets. Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o GATS ng WTO, pinadali rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng mga produktong pangkultura, gaya ng distribusyon at pagpapalabas ng pelikula. Sa buong mundo, ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Kasabay ng halos monopolyado ng US ang produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura hinuhulma nito ang panlasa ng mga tao upang lumikha ng pangangailang (demand) para sa kanyang mga produkto. Ang panlasang pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano kaya madaling tanggapin ito ng marami. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o paglamon sa lokal na industriyang pangkultura. Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito sa pabababaan ng sahod, kontraktwalisasyon at pagbabawas ng mga manggagawa na nagaganap sa mga estasyon ng telebisyon at mga produksyon pampelikula. Binubunsod din ng kumpetisyon na ito ang lalong pagkasadlak ng mga likhang sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para makapatas sa mga imported na likhang sining at pamantayan ng kahusayan. Naging laganap din ang pamimirata ng mga nais kumita ng malaki sa mababang kapital. Habang sa isang banda, ang panggagaya ay kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila’y “global” na panlasa, ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa larangan ng intellectual property rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang tubo.

Nagkakaroon din ng impluwensya o kontrol ang pribadong korporasyon sa mga likhang sining sa pamamagitan ng pagpondo nito sa mga ahensyang pangkultura at mga grupo o indibidwal na artistang hindi nakatatanggap ng suporta mula sa gubyerno. Ang ganitong kalagayan ay lalong pang dadausdos kapag naisulong ang mungkahing charter change ng administrasyong Arroyo kung saan kabilang ang pag-alis ng mga restriksyong pang-ekonomya sa dayuhang pag-mamay-ari. World Class Culture

Sa hanay ng kultura, itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa mga dayuhang institusyon. Hindi masamang makilala ang kakayanan ng pinoy sa ibayong dagat. Ngunit kung ang gagamiting pamantayan ng pag-unlad at kahusayan ay nakabatay sa kulturang maka-dayuhan gaya ng laganap sa ating mga palabas, musika, atbp. mas malaki ang pinsala nito. Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng “world class culture” na nagmamaliit at nagbabansot sa halip na nagpapayabong sa kulturang Pilipino.

Maging ang sistema ng edukasyon ay hinuhubog ding maging world-class. Kinakailangan daw ito para maging competitive o makipagtapatan sa pandaigdigang kumpetisyon. Sa mga paaralan, pilit inaayon ang mga kurso at aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa mga multinasyunal na kumpanya na nagdidikta ng kung ano ang kailangan nilang trabaho. Sa kasalukuyan laganap ang call centers, kung saan maraming kabataan ang namamasukan bilang kontrakwal. Inihahanda rin ng ganitong mga patakaran sa paaralan ang mga susunod na OFWs na pinagkakakitaan ng pamahalaan. Cultural Diversity

Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang pagtingin na may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang, protektahan at paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan sa cultural

Page 4: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 4 p.4

diversity – na itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura. Binibigyan ng halaga na parang sa palengke ang mga “kakaiba,” ispesipiko, “walang katulad,” at exotic na kultura. May pagromantisa pa sa samu’t-saring tribo at komunidad na nagsisilbing materyal para sa imahinasyon at pantasya ng “mas maunlad” na sibilisasyon. Hungkag ang ganitong konsepto ng ”cultural diversity” sapagkat hinihiwalay ang kultura sa kinaiiralan nitong panlipunang konteksto. Mapananatili ba ng mga katutubo ang kanilang kultura kung sila ay sapilitang inaalis sa kanilang lupain? Sa anong antas makikipagturingan nang matino sa mga Muslim kung patuloy silang itinatakwil at binabansagang terorista? Kultura ng Turismo

Laganap ang samu’t-saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa . Sa isang banda nakabubuti ang turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na makilala ang mayamang kultura sa ating bayan . Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita ng pera, nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa pinagkakakitaan ang kultura, mas masahol ang usapin ng panghihimasok sa isang kultura at ang artipisyal na pagpoproseso dito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa hindi, nababago sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng gobyerno, ginagamit nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan.

Sa isang banda, sinusuportahan nito ang produksyon ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.

Kulturang Popular at Artipisyal Ang tinaguriang “kulturang popular” ba ay tunay na kultura ng masa? O nagiging popular ito dahil pilit itong ipinamumudmod sa masa, hinuhubog ang kanilang panlasa hanggang sa tanggapin na nila ito bilang sariling kultura? Ang mga eksena mula sa palabas na Wowowee at iba pang gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ng napakaraming maralitang Pilipino . Pinapalaganap nito ang pantasya na “swerte” at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa kahirapan ng masa. Nilalako nito ang hungkag na pag-asa sa milyon-milyong tagapanood, kasabay ng mga produkto ng mga malalaking kumpanyang isponsor ng mga palabas na ito, sila na kumikita ng limpak-limpak sa pagtangkilik ng masa. Gayundin, hungkag na kaligtasan ang nilalako ng mga fantaserye at telenovela, gawa man dito o dinub mula sa ibang bansa, Sa mga palabas na ito, hindi sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang. At ang katubusan ay nasa balikat ng mga indibidwal na may kakaibang mga kapangyarihan, mga superhero, hindi sa kolektibong pakikibaka ng mga inaapi at pinagsasamantalahan. Ito ang artipisyal na kulturang popular na “binebenta” ng industriyang pangkultura ng mga local na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili. Dahil ang mga lokal na naghaharing uri at imperyalismo ang mayhawak ng halos lahat ng mayor na industriya sa kultura at sining (musika, pelikula atbp.) sila ang nagtatakda kung ano ang isinasalaksak sa isipan at panlasa ng masa. Sila ang nagtatatak na pang-masa ang ganitrong kulturang mapang-alipin. Sila ang nagpapanatiling mababaw o tanga ang masa – habang umaani ng tubo mula sa mga produktong kanilang ibinebenta sa masa. Kultura ng Korrupsyon Ang “kultura ng korupsyon” ay ang pananatili ng malawakang korupsyon (o ang pag-abuso sa posisyon para sa sariling interes)

Page 5: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 5 p.5

sa halos lahat ng antas ng gobyerno Sa loob ng burukrasya, mas tumitindi ang korupsyon habang pataas nang pataas ang posisyon dahil lumalaki rin ang kapangyarihan at dumadami ang oportunidad para dito .Kaya’t ang mismong paggogobyerno ay ginagamit ng mga naghaharing uri upang higit na magpayaman at panatalihin ang kanilang kapangyarihan. Sa aktwal, tinatangkilik nila kultura ng korupsyon habang kunwa’y iwinawaksi nila ito sa publiko. Halimbawa na lang ang programa ng kasalukuyang gobyerno para labanan ang korupsyon. Nasasaad dito ang values formation, lifestyle check, kompyuterisasyon at deregulasyon ng mga transaksyon ng gubyerno. Pero sa dami ng kinasangkutang anomalya ng Pangulo at ng pamilya nito, mula sa Diosdado Macapagal Highway, Jose Pidal account, ang fertilizer scam, paggamit ng pondo ng OFWs sa OWWA para sa pangangampanya, pandaraya sa eleksyon, atbp., wala ni isang na-imbestiga ng malaliman. Ang kulturang ito ay sinusuhayan din ng US upang matiyak ang pagyuko ng burukrasya sa kaniyang mga maniobra, lalo na sa usaping negosyo. Walang magtatagumpay na kampanya laban sa korupsyon hanggang may pakinabang ang mapagsamanatalang sistema ng globalisasyon at nagahaharing uri dito. Kultura ng Panunupil at Pasismo Sa kasalukuyan, halos 80% ng mamamayan ay mahirap at mahigit 11 milyong Pilipino ang wala o kulang ang kabuhayan. Ang lumalalang krisis pang-ekonomya ang nag-uudyok sa mamamayan na magpahayag ng hinaing at diskontento lalo pa’t nasasangkot sa maraming anomalya ang gobyernong Arroyo. Ngunit sa halip respetuhin ang karapatang mapahayag at magtipon-tipon, ibinaba ang Executive Order 464 -- pumipigil sa mga kawani ng gobyerno na umattend ng hearing sa Senado at Kongreso ng walang pahintulot mula sa pangulo; ibinaba rin ang Proclamation 1017 upang ideklara ang state of emergency, kasabay ng pagbabawal sa mga kilos protesta, pagbibigay kapangyarihan sa mga pulis na marahas na buwagin ang

anumang pagtitipon, pasukin ang mga opisina ng mga publikasyon at arbitraryong mang aresto ng mga kritiko ng pamahalaan tulad ni Ka Crispin Beltran. Kultura ng Terorismo Inatras na ang State of Emergency pero hindi natigil ang “pagsensura” sa mamamayan. Patuloy at dumarami ang di malutas na kaso ng mga pandurukot at pagpatay sa mga aktibista, mamamahayag at maging mga taong simbahan. Sa tinatayang 747 na pinatay mula nang maupo si Arroyo sa Malakanyang, kalakhan ay nagmula sa mga progresibo at militanteng organisasyon na kritikal sa mga patakaran ng gobyerno. Matindi ang mensahe ang naiis ipaabot ng panunupil at pasismo -- nais nitong patahimikin ang mga naghahangad ng pundamental na pagbabago, nais nitong kitlin ang kaisipang mapanlaban at mapagpalaya -- hanggang sa mamanhid ang mamamayan sa ganitong kalagayan. Bahagi ng all-out-war laban sa terorsimo ng gobyerno, laganap ngayon sa kanayunan ang papatinding militarisasyon na bumibiktima sa mga magsasaka at mga katutubo. May itinatakdang curfew at checkpoints, ipinagbabawal ang flashlights, kailangan laging may hawak na sedula ang mga residente. Ang mga hindi tumutugon ay arbitraryong inaakusahan na miyembro o tagasuporta ng NPA. Kasunod nito ay harasment, pandarahas, o sa sukdulan, pagpatay . Bahagi ito ng “all-out war” ng gobyerno, alinsunod sa “giyera laban sa terorismo” ng US . Asahan pang titindi ang kultura ng terorismo kapag naisabatas na ang Anti-Terrorism Bill (ATB) na masugid na tinutulak ng gobyernong Arroyo sa kongreso. Kultura ng Pangangayupapa Ginagamit ng gobyerno ang islogang “culture of peace” para palubagin ang loob ng mga nag-aaway na grupo. Ang iba’t ibang cultural exchange programs na binubuo ng immersion activities at mga pagtatanghal ay aktibo nitong sinusuportahan upang idiin ang “esensiyal na pagiging mapayapa at mapagkasundo” ng mga

Page 6: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 6 p.6

kultura. Subalit sadya itong inihihiwalay sa konteksto. Halimbawa, ang mapanlabang tradisyon ng maraming katutubo sa Cordillera ay pinahihina at pinipilit gawing masunurin sa pagpapaloob sa development aggression projects ng pambansa at lokal na gobyerno. Isa pang halimbawa ay ang gera laban sa terorismong isinusulong ng US , kung saan ang Pilipinas ay nagiging lunsaran na rin ng digmang idinidiin ang pangkulturang katangian. Binabansagan ang Islam bilang sibilisasyon ng mga barbaro at terorista. Ang “militanteng Islam” ay ipinapailalim sa “mapayapang Kristiyanismo”; sa totoo’y binibigyan lang nito ng katuturan ang sistematikong pagsasantabi sa mga karapatang pantao ng mga Muslim sa Mindanao at iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang islogang “culture of peace” ng gobyerno ay kapayapaang mabuway dahil hindi nakasandig sa makatarungang kaayusan ang natututunan ng mamamayan. I. KONKLUSYON AT MGA RESOLUSYON Pinatitingkad ng globalisasyon, kulturang popular, korupsyon at panunupil at pasismo ang dominanteng kulutrang kolonyal, burgest at pyudal. Ang ganitong kalagayan sa kultura ay sumasalamin sa malakolonyal na estado at malapyudal na ekonomya ng bansa. Naisasalarawan ng kulturang ito ang tumitindi at mas sopistikadong pagsasabwatan ng imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo – ang tatlong ugat ng kahirapan sa Pilipinas. Hamon at Panawagan Mahalaga ang pagsabay ng pangkulturang pakikibaka sa pagsulong ng pagbabago sa pulitika at ekonomya. Mahalaga ang papel ng mga artista sa paglikha ng sining na bitbit ang kaisipang direktang sumasalungat sa dominanteng kultura. Mahalaga ang kulturang pambansa – na nagtataguyod ng pambansang identidad na nasasalamin ng pambansang pamana ng mga mayayamang kultura ng iba’t-ibang rehiyon at ng mga grupong etnolingwistiko. Mga tatak ng paggalang sa sarili at sa kasaysayan ng mga Pilipino, sa kakayanan ng komunidad mabuhay ng sagana, na nagpapatibay ng patriotismo. Dapat bitbitin ang kulturang may kritikal na pananaw at pamamaraan,

dahil may kaakibat ang sining na gawaing edukasyong nagpapalaya at nagpapalawak ng kamulatan salungat sa pyudal na kaisipang nagpapamangmang. Bibit din ng mga alagad ng sining ang pagpapalaganap ng kulturang maka-masa, hindi para sa iilang sector lamang ng lipunan. Sinasalamin nito ang kanilang mithiin at ibinabandila ang kakayahan ng malawak na mamamayan, partikular ang mga manggagawa at magsasaka, sa paghubog ng lipunan at paglikha ng kasaysayan. Komprehensibo ang gawaing kultura, dahil komprehensibo din ang saklaw nito. Sa usapin ng paglikha ng sining na bitbit ang kulturang pambansa, kritikal ang pananaw at pamamaraan, at para sa malawak na mamamayan, malaki ang hamon sa mga artista, ngunit bahagi lang ito ng pagbabago sa kultura. Mahalagang tungkulin din niya makiisa, makilahok sa pagkilos ng mamamyan sa pagsusulong ng pagbabago. Dahil ang pagbabago ng lipunan ay gawain ng lahat. Walang bansang masagana ang walang sariling kultura.

Page 7: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 7 p.7

NANG SUMALI SI INDAY SA DEAL OR NO DEAL E-mail / Anonymous Author

From: Riego, Gep (IHG) Sent: Wednesday, December 5, 2007 10:53 PM To: Rodriguez, Angeli (IHG); Villanueva, Morya (IHG); Quinto, Bunny (IHG); Viardo, Chris (IHG); Ramos, May (IHG); Libot, Aldren (IHG); Rivera, Ann Claire (IHG)

Subject: Fw: Nang Sumali si Inday sa deal or no deal Importance: Low

Kris: Magandang gabi mga kapamilya, sa gameshow na ito importante ang sagot sa nag-iisang katanungang Deal or no Deal. Ang ating player ngayong gabi ay walang iba kundi ang fastest-rising household services manager na si Inday!

[umentra si Inday at nagpalakpakan ang mga tao]

Kris: Ok Inday, choose a briefcase.

Inday: Kris, I would opt for case #4 please.

Kris: Briefcase # 4… si Sharmel. Inday, matanong ko lang, how did you come up with the number 4?

Inday: Oh, do you really want to know Kris?

Kris: Oo naman. I’m sure kaya ko naman maintindihan yung sasabihin mo eh.

Inday: The number 4 was acquired based on a probability distribution function that involves integrating up to an area greater than or equal to that random number which should be generated between 0 and 1 for proper distributions.

Kris: Syet. tanong tanong pa kasi eh.

———————-

Kris: Ok Inday, choose 6 briefcases to open.

Inday: I would opt for 7, 24, 12, 2, 15 and 20.

Kris: Wait lang Inday, usually isa isa lang ang pagbubukas natin ng case…

Inday: Why is that? As if I can change the outcome if we’re to open a case each time I blurt out a number as opposed to opening each case immediately one after the other right?

Kris: Hayyy…babaguhin pa talaga mechanics (bulong sa sarili).

Kris: Anwyay, di bale na lang nga… tuloy tayo. Number 7. Natalie buksan na!!

[Yung audience sumisigaw ng LOWER!! LOWER!!!]

Kris: Teka lang, bago natin buksan… Inday, usually ang mga contestants naten ay sumisigaw ng “LOWER” every time magbubukas ng case.

Inday: Kris, I guess that’s not the way I was taught in grade school. You see, I was taught that we should only use the comparative form of the word or add “ER” to the adjective if we are comparing two things. And since it is only the first briefcase that we are going to open, we have nothing to compare it to. Am I right?

[natahimik ang audience at napaisip]

Kris: Oo nga no! ———————-

Kris: Sige Natalie, Buksan mo na.

Page 8: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 8 p.8

[Ang laman ng briefcase 7 ay Piso… Palakpakan ang mga tao]

Kris: Good start! Ano yung next case mo ulit?

Inday: Case number 24 please.

Kris: Chloe… buksan na…

[Audience sumisigaw ulit ng LOWER!! LOWER!!]

Kris: Wait lang guys, Inday may nabuksan ng case baket di ka pa rin sumisigaw ng “Lower”?

Inday: Oh my goodness Kris, how long have you been doing this? Have you ever encountered a value that is lower than a peso in this game? Tell me, is there any value left lower than the one we just opened? Sheesh.

[Napaisip ulit ang audience at natahimik]

Kris: Aarrgghh!!!! Chloe buksan na lang nga, pati na rin yung 12, 2, 15 and 20 buksan na rin para matapos na. [naiirita na]

[At sunod sunod na ngang nabukas ang mga case ni Inday]

[nag-ring ang phone]

Inday: Ahh Kris, to save more time can you tell Banker that I’m not interested in his first offer. In the history of this game of chance, I have yet to see someone accept a first offer from the banker. It’s quite pathetic and pretentious for contestants to pause and look around the audience as if asking for advice before ultimately rejecting the first offer. I mean come on, isn’t that a waste of airtime?

Banker: Potahhh!!! [narinig sa set kahit sarado ang kwarto ni banker]

- Ito ang unang pagkakataon na marinig ng mga audience ang boses ni banker sa Deal or no Deal.

… dumating na sa kalagitnaan ng show at mukhang minamalas na si Inday…

Kris: Ok Inday, mukhang kelangan na natin ng tulong sa mga friends mo… sino ba yung bigotilyong lalaki na naka-polo? Ano name nya?

Inday: Ahh, that’s my master Mr. Montemayor.

Kris: Ahhh sya pala yun, how cute naman pala eh. Sige sir, give us a number.

Mr. Montemayor: Hi Kris, good evening. I’m a fan. I choose number 22 please.

Kris: Ano Inday ok ba yung number 22?

Inday: Whatever, we shouldn’t bite the hand that feeds us anyway. Go ahead.

Kris: [taray naman] Sofie, buksan na!

[ang laman ng briefcase 22 ay 5,000]

Kris: Good job! Sino naman yung gwapong lalake na naka jumper na katabi ni Mr. Montemayor? What’s his name?

Inday: Ahh, that’s my on again off again boyfriend, Dodong the gardener.

Kris: Ooohh, sya pala yun. Ok Dodong, give us a number!

Dodong: Hi babes, I choose briefcase 9 if it’s ok with you. If not, it’s ok with me as long as it’s ok with you.

Page 9: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 9 p.9

Kris: Ano raw? Inday, number 9 daw ok say0?

Inday: Yes Kris, it’s fine with me.

Kris: Wow ang bait pag kay Dodong. Ederlyn… buksan na!!

…nanlaki ang mga mata ni Inday at hindi sya makapaniwala. Natahimik at mukhang kakapusin sya ng hininga…

Inday: YOU!!! How dare you invade my moment!

[nagulat si Kris at ang mga audience sa reaksyon ni Inday. Nagpatawag si Kris ng commercial break at nagpakuha ng tubig para kay Inday.]

—————–

Nagkatitigan sina Inday at Ederlyn. Nakangisi si Ederlyn habang hawak ang briefcase ni Inday.

Ederlyn: Pinapangako ko, Inday… pagbukas luluhod ang mga tala! hahahahaha!

Inday: What? Can you speak up? What are you mumbling up there. Can somebody give her a microphone please?

Kris: Ano ba!! Tama na nga ang drama ninyo, Ederlyn buksan mo na ang case at umexit ka na kung ayaw mong mapalitan! (naiirita na si Kris)

Dali-daling binuksan ni Ederlyn ang briefcase at ang laman ay… P3,000,000.

Nanghinayang ang mga audience… Ang mga natirang values ay 250, 1K, 20K, 50K, and 500K.

Inday: NooOoo…. (sabay tingin kay Dodong at napapaluha), how could you…

Dodong: I’m so sorry Inday, please forgive me.

Kris: Hayyy, drama again. Ang offer ni banker sa pagbabalik ng Kapamilya, Deal.. or No Deal!

[pagtapos ng commercial break… mukhang composed na ulit si Inday]

Kris: Inday, are you okay? Ang offer ni banker ay 99 thousand pesos. ‘Sing rami siguro ng pilipinong pinadugo mo na ilong. Is it a Deal or No Deal?

Tahimik lang si Inday tilang may kinocompute sa ulo habang ang mga audience ay nagsisigawan ng “No Deal”, ang iba naman ay “Deal”.

Kris: Wait lang, kung mapapansin ninyo we have only have 5 cases left, and among those 5, apat doon ay mas maliit na value…

Inday: Kris, do you mind? Can I do my own thinking?

Natameme si Kris, pati ang audience ay natahimik.

Kris: Taray to the max! (pabulong sa sarili)

Inday: Ok, I’m ready. Upon looking at the reality of the situation, 80% of the cases left have at least 49K less than the banker’s offer. The only way I can do better than what is offered is that if my case contains the 500k or I’d get to open one of the four lower values. But I have to keep in mind that there’s only 20% probability that this would happen. I have to take note, however, that the banker’s offer is roughly around 15% lower than the offer I expected based on the arithmetic mean of the values left.

Kris: Lorddd… panaginip ba ‘to? Ayokonaaa….

Page 10: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 10 p.10

Inday: Accepting a deal for less than the mean should generally be regarded as a weak decision so I would say, NO DEAL!

Limang briefcase na lang ang natitira at kasama na doon ang case ni Inday…

Kris: My God, nakaka-stress itong episode na ito ha. Baka dumugo na rin ang ilong ko sa’yo Inday. Sige Inday, go ahead and choose 1 briefcase!

Inday: Ok Kris, I choose briefcase #5 please?

Kris: Briefcase #5! Mimi bago mo buksan yan I would first like to thank Figliarina by Schubizz for my sandals, Bambi Fuentes for my hair and make-up and Pepsi Herrera for my gown tonight.

Kris: Ok Mimi, buk…

Inday: Ahh Kris, can I also take time to thank a few people? I mean, I did save us a few minutes of airtime right?

Kris: (“kapal naman talaga ng mukha”…bulong sa sarili) Sige, ok lang go ahead. (naka-smile pa rin)

Inday: Thanks! Yes, I would like to thank Frank Provost for my hair and make-up, Jimmy Choo for my sandals and my dear friend Oscar dela Renta for my gown tonight.

BLAG!! Tinumba ni Kris ang podium at nagwalk-out. Hindi na natapos ang show kaya’t binigyan na lang ni Banker si Inday ng kalahating milyon para sa kanyang oras.

Inday: Oh, and thanks to the people of Cartier for sending me these nice earrings for tonight!

[Ito ang isa sa mga un-aired episode ng Kapamilya, Deal or No Deal]

ESEM Yano Patingin-tingin, di naman makabili Patingin-tingin, di makapanood ng sine Walang ibang pera, kundi pamasahe Nakayanan ko lang, pambili ng dalalwang yosi Pamoy-amoy, di naman makakain Busog na sa tubig Gutom nailipas din Patuloy ang laboy Walang iisipin Kailangang magsaya, kailangang magpahangin Chorus: Nakakainip ang ganitong buhay Nakakainis ang ganitong buhay Nakakainip ang ganitong buhay Nakakainis ang ganitong buhay Gumagabi na Ako'y uuwi na Tapos na ang saya Balik sa problema At bukas ng umaga Uulitin ko pa ba ang kahibangang ito Sa tingin ko hindi na Repeat Chorus Nakakabaliw ang ganitong buhay Di nakakaaliw ang ganitong buhay Nakakabaliw ang ganitong buhay Di nakakaaliw ang ganitong buhay

Page 11: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 11 p.11

PARA SA ‘YO ANG LABAN NA ‘TO Inawit ni Manny Pacquiao

Gagawin ko ang lahat para sa’yo

Kung ito ang dahilan upang magkasundo tayo

Ito ang tanging paraan na naisip ko

Upang magkaisa damdamin mo’t …damdamin ko

[chorus]

Para sa ‘yo ang laban na ‘to

Para sa ‘yo ang laban na ‘to… ohhh.

Hindi ako susuko..isisigaw ko sa mundo

Para sa ‘yo ang laban na ‘tof

[adlib]

Kahit buhay ko’y itataya sa ‘yo

Ipagtatanggol kita gamit ay aking kamao

Ito ang tanging paraan na naisip ko

Upang magkaisa kapwa ko… pilipino

[chorus]

Para sa ‘yo (para sa’yo) ang laban na ‘to

Para sa ‘yo (para sa’yo) ang laban na ‘to… ohhh

Hindi ako susuko… isisigaw ko sa mundo

Para sa ‘yo bayan ko

Sa bawat laban sa mundo

Diyos ang laging kakampi ko… ohhh…

[chorus]

Para sa ‘yo (para sa’yo) ang laban na ‘to

Para sa ‘yo (para sa’yo) ang laban na ‘to… ohhh (2x)

Hindi ako susuko… isisigaw ko sa mundo

Pinoy ang lahi ko

Mahal ko ang bayan ko

Para sa ‘yo (para sa’yo) ang laban na ‘to

Para sa’yo… Bayan ko…

ORDER OF LAKANDULA, RANK OF CHAMPION FOR LIFE, FOR PACQUIAO David Cagahastian President Arroyo yesterday conferred upon Filipino boxing icon Manny Pacquiao the Order of Lakandula, rank of Champion for Life, for fostering national pride through his achievements in the field of professional boxing. The special award was created by Mrs. Arroyo through Executive Order 540 to honor Filipinos who add to the national pride through their achievements in international sports, beauty competitions, and similar activities.

Pacquiao received the honor in a ceremony in Malacañang yesterday afternoon to become the first to receive the award.

"The rank of Champion for Life shall be conferred upon an individual who has attained an outstanding achievement that fosters national pride and inspiration towards excellence, such as an extraordinary achievement in boxing, a Miss International title, a gold medal in the Southeast Asian Games, and reaching the peak of Mount Everest," Mrs. Arroyo said in EO 540.

EO 540 also named the next recipients of the newly established award, including Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, the Filipino gold medalists in the Southeast Asian Games, and the Filipino climbers who recently conquered Mount Everest.

In honoring Pacquiao’s achievements, particularly his successful title defense against Mexican boxer Oscar Larios last Sunday, Mrs. Arroyo appealed to national leaders and the public to emulate Pacquiao’s determination and passion for success.

Mrs. Arroyo also appealed to the various sectors of society to exhibit the same solidarity on national issues as that demonstrated by the country in praying for Pacquiao’s successful defense of his World Boxing Council international superfeatherweight title.

Page 12: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 12 p.12

"Yesterday, we celebrated the victory of our boxing hero Manny Pacquiao. As the entire nation stood still in yesterday’s big fight at the Araneta Coliseum, I could not help but dream that one day we would see the same passion in the hearts of our leaders and all Filipinos in supporting the common vision of the future," Mrs. Arroyo said.

"We have already won many struggles in our journey forward and as we prepare for more challenges that lie ahead, we draw inspiration from great fighters like Manny Pacquiao who can knock down the obstacles along the way and win the bout against all odds," she said.

Meanwhile, opposition Sen. Rodolfo G. Biazon said the victory of Pacquiao over Larios last Sunday "did us proud as a people" but cautioned that Malacañang’s giving of the Lakandula award to Pacquiao should not have any political color.

"One thing I can say, he did us proud by winning convincingly. And I hope that achievement is not decreased by him being used by politicians to advance their political fortunes and I would like to stop there," Biazon said. (With report from Mario B. Casayuran)

Malacanang earlier announced that it was giving the Sikatuna award to Pacquiao but it corrected the kind of award to "Lakandula."

Before this correction, Biazon said that the Sikatuna award is normally given to diplomats, usually foreign ambassadors after their stints in the Philippines."I have yet to hear any of our authentic heroes receiving that (Sikatuna) award. For example, was this granted to the likes of Ninoy Aquino? Was Ninoy Aquino a recipient of this?" he asked.

"We have to be careful about this. I hope that anything that the government does, or anybody who says anything on that fit of Pacquiao does not detract from what he had achieved," he added.

MANDIRIGMA AT ALIPIN NG ATING PANAHON Soliman A. Santos at Kenneth Roland A. Guda Pinoy Weekly, Nobyembre 22-28, 2006 Literal na tumigil ang buhay-buhay ng mga Pilipino nang muling makipagsuntukan si Manny Pacquiao. Pigil ng lahat ang paghinga, at marahil, maging ang gutom, nakalimutan. Ayon sa pulisya, zero ang crime rate sa Mega Manila sa panahong nagbabasagan ng mukha at nagbubugbugan ng bodega sina Pacquiao at Erik Morales.

Walang gaanong sasakyan sa kalsada. Saanman, punung-puno ang mga karinderyang may TV. Siksikan ang manonood sa mga plasa at istadyum na may video screen. Panay hiyawan ang maririnig sa mga bahayan laluna nang pabagsakin ni Pacquiao ang kalaban sa ikalawa at ikatlong round.

Tapos na ang boksing. Tinapos ni Pacquiao ang pinakaaabangang rubber match sa ikatlong round. Subalit hanggang sa kasalukuyan, pinag-uusapan pa rin ito, ang tinaguriang isa sa pinakamagandang laban sa kasaysayan ng boksing hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Ganito pinahahalagahan ng masang Pilipino ang pagwawagi ni Pacquiao sa mandirigmang Mehikano.

Sa pinakahuling sarbey – noong 1999 pa – ng Social Weather Stations hinggil sa isport, napag-alamang basketbol pa rin ang pinakasikat sa mga Pilipino (72 porsiyento). Pangalawa ang boksing (55 porsiyento). Pangatlo naman ang bilyar (37 porsiyento) at pang-apat ang bowling (15 porsiyento).

Tugon sa pangangailangan May esensiyal na pangangailangan ang masa na natutugunan ng panonood ng isport. Kabilang dito siyempre ang dulot na kasiyahan sa panahong nagpapahinga sila mula sa trabaho. Dahil sa tindi ng pagpapagod, kinakailangan ng manggagawa o

Page 13: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 13 p.13

magsasaka ng “libreng oras” para makapagpahinga, magrelaks, o “magpalipas ng oras.”

Sa paglubha ng krisis pampulitika at pang-ekonomiya, lumaki ang bilang ng mga mamamayang tumatangkilik sa mga sikat na isport. Sa sarbey ng SWS nitong huling kuwarto ng 2006, halimbawa, umangat ang bilang ng mga tumatangkilik sa bilyar.

Sa hanay ng Class D (pangalawa sa kategorya ng pinakamahihirap), 53 porsiyento ang nanonood ng bilyar noong Agosto 2005; nitong Setyembre 2006, umabot na ito sa 56 porsiyento. Sa hanay naman ng Class E (mayoryang pinakamahihirap na Pilipino), 42 porsiyento ang tumatangkilik ng bilyar noong Agosto 2005; nitong Setyembre 2006, umabot ito sa 51 porsiyento.

Ngunit bukod sa pagtugon sa pangangailangang “magrelaks,” sumisikat ang mga isport dahil naipapamalas ng mga ito, sa tulong ng masmidya, ang rurok ng kakayahang pisikal ng atletang Pilipino: ang mabilis at mabisang pagsuntok ni Pacquiao at ang eksaktong pag-asinta nina Efren “Bata” Reyes, Django Bustamante at Ronnie Alcano.

Kinikilala ang mga tulad ni Pacquiao maging ng militanteng mga organisasyong gaya ng KMU (Kilusang Mayo Uno). “Natutuwa kami sa panibagong karangalang iniuwi ni Manny para sa mga Pilipino. Patunay lang ito na hindi basta-basta sumusuko ang mga Pinoy at nananatiling nakatindig pa rin kahit sa harap ng matitinding laban at panganib,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Sinabi pa ni Labog na suportado ng mga manggagawa si Pacquiao. Bukod sa panonood ng basketbol, ang boksing ang isa sa paboritong libangan ng mga karaniwang obrero. Sa katunayan, isa si Anakpawis Rep. Crispin Beltran sa mga masugid na sumusubaybay sa karera ni Pacquiao.

Kabilng sa masa sina Pacquiao, Reyes, Bustamante at Alcano dahil sa kanilang pinagmulang kahirapan sa buhay at

pagsusumikap na makaalpas dito – sa pamamagitan ng pagpapakahusay sa kani-kanilang linya sa isport.

Kung tutuusin, maaaring tingnan ito bilang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pisikal na paggawa (physical labor): samantalang sumisikat ang mga tulad nina Pacquiao at Alcano, wala namang nakakakilala maging sa mga pinakamahuhusay na siyentista o dalubhasa sa bansa. Sa pamamagitan ng ehemplo nina Pacquiao, muli, dahil sa masmidya, tumitimo sa masa kung paano nagbubunga ng tagumpay ang pagsusumikap.

Ehemplo ng ‘alipin’ Ayon naman kay Jun Cruz Reyes, titser ng kulturang popular sa Unibersidad ng Pilipinas, kinakatawan ni Pacquiao ang aspirasyon ng aping masa.

“Katulad ng mga gladiator noong unang panahon, si Pacquiao ang pinakamagandang halimbawa ng isang alipin. Na basta mabait ka at pursigido, bibiyayaan ka ng Diyos,” ani Reyes.

Ang boksing ay sublimasyon ng karahasan. Inihahalintulad ito ni Reyes sa larong archery. Aniya, ininstitusyonalisa ng lipunan ang karahasan ng pamamana, tinawag itong archery, at ang pagsakop at paglupig sa mga kaharian ay naging chess naman.

Naging isport ang karahasan. Subalit hindi nangangahulugan na wala nang karahasan. Mas masama ito dahil ininstitusyonalisa na ng naghaharing-uri – lehitimo na ang karahasan para sila ay maaliw. Masama ito dahil ang mahihirap pa rin, kahit kabilang na sila sa mga naaaliw, ang lumalaban para sa kasiyahan ng mga nakatataas sa lipunan.

“Walang mayaman o mestiso na makikipagbasagan ng mukha. Ang boksing (pagpapakamatay para maging kampeong boksingero) ay para lamang sa mahihirap,” ayon kay Reyes.

Page 14: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 14 p.14

Ang halaga ni Pacquiao sa masa ay ang paglaban niya na katulad ng alipin na naging gladiator. Ang kampeong gladiator ay hindi kayang patayin ng tigre o ng karaniwang sundalo.

Ipinaliwanag pa ni Reyes na hindi nakakatuwa na iniidolo ng masa si Pacquiao. Kung gaano karami umano ang nagdiriwang sa pagkapanalo ni Pacquiao, ganoon rin karaming api.

Ginagamit ng estado Ganitong-ganito ang kuwento ng pagsusumikap na nais ipalaganap ng mga makapangyarihan, tulad ng gobyernong Arroyo, para papaniwalain ang mga mamamayan na uunlad ang buhay nila kung magsusumikap lamang sila.

Sa kanyang mensahe kay Pacquiao, sinabi ni Arroyo na kinikilala si Pacquiao ng sambayanan “sa tatag ng paninindigan, disiplina, sipag sa trabaho at kakayahang sa kabila ng mga sagabal, kayang kamtin ang tagumpay.” Sa kanyang pananalita, maaaninag ang kagustuhan ni Arroyo na ihalintulad ang tagumpay ni Pacquiao sa tagumpay diumano ng gobyerno.

Sa katunayan, ginawaran pa ni Pangulong Arroyo ng Order of Lakandula ang mga manlalarong tulad nina Pacquiao, Alacano at Reyes.

Ngunit para kay Pablo Tariman, patron ng maraming alagad ng sining at isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng klasikal na musika sa bansa, nakalulungkot ang patuloy na pagtatambol ng Malakanyang sa tagumpay ni Pacquiao gayong nasasantabi ang iba pang talentong nagbibigay din ng karangalan sa lahing Pilipino.

“Samantalang dapat na ipagbunyi natin ang tagumpay ni Pacquiao, kailangang paalalahanan tayo sa iba pang role model sa iba pang larangan, laluna sa klasikal na musika na patuloy na pinababayaan,” sinulat ni Tariman sa wikang Ingles, sa kanyang sanaysay na Manny Pacquiao, Superman and Our Classical Artists.

Sinabi pa ni Tariman na dapat ding kilalanin ng masa ang mga tulad ni Cecile Licad, na gaya ni Pacquiao ay nag-eensayo rin ng walong oras sa isang araw para sa isang pagtatanghal.

‘Pag-asa’ ng tambay Ayon pa kay Reyes, binubuhay naman nila “Bata” Reyes at Alcano ang aspirasyon ng mga tambay at kabataang hindi nakapag-aral. Hindi dapat pamarisan ang mga tambay o ang mga mahilig magbilyar kesa sa mag-aral. Pero ayun, nagpursige sila sa bilyar kaya kinikilala ngayon kahit sa ibang bansa.

Ang pagbibigay ng Order of Lakandula kina Pacquiao at iba pa ay maaaring repleksiyon ng kung paano natin pinahahalagahan ang ating mga bayani. Hindi umano kilala ng nagbigay ng parangal kung sino si Lakandula. Na ito ay hindi istambay kundi Lakan. Hindi boksingero kundi makata.

“Ganito tayo ka-taranta, ganito tayo ka-hilo kung ano ang gagawin sa mga tambay at mahihirap. Malulutas ba ng ilang kampeong Pilipino ang ugat ng problema ng kanilang uring pinagmulan?” tanong ni Reyes.

Ang mga kampeong Pilipino ay ginagawang dekorasyon ng sistema para maging halimbawa kung bakit hindi dapat mag-alsa ang mahihirap dahil may pag-asa namang umunlad – sumikat at kumita ng milyon-milyong dolyar na Amerikano at pisong Pilipino — kung magsusumikap lamang.

Page 15: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 15 p.15

UPUAN Gloc 9

Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo Baka matanaw, at baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko Ganito kasi yan eh... Verse 1: Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Chorus: Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo, Baka matanaw, at baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2: Mawalang galang na po Sa taong naka upo, Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumueldo Pero kulang na kulang parin, Ulam na tuyo't asin Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pero niyo Walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo Kaya... Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa’y wag magalit O bato-bato bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata Wag kang masyadong halata Hehey, (Wag kang masyadong halata) (Wag kang masyadong halata) Yeahhey...

Page 16: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 16 p.16

ARALIN SA EKONOMYANG PAMPULITIKA Kerima Lorena Tariman Nang matuklasan ng isang Aleman Ang labis na halaga, Ay nakalkula na rin Ang lahat-lahat na. Halaga ng tao Halaga ng lupa Halaga ng tula Halaga ng digma Kung sa loob pa lamang Ng tatlong minutong trabaho Ay nalilikha na ng manggagawa Ang buong araw niyang suweldo, Ang tantos ng pagsasamantala Ay ilang porsyento? Ay, ang labis na halaga – O pagpapahalaga – Sa superganansya't supertubo! Binibilang ko ang mga bagay Na mahalaga sa akin: Bubong, saplot, araw-araw na kakanin. Binibilang ko ang araw At ako'y napapailing: Bawat minuto, Kinikita ng mga kumpanya ng langis Ang katumbas ng walong oras kong pawis. Bakit ba napakahalaga Ng paghahangad ng labis, Kung ang labis-labis, Ang katumbas ay krisis?

Tinatantiya ko kung kailan: 1. mapipigtas sa tanikala ng monopolyo ang pinakamahina nitong kawing 2. aawitin ng kapitalismo ang punebre sa sarili niyang libing. Pansamantala lamang ba ang pagsasamantala? Anu-ano ang mga pagkakataong Dapat nating samantalahin? Natuklasan din ng Aleman Na ang manggagawa ay walang bansa, At kanilang pakikibaka Ay walang baybayin. Kaya't kinakalkula ko muna, Samantala, kung ano ang mahalaga Para sa araw-araw nating gawain. At kung gaano kahalaga, Mga kasama, ang pagkakaisa sa atin.

Page 17: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 17 p.17

PARA SA MASA Eraserheads ito ay para sa mga masa sa lahat ng nawalan ng pag-asa sa lahat ng ng aming nakasama sa lahat ng hirap at pagdurusa naaalala nito pa ba binigyan namin kayo ng ligaya ilang taon na ring lumipas mga kulay ng mundo ay kumupas marami na rin ang mga pagbabago di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang mapapatawad mo ba ako kung hindi ko sinunod ang gusto mo la la la la la la la la. . . . . . pinilit kong iahon ka ngunit ayaw mo namang sumama ito ay para sa mga masa sa lahat ng binaon ng sistema sa lahat ng aming nakabarkada sa lahat ng mahilig sa labsong at drama sa lahat ng di marunong bumasa sa lahat ng may problema sa skwela sa lahat ng fans ni sharon cuneta sa lahat ng may problema sa pera sa lahat ng masa huwag mong hayaang ganito bigyan ang sarili ng respeto

NAGING MAHIRAP Merlee Jayme Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada. Yan ang tanong namin Tunay ka bang isa sa ‘min? Nalaman mo na ba’ng mapapag-aral ka niya? Tutulungan tayo para magka-trabaho. At ang kanyang plano’y magkabahay tayo. Si Villar ang tunay na mahirap. si Villar ang tunay na may malasakit. Si Villar ang may kakayahan. At gumawa ng sariling pangalan. Si Manny Villar Ang magtatapos ng ating kahirapan.

(Titik mula sa opisyal na website ni Manny Villar: http://www.mannyvillar.com.ph/videolink.php?video=48)

Page 18: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 18 p.18

VILLAR PAHIRAP Anonymous Nakaligo ka na ba sa karagatan ng pera.. Araw-araw Pasko, ng dahil sa kalsada (C5 Extension)! Yan ang tanong namin, Kelan mo ba aaminin? Nalaman mo na bang mga pinaggagawa niya, Tutulungan tayo para magmukhang-gago! At ang kanyang planoý pagkakitaan tayo! Si Villar ang tunay na PAHIRAP! Si Villar, sa pwesto mahigpit ang kapit! Si Villar ang may kakayahan Na gumawa ng pagkakaperahan! Si Manny Villar ang bababoy Sa ating buong bayan! http://adayinthelifeofrj.com/2009/12/manny-villars-naging-mahirap-tvc-campaign-lyrics/

UKAY-UKAY Delfin Tolentino, Jr.

Kasaysayan at Etimolohiya

Tinutukoy ng salitang ukay-ukay ang mga mga segundamanong damit na galing sa ibang bansa at ipinagbibili sa Filipinas sa napakamurang halaga (“Laging nakapustura si Grace pero alam mo ba na puro ukay-ukay ang suot niya?”). Tinutukoy rin nito ang mga tindahan o pamilihan na nagbebenta ng ganitong paninda (“Mabaliw-baliw si Dina noong mag-shopping kami sa ukay-ukay.”).

Pumasok ang ukay-ukay sa bokabularyo at kamalayan ng mga Filipino nitong nakaraang dekada. Ang kasaysayan ng ukay-ukay ay kasaysayan ng isang pambihirang pangyayari sa ating panahon, at kasaysayan itong malamang na maganap lamang sa isang lipunang hikahos.

Wala itong tiyak na simula. Ayon sa isang ulat, nagsimula ang ukay-ukay noong dekada sisenta sa Baguio at Cebu nang maisipan ng ilang may hilig sa negosyo ang pagbebenta ng mga segunda-manong damit na nakolekta ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Inipon ang mga damit na ito, ipinadala sa Filipinas, inilusot sa Customs nang walang taripa sapagkat hindi idineklarang paninda, at pagkatapos ay ipinagbili nang mura sa mga bahay-bahay at mga tiyangge.

Ngunit ang lalong popular na kuwento ay tungkol sa pagsilang ng ukay-ukay sa Baguio noong mga unang taon ng dekada nobenta, nang ipauwi ng mga domestic helper sa Hong Kong ang mga segunda-manong damit na nahingi o nabili nila roon upang ipagbili sa presyong baratilyo sa mga sidewalk ng Baguio. Pumatok nang husto ang ganitong munting negosyo hanggang sa pasukin ito ng mga propesyonal na negosyante. Hinalughog ng mga negosyante ang mga bodega ng mga Intsik sa Hong Kong at pinakyaw hindi lamang ang mga segunda-manong damit kundi pati na rin ang mga reject at product sample ng mga pabrika at ang mga lumang stock ng mga department store. Ang mga

Page 19: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 19 p.19

balikbayan box na pinaglalagyan ng mga lumang damit ay hinalinhan ng mga shipping crate. Sa kalaunan, nagsulputan ang mga tindahan ng mga imported ngunit napakamurang damit, at napatanyag ang Baguio bilang sentro ng negosyong ukay-ukay sa bansa. At sapagkat kumalat na ang balita na matubong negosyo ito, ngayon ay matatagpuan na ang ukayukay mula Batanes hanggang Jolo. Kaya hindi kataka-taka na lumikha ito ng sariling mitolohiya. Mayroong mga kuwento na ang mga ibinebentang damit sa ukay-ukay ay damit ng mga patay o maysakit. Ayon naman sa isa pang salaysay, ang mga damit na ito ay mga donasyon ng ibang bansa para sa mga biktima ng sakuna sa Filipinas.

Nagmula sa salitang Bisaya ang ukay-ukay na ang ibig sabihin ay maghalungkat sa mga damit na itinumpok sa mesa, itinambak sa kahon, o ikinalat sa nakalatag na sako. Konektado ang ukay-ukay sa salitang Tagalog na hukay. Sa unang yugto ng kasaysayan ng ukay-ukay, ganito ang itsura ng mga paninda: halo-halo, walang ayos, bunton-bunton. At parang naghahalukay ng lupa ang mga mamimiling naghahanap ng makukursunadahang damit. Kapag nakasumpong ng medyo natipuhang palda, polo, pantalon, o pajama, ilalabas ito nang husto at iwawagwag na parang bandera, upang siguruhin na wala itong punit, walang nawawalang butones, walang mantsa. Kaya ang ukay-ukay ay tinatawag ding wagwagan.

Mga Gamit ng Salita

Katulad ng maraming matagumpay na negosyo, pinasok ng ukay-ukay ang iba pang larangan. Mula sa sidewalk, ang ukay-ukay ay umusad sa mga regular na tindahan hanggang sa marating ang mga shopping complex. Sa Baguio, ngayon ay mistulang mall ang mga lumang gusaling nilusob ng ukayukay. At sa paglawak ng teritoryong sakop nito, ang negosyong ukay-ukay ay nag-diversify. Bagama’t segundamanong damit ang orihinal na tinutukoy ng ukay-ukay, ngayon ay tukoy na rin nito ang iba pang segunda-manong produkto na ibinebenta ng mga mag-uukay: lahat ng klase ng bag, stuffed toys at iba pang laruan, sapatos, tsinelas, sinturon, kumot, kobrekama at punda ng unan, mga gamit sa kusina, kurtina, baseball caps, Christmas décor, at pati bookmarks na galing sa Ehipto at Turkiya. Madalas, ang ekspedisyon sa ukay-ukay ay tila nagiging pagdalaw

sa maalamat na Serendip: bumubulaga ang magagandang sorpresa. Sa graduation ng Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio, kapag nagmartsa na ang kaguruan, mapapansin ang ilang guro na kakaiba ang suot na toga, sapagkat mga toga ito ng Princeton University o Concordia College na na-jackpot nila sa ukay-ukay.

Napakalaki ng potensiyal ng salitang ukay-ukay kaya natural lamang na lumawak pa ang kahulugan nito. Sa hanay ng mga sikat na fashion designer na tulad nina Rajo Laurel, ginagamit ngayon ang ukay-ukay para tukuyin ang “vintage fashion.” Dahil sa ukay-ukay, naging “in” ang mga lumang damit na ngayon ay nire-recycle at ginagamit sa paglikha ng mga makabagong kasuotan na kinatutuwaan ng mga fashionista.

Dahil sa koneksiyon nito sa mga bagay na luma o gamit na, ang ukay-ukay ay nagamit na rin bilang katumbas ng “archive,” tulad halimbawa ng paggamit ng UP Film Institute sa salitang ito para tukuyin ang archive ng sineng Filipino na dapat halukayin upang mahanap ang mga lumang pelikula na nabaon na sa limot.

Kahit sa internet ay mayroon na ring ukay-ukay. May isang masuwerte at kilalang dot com na naging matagumpay dahil sa estratehiya nito: naghahanap ito ng mga imbentaryo ng mga “patay” nang dot com, pinapakyaw ang mga ito sa mababang halaga, at pagkatapos ay muling ipinagbibili nang mura. Ngunit mura man ipagbili ay pinagtubuan na nang malaki. Ayon sa ilang estratehista ng Ayala Corp., ito ang “pilosopiyang ukay-ukay.” Isa pa itong gamit ngayon ng ukay-ukay.

Kaugnay pa rin ng computer technology, at dahil naman sa koneksiyon ng ukay-ukay sa mababang presyo na kayang abutin kahit ng mga taong wala namang kaya, kamakailan ay nanawagan ang isang computer specialist na sana ay maglabas ang Microsoft ng isang operating system na makakayang bilhin ng mga tao sa isang mahirap na bansang tulad ng Filipinas. Ito ang tatawaging “ukay-ukay edition” ng Microsoft OS.

May iba pang gamit ang salitang ukay-ukay. Noong nagkakagulo sa Kongreso dahil sa pagpoposisyon ng mga politiko na naghahangad na makuha ang ganito o ganoong komite, nakiusap si Cong. Rodolfo

Page 20: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 20 p.20

Plaza ng Agusan del Sur sa kaniyang mga katoto: “Huwag natin itong gawing subasta, o ukay-ukay ng mga posisyon sa Kongreso!” Maaaring katawa-tawa ang ilang gamit ng salitang ukay-ukay, ngunit maaari rin itong makabagbag ng damdamin. Ayon sa isang ulat sa diyaryo, ikinumpisal ng isang batang ilang taon nang naninirahan sa lansangan na ang mga batang kalye na tulad niya ay nagnanakaw at kung minsan ay namamalimos para mabuhay. At naghahalungkat din sila ng pagkain sa mga basurahan. Ukay-ukay ang tawag nila sa kanilang mga pagkain na galing sa basura ng Jolibee, McDonald, at iba pang fastfood restaurant.

Ang Ukay-Ukay Bilang Salita ng Ating Panahon

Kinakatawan ng salitang ukay-ukay ang kultura at lipunang Filipino sa kontemporanyong panahon. Nakapaloob dito ang larawan ng isang mahirap na bansa na tambakan ng basura ng mga nakaririwasang bansa. Nakapaloob din dito ang larawan ng maabilidad na Filipino na nakikita ang kayamanan sa basura ng iba. Demokratiko ang ukay-ukay. Sa pamamagitan nito, nakakaya ng mahihirap na bumili ng damit. Samantala, ang mga Filipinong sunod sa moda ngunit manipis ang bulsa ay nakapagsusuot ng mga Yves Saint Laurent o Oscar de la Renta nang hindi kailangang ipagbili ang kaluluwa. Sabi nga ng isang peryodista: “Kilala daw ang Filipino sa pagiging ‘wais’. Sa lahat ng bagay maging sa pansariling gamit ay pangunahing layunin ng Pinoy ang makatipid. Ngunit sa kabila ng kagustuhang makatipid ay mahilig din sa imported at signature na kasuotan ang Pinoy. Ang magkataliwas na hilig ay nabigyang solusyon sa pamamagitan ng ukay-ukay.”

Noong una, marami ang ayaw na masabing parokyano ng ukay-ukay. Nahihiya sila. Ngunit ngayon ay makakasalubong sa mga sentro ng ukay-ukay ang lahat ng klase ng tao, mula sa mahihirap hanggang sa mga sosyal. Senyas ito ng panahon ng kagipitan. Apektado ng krisis ang lahat.

Sinususugan din ng ukay-ukay ang ugali ng maraming Filipino na sa ganitong panahon ng kagipitan ay umaasa na lang sa pagdating ng suwerte, sa hulog ng langit: kaya hinahalukay ng mga parokyano ng ukay-ukay hindi lamang ang mga bunton ng damit kundi pati na rin ang mga bulsa ng mga nabili nilang damit

sa pag-asang matatagpuan dito ang ilang dolyar na nakasingit, o alahas na nakalimutang alisin ng dating may-ari.

Tunay ngang naging bahagi na ng buhay-Filipino sa ating panahon ang ukay-ukay. Ibinandera na ito sa isang eksibit ng mga likhang-sining sa isang gallery sa Maynila. Ang kaisipang ukay-ukay ang baka rin makapagpaliwanag kung bakit naging isa sa pinakaimportanteng klase ng kontemporanyong sining sa Filipinas ang mixed media na gumagamit ng mga found object—mga lumang bagay o basura na napulot sa kung saan.

Itinanghal na rin sa pelikula ang ukay-ukay. Sa “Annie B, Bida ng Ukay-Ukay, Bongga S’ya Day,” tampok si Jolina Magdangal bilang ukay-ukay vendor na mahilig mag-goodtime sa gabi. Ang tindera ng ukay-ukay ang tumatayo ngayon bilang Annie Batungbakal ng kasalukuyan, isang bagong arketipo para sa bagong milenyo.

Maging sa larangan ng karunungan ay naroon din ang ukay-ukay. Ang pangunahing bilihan ng libro ngayon sa Filipinas ay hindi na ang mga mega-bookstores kundi ang maliliit at masisikip na Booksale outlet sa iba’t ibang parte ng bansa na nagtitinda ng mga segunda-manong libro mula sa Amerika. Ang Booksale ang ukay-ukay ng mga intelektuwal at mambabasang Filipino.

At ilan sa atin ang may alam na pinapaksa na rin angukay-ukay sa mga international conference at tinatalakay sa mga refereed journal? “‘Ukay-ukay’ chic: Tales of fashion and trade in second-hand clothing in the Philippine Cordillera” ang pamagat ng isang seryosong pag-aaral na ginawa ng isang antropologong taga-Canada.

Talaga namang laganap na ang ukay-ukay sa lipunang Filipino. Hindi na mabilang ang mga bahay na nagmistulang tahanang ukay-ukay sapagkat galing sa ukay-ukay ang halos lahat ng gamit, mula sa bedsheet na ikinukumot sa katawan hanggang sa mantel na itinatakip sa hapag-kainan.

At malapit na ring lusubin ng ukay-ukay ang larangang espiritwal. Sa labas ng bantog na simbahan ng Birhen ng Manaoag sa Pangasinan, sumisingit na sa hanay ng mga tindera ng kandilang pang-alay sa birhen ang mga ukayukay vendor na lumalapit sa Diyos.

Page 21: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 21 p.21

INTELLECTUAL MASS STARVATION Vlad Gonzales SABI NG batang nagsasalita sa TV, milyun-milyong Pilipino raw ang nagugutom, at kapag inipon mo raw ang mga tirang pagkaing itinatapon mo sa loob ng isang taon, sapat na raw iyon upang pakainin ang isang milyong mga Pilipino, mga Pilipinong walang pambili ng sariling pagkain. Dighay ang isinagot mo sa ikinukuwento ng bata. Di mo na pinansin ang pagpapasalamat ng bata sa DECS at CHED, DOH, KBP at ng himpilang nag-eere ng patalastas. Napakamot ka ng tiyan. Napakamot ka rin sa ulo pagkatapos mong ibaba ang platito ng black forest, ubos na ang kalahati. Naisip mo, sino ba namang tanga ang kakain ng cake na bukod sa tatlong linggo nang nasa ref ay kinain pa ng kung sinong taong hindi naman nila kilala? At sino ba ang magkakapanahong ipunin ang lahat ng tirang pagkain ng Pilipinas? Baboy. Baboy lang ang makikinabang kung saka-sakali sa pagkaing iyon. Natapos ang iyong pag-iisip sa pagpindot sa iyong remote control. Naging asul ang screen. Video Mode, sabi ng mga neon green na letra. Ngumiti ka bago magbuntung-hininga. SNOW WHITE AND THE SEVEN BALLS. Lumang kopyang naiwan ng tatay mo sa kasuluk-sulukan ng binubukbok na cabinet sa may bodega. Inaamag-amag na pero nasolusyunan mo ng ilang ulit na pag-rewind at fast forward. Pinindot mo ang power ng nakasaksak na VHS player. Masuwerte ka. Nasa Dubai ang tatay mo, ang nanay mo naman ay bumisita sa tiya niya, namiyesta. Ang dalawang kapatid, sinuguro mong natutulog na. Ikaw lang naman talaga ang natitirang gising kapag ganitong oras. Masuwerte ka. Unang eksena: si Snow White sa isang meat shop, nagtatanong sa tatlong matadero kung saan makakabili ng mansanas. Biglang dinakma ng unang matadero ang kanang suso ni Snow White. Natawa ka, nagulat pero natuwa. Lumuhod ang isa pang matadero sa harap ni Snow White, inangat ang palda. Walang panty si Snow White. Napangiti ka dahil nagsimula nang tumunog ang rock song na hudyat ng pagsisimula ng tunay na aksyon.

Hinihimod ng mataderong nakaluhod ang kaselanan ni Snow White. Hinihigop niya ito, kinakagat, dinadalirot. Ang mataderong nakadakma sa suso ni Snow White ay nakasubsob na sa dibdib ng babae, sabay na naglalaro ang dila at ang kanang kamay na nakasapo sa ari nito. Nakahawak ka na rin pala sa iyong ari, hinihimas mo na rin pala ito. Ang pangatlong matadero, nagsasalsal sa tabi ng patay na baboy, dahan-dahang inilalabas-pasok ang daliri sa puwit ng patay na hayop. Nakakadiri, sabi mo sa sarili mo, pero hindi nawala ang pagdaloy ng mainit na dugo sa iyong mga kaugat-ugatan. Hubo't hubad na ang apat na bida. Ikaw nama'y nakababa na ang short at brief na suot, hanggang tuhod lang para madaling mahatak paitaas kung sakaling may magising na kapatid. Nakaluhod ang dalawang matadero sa tapat ng ulo at puwitan ng nakatuwad na Snow White. Malakas na ungol ang sagot ng babae sa mga aring nakasuksok sa bibig at likuran nito. Ang ikatlong matadero, nagsasalsal pa rin, tulad mo. Pumikit ka sandali. Ninanamnam mo ang masarap na ungol. Naisip mo si Criselda, ang kaklase mo sa PE noong first year college ka. Naisip mo si Carla, ang girlfriend ng bestfriend mo. Naisip mo ang Tita Ellen mo, at ang anak niyang si Ella. Pati nga ang kapatid niyang si Erol, naisip mo, pero agad mo naman siyang inalis sa eksena. Baka isipin pa niyang may gusto ka sa kanya. Ang propesor mo sa Math, o ang dating katulong ninyo. Naisip mo sila, isa-isa, dalawahan, o sabay. Umuungol sila. Sarap na sarap. Napadilat ka sandali at nakita mo ang bigla-biglang pagpapatihaya kay Snow White. Nahugot ang mga nakabaong ari. Maya-maya'y itinutok sa may pusod ni Snow White ang isa at ang isang lalaki nama'y itinutok ang puwit niya sa bibig ni Snow White. Sumirit ang ihi ng isang matadero, tumama sa pusod, sa suso, sa hita, sa puke ni Snow White. Tae naman ang inilabas ng isang matadero, eksakto sa bibig ni Snow White. Ang ikatlong matadero, pagkakabig ng kamera sa kanya, ay nasa ibabaw na ng mesang katayan at nagpaparaos na sa patay na baboy. Sarap na sarap ang mga matadero. Sarap na sarap si Snow White. Hindi ka nakagalaw. Sa loob ng maiksing-maiksing oras ay pumasok sa isip mo ang mga imahen ng iyong kaklase sa PE, ang girlfriend ng bestfriend mo, ang Tita Ellen mo, ang anak niyang si Ella, ang kapatid niyang si Erol, ang propesor sa

Page 22: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 22 p.22

Math, ang dating katulong, isa-isa, dalawahan o sabay na nagkakainan at nag-iinuman ng ihi at tae. Naglaway ka, parang gusto mong maduwal. Kaya dali-dali mong hinagilap ang remote control, pinindot ang unang channel na naabot ng hinlalaki mo. Balik sa patalastas ng bata. Sabi niya, milyun-milyong Pilipino raw ang nagugutom, at kapag inipon mo raw ang mga tirang pagkaing itinatapon mo sa loob ng isang taon, sapat na raw iyon upang pakainin ang isang milyong mga Pilipino, mga Pilipinong walang pambili ng sariling pagkain. Matigas pa rin ang ari mo. Napabuntong-hininga ka. Nakaramdam ka ng panghihinayang. Sayang naman kung palalambutin mo lang nang ganun-ganun lang. Pinindot mo uli ang remote control, bumalik sina Snow White at ang mga matadero. Sarap na sarap sila. Pumikit ka. Pakinggan mo na lang yung ungol, yun ang sabi mo. Yung masarap na ungol. At kunwari, yung mga kakilala mong tao yung umuungol. Pumikit ka na lang, yun ang sabi mo sa sarili mo. Bumilis ang mga ungol, lumakas. Narinig mong may sinasampal sa pelikula, pumikit ka na lang, yun ang sinabi mo sa sarili mo. Bumilis nang bumilis, lumakas nang lumakas. May hinahampas ng kung anong matigas na bagay, naririnig mo ang paghampas sa balat. Pakinggan mo na lang yung ungol, yun ang sabi mo. Pakinggan mo na lang yung ungol. Sarap na sarap ang mga matadero. Sarap na sarap si Snow White. Dalawang minutong paghabol ng hininga. Nasa isang kusina na sina Snow White at ang tatlong matadero. Kumakain sila ng letsong baboy. Kinuha ni Snow White ang mansanas na nakasaksak sa bunganga ng letson. Close up sa mukha niyang kumakain ng mansanas. Three down, four to go, sabi mo sa sarili mo. Nakaramdam ng gutom ang iyong sikmura. Pero sawa ka na sa cake, nasusuya ka sa tamis. Hinagilap mo ang panyong inihanda mo sa isang tabi, pinunasan ang dapat punasan, hinatak ang nakababang short at brief pagkatapos ay kinuha ang platito ng black forest at dumiretso sa kusina, naghahanap ng pagkaing tutugon sa iyong gutom.

Habang abala ka sa pagkakalikot sa kusina, hindi mo napansing dahan-dahan na ring kinakain ng VHS player ang inaamag mong pelikula.

DASALAN AT TOCSOHAN Marcelo H. del Pilar Ang Tanda Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua. Pagsisisi Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.; Ang Amain Namin Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Aba Guinoong Baria Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile’I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nand Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.

Page 23: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 23 p.23

Aba Po Santa Baria Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i –cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen. Ang Manga Utos Nang Fraile Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos. Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua. Ang ikapito: Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua. Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos nang Fraile’I dalaua ang kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mo’t kayamanan. Siya naua. Ang manga kabohongang asal, ang pangala’i tontogales ay tatlo. Igalang mo …………… Katakutan mo………… Ang Fraile At Pag Manuhan mo ….

ABA SANTONG DIYABLO Anonymous “Aba Santong diyablo Bruho kang talaga Nasa iyo na ang lahat ng grasya Narito naman kami Inuulan ng disgrasya.”

ABA! NAMAN GLORIA! Text Message "Aba naman Gloria Puno ka ng grasya Ang yaman ng tao’y sumaiyo na. Bukod kang nandaya Sa babaeng lahat. Pinagpala rin, asawa mo’t anak. Wala ng natira sa AMEN."

Page 24: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 24 p.24

PASYONG MAHAL NI SAN JOSE Jose F. Lacaba

Matay na niyang isipin ang kabuntisan ng Birhen anopa’t babaling-baling walang matutuhang gawin, ang loob niya’t panimdim. —PASYON

Pait, katam at martilyo, ibubulong ko sa inyo ang masaklap kong sikreto: hindi ko pa inaano ay buntis na ang nobya ko. Ang sabi ng anghel, wala akong dapat ikahiya, walang dahilang lumuha; dapat pa nga raw matuwa pagkat Diyos ang gumahasa. Martilyo, katam at pait, makukuha bang magalit ng karpintero? Magtiis. Ang mahina at maliit, wala raw laban sa langit.

VANDALISMO Rolando B. Tolentino

Ito ang tugon ng mga estudyante ng PUP at UP. Sa binabalak na

2000 porsyentong pagtaas ng matrikula sa PUP, aligaga ang

administrasyon nito na pagdiinan ang naging rekurso ng mga

nagproprotestang estudyante, sinunog ang mga bulok na silya.

Sa UP naman, dahil ayaw bumaba ng presidente nito at ang

rehenteng kaka-renew lang ang appointment ng Malacanang

gayong boto nang boto kahit temporary lang ang naunang

appointment nito, nagpinta ng graffiti ang nagproprotestang

estudyante.

Sa “Unang Hirit,” kinapanayam ni Arnold Clavio ang estudyante

nang may pasakalye, na galing din siya sa public school at alam

niyang limitado ang resources nito, bakit naman nagsunog pa ng

silya? Sa UP, ang administrative staff sa Quezon Hall ay

bumulyaw sa estudyanteng nagpipinta ng “Gloria, Roman taksil sa

pamantasan!” na wala na ngang pera ang unibersidad ay

gagastos pa ito nang paglilinis.

Minsan nang ginipit ang UP Faculty Regent Judy Taguiwalo ng

kanyang kahanay na guro sa University Council. Nang mag-

propose ito ng resolusyon hinggil sa karahasan sa mga

estudyante dini-disperse sa pagbubukas ng Toyota-GT Center ay

nabaligtad ang akusasyon. Bahagi ng proposal ang pagdawit sa

Chancellor ng UP Diliman dahil sa quotation ng mga opisyal ng

pulis na ang Chancellor ang nagpatawag sa pulis para

protektahan ang venue.

Bakit daw hinuhusgahan ni Taguiwalo at nang iba pang pumirma

sa statement ang isang colleague nila? Ito raw ba ang kultura sa

UP, ang magtiwala sa tagalabas at magtiwalag ng tagaloob, na

hindi man lang tumawag sa Chancellor para i-verify kung tama

nga ba ang pagdadawit sa kanya ng pulisya?

Page 25: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 25 p.25

Ang ganitong pangangatwiran ay bahagi ng diskurso ng natitinag

na burgesya. Binabaligtad ang sitwasyon, ginagawang personal

sa makauring individualidad at imahinaryong komunidad sa lohika

ng pangangatwiran, ang nabiktima ang nagiging mambibiktima.

Hindi kakatwa na si Clavio ay sumipi sa sariling uring pinagmulan,

pero iba na ang uring identifikasyon niya ngayon. Ang staff ay

mayroon nang mentalidad ng administrasyon. At ang faculty sa

konseho ay nag-aastang parang di inaapi ng estado kundi ng

isang kapwa nila. Ang alipin ay nag-aastang amo, dinadaot ang

kahanay na uri.

At ito ang tunay na karahasan, ayon sa kritikong si Slavoj Zizek.

Ang wika ng panunumbat ay hindi aktwal na tumutugon sa

obhetibong karahasan. Totoong may reaksyon ang mga

nagproprotestang estudyante, faculty at kawani ng SUCs (state

colleges and universities). Marahas dahil hindi umaakma sa

inaasahang regularisasyon ng pagtanggap: deadma lamang

kundi man mabaon sa limot sa dami ng pinagkakaabalahan, o

hayagang pag-aproba.

Ang hindi pagpapalampas sa di makatarungang polisiya at

pamamalakad ay historikal na pangyayari. Makakalampas pero

hindi pinalalampas, iginuguhit ang tunggalian, prinoprotesta ang

katiwalian. Mapusok ang damdamin dahil sa mas deadma na

mukha ng kapangyarihan: hindi nakikinig, dinudugyot ang may

ayaw. Mukhang galit si Pangulong Dante Guevarra sa panayam

ni Clavio, si Roman naman ay baka may biro pa ngang

binibitawan habang tinatalakay ang insidente sa nag-iisang

rehenteng nakapasok sa regents room.

Ang obhetibong karahasan ay dulot ng kawalan-konsultasyon at

kultura ng impunity nina Guevarra at Roman. Nilulusot ang nais,

pinagpipilitan ang magustuhan, niyuyurakan ang demokratikong

proseso sa pamamagitan ng pag-iwas sa mismong mga

naitaguyod na proseso, kundi man ang mapanupil na gamit sa

retorika ng batas (lalo na kapag nailagay sa kamay ng mga

abugado bilang representante ng makauring posisyonalidad

kaysa sa paglilingkod sa komunidad) o ito ngang pagbabaligtad

ng posisyonalidad.

Malaki ang apila ng indictment sa vandalismo. Nakasentro ito,

kakatwa, sa konsepto ng pribadong pag-aari. May identifikasyon

ang mga naantig ang damdamin na mababang uri sa gitnang

uring panuntunan ng pag-aari: pribado ito (kahit pa estado ang

may-ari nito), kaya hindi dapat dinudungisan o sinisira kahit pa sa

tindi ng damdaming kaakibat ng mas maigting na karahasan: ang

karahasan mismo nina Guevarra at Roman na yumurak naman sa

orihinaryong karapatan ng mga nagproprotesta—ang karapatang

makonsulta at mapakinggan.

Ang vandalismo ay tunay na “writing on the wall,” ang napipilitang

lumitaw dahil sa ordinaryong pagkakataon ng estadong

kapangyarihan ay binubura sa estetika ng normal at walang

dungis (o bahid ng dugo) ng institusyon. Hindi ba’t ang pagtaas

ng matrikula ay disenfranchisement ng malaking bilang ng

mababang uring mamamayang hindi na makakapasok sa poder

ng institusyong ito, at kung gayon, ang posibilidad na makaahon

sa historikal na kahirapan?

Kaya ang sinumang nagnanais na maging mukha at

representante ng pang-estadong kapangyarihan ay dapat maging

handa sa vandalismo. Bumaba si Chancellor Rey Luis Velasco

ng UP Los Banos para hamunin na tapunan siya ng paint bag. At

tinatupan nga siya, at sa ulat sa balita, nanghingi siya ng

paumanhin sa publiko sa inasal ng mga estudyante. Kailangan

lang i-google ang pangalan nito at malaman ang mga marami at

malalim na akusasyon ng estudyante sa kanyang pamamalakad

sa inaakalang kaharian sa paanan ng bundok Makiling.

Page 26: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 26 p.26

Hindi na nakakasapat ang protesta lamang, kailangan ng

direktang aksyon tungo sa pagpapalitaw ng kontra-diskurso sa

estado, lalo na sa mga representante nito sa mga institusyon,

espasyo at poder sa pang-araw-araw. Mabuhay ang mga

nagproprotestang estudyante, sa pagkilos na naglalantad ng krisis

ng institusyon at estado. Sa isang saglit, magbibiyahe silang

literal at figuratibong nabahiran ng kulay, slogan, abo at labi ng

sidhi ng protesta. Na uuwi sila at babalik kinabukasan na hindi na

sigurado sa inaakalang di-matitinag na posisyon.

UTOS NG HARI Jun Cruz Reyes “See you in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin. Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman maikatwirang “paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit.” Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain yung pulang ballpen. Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag-study leave: nagpaabort sa America. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon naming, ang normalization process sa gobyerno. Sabi nya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang literacy rate.” (Sinabi na ‘yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging unicivilized sa wetern standards. Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming

Page 27: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 27 p.27

dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell. Ay, konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. ‘Pag nasa bahay ako, ako ang bida. ‘Pag ang kababayan ko ang magkukwento, ako ang sikat. Pero ditto sa iskwelahan, walang isko-scholar ng bayan. Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay sino ba namang ama ang matutuwang magkaanak ng drop out? Talagang sawa na akong mag-aral. Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saan sulok ko gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gusting mamahinga. At isiping kahit ako ang masaktan. Ay, buhay estudyante. Makauno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kaubrahan nga ako. Sana’y di nauso ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako, hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin. At kung tapos nga, nakakahiya naming pati trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko. Grade lang naman, problema ba ‘yon? Kung 5, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung kick-out. pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K., matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay “yung conduct mo” at “appearance” ang pangako nila? Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon. Si Einstein,

bumagsak sa Physics at grammar school pero big time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity. Kung sabagay, hindi ako si Recto at si Einstein. Si Jojo lang ako, kung ang walang sinabi kong teachers ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinsiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. Kung nalalaman lang nila. Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-research. Walang alam itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos na sila lamang ang may monopolyo ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali. Ay, mga teachers sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna na virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buking na namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang magwatcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin. Katwiran nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo par irn. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang. Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo. E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? ‘Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang niya ‘yung nalalaman niya sa voice at diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga asides. Para tuloy kaming pang-therapy niya lang. at ang kanyang paboritong paksa, ‘yugn kanyang ninuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique syempre ‘yung simbahan (tulad niya

Page 28: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 28 p.28

at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin ay may dugong bughaw siya. Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon. ‘Yung ganoong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. ‘Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka nito ng “What?” Iyon lang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.K. that’s your assignment for tomorrow.” Saka niya sasabayan ng bura ng maling nakasulat sa blackboard. Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka pa nga pwedeng magwala, hindi ka parin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob. Ayun at, “Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatwiran ng mga ito. Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina. Para na rin sinasabing, ‘pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil sa isasagot nito’y, “Kaya nga ayaw kong matutuhan nyo ang bisyo dahil pinagdaan ko na ‘yan. Sa amin sa barkada, dalawa lang kaming mag-gu-goodbye my school goodbye. Kick-out ako sa kagaguhan daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw. Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline. “Hindi naman korum, say quorum, kuwow, quorum. That’s correct, that Jojo Boy has no sense of dequorum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that.”

“Only he is stubborn. Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga.” “How true, how true, I swear to God that’s true.” “Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.” “And he is always absent. Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.” “So what is the verdict of the group?” “I could not pass him.” “Ako rin.” “God will punish his naughtiness.” “I will report the matter to his parents immediately.” Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito matututuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang sisipain. Bobo, ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayo’y mawala ang inferiority complex nito. ‘Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-schock silang marinig ang katotohanan. Sabi ng pangkat ng mga Hari. “I find him kina weird lately.” “So what shall we do with him.”

Page 29: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 29 p.29

“Definitely I could not pass him.” “Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskwelahan. Remember, Philippine School for Science and Technology ito. Tapos magpapasa tayo ng estudyanteng so-so? Hindi pwede.” “Pero cultural minority ‘yan.” “And so what?” “Kailangan babaan natin ang standard sa kanya.” “Excuse me, mayroon lamang isang standard and excellence at wala nang exception pa.” “What now?” “Ano pa, edi ibagsak.” Saka sila nagkorus ng “Ibagsak.” Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigit-kumulang ay nakapagpasya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon. “Have you considered his case lately?” “Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?” “Mabuti siguro’y pauwiin na natin sa kanilang tribo.” “Dapat nga, Baka manakit pa yan ay maraming madamay.” “Oh, how I abhor violence.” “Baka kamo manunog pa yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”

“E kung ipa-confine natin sa mental?” “At sinong magus-shoulder ng bill?” Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon. Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama’y “humane” sila ika nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin. “Ipasa na natin si Osias.” “Pero mababa yan sa Physics.” “Sus, naman ito, e talaga naman mahirap ‘yang klase mo.” “Thoughtful yang batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.” “Talaga. At prisintado agad yan pag nakasalubong ka na maraming dala.” “How about Armando? Another cultural minority?” “Excuse me. He is not a thoroughbred cultural minority it is only the mother. The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.” “Ang sweet-sweet ng batang ‘yan. Manang-mana sa Tatay nya.” “Pogi talaga.” “You bet. Doctor pala ang ama nyan.” “Ipapasa ko yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit kasi.”

Page 30: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 30 p.30

“Ano, pasado na tong dalawa?” “Approve.” Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor. “Come on in. Sit down.” Sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro. “Called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in class.” Idiniin niya yung your attitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay. “Jojo, ang tao’y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin.” Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa teacher. Ngiti ka lang basta. Titigil din yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon. “Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng priori statement. Do you get me?” Tumango naman ako. “Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happen to have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bait hindi mo gamitin ang power of elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?” Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siyang magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan din yan ng sasabihin. Pasok sa kanang tenga, labas

sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang pwedeng tama. “Do you get me?” Tango pa rin ako. At ngayon, ang part II ng kanyang sermon. “To be honest about it, I don’t like your attitude in class. Smart aleck!” Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng “I’m sorry, Ma’m.” Kahit hindi ko siya tingnan alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na naman pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskwelahan. Sana’y kasing “honest” din niya ako, di sana’y nasabi ko rong “The feeling is mutual. I also don’t like you, Ma’m.” Sa halip ang nasabi ko na lang ay “Can I go now, Ma’m?” “I’m not yet through.” Ibig pa palang sabihin ay may part III pa tong usapang ito. “They saw you in the chapel last night.” Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialaman na rin nila ngayon sa loob-loob ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha. “How young are you, Jojo? Speak up.” Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot. “Speak up I said.” “15, Ma’m.” “15, and already you are…” Saka niya dinugtungan ng “I’ll let your mother know about this,” bago ako tuluyang lumabas ng kanyang cubicle.

Page 31: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 31 p.31

Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop. Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng “balang araw.” Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit. Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador. “Jo, balita nami’y bida ka na naman.” Hayaan mo na ang mga ya’t magsasawa din yan.” Sagot ko naman “Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.” “Tigil,” sabi ko. “Ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase namin kanina?” “Isa pa to, anong magagawa ko sa chapel?” kahit ka may madyik, walag himalang mangyayari doon,” sabi ko. “Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing.” “Isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.

“Malay mo baka lalong malahing Mrs. Robinson yon.” Saka sila nagtawanan. “Tara na lang sa Cubao.” Yaya ko sa kanila. ‘Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntutan ng one for the road. Kung gaano kabilis ang bote ng beer ay ganoon din kabilis ang oras. “Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?” “Ano ba, di holding hands. Masama ba ‘yon? Para nagsusumpaan lang kami sa harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out. kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.” “Sila kaya, paano naging tao?” “Natingnan lang, nabuntis na.” Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na to. Bakit ba yaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira para sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin isang taong karanasang pinatagal ng dalawampung taon? Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa ekswela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Philippine School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging scientists baling araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo?

Page 32: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 32 p.32

Si Einstein kaya? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya. Bawal sa school ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr. Discipline ng “Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin noon ay ahitan ang batok. Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa education. Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila: “Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Dioys, wala naman siyang sense of decorum.” Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west bakit hindi ka makigaya…” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil kung sa Science siya ipinanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo. Ay, sense of propriety at decorum talagang nakakataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein) white polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko tuloy kung propriety din yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules. Yan bang parang aatend sila ng party. Yun bang ang tipo ng tela ay mapapanson agad at mapagsasabihang “Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?” na sasagutin naman ng kausap ng “Mura lang yan , siento isang yarda. Christian Dior, original yan, hindi gawang Rustan.” At para talagang mapapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango. Yung parang walking pharmacist. Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal). At saka tatambakan ng

brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang ganda ay ningning, para kang nakakita ng Xmas tree sa isang mahal na araw. Yun ang proper sa kanila. Kung sabagay, hindi nila maiino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Miss Spermatozoa, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bigkas niya ngayon ay mistulang peacock at Xmas tree na rin siya. Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas. Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipinanganak sila’y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante. Yun kayang conduct nila sa klase noong araw, panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa ng Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints. Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo? Buti sa referendum kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral character? Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi naming pwedeng pagpasyahan, “for adults” lang kasi yon. Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada, iba na ang usapan. “Lagyan kaya natin ng thumbtacks yung upuan ni Mrs. English?”

Page 33: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 33 p.33

“Di aaray yun!” “Hi-hi-hi.” Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante, pero mahirap naming umingels. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila. Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung “Blessed are the poor students for they shal inherit…” Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba. Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong maging bato. Hindi baling drop-out, basta tao lang ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang akung sumbong. Marami na roong nauna. “What you’re holding now is the future of the fatherland.” “If you can reach this high, you shall be great.” “Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen-pal.” Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong. Pero sa ngayon idi-jingle ko na lang muna ang sama ko ng loob.

ETIKA NG PROTESTA Danilo A. Arao

Mga bastos at terorista. Ganito raw ang mga hindi kagalang-

galang na aktibista.

Ano pa nga ba ang matatawag mo sa mga naghahagis ng mga

silya’t mesa palabas ng mga klasrum para sunugin? Ano pang

termino ang gagamitin mo sa mga puwersahang nagbubukas ng

kinandadong gate ng kampus?

Ang opinyong pampubliko ay nananatiling kontra sa mga aktibista:

Sadyang walang karapatan ang mga galit na estudyanteng sirain

ang gamit sa loob ng kanilang unibersidad. Sadyang ang mga

aktibista ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa

Sta. Mesa, Maynila ay pawang walang urbanidad!

Maraming nagsasabing tama naman ang ipinaglalaban ng mga

nagpoprotestang estudyante. May karapatan daw silang umalma

sa plano ng administrasyong itaas ang matrikula mula P12

papuntang P200 bawat yunit para sa ilang kurso. Kahit na

apektado lang ang incoming freshmen ng PUP, ipinapakita ng

mga nagpoprotestang estudyante ang pagpapahalaga nila sa

kinabukasan ng kabataang mahihirap.

Sa konteksto ng kilos-protesta sa isang normal na lipunan, ang

pagsasagawa ng mapayapang demonstrasyon o kahit

pakikipagsigawan sa awtoridad ay tinitingnang katanggap-

tanggap. Wala naman daw kasing pisikal na nasasaktan sa

palitan ng kahit maaanghang na salita. Pero ibang usapin na

diumano kung naninira na ng kagamitan. Dito raw nagkaroon ng

malaking pagkakamali ang mga aktibista, kaya nararapat lang na

parusahan sila.

Page 34: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 34 p.34

Para naman sa mga aktibista ng PUP, ang argumento nila’y

umabot na sa sukdulan ang kanilang pasensiya. Wala na raw

silang iba pang magawa sa sitwasyong ayaw pakinggan ng

administrasyon ng PUP ang hinaing nila. Kahit na sabihing labag

sa batas, ano pa kaya ang kanilang opsyon para mapakinggan

sila ng mga nasa kapangyarihan?

Nang dinala nila ang kanilang galit sa mismong opisina ng

Commission on Higher Education (CHED) noong Marso 24,

nagdesisyon ang tagapangulo ng nasabing ahensiya na hindi nito

aaprubahan ang anumang pagtaas ng matrikula sa PUP at

dalawa pang state universities and colleges (SUCs). Ayon sa

CHED, hindi raw napapanahon ang pagtaas ng matrikula

bagama’t malinaw na hindi sapat ang P12 bawat yunit para

mapondohan ang kinakailangan para sa operasyon ng PUP.

Bilang alternatibo, tutulong daw ang CHED sa alternatibong

paraan ng pagkakalap ng pondo tulad ng pagkuha ng donasyon

sa alumni.

Masasabing may pansamantalang tagumpay na nakamit ang mga

nagpoprotestang estudyante ng PUP dahil sa kanilang mga

mapangahas na pagkilos. Pero walang lugar para sa pagbubunyi

sa puntong ito dahil may malaking posibilidad ng pagsasampa ng

kaso para sa ilan sa kanila.

Sa katunayan, may inaresto nang ilang estudyante ng PUP na

sinubukang ilabas ang mga silya para dalhin sa opisina ng CHED

noong Marso 24. Ayon sa pulis na hiningan ng tulong ng

administrasyon ng PUP, baka kasuhan ang ilang estudyante ng

pagnanakaw dahil hindi sila humingi ng permiso para sa mga

nasabing gamit.

Mali na kung mali, pero ano ba ang nagtulak sa mga estudyante

para maging matapang at mapangahas? Madaling sisihin ang

kanilang aktibismo. Hindi ba’t sa Pilipinas ay parating may

kasalanan ang mga aktibista, pati na rin ang mga komunista? Sa

subhetibong antas, puwede ring tukuyin ang maling pagpapalaki

sa kanila bilang ugat ng kanilang diumanong pagkaligaw ng

landas.

Pero may malaking kontradiksiyong hindi masyadong halata.

Inaasahan ng maraming tao ang pagkakaroon ng mapayapang

pagkilos ng pinagkakaitan pero hindi nakikita ang bayolenteng

katangian ng mga nasa kapangyarihan. Kung susuriin nang

malalim ang nangyayari sa PUP, mahaba ang listahan ng

panggigipit sa mga estudyante, kasama na ang kawalan ng

konsultasyon sa planong pagtataas ng matrikula.

At kung aalamin ang konteksto ng paghahagis at panununog ng

mga silya’t mesa, malalamang ginawa ang mga ito bilang

simbolikong pagpapakita ng literal na kabulukan ng edukasyon sa

PUP. Batay sa testimoniya ng ilang lider-estudyante ng PUP, ang

mga inihagis at sinunog na silya’t mesa ay mga sira na’t hindi na

napapakinabangan ng mga estudyante. Matagal na raw dapat na

itinapon ang mga ito pero hindi ginagawa ng administrasyon.

Nakakalungkot lang na ang midya’y hindi nagpalalim sa

kontrobersiyal na puntong ito sa pag-uulat sa mga nangyayari sa

PUP. Kung naisakonteksto lang at naipaliwanag ang kabulukan

ng pasilidad, makikitang may malalim na dahilan ang mga

estudyante para mag-alsa at ang porma ng protesta ay hindi

produkto ng mga utak-pulbura. Ang mapangahas na pagkilos ay

nagresulta sa bayolenteng katangian ng kinasasadlakan nila.

Paano magiging mahinahon kung hindi na nakikinig ang

administrasyon at patuloy ang panggigipit? Lohikal bang

pagsabihan ang mga estudyanteng patuloy na ginigipit na

pahabain pa ang kanilang pasensiya?

Page 35: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 35 p.35

Siguro’y kailangan din nating itanong ang mga bagay na ito sa

pagsusuri sa nangyaring kilos-protesta ng mga estudyante, guro

at kawani sa Quezon Hall sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)

Diliman noong umaga ng Marso 24 bago ang naging pagkilos sa

opisina ng CHED. Naging laman ng midya ang pagtatapon ng

pintura sa Chancellor ng UP Los Baños matapos hamunin ng huli

ang ilang estudyanteng batuhin siya.

May tila maliliit na bagay na naiwan sa ulat ng midya. Hindi

napabalitang niyakap ng isang babaeng miyembro ng UP Police

ang isang kapwa babaeng lider-estudyante na nanghina’t

napaiyak sa sobrang galit sa komprontasyon niya sa UPLB

Chancellor. Sa halip na arestuhin, dinala siya sa isang malilim na

lugar para makapagpahinga. Pagkatapos nito’y inabutan naman

ng tubig ang nasabing estudyante ng isang security aide ng

mataas na opisyal ng UP. Kung ano ang pag-aalala ng kanyang

mga kasama’y siya ring pag-aalaga ng mga dapat ay kaaway

niya.

Kahit na may ilang maiinit na ulong nakipagsigawan sa ilang

estudyante’t kawani ng UP, kapansin-pansin ang simpatiya ng

ilang miyembro ng UP Police sa ipinaglalaban ng mga naroon. Sa

katunayan, ang ilang pulis na inakusahan ng mga estudyanteng

nanulak sa kanila ay nadala naman sa mahinahong pakiusap na

mapayapa ang ginagawang pagkilos at kailangan ang

kanilang maximum tolerance.

Kung sa PUP ay iisa lang ang matingkad isyu sa kasalukuyan, sa

UP ay patong-patong na usapin ang kinakaharap –

pagkakatanggal ng Board of Regents (BOR) sa Student Regent

dahil sa isang maliit na teknikalidad; pagbawi ng BOR sa

naunang appointment ng direktor ng Philippine General Hospital

(PGH) at pagtatalaga ng bagong direktor na malapit sa

administrasyon; planong pagpapalaki ng mga klase para dumami

ang estudyante’t lumaki ang kita ng UPLB; planong pagbubuwag

sa UP Cebu High School; at planong pagtatalaga bilang UP

Mindanao Chancellor ng isang kontrobersiyal na propesor. Bukod

sa mga ito, hindi pa natatalakay ng BOR ang iba pang maiinit na

usapin tulad ng desisyon ng UP President na i-deny ang tenure

appeal ng isang aktibistang propesor sa UP Diliman.

Kung alam mo ang nangyayari ngayon sa loob ng UP,

maiintindihan mo ang kakaibang porma ng pagkilos ngayon ng

mga estudyante, partikular ang paggamit ng paintball bilang

simbolo ng protesta. Tulad ng sitwasyon sa PUP, patuloy na

nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyon

ng UP sa hinaing ng karamihan. Ang kultura ng walang

pakundangan (culture of impunity) na naging bahagi ng

pagpapanatili ng kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas ay buhay na

buhay sa loob ng pamantasan.

Gaano ba kawalang-pakundangan ang mga opisyal sa

kasalukuyan? Ayon sa testimoniya ng ilang dati at kasalukuyang

miyembro ng BOR, may isang matandang miyembro ng BOR na

sinabihan noon ang isang abogado ng UP: “Don’t lecture us about

the law. We can do whatever we want. We are the Board of

Regents!“

Sa ganitong konteksto, wala tayong karapatang humiling sa mga

nagpoprotesta na magpakahinahon. Umabot na sa sukdulan ang

kultura ng walang-pakundangan sa pamantasan. Kung kahit ang

mga lider ng unyon ay hinahamon ng Chancellor ng UPLB ng

suntukan, malinaw na hahanap at hahanap ng iba pang porma ng

protesta ang mga estudyante, guro at kawani.

Kailangang malamang hindi lang mga aktibista ang nagpoprotesta

sa UP. Halimbawa, ang maraming doktor, nars, at iba pang health

workers na dati’y kontento na sa paggampan ng kanilang trabaho

sa PGH ay nagmamartsa na ngayon kasama ang mga

estudyante. Sa katunayan, noong Marso 24 ay nagpadala ng text

message ang associate dean ng UP College of Medicine (UPCM)

Page 36: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 36 p.36

na nagbitiw na siya sa kanyang administratibong tungkulin dahil

sa tinagurian niyang “death of democracy and BOR tyranny.”

Ayon naman sa isang mapagkakatiwalaang impormante,

inaantabayanan ang pagsusumite ng mass leave ng 50 propesor

ng UPCM sa mga susunod na araw. Kumakalat na rin sa social

networking sites ang plano ng mga konseho ng estudyante

(student councils) ng UP na ipagpatuloy ang iba’t ibang

mapanlikhang protesta hanggang sa university graduation sa Abril

25.

Sa mga susunod na araw at buwan, huwag sana nating tingnang

simpleng pambabastos o teroristang hangarin ang anumang

gagawin ng mga nagpoprotestang sektor sa pamantasan. Kung

pagbabatayan ang nangyari noong Marso 24, ang protesta ay

simbolikong pagpapahayag lang ng pagtutol at walang naging

pangmatagalang pinsala nagawa.

Dapat pa ngang tingnang ang nangyaring kilos-protesta ay isang

pagtitimpi ng mga dumalong estudyante, guro at kawani. Baka

mas malala pa ang nangyari sa mga miyembro ng BOR at ilang

opisyal ng UP kung tunay na nagpadala sila sa simbuyo ng

damdamin.

Kung isasakonteksto lang natin ang lahat ng pangyayari,

malalaman natin kung sino ang tunay na bastos at walang

pakundangan sa kapakanan ng kapwa.

HU LET DA DOGS AWT?! HU-HU-HUHU!: ISANG DESPERADONG PAG-AARAL SA MGA MODERNONG BUGTONG NA WALANG GUSTONG SUMAGOT* German V. Gervacio 0. Aso kong puti Inutusan ko sandali Hindi na umuwi Clue: pwe! Sagot: 1. Aso ako ng Puti Inuutusan ako palagi Upang maka-loan muli’t muli Clue: cute po ako at hate ko mga terrorists Sagot: 2. Aso kong punggok Sa trono’y iniluklok Nang pababain ay naghimutok Clue: hate po niya mga terrorists at cute siya Sagot: 3. Aso kong tabogol Kadena’y aking pinutol Upang tumigil sa katatahol Clue: Err-rafrafraf, hik! Sagot: 4. Aso kong itim Pinabilang ko nang lihim Trono’y napunta muli sa akin

Page 37: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 37 p.37

Clue: kapag bundat na ang linta, nagreresayn nang kusa Sagot: 5. Aso ako ng punggok Nang ang tuta ko’y nagpaputok Nasabon ako mula paa hanggang tuktok Clue: dog po ako pero parang sa rabbit tenga ko Sagot: 6. Aso kong panay ang atungal Sa palasyo nainvite mag-almusal Pag-uwi may paperbag na busal Clue: batik-batik po ang aso kong ito, lord Sagot: 7. Mga aso kong pula Pinalparan ko na Panay pa rin ang alma Clue: Sori, wala pong clue, wala ring ebidensya… Sagot: 8. Aso kong astang-hero Mistulang si fernando poe Nang pulbusin ang mga haybol sa estero Clue: Sapatusin po kita pag humingi ka pa ng clue! Sagot: 9. Aso kong may sayad Tingin sa sarili niya’y isteytsayd Kuntodo-accent pagbigkas ng “I lied!” Klu: klut-klut hair niya Sagot: 10. Mga katahulan kong apatetik

Pinabasa ko nitong aking gimik Di nangagat panay lang hagikgik Clue: Sagot: *Piliin ang sagot sa grupo ng mga salita sa ibaba: Dura GMA Evil Erap Abalos Lura Lucky Bitch Lucky Bitch Jose Velarde Cumulec Plema Evil GMA Tong-its Wacky JDV Panlilio NPA BF Brenda JVC P500K CPP Blue Fink Tilly BLMBNG Pampanga’s Best RIP Barrier Freak La Paz Batchoy

Page 38: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 38 p.38

MENSAHE SA PAKSA HINGGIL SA MGA TUNGKULIN NG MGA KADRE SA LARANGAN NG KULTURA Jose Maria Sison Binigkas sa Unang Pambansang Kongreso ng Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA), Disyembre 18-19, 1971, Bulwagang Gonzales, University of the Philippines, Lunsod Quezon. Angkop na angkop ang pagkakapili sa paksa ng kongreso, “Panitikan Mula sa Masa Tungo sa Masa.” Ipinapakita nito ang namumukod na katangian ng PAKSA bilang progresibo at makabayang organisasyon ng mga manunulat, kritiko, guro’t estudyante ng panitikan na buo ang kapasyahang maglingkod sa sambayanan. Ang Paglilingkod sa Sambayanan ang Nag-iisang Pinakamahalagang Tungkulin Ang nag-iisang pinakamahalagang tungkulin ng mga kadre sa larangan ng kultura ay maglingkod sa sambayanan. Wika nga ng dakilang si Lu Hsun sa isang kopla:

Tiim-bagang, mahinahon kong hinahamon ang sanlibong nandudurong daliri, Yuko ang ulo, tulad ng maamong kalabaw, pinaglilingkuran ko ang mga bata.

Ang maglingkod sa sambayanan ngayon ay ang tumupad sa isang tiyak na tungkulin sa rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansang demokrasya laban sa imperyalismong Amerikano, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang rebolusyong pangkultura ay isang namumukod pero integral na bahagi ng rebolusyonaryong kilusang pangmasa. Kung hindi ihahanda ang upinyong publiko, hindi magkakaroon ng rebolusyon. Sa takbo ng pambansa-demokratikong rebolusyon, laging kailangan ang

gawaing pangkultura para mapag-ibayo ang diwang mapanlaban ng rebolusyonaryong masa. Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao, “Ang rebolusyonaryong kultura ay isang makapangyarihang rebolusyonaryong sandata ng malawak na masa ng sambayanan. Inihahanda nito ang batayan sa ideolohiya bago sumapit ang rebolusyon; ito ay isang mahalaga at tunay na esensyal na larangan ng pakikibaka sa pangkalahatang rebolusyonaryong larangan sa panahon ng rebolusyon.” Isinaad ni Tagapangulong Mao, “Ang lahat ng ating panitikan at sining ay para sa masa ng sambayanan, at unang-una’y para sa mga manggagawa, magsasaka at mandirigma; nilikha ang mga ito para sa mga manggagawa, magsasaka at mandirigma, at para sa kanilang kapakinabangan.” Ang mga kadre sa larangan ng kultura ay tulad ng mga kumander na namumuno sa mga batalyong pangkultura—ang masa na libu-libo, sampu-sampung libo at milyun-milyon ang dami. Ang mga tagasubaybay ng rebolusyonaryong mga obrang pampanitikan at pansining ay di mabibilang. Maaaring maulit nang napakaraming beses ang isang pagtatanghal ng dula o likhang-sining, kaya’t napakahirap sabihin kung gaano karami ang nakapanood nito. Maaaring limitado ang kakayahan sa paglalathala ng isang palimbagan, pero ang isang mahusay na akdang pampanitikan nama’y naipapasa-pasa at natatalakay nang walang tigil. Kung tunay na naglilingkod sa sambayanan ang ating gawaing pangkultura, tiyak na ang ating mga mambabasa’t tagasubaybay ay napupukaw at nagiging isang napakalakas na puwersa para sa rebolusyon. Sa ganito’y nagiging materyal na pwersa ang tema ng Kongresong ito, tulad din ng nagagawa ng isang sigaw-pandigma sa larangan ng labanan. Kailangang tandaan nating lagi na hindi mapupukaw at mapapakilos ang sambayanan kung ang obra ng panitikan at sining ay hindi hango sa kanilang buhay, lalo na sa kanilang mga pangangailangan at mithiin. Iniaakyat natin sa mas mataas na antas ang mga kilos at kaisipan ng rebolusyonaryong masa, nang

Page 39: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 39 p.39

sa gayon ay lalo silang mapasigla sa kanilang pagwasak sa kaaway at pananagumpay laban dito. Ang mga bayaning lumilitaw sa ating mga obra ay dapat ang mga mamamayan mismo at ang kanilang mga katangi-tanging kinatawan na pinapanday sa palihan ng rebolusyon. Ang dapat maging buod ng organikong kaisahan sa isang obrang pampanitikan o pansining ay ang rebolusyonaryong pakikibaka. Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao, “(Ang layunin natin ay) tiyakin na akmang-akma ang panitikan at sining sa buong makina ng rebolusyon bilang sangkap na bahagi, na magagamit ang mga ito bilang makapangyarihang sandata sa pagbubuklod at pagtuturo sa mga mamamayan at sa pagtuligsa at pagdurog sa kaaway, at tumutulong ang mga ito sa mga mamamayan sa paglaban sa kaaway nang may pagkakaisa sa damdamin at isipan.” Dahil ang kultura ay repleksyon ng ekonomya at pulitika, ang panitikan at sining ang pinakamaganda’t pinakasensitibong mga anyong pang-ideolohiya sa paglalagom ng katotohanang panlipunan. Makalilikha tayo ng rebolusyonaryong panitikan at sining sa pamamagitan lamang ng maingat at masinsing pagtalima sa rebolusyonaryong paninindigan, pananaw at pamamaraan ng uri na siyang namumuno sa malawak na masa ng sambayanan sa buhay-at-kamatayang tunggalian ng kaunlaran at reaksyon. Di matatalikdang tungkulin ng mga rebolusyonaryong alagad ng kultura ang pumanig sa namumunong uring rebolusyonaryo, ang proletaryado, at lumaban sa mga uring reaksyunaryo, ang uring malaking burgesya at panginoong maylupa. Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao, “Sa daigdig ngayon, lahat ng kultura, lahat ng panitikan at sining ay pag-aari ng partikular na mga uri at nakatuon sa partikular na mga linyang pampulitika. Sa katunayan, walang sining na alang-alang sa sining, walang sining na nakapangibabaw sa mga uri, walang sining na hiwalay o nagsasarili sa pulitika. Ang proletaryong panitikan at sining ay bahagi ng buong proletaryong rebolusyonaryong simulain; ang

mga ito, gaya ng sinabi ni Lenin, ay mga granahe at turnilyo sa buong makina ng rebolusyon.” Hubuging Panibago ang Inyong Makauring Pananaw At Pasiglahin ang Kritisismo Nabubuhay tayo sa isang lipunang malakolonyal at malapyudal. Di maiiwasan na sadyang lahat ng ating kadre sa larangan ng kultura, sa isa o iba mang panahon, ay naimpluwensyahan nang malaki ng kulturang burges at pyudal, at hanggang ngayo’y patuloy na naiimpluwensyahan sa iba’t ibang antas. Burges ang nananaig na pananaw sa hanay ng nagsipag-aral sa kasalukuyang sistemang pangkultura. Sa panahon ng imperyalismo, lalo na sa panahong ito na ang imperyalismo ay papatungo na sa ganap na pagbagsak at ang sosyalismo ay sumusulong tungo sa pandaigdigang tagumpay, gayon na lamang ang pagiging pantastiko, paurong at desperado ng isipang burges na kinakasangkapan na nito ang mistisismong pyudal upang masuhayan ang pinakabulok na impluwensya ng imperyalistang kultura at sining. Habang palakas nang palakas ang rebolusyonaryong kilusang pangmasa, sadya ring hinahayaan ng mga reaksyunaryo na kumalat ang panitikang sosyal-demokratiko o rebisyunista, sa tangkang mabahiran ang ating mga kadre ng pagkatakot sa mga rebolusyonaryong digma at mga sandatang nuklear at mahawaan ng pilosopya ng pagliligtas sa sarili at kapitulasyon. Tungkulin ng ating mga kadre sa larangan ng kultura na tuluy-tuloy na hubuging panibago ang kanilang makauring pananaw. Kailangang bakahin nila nang buong-tatag, sa pamamagitan ng Marxismo-Leninismo na siyang malinaw na ideolohiya ng proletaryado, ang lahat ng maling kaisipan at sariling mga tendensyang makasarili, at kailangang makisalamuha sila sa masa sa praktikal na rebolusyonaryong kilusan. Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao, “Dapat isagawa ang tungkuling ito ng ating mga kasamang kumikilos sa panitikan at sining at baguhin ang kanilang paninindigan; dapat silang humakbang nang unti-unti

Page 40: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 40 p.40

tungo sa panig ng mga manggagawa, magsasaka at kawal, sa panig ng proletaryado. Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa hanay mismo ng masa at pakikilahok sa mismong mga praktikal na pakikibaka, at sa pamamagitan ng pag-aaral ng Marxismo at ng lipunan. Sa ganitong paraan lamang tayo magkakaroon ng isang panitikan at sining na talagang para sa mga manggagawa, magsasaka at kawal, isang tunay na proletaryong panitikan at sining.” Isang mahalagang tungkulin ang magdaos ng mga samaralan at mga seminar. Pag-aralang mabuti bilang masaklaw na programa ang “Mga Talumpati sa Palitang-kuro sa Yenan Hinggil sa Panitikan at Sining” ni Tagapangulong Mao, gayundin ang tatlong dakilang akda hinggil sa kilusang pagwawasto na siyang nauuna sa lahat ng artikulo sa Seleksyong Pilipino na pinamagatang “Hinggil sa Pagbubuo ng Partido”, at, mangyari pa, ang buong Seleksyong Pilipino na pinamagatang “Hinggil sa Kultura”. Humagilap ng mga huwarang pampanitikan sa dakilang proletaryong rebolusyonaryong tradisyon ni Gorky at Lu Hsun at ang mga huwarang pampanitikan na pinopularisa sa takbo ng Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura ng Tsina. Suriin kung paano nakakatapat ang mga obrang pampanitikan at pansining ng nakaraan at ng kasalukuyan sa sinag ng pandaigdigang mga tagumpay ng proletaryong panitikan at sining. Isang mahalagang tungkulin ang pumagitna sa rebolusyonaryong kilusang masa. Sa proseso ng pakikilahok sa rebolusyonaryong mga pakikibaka ng mga manggagawa’t magsasaka, ang ating mga kadre sa larangan ng kultura ay maraming matututuhan na kailanma’y hindi nila makukuha sa mga aklat lamang. Ang pagsasagawa ng panlipunang pagsisiyasat habang kalahok sa praktikal na mga pakikibaka ay pangangalap na rin ng pinakamahusay na materyales para sa isang tunay na makabuluhang panitikan at sining. Hindi makasusulat tungkol sa mga manggagawa, magsasaka at kawal kung sila’y hindi nakikilalang mabuti. Sa hanay ng mga kumikilos sa larangan ng kultura, lagi nang may sapat na praktikal at kongkretong batayan sa pag-aaral at

pamumuna at pagpuna-sa-sarili. Ang nalikha nilang mga obrang pampanitikan at pansining ay dapat ipailalim sa pagsusuri at kritisismo. Ang mga ito’y dapat lagi pang pahusayin. Samantalang ang pinakasulong na kumikilos sa larangan ng kultura ay kailangang maging mahusay sa pakikiisa sa mga di gaanong sulong na handa namang makiisa sa atin batay sa pangkalahatang linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon, tungkuling lagi ng una na himukin ang huli na lalo pang ipagpanibagong-hubog ang kanilang pananaw. Panghihikayat ang pangunahing pamamaraan natin ng pakikibaka sa kanila. Hindi natin kinatatakutan ang kritisismo dahil ang ating layunin ay lagi nang paglingkuran ang sambayanan, kaya naman kailangang handa tayong lagi na ibigay sa kanila ang pinakamahusay na magagawa natin. Sa hanay ng mga kasama at kaibigan, kailangang angkin nating lagi ang kababaang-loob na maamong kalabaw na minarapat ilarawan ni Lu Hsun sa kanyang kopla. Gayunman, sa kaaway ay mabangis tayo at hindi natin siya dapat pakitaan ng munti mang tanda ng pangangayupapa. Itinuturo sa atin ng Tagapangulong Mao: “Sa panunuring pampanitikan at pansining, may dalawang pamantayan—ang pamantayang pampulitika at ang pamantayang pansining… “Naririyan ang pamantayang pampulitika at naririyan ang pamantayang pansining. Ano ang kaugnayan sa isa’t isa ng dalawang ito? Ang pulitika ay hindi maitutumbas sa sining, gayundin ang isang pangkalahatang pananaw-sa-daigdig ay hindi maitutumbas sa isang paraan ng makasining na paglikha at panunuri. Pinabubulaanan natin hindi lamang ang pagkakaroon ng isang pamantayang pampulitika na abstrakto at hinding-hindi nagbabago kundi maging ang pagkakaroon ng isang pamantayang pansining na abstrakto at hinding-hindi nagbabago; sa lahat ng lipunang may uri, ang bawat uri ay may kani-kanyang pamantayang pampulitika at pansining. Pero lahat ng uri sa lahat ng lipunang may uri ay walang-salang naglalagay ng pangunahing pansin sa pamantayang pampulitika at pangalawa sa

Page 41: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 41 p.41

pamantayang pansining… Ang hinihingi natin ay ang pagkakaisa ng panitikan at sining, ang pagkakaisa ng nilalaman at anyo, ang pagkakaisa ng rebolusyonaryong nilalamang pampulitika at ang pinakamataas na kahusayang maaaring maabot ng anyo ng sining. Walang pwersa ang mga likhang-sining na salat sa kasiningan, gaano man kaprogresibo ang mga ito sa pulitika. Samaktwid, kapwa natin tinututulan ang mga likhang-sining na may maling pananaw sa pulitika at may tendensyang “estilong poster at islogan” na bagamat wasto ang pananaw sa pulitika ay salat naman sa kapangyarihang makasining. Hinggil sa mga usapin sa panitikan at sining, dapat tayong magsulong ng pakikibaka sa dalawang larangan.” Hindi sapat ang magsagawa ng pamumuna at pagpuna-sa-sarili sa hanay lamang ng mga kapwa manlilikha. Bagamat kailangang magkaroon ng unyon ang mga taong may hilig sa iisang larangan ng paggawa, hindi dapat pakulong ang mga kumikilos sa larangan ng kultura sa makitid na kaisipang gremyo ng petiburgesya sa kapanahunang medyebal. Dapat nating gawing tungkulin ang paghikayat sa kritisismo ng masa sa mga obra natin. Pagkatapos ng isang pagtatanghal pangkultura o pagtatanghal ng likhang-sining, dapat nating anyayahan ang madla na magbigay ng kritikal na mga puna’t mungkahi kung paano mapahuhusay ang mga obra natin. Sa ating mga publikasyon, kailangan din nating laging humingi ng gayong kritisismo. Bago pa man ilabas ang isang obrang pampanitikan o pansining, makagagawa pa ng ilang paraan para konsultahin ang masa o ang kanilang mga kinatawan. Bilang halimbawa ng pagpuna-sa-sarili, nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang punahin at itakwil sa harap ng grupo ito ng mga manunulat, at sa harap din ng pangkalahatang publiko (sapagkat imimimyograp ang artikulong ito), ang buong koleksyong pinamagatang “Brothers”, maliban na lamang sa lima o anim na tula rito. Ang karamihan sa mga tulang ito ay hindi papasa sa rebolusyonaryong panunuring proletaryo. Bagamat malinaw namang makikita na noong pang 1961 ginawa ang koleksyon, malamang na magkaroon ito ng maling impluwensya kung hindi gagawin ang pagtatakwil na ito. Umaasa akong sa

pagtatakwil na ito ay makapagsusulat ako ng mas mahuhusay na tula. Lagyan ng Rebolusyonaryong Nilalamang Makauri ang Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan Dahil ang artikulong ito’y ihaharap sa grupo ng mga manunulat, kritiko, guro’t estudyante ng panitikan, marapat lamang na banggitin ang iba’t ibang anyo ng panitikan. Sa bagay na ito, kailangang kilanlin natin ang tungkuling lagyan ng rebolusyonaryong nilalamang makauri ang iba’t ibang anyo ng panitikan: ang sanaysay, ang kwento’t nobela, ang dula at ang tula. Sa sanaysay, pinakalitaw ang pangangailangang magkaroon ng sasabihin, ng isang malinaw na ideolohiya at linyang pampulitika. Araw-araw, bunton-bunton ang lumalabas na mga artikulong masasabing nakapailalim sa anyong ito. Ang timbang na lamang ng papel na ginagamit para dito ay naka-aapi na, lalupa’t karamihan naman sa mga ito’y testamento sa huwad na mga kabaitan ng kaaway. Gayunman, ang sanaysay ang ginamit nang husto ng rebolusyonaryong kilusang masa sa pagpapahayag ng sarili. Di maiiwasang ang anyong ito ang laging magsisilbing pinakahayag na sandata para sa pagbira sa kaaway at pagtatanggol sa sambayanan. Ang maikling kwento ay matagal na rin namang pinakapopular na anyo para sa mga manunulat na Pilipino. Lubhang napapabayaan ang nobela, at ang malinaw na dahilan ay sapagkat kailangang isulat ito nang matagal, bagay na hindi magawa ng ating mga manunulat sapagkat kailangang magsulat sila ng kung anu-ano para sa mga kumpanya sa adbertaysing, maging eskribyente sa mga opisina ng pamahalaan o mga bahay sa komersyo, magtrabaho sa pahayagan o magasing panlunsod, o kaya’y magturo sa unibersidad. Maikli man o mahaba, ang mga kathang kwento ay kailangang gamitin ng mga rebolusyonaryong manunulat sa paglilingkod sa sambayanan.

Page 42: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 42 p.42

Sa iba’t ibang anyong pampanitikan, ang dula ang siyang pinakamasugid na tinatangkilik at pinakahihingi ng rebolusyonaryong kilusang masa sa kasalukuyan. Pinakadidiinan ang hinihinging ito ng kasalatan at mababang kalidad ng mga dulang naisulat sa matagal na din namang panahon, at, mas mahalaga pa, dahil epektibo ito sa pagpukaw at pagpapakilos ng masa. Ito’y isang anyong pampanitikan na kapag itinanghal ay maiintindihan at mauunawaan ng masa, marunong man silang magbasa’t magsulat o hindi. Isa pa, sa pamamagitan ng anyong ito’y madaling makapag-oorganisa ng mga lokal na grupong pangkultura at maraming may kakayahan sa pagganap ang mapag-uugnay-ugnay sa mga lokalidad. Isang napakahalagang tungkulin ang sumulat at magtanghal ng rebolusyonaryong dula, maging iyon man ay may isang yugto o mahabang dula. Ang sarsuwela at komedya o moro-moro ay tradisyunal na mga anyo ng dula na maaaring gamitin ng ating mga rebolusyonaryong manunulat. Halinhan lamang ang pagkasentimental ng sarsuwela at ang pagpapakita nito ng pagkakasundo ng mga uri ng rebolusyonaryong diwa at proletaryong paninindigan, at ang nakababagot na mga kundiman ay halinhan naman ng rebolusyonaryong mga awitin. Halinhan lamang ang sobinismong Kristiyano at ang linyang anti-Muslim sa komedya o moro-moro ng mga simulain at adhikain ng isang digmang bayan na isinusulong ng isang hukbong bayan na pinamumunuan ng proletaryong partido, at halinhan naman ang kulog at kidlat ng krusadang medyebal ng kulog at kidlat ng digmang bayan. Mangyari pa, dapat gawing maikli at malaman na tulad ng makabagong dula ang mga tradisyunal na anyong ito. May iba pang mga anyong katutubo na maaaring maging kasimbisa ng dula sa pagtataguyod ng rebolusyon. Ang mga ito’y ang balagtasan, ang duplo, at yaong anyong katutubo ngunit napakaunibersal, ang tulang maaaring lapatan ng awit. Maitatanghal ang mga ito bilang pambungad o intermisyon kapag may dulang itinatanghal. Makapagtatanghal rin ng mga awit at tula nang walang kasama sa programa.

Kapaki-pakinabang din ang magsulat ng iskrip para sa mga pelikula, dulang panradyo at pantelebisyon, at komiks. Sa ngayon ay mahirap maisapelikula ang isang rebolusyonaryong iskrip dahil sa mga pangangailangang teknikal at pampinansya. Pero mas madaling maglathala ng komiks at magtanghal ng mga dramang panradyo. Ang mga pelikula, dulang panradyo at pantelebisyon at komiks ay maaari nating gawing sandata. Pangunahing tungkulin ng rebolusyonaryong mga manunulat ang lagyan ng rebolusyonaryong nilalamang makauri ang iba’t ibang anyo ng panitikan, at itanghal ang mga manggagawa, magsasaka at rebolusyonaryong mandirigma bilang bayani sa ilalim ng pulang bandila ng proletaryado. Hindi na dapat pang pagtalunan kung aling wikang pambansa ang gagamitin. Lahat tayo’y nakatalaga na gamitin ang wika ng masa, ang wikang mauunawaan sa buong bayan. Ito’y ang Pilipino. Pagyamanin ang umuunlad na wikang ito sa pamamagitan ng rebolusyonaryong panitikang proletaryo. Kasabay nito, kailangang kilanlin natin na ang lokal na mga wika ay wika rin ng masa, at ito man ay dapat pagyamanin sa pamamagitan ng rebolusyonaryong panitikang proletaryo at hindi isantabi na lamang sa ating isipan. Sa halip na ipagwalang-bahala o hamakin ang panrehiyong mga manunulat dahil hindi sila makapagsulat sa Pilipino, dapat hikayatin natin silang lalo pang magsulat ng rebolusyonaryong panitikang proletaryo sa mga wikang kinapamihasnan nila; at gayundin, hikayakatin natin silang mag-aral ng Pilipino, nang sa gayon ay matutuhan nila hindi lamang ang nabanggit na wika kundi pati na ang rebolusyonaryong panitikang proletaryo na nalikha na sa wikang iyon. Palaganapin ang mga Huwarang Akda Upang Mapag-ibayo ang Bugso ng Rebolusyonaryong Panitikan Sa pamumuno ng proletaryado, maningning ang natamong pagsulong ng pambansa-demokratikong rebolusyong pangkultura. Napakarami nang mga manunulat ang lumitaw sa rebolusyonaryong pakikibaka sa larangan ng kultura. Sila’y

Page 43: PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR

Page | 43 p.43

lumitaw na taglay ang mga akdang pinagsikapan nila, sa abot ng kanilang makakaya, na lagyan ng rebolusyonaryong nilalamang makauri. May saligang kahalagahan na suriin at lagumin ang kongkretong kalagayan sa larangan ng panitikan sa bawat yugto. Layunin nitong pagbutihin ang kasalukuyang mga produktong pampanitikan, piliin ang namumukod na mga akdang palalaganapin, at itakda ang mga tungkulin sa pagtataas ng kantidad at kalidad ng lilikhain pang mga akda. Sa kasalukuyang yugto, mahalagang magbuklod-buklod ang rebolusyonaryong mga manunulat at mulat na sikaping lumikha at magpalaganap ng huwarang mga akda. Dapat patunayan ng mga huwarang ito na mapapatingkad ang rebolusyonaryong nilalamang makauri at kasabay nito ay maitataas ang estetikong mga pamantayan. Dapat patunayan nating mali ang lahat ng mga argumento ng burgesya na tanging mga ideya at upinyon nito ang makakatugon sa mga hinihingi ng iba’t ibang anyo ng panitikan. Ang pinakamahusay na paraan sa pagpapatunay na mali ito ay ang paglikha at pagpapalaganap ng maniningning na proletaryong rebolusyonaryong panitikan.Tungkulin nating paratingin ang huwarang mga akdang ito sa mga pabrika, sakahan, paaralan at lahat ng sulok ng bayan. Sa pamamagitan nito’y mapag-iibayo natin ang bugso ng reolusyonaryong panitikan sa ating bayan.

NI UNCLE SAM mula sa Ulos, Nobyembre 2005, espesyal na isyung Cagayan Valley (Tono: Si Felimon) C Ni Uncle Sam, ni Uncle Sam Dm Nagpasyar ‘toy Pilipinas G Nakakita, nakakita C Nagadu a kinabaknang Tinakaw na, tinakaw na F Impan na’d America C G Kaasi’t Pilipino, kaasi’t Pilipino C Nailumlon iti utang. SI UNCLE SAM salin sa Filipino Si Uncle Sam, si Uncle Sam Namasyal sa Pilipinas Nakakita, nakakita Isang tambak na kayamanan Dinala niya, dinala niya Doon sa Amerika Kawawang Pilipino Kawawang Pilipino Nabaon siya sa utang.