139
Mga Pagdiriwang sa Pilipinas www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/ mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm - 25k - Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at mga pagdiriwang na panrelihiyon. Mga Pambansang Pagdiriwang Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang. Bagong Taon Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama- samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya. Araw ng Rebolusyong EDSA Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Tradisyon at Kulturang Pinoy

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Samu't saring kabatiran tungkol sa tradisyon at kulturang pinoy..may mga artikulong mapanuri atb...compiled by:[email protected]

Citation preview

Page 1: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Mga Pagdiriwang sa Pilipinas

www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/

mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm - 25k -

Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga

pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga

pansibikong pagdiriwang at mga pagdiriwang na panrelihiyon.  

Mga Pambansang PagdiriwangAng mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay

yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa

sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong

pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o

walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang

pagdiriwang.

 

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero

ipinagdiriwang ang Bagong Taon.

Masayang sinasalubong ito bago

maghating-gabi ng Disyembre 31.

Masayang sama-samang kumakain

at nagkukuwentuhan pa ang mga

kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila

nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa

pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang

pagbubuklud-buklod ng pamilya.

 

Araw ng Rebolusyong EDSA

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 2: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-

25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng

kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang

nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25,

1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong

EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power

Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng

Pebrero. 

 

 

Araw ng Kagitingan

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan

ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na

sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng

Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita

ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang

Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

 

 

Araw ng Mangagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang

Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang

mga manggagawa dahil sa kanilang mga

paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong

sa atin sa pagtugon sa ating mga

pangangailangan. Tumutulong sila upang

tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang

kagamitan, at iba pang bagay.

Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 3: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Araw ng Kalayaan

 Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at

ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula

sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa

bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba

pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang

watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang

programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama

ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito. 

Imaginary Patriot ni Benedicto Cabrera, 1975

 

Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay

ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon.

Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak

para sa kanila. May mga palatuntunan pa.

Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga

nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. 

 

Balik sa simula

 

Mga Pansibikong PagdiriwangMay iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay

ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't

ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang

kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang

na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay

karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa

buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang

pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag

nito tuwing Agosto 19.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 4: Tradisyon at Kulturang Pinoy

 

Araw ng mga Puso

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita

natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano

natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang

kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang

paraan upang ipakita ang ating pagmamahal.

Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao

ng kard o anumang alaala sa araw na ito.

 

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng

Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa

sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin

ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating

lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa

ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa

sunog.

 

Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga

pagdiriwang na

pansibiko ang

Araw ng mga Ina

at Araw ng mga

Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga

ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita

natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

 

Linggo ng Wika

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 5: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y

mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa

wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito

ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang

Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito.

Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at

pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng

Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng

mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang

pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo.

Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga

Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan

at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito.

May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan

kundi pati na sa telebisyon at radyo.

 

Linggo ng Mag-anak

Ito ang araw na ginugunita ng mga

Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang

pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi

nito.

 

Araw ng mga Guro

Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang  nito. Dito naman

pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon

Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan.

Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging

Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19

naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 6: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Balik sa simula

Mga Pagdiriwang na PanrelihiyonMarami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa

rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga

kaugalian at katangiang Pilipino

Pasko

Mahalaga para sa mga kapatid

nating Kristiyano ang pagdiriwang ng

Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre.

Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni

Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga

Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi

ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16

ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na

simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang

mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito.

Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin

tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa

buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga

kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng

kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong

mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay

pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga

mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga

kasapi ng mag-anak.

Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada

ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga.

Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.

 

Ati-atihan

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 7: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-

awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na

pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot

pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng

tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niño

ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa

kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang

viva.

 

 

Mahal na Araw

Isang napakahalaga at

natatanging tradisyon ito ng mga

Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito

sa pagdaraos nito. Karaniwang

makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya,

at pati na sa mga tahanan na

ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa

ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing

Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili

sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga

katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang

santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan

tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang

kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay

upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating

Panginoon.

May isa pang gawaing

isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang

Moriones ng Marinduque. Isang makulay na

kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot

ng damit ng mga Romanong sundalo at

makukulay na maskara ang mga namamanata.

 Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 8: Tradisyon at Kulturang Pinoy

 

Pahiyas

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan

dito ang santo ng mga magsasaka na si San

Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit

ang mga taga-Quezon ng mga produktong-

bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga

bintana ng kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro

ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng

mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw

patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari.

Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang

mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa

pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan

ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

 

Santakrusan

Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang

santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang

prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang

paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus.

Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong

ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing

tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

 

Pista ng Peñafrancia

Isang kapistahan ang idinaraos tuwing

Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga,

Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol.

Isang prusisyon sa ilog ng

mapagmilagrong imahen ng Birhen

ng Peñafrancia ang dinarayo sa Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 9: Tradisyon at Kulturang Pinoy

pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at

kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti

ang trono ng birhen na nasa isang kasko. 

 

 

Araw ng mga Patay o Todos los Santos

Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre.

Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa

araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo

upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at

pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay.

Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang

ito.

 

Ramadan

Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim

sa Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin

sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa

kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng

Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang

mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang

mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga

pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang

Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran

kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran.

Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

 

Hari Raya Puasa

Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid

nating Muslim ang Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila.

Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol.

Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 10: Tradisyon at Kulturang Pinoy

nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang

tawag sa kanilang pari.

Balik sa simula

Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon

Maikling Pagsasanay:

A. Sabihin kung ano ang inilalarawang pagdiriwang:

1. Ito ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Muslim.

2. Ipinaparada ng magbubukid ang kanilang mga kalabaw sa daan

patungo sa simbahan.

3. Magagandang dalaga ang mga kasapi sa prusisyong ito.

4. Nakasuot ng sundalong Romano ang mga namamantang kalalakihan

sa pagdiriwang na ito sa Marinduque.

5. Isang makulay na pagdiriwang ito kung saan nagsasayaw at

umaawit sa daan ang mga kasapi.

B. Sabihin kung kailan ipinagdiriwang ang mga sumusunod na

okasyon:

1. Linggo ng Wika

2. Araw ng Maynila

3. Araw ng Kagitingan

4. Araw ng mga Bayani

5. Pista ng Peñafrancia

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 11: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Mga Kaugaliang Pilipino Tuwing Pasko

Currently 5.00/5

1

2

3

4

5

6549 Rating: 5.0/5 (2 votes cast)

Sinasabing ang Kapaskuhan ang siyang pinakamahabang pagdiriwang sa

bansa, dala na rin marahil ng matinding impluwensiya ng relihiyong

Kristiyanismo. Unang araw pa lang ng Disyembre ay matamang naghahanda

na ang mga Filipino upang simulan ang kaugaliang ipagdiwang ang

kapanganakan ni Hesukristo. Mula sa dekorasyon, kasuotan, pagkain at

awitin, talaga namang makikita, maririnig at maaamoy na ang Kapaskuhan ay

papalapit na. Heto ang ilan sa mga kinagisnan nang kaugalian ng mga

Filipino bilang paggunita at paghahanda sa Pasko.

Parol

Hindi pa man tumutuntong ang kalendaryo sa buwan ng Disyembre ay paisa-isa nang

naglilitwan ang mga naglalakihan at makukulay na parol sa mga tahanan. Ang parol ay hugis

bituin na lampara na sumisimbolo sa tala na nagtanglaw sa tatlong mago sa pagbaybay ng

kanilang daan patungo sa sabsaban ni Hesus. Tanyag sa Pampanga, ito ay ginagamit naman

ngayon upang ilawan ang mga daan para sa mga taong dadalo sa Misa de Gallo.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 12: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Belen

Maliban sa pagsasabit ng Parol, tradisyon na rin ang paglalagay ng Belen sa mga

tahanan. Ang Belen ay tila isang tableau na nagpapakita ng eksena ng kapanganakan ni

Hesus, katabi ang amang si Santo Jose at inang Birheng Maria. Malimit ay ito'y isang pinaliit

na replika ng nasabing eksena, ngunit may ilan naman na gumagawa ng makatotohanang

anyo nito at inilalagak sa hardin.

Simbang Gabi

Mas kilala bilang Misa de Gallo (o Misa ng Tandang), ito ay isang tradisyon ng

pagsisimba sa dakong alas-singko ng bukang liwayway, simula ika-16 ng Disyembre,

hanggang sa bisperas ng Pasko. Nagsimula ang tradisyong ito noong panahon ng pananakop

ng mga Kastila sa Pilipinas. Dahil maagang nagtutungo sa kabukiran ang mga magsasaka ay

napagpasyahan ng mga kura-paroko na magdaos ng misa nang higit na mas maaga upang

maging sila ay makadalo. Ang tradisyong ito ay patuloy na isinasagawa marahil ay buhat sa

paniniwala na ang kahilingan o panata ng sinumang makabuo ng siyam na araw na simbang

gabi ay matutupad.

Mga Kakanin

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 13: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Kaakibat ng Simbang Gabi ay ang pagsasalu-salo ng pamilya sa pagkain ng mga

kakaning Filipino. Matatagpuan sa labas ng mga simbahan ang hanay ng mga munting

tindahan na nag-hahain ng mga malalagkit na pagkain gaya ng puto bumbong (malagkit na

kanin na kulay ube at hinuhulma sa isang bumbong o manipis na kawayan) at bibingka

(hinurno sa uling na malagkit na kanin na may kasamang itlog na maalat at niyog). Upang

mapawi ang ginaw hatid ng hanging amihan sa umaga ay mayroong mainit na tsokolate ring

mabibili na masarap ding panulak sa malagkit na kakanin.

Paghaharana

Cumbanchero ang tawag sa grupo, na kalimita'y buhat sa Simabahan o paaralan, na

naghaharana at nagbabahay-bahay upang maghandog ng awiting pamasko. Kadalasan ay

may bitbit silang mga instrumento upang sabayan ang kanilang pag-awit. Maliban sa kanila,

talamak din sa mga kalsada ang mga paslit na nagsisipag-awit ng kanilang bersyon ng

kantang pamasko.

Awiting Pamasko

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 14: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Bilang senyales na malapit na ang pasko ay maririnig na pumapailanlang na sa hangin

ang mga himig o awiting pamasko. Maririnig sa mga paaralan, simbahan at maging sa

istasyon ng radyo ang mga napapanahong musika na kadalasa'y sinulat at inawit ng mga

batikang kompositor at mang-aawit sa Pilipinas.

Noche Buena

Tradisyon din ng pamilyang Filipino ang pagsasalu-salo ng hapunan sa bisperas ng

Pasko, matapos ang huling Misa ng Simbang Gabi. Kadalasan ay isang munting pista ang

idinaraos sa tahanan, kasama ang ilang kamag-anak at malalapit na kaibigan, kasabay ng

pagbibigay ng mga regalo. Hindi kinakailangang masagana ang hapag-kainan. Higit na

mahalaga ang magkasama at magkabuklod ang buong mag-anak.

Panunuluyan

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 15: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Masasaksihan lalo na sa mga lalawigan ang pagsasadula ng masalimuot na paglalakbay

ng banal na mag-asawa para sa kapanganakan ng anak nilang si Hesus. Kadalasan ay

ginaganap ang dulang ito sa plaza o di kaya'y sa Simbahan bago simulan ang Misa sa

bisperas ng pasko.

Aguinaldo

← Pinakahihintay-hintay lalo na ng mga kabataang Filipino ang Pasko dahil sa paghingi ng

Aguinaldo (hango sa salitang Espanyol na nangangahulugang “regalo”). Ito ay ang

pagbabahay-bahay ng mga bata sa kanilang mga ninong at ninang, maging sa kanilang mga

kamag-anak upang sila'y mabiyayaan ng regalo na malimit ay nasa anyo ng salapi.

Masasaksihan rin dito ang ugaling Filipino na pagmamano o ang paglapat ng noo sa kamay

ng mas nakatatanda.

Sanggunian

← How to Celebrate a Filipino Christmas. (hinango noong Disyembre 1, 2008)

← Philippine Christmas. (hinango noong Disyembre 1, 2008)

← Christmas in the Philippines. (hinango noong Disyembre 2, 2008)

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 16: Tradisyon at Kulturang Pinoy

TALUMPATI SA KALAGAYAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS

http://karwaskil.multiply.com/journal/item/34

(paumanhin at hindi ko nakuha ang pangalan ng may katha)

Una sa lahat, tunghayan natin ang kalagayan ng sistema ng edukasyon kung saan hinuhubog ang mga susunod na mga propesyunal sa masmidya, peryodismo, relasyong publiko at adbertaysing.

Sa kasalukuyan, milyun-milyong kabataang Pilipino ang nasasadlak sa karukhaan at patuloy na ninanakawan ng kanilang kinabukasan.

Sa taun-taong pagtataas ng matrikula, sino pa'ng maniniwala na ang mga kapitalistang edukador at may-ari ng paaralan ay hindi nagkakamal ng supertubo?

Gayong itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas na ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan, para sa mga kapitalistang edukador ito'y isang malaking negosyo. Mapatutunayan ito sa kalagayan ng UPHSL at iba pang eskuwelahan dito sa lalawigan ng Laguna, kung saan dumarami ang bilang ng mga drop-outs. Kabi-kabila rin ang mga kilos-protesta ng estudyante at guro para ilantad ang pagsasamantala at kalunus-lunos nilang kalagayan.

Iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na may 370 o 28% ng kabuuang bilang ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa ang nagtaas ng matrikula nitong taon. Ang national average percentage increase nito ay aabot sa 11.09%.

Ayon pa sa ulat, may 70 paaralan ang nagtaas ng matrikula sa rehiyong Timog Katagalugan, kung saan tinatayang 14.26% o P39.39 kada yunit ang halaga ng itinaas.

Kung pagbabatayan naman ang Report on Higher Education Institutions with Tuition Fee Increase, Region IV-A and B, Office of Student Services, Commission on Higher Education as of June 4, 2004, lumalabas na ang De La Salle School of Health Science ang may pinakamataas na halaga ngayon ng 21-unit load sa halagang P17,913 (14.04% of tuition hike). Sa Siena College, nagkakahalaga ito ng P7,581-P17,682 (4.99-5.25%); De La Salle University-Dasmarinas -- P13,839-P15,351 (8.01-8.14%); University of Perpetual Help System in Laguna -- P11,907-P14,721 (14.81%); St. John Colleges of Calamba -- P14,427 (9.92%); Laguna Northwestern College -- P14,364 (14.96); Sacred Heart College of Lucena -- P10,731-P12,831

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 17: Tradisyon at Kulturang Pinoy

(14.83-15.16%); San Pablo Colleges -- P11,109 (9.98%); at Divine Word College of Theology in Tagaytay -- P10,584 (20%).

Mula noon hanggang ngayon, hindi natutupad ang gasgas nang pangako na ang pagdaragdag sa matrikula ay mangagahulugan daw sa pagtaas ng sahod ng guro't kawani, mahusay na pasilidad, libro at kagamitan sa pag-aaral.

Bakit ba kayo pinadala dito ng UPHSL para mag-on-the-job training? Bukod sa pagsasapraktika ng inyong kaalamang teoretikal, ito'y dahil na rin sa kawalan ng Masscom Department ng mga teknolohiyang audio-biswal para sa inyong aktwal na pagsasanay sa kabila ng pagbabayad ninyo ng malaking halaga taun-taon.

Ano pa'ng maaasahan ninyo? Kung tutuusin, hindi naman interes ng ganid at suwapang na mga kapitalistang edukador ang paunlarin ang kalidad ng ating edukasyon.

Naging komersyalisado ang katangian ng edukasyon dahil sa kolonyal nitong pinagmulan. Noong 1900s, naitatag ang isang malawakang sistema ng pampublikong paaralan bilang instrumento ng panlilinlang sa masa at para suportahan ang mga kampanyang pasipikasyon at pananakop ng gubyernong militar ng US. Pinatotohanan ito ng dating senador Claro Recto, nang sabihin niya na ang pagkatalong militar ng rebolusyong Pilipino ay sinundan ng isang henerasyong inalipin ng imperyalistang indoktrinasyon.

Ginamit ang Inggles bilang midyum ng pagtuturo sa mga eskuwelahan. Ito'y upang makapagsanay ng sapat na bilang ng mga Pilipinong propesyunal na siyang gagamitin para patakbuhin ang transportasyon, komunikasyon, komersyo, at industriyang kontrolado ng mga dayuhan. Ang talino ng mga abugado, doktor, siyentipiko, at inhinyero ay pawang mga dayuhang interes din ang nakikinabang.

Samantala, ang mga nakatapos lamang ng elementarya, haksyul o 'yung mga 'di nakatuntong sa eskuwela ay nagiging biktima ng siil, mura at pleksibleng paggawa sa maraming pabrika gaya ng sa Laguna Technopark.

Ang bayan ay naging isang malawak na palengke ng labis na produkto at kapital ng mga kapitalistang dayuhan na siyang tagatustos sa ating burges na panlasa, paniniwala at estilo ng pamumuhay. Pinagpasasaan ng mga monopolyo-kapitalistang US ang yamang likas at pantao ng ating bansa, habang nagdurusa sa matinding kahirapan at krisis ang mga mamamayan.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 18: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Upang mapanatiling umiiral ang dati nang komersyalisado at kolonyal na sistema ng edukasyon, ipinatutupad ng gobyerno, mga kapitalistang edukador at may-ari ng eskuwelahan ang panunupil sa kampus. Laganap ngayon ang paglabag sa demokratiko at konstitusyunal na mga karapatan ng estudyante tulad ng pagbabawal sa kalayaang magpahayag, mag-organisa at sa sama-samang pagkilos. Naririyan din ang pagkontrol ng mga administrador ng paaralan sa mga student councils at publications.

Kung sa eskuwelahan pa lang ay sinasanay na ang mga estudyante ng Masscom ng pag-aasal-alipin at pagiging kimi sa gitna ng pagsasamantala at kawalang hustisya, paano natin mabisang maihahatid sa madla ang katotohanan ng tunay na nagaganap sa ating lipunan? Paano ninyo aaliwin ang masa na palaging biktima ng karahasang militar, maliit na sahod, kawalan ng serbisyo at pandarambong sa ating kabang-yaman? Paano ipalilimot sa inyong awdyens ang kumakalam nilang sikmura dahil sa gutom?

II. MASMIDYA

Konserbatibo vs. Progresibo

Sa proseso ng ating kasaysayan, lumitaw ang dalawang magkasalungat na tradisyon sa masmidyang Pilipino: una, ang konserbatibong tradisyon (mainstream) at pangalawa, ang progresibong tradisyon (alternative).

Sapagkat dominado ng maka-imperyalistang mga interes, itinataguyod ng konserbatibong masmidya ang paghahari ng mapang-aping mga rehimen. Mahigpit nitong tinutulan ang reporma sa sistema at demokratisasyon ng mga istrukturang panlipunan. Bukod dito, ipinalalaganap nito ang mga impormasyon o mensaheng dekadente, walang kabuluhan (trivial), 'di lubos na makatotohanan (inaccurate) at naghihikayat ng pagtakas sa reyalidad (escapism).

Bago pa ang monopolisasyon ng rehimeng Marcos sa buong masmidya sa panahon ng Batas Militar, umiral na ang ganitong tradisyon sa mga pahayagang Espanyol na walang ibang laman kundi mga papuri sa prayle at mga kolonyal na opisyales, mahigit 'sandaang taon na ang nakakaraan.

Dahil na rin sa maimpluwensyang kapangyarihan nito, naging daluyan ang konserbatibong masmidya ng kulturang popular (pop culture) kung saan todo-todong pinasisikat ang mga imahe sa udyok na magkamal ng supertubo.

Habang may emosyonal na kapit ang mga tumatangkilik na awdyens,

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 19: Tradisyon at Kulturang Pinoy

patuloy ang panatisismo at pangangalakal sa imahe. Halimbawa, kahit hindi direkta o personal na kilala ng mga manonood ang grupong Taiwanese na F4, kapansin-pansin ang lubusang pagkahumaling nila sa imahe nito. Ipagpapalit ng fan ang klase para makapanood ng TV o konsyerto, susuwayin ang kanyang pamilya at guro, at makikipag-away sa sinumang may ibang iniidolo sa ngalan ng F4. Pero walang libreng tiket sa konsyerto ng F4. Kailangang bumili ng panyo, notebook at bag na may larawan ng F4 para matangkilik sila. Naiisip ba natin kung gaano ang sakripisyo at halagang ginagasta ng mga fan?

Ang progresibong masmidya, sa kabilang banda, ay umusbong sa sinapupunan ng masa, na noong huling bahagi ng ika-19 siglo ay nanawagan ng reporma at nang lumaon ay naging instrumento para kamtin ang hinahangad na panlipunang pagbabago. Ipinalalaganap nito ang mga impormasyon o mensaheng nagpapalaya ng ating kamalayan sa gapos ng kamangmangan, naglalantad ng sosyal-reyalidad at nagbibigay ng gabay sa pagkilos.

Kinabibilangan ito ng mga peryodista at propesyunal na nagsasaliklik ng mga impormasyong makakatulong para higit na maintindihan ng madla ang lipunan at mga problema nito, gaya ng awtoritaryan na pamamahala, dayuhang dominasyon at krisis pangkabuhayan.

Mula sa mga makabayang dyaryo tulad ng La Solidaridad, Kalayaan at La Independencia noong panahon ng unang kilusang propaganda hanggang sa We Forum at iba pang alternatibong publikasyon noong Batas Militar, patuloy na nagsisikap ang progresibong masmidya na makapanaig sa gitna ng kakulangan ng rekurso at mapanupil na sitwasyon.

Suriin ninyo ang bawat dyaryo, magasin, aklat, billboard, poster, programa sa telebisyon o radyo, sine at website sa internet na tinatangkilik ng masang awdyens. Sadyang hindi maiiwasang ihanay ang bawat isa sa mga ito, alin man sa konserbatibo o progresibong masmidya.

Kahit pa sabihing walang batas na nagreregulisa sa masmidya, ito'y maaaring busalan sa pamamagitan ng mapaniil na instrumento ng gobyerno, kapangyarihan ng mga nagmamay-ari ng midya, istakholder at adbertayser, at ng ideolohiyang pagkagapos ng kalakhan sa mga propesyunal. Nagaganap din ang iba't ibang tipo ng panunuhol ng mga malalaking negosyante't pulitiko sa mga reporter at brodkaster.

Hangga't hindi nagaganap ang radikal na pagbabago sa lipunan, patuloy na mamamayani ang dalawang magkasalungat na tradisyon.

Lumalalang Panggigipit at Pamamaslang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 20: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Tumitindi ngayon ang intimidasyon at karahasan na dinaranas ng mga tagamidya, bagay na hindi gaano tinatalakay sa mga eskuwelahan.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), mula nang bumagsak ang diktadurang Marcos noong Pebrero 1986, di bababa sa 55 mamamahayag na ang pinapatay sa bansa. Samantala, sa hiwalay na listahan ng Bulatlat.com, isang news-feature website, aabot na sa 78 mamamahayag ang napapatay mula noon. Kung isasama ang mga pinatay noong panahon ng batas militar, 110 na lahat-lahat ang mamamahayag na biktima ng pamamaslang. Dalawampu rito ay pinaslang sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Sa ginanap na kilos-protesta noong Agosto 16 ng may di bababa sa 200 mamamahayag mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas sa pambansang himpilan ng pulisya sa Camp Crame, binatikos ng iba't ibang organisasyon ng midya, sa pangunguna ng NUJP, ang kainutilan ng Philippine National Police (PNP) na lutasin ang maraming kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag.

Inihayag sa rali na pumapangalawa na ngayon ang Pilipinas sa mundo (nangunguna ang Iraq na patuloy na ginigyera ng Amerika) sa bilang ng mga mamamahayag na pinaslang habang gumagampan ng kanilang trabaho.

Hanggang sa mga oras na ito, mayroong anim na mamamahayag ang pinatay kung saan apat sa kanila ay sa buwan lamang ng Agosto. Pitong mamamahayag naman ang pinatay noong 2003.

Malinaw na kilala ang mga biktima sa pagbatikos sa korapsyon at krimen na kinasasangkutan ng mga pulis, militar, matataas na upisyal ng gubyerno at malalaking negosyante.

Hayaan ninyong isalaysay ko ang detalye ng mga kaso. Dito sa rehiyong Timog Katagalugan, ang mga biktima ng pamamaslang ay sina: Sonny Alcantara, news presenter ng City TV sa San Pablo, Laguna, na pinagbabaril noong Agosto 2002 pagkatapos niyang batikusin ang isang lokal na upisyal ng syudad; si Noel Villarante, kolumnista ng Laguna Score at komentarista sa DZJV na pinaslang noong Agosto 19, 2003 dahil sa kanyang paglalantad sa mga anomalya; si Arnnel Manalo, korespondent ng dyaryong Bulgar at DZRH matapos niyang ihayag ang panig ng kaaway ng isang makapangyarihang negosyante sa Bauan, Batangas; at si Fernando Consignado, korespondent ng Radyo Veritas na pinaslang noong Agosto 12 dahil sa paglalantad din ng mga anomalya sa Nagcarlan, Laguna.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 21: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Bukod sa pamamaslang, maraming mamamahayag ay naging biktima ng harasment, pananakot, pambubugbog at iba pang tipo ng panggigipit at paglabag sa karapatang pantao.

Noong Mayo 31, pinagbubugbog, ininteroga at pinagbantaang papatayin ng mga elemento ng 20th Special Forces si Melvin Mamis, cameraman ng Southern Tagalog Exposure, matapos niyang kunan ng bidyo ang isang human rights fact-finding mission sa Rosario, Batangas.

Samantala, noong Hunyo 23 ay puwersahang pinatatanggal sa ere ng mga militar ang Radyo Anakpawis, lingguhang programa ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) sa DZRB sa Batangas City. Pinaratangan ng mga militar at pulis na pinatatakbo umano ng New People's Army (NPA) ang naturang programa. Nagbanta sila rereydin ang istasyon kung hindi ititigil ang programa.

Matapos ihayag sa isang interbyu nitong Agosto na alam nila kung sino ang nagpapatay kay Arnnel Manalo, nakatanggap ng pagbabanta sa buhay at pagmamanman ng mga di-kilalalang lalaki ang isang katrabaho ni Manalo. Samantala, napilitang magtago nang ilang araw ang isa pang taga-midya.

Noong Oktubre hanggang Nobyembre 2002, anim na kaso ng pagdukot at panghaharas ng pulis, militar at paramilitar sa mga tagamidya ang naitala ng NUJP. Si Edu Paringit, isang cameraman ng TVnet, isang lokal na istasyon ng telebisyon sa Calapan City, ay nakatanggap ng harasment mula kay Gen. Jovito Palparan, dating pinuno ng 204th Brigade, dahil lamang sa pagkober niya sa marahas na demolisyon sa lunsod.

Sa taon ding 'yon, isa si Ferdie Roldan, reporter ng dyaryong Newsflash sa daan-daang naging biktima ng madugong pandarahas ng mga pulis at goons laban sa mga manggagawa ng Nestle na mapayapang nagwewelga d'yan sa Cabuyao, Laguna.

Sino ang hindi nakakakilala kay Isabela governor-elect Grace Padaca na dating brodkaster? Paulit-ulit na ipinasara noon ni Mayor Caesar Dy ng Cauayan City ang Bombo Radyo sa Isabela dahil sa pambabatikos nito sa korupsyon at karahasan ng pamilyang Dy.

Sa maraming insidente, ang mga elemento ng pulisya ang nasasangkot sa pagpatay o panggigipit sa mga tagamidya. Noong Mayo 2002, pinatay ng isang pulis si Edgar Damalerio, reporter ng Zamboanga Scribe at Mindanao Gold Star at komentarista sa DXKP sa Pagadian City. Kahit natukoy at naaresto na si PO1 Guillermo Wapile, pinatakas pa rin siya ng mga kapwa niya pulis. Sa loob ng dalawang taon, pakalat-kalat lamang si Wapile sa Pagadian at iba pang lugar sa prubinsya. Sa katunayan, naging

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 22: Tradisyon at Kulturang Pinoy

badigard pa siya ng isang pulitiko noong nakaraang eleksyon. Samantala, napilitang magtago ang pamilya ni Demalerio at iba pang testigo.

At ano ang tugon ng awtoridad sa mga panggigipit at pamamaslang? Nagbigay ng "payo" si PNP Dir. Gen. Hermogenes Ebdane sa mga tagamidya na manahimik na lamang para hindi maging target ng karahasan. May adelantadong mungkahi pa na mag-armas na lamang ang mga mamamahayag para maipagtanggol ang sarili. Binalewala naman ni Gen. Angelo Reyes, Secretary ng Department of Interior and Local Government na nangangasiwa sa PNP, nang sabihin niyang walang pang malalang tunguhin sa bilang ng mga pinapaslang na mga tagamidya.

Ang mga pahayag na ito ng mga nasa awtoridad at ang kawalan nila ng aksyon sa lumalalang panggigipit at pamamaslang sa mga tagamidya, ay patunay lang na ang demokrasya at kalayaan sa pamamahayag ay mistulang ilusyon. Ang estado mismo ang sumusupil sa kalayaan sa pamamahayag para protektahan ang interes ng mga naghaharing uri sa ating bayan.

III. MGA ALTERNATIBONG HAMON

Kung papawiin ang takot at pag-aalinlangan sa ating mga puso't isipan, malulutas natin ang mga problemang bumabagabag sa sistema ng edukasyon at masmidya. Mababago lamang ang mundo kung tayo'y magkakaisa at lalaban. "The people united can never be defeated." Ito ang hamon sa atin.

Sa larangan ng edukasyon, may pangangailangang itaguyod ang isang pambansa, siyentipiko at demokratikong edukasyon.

Pambansa, dahil nais nating ibalik ang karangalan ng ating lahing Pilipino. Dapat imulat ang mga estudyante upang kondenahin ang imperyalistang agresyon at gyera. Gawin natin laboratoryo ang mga eskuwelahan para sa pagpapatupad ng demokratikong pamahalaan, pambansang industriyalisasyon, repormang agraryo, independyenteng ugnayang panlabas, makabayang kultura at iba pang kagyat na tungkulin.

Siyentipiko, dahil nais nating ipalaganap ang pag-aaral ng mga kaalamang nakabatay sa pagsisiyasat at pagsusuri sa reyalidad. Umaayon ito sa mga batas ng aktwal na pag-iral, pagbabago at rela-relasyon ng mga bagay at pangyayari.

Demokratiko, dahil hangad nating mangibabaw ang karapatan at interes ng nakakarami sa ating lipunan. Dapat nating igiit ang pagpapatupad ng libreng edukasyon para sa mamamayan sa lahat ng antas.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 23: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Kasama ng mga independyente at responsableng propesyunal sa midya, dapat lumahok ang mga estudyante ng Masscom sa puspusang kampanya para itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag. Nangangahulugan ito ng pagtatayo ng mga pangmasang organisasyon na naglalayong lumikha ng opinyong publiko na sasalungat sa panlilinlang ng mga nagsasamantala at nang-aapi, Pilipinisasyon at pagpapabuti sa kabuhayan ng mga manggagawa sa midya.

Sa aking pagtatapos, nais kong baunin ninyo ang mahalagang mensahe ng International Federation of Journalists (IFJ): "walang kalayaan sa pamamahayag hangga't nabubuhay ang mga mamamahayag sa korupsyon, kahirapan at takot."

Komedya Dekada 90: Bob Ong, Jessica Zafra, Pol Medina

I planned on writing this entry in an objective manner, but as I started writing, pieces of me

resisted the cracking soil. It would be sacrilege on my part to do so. Besides, I read for

pleasure first, for curiosity second, and for necessity last. So I indulged my senses, I trusted my

gut, I laughed.

But what is funny to me? A better question would be: who could tell what makes a line funny or

not? Who could tell why to some, Shakespeare's Falstaff, Mark Twain's nomads, Jane Austine's

ironic heroine, Moliere's miser, or Cervantes's eccentric rider, is, to some, funny, and to others

not at all?

Perhaps I could apply the objective eyes of Hobbes (we laugh at the defects of others as well

as our past selves, providing we transcend it - we feel superior to those we laugh at), Kant (we

laugh because our expectation is frustrated - because unrelated objects are mixed), or Freud

(we laugh to vent our repressed feelings - to outwit the censors). But I didn't and wouldn't -

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 24: Tradisyon at Kulturang Pinoy

humor for me, is an art, and not science - prying and poking at the innards of the hyena will

halt its laughter.

Doubtless there are those who will cry "trash" to a topic such as this, these are the types who

label the likes of Oscar Wilde and Woody Allen as unimportant clowns, branding their comedic

wits as trivial pursuits. To dislike this list is the prerogative of the reader, and as such I would

respect the taste of each and every individual, but to state that writing comedy is insignificant,

is for me an invalid rhetoric. As F. Sionil Jose introducing his fellow National Artist (the short

story comic Alejandro Reyes) implied: making the tears fall is as hard in tragedy as it is in

laughter.

There is nothing trivial about writing comedy - the writers risk the most in channeling the truth

of emotions through mirth. As the reaction of the radical Muslim mob over Danish embassies

attest(incited by the infamous Jyllands-Posten cartoons), deflecting anger and protest through

laughter is a hit-or-miss affair. But such is the power of humor that a well-delivered comedy

has more impact than any litany and sermon that can emanate from long-winded diatribes

(e.g. a single comic strip of Dilbert or a single episode of The Office, has more impact to me

than any book I've read concerning the pains of living with clueless co-workers).

During a family gathering, I told a story of a superstitious friend who has a habit of spewing

one-liner clichés. He is a tall person, and being that way, was prone to bumping his head on

low entrances. One such afternoon, witnessing the bump, I blurted to him: "Okay lang 'yan,

malayo naman sa bituka" ("It's okay, it's nowhere near the intestine").

As the laughters swirled around the dining table, my teenage sister, in an abrupt tone, cut the

revelry: "kuya hindi naman joke 'yan, kasi totoong nangyari" ("brother it's not a joke, 'cause it

truly happened"). Everyone's eyes glanced at mine, to which I, smiling at my sister, replied:

"Ang joke, kahit na gaano kabaliw at kababaw ay may bahid ng katotohanan." ("A Joke,

however crazy and shallow, has a tinge of truth").

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 25: Tradisyon at Kulturang Pinoy

BOBONG PINOY

1998. Dahil sa paghahanap ko sa Internet ng isang paksa, aksidente akong napunta sa Bobong

Pinoy. Dahil dito, sa kabutihang o kasamaang palad (depende na sa kung sino ang tumitingin),

gumugol ako ng pagkarami-raming oras sa opisina at kuryente sa bahay, para lamang

malaman kung ano na ang susunod na isusulat ng webmaster ng Bobong Pinoy. Aksidente nga

ba? O gaya ng sabi ni Einstein, walang aksidente? Sa paghahanap ko ba'y, sinadya ko talagang

makita ang Bobong Pinoy ng hindi ko namamalayan?

Halos mag-iisang dekada na rin ng una kong naisip na: 'sakto ang timing ng mga patawang

nakatapak sa lupa, at napakaitim ng background. Nang taon ding iyun, naging usap-usapan sa

mga webmaster na magkakaroon ng awarding - gaya ng Webby sa Amerika pero para nga

lang sa mga Pinoy. Umugong din ang mga bali-balitang maisasali ang mga kathang may

pagka-weird. Dalawang Pilipino ang kagyat na sumagi sa isip ko na maaring lumarawan ng

pagkabaliw: si Dino Ignacio at si Bob Ong.

Namangha ako sa abilidad ni Dino Ignacio sa paghahabi-habi ng madalas na'y di pinapansin. Si

Bert ng Sesame Street ay madalas ko ng mapanood bilang kontrabida kay Ernie. Palatawa at

masayahin si Ernie, si Bert nama'y seryoso, ayaw ng naiistorbo. Madalas nang kinukulit ni

Ernie si Bert, na kung saang kunot-noo namang nakukulitan si Bert.

Lumaki ako sa panood ng Sesame Street. Kung mapapanood ko ang mga lumang episode ng

Sesame Street ngayon, malamang hindi na ko tablan sa paulit-ulit na skit ni Bert at Ernie.

Ginamit ni Dino ang isa sa mga haligi ng komedya, ang eksaheradong pagtukoy sa mga

normal, upang maipakita kung bakit at ano nga ba nakakatawa kay Bert. Gamit ang computer,

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 26: Tradisyon at Kulturang Pinoy

pinagdikit-dikit ni Dino ang mga kuha ni Bert at mga lumang larawang sumasalamin sa

masasamang nangyari sa kasaysayan ng tao.

Nariyan ang "ebidensiya" kung saan nakatayo si Bert sa gilid ng isang parada bago mabaril si

JFK; nariyan ang kamay ni Bert sa singit ng batang si Michael Jackson; meron ding magkasama

sila ni Hitler; at sino nga bang makakalimot kay Kevin Cosner at Bert na magkasama sa

pelikulang Postman. Isama mo pa ang mga caption na siguradong patok …

…This shot is taken on the set of "The Postman" when Costner was taking advise from bert on

how to act in a post-epocaliptic world.

Hinangaan at binigyan ng parangal ng mga hurado ng 1998 Webby ang ginawa ni Dino (Bert is

Evil). Noong taong ding iyun, na kung saan nabuo ang Philippine Web Awards (iba pa ang

pangalan noon), nakuha ni Dino ang pa-premyo para sa mga website na may nakakabaliw na

tema.

Nakakapanghinyang na pagkatapos manalo ng Webby at PWA ay itinigil na ni Dino ang Bert is

Evil. Marami-rami ang nagsulputang kopya, ginaya at dinagdagan ng mga panibagong litrato,

ngunit gaya nga ng kasabihang pinoy, "iba pa rin ang orig." At dahil sa isang may masamang

balak na Arabong naglabas ng napakalaking poster ni Bin Laden, na kung saan nakasingit si

Bert (nakuha daw niya sa Internet, pero sa aking pakiwari'y kakilala din ng Arabong iyun ang

gumawa ng collage), sa isang protesta sa Afghanistan pagkatapos na pagkatapos sumabog

ang Twin Towers, ay lalo pang sumidhi ang kagustuhan ni Dino na tuluyan ng alisin ang

kanyang Bert is Evil sa orihinal nitong kinalalagyan.

Bagama't gaya ni Dino, may pagka-graphic artist din ako, mas nagustuhan ko ang Bobong

Pinoy. Nangibabaw ang pagka-pinoy ko sa pagka-graphic artist. Kung tutuusin magkaibang

prutas naman talaga ang Bert is Evil sa Bobong Pinoy. Si Dino, gag ang style ng patawa

(naalala ko tuloy iyung ibang pelikula ni Woody Allen - ipinatong ang bagong film footage sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 27: Tradisyon at Kulturang Pinoy

luma), kay Bob Ong nama'y socio-political satire. Pareho pa rin silang panalo, si Dino sa mga

may-alam na hurado, si Bob Ong nama'y sa botohan ng mga tao (ang People's Choice).

Hindi ko alam kung mabagal lang talaga ang koneksiyon ko noon (kapanahuhan kasi ito na pag

binanggit mo ang "broadband" malamang matanong ka ng "may CB ka?") o nagsulputan lang

talaga ang mga bumibisita dahil sa People's Choice, pero parang Edsa pag oras ng uwian 'lagi

ang usad ng Bobong Pinoy.

'Di kalauna'y lumipat na rin ang katha ni Bob Ong sa bobongpinoy.com. Pero 'di ko ba alam,

mabagal pa rin ang pasok. Nakaisip tuloy ako, tuwing lunch o uwian na lang sa opisina ako

sisilip (nakakabit kasi sa mismong ISP 'yung PC ko sa opisina). Ilang beses ding hindi na-update

ang bobongpinoy.com, hanggang isang araw hindi na ni-renew ni Bob Ong ang naturang

site(dahil siguro alam na ng lahat na maglalabas siya ng libro. Mahirap na nga namang

umatras sa bagay na naipangako mo na). At di nga 'rin nagtagal, bigla na lang nawalang

parang bula ang bobongpinoy.com (huwag mo ng balaking pasukin ngayon, pag-aari na ito ng

isang kumpanyang taga-Estonia). Lumitaw din ang Paboritong Website ni Hudas, iyan ang

alam kong kauna-unahang blog ni Bob Ong, pero mas maikli pa ang buhay nito sa

bobongpinoy.com.

Sino nga ba is Bob Ong? Karamihan ng mga nag-kalat na "sightings" na naglipana sa Internet

ay mga kuwentong barbero na nangaling malamang sa mga pinag-pasapasahang mga "sinabi

raw." Kung mamarapating niyo akong magdagdag ng opinyon: kung madulas pa sa ahas ang

pagtuklas sa tunay na katauhan ni Bob Ong, ito marahil ay dahil sa gumagamit siya ng nom de

plume (Ang Bob Ong na pangalan para sa akin, ay biniyak na salitang Bobong, na nagmula sa

pamagat ng dati niyang site, at sumasalamin sa ating pinagsamasamang kahinaan bilang

Pilipino).

Pero bakit pa kailangang gumamit ng Alias? Pag tinanong mo ang tanong na ito, malamang

hindi mo alam ang sagot - kabaliktaran kasi ng tanong ang balak gawin ng pseudonym: si Jose

Rizal ginamit ang pen name na Dimas Alang (Dimasalang na ngayon), sa kanyang satire (ang

sobrang kakatwang La Vision del Fray Rodriguez o The Vision of Fray Rodriguez o Ang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 28: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Pangitain ni Fray Rodriguez), bilang pasumbalit sa atake ni Rodriguez sa Noli Me Tangere

(Touch me Not o Huwag Mo Akong Salingin). Magkahalong gulat at halakhak ang bumalot sa

akin ng una kong mabasa ang La Vision - hindi ko kasi alam na meron palang ganito si Rizal -

ang kakarampot at paminsan-minsang pagsilip na kakenkoyan ni Rizal sa mga nobela niya'y

umusbong at lumitaw ng buong-buo sa liwanag. Si St. Augustine ay inatasan ng Diyos mismo

na ipagbigay alam kay Rodriguez na ang pari'y dapat magsulat ng kanyang ka-bobohan upang

merong mapagtawanan ang mga tao! At dahil pa sa nabasa ko na rin dati pa ang Confessions

ni Augustine ('kakatwa din ito, dahil nagawang isulat ni Augustine ang malambot at ayaw

makisama n'yang tite bilang pilosopiya), ay lalong nagpasidhi ang aking pagtawa. Napaisip

tuloy ako: may katotohan kaya ang sulat ni Ambeth Ocampo na naging parokyano ng prosti si

Rizal sa paglalakbay nito sa Europa? Dahil kung si Augustine na halos isabuhay ang konsensiya

niya sa pagbabate at pagkikipag-talik sa mga babae, si Rizal pa kaya na napaka-romantiko?

Tulad ni Rizal, binanatan din ni Dolores Manapat (ang alias ni Marcelo H. del Pilar) si Rodriguez

sa satire na Dasalan at Tuksuhan. Parang Parokya ni Edgar ang dating (Chikinini na lyrics sa

orihinal na Banal na Aso ng Yano), pinalitan ni Dolores ang lyrics sa mga iba't ibang dasal

Katoliko. Nariyan ang Amain Namin ("Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan

mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit…"),

Aba Guinoong Baria ("Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia…") at Ang Mga Utos

Nang Fraile ("Ang mga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo

sa lahat…")

Pop Quiz: Spot the similarity

Mark Twain, Moliere, Pablo Neruda, The Brontes, Pauline Reage, George Orwell, Dr. Seuss,

Voltaire, Tikbalang.

A. Pare-pareho silang manunulat.

B. Pseudonym.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 29: Tradisyon at Kulturang Pinoy

C. All of the above.

D. Pangalan ba?

Kung A ang sagot mo puwede. Kung B, lalong puwede. At kung C nama'y SUPER-DUPER-

PUWEDE! Kung D, aba kailangan mo munang sagutin ang isa pang katanungan bago ka

maging semi-uber-puwede: kaninong pen name ang huling pangalan?

Habang kumakain ako sa isang restaurant, may narinig akong dalawang profesor daw, na

nagpapataasan ng ihi. Mahaba-haba rin ang mga paksang pinag-talunan, hanggang dumating

ang usapan kay Bob Ong:

Propesor Bangko: Did you know, na hindi talaga tao si Bob Ong?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 30: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Para sa mga kabataan-estudyante:

Bilang susunod na henerasyon ng uring manggagawa, nanawagan kami sa inyo na basahin at talakayin ninyo ang laman ng aming sulat para sa inyo. Walang mawawala sa inyo kung gagawin ninyo ito. MARAMING SALAMAT.

Ang mundo ngayon ay nababalot ng kaguluhan, digmaan, kahirapan, gutom, epidemya at patuloy na pagkasira ng kalikasan. Idagdag pa natin ang lumalalang kabulukan ng lahat ng mga gobyerno, Kaliwa man o Kanan ang nasa pamunuan; ang drug addiction at gangsterimso laluna sa inyong hanay, at ang halos walang katapusang kriminalidad, at iba pa.

Ang iba’t-ibang gobyerno, mula sa pinakaabante hanggang sa pinakaatrasadong mga bansa kasama ang iba’t-ibang malalaking multilateral na mga institusyon gaya ng United Nations at iba’t-ibang Non-Government Organizations (NGOs) habang nangangakong hanapan ng solusyon ang mga mabibigat na problemang pinapasan ng sangkatauhan ay nagtuturuan kung sino ang may kasalanan sa delubyong nangyayari ngayon.

Ang mga Kaliwa naman, mga umaangking sila ay ‘komunista’ — Maoista, Stalinista, Trotskyista at ‘Leninista’ — at mga anarkista ay sinisisi ang Globalisasyon (Liberalisasyon, Pribatisasyon at Deregulasyon); sinisisi ang estado dahil pinabayaan diumano na pagsamantalahan ang mga mamamayan ng mga korporasyong multinasyunal at transnasyunal. Para sa Kaliwa, ang solusyon ay ang pagtatayo ng ‘estado ng manggagawa’ o ‘demokratikong gobyernong koalisyon’ na kokontrol sa buhay panlipunan, na ang tunay na kahulugan ay KAPITALISMO NG ESTADO.

Subalit marami pa rin ang nagtatanong at nababahala: May magandang kinabukasan pa ba ang mundo sa ilalim ng kasalukuyang panlipunang sistema o hindi na mapigilang mawasak ito?

Kung mayroon mang pinaka-interesado na sagutin ang tanong na ito ay dapat kayong mga kabataan-estudyante dahil nasa inyong mga balikat ang kinabukasan ng mundo. Sa ilalim ng sistemang kapitalismo, kayo ang susunod na henerasyon ng mga sahurang alipin ng kapital. Kayo ang magkakaroon ng panibagong mga pamilya at siguradung kayo mismo ang bubuhay at magpalaki sa inyong mga anak.

Kayo ay nag-aaral at nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral dahil sa layuning magkaroon kayo ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa inyong mga sarili kundi higit sa lahat para sa inyong mga pamilya sa hinaharap. Kaya napakahalaga ang tanong sa itaas na masagot ninyo bilang mga manggagawa sa hinaharap (kahit marami na sa inyo ngayon ang naging manggagawa para matustusan ang pag-aaral). Subalit hindi ninyo masagot ang tanong kung patuloy kayong matali sa mga usapin sa loob lamang ng eskwelahan gaya ng pagtaas ng matrikula. Ang matrikula ay mahigpit na nakaugnay sa pagiging ganid ng mga kapitalista sa tubo partikular sa larangan ng edukasyon. Hangga’t kapitalismo ang maghari — pribado man o estado ang magkontrol — ang sistema ng edukasyon ay laging magsisilbi sa batas ng pamilihan at sa pagsasamantala sa lakas-paggawa.

Sa Ilalim ng Dekadenteng Kapitalismo Barbarismo ang Kinabukasan ng Sangkatauhan

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 31: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ang ugat sa mga problemang dinaranas ng sangkatauhan ngayon ay ang sistema ng sahurang pang-aalipin, ang sistema ng tubo at kalakal sa pamilihan, ang sistema ng kompetisyon. Ang tawag dito ay KAPITALISMO.

Sa kasalukuyang panahon, ang pandaigdigang kapitalismo ay nasa kanyang permanenteng pagbulusok-pababa na, nasa kanyang permanenteng krisis, nasa kanyang dekadenteng yugto. Dahil pandaigdigan ang sistemang ito, walang bansa ngayon ang hindi nakaranas ng permanenteng krisis. Kahit pa ilang datos ng ‘pag-unlad’ ng ekonomiya ang ilathala ng mga gobyerno sa buong mundo, ang katotohanan ay patuloy na lumalala ang kahirapan sa daigdig. Ang walang hintong mga digmaan ngayon sa iba’t-ibang dako ng mundo ang isa sa pinakamatingkad na patunay na lumalala ang kapitalistang krisis.

Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo imposibleng ‘uunlad’ pa ang isang bansa na hindi nito pagsamantalahan ang ibang mga bansa. Ang ‘pag-unlad’ ng isang bansa ay bunga ng matinding pagsasamantala sa kanyang mga manggagawa at/o sa mga manggagawa sa ibang mga bansa. Ang ‘pagdami’ ng may trabaho sa isang bansa ay may katumbas ng pagdami ng mga walang trabaho sa ibang mga bansa.

Maling-mali ang mga Kaliwa sa kanilang paniniwala na kung maputol ang kontrol ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas ay uunlad na ang ekonomiya ng bansa. Ang katotohanan, sa panahon ng imperyalismo ang bawat bansa ay may imperyalistang katangian dahil ‘uunlad’ lamang ito kung pagsamantalahan nito ang ibang mga bansa sa ilalim ng islogang ‘pagkapantay-pantay’ at ‘malayang kompetisyon.’ Pangalawa, kung maputol man ang kontrol ng Amerika sa bansa, hindi malayong papasok ang iba pang ganid at makapangyarihang imperyalista kakutsaba ang mga paksyon ng burgesyang Pilipino o maging ang ilang maka-Kaliwang grupo upang kontrolin ang Pilipinas gaya ng Tsina o Japan sa ngalan ng pagpapalaya sa bansa mula sa kuko ng imperyalistang Amerikano.

Ang tunay na kaaway ng mga manggagawa kabilang na kayong mga kabataan-estudyante ay hindi lang isa o dalawang imperyalistang kapangyarihan kundi ang buong imperyalistang sistema. Ang kalaban ng mga manggagawang Pilipino ay hindi lang ang mga dayuhang kapitalista kundi mismong mga Pilipinong kapitalista na halos magkatulad lamang ang pagkaganid sa tubo at pagsasamantala sa mga manggagawa.

Ang ‘paglaya’ ng Pilipinas mula sa isang imperyalistang kapangyarihan ay pagpapatuloy pa rin ng kapitalistang pagsasamantala sa manggagawang Pilipino. Ang pagtatayo ng isang ‘sosyalistang gobyerno’ sa bansa ay pagpapatuloy pa rin ng sahurang pang-aalipin. Ang ‘kalayaan’ ng Pilipinas mula sa isang imperyalistang kapangyarihan ay pagkaalipin naman nito sa iba pang kapangyarihan.

Internasyunalistang Pagkakaisa at Pakikibaka: Ang Susi sa Tagumpay Laban sa Kapitalismo

Ang uring manggagawa bilang internasyunal na uri ang tanging uri na may istorikal na misyon at kapasidad na durugin ang kapitalismo sa buong daigdig. Siya lamang ang tanging rebolusyonaryong uri sa ilalim ng kapitalistang kaayusan.

Kung hindi madurog ang dekadenteng kapitalistang sistema, asahan ninyo na ang inyong mga pamilya sa hinaharap ay mas mahirap pa ang maranasan kaysa ngayon.

Subalit hindi madudurog ang kapitalismo at hindi maibagsak ang paghari ng mga kapitalista kung patuloy tayong matali sa balangkas ng bansa, sa balangkas ng nasyunalismo at pagmamahal sa bayan (ang mga ito ay matamis na salita lamang na ang ibig sabihin ay ipagtanggol ang pambansang kapitalismo). Isang pandaigdigang sistema ang ating kalaban kaya kailangang pandaigdigan din ang pagkakaisa. Kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa buong mundo laban sa kapitalistang panlipunang mga relasyon.

Dagdag pa, kailangang ganap na itakwil ang mga mistipikasyon at bitag na inihain ng burgesya para ilihis ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa — unyonismo, parlyamento at nasyunalismo. Ang mga ito ay mga instrumento na ngayon ng kapital para gawing pambala ng kanyon ang uring manggagawsa at kabataan sa nagtunggaliang mga paksyon ng burgesya sa bawat bansa.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 32: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Dalawa lamang ang sandata ng internasyunal na uring manggagawa para magapi ang kapitalismo : PAGKAKAISA at KAMULATAN sa pandaigdigang saklaw. Pagkakaisa laban sa lahat ng paksyon ng burgesya (administrasyon man o oposisyon). Pagkakaisa para palawakin ang mga pakikibaka at hindi ikulong sa iilang pabrika o ilang linya ng industriya lamang. Kamulatan na walang maasahan sa burges na estado, parlyamento at mga unyon; kamulatan na imposible na ang pakikibaka sa mga reporma dahil wala ng kapasidad ang sistema na ibigay ang mga ito. Pagkakaisa at kamulatan para ibagsak ang kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito.

Walang saysay ang mga pagkilos ng ilampung katao o mga protestang tipong riot para lamang sa media projection. Ang kailangang mabuo ay ang malawakang pagkakasia ng uri at pakikibaka laban sa estadong kapitalista at hindi para sa mga reporma.

Mga susunod na henerasyon ng manggagawa, pag-isipan ninyong mabuti ang kinabukasan ninyo at ng mundo. Dalawa lamang ang pagpipilian ninyo: SOSYALISMO o BARBARISMO; INTERNASYUNALISMO o NASYUNALISMO; BAYAN o URI.

May pag-asa pa ang kinabukasan ninyo; may pag-asa pa ang mundo. Ang pag-asa at kinabukasan ninyo ay nasa mga kamay ng inyong uri — ang uring manggagawa. “Ang emansipasyon ng uring manggagawa ay nasa kamay ng mga manggagawa mismo.”

Ngunit ang pag-asa ay hindi kusang darating. Kailangan itong ipaglaban. Kailangan ninyo, kasama ang inyong uri ng isang rebolusyonaryong teorya na pinanday ng istorikal na karanasan ng inyong uri; istorikal na karanasan na binastardo at punong-puno na ng mga distorsyong kagagawan ng mga ideolohiya ng Kaliwa ng burgesya — Maoismo, Stalinismo, Trotskyismo, ‘Leninismo’ at Anarkismo. Ang teoryang ito ay walang iba kundi ang rebolusyonaryong Marxismo.

Tama si Lenin sa pagsasabing, “Kung walang rebolusyonaryong teorya ay walang rebolusyonaryong kilusan.” Ibig sabihin, ang anumang kilusan gaano man ito kalakas at kalawak, mananalo o matalo man ito, kung hindi rebolusyonaryo ang teoryang gumagabay dito ay tiyak na hindi pagpawi sa pagsasamantala at pang-aapi ang kalalabasan nito.

Mga kabataan-estudyante, ang mga organisasyon o kilusan na sinasamahan ninyo ay para ba talaga sa tunay na panlipunang pagbabago o para ipagtanggol ang kapitalismo sa porma ng kapitalismo ng estado sa likod ng programang ‘estado ng manggagawa’ o ‘demokratikong gobyernong koalisyon’? Pag-isipan ninyong mabuti, magtalakayan at mag-aral kayo sa buhay na karanasan ng pakikibaka ng internasyunal na uring manggagawa sa loob ng mahigit 200 taon.

INTERNASYONALISMO

Email address: [email protected]

Blog: http://internasyonalismo.blogsome.com

Link website: www.internationalism.org

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 33: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Kolonyal na Patakaran sa Edukasyon

October 24, 2007 at 1:35 am (Feature, Re-posted)

http://felixrivas.wordpress.com/2007/10/24/kolonyal-na-patakaran-sa-edukasyon/

Ipinatupad simula ngayong pasukan sa lahat ng paaralang elementarya at hayskul ang

Executive Order No. 210 ng Malacañang na nagtatakda ng paggamit ng Ingles bilang

medium of instruction o wika sa pagtuturo.

Alinsunod sa EO 210, simula Grade 1 ay ituturo ang Ingles bilang ikalawang lenggwahe.

Pero simula Grade 3 ay ito na ang siyang pangunahing wikang gagamitin sa pagtuturo ng

matematika at mga subject na may kinalaman sa agham at kalusugan, bukod sa pagtuturo

mismo ng English. Ito na rin ang gagamiting pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng

hayskul, pribado man o pampubliko. Ibig sabihin, Ingles ang dapat umanong gamitin sa

di bababa sa 70% ng kabuuang panahon sa pagtuturo ng lahat ng aralin.

Isang petisyon laban sa EO 210 ang isinampa ng Coalition for a Correct Language Policy

(CCLP) sa Korte Suprema. Ang koalisyon ay kinakatawan nina Dr. Patricia Licuanan,

presidente ng Miriam College; mga National Artist for Literature na sina Bienvenido

Lumbera at Virgilio Almario; Randolf David, isang propesor sa University of the

Philippines; Isagani R. Cruz, kritiko at presidente ng WIKA Inc.; at Efren Abueg, isang

premyadong manunulat. Pumirma rin sa petisyon ang iba pang batikang manunulat at

guro.

Sinasalamin ng CCLP ang patriyotikong pagtutol sa EO 210. Ayon sa CCLP, sasagka ito

sa kakayahang matuto ng mga mag-aaral. Tinukoy nito ang resulta ng mga pananaliksik

na ginawa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization

(UNESCO) na nagpapakitang mas mabilis matutong magbasa, magkwenta at umunlad sa

pag-iisip ang mga bata kapag ang ginagamit sa pagtuturo ay ang kanilang wikang

kinagisnan.

Kinukumpirma ito ng karanasan ng Summer Institute of Linguistics sa Bukidnon. Ang

mas matataas na gradong nakukuha ng mga batang katutubo rito sa mga pagsusulit sa

literasiya at numerasiya ay patunay na mas madali silang natututo gamit ang lokal na

wika sa pagtuturo.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 34: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sa kalagayang hindi ginagamit ang Ingles sa kanilang pang-araw-araw na buhay,

mahihirapang matuto ang mga mag-aaral sa elementarya at hayskul kung ito ang

pangunahing gagamitin sa pagtuturo. Kadalasan ay mabilis na nawawala ang anumang

kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat kapag itinuro ito sa wikang Ingles. Palalalain ng EO

210 ang dati nang suliranin sa mapurol na gagap sa syensya at matematika ng mga

Pilipinong mag-aaral. Ayon sa sarbey ng Trends in International Mathematics and

Science Study (TIMSS) nitong 2003, sa 45 bansa ay pang-41 ang mga mag-aaral ng

hayskul sa Pilipinas sa kaalaman sa matematika. Pang-42 naman sila sa kaalaman sa

syensya.

Ayon sa koalisyon, labag din ang EO 210 sa konstitusyon na nagtatakdang pambansang

wika ang Pilipino at siyang gagamitin sa pagtuturo sa buong sistemang pang-edukasyon.

Taliwas din ang EO 210 sa rekomendasyon ng Congressional Commission on Education

(EDCOM) noong 1991 na gamitin ang Pilipino at ang lokal na wika sa pagtuturo ng

batayang edukasyon. Inatasan ng EDCOM ang Department of Education (DepEd) noong

1991 na magbalangkas ng mga libro at iba pang materyales sa pagtuturo na nasusulat sa

wikang Pilipino. Lahat ng subject sa elementarya at hayskul, maliban sa English at iba

pang pinag-aaralang lenggwahe, ay dapat nang ituro sa wikang Pilipino pagsapit ng taong

2000, ayon sa EDCOM.

Ipagkakait din ng EO 210 sa mas maraming mamamayan ang karapatang matuto at

maging bihasa sa pambansang wika. Lalo lamang nitong palalakasin ang neokolonyal na

sistema ng edukasyon sa Pilipinas na nagsisilbi pangunahin sa interes ng mga dayuhan at

nagpapanatiling mahirap at atrasado sa bansa. “Hindi Ingles ang solusyon sa kahirapan sa

bansa. Bagkus, maaaring isa pa nga ito sa mga nagpapalala ng kahirapan ng mga

karaniwang masang Pilipino,” ayon sa mga tumututol sa EO 210.

Sa kabila ng mga syentipikong ebidensyang nagpapakita ng mga pinsalang idudulot ng

bagong kautusan sa mga mag-aaral at sa kabila ng mga batas at aksyon ng Kongreso na

taliwas dito, ipinipilit pa rin ng Malacañang ang EO 210. Dahil ito sa tulak ng isang

bagay na di hamak na mas mahalaga sa rehimen kaysa sa pagkatuto ng mga Pilipinong

mag-aaral: ang milyun-milyong dolyar na kikitain ng bangkaroteng gubyerno mula sa

mga remitans ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa at mga puhunan ng

maraming call center na nagsusulputan ngayon sa Pilipinas. Nadismaya raw si Gloria

Arroyo nang mapag-alaman niyang wala pang 5% ng mga aplikante sa mga call center

ang natatanggap dahil sa kahinaan ng karamihan sa Ingles. Kailangan aniyang tugunan

ang pangangailangan ng mga call center at iba pang mga dayuhang kumpanya ng mga

Pilipino na mahusay magsalita ng Ingles.Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 35: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sa katuus-tuusan, tanging ang pambansa-demokratikong patakaran ng sistematikong

pagtataguyod ng pambansang wika at panitikan, kasabay ng pagpapayaman ng iba pang

lokal na lenggwahe at paggamit pangunahin ng sariling wika maging sa pag-aaral ng

syensya at teknolohiya, ang titiyak na natututunan ng mga mag-aaral ang kaalamang

makapagbibigay sa kanila ng kakayahang makapag-ambag sa pagpapaunlad ng

pambansang ekonomya at lipunang Pilipino.

[Ang artikulong ito'y muling ipinost sa aking sayt. Hindi lantad (anonymous) ang awtor

nito.]

Ang “Iskul Bukol” na Sistema ng Edukasyonby Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK) Friday, Jun. 10, 2005 at 6:41 AM

http://qc.indymedia.org/news/2005/06/3560.php

“Iskul Bukol” Ganito maisasalarawan ang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Kulang na kulang sa pondo ang mga pampublikong paaralan. Sobra-sobra ang pagtaas ng matrikula

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 36: Tradisyon at Kulturang Pinoy

at iba pang mga singil sa pribadong mga paaralan. --- Ang “Iskul Bukol” na Sistema ng Edukasyon

Tapos na ang bakasyon. At sa buwang ito, milyon-milyong mga estudyante ang papasok sa mga paaralan na animo’y mga pabrika ng susunod na henerasyon ng manggagawa.

Karamihan sa kanila – at patuloy na itong lumalaki – ay nasa pampublikong mga paaralan, kolehiyo at unibersidad. Mga institusyong hindi makapagbigay ng dekalidad na edukasyon dahil sa kakapusan ng pondo ng gobyerno.

Mayroon namang “papalarin” na makapag-aral sa pribadong paaralan. Pero magiging mailap din sa kanila ang maayos na edukasyong inaasam dahil ang motibo ng mga may-ari ng iskwelahan ay magbenta ng diploma para palaguin ang kanilang negosyo.

At kung susumahin, may dalawang pangunahing problema sa sistema ng edukasyon sa bansa. Una, ang pagpapabaya ng gobyerno sa public school system. Ikalawa, ang pagpapaubaya ng gobyerno sa mga kapitalista-edukador na magtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan. Sa parehong suliranin, iisa sa salarin: ang gobyernong hindi binibigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng kanyang mamamayan.

Kapos na Badyet sa Pampublikong Edukasyon

Ayon sa 1987 Konstitusyon, ang dapat na may pinakamalaking alokasyon sa pondo ng gobyerno ay edukasyon. Kinikilala kasi nito ang edukasyon ay isang “karapatan” hindi pribilehiyo. Sa biglang tingin, tila tinutupad ng Kongreso ang ganitong probisyon ng Saligang Batas.

Mula 2001 hanggang 2004, tumaas ang badyet sa edukasyon mula P97.5 Bilyon ay naging P107.5 Bilyon. Pero hindi ito totoo. Ang tunay na halaga nito ay lumiliit dahil sa bumabagsak na halaga ng piso bunga ng inflation o taun-taong pagtaas ng mga presyo. At ngayong taon, ang badyet ng edukasyon ay nasa P103.6 Bilyon lamang.

Bukod dito, ang pondo sa edukasyon ay dapat sinusukat sa proporsyon nito sa gross domestic product o GDP. At kung ito ang gagawin, ang badyet sa edukasyon ay lumiit mula 2.9% noong 2001 ay naging 2.3% noong 2004. Ngayong 2005, ito ay nasa 3.1% ng GDP.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 37: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Kulang na kulang ito batay sa istandard ng United Nations na nagsasabing ang isang bansa ay dapat na maglaan ng 6% ng GDP para sa edukasyon. Nangungulelat ang Pilipinas sa Southeast Asia dahil hindi ito tulad ng Malaysia na nagtutuon ng 7% ng GDP para sa edukasyon.

Dahil sa kakapusan sa pondo, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga public elementary at high schools bagamat mas nakatuon ang pondo ng Department of Education sa basic education kumpara sa tertiary o college education.

Sa survey ng Senate Committee on Education, nasa 84% sa mga public school ang walang tubig. 25% ang walang kisame. 55% ang walang kuryente, 45% at 43% sa mga guro ang nagsabing nagdadala sila ng sariling mesa at silya sa klase.

Isa sa mga nakakalungkot na larawan ng kalagayan ng edukasyon ay ang Caloocan High School, ang pinakamalaking haiskul sa naturang siyudad.

Karamihan sa mga estudyante ng Caloocan High School ay mula sa mahihirap na pamilya, ayon sa kanilang principal na si Erlinda Fornoles. Libre ang tuition o matrikula pero dahil sa kakulangan sa klasrum at mga guro kinailangan nilang magpatupad ng mga “shift”.

Kalahati ng mga estudyante ay nasa “early shift”, mula 6:20 ng umaga hanggang 12:40 ng tanghali. Ang iba naman ay pumapasok nang 1:00 ng hapon hanggang 7:20 ng gabi. Pero sa kabila ng ganitong sistema, mahigit 50 estudyante ang nasa bawat klase.

Ani Fornoles, “Kung susundin naming ang regular na oras ng iskedyul, sa dami ng aming estudyante, malamang na uuwi ang mga estudyante ng 9:00 ng gabi”. Subalit walang signipikanteng resulta ang sistemang ito sa mga estudyante. Aniya, “Ganun pa rin – hindi naman gumaling ang mga bata. Nagbibigay kami ng libro pero pinaghahatian ito ng dalawang estudyante. Kulang na kulang din kasi sa mga guro”.

Ayon kay Ramon Bacani noong 2003, education undersecretary for operations, may 1,000 dagdag na guro ang kailangan ng Caloocan pero “sa ngayong taon, walang badyet ang national government para sa dagdag na guro”. Humingi sila ng tulong sa mga lokal na pamahalaan para sa pagkuha ng dagdag na mga titser. “Pero 300 titser lamang ang kayang tustusan ng munisipyo ng Caloocan,” ani Bacani.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 38: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Dapat dagdagan ang pondo sa edukasyon dahil karamihan sa ating kababayan ay umaasa sa pampublikong pag-aaral kaysa sa pribadong mga paaralan, kung saan mas mataas ang matrikula. Ngayong taon, tinatayang nasa 17.36 milyon ang enrollees ng mga public elementary at public high school. Mahigit 2.23 milyon ang nasa mga pribadong iskwelahan sa basic education.

Subalit hindi lang ang basic education ang kailangang paglaanan ng pondo ng gobyerno. Dahil dumadami din ang umaalis sa mga pribadong kolehiyo para mag-aral sa mga State colleges and university.

Sa ulat ng Commission on Higher Education (CHED), tumaas nang 2.4 milyon ang nag-aaral sa kolehiyo para sa 2002-2003 mula sa 1.87 milyon noong 1994-1995. Sa bilang na ito, dumami nang 415,972 ang nag-aaral sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad – mula sa 399,623 ay naging 815,595.

Noong 1980, 10% lamang ng mga nasa kolehiyo ang nasa State Colleges and Universities (SCUs). Noong 1994, ito ay naging 21%. Noong 2002, ito ay 34% ng kabuuang populasyon ng mga estudyante sa kolehiyo. Habang ngayong taon, 36.95% ng mga nasa kolehiyo ang nag-aaral sa mga SCU.

Ang pinakasiguradong dahilan ng paglikas ng mga estudyante tungo sa mga pampublikong kolehiyo’t unibersidad ay ang tuloy-tuloy na pagtaas sa matrikula at iba pang singil sa mga private school laluna nang isinabatas ang Education Act of 1982 na nagluwag sa pagtatakda ng tuition fee.

Ganunpaman, kahit pa mas mura ang singil sa mga pampublikong paaralan, hindi rin sila ligtas sa mga pagtaas sa matrikula na naganap sa nagdaang mga taon.

Noong 2003, ang pinakamataas na tuition fee increase sa mga State colleges and universities ay naitala sa Philippine Normal University (PNU), kung saan tumaas nang 400 porsyento ang tuition fee. Ang per unit tumaas mula sa P10 ay naging P50.

Sa Central Luzon State University (CLSU), tataas ang tuition at iba pang singil nang 298%. Ang Aklan Polytechnic Institute ay magtataas nang 400% sa kanilang matrikula sa loob ng apat na taon. Sa University of the Philippines (UP) – ang pangunahing State university sa bansa, ang matrikula ay tumaas ng P300 kada unit mula sa P11 noong 1989.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 39: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sa ibang mga pampublikong unibersidad, hindi tumaas ang matrikula ngunit lumobo ang iba pang mga singil (na karaniwang tinatawag na “miscellaneous fees”). Sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), ang tuition ay nananatiling P12 kada unit. Pero ang singil sa late enrolment ay tumaas, mula P10 ay naging P100. Nagkaroon din ng mga bagong singil tulad ng shifting form, verification of grades per subject, re-admission fee at singil sa pagbabago ng subject o iskedyul.

Sa UP, ang laboratory fee sa limang departamento at kolehiyo ay tumaas ng P600 mula P50. Sa mga graduate school nito, ang tuition ay tumaas noong 2001, mula P300 kada unit hanggang sa maksimum na P700.

Ang Tumataas na Matrikula sa Pribadong Paaralan

Noong May 16, nag-utos ang Commission on Higher Education (CHED) na ang karaniwang pagtaas ng tuition fee ay dapat na katumbas ng inflation rate o 8.4%. Ayon kay Dr. Carlito Puno, acting chairman ng komisyon, “Mula ngayon, gagamitin na ng CHED ang awtoridad nito para sa regulasyon ng tuition at iba pang singil sa mga institusyon ng higher education.”

Mainam na mainam sana ang balak ng komisyon, kung ito ay totoong totoo. Pero sa mismong partial report ng komisyon noong Mayo 17 – na inilabas isang araw matapos ang deklarasyong kokontrolin nila ang matrikula – ang average na pagtaas ng matrikula para sa academic year 2005 – 2006 ay nasa 11.58%! Kung sa pera, ang halaga ng pagtaas ay nasa P37.80 kada unit. Sa 18 units na karaniwang kinukuha ng isang estudyante, ang pagtaas na ito ay nagkakahalagang P680.4.

Sa Metro Manila, ang pinakamalaking pagtaas ay ang Asian Theological Seminary, na nagtaas ng 150% o P900 kada unit sa matrikula. Kasunod ang STI College Fairview, kung saan magkakaroon ng 22.76% o P145 kada unit na pagtataas ng tuition fee.

Ang tanong: paano kokontrolin ng CHED ang matrikula kung ang kanilang kautusan ay inilabas lamang sa buwan ng Mayo, kung kailan natapos na ang proseso ng pagtatakda ng matrikula? Karaniwang itinatakda ang matrikula sa buwan ng Pebrero hanggang Marso bago magtapos ang isang academic year.

Simple lamang ang sagot. Dahil ang inilabas ng order ng CHED ay “pakitang-tao” lamang. Dahil ang patakaran ng gobyerno kaugnay ng matrikula ay deregulasyon. Ibig sabihin, binibigyang-laya ang mga kapitalistang-edukador na taon-taong itaas ang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 40: Tradisyon at Kulturang Pinoy

kanilang mga singil dahil napakaluwag ng prosesong dadaanan nila bago magpataw ng tuition fee increase.

At habang pinapabayaan ng gobyerno ang public school system, mas madaling makapagsamantala ang mga kapitalistang namumuhunan sa mga pribadong paaralan. Para sa kanila, ang pagtatakda ng tuition ay “sagradong karapatan” bilang negosyanteng nagbebenta ng “edukasyon”. Kaya’t ang kanilang kadalasang sagot sa mga reklamo sa matrikula: “Hindi naman namin kayo pinilit na dito mag-enrol. Kung nahihirapan kayo sa tuition fee, pwede naman kayong lumipat sa public school”.

Ang edukasyon ay isang dambuhalang negosyo. Ayon sa Senate Committee on Education, siyam na iskwelahan ang kasama sa top 1,000 corporations sa bansa. At ang kanilang pinagsamang kita ay nagkakahalagang P1.13 Bilyon noong 2003. Kabilang dito, ang Centro Escolar University, Mapua Institute of Technology, Far Eastern University, University of the East, PMI Colleges, Technological Institute of the Philippines, AMA Computer College at STI. At mapapansin na hindi pa kasama dito ang mga ekslusibong private school na itinuturing na non-profit corporations dahil sa kanilang ugnayan sa mga relihiyosong institusyon kagaya ng Ateneo University, De la Salle University, Miriam College, atbp.

“Iskul Bukol” Ganito maisasalarawan ang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Kulang na kulang sa pondo ang mga pampublikong paaralan. Sobra-sobra ang pagtaas ng matrikula at iba pang mga singil sa pribadong mga paaralan. Ang resulta: “bagsak” ang grado ng edukasyon sa bansa dahil hindi ito binibigyang prayoridad ng estado. Ang problema, ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang naiwanang bukol-bukol dahil sa kapabayaan at kainutilan ng gobyerno. #

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 41: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

http://www.bulatlat.com/news/4-6/4-6-edukasyon.html

Ang artikulo na ito ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas – isang talumpati ng awtor para sa Southern Luzon Education Conference sa Los Baños, Laguna noong nakaraang Enero 29. Ang kumperensya ay inisponsor ng Anak ng Bayan party list at ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Southern Luzon.

NI DR. EDBERTO M. VILLEGASBulatlat.com

Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan para sa iilang naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga uring ito. Ang namamayaning uri sa Pilipinas, ang komprador na burgesya at panginoong may-lupa ay pangunahing tinatangkilik ang interes ng kanilang padrono, ang imperyalistang Estados Unidos. Sa kontekstong ito natin mauunawan lamang ang kalikasan ng edukasyon na pinapairal ng gobyerno sa ating lipunan.

Ang Edukasyon ay Instrumento ng Uri na Hawak ang Estado

Dahil ang edukasyon ay isa lamang instrumento ng ating estado na kontrolado ng imperyalistang EU at dahil ang pinakamahalagang instrumento ng pananatili ng kasalukuyang sistema ay ang paggamit ng dahas laban sa lumalaking rebelyon sa kanayunan, ang edukasyon ay binibigyan ng mas maliit na prayoridad sa badyet ng gobyerno kung ikukumpara sa militar. Ngunit, higit sa lahat, ang nangunguna sa badyet ng gobyerno ay ang pagbayad nito ng utang panlabas sa mga dahuyang institusyon, kagaya ng IMF-WB at sa mga bangko ng imperyalismong EU at kanyang mga kapitalistang kaalyado. Habang tumatakbo ang panahon, bumababa ang paglaan ng badyet sa edukasyon, samantalang ang pagbayad naman sa utang panlabas at pondo para sa militar ay tumataas.

May batas na ginawa pa noong panahon ni Marcos, ang PD 1177, na naglalaan ng prayoridad sa pagbayad sa utang panlabas ng Pilipinas na kasalukuyan ay umaabot na ng 58 bilyong dolyar (may balak pa ang rehimen ni Macapagal Arroyo na umutang ng panibago sa halaga ng $500 milyun ). Halimbawa sa ginawang badyet sa taong 2004, sa kabuuang P861 bilyong, P271.5 bilyon o 31.4% ang nireserba sa pambayad ng utang ng Pilipinas. Taon-taon lumalaki ang tinatakdang pambayad ng utang panlabas ng Pilipinas; sa taong 2003 ito ay lumubo ng dagdag pa ng P58 bilyon.

Hambingin naman ang badyet para sa militar na tumaas mula sa P42.5 bilyun noong 2003 tungo sa P45 bilyun sa 2004 laban sa badyet sa lahat ng state colleges at universities (SCUs) na P15.68 bilyun lamang para sa taong 2004. Para sa PNP naman ang badyet sa taong 2004 ay P33 bilyun. Kaya daw tinataasan ang badyet sa pagamit ng dahas ay para kalabanin ang mga “terorista” sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 42: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Pilpinas sa sugo ni Uncle Sam. Sa kabuuan, ang porsiyento ng badyet ng Department of Defense sa 2004 ay 5.21%, kalusugan (1.5%), pabahay (0.3%) at edukasyon (kasama na ang para sa elementarya at sekundaryang baytang, kung saan mayroon tayong milyun-milyong estudyante ) ay 15.4%. (Mula sa Badyet ng Pamahalaan para sa Taong 2004 at manipesto ng Anak Bayan Youth Party at iba pa, Dec. 10, 2003)

Ang Kalunos-lunos na Kalagayan ng mga Estudyante at Gurong Pilipino

Dahil sa palagay ng imperyalismo EU sa kanyang direktang pagsusuperbisa sa sistemang eduskasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng WB na ang mga paaralan ng estado ay mahigpit na hawak na niya, bale wala dito ang kapakanan ng mga estudyante at mga gurong Pilipino. Ganito din ang paninindigan ng estado ng Pilipinas hinggil sa katayuan ng mga mag-aaral at guro ng bayan. Ang interes lamang ng estado sa edukasyon sa Pilipinas ay gumawa ng mga kurikulum na palalaganapin ang tubo ng mga imperyalistang TNC at kanyang mga kakamping Pilipino. Kaya, bahala nang maghigpit ng sentoron ang mga guro at magsiksikan ang mga estudyante sa mga klasrom. Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pambublikong paaralan. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrom at may 2,381, 943 na mga desks/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul. Kaya ang kalidad ng edukasyon ay pababa ng pababa. Halimbawa, sa 1999 Third International Math and Science Study, ang Pilipinas ay pumuesto ng 36th sa kabuuang 38 na bansang sumali.

Nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong paaralang pambuliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. (Datos ng Alliance of Concerned Teachers) Kaya di kataka-taka libo-libong guro ang nabibiktima ng mga utangang 5-6 at nagsasyadline bilang mga tindera ng mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan.

Ang Pakikialam ng Imperayalismong EU sa Programa at Kurikulum sa Edukasyon ng Pilipinas

Mula pa noong panahon ni Marcos, ang WB ay nagdidikta na ng mga programa at kurikulum sa mga paaralan ng Pilipinas, tulad ng Philippine Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) ni Marcos noong 1972, ang Education Act of 1982, ang Education Commission ni Cory Aquino, ang Education 2000 ni Ramos at ang Presidential Commission on Education Reforms (PCER) at Higher Education Modernization Act (HEMA, 1998) ni Estrada at ni Macapagal-Arroyo. Ang lahat ng mga programang ito ay naglalayun upang lumikha ng mga estudyanteng Pilipino na may mahusay na kakayahan na kailangan ng negosyo ng imperyalismo at mahubog ang kamalayan ng mga kabataan upang mahalin ang kultura ng imperyalismo. Pinagtitipid din ng IMF-WB ang gobyerno ng pondo na sana’y ilalaan para sa edukasyon upang makabayad ang huli ng kanyang utang panlabas. Nagaalala ang imperyalsimo na sa laki ng kasalukuyang depisito ng Pilipinas na umaabot na sa P220 bilyun na dulot din ng pagbayad sa utang panlabas at pangungurakot ng mga opisyal ng pamahalaan na baka mag-default ang Pilipinas sa pagbayad sa utang panlabas. Kaya sa PCER ni Estrada at Macapagal-Arroyo, tinutulak ng IMF na bigyan ng fiscal autonomy ang mga paaralan ng pamahalaan upang humanap ang mga ito ng mga paraang makakalap ng sariling pondo. Pinapairal din ang dahan-dahang pribatisasyong ng mga SCUs. Ang PCER ay lalong pinapalala ang komersyaslisasyon ng mga paraalang publiko dahil pinapayagan na ang mga paaralang ito lalo na ang mga SCUs na magtaas ng tuition at mag-tie-up sa bisnes. Bahagi din ng PCER ang paghintulot sa mga dayuhan na magtayo ng mga paaralan sa ating bansa.

Ang Estratehiya ng Imperyalismo sa Pribatisasyon ng Edukasyon

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 43: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ang pribatsisasyon ng edukasyon sa Pililpinas ay bahagi lamang ng pandaigdiganng estratehiya ng WTO at WB upang papasukin ang mga TNCs sa Information Technology (mga computer company) sa larangan ng edukasyon pampubliko. Tinuturing ng WTO, isang institusyong hawak ng mga kapitalistang korporasyon, na ang larangan ng edukasyon ay isang mayamang mina na hindi pa nabubungkal para pagtubuan kagaya na ibang larangan sa serbisyo na matagal nang ginagatasan ng mga TNCs, halimbawa sa pangbabangko at mga restoran at fast food. Sa pinapairal na General Agreement on Trade and Services (GATS) ng WTO ay kasama ang serbisyong edukasyon sa mga serbisyo na tinatarget ng mga TNCs. Ang isang nangungunang lobbyist sa mga pulong ng WTO tungkol sa GATS na inumpisahan noong Pebrero 2000 sa Geneva ay ang tinatawag na Global Allance for Transnational Education na pinapamunuan ni Gleen R. Jones, CEO ng virtual university Jones International Inc. Nais ng WTO na gawing market-based ang education sa kolehiyo at alisin ang mga state-funding. Ang prinsipyong free universal education na nakasaad sa Article 13 ng UN International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights ay binabangga ng GATS at World Bank.

Ang WB ay nagtatag din ng Alliance for Global Learning na nagiispesialize sa tinatawag na e-learning na ginagamit ang computer. Ang Alliance na ito ay pinoponduhan ang mga IT rooms, nagsasanay ng mga guro at umuugnay sa mga gobyerno ng mga bansa upang gumawa ng mga intervention program. Ang mga isponsor ng mga ganitong programa ay mga malalaking bangko tulad ng JP Morgan at Goldman Sachs, ang consultancy firm Ernst & Young at mga TNCs sa IT kagaya ng Sun Microsystem at 3 Com. Nakikita kasi ng mga TNCs lalo na yung mga nasa IT na ang edukasyon sa daigdig, sa partikular sa kolehiyo at sa adult education, ay isang malaking bagong industriya na maaaring pasukin. Ang kabuuang gastos sa edukasyon sa daigdig ay 2 trilyon dolyar o 1/20th ng GDP ng mundo. Sabi nga ni Gleen R. Jones: “Education is one of the fastest-growing of all markets. Private training and the adult education industry are expected to achieve double-digit growth throughout the next decade.” (Internet) Ngunit, ang pandaigdigan estratehiya ng imperyalismo, sa partikular ng EU, na sa kasalukuyan ay nababalot sa krisis ng sobrang-produksyon, na pagtubuan pati ang larangan ng edukasyon ay maghigpit na tinutulan ng mga estudyante at mga guro sa Europa sa pamumuno ng National Union of Students in Europe (ESIB) at ng mga guro sa kanilang organisasyon, ang European University Association (EUA).

Ang Millennium Curriculum o Curriculum 2002 ng Departement of Education

Sa paggawa ng kurikulum para sa mga paaralan ng Pilipinas, ang imperyalismo ay aktibong nanghihimasok, mula pa noong pagpondo ng WB sa panahon ng martial law sa pagsulat ng mga textbook na tinatangkilik ang pagsisilbi ng mga kabataang Pilipino para sa negosyo ng mga kapitalista (ang programang EDPITAF) hanggang sa kasalukuyan sa pagpapairal ng tinatawag ng DepEd na Millennium Curriculum o ang Curriculum 2002 para sa elementarya at sekondaryang baytang. Sa ilalim ng Millennium Curriculum, inaalis ang mga asignatura na may kaugnayan sa pagtuturo ng kasaysayan at sibikong kamalayaan at iba pang panlipunang pagaaral, at pinagsama-sama ang mga ito sa isa lamang asignatura na pinamagatang PAGSIKAP. Kinolaps ang mga asignatura sa limang “core areas” ang English, Filipino, Math, Science at Pag-Sikap. Pinahaba ang oras ng pagtuturo ng English at Math at ginawa muli ang English bilang midyum ng pagtuturo. Ang mga pagbabago na ito sa kurikulum para sa elementarya at haiskul mula Grade 1 to 10 ay batay sa isang pag-aaral na ginawa ng WB-ADB na pinamagatang “Philippine Education for the 21st Century: The 1998 Philippine Education Sector Study” o (PESS). Pinayo ng PESS ang “streamlining” ng Philippine education at pagkukulaps ng mga asignatura lalo na yung may kaugnayan sa pagbibigay ng panlipunang kamalayan sa mga estudyante. Ang pakay kasi ng WB at kanyang alalay na ADB ay upang makatipid ang Pililpinas sa badyet sa edukasyon, at siyempre upang makabayad ng utang panlabas. Kasabay din nito ang pagbuwag sa mga asignatura na di kailangan ng bisnis ng imperyalismo at natuturuan pa ang mga kabataan na magkaroon ng kamalayang panlipunan at kritikal na pagiisip. Sa bagong kurikulum, nanganganib ang kabuhayan ng maraming guro na matatanggal dahil ang kanilang mga asignatura ay di na kailangan, sa partikular yung mga

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 44: Tradisyon at Kulturang Pinoy

nagtuturo ng panlipunang aralin. Ngunit ang papel ng ating mga paaralan bilang mga tagalikha ng mga gradweyt ng mahusay sa kakayahan na kailangan ng negosyo ng mga malalaking korporasyon, kagaya ng mga call center, tiga-silbi sa fast food, salesman, mekaniko at iba pa, ay nagreresulta sa sobrang lakas paggawa sa ating lipunan. Dumarami ang bilang ng mga taong di-makahanap ng trabaho na mga bagong gradwado taon-taon sapagkat lumalaki ang sobrang pwersa sa gawa, na nadadagdagan ng mga 750,000 katao bawat taon. Sa kasalukuyan, ang bilang ng walang trabaho sa ating lipunan ay 13% ng kabuuang lakas paggawa ng bayan (ayun mismo sa estadistika ng gobyerno), pinakamataas sa buong Asya.

Ayun din sa PESS: “The daunting medium-term challenge for Philippine education, therefore, is how to preserve the quantitative gains of the past, improve equity and raise quality – and to achieve all of these objectives during a period of limited or zero growth in the public budgetary allocation to education as a whole.” (PESS, p. 11, italics dinagdag) Ang ibig sabihin ng WB-ADB ay paano mapapairal ng gobyerno ng Pilipinas ang mahusay na pagtutupad nito sa pagalaga sa interes ng imperyalismo sa harap ng pagtitipid sa edukasyon. Ang sagot – ikulaps ang mga asignatura at tanggalin ang mga guro na di kailangan ng bisnes ng mga TNCs. Batay sa ganitong layunin ang PESS ay nagsaad:

“Given lower-cost labor in the People’s Republic of China and some other Asian countries, and rising labor costs at home reinforced by minimum wage regulations, the Philippines’ future comparative advantage lies not in unskilled-labor production, but rather in low-end ‘high-tech’ areas, such as electronics manufacturing and tourist services, requiring at least a secondary school education of reasonable quality.”(PESS, p.1)

Ipinapairal ng PESS ang teorya ng mga kapitalista na ang edukasyon ng isang bayan ay iaayun sa “comparative advantage” nito sa mga kapitalistang bansa sa harap ng kumpitesyon ng ibang bansa sa Pangatlong Daigdig. Kaya, kailangang gamitin ang Curriculum 2002 upang makahubog ng mga manggagawa na semi-skilled at huwag na ng mga unskilled dahil marami na nito ang ibang bansa kagaya ng Tsina. Ang mga semi-skilled na manggagawa ay kailangan sa sektor ng serbisyo at marunong ng Inggles.

Ang Revised General Education ng Unibersidad ng Pilipinas (RGEP)

Gusto kong talakayin sa puntong ito ang pagbabago ng kurikulum sa aking paaralan, ang Unibersidad ng Pilipinas, ang tinatawag na Revised General Education Program (RGEP). Sa ilalim ng RGEP ay di na kinakilangan kunin ng lahat ng mga estudyante sa UP ang mga asignatura tulad ng History 1 (History of the Philippines) at Social ScienceII (Social and Political Thought). Pinapaubaya sa mga estudyante sa partikular sa mga freshmen at sophomore ang pagpili kung anong asignatura sa GE ang kanilang pag-aaralan. Siyempre, dahil ang mga estudyante natin ay produkto ng isang sistema sa hayskul at elementarya (kasama dito ang mga pribadong paaralan), kung saan ang pinapalaganap ay kultura ng kapitalismo, ang idibidualismo at liberalismo na nakabatay sa pansariling interes, ang malamang kunin ng mga estudyante sa ilalim ng RGEP ay mga asignaturang pagkakakitaan (kagaya ng mga computer course) o di kaya madaling ipasa. Ang dating GE program ng UP na kinakailangang kunin ang mga asignatura na nagpupukaw ng kamalayang nasyonalismo (History I) at nagtatalakay sa iba’t-ibang teoryang panlipunan ay nahubog sa panahon na umigting ang nasyonalismo sa UP lalo na noong First Quarter Storm. Ang dating GE na napanalunan ng mga estudyante at guro sa mahabang pakikibaka upang gawing relebante ang edukasyon sa UP ay binuwag na noong nakaraang taon (2003). Ang hangad namang ipribatize ang UP sa impluwensa ng WT0 at WB ay nakalahad sa mga panukulang batas na House Bill 455 at Senate Bill 2587 na nakahain ngayon sa Kongreso at mahigpit na tinututulan ng mga estudyante at guro ng aking pamantasan. Noong nakaraang Oktubre, nabugbog ng mga pulis at militar at naaresto ang mga estudyante at guro ng UP na nag-rali laban sa dalawang panukalang batas na ito sa harap ng Senado.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 45: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating sistemang edukasyon na walang kasarinlan at ginagamit lamang ng pamahalaan upang paunlarin ang interes ng mga nagsasamantalang uri, ang tunay na emansipasyon ng mga kabataan sa mga ideya at ugali na nilalako ng mga dayuhang impersyalista ay di kailan mangyayari. Ang mga ideya at kakayahan na binibigyang-diin sa ating mga paaralan sa loob ng sistemang ito ay lalong pinapaigting ang mala-kolonyal na katangian ng ating lipunan. Halimbawa, ang mga teoryang nilalako ng mga asignatura sa economics sa ating mga paaralan tungkol sa supply at demand analysis na nakabatay sa assumption “that all other things held constant” o ang pananaw ng “ceteris paribus,” na siyang batayan ng Macroeconomics at Miccroeconomics ng mga neo-classical economists, ay isang ideyalistang pamaaraan ng pagaanalisa ng ekonomiya na pabor sa interes ng mga mayayaman, lalo na ng mga TNC. Marami pang ganitong mga maling ideya na ikinakalat ng mga bayarang teorista ng mga kapitalista sa ating mga paaralan, kagaya ng “relative autonomy of the state,” kung saan nakuha ni Macapagal-Arroyo ang ideya niyang “strong republic,” ang mga ideya ng post-modernismo na iniinganyo ang mga tao na asikasuhin na lamang ang kanilang sariling kalayaan at huwag sumali sa anumang organisasyon, at iba pa pang teorya.. Ang mga ideyang ito ay pinapalagnap ng mga direktang bayaran ng mga imeperyalista na mga gurong Pilipino, lalo na sa School of Economics at Political Science Departments ng UP, o ng mga guro na walang kamuang-muang na ang tinuturo pala nilang teorya ay ang mga pabor sa mayayaman dahil wala naman silang natutunan sa ating paaralan kundi ang mga teoyrang ito.

Ang Pangangailangan ng Isang Rebolusyong Kultural

Upang tunay na palayain ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga maling kamalayan na pinapalaganap ng mga kapitalista, nararapat pukawin muli ang diwa ng nasyonalismo sa ating mga kabataan. Kailangan palaganapin ang maka-masa at siyentipikong pamamaraan ng pagaaral ng ating kasaysayan at lipunan at itakwil ang mga teorya na nagpapanggap na siyentipiko na kinakalat ng mga kapitalista kagaya ng ideyalistang pananaw na “ceteris paribus” sa economics. Nararapat labanan din ng mga mulat na kabataan ang mga bahid ng pyudalismo sa ating kultura, ang mga pamahiin at iba pang atrasadong ideya na pinapalaganap ng mga relihiyon kung saan ang mga lider nito ay kakampi din ng mga nagsasamantalang uri na nais kontrolin ang masang Pilipino..

Maaring gawan ang isang rebolusyon kultura kung saan ang mga kabataan ay magiging pangunahin at aktibong lalahok sa loob at labas ng mga paaralan. Nangangaliangang makilahok ang mga kabataang na sinasandatahan ng magpalayang teorya ng dyalektikal at istorikal materyalismo sa mga lugar kung saan naroroon ang batayang masa ng Pililpinas, sa mga pagawaan at kanayunan. Ang katotohanan ng isang ideya ay nalalaman lamang sa praktika, kaya kailangan lumabas ang mga estudylante sa kanilang mga klasroom at makisalamuha sa mga organisasyon ng batayang uri, sa mga teach-in, fora, simpo, rali at live-in. Sa loob naman ng mga kampus, mahalagang hikayatin ang mga ibang estudyante na nagiging biktima ng mga maling ideya na sumali sa mga organisasyon na naglalayun makamit ang isang lipunang Pilipino na nakabatay sa adhikain ng nasyonalismo, na may maka-masa at kritikal na pagiisip. Maaari itong matupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng paghawak sa mga dyaryo ng mga progresibong estudyante o pagkuha sa mga liderato sa konseho ng mga estudyante.

Ang rebolusyong kultural na ito ay maaaring maging bagong sigwa ng dekada na ito sa hanay ng mga aktibistang kabataan.. Ang rebolusyong kultural ay mabisang kasangkapan upang mapabilis ang tagumpay ng kilusan ng mga mamayang Pilipino upang makamtan ang isang may-kasarinlan at makatarugang lipunan. Ang kasalukuyang panahon ng ating bansa, kung saaan milyun-milyung mga Pilipino ay nawawalan na ng pagaasa sa umiiral na sistema, ay napakainam sa paglaganap ng rebolusyong kultural na ito na sasabay sa pakikibaka ng masa upang buwagin ang mala-kolonyal at mala-pyudal na istruktura ng ating lipunan at magtatag ng bagong sistema. Bulatlat.com

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 46: Tradisyon at Kulturang Pinoy

ISANG PAGSILIP SA MISEDUKASYONhttp://www.yehey.com/boards/Default.aspx?g=posts&t=45849

Kung ihahanay lamang ang edukasyon sa mga pinakanangangailangan ng tulong na sektor ng lipunan sa ating bansa, malamang mangunguna ito. Hindi lang dahil “find your height” ang labanan, kung tutuusin ay halos magsisinliit lamang ang mga sector kabilang ang kalusugan, pero sa kadahilanang ni hindi man lamang nito nakuha ang kailangan nitong atensyon.

Pumili ako ng tatlong pangunahing problema ng edukasyon mula sa dokyumentaryong “MisEdukasyon” na pinapanood sa amin sa klasrum. Una dito ay ang impluwensyang kolonyal ng Amerika. Matatandaan na una nang nagpadala ng mga titser na tinawag na Thomasians, dahil sa barkong sinakyan nila, ang mga Amerikano upang magturo sa mga Pinoy ng Ingles at iba pang kaalaman tulad ng literatura. Ipinakilala nila ang sistemang institusyonalisasyon sa pagtuturo, kung saan hindi lamang sila nagtuturo ng mga siyensya, kundi nagpapahintulot ito upang magbigay ng oriyentasyon sa kamalayan sa pagiging Amerikanisado. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng lehitimo ang Amerikano upang maipakilala ang kanilang pagiging mataas kumpara sa kanilang mga tinuturuan. Malaking problema ito dahil nagiging laganap ngayon ang tinatawag na Neo-Colonialism, o pagtangkilik sa kaisipang kolonyal at pagpanatili nito. Tuloy, ang mga laman ng mga lektura sa eskwela ay pawang nagpapahiwatig sa kanluraning kaisipan at kultura. Hindi man lamang mapagyaman ang wikang Filipino at ang kulturang dapat sana’y naipapamana sa mga kabataan, lalo pa’t maraming naniniwala na kapag marunong magsalita ng Ingles ang isang tao, isa na siyang edukado at respetado, at binabansagan namang “jologs” o baduy ang mga tumatangkilik sa gawa dito sa Pinas. Bukod pa dito, dahilan sa mababang pagtingin ng mga dayuhan sa mga Pilipino at mataas na pagrespeto ng mga kababayan natin sa kanila kahit pa sabihing edukado ang mga tayo, sinasamantala nila ang kahinaan ng mga Pinoy. Halimbawa na lang ay ang pagkuha ng mga mauunlad na

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 47: Tradisyon at Kulturang Pinoy

bansa ng mga manggagawa mula sa mga Third World na bansa tulad ng Pilipinas para makamura sa pagpapasweldo.

Ang pangalawang suliranin ng edukasyon sa Pilipinas ay ang pagiging komersyalisado ng mga paaralan. Kumapara sa ibang bansa na gobyerno ang mismong nagpapatakbo ng mga eskwela, karamihan sa mga paaralan dito sa atin ay pribado. Dahilan ito upang mahirapan sa pagpili ng mapapasukan ang mga nais magkaroon ng magandang kaledad ng edukasyon dahil sa pagkakaroon ng mga paaralang ito ng kapangyarihan upang magtaas ng matrikula. Tuloy, ang iba ay napipilitang pumasok sa mga pampublikong paaralan kung saan kapalit ng maliit na halaga para makapag-aral ay ang mababang kaledad ng edukasyon. Ang iba naman ay naghahanap na lamang ng trabaho, pero syempre hindi naman maasahang magandang trabaho ang naghihintay para sa kanila. Nagpahayag ang pamunuan ng Commission on Higher Education, o CHED, tungkol sa walang tigil na pagtaas ng matrikula ng mga pribadong paaralan at sinabi nilang “quality education is expensive.” Ibig sabihin, kung nais ng isang estudyante ng magandang edukasyon, at sa kalaunan ay magandang kinabukasan, kinakailangang gumastos muna siya ng malaking halaga ng pera. Ibig din sabihin nito na ipinagdadamot ng pamahalaan ang kaalaman sa mga mahihirap.

Ang huling suliranin na laganap ngayon sa ating bansa ay ang kaisipang elitista. Sa katunayan, ito ang isa sa pangunahing problema ng mga naghahanap ng trabaho. Karamihan kasi sa mga kumpanya ngayon ay tumatanggap lamang ng mga gradweyt ng malalaki at sikat na unibersidad. Kabilang sa mga unibersidad na ito ay ang De La Salle University, University of the Philippines, at Ateneo de Manila University. Kaya naman kung hindi ka nagtapos sa isa sa mga “reputable schools” na nabanggit ay tiyak na mahihirapan ka sa paghahanap ng magandang trabaho. Karugtong na rin ng problemang ito ang pagkakaroon ng maraming aplikante sa limitadong posisyon lamang.

Sa kabila ng lahat ng mga suliraning nabanggit, may mga hakbang naman na ginagawa ang gobyerno upang malutas ang mga ito. Tulad na lamang ng argumento hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing midyum sa pagtuturo sa halip na Ingles. Bukod dito, ipinasa rin ang Education Act of 1982, kung saan kinokontrol ang sunod-sunod na pagtaas ng tuition fee upang hindi mabigla ang mga mag-aaral. Meron din tayong Higher Education Modernization Act, kung saan ang mga unibersidad pang-estado ay nagbebenta ng properties upang tulong sa pagpapaganda ng kanilang pasilidad. Nandyan na rin ang nagsulputang parang kabute na mga call centers kung saan ay malaki ang pasweldo sa mga manggagawa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 48: Tradisyon at Kulturang Pinoy

at tumatanggap ang mga kumpanya kahit na ano man ang kurso na tinapos at kung saan man nagtapos. Masasabi rin naman pala nating may pakialam nga ang gobyerno.

Kung itatanong mo kung bakit parang wala pa ring pagbabago sa kabila ng mga binaggit ko sa itaas, narito ang aking opinyon: Naaalala mo ba nang magkaroon ng mainitang pagtalakay tungkol sa usapin sa kung aling wika ang dapat gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan? Hindi ba’t lalo lamang nagkawatak-watak ang mga responsable sa usaping ito? Bakit patuloy na nagkakaroon ng mga kilos protesta tungkol sa pagtaas ng singil sa matrikula? Kasi naman, sakaling hindi magtaas ng singil sa matrikula ang ilang paaralan, bumabawi parin ang mga pribadong paaralan sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagpataw ng mataas na presyo sa tinatawag na miscellaneous fees. Kaya’t kahit na mababa na ang tuition fee, mataas parin ang suma total ng babayaran ng isang ordinaryong estudyante ng pribadong paaralan dahil sa iba pang dapat bayaran. Bakit may mga paaralang hindi magamit ang mga pasilidad, lalo na ang mga laboratoryo, at may mataas na bilang ng estudyante sa isang silid-aralan na halos umabot na sa isang daang mag-aaral bawat klasrum at titser? Sana alam ko rin ang sagot sa mga tanong na ito.

Sa aking palagay, magiging magandang simula sa sistema ng ating edukasyon ang pagpapalaganap ng kaisipan na magsasabing mahalaga ang wikang Filipino at ang ating kultura. Hindi ko hinihiling na gawing midyum ng pagtuturo ang salitang Filipino, ngunit gawin itong isang mahalagang bahagi ng natututunan sa loob ng eskwela at dapat lamang na pagyamanin pa ito. Magiging malaking tulong din ang pagkakaroon ng mga faculty development programs o mga seminar para sa pagpapalalim ng pwersa ng mga titser upang mas maging makabuluhan ng mainam ang mga itinuturo at paraan ng pagtuturo nila sa kanilang estudyante. Siguro’y sapat muna ang mga ito upang magsimulang bumangon muli ang sistema ng edukasyon sa ating mahal na bansa. Hindi man ito mabilisang paraan, naniniwala naman akong epektibo ito kung maisasagawa ng maayos at tapat.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 49: Tradisyon at Kulturang Pinoy

saan ka man naroon, PILIPINO KA PA RIN.

Sana ay hindi natin malimutan ang kagandahang-asal na likas sa ating pagiging Pilipino.

Ang pagka-MakaDiyos

Gumagalang at lubos na nananalig sa iisang Makapangyarihang Diyos - Ang Mapagmahal na Tagapaglikha at Ama nating lahat...

Ang pagka-Makatao

Gumagalang at nanalig sa kapwa bilang isang kapatid na may pandama, may lakas at ganda ng loob, may karapatan at hangarin para sa buhay na magana, maayos, mapayapa, at maginhawa.

Ang pagka-Makakalikasan

Pinangangalagaan ang kalikasan -- hangin, tubig, lupa, kagubatan, at karagatan -- likas na yaman ng bansang tinubuan...

Ang pagka-Makabansa

Minamahal ang sarili nating bayang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa limang simulain ng pambansang tradisyong Pilipino: Ang pagsasarili, pakikisama, pagkakaisa, pagkabayani, at pakikipagkapwa-tao.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 50: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Simbang GabiMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing

panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de

Gallo, o "misa ng tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na

ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya[1]),

Misa Aginaldo (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o

regalo"), Misa-de-notse, o Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi").[2] Isa itong misang

idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng

Pasko.[2] Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng

Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan[1] sa

Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng umaga. Ang misa sa madaling araw na ito

isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino.[3] Nagsisilbi rin ang misa

bilang isang nobena para sa Birheng Maria.[3][1] Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon

ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo,

kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa

sa madaling-araw.[4] Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi

ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na Misa Aginaldo[1] o Misa-

de-galyo.[3][1]

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 51: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Mga nilalaman[itago]

1 Kasaysayan o 1.1 Buhat sa Mehiko o 1.2 Simula sa Pilipinas

2 Sa kasalukuyan 3 Tingnan din 4 Sanggunian

5 Kawing panlabas

Kasaysayan [baguhin]

Buhat sa Mehiko [baguhin]

Nagsimula ang kaugaliang ito noong panahong ng kolonyalismong Kastila. Inumpisahan

ito sa Mehiko noong 1587, nang payagan ng Santo Papa ang paring Mehikanong si Diego

de Soria[1], isang prayle mula sa kumbento ng San Agustin Acolman, na magdaos ng mga

misa sa labas ng simbahan upang mapaunlakan ang malaking bilang ng mga

mamamayang ibig makinig ng misang panggabi.[1] Kung sa loob nagmimisa ang pari,

hinahayaang bukas ang mga pinto ng simbahan para sa mga hindi na makapasok sa puno

nang gusali.[1] Noong unang panahon, naging hudyat na pantawag na pangmisa ang

pagpapatunog ng mga batingaw o kampana ng simbahan.[3] Nagsisimula ang

pagkalembang ng mga batingaw tuwing ikatatlo ng madaling araw.[4] Sa ibang pook,

mayroon namang mga bandang lumilibot sa buong bayan na tumutugtog ng mga

tugtuging pamasko. Mayroon ding mga paring kumakatok sa mga pintuan ng bahay para

gisingin ang mga taumbayan para hikayating makilahok sa misang pangmadaling-araw.

Kabilang dito ang mga magbubukid at mga mangingisda, nagsisipakinig sa Mabuting

Balita bago maging abala sa kanilang mga pang-araw-araw na mga tungkulin, at para na

rin makalikom ng biyaya at mabuting ani.[3]

Simula sa Pilipinas [baguhin]

Sa Pilipinas, nagumpisa ang tradisyon noong 1669, nang magsagawa ang mga pari ng

mga pangmadaling araw na misa para sa mga magsasakang nais dumalo ng misa tuwing

pasko ngunit hindi maaaring maiwan ang sakahan.[1] Idinaos ito tuwing Adbiyento bilang

paghahanda sa pagdating ng araw ng pagsisilang kay Hesus.[1] Kadalasan itong

isinasagawa tuwing hatinggabi, kaya't binansagang itong Simbang gabi ng mga Pilipino.

Hanggang ngayon, Ang mga Pilipino ay gumigising tuwing madaling araw para dumalo

sa misa upang ipakita ang kanilang malalim na pananampalataya sa Diyos, bilang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 52: Tradisyon at Kulturang Pinoy

paghahanda sa araw ng Pasko, ang araw ng kapanganakan ni Kristo.[3] Mahigit sa anim na

raang taon na itong isinasagawa sa Pilipinas.[1]

Ilan sa mga nakasanayan ng mga Pilipino na may kaugnayan sa Simbang Gabi ang

pagtitinda ng mga nakaugaliang pagkain, tulad ng puto bungbong (kulay ube na gawa sa

malagkit, nilalagyan ng niyog at ng asukal na pula), bibingka (tinatawag ding putong

bibingka), suman sa pasko, suman sa ibos, pandesal, at mga inuming salabat, tsokolate,

tsaa, at kape[4], na itinitinda sa tapat ng simbahan para sa mga dumalo ng misa.[3][1] Sa

kalsada, matutunghayan ang pagsasabit ng mga makukulay na mga ilaw at mga parol sa

mga dungawan, sa mga pintuan, sa mga sanga ng puno, at sa mga kanto ng mga daanan.[1]

Pinatutugtog din ang mga musikang pamasko. Sa kabahayan ng mga pamilya,

nagkakaroon ng pagsasalong Notse Buena (binabaybay din ayon sa Kastilang Noche

Buena o "mabuting gabi") - partikular na sa huling araw ng pagnonobena, kung saan may

handang ring bibingka, puto bungbong, inuming salabat o tsokolate, keso-de-bola (bilog

na keso o bolang keso).[3][1]

Sa kasalukuyan [baguhin]

Sa ngayon, idinaraos sa mga lalawigan at kalunsuran ng Pilipinas ang Simbang Gabi.

Ipinagdiriwang din ito ng mga Romano Katolikong Pilipinong naninirahan sa ibang mga

bansa. Kaugnay ng patuloy na pagsasakatuparan ng kaugaliang ito, bukod sa

pagpapalamuti ng mga makukulay na ilaw at mga parol sa loob at labas ng simbahan,

inilalantad din ang Belen na nagpapakitang nasa isang sabsaban ang batang Hesus na

kasama sina Santa Maria at San Jose na napapaligiran ng mga pastol at mga hayop ng

sakahan, at ng tatlong haring mago may dalang mga regalo. Matutunghayan din sa Belen

ang tala ng Betlehem na gumabay sa tatlong hari para marating ang kinaroroonan ng

Banal na Mag-anak. Inilalagay ang Belen bilang pagpapahayag ng paghahanda para sa

pagsapit ng araw ng pagsilang ni Kristo.[4] Sa mga siyudad, mayroon ding nagsasagawa

ng mga misa tuwing ikawalo hanggang ikasiyam ng gabi, sa halip na sa madaling araw,

upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan ng pamayanang may

iba't ibang oras ng trabaho.[4]

Tingnan din [baguhin]

Pasko sa Pilipinas Awiting Pamasko

Sanggunian [baguhin]

1. ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 Simbang Gabi, Mass at Dawn, Mass of the Gifts, SimbanggabiNYC.com

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 53: Tradisyon at Kulturang Pinoy

2. ↑ 2.0 2.1 "Simbang gabi". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).

3. ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Simbang Gabi/Mass at Dawn, RCam.org 4. ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Del Rosario M.M. Filipino Christmas Tradition - Simbang Gabi 85,

Hubpages.com

ALTERNATIBONG PULITIKA SA PILIPINASApr 28, '07 10:27 PMfor everyone

(kaka ali April 26, 2007)

http://correctme.multiply.com/journal/item/30/ALTERNATIBONG_PULITIKA_SA_PILIPINAS

Ang nakaugalian o pinaniniwalaan ng lahat (ma-Pilipino man o Bangsamoro) na ang pulitika sa Pilipinas ay isang larangan ng pandaraya, Gaano na ba kalala ang tradisyonal na pulitika sa ating bansa?

".....Naku po malala na Ting..." ito ang naging tugon ng isang matandang trisikad driver.

Kaya nato ay gumawa ng pananaliksik at heto ang ating recomendasyon, Kinakailangan na ang “overhaul” o pagbabago. Katunayan nga, minsan sa mga bata, kapag may nandaraya, sa kanilang paglalaro, sasabihin ng isa na walang pulitikahan.

Ano ang mga dapat malaman para maisulong ang alternatibong pulitika?

Kinakailangan nating maunawaan ang halaga ng pagtangkilik sa alternatibong pulitika sa pamamagitan ng paghahambing nito sa tradisyunal na pulitika. Nararapat ding maging mulat sa mga gawaing pangkultura na nagpapanatili o nagtataguyod ng mga uri ng pulitika, at

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 54: Tradisyon at Kulturang Pinoy

kung papaano nito ginagawang higit na mahirap o madaling makamit ang pagbabagong panlipunan.

Dapat sa karamihan ng mga botante malaman nila kung papaano sila nabibiktima ng maraming uri ng maka-eletistang pulitika: nepotismo, pagbibigay pansin sa mga pangangailangan ng mahihirap kung panahon ng halalan lamang, sistematikong panunuba at pandaraya at pagkapanalo ng mga pulitko sa halalan sa pamamagitan ng "kahit anong paraan".

Dapat na maunawaan mo na madali para sa mga tradisyunal na pulitikong hikayatin ang ating mga botante na itulak ang kanilang personal na interes at mga ambisyong pampulitika.

Dapat maunawaan ang kahulugan ng tunay na pulitika narito ang ilan sa mga aspetong dapat alam ng mga botante at kandidato:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Maaaring makita ang pulitika sa aspetong personal:

Ang katauhan ng mga pulitiko, tulad ng mga Senador, Alkalde, Gubernador, Board Member at municipal councilor; ang mga botante, ang goons ng mga naturang pulitiko, ang saklaw ng kanyang impluwensiya.

Narito ang mga makabuluhang tanong na maaaring makapagbigay sa atin ng ideya kung anong uri ng pulitika ang ating isinasagawa:

1. Sino ang humahawak ng kapangyarihan at impluwensiya?

2. Sino ang nagpapatakbo ng sistemang pulitikal? 3. Sino ang mga nasasangkot sa buhay-pulitika ng

bansa?

2. Maaari ring makita ang pulitika sa aspetong pang-ugnayan:

<!--[if !supportLists]--><!--[endif]-->Sa tradisyonal na pulitika ay tinutukoy nito ang mga sistema't balangkas na pampulitika tulad ng sistema "padrino", "palakasan", pluralismo, pagbibigay-kapangyarihan sa tao.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 55: Tradisyon at Kulturang Pinoy

<!--[if !supportLists]--><!--[endif]-->Samantala, sa altenatibong pulitika, narito ang ang mga makabuluhang tanong:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Anong uring sistemang pulitika ang namamayani sa buhay-pulitika ng mga tao?

<!--[if !supportLists]-->2. <!--[endif]-->Papaano nakikipag-ugnay ang mga pulitiko sa mga karaniwang tao?

<!--[if !supportLists]-->3. <!--[endif]-->Mayroon bang pagkakapantay-pantay na umiiral?

3. Mayroon ding aspetong pangkultura ang pulitika:

<!--[if !supportLists]--><!--[endif]-->Sa tradisyunal na pulitika, naging kaugalian ang mga karaniwang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa't isa at maaring umugat ito sa kanilang paraan ng pamumuhay, maaaring sabihin na nagiging kultura ang nasabing ugnayan. Ang mga halimbawa nito ay ang personalismo, "utang na loob", "bayanihan", atbp. Maaaring sabihin, bilang halimbawa, na namayani na sa ating pampulitikang kultura ang "guns, goons and gold" o 3G (sapagkat malimit na ginagamit ang mga paraang ito upang makakuha ng mga boto sa panahon ng halalan). Mula sa pananaw ng tradisyunal na pulitika, ang mga pulitiko't partidong pampulitika lamang ang mga nasasangkot sa buhay-pulitika. Sila lamang ang humahawak ng kapangyarihan at sila rin ang maaaring magbahagi nito kung kanino man nila naisin. Sa ganitong pananaw, mayroong masasabi ang mga tao ukol sa pulitika sa panahon ng halalan lamang. Binibigyan sila ng pansin ng mga pulitiko lalung-lalo na sa panahon ng mga kampanya, at kapag natapos na ang halalan nanunumbalik sila sa kanilang nakaugaliang pamumuhay habang naiiwan ang mga pulitiko sa kanilang mga labanan para sa kapangyarihan.

Mula sa pananaw ng alternatibong pulitika, ang mga pampulitikang partido kasama ng mga samahang pantao at mga saligang bahagi ng lipunan ang mga punong-tagapagpakilos ng buhay-pulitika. Pinagbabahaginan ng mga tao at mga pampulitikang pinuno na kanilang hinalal ang gawain ng pamahalaan. Sapagkat nagbabahaginan ang mga tao

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 56: Tradisyon at Kulturang Pinoy

sa gawain ng pamahalaan, lagi silang handa sa pagbabantay sa mga gawain ng kanilang mga pinuno, at tinitiyak nila na pinahahalagahan ang mga pangangailangan ng mahihirap at nakakarami ng mga batas at mga pamamalakad.

4. Sa aspetong pang-ugnayan:

Sa tradisyunal na pulitika, lumalakas ang kapangyarihan dahil sa sistemang dependency, palakasan, elitismo at mga hindi pantay na pakikipag-ugnayan. Sa sistemang dependency, umaasa ang mga tao sa kanilang "padrino" o "ninong" sa mga panahon ng pangangailangan, at inaasahan naman ng kanilang mga padrino ang kanilang suporta sa kanilang mga gawain at sa panahon ng pangangampanya sa halalan. Humahantong ang kaugaliang nabanggit sa itaas sa palakasan, sapagkat "sumasakay" ang mga tao sa kapangyarihan at paghihikayat ng kanilang mga padrino at kanilang inaasahan din na makatanggap sila ng mga kaparis na pakinabang at kalamangan. Pinalalaganap din ng sistemang dependency ang elitismo, sapagkat pinananatili ang mga tao na umasa sa iilang humahawak ng kapangyarihan.

Sinusubok ng alternatibong pulitika ang pagbabahagi ng kapangyarihan sa nakararami sa pamamagitan ng pluralismo, pagbibigay-kapangyarihan sa mga tao at pagkakapantay-pantay. Itinuturo nito ang sariling sikap at ang pagtayo sa sariling paa. Sa pamamagitan nito, hindi pinapatagal ang buhay ng palakasan at ng sistemang dependency. Maaaring hawakan ng kahit sino ang kapangyarihan at may pagpapalitan ng mga palagay, ideolohiya at prinsipyo. At sapagkat maaaring hawakan ng kahit sino ang kapangyarihan, mas malaki ang pagkakataon para sa pagkakapantay-pantay.

5. Sa kanyang pangkultural na aspeto:

<!--[if !supportLists]--><!--[endif]-->May ilang pangkulturang pagpapahalaga tayo bilang sambayanan na maaaring

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 57: Tradisyon at Kulturang Pinoy

gamitin sa Tradisyonal na Pulitika upang magsilbi sa kapakanan ng iilan.

Ito ang ilang pagpapahalaga:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Utang na Loob-Sa sistemang padrino, tinutulungan ng pulitiko ang mga tao sa mga panahon ng pangangailangan upang maramdaman nila ang kanilang mga pagkakautang sa kaniya at maaaring hilingin ng padrino bilang kapalit ang kanilang pagtangkilik sa kanyang mapansariling inaasam, lalung-lalo na sa panahon ng halalan.

<!--[if !supportLists]-->2. <!--[endif]-->Hiya- Makakaramdam ng hiya ang isang taong nagkakautang sa padrino na tanggihan ang kahilingan ng kanyang "ninong". Dito, ginagamit ng pulitiko ang halaga ng hiya ng Pilipino upang ibagay sa kanyang sariling inaasam. Sa madaling salita sinasamantala nilang mga pulitiko ang magandang kaugalian ng mga Pilipino, na marunogn mahiya, pero sila hindi marunong mahiya.

<!--[if !supportLists]-->3. <!--[endif]-->Personalismo-Tinutukoy nito ang pagbibigay ng labis na diin sa kung sino ang humahawak ng aling posisyon sa halip na sa pananagutan at responsibilidad ng posisyon na nabanggit. Bilang halimbawa, sumasapi ang mga pampulitikang partido at nagpapalit ng mga pinuno at partido batay sa kung ano ang matatanggap nila sa larangan ng pulitika sa halip na sa mga prinsipyo, ideolohiya at mga isyu. Hindi masama o mapanghamak ang nabanggit na mga pangkulturang pagpapahalaga. Ngunit kapag ginamit ang mga ito sa pagwawalang-bahala sa pangangailangan ng nakararami, nagiging mga haligi itong nagtataguyod sa tradisyunal na pulitika.

<!--[if !supportLists]--><!--[endif]-->Sa kabilang banda, nagpapakita ang alternatibong pulitika ng mga sumusunod na paniniwala at pagpapahalaga:

<!--[if !supportLists]-->1. <!--[endif]-->Ang kapangyarihan sa kamay ng lipunang sibil. Salungat sa sistemang padrino, inilalagay ang pagtuon sa pagkakapantay-pantay at pagbabahagi ng kapangyarihan sa ugnayan ng mga tao at ng kanilang mga pinuno. Sa mga pormal at di-pormal na balangkas, binibigyan ang mga tao ng

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 58: Tradisyon at Kulturang Pinoy

mga pagkakataon at pamamaraan upang magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga pagpapalakad ng pamahalaan. Halimbawa nito ang mga kinatawan ng mga saligang sektor sa loob ng lehislatibong sangay ng pamahalaan, at people's organizations (POs) sa mga komunidad. Tinatawag ang mga balangkas na ito na mga alternatibong sentro ng kapangyarihan.

<!--[if !supportLists]-->2. <!--[endif]-->Pananagutan sa mga pinuno ng mga tao-Tinitingnan ng mga pinuno ang kapangyarihan bilang pananagutan at responsibilidad sa mga taong kanilang pinaglilingkuran sa halip na pribilehiyo. Tinitingnan ng mga tao, sa kabilang banda, na hindi pabaya ang kanilang mga pinuno sa kanilang mga gawain at pananagutan. Sa nabanggit na sistema, namamayani ang tungkulin ng pamamahala sa mga taong may pinanghahawakang pananagutan at sa mga taong nakikilahok sa pamamaraan ng pamamahala.

<!--[if !supportLists]-->3. <!--[endif]-->Patuloy na pakikilahok ng mga tao sa pamamahala-Hindi itinatakda ang hangganan ng pakikilahok ng tao sa pulitika sa halalan lamang ngunit lumalawak sa kanilang patuloy na pakikisangkot sa extra-parliamentary at extra-legal na pagsisikap tulad ng lobbying para sa pagpasa ng mga batas na makamahirap, pulitikang makamaliit, atbp.

Para madaling maunawaan ang ating pinag-uusapan, ang alternatibong pulitika ay yaong hindi lamang sa panahon ng pangangampaniya, kumukunsulta, nakikipagunagnayan ang kandidato kundi sa lahat ng panahon lalo na kong siya ay nalukluk na sa kanyang pwesto. Naririnig ang mamayan ang hinaing ng mamayan sa lahat ng panahon., Ang mamayan naman ay patuloy na sinusuportahan ang kanilang kandidato na nanalo sa pamamagitan ng pagsali sa pagpapalakaad sa kalaakaran ng pamahalaan. Hindi lamang ang kanilang boto sa araw ng halalan ang binabantayan kundi ang mga batas na dapat palakarin at isakatupan, at handa sila sa lahat ng sandali na ituwid ano mang pagkakamali ng mga kinauukulan, handa ang mamayan at hindi sila natatakot na pangalagaan ang kaban ng bayan sa mga gahaman at ganid.

Correct me if i’m wrong.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 59: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Kabisoteng Edukasyon

October 12, 2008 by plumaatpapel

http://plumaatpapel.wordpress.com/2008/10/12/kabisoteng-edukasyon/

ISANG MALAKING kahangalan, kundi man ganap na katontonhan, ang iginigiit

noon pa mang 2003 ng Kagawaran ng Edukasyon na wikang Ingles ang gawing

pangunahing wikang panturo sa elementarya pa lamang bilang pag-alinsunod sa

balintunang patakaran ng rehimen ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. 

Naalaala tuloy namin ang isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga

Suliranin ng Isang Guro).  Sa nasabing kabanata, sa wikang Kastila tinuturuan ang

mga bata gayong hindi pa naman sila nakakaintindi ng wikang iyon.  Dahil hindi

nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag  ng mga bata ang kanilang

aralin.  Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa

hayskul, kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat

sa kakayahan sa banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong

mga leksiyon kaya nagsisipagtapos na kabisote.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 60: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Kaugnay nito,  isang sulat noong nabubuhay pa si Dr. Nemesio E. Prudente,

nakilalang makabayan, makatao, progresibong intelektuwal at edukador, at naging

Presidente ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ang tinanggap namin mula sa

kanya.  Ayon sa kanya, ang iginigiit na wikang Ingles agad ang gamiting wikang

panturo sa elementarya pa lamang ay “sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa

pananaliksik, sa siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal.” 

Niliwanag at binigyang-diin ni Dr. Prudente ang pagtutol niya sa nabanggit na

patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng rehimen ni La Gloria.  Dahil

wikang Ingles nga ang ginagamit na panturo sa elementarya pa lamang, napakaliit

na porsiyento tuloy ng mga nagsipagtapos sa Grade VI ang pumapasa sa

pambansang pagsusulit para matanggap sa mataas na paaralan.  Kinailangan tuloy

ipanukala ng diumano’y henyong mga opisyal ng naturang kagawaran ang

napakakontrobersiyal na “bridge program” na tandisan nang tinututulan hindi

lamang ng mga estudyante kundi maging ng mga guro sa pampublikong mga

paaralan.

Unang-una, sa punto ni Dr. Prudente,  ”repleksiyon ng mababang kalidad ng

pamumuhay sa bansa ang sistema ng edukasyon,” gayundin ng “kolonyal na

mentalidad, kainutilan at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno at ng

burukrasya.”  Natural, kapos ang badyet para sa edukasyon na niwawaldas pa

nga’t kinukurakot ng mga kinauukulan kaya kulang na kulang din sa mga

paaralan, mga pasilidad, at may sapat na kakayahang mga guro.  Bukod dito.

binigyang-diin niya, “isa sa pinakamalaking problema nga ang wikang ginagamit sa

pagtuturo sa elementarya.  Pinipilit ng mga may kaisipang kolonyal na matuto ng

pagbasa, matematika at siyensiya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng Ingles,

isang dayuhang wikang nagsisimula pa lamang nilang pag-aralan.”

Batay sa mga pagsusuri sa Amerika at Canada, sabi niya, lima hanggang pitong

taong ipinaiilalim sa mga programa sa pag-aaral ng wika ang mga estudyante bago

maabot ang kahusayang pang-akademiko.  Tinututulan tuloy ng progresibong mga

edukador doon na ipailalim sa gayong programa sa loob lamang ng tatlong taon ang

migrante o dayuhang mga estudyante bago pahintulutang isabak sa iba’t ibang

asignatura.  Dahil tatlong taon nga lamang, at hindi pa ganap na humuhusay sa

banyagang wikang Ingles, sarisari ang nagiging problema ng dayuhang mga

estudyante — pangwika man o pangkultura.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 61: Tradisyon at Kulturang Pinoy

“Isang malaking kabobohan, samakatuwid, ng mga oplsyal ng

edukasyon,” binigyang-diin niya, “na gamitin ang Ingles na  wikang panturo agad

sa mga mag-aaral sa elementarya na tinuturuan pa lamang ng Ingles bilang

ikalawang wika o ikatlong wika sa mga rehiyong di-Tagalog.”  Sa naturang antas,

dapat na wikang Filipino ang gamitin kaagapay ang katutubong diyalekto

bagaman,   ayon nga sa kanya, mulang Grade I hanggang Grade VI, dapat ding

ituro bilang isang asignatura (subject) ang Ingles tulad din ng wikang Filipino. 

Kaya, sa nabanggit na mga grado, sa Filipino dapat ituro ang siyensiya at

matematika na maaaring salitan ng katutubong diyalekto sa mga rehiyong di-

Tagalog.  Sa hayskul na simulan, sabi niya, ang paggamit sa Ingles bilang wikang

panturo (medium of instruction).  Hindi ito nangangahulugang kakaligtaan na ang

Ingles, ayon pa rin sa kanya, kaya nga dapat na isa itong asignatura sa lahat ng

antas ng pag-aaral mulang elementarya hanggang kolehiyo.

Inihalimbawa ni Dr. Prudente ang sistema edukasyonal ng  Japan, China at Korea

na sariling wika ang ginagamit na panturo sa lahat ng asignatura — kabilang ang

matematika at siyensiya — at, bunga nito, taun-taon, laging nangunguna sa

Silangan at Timogsilangang Asya sa mga pagsusulit ang kanilang mga estudyante at

nangungulelat ang mga tinuruan agad sa Ingles gaya ng ating mga estudyante. 

Katunayan, binigyang-diin niya,  sa nasabing mga bansa, lumikha pa sila ng mga

“calculator” at “computer” na nasa sarili nilang wika bagaman ginagamit din sa

kolehiyo  ang nasa wikang Ingles.

Hinahamon niya tuloy, noon pa man, ang mga opisyal ng gobyerno at mga

edukador na may kolonyal na mentalidad na magbago ng mga patakaran at

paninindigan at huwag igiit na Ingles ang gamiting wikang panturo agad sa

elementarya, lalo na nga sa siyensiya at matematika.  Ayon sa kanya, dapat na

magtayo ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilang piling lugar sa bansa ng tinatawag

na “pilot schools” na wikang Filipino — katulong ang katutubong mga diyalekto —

ang gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa elementarya, lalo na’t sa nabanggit na

dalawang araling akademiko.   Batay sa kanyang pagsusuri, tinitiyak niyang

magiging mahusay ang resulta nito sa kabuuan.

Habang nasa kani-kanilang sariling wika ang edukasyon ng halos lahat ng bansa sa

mundo — Kastila sa Amerika Latina, Pranses sa Pransiya, Ruso sa Rusya, Nippon-

Go sa Japan, Fookien at Mandarin sa Tsina, Bahasa Indonesia sa Indonesia,

Aleman sa Alemanya, at marami pang halimbawang mababanggit — bukod tangi

ngang nasa banyagang wikang Ingles ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.  Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 62: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Nagkaroon tuloy ng nakasusukang pakahulugan ang mga elitista’t may kolonyal na

kaisipan na “hindi edukado” at “bobo” ang sinumang hindi marunong o mahina sa

Ingles at “nasisiraan na ng ulo.” ayon noon sa isang Max Soliven sa isang kolum

niya sa Manila Times (Pilipino In, English Out: Are We That Nutty?)  kapag

niyakap natin ang sariling wika at pinabayaan ang Ingles.

Ano nga ba ang narating ng edukasyon sa bansang ito sa pamamagitan ng wikang

Ingles?  Lumilitaw ngang pababa nang pababa ang kalidad ng edukasyon sa

Pilipinas.  Nang suriin ang uri ng mga kolehiyo at unibersidad sa Asya, hindi pa

napabilang sa unang 40 ang pangunahing mga pamantasan sa bansa tulad ng

Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo University, De La Salle at Unibersidad ng Santo

Tomas.  Higit na masama, maliwanag na bangkarote ang kasalukuyang edukasyon

— sapagkat kinopya nang pira-piraso mula sa edukasyong Amerikano –  kaya, sa

kabilang banda,  hindi naman nito matugunan ang pambansang mga

pangangailangan at problema para pasukin ang daan ng kaunlaran tungo sa

kinakailangang industriyalisasyon.

“Kung susumahin,” ayon kay Dr. Prudente, “ang problema’y nasa sistema at

balangkas:  elitista, kolonyal, maka-kapitalista, maka-pribadong mga paaralan.” 

Binigyang-diin pa niya na sa dispalinghadong mga patakaran ng gobyerno, “hindi

na katakatakang talagang ayaw nilang paunlarin ang kalidad ng pamumuhay ng

masang sambayanan kabilang na ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon. 

Pinaglalaruan lamang nila ang mga maralita at iliterado, pinaaasa lamang kung

eleksiyon at, pagkatapos, kalilimutan na.”  Ayon tuloy sa kanya, “sa ilalim ng

kasalukuyang sistema — at pababa nang pababa pa nga ang kalidad ng edukasyon

— halos wala nang pag-asa ang masang makaahon sa kinalulublubang burak,

nananatiling nagdaralita, habang namamayagpag sa kayamanan at glorya ang

mayayaman.”

Dahil nga sa makadayuhang mga  patakarang pang-edukasyon — bukod sa iba

pang larangan — na idinidikdik ng gobyerno, lumilinaw tuloy ang idinidikta noon

pa man ng IMF-World Bank at ng mga instrumento ng imperyalismong Amerikano

na isapribado ang mga paaralang pampubliko, lalo na ang mga SUC (State

Universities and Colleges) sa bansa ngayon upang mapasok ng salanggapang na

mga kapitalistang nakabalatkayong edukador na matagal nang nagsisipaglaway sa

negosyong edukasyon.  Katunayan, napasok na ng kilalang malalaking negosyante

ang larangang ito:  kontrolado na ni Lucio Tan ang UE (University of the East), ni

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 63: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Emilio Sy ang CEU (Centro Escolar University), ni Alfonso Yuchengco ang MIT

(Mapua Institute of Technology), at ni Henry Sy ang Asia-Pacific College. 

Bukod sa mga nabanggit, puspusan din ang pagsisikap ng ordeng relihiyoso — lalo

na mula sa kampo ng Simbahan — sa pagtatayo at pagpapalawak ng kani-kanilang

mga paaralang sagad hanggang langit ang matrikula sa lahat ng antas ng

edukasyon.  Mulang kindergarten hanggang kolehiyo, sabi nga, walang karapatang

mag-aral doon ang anak ng isang Juanang Basa at Pedrong Tigas (ibig sabihin ang

mga anak-anak ng karaniwang mga manggagawa, magsasaka’t mangingisda o

nabibilang sa hukbo ng mga walang-wala).    

 Dahil sa ganitong kalakaran, batay sa obserbasyon noon ni Dr. Prudente, hindi nga

malayong magsara at isapribado sa malapit na hinaharap ang maraming paaralang

pinatatakbo ng gobyerno sa kapinsalaan, higit sa lahat, ng maralitang mga

mamamayang walang kakayahang pag-aralin sa mandurugas na pribadong mga

paaralang pag-aari ng mga santo-santito at diyus-diyosan sa lipunan. 

Sapagkat balintuna’t makadayuhan  pa nga ang mga patakaran ng gobyerno hindi

lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa iba pang larangan, “lubhang

napapanahong sama-samang kumilos,” sabi ni Dr. Prudente, “ang lahat ng

makabayan, progresibo at demokratikong mga puwersang nagmamalasakit sa

pampublikong edukasyon para sa kapakanan ng masang sambayanan.”  Sa punto

niya, “kinakailangang pagtuunan ng pansin at malalim na suriin ang kasalukuyan

at hinaharap pang mga problema ng pambayang edukasyon.  Maaaring gawing

makabuluhang gabay ang nakaraang kasaysayan nito na hitik ng kapabayaan dahil

na rin sa mga elitista at may diwang kolonyal na lantarang kumukontrol sa

sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa.”

Sa kabuuan, at sa alinmang punto tingnan at suriin, lubhang napapanahon na

ngang baligtarin naman ang sistema — ang wikang Filipino naman ang gawing

wikang panturo sa halos lahat ng asignatura tulad nang ginawa, at patuloy na

ginagawa, ng mauunlad na nga bansang nagmamahal sa sarili nilang wika at

kultura.   Maliwanag, patuloy lamang ibinubulid ng umiiral na elitista at kolonyal

na edukasyon ang bansa sa kumunoy ng kamangmangan at kaatrasaduhan. 

Panahon na ngang buwagin ito at igiit ang isang edukasyong makabayan, makatao,

mapagpalaya at siyentipiko. #

(Kolum)

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 64: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Krisis at Rebolusyong Pilipinohttp://digitalpadepa.com/krp4.htm

Jose Ma. SisonSerye ng mga Lektyur sa Asian Center, University of the Philippines; 1986

Ikaapat na Lektyur:KRISIS NG KULTURANG PlLIPINO

 

Ang kultura ay repleksyon ng ekonomya't pulitika. Ang nangingibabaw na mga pwersa at

bagong lumilitaw na mga pwersa sa ekonomya't pulitika ang nangingibabaw na mga

pwersa at bagong lumilitaw na mga pwersa rin sa kultura. Ang nagsasalungatang mga

pwersang ito at ang kanilang mga esensyal na kontradiksyon ay nagkakaroon ng mga

pang-ideolohiyang porma at depinidong makinarya sa larangan ng kultura.

Sinasaklaw ng kultura ang paraan ng pag-iral at tunguhin ng kaisipan sa pilosopiya, pulitika, ekonomya, syensyang pangkalikasan at panlipunan, sining at literatura, kaalaman sa batas at moralidad. Kabilang sa mga makinarya ng kultura ang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 65: Tradisyon at Kulturang Pinoy

mga institusyon, iba't ibang tipo ng organisasyon at tauhan na nakakonsentra o nag-iispesyalisa sa gawaing pangkultura.

Gayunman, ang kultura ay hindi lamang pang-ideolohiyang repleksyon ng mga kasalukuyang pwersa at kontradiksyon sa ekonomya at pulitika. Ito rin ay akumulasyon ng mga ideya, kostumbre, kaugalian at katulad nito, mula pa noong bago nasulat ang kasaysayan, at nananatili sa kasalukuyang kalagayan hanggat may mga nagdadala at hanggat bahagi ng sikolohiyang panlipunan ng mamamayan.

Ang pangunahing pagtutuunan ng diskusyong ito ay ang paglalahad ng krisis ng kulturang Pilipino kaugnay ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Magpopokus tayo sa nangingibabaw na mga pwersa sa kultura hindi lamang sa pagsasalamin kundi pati sa reaksyon ng mga ito sa mga realidad at tunguhing pulitiko-ekonomiko, at sa proseso, sa pagkontra ng mga ito sa bagong lumilitaw na mga pwersa sa kultura at pagganap ng mga ito sa kanilang reaksyunaryong papel sa krisis ng kultura at lipunang Pilipino.

Magpokus tayo sa nangingibabaw na mga pwersa habang ginagampanan nila ang kanilang anti-nasyunal, anti-syentipiko at anti-mamamayang papel laban sa bagong lumilitaw na mga pwersa ng pambansa, syentipiko at pangmasang kultura.

Ang Nangingibabaw na mga Pwersa sa Kultura

Ang imperyalismong US at Simbahang Katoliko Romano ang dalawang nangingibabaw na pwersa sa kultura ng Pilipinas. Ang imperyalismong US ang mas nangingibabaw na pwersa. Sa malakolonyal at malapyudal na kultura ng Pilipinas, ang mga pwersang ito ang nagdadala ng nangingibabaw na mga ideya at kumokontrol sa nangingibabaw na makinarya sa kultura.

Sa paggapi sa lumang demokratikong rebolusyon at pagpapataw ng kapangyarihan sa mamamayang Pilipino, hindi lamang ginamit ng US ang nakakalamang na kakayahang militar at kahandaan nitong itaguyod ang pangingibabaw ng lokal o Pilipinong burgesyang kumprador kundi ginamit din ang ideolohiyang maka-imperyalistang demokrasyang liberal para

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 66: Tradisyon at Kulturang Pinoy

akitin dito ang rebolusyonaryong nasyunalismo at progresibong demokrasyang liberal ng lumang demokratikong rebolusyon.

Itinayo at pinalawak ng US ang pampublikong sistema sa edukasyon at itinatag ang University of the Philippines para maipropaganda ang modernong imperyalismo (ipinahayag sa mga termino ng konserbatibong demokrasyang liberal) at makalikha ng mga manggagawang litereyt at mas maraming katutubong propesyunal at teknisyan kaysa mabibigyang trabaho ng sistemang kolonyal at pyudal.

Para mapalitaw ang pinakamahuhusay na Pilipinong nakapag-aral sa US, isinagawa ng US ang sistemang pensyonado noong panahon ng kolonyal na paghahari nito. Noong panahong malakolonyal, itinayo ng US ang pagkakaloob ng iskolarsyip sa pamumuno ng mga upisyal na ahensya at pribadong pundasyon ng US para magkaroon ng mga bagong akademisyan, teknokrat ng gubyerno at pribadong manedyer na maka-US. Sistematikong nagtreyn ito ng mga Pilipinong upisyal militar sa mga kuta ng US.

Sa bawat antas ng sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, ang mga maka-imperyalistang konsepto at paraan ay nanaig sa pamamagitan ng mga edukador na sinanay ng US at maka-US na mga programa sa pag-aaral at materyales sa pag-aaral. Ang mga ito ang bumubuo sa pinakabagong mentalidad na kolonyal ng mga nakapag-aral na Pilipino na karamiha'y nagmula sa petiburgesya ng lunsod at bihirang-bihirang nagmula sa masang anakpawis at naging mga mataas na burukrata, propesyunal sa pribadong hanapbuhay, tagapangasiwa sa negosyo at upisyal militar.

Ang masmidya ang isa pang larangan ng kultura na pinangingibabawan ng imperyalismong US at mga ahente nito sa kultura. Ang dyaryo at pelikula-radyo-telebisyon ay naging mga behikulo ng maka-imperyalista at reaksyunaryong propaganda at taga-anunsyo ng mga produkto ng US at tagatimpla ng panlasa ng Pilipinong konsyumer. Ang mga pelikula at programa sa TV na gawa sa US at mga programa sa radyong maka-US ang mga pinakaepektibong tagapagdala ng maka-imperyalistang mga konsepto at estilo, kasama ang pinakabulgar at pinakadekadenteng mga ideya.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 67: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ang Simbahang Katoliko ay umangkop sa dominasyon ng US pagkasimula nito noong umpisa ng siglo. Noong panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya, ang Simbahan ay may malalaking ahensyang kumprador, at nakapagbenta ng mga lupain ng prayle para palawakin ang interes ng malaking kumprador sa pagbabangko at bagong kumpanyang pangkomersyo.

Mula noon, namantini ng Simbahan ang sa esensya'y ideolohiyang pyudal nito kasama ang nag-uumpisang mangibabaw na ideolohiya ng modernong imperyalismo, at atubiling tinanggap ang prinsipyong magkahiwalay ang simbahan at estado. Sinalamin sa malapyudal na ekonomya at pulitika ang pangingibabaw ng modernong ideolohiyang imperyalista sa ideolohiyang pyudal.

Bilang institusyon, ang Simbahan ang malakas na pang-ideolohiyang tagapagtanggol at tagabasbas ng malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa. Ang pangkulturang impluwensya ng Simbahan ay malaganap sa hanay ng mamamayan sa pamamagitan ng gawaing pangkatekismo, ritwal, sermon, panalangin, publikasyon at katutubong kaugaliang ginawang kristyano o ang tinatawag na katutubong kristyanidad.

Hindi na ganoon kaprestihiyoso ang pontipikal na University of Sto. Tomas tulad noong nasa rurok ng sistemang pang-edukasyon sa panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya. Pero napaunlad ng simbahan ang sariling masaklaw na sistema sa edukasyon. Sa simbahan ang karamihan sa mga pribadong eskwelahan sa bawat antas, kinakaribal ang pampublikong sistema sa edukasyon sa antas ng primarya at elementarya, at sa simbahan din ang pinakamarami sa antas ng hayskul at kolehiyo.

Ang "pinakamahuhusay" na eskwelahang Katoliko ay kilalang-kilala na mga eskwelahan para sa mga anak ng mga nagsasamantalang uri. At kahit tinutuligsa ng mga ensiklikal ng Papa ang kapitalismo at liberalismo sa isang banda, at sosyalismo at Marxismo sa kabilang banda, para mapatibay ang ispiritwal na misyon ng Simbahan at kaugaliang pyudal na nangibabaw sa mga uri sa lipunan, ang totoo, ang mga Katolikong unibersidad at kolehiyo ay mabisang tagapagpalaganap ng burges na mga teorya sa ekonomya, Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 68: Tradisyon at Kulturang Pinoy

paraan ng pamamahala ng negosyo, at pinakapanatikong mga ideyang anti-komunista, anti-mamamayan at kontra-rebolusyonaryo.

Tumutulong ang tradisyunal na mga pasilidad na Katoliko, ang mga eskwelahan, masmidya at modernong mga pasilidad sa mayor na di sektaryong mga pasilidad sa pagpapalaganap ng maka-imperyalista at reaksyunaryong mga ideya at pagpapalitaw ng mga lalaki't babaeng may magugulong pagpapahalaga na ideyalismong pyudal at suhetibismong burges.

Ang Anti-nasyunal na Papel

Sa paglalatag ng pundasyon ng malakolonyalismo sa pamamagitan ng di pantay na mga kasunduang pang-ekonomya at militar noong ikalawang hati ng dekada '40, ginamit ng US ang cold war para ang anti-imperyalismo ay itumbas sa komunismo bilang panlilito sa salita at pagmumura. Sa tusong paraan, ang abstraktong liberal na konsepto ng mga indibidwal na karapatan ay ikinontra ng US at mga Pilipinong kinatawan nito sa kultura sa konsepto ng pambansang soberanya at sa konsepto ng Pilipinas bilang nagsasariling bansa-estado.

Ginagampanan ng US ang pinakamabigat na papel sa pagsalungat sa pambansang soberanya at kasarinlan ng mamamayang Pilipino. Para sa mga makabayang Pilipino, ang manindigan para sa pambansang soberanya at kasarinlan ay naharap sa pagwawalambahala o pangungutya ng mga intelektwal na maka-US. Mawawalan sila ng pagkakataon sa sistemang pangkultura at pang-edukasyon, kung Hindi man maihanay sa kinatatakutang klasipikasyong "subersibo".

Ang institusyunal na Simbahang Katoliko ay isang epektibong tauhan ng imperyalismong US sa pagbubunsod ng kolonyal na mentalidad at paninira sa anti-imperyalistang kilusan bilang komunistang pakana. Ginampanan nito ang espesyal na papel na kontrahin ang mga sentimyentong panrelihiyon sa anti-imperyalistang kilusan tulad ng ginawa nito noong panahon ng kolonyal na paghahari ng Espanya laban sa anti-kolonyalistang kilusan.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 69: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Noong dekada '50, maingay na sinalungat ng Simbahan ang sunud-sunod na rebolusyonaryong kilusang anti-imperyalista, ang pagpapalaganap ng akdang liberal na pambansang pamana na tulad ng Noli at Fili, ang makabayang krusada ni Recto, ang progresibong mga akdang liberal sa University of the Philippines at ang patakarang "Pilipino Muna" ni Presidente Garcia. Bilang mga intelektwal na kumando ng Simbahan, ang mga Heswitang Amerikano at kanilang mga disipulong Pilipino ay tumampok sa pagsupil sa anti-imperyalista at anti-kolonyalistang mga ideya at pagpapatibay ng Batas Anti-Subersyon.

Gayunman, noong dekada '60, ang anti-imperyalistang inisyatiba ng mga rebolusyonaryong proletaryo at kanilang pakikipagkaisang prente sa mga progresibong liberal ay kumontra sa mga maka-imperyalista at tagapagtaguyod ng cold war at nakapagtamo ng malalaking tagumpay para sa anti-imperyalistang kilusan sa larangan ng pulitika at kultura. Sa kabila ng patuloy na agresyong pangkultura ng US sa pamamagitan ng foundations na Amerikano, lumitaw ang bagong demokratikong kultura na may malakas na anti-imperyalistang nilalaman. Nangunguna ang Marxismo-Leninismo sa malaking kilusang intelektwal at pangkultura.

Lalong ipinagmalaki ng mga Pilipinong intelektwal ang kanilang sariling pambansang lenggwahe at ginamit ito sa pagsuway sa matagal nang pangingibabaw ng Ingles sa mga klasrum, upisyal na komunikasyon at para sa mataas na antas ng literatura. Malaki din ang pagpapahalaga sa rebolusyonaryong tradisyon at mga tagumpay ng bayan sa pambansang pamanang pangkultura.

Noong 1970-72, sumiklab at yumabong ang bagong demokratikong rebolusyon sa kultura. Ang malaking bilang ng nakapag-aral ay nag-umpisang magtanong, pumuna at tumanggi sa mga imperyalistang katangian ng kultura at edukasyong Amerikano. Napukaw sila ng krisis ng naghaharing sistema at nabigyan ng inspirasyon ng lumalaking kilusang masa. Dapat banggitin laluna ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Ang mga nakapag-aral ay nagalit sa gerang agresyon ng US sa Byetnam, at nahikayat ng halimbawa ng papalaking bilang ng mga intelektwal na Amerikano na tumatanggi sa realidad at pang-ideolohiyang pagpapalagay ng imperyalismong US.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 70: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ang pagpapataw ng pasistang diktadura noong 1972 ang desperadong pagtugon ng US at mga lokal na reaksyunaryo sa tumitinding kilusang anti-imperyalista. Tulad ng lahat ng iba pang rebolusyonaryong pwersa, ang mga pwersa ng rebolusyong pangkultura ay patuloy na dumami sa kilusang lihim sa kalunsuran at sa sonang gerilya.

Isinagawa ng pasistang diktadura ang rekomendasyong idinikta ng US sa PCSPE (Presidential Committee to Study Philippine Education) na ayusin daw ang pang-edukasyong sistema ng Pilipinas sa diumano'y layuning magkaroon ng mga gradweyt na may higit na kasanayang teknikal para sa mga dayuhang kumpanyang multinasyunal. Pero ang mapapasukang trabaho ay Hindi kailanman makabuluhang dinagdagan ng mga dayuhang monopolyo sa papabagsak nang ekonomya.

Isinagawa rin ng rehimeng pasista ang patakarang idinikta ng US na gumawa ng mas maraming teksbuk na popondohan ng pautang ng World Bank. Ang mga teksbuk ay naging mga behikulo ng maka-imperyalista at pasistang propaganda na pandagdag sa pang-araw-araw na propagandang inilalabas ng kontroladong masmidya.

Naubusan ng pondong gubyerno ang edukasyong publiko. At pinagkaitan ng sapat na sweldo ang mga titser; gayundin, ang mga estudyante ay nahirapan sa mas mataas na gastos para mabuhay at makapag-aral.

Itinaguyod o pinalampas ng mga lider ng Simbahang Katoliko ang gawain ng pasistang diktadura ng pangkating US-Marcos dahil ipinakita nito ang sarili bilang pwersang anti-komunista. Pero sa halos buong dekada '70 at pagkaraan nito, parami nang parami ang progresibong mga lider na panrelihiyon at taong-simbahan na pumanig sa mamamayan sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatang pantao sa harap ng napakatinding kabangisan at pang-aabuso ng mga pasistang sinulsulan ng US, gayundin sa pagtatanggol ng kanilang mga pambansang karapatan sa harap ng imperyalistang pandarambong sa pamamagitan ng multinasyunal na kumpanya at bangko, at paglabag sa pambansang soberanya at panteritoryong integridad sa pamamagitan ng mga base militar ng US.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 71: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Manipestasyon ng krisis sa sistemang pangkultura na maka-imperyalista at reaksyunaryo ang pagtalikod ng mga nakapag-aral sa anti-nasyunal na pangkulturang kontrol at impluwensya ng imperyalismong US, gayundin, sa loob ng Simbahang Katoliko, ang pagdami ng mga progrcsibong relihiyoso na may makabayang paninindigan.

Ang malalaking bitak sa nangingibabaw na pwersang pangkultura ay tiyak na lalawak at sasamantalahin ng mga pwersa ng bagong demokratikong rebolusyon sa kultura.

Ang Anti-syentipikong Papel

Madaling makapagpahanga ang mga syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng US at mapaniwala na makakatulong ang US sa syentipiko at teknolohikal na pagsulong ng Pilipinas.

Gayunman, kung isasaalang-alang natin na sinasalungat ng US ang pambansang industriyalisasyon ng Pilipinas, at gustong mapanatiling agraryo ang ating bayan at maghangad ng Hindi hihigit sa ilang empresang ginagamitan ng maraming lakas-paggawa, Hindi maasahan ang US na maging balon ng syentipiko't teknolohikal na pagsulong para sa bayan habang nananatiling malakolonyal at malapyudal ang katangian nito.

Ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay sadyang walang anumang programa sa pagtataguyod ng mga pag-aaral sa saligang syensyang panlipunan. Gayunman, sobra-sobra ang gumagradweyt na inhinyero at teknolodyist kung ikukumpara sa mapapasukang trabaho sa ekonomyang pre-industriyal. Kaya nagtatrabaho sila bilang mga tagabenta ng mga kumpanyang multinasyunal. At nangingibang bayan ang mga walang makitang trabaho sa sariling bayan.

Ang sobrang inhinyero at teknolodyist ay resulta ng mabilis na lumalawak na sistemang pang-edukasyon noong dekada '50 at '60 at mabagal na paglawak ng sistemang pang-edukasyon na bumuntot sa pagdami ng bata at kabataang pwede nang mag-aaral sa halos buong dekada '70. Ang pangkalahatang pagkabulok ng sistema sa edukasyon na naging kapansin-pansin noong dekada '80 ay makakapagpaunti ng mga inhinyero at teknolodyist kahit para sa pangingibang bayan.Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 72: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Umunti rin ang pangangailangan ng US at iba pang bayan sa mga propesyunal sa kalusugan, inhinyero't teknolodyist at manggagawang may kasanayan.

Samantalang gustong bolahin ng ilang tao ang sarili na ang pag-eeksport ng mga propesyunal at manggagawang may kasanayan ay manipestasyon ng maunlad na kalagayan ng Pilipinas, sa katunaya'y manipestasyon ito ng di pag-unlad at krisis -- ang kawalan ng kakayahan ng pambansang ekonomya na mabigyan ng trabaho ang mga taong kailangang ieksport sa mababang presyo sa kabila ng malaking gastos sa edukasyon na kailangang balikatin ng lipunang Pilipino. May isa ring penomenon na nakakaligtaan. Samantalang pinili ng ilang propesyunal na maghanap ng mga trabaho sa ibang bayan, ang iba pa'y sumama sa rebolusyonaryong kilusan. Ito'y isang penomenon na nagpapakita ng grabeng krisis sa sistema. Sa katunayan, parami nang paraming estudyante at gradweyt ng kolehiyo ang sumasama sa rebolusyonaryong kilusan. Ang buong petiburgesya ng lunsod ay bumabaling sa panig ng masang anakpawis sa iisang pakikibaka sa pang-aapi at pagsasamantala.

Ang pilosopiya, syensyang panlipunan, sining at literatura, batas, edukasyon, ekonomiks at mga kurso sa bisnes ay mga larangan ng lantaran at pinahabang pagteteorya at pagpopropaganda ng mga ahente ng imperyalismong US at Simbahang Katoliko sa kultura at edukasyon.

Nasa mga larangang ito ang higit na nakakaraming mayorya ng mga estudyante at gradweyt sa kolehiyo. Sa mga panahong di gaanong kritikal, sila ang mga tagapagdala ng ganap na di Syentipiko, mapanlito, maka-imperyalista at reaksyunaryong mga ideya. Pero sa panahong mas kritikal, ginugulo sila ng mga saligang problema ng lipunan na di maipaliwanag ng kanilang pormal na edukasyon, at naaakit sila sa syentipikong teorya at praktikal na pakikibaka ng mga rebolusyonaryong proletaryo at malawak na pambansa-demokratikong kilusan.

Pwedeng tanggihan ng ilan ang suhetibismong burges ng ideolohiyang imperyalista at metapisikang midyebal ng pinakamarami sa simbahan at mahahawan ang kanilang daan sa rebolusyonaryong teorya at praktikang proletaryo. Natutuhan naman ng iba pa na panatilihin ang syentipiko at kapaki-pakinabang sa kanilang pormal na edukasyon at kahit sa kanilang Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 73: Tradisyon at Kulturang Pinoy

paniniwalang panrelihiyon, at gayundin, maintindihan at matanggap ang pangkalahatang programa ng bagong demokratikong rebolusyon.

Ang kapansin-pansing pagbaling ng mga estudyance at gradweyt sa kolehiyo sa pambansa-demokratikong kilusan ay manipestasyon ng krisis sa kultura at lipunang Pilipino. Nananawagan sila para sa naaangkop na edukasyon at radikal na transpormasyon ng lipunan.

Ang Anti-Mamamayang Papel

Nalikha ng imperyalismong US at Simbahang Katoliko ang malakolonyal at malapyudal na kultura na naaangkop sa malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa bilang mga naghaharing uri.

Ang kulturang ito'y nagsisilbi para mabigyang katwiran, mabasbasan, gawing lehitimo at mapaganda ang sistema ng pang-aapi at pagsasamantala. Hangad nitong mapahina at mapaamo ang mga inaapi at pinagsasamantalahanag mamamayan sa paraang mental, emosyonal at moral at ipatanggap sa kanila ang kanilang kalagayan.

Sa pinakamataas na antas ng sistemang pangkultura, nananaig ang mga naghaharing uri bilang mga tagagawa ng patakaran, may-ari at tagakontrol ng pangunahing institusyong pangkultura, sistemang pang-edukasyon, masmidya at lahat ng iba pang pangunahing paraan ng pag-impluwensya sa pag-iisip, pandama at moralidad ng mamamayan.

Ang intelihensya ang mapagrereklutahan ng pinakamahusay na personel sa kultura ng naghaharing uri. Pero ang higit na nakakaraming mayorya ng intelihensya ay hindi makakaangat sa lipunan mula sa antas ng swelduhan tungo sa pagiging naghaharing uri. Sa panahon ng krisis, ang intelihensya ay may tendensyang umugnay sa masang anakpawis na mga manggagawa't magsasaka at lalo pang pumuna at tumuligsa" sa sistema ng pang-aapi at pagsasamantala.

Sa lantaran at tusong mga paraan, hindi lamang pinagpipilitan ng malakolonyal at malapyudal na kultura ang mga pribilehiyo ng Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 74: Tradisyon at Kulturang Pinoy

mga malaking kumprador at panginoong maylupa kundi pinagkakaitan din ng pagkakataong makapag-aral ang milyun-milyong bata at nililimitahan sa antas ng Ikaapat na Grado ang karamihan ng batang mag-aaral, isang antas na di makakapaggarantya ng literasi. Naglalabas pa itong lalo ng bulgar at nakakaabang kalagayan sa kultura na nakakagulo sa sariling makauring interes at makauring pakikibaka ng masang anakpawis na mga manggagawa't magsasaka.

Pero ang krisis sa sistemang pang-ekonomya ay nagiging krisis sa sistemang pampulitika. Ang panlipunang pagkaligalig at kawalan ng kakayahan ng mga naghaharing uri na makapanaig sa dating paraan ay nagiging dahilan ng pinakamatinding pang-ekonomya at pampulitikang paglalabanan sa hanay ng naghaharing uri at sa pagitan ng mga naghahari at pinaghahariang uri. Umaabot sa larangan ng kultura ang tunggalian ng mga uri.

Sa paghahangad na makuha ang kapangyarihang pampulitika, ang pinakaabanteng pwersa sa produksyon at pulitika -- ang uring manggagawa -- ay kinatawan ng kanilang partido na may teorya at praktikal na programa na hindi lamang sumasaklaw sa mga layunin sa ekonomya at pulitika kundi pati sa layunin sa kultura -- ang bagong demokratikong kultura na pupukaw at magbubuklod sa saligang alyansa ng uring manggagawa at uring magsasaka bilang pangunahing pwersa, at kakabig sa panggitnang saray ng lipunan sa isang pambansang nagkakaisang prente.

Ang bagong demokratikong kulturang ito ay nagsisilbi sa mamamayan at lumalaban sa anti-mamamayang kultura ng malakolonyal at malapyudal na lipunan.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 75: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sentrong Pangkultura ng Pilipinas [Cultural Center of the Philippines/CCP]

ang pangunahing institusyon para sa kultura at sining sa bansa. Taglay nito

ang pinakamataas na pamantayan ng kahusayan at may mga serbisyong

tumutugon sa Filipino at sa daigdig.

Nililinang at itinataguyod ng CCP ang artistikong kahusayan, estetikong

Filipino at kaakuhan, at positibong halagahang pangkultura tungo sa

makataong lipunang pandaigdig.

Kasaysayan

Pinasinayaan ang CCP noong 1969 at nagsilbing tahanan ng mga sining sa

Filipinas. Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 30

na may layong itampok at panatilihin ang mga Filipinong sining at kultura.

Pormal itong binuksan noong 8 Setyembre 1969. Mula nang itatag ang

nasabing institusyon, sinikap na nitong isabuhay ang logo nitong

sumasagisag sa “katotohanan, kagandahan, at kabutihan” ang tatlo “K” na

gumagagad wari sa Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.

Nasa ilalim ng Opisina ng Pangulo ang CCP, at saklaw ng Pambansang

Komisyon para sa Kultura at mga Sining, alinsunod sa isinasaad ng

Kautusang Tagapagpaganap Bilang 80.

Itinatanghal ng CCP ang mga tagumpay sa sining ng Filipino; hinihikayat ang

paglikha ng orihinal na obrang inspirado ng tema at tradisyong Filipino; at

tumutulong na mailapit ang sining sa lahat ng sektor ng lipunan. Itinataguyod

din nito ang pagtatatag ng mga sentrong panrehiyon sa pakikipagtulungan sa

mga samahang lokal, at inililibot ang mga residenteng artista at iba pang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 76: Tradisyon at Kulturang Pinoy

alagad ng sining mula sa mga rehiyon sa pamamagitan ng CCP Outreach

Program.

Ilang kompanya na kumakatawan sa iba't ibang sining ang nasa loob ng CCP.

Kabilang dito ang apat na residenteng kompanya sa sayaw: Ballet

Philippines, Philippine Ballet Theater, Bayanihan Philippine Folkloric Group,

at Ramon Obusan Folkloric Group. Samantala, ang Tanghalang Pilipino ang

residenteng kompanya sa teatro. Ang mga residenteng kompanya naman sa

musika ay kinabibilangan ng Philippine Philharmonic Orchestra, UST

Symphony Orchestra, Philippine Madrigal Singers, at Music Competitions for

Young Artists Foundation (NAMCYA).

Saklaw ng CCP ang pelikula at sining brodkast, gayundin ang panitikan at

sining biswal; at hinihikayat ang paglago ng mga bagong artista sa naturang

larang sa pamamagitan ng mga palihan, seminar, antolohiya, eksibit,

simposiya, timpalak, at gawad.

Itinataguyod ng CCP ang pagpapalago ng mga konseho ng sining sa buong

bansa sa pamamagitan Cultural Exchange Program (Palitang Pangkultura na

Programa). Ipinatutupad iyon sa pagbubunsod ng mga palihan at seminar.

Nakikipag-ugnayan din ang CCP sa mga internasyonal na samahan upang

makita ng mga Filipino ang rikit at lawak ng mga kultura sa buong daigdig.

Layon ng CCP na maging tahanan ng mga sining na nakatuon sa madla, na

nagtataglay ng artitikong kahusayan, nagtatampok ng estetikong Filipino, at

naglilinang ng pangkulturang halagahan, panlipunang pananagutan, at

pambansang kaakuhan.

Sanggunian

← Opisyal na website ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na

matatagpuan sa CCP .

← Cultural Center of the Philippines Brochure, 2007

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 77: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Moms, Isang Mahusay na Palabas ng QTV 11

Matagal na ring itinatanghal ang palabas na Moms sa QTV 11 mula nang pamahalaan ng GMA 7 ang istasyon. Ang mga hosts ng programa ay sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes. Naging guest co-hosts naman sina Christine 'Tin Tin' Bersola at Gladys Reyes.

Iba't ibang mga topics ang pokus ng programa pero ang audience nila ay mga ilaw at haligi ng tahanan. Ang titulo naman ng palabas ay "Moms" dahil sinasalamin ng mga hosts ng programa ang makabagong ina. Bukod sa pagiging mapag-alaga, ipinapakita rin ng Moms na ang mga ina ay matalino, malaya at tunay na ilaw ng kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng mga celebrity guests, tinatalakay ng palabas ang mga topics na gaya ng sex education para sa mga bata, kung paanong ang modern parenting, at iba pang mga problema na kinakaharap ng mga ina sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Hanggang ngayon ay women empowerment at pagbibigay pa rin ng makabuluhang impormasyon ang pakay ng Moms bilang isang programa, para sa modernong ina.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 78: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sahal ng mga Muslim, Pang-Porma Na Rin!

Ayon sa Koran, ang banal na aklat ng mga muslim, lahat ng babae at lalake ay kinakailangang manamit ng karapat-dapat sa publiko. Dahil dito, ang mga lalake ay tinatakpan ang kanilang katawan mula tiyan hanggang tuhod, samantalang ang mga babae naman ay tinatakpan ang buong katawan pwera mukha, kamay at paa. Isa sa mga tradisyunal na telang ginagamit ng mga kababaihang muslim na pantakip ng ulo ay ang Sahal.

Ngayon, mapa-Muslim man o hindi, gumagamit na ang mga pinoy ng Sahal kahit saan. Madalas makikita ang mga kababaihang suot ito na parang bandana kapag pumupunta ng mga concert o gigs. Sa mga lalaki naman, nilalagay sa kanilang mga leeg na parang “scarf” ang dating. Kaya’t pinapakita mo man ang iyong pananampalataya sa pagiging muslim o di kaya’y gustong pumorma sa tag-ginaw man o tag-init, ang sahal ang bagong bandanang nababagay kahit san man.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 79: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ang Pagbabalik ng mga Jelly Shoes

1980s noong unang sumikat ang mga Jelly shoes. Ngayon ay muli itong makikita sa mga pangunahing malls at maging sa mga bangketa.

Gawa ang jelly shoes sa mga jelly rubber na isang uri ng gomang PVC. Mala-jelly ang halos kita nitong materyales at unang lumabas matapos ang World War II ng magkaroon ng kakulangan sa balat sa Europa.

Ano nga ba ang panghatak ng jelly shoes at tinatangkilik ito uli?

Mura at nakakatuwa ang mga makukulay na disenyo nito kaya’t tamang-tama para sa mga bata. Ngunit marami na ring mga babae, dalaga man o may asawa ang naengganyong magsuot nito dahil sa presyo, pagiging kumportableng suotin at fashionable na disenyo.

Kadalasang flat ang mga jelly shoes ngunit may ibang modelong may makapal ngunit mababang takong. Tulad ng mga sandals at flip flops na uso rin ngayon, bagay ito sa mga kaswal na kasuotan o yung mga pang-araw-araw na bihis.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 80: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Pizza – Nasa Cones Na!

Para sa mga taong on-the-go palagi, tiyak na dadayuhin ninyo ang Amazing Cones. Hindi lamang ice cream ang pambato ng bagong tindahan na ito kundi pati iba’t-ibang klase ng mga pizza.

Sa Italya nagmula ang mga unang pizza na isine-serve sa cone. Isa itong makabagong paraan na pumatok sa maraming Europeo dahil na rin sa madali itong kainin kahit pa nga naglalakad ka. Hindi ito nakaligtas sa Pinoy entrepreneur na si Dondi Onate habang namamasyal sa Europe. Ito ang nag-motiba sa kanyang buksan ang unang Amazing Cones sa Pilipinas.

Bukod sa madaling hawakan at kainin ay sulit na sulit ang isang pizza sa Amazing Cones. Mas mabigat at malaman ito kaysa sa ordinaryong pan pizza. Marami ring flavors ito na pagpipilian kayat tiyak na hindi magsasawa ang mga tatangkilik dito. Abangan din ang ibang mga pagkain bukod sa pizza na ihahanda sa loob ng mga ispesyal na cones ng Amazing Cones.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 81: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Charice Pempengco, Ang Batang DIva

Dahil sa kahusayan sa pagkanta, kakaibang swerte at sa YouTube, naabot ni Charice Pempengco ang pangarap ng karamihan sa Pilipinong mang-aawit - ang mag-perform sa international audience.

Disyembre nang nakaraang taon nang lumabas si Charice Pempengco sa programang Ellen. Pinakita ni Charice ang kanyang angking galing nang kanyang kinanta sa harap ng mga nagpapalakpakang Amerikano ang awiting "And I Am Telling You I´m Not Going" at "I Will Always Love You."

Unang nasilayan ang boses ni Charice sa singiing contest ng ABS-CBN na "Little Big Sta" na kung saan nakamit niya ang Third Place. Isang Youtuber naman ang nakakita sa pagkanta ni Charice sa nasabing patimpalak at siyang inupload ang pagkanta ni Charice sa YouTube.

Nakita naman ng Ten Songs Production, isang recording company na naka-base sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 82: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sweden, ang YouTube video na ito at siyang inimbitahan si Charice upang pumunta sa Sweden upang magrecord ng album.

Samantala, nakita naman ng isang broadcasting System sa Seoul, South Korea ang pag-kanta ni Charice ng "And I Am Telling You I´m Not Going" sa YouTube rin kaya't inimbitahan nito si Charice sa sikat na programa sa Korea na Star King. Marami ulit ang napabilib ni Charice sa kanyang boses kaya't nilagay ng mga nakapanood ang episode na ito sa YouTube Ang programang ito ang nakita ni Ellen DeGeneres at siyang nagtulak sa Amerikanang host/komedyante na gawing panauhin si Charice sa kanyang programa.

Dahil dito, regular na ring nakikita si Charice sa mga lokal na programa at iniimbitahan na rin siya ng mga lokal na mang-aawit tulad ni Martin Nievera para maging panauhin sa kanyang concert. Ngayon, hindi lang sa ibang bansa sikat sa Charice Pempengco, sikat na rin siya sa kanyang sariling bansang Pilipinas.

Queso: Ang Bagong Henerasyon ng Pinoy Rak en’ Rol

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 83: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Nabuo noong 1994 at nakilala sa pangalang “Cheese”, ang Queso ang pinakasikat at pinakamaingay na bandang Pinoy ngayon. Binubuo ng pitong myembro, ang Queso ay napagdaan na ang bawat pagsubok ng paggawa ng musikang hindi man matanggap ng masa nung una, ay ngayo’y isa sa mga hinahangaan at inaabangan.

Mula nang nilabas ang unang self-titled album na “Cheese” sa ilalim ng Warner Music Philippines noong 1998, nasundan ito ng “Pilipinas” album nang 2001 at ang independent album na “Queso” noong 2006. Sa gitna ng pagtugtog ng Queso sa Luzon, Visayas at Mindanao, naimbitahan rin sila tumugtog sa 2000 Pusan Rock Festival sa Korea at nanalo bilang representative ng Pilipinas para sa “World Battle of the Bands (WBOB)” sa Hong Kong. Hindi man sila nanalo sa WBOB, nanatili pa ring matunog ang pangalan ng Queso hindi lang sa sarili nilang bansa, pati na rin sa buong mundo.

Ang Queso ay binubuo ni Tuts Calinawan(bass), 8 Toleran (guitars), Enzo Ruidera(guitars), Bboy Garcia (turntables), Robert Dela Cruz (drums), CJ Olaguera (percussions) at Ian Tayao (vocals). Naging parte rin ng Queso si RT de Ano (turntables) Paolo Rosal (drums) sa Queso at nananataling mabuting kaibigan ng banda.

Sa ngayon, lingo-lingo pa rin tumutugtog ang Queso sa iba’t ibang bar sa Manila at probinsiya. Mabibili ang mga CDs, t-shirts at ang “Buhay Queso” DVD sa mga record stores at sa banda mismo.

Para sa “mga daga”, ang tawag sa fans ng banda, mananatiling isang inspirasyon ang Queso sa paggawa ng kakaibang Pinoy na tunog na pwedeng ipagmalaki sa buong mundo. Sa mga nagaabang na susunod na album ng Queso, wag magalala

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 84: Tradisyon at Kulturang Pinoy

dahil kasalukuyang gumagawa ng bagong musika ang grupo at mananatili sa eksena ng musikang lokal at internasyonal.

Musika ng Sugarfree – Tamang Timpla

Ang bandang Sugarfree ay maihahalintulad sa musika nila – simple pero may ibubuga. Sabay sa ritmong masarap pakinggan ay ang malalim na liriko. Tamang timpla talaga.

Unang nakilala ang Sugarfree sa mga awiting Telepono at Mariposa mula sa debut album nilang “Sa Wakas”ngunit higit silang natandaan sa mga awiting “Hari ng Sablay” at “Makita Kang Muli” na ginamit sa teleseryeng “Panday.”

Kinabibilangan nina Ebe Dancel, Jal Taguibao at Kaka Quisumbing, ang trio ng Sugarfree ay walong taon ng aktibo sa industriya ng musika at nakagawa ng tatlong tagumpay na album. Nagkamit na rin sila ng iba’t-ibang karangalan mula sa NU Rock Awards at Awit Awards.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 85: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sa kabila ng kabi-kabilang prediksyon na hindi na panahon ng mga banda sa Pilipinas ay nagawa ng Sugarfree na patuloy na mamayagpag. Noong nakaraang taon lamang ay itinanghal ng banda ang una nilang major concert kung saan panauhin nila ang tanyag na Manila Symphony Orchestra.

Vigan, Isang World Heritage City

Mapa-Pilipino o banyaga, kahit sinong tumapak sa Vigan City ay namamangha.

Klasipikado bilang isang World Heritage City, ang Vigan ay matatagpuan sa Ilocos Sur. Karamihan ng bumibisita dito ay namamangha sa matandang arkitektura nito at old-world na ambiance ng lugar. Ang pagtapak sa Vigan City ay maihahambing sa isang pag-atras sa panahon, sa mga taon na ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng bansang Espanya.

Ayon sa isang 2000 census, ang Vigan ay may populasyon na 45,143 people sa 9,193 na mga kabahayan. Si Elpidio Quirino, ang pang-anim na presidente ng Pilipinas, ay nanirahan din sa Vigan.

Ang mga cobblestoned na kalsada at mga calesa na nakapalibot sa plaza ay

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 86: Tradisyon at Kulturang Pinoy

pandagdag sa ganda ng kakaibang lugar na ito. Maaari ding mag-tour sa palibot ng Vigan upang makita ang mga lumang bahay at mga simbahan, bukod sa iba't ibang mga museum na hitik na hitik sa kasaysayan ng nakaraan.

Tara na sa Pugad Baboy

Ito ang komik strip na sumasalamin sa eksenang politikal at kultura ng mga Pilipino. Sa dalawang dekada ng Pugad Baboy, patuloy ang pagtawa at pagkilala ng mga Pinoy sa mga sarili.

Nagsimulang ilathala ang Pugad Baboy noong 1988 sa pahayagang Inquirer. Konsepto ito ng arkitektong si Pol Medina Jr. tungkol sa isang komunidad na tinitirhan ng mga matatabang tao. Iba’t-ibang pamilya ang nakatira dito ngunit ang pinakapopular na karakter ay hindi tao kundi ang asong si Polgas.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 87: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sa mahigit dalawampung kumpilasyon ng seryeng Pugad Baboy ay nasaksihan ng mga mambabasa ang maraming karakter na ginampanan ni Polgas. Naging deep penetration agent ito, nag mala-Undertaker, Sigmund Freud, Wolverine at iba pa. Ito rin ang sinasabing higit na nagkakarakterisa sa may-akdang si Medina.

Sa kasikatan ng seryeng ito ay ginawa rin itong programa sa telebisyon at nagkaroon ng mga damit at laruang hango sa mga karakter dito.

Habang patuloy si Medina sa paggawa ng Pugad Baboy ay asahan ang katatawanang may kabuluhan na mas masarap basahin dahil inilalarawan nito ang mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.

Ang Bayanihan

Ang ibig sabihin ng Bayanihan ay ang sama-samang pagkakaisa sa ilalim ng isang layunin. Galing ang salitang ito sa isang tradisyon ng mga Pilipino na kung saan sama-samang tutulong ang mga tao upang buhatin ang buong bahay ng isang pamilya at tulungan ito lumipat papunta sa isang lugar.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 88: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglagay ng mga "bamboo poles" sa ilalim ng bahay kubo upang makagawa ng matatag na balangkas upang madaling mabuhat ang buong bahay. Ang mga kalalakihan naman ay naka-pwesto sa magkabilang dulo ng mga "bamboo poles."

Ang tradisyon na Bayanihan ay sinusundan ng isang maliit na pyesta na pinamumunuan ng pamilyang tinulungan ng mga tao. Ito ay ginagawa ng pamilya bilang pasasalamat.

Nilarawan ng National Artist na si Carlos "Botong" Francisco ang tradisyong ito. Lumikha rin si Joselito E. Barcelona ng larawan na pinapakita ang Bayanihan na nakagawian na ng mga Pilipino.

Lisa Macuja: Pinay na Ballerina, Mahusay na Artist

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 89: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Napakalaki na ng naging kontribusyon ni Lisa Macuja-Elizalde sa mundo ng arte at kultura dito sa Pilipinas.

Dating nabansagang "Ballerina of the People", kilala si Lisa Macuja-Elizalde bilang isang tanyag na Prima Ballerina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama sa mga patimpalak na ginawad sa kanya sa kanyang mahabang karera bilang ballerina at artist ang Order of International Friendship (na ginawad ni Russian President Vladimir Putin noong 2001), Ten Outstanding Young Persons of the World (1997), at ang Special Prize for Artistry by the House of Diaghilev (1992).

Siya rin ang kauna-unahang Pilipina na ballerina na nag-uwi ng laureate prize at nakakuha ng silver medal mula sa 1987 Asia-Pacific Ballet Competition na ginanap sa Tokyo. Noong 1992 ay nakilahok siya sa 1992 International Diaghilev Ballet Competition na ginanap sa Moscow, Russia - kung saan siya ay nanalo ng fifth place.

Kahanga-hanga ang naging karera ni Lisa dahil na din sa mga tanyag na guro at paaralan ng sayaw kung saan siya ay nag-aral. Naging scholar siya ng USSR Ministry of Culture at nakapasok ng Vaganova Choreographic Institute (na ngayon ay tinatawag nang Academy of Russian Ballet) sa Saint Petersburg noong 1982, at doon ay nahasa siya sa pagsayaw at natuto mula sa dating former Kirov ballerina na si Tatiana A. Udalenkova.

Matapos niyang magtapos bilang pinakamagaling sa kanyang klase ay naging kauna-unahan siyang foreigner na naimbitahan upang sumali sa Kirov Ballet - isang kilala at batikan na 260-taong gulang na institusyon ng sayaw. Mula dito'y sunod-sunod na ang mga naging tagumpay niya.

Dahil na rin sa pagmamahal niya sa pagsayaw at sa kanyang bansa, naging aktibo si Lisa Macuja-Elizalde sa mga lokal na pang-kulturang mga proyeko. Sa kasalukuyan, siya ang tumatayong Artistic Director ng Ballet Manila. Siya rin ang kasalukuyang Vice Chairperson ng Philippine UNESCO National Commission.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 90: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Father Suarez Magpapatayo ng Mega-Shrine

Marami ang namamangha sa biyayang makapagpagaling ng Pilipinong pari na si Fernando Suarez. At kahit na nakabase siya sa Canada ay hindi ito naging hadlang upang maalala ni Father Suarez ang mga kababayan.

Plano ng popular na pari na magpatayo ng isang marangyang shrine alay sa Birheng Maria sa Montemaria sa Batangas, ang probinsyang kinalakhan niya. Tinatayang matatapos ang proyekto sa limang hektaryang lupain na ito sa loob ng limang taon.

Una ng naitatag dito ang puting stage kung saan nagmisa si Father Suarez noong 2006. Noong Enero 2007 naman isang mataas na estatwa ng Birheng Maria ang inilagak . Bukod sa estatwa ay nasa plano rin ang pagkakaroon ng mga kapilya, rosary garden, kolumbaryo, retreat at lodging houses at ang kawangis ng Tahanan ng Birheng Maria.

Ang multi-milyong shrine na ito ay pinuntahan na ng daan-daang mga deboto lalo pa at aprubado ng Simbahang Katoliko ang panggagamot ni Father Suarez.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 91: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Tunay nga ba ang Kulam at Mangkukulam?

Ang “Kulam” ay ang Pinoy Black magic, samantalang ang “mangkukulam” naman ay ang katumbas ng mga witch sa ibang bansa at ang “mambabarang” ay warlocks. Gumagana nga ba ang mga sumpa ng mangkukulam?

Gaya ng mga witch, ang mangkukulam ay gumagawa ng mga potion, nagbibigkas ng mga sumpa at gumagamit ng manika para gantihan o bigyan ng masamang tadhana o sakit ang isang tao. Sa panahon ngayon, maraming nababalitang mga mangkukulam ang nagpapabayad para gumawa ng sumpa.

Kapag nabiktima ng mangkukulam ang isang tao sa pamamagitan ng manika, lahat ng gawin ng mangkukulam sa manikang ito ay mangyayari rin sa taong iyon. Minsan nga’y ito pa ang nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay. Dahil dito, maraming tao, lalo na sa mga probinsya, ang humihingi ng tulong sa mga mangkukulam para makaganti sa isang tao.

Magisa man gumawa ang mga mangkukulam ng kanilang “voodoo”, kadalasan daw ay nabibilang sila sa isang kulto. Ang pagiging mangkukulam daw ay pinapasa ng mga magulang at mga naunang henerasyon. Kapag malapit na daw mamatay ang isang mangkukulam ay pinapasa nito ang kanyang kapangyarihan sa anak o kamag-anak.

Madami man nagsasabing hindi totoo ang kulam, napakadaming pangyayari at

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 92: Tradisyon at Kulturang Pinoy

kuwentong nagkalat tungkol sa mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa isang taong pinagdududahang kinukulam. Dahil dito, naniniwala ka man sa kulam o hindi, mabuti nang maging mabait ka sa kapwa para walang magtangkang magpakulam sa ‘yo.

Meditasyon: Kapangyarihan ng Katawan at Pag-iisip

Ang meditasyon ay kakaibang antas ng pag-iisip kung saan ang isang tao ay matindi ang konsentrasyon sa isang bagay o layunin. Ito ay pinaniniwalaan ng marami na nakakabuti sa ating pangkalahatang kalusugan.

Sa panahon ng mental o pisikal na istres, maraming mga tao ang umaasa sa meditasyon para maibalik sa mabuti ang kanilang kondisyon. Pinaniniwalaan na mayroong matinding koneksyon ang kaisipan ng tao sa kanyang katawan. Sa pamamagitan ng meditasyon, maaring maabot ang “state of balance” ng isip at katawan.

Maraming pag-aaral ang nagpapakita ng mabuting epekto ng meditasyon sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 93: Tradisyon at Kulturang Pinoy

kalusugan ng isang indibidwal, at hindi lamang ito sa pisikal na aspeto. Bukod sa pagtanggal ng istres, ginagamit din ang meditasyon para makarekober sa depresyon at lungkot. Naghahatid din ito ng mabuting pakiramdam, mga ideya sa paglikha at masayang disposisyon. Sa patuloy na praktis sa meditasyon, maramng nagsasabing pati ang ispiritwal na aspeto ng kanilang buhay ay gumanda. Kasama dito ang positibong tingin sa lahat ng aspeto ng buhay at ang pagiging handa at matibay sa mga pagsubok na haharapin.

Ang Animismo

Ang animismo ay ang paniniwala sa pagkakaroon ng lahat ng bagay ng kaluluwa. Dahil dito, masasabing ang animismo ay matatagpuan sa karamihan sa relihiyon sa

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 94: Tradisyon at Kulturang Pinoy

buong mundo.

Ang paniniwala sa animismo ay paniniwala na ang mga hayop, bagay, gulay at tao ay may kaluluwa. Madalas na makikita ang paniniwala sa animismo sa mga kulturang "hunter-gatherer." Karaniwan ay itinuturing ang tao bilang kapantay ng mga hayop, halaman at iba pang puwersa ng kalikasan kaya't mahalaga na ang lahat ng ito ay ituring ng may respeto at pag-galang.

Sa animismo, ang tao ay bahagi ng kalikasan at hindi mas mataas, superyor o hiwalay dito.

Ngayon, ang ilan sa mga naniniwala sa animismo ay matatagpuan sa mga bansang Congo, Zambia, Bangladesh, Indonesia, Laos, Hapon, Canada at Pilipinas.

Ang Kultura ng Pilipino ay Makikita sa Suot Nito

Ang konseptong ito ay makikita at masusing ipinaliwanag ni Barge Ramos - isang fashion designer na kilala sa kanyang gawang mga Barong Tagalog - sa kanyang

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 95: Tradisyon at Kulturang Pinoy

libro, Pinoy Dressing: Weaving Culture into Fashion.

Ayon kay Ramos, posibleng sumunod sa makabago at pinaka-uso na kasuotan ngunit maging Pinoy na Pinoy pa rin ang dating nito. Naniniwala si Ramos na ang mga damit ng Pilipino ay kailangang ipinagmamalaki ang kasaysayan at kultura. Sinulat niya ang paniniwala niyang ito sa isang kolum sa pahayagang Malaya mula 1990-1995.

Ang ilan sa mga sinulat nya sa kolum na iyon ay siyang pinagsama-sama sa "coffee table book" na eto na siyang dumedetalye kung paano nahugis ng kasaysayan ang paraan ng pananamit, paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino.

Ang halimbawa ni Ramos ay ang Barong Tagalog na siyang pinilit na pinapasuot sa mga Pilipinong ilustrado noong panahon ng mga Kastila. Ang dahilan nito ay upang malaman ng mga Kastila kung may tinatagong armas o sandata ang mga Pilipino noon na siyang madaling makita dahil sa nipis ng tela ng Barong Tagalog.

LABIS ang kasiyahan ko matapos basahin ang keynote address ni Ricardo Ma. Nolasco, chairman ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

sa 2007 Nakem conference na isinagawa sa Mariano Marcos State University noong Mayo 23, 2007. It made my day, ika nga.

Una, dahil kinilala rin sa wakas ng pamahalaang nasyunal ang pagiging multilinggwal at multikultural ng mga Pilipino. Sa talumpati ni Dr.

Nolasco -- ang pinakamalinaw na policy statement ng gobyerno, sa aking palagay, ukol sa paglinang ng ating mga wika -- binigyang diin na hindi kahinaan, kundi lakas, ng bansa ang mahigit nitong 170ng wika. Pangsampu tayo sa buong daigdig na may pinakamaraming

wika, aniya.

Ang ikalawang dahilan ay maaaring ma-misinterpret ng iba nating kababayan, gaya ng walang kwentang away sa pagitan ng ilang tinatawag na A-list Pinoy bloggers, na umani ng maanghang na

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 96: Tradisyon at Kulturang Pinoy

reaksyon ni Gibbs Cadiz; sana naman ay hindi. Pero natutuwa akong nangyayari ang pagbabagong ito sa pananaw ng Komisyon sa

pangunguna ng isang Bikolano, na tulad ni Gibbs ay tubong-Sorsogon.

At pangatlo, salig sa pagkilala ng ating pagka multilinggwal at multikultural, ang bagong bisyon at misyon ng KWF ay nagbibigay-

sigla sa mga kagaya ko na nais ding payabungin at pagyamanin ang sarili naming wika -- ang Bikol na ayon kay Irvin Sto. Tomas "ay may 2.5 milyong neytiv ispiker (1990 sensus) ... at sinasalita sa malaking

bahagi ng Camarines Sur at Albay, bahagi ng Camarines Norte, Catanduanes at Sorsogon at Burias Island ng Masbate."

Isa sa mga natutunan ko nang bumalik ako sa paaralan noong 2004 ay ang konsepto ng "paradigm shift." Inimbento ni Thomas Kuhn, isang Amerikanong intelektwal, ang ideyang ito upang ipaliwanag ang mga

mga pagbabagong nagaganap ("scientific revolutions") sa larangan ng siyensya.

Halimbawa, nuong unang panahon, naniniwala ang mga tao na ang daigdig ang sentro ng uniberso; kilala ito bilang ang geocentric model

ni Ptolemy. Kahit ang Simbahang Katoliko ay nanghawakan dito hanggang sa Middle Ages, anupat napilitan ang sikat na astronomong

si Galileo na talikuran ang kanyang unang paninindigan na umiikot ang daigdig sa araw, kasuwato ng heliocentric model ni Copernicus.

Subalit naglaon, napatunayang mali si Ptolemy at tama si Copernicus, anupat si Pope John Paul II mismo ay nagsabi noong 1992 na tama pala

si Galileo at nagkamali ang simbahan, although in good faith. Isang paradigm shift ang binuong modelo ni Copernicus, at malawakang

binago nito ang pananaw ng tao ukol sa uniberso.

Maituturing din na isang paradigm shift ang bagong bisyon at misyon ng KWF sa pangunguna ni Nolasco. Sa mga puristang makikitid ang

utak, isang erehe lang ang makapagsasabing, "Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon -- sa

katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam -- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa, sa kapabayaan ng mahigit na 170ng wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-

alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Ingles, o sa mas eksaktong pormulasyon, ang Philippine English."

Pero ayon sa Pranses na si Victor Hugo, "There is nothing more powerful than an idea whose time has come." Naniniwala akong tama at napapanahon ang landas na tinatahak ng mga erehe sa KWF. Ito rin ang landas na tinatahak ng mga Bikolanong manunulat, kabilang na

ang tumutula, umaawit, nagkukwento, nagsasadula at

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 97: Tradisyon at Kulturang Pinoy

nakikipagtalakayan sa wikang Bikol, na naniniwalang tapos na ang panahon ng mga tawong lipod sa literaturang Bikolnon.

An sabi ngani kaiyan ni Frank Peñones: "Sa panahon na ini 'dai na maninigo an metapora kan mga taong lipod sa mga parasurat na

Bikolano huli ta igwa nang pag-uswag, pagdakol kan mga parasurat asin pagdugang man kan saindang produksyon.'" Sa saiyang rebyu kan libro ni Peñones, si Kristian Cordero nagsumpay: "An koleksyon na ini sarong dakulang dugang sa nagtatambo tang literatura na haloy bago

nakabutas sa imahe kan mga tawong lipod na ngonyan luhay-luhay nang namamansayan, namamatian kadungan kan naglalawig na

terasa kan literaturang Bikol."

Bilang tugon sa layunin ng Komisyon, pinagtibay kahapon sa planning workshop ng pamahalaang panlungsod ng Naga ang pagbuo ng isang

lokal na institute bago matapos ang taon; ito ang mangunguna sa pag-stardardize ng Bicol-Naga, sa tulong ng isang modernong Bicol-English

dictionary.

Hindi ba mas mainam na makita ang bawat Pilipino na mahusay sa tatlong wikang kailangan para sa matatag na kinabukasan ng bansa --

ang wikang kinamulatan, ang wikang Filipino at ang Ingles -- upang ang Buwan ng Wika bawat Agosto ay maging pagdiriwang ng kanyang

kakayahang harapin ang matinding hamon ng bukas?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 98: Tradisyon at Kulturang Pinoy

TATAK NG ATING PAGKA-PILIPINOSession Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga kaugaliang Pilipino2. Naipaliliwanag kung bakit ang mga nabanggit na katangian at

kaugalian ng Pilipino ay nakatutulong sa ating pag-unlad3. Nasusunod ang mga paraan sa paggawa ng isang mabuting desisyon4. Nakapagmamalaki sa iba bilang isang Pilipino5. Naipakikita ang sariling pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay

II. PAKSA

A. Aralin 1 : Ang Katangian at Kaugaliang Pilipino na Nakatutulong sa Pag-unlad

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay

B. Kagamitan : Radio casette at tape

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

Ipaalaala sa mag-aaral ang ilang kaugaliang Pilipino na napag-aralan tulad ng:- pagtanaw ng utang na loob- pakikisama- hiya- lakas ng loob o katapangan- pagbibigay ng pabor o espesyal na pagtatrato- pagtanggap ng lagay

Kunin ang kanilang reaksiyon tungkol sa mga kaugaliang ito

2. Pagganyak

Iparinig ang isang awitin

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 99: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Talakayin ang tungkol sa mensahe ng awit Ipatukoy ang mga katangian at ugali na nabanggit sa awit Ipahambing sa talaan na ginagawa bilang karagdagang gawain

noong huling sesyon Ipapili sa talaan ang kanais-nais at hindi kanais-nais

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Buksan ang Basahin Natin Ito sa pahina 2-6. Ipabasa ang diyalogo at talakayin ang pinag-usapan ng Nanay

at si Dane. Pasagutan ang Magbalik-Aral Tayo sa pahina 6. Ipahambing ang mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa

pahina 28. Pumili ng magkapareha o partner

2. Pagtatalakayan

Pabuksan ang Modyul sa pahina 4 at 5 at ipabasa ng may damdamin ng magkapareha ang dayalogo. Pumili pa ng isa na makakasama upang gumanap na announcer sa radio.

Ipaalaala ang mga panuntunan sa pakikinig at panonood. Ipasagot sa mag-aaral ang mga tanong na nakasulat sa papel

sa pitong grupo na may kanya-kanyang lider, kalihim at taga-ulat. (Tingnan ang tanong sa pahina 6 at 7).

Hayaang magkaroon ng talakayan ang bawat grupo. Matapos ang talakayan bigyan ng panahon na magbigay ng ulat

ang bawat grupo.

3. Paglalahat

Ipakita at talakayin ang mga larawan sa Subukan Natin Ito, pahina 9 upang maunawaan ang mga katangian, kaugalian ng Pilipino.

Bilang isang Pilipino pagsalaysayin sila ng reaksiyon nila tungkol sa katangian at kaugaliang ito.

Ipasagot din ang Subukan natin Ito na nasa pahina 13. Bigyang panahon na bigyan ng pagpapatunay ang kanilang sagot.

4. Paglalapat

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 100: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Upang matukoy ang katangian o kaugaliang ipinakikita sa bawat bilang.

Buksan ang pahina 13 ng Modyul. Pasagutan ang mga tanong sa Subukan Natin Ito, pahina 13. Ihambing ang mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina

30.

5. Pagpapahalaga

Buksan ang pahina 12 ng Modyul Ipasubok ang Moral Grid at ipasagot ang mga tanong dito. Ipasuri sa kanila ang kahulugan ng awiting ito sa mga Pilipino. Ipaawit ang “Ako Ay Pilipino” ng may damdamin.

IV. PAGTATAYA

Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tama o mali ang patlang.

_______ 1. Masayahin tayong mga Pilipino sa kabila ng kahirapan. _______ 2. Mangutang ka upang makapaghanda tuwing pista. _______ 3. Kailangang gumastos ng malaki at magkaroon ng marangyang handaan tuwing pista. _______ 4. Maaaring maging masaya kahit kakaunti lamang ang handaan sa pista. _______ 5. Nagiging malapit ang pagtuturingan ng mag-aaral kung palaging nagtitipun-tipon. _______ 6. Ang pagmamano ay isang magandang kaugaliang Pilipino. _______ 7. Ang pananampalataya sa Diyos ay mahalaga. _______ 8. Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino noong manalo si Pacquiao. _______ 9. Ang pag-aabuloy ay isang kaugaliang dapat ipagpatuloy. _______10. Ang pagtulong sa mahihirap at sa mga katutubo ay nararapat lamang.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Gumawa ng talaan ng mga Katangiang Pilipino na nagiging sagabal sa ating pag-unlad. Sabihin kung bakit ito ay sagabal.

Talakayin ito sa susunod na sesyon.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 101: Tradisyon at Kulturang Pinoy

TATAK NG ATING PAGKA-PILIPINOSession Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga katangian at kaugaliang nakasasagabal sa ating pag-unlad kaya nararapat na baguhin

2. Nasasabi ang dahilan at katwiran kung bakit kailangang baguhin ang mga ito

3. Naisasagawa ang pangunguna sa pagtulong at pagpapalaganap ng pagbabagong kinakailangan upang umunlad

4. Naipapamalas ang pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay

II. PAKSA

A. Aralin 2 : Mga Kaugalian at Katangiang Pilipino na Mabubuting Baguhin

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay : Pansariling kamalayan, kasanayang magdesisyon

B. Kagamitan : Comic Strip, Tula : Bahala Na Radio Cassette : Tape-Instrumental Praise Music

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:

1. Anu-ano ang mga katangian o kaugaliang ipinakikita ng mga Pilipino.

2. Ano ang mga kaugaliang maganda subalit kailangan nang baguhin?

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 102: Tradisyon at Kulturang Pinoy

2. Pagganyak

Tula : Bahala Na!

Bahala na, ang sabi ng karamihanBahala na, ngayon at kailanmanBahala na palaging kawikaanAno man ang mangyari, Bahala na

Talakayin ang Tula

- Anong kaugalian ng Pilipino ang nabanggit sa tula?- Ano ang mensahe ng tulang “Bahala Na”?- Papaano ito magagawang positibo sa ating buhay?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ipabasa ang Kuwento sa pahina 16. Ipaalaala ang panuntunan sa wastong pakikinig. Paharapin sa katabing mag-aaral sa gawing kanan. Talakayin ang tungkol sa kuwento. Pasagutan ang mga tanong na nasa Magbalik-Aral Tayo

sa pahina 17. Itanong: Kung kayo si Mang Bert, ano ang dapat na

ginawa mo? Pagtibayin ang desisyong ito.

2. Pagtatalakayan

a. Ibigay ang sumusunod na mga kasabihan na nakasulat sa kartolina sa dalawang pangkat.

Pangkat I

Pangkat II

Itanong:

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

“ Huwag mo nang ipagpabukas ang magagawa mo ngayon. Baka ang bukas ay hindi na dumating at maging huli na ang lahat”.

“ Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

Page 103: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Anong kaugaliang Pilipino ang nakikita dito. Kailangan bang baguhin ito? Ipaliwanag.

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng:

- “Mañana habit”- Bahala na ang Diyos

b. Ipasuri ang mga larawan sa pahina 18 ng Modyul – sa dalawang pangkat

Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:

- Ano ang nakikita mo sa larawan?- Anong kaugalian ang ipinakikita nito?- Saan inihahalintulad ang damo sa larawan?- Ano ang mga makikita sa ugaling “Ningas

Kugon”- Ipaulat ang mga sagot

c. Ipabasa ang komik strip sa pahina 19.

Ipasagot ang mga tanong sa pahina 20. Kunin ang mga kuro-kuro ng mag-aaral.

Ipasabi kung ito ay mabuting kaugalian. Bigyan ng paliwanang kung bakit?

3. Paglalahat

Ipabasa ang Aralin Natin sa pahina 22 at Basahin Natin pahina 23.

Pabayaang ang mag-aaral ang sumulat ng napag-aralan nilang katangiang Pilipino na maipagmamalaki.

Pagbigayin din ng mga kaugaliang dapat na baguhin upang makatulong sa pag-unlad.

Gamitin ang Tsart sa pagsagot dito:

Mga Katangiang DapatPanatilihin/Palaguin

Mga Katangian DapatBaguhin

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 104: Tradisyon at Kulturang Pinoy

4. Paglalapat

Ipasaloob sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin batay sa mga napag-aralang mga kaugaliang nakatutulong at nakasasagabal sa pag-unlad. Himukin ang mag-aaral na magpahayag ng mg katangian na dapat mabago.

- Ipasulat ang mga natalakay sa kanilang journal.

5. Pagpapahalaga

Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang pahayag ay iniisip at ginagawa mo at ekis (x) naman kung hindi.

_______ 1. Iniisip kong kasalanan ng mahihirap kung manatili silang dukha.

_______ 2. Sinisikap kong unawain ang kahinaan ng iba._______ 3. Nahihirapan akong makibagay sa kasamang mahina ang ulo._______ 4. Pantay-pantay ang pagtingin at pakikitungo ko sa mga kasamahan._______ 5. Kung may di-pagkakaunawaan, pinakikinggan ko ang lahat ng panig._______ 6. Pakiramdam ko mas mabuti akong tao kaysa sa iba._______ 7. Tutol ako sa “padrino system”. Hindi ko ito gagawin._______ 8. Kahit hindi bagay sa akin basta susunod ako sa uso._______ 9. Masipag lamang ako sa simula_______ 10. Nagsisikap ako na tapusin ang gawain. Hindi ko na

ito ipinagpapabukas pa.

IV. PAGTATAYA

Isulat ang P kung ang katangian at kaugalian ay dapat pagyamanin at B kung nararapat baguhin.

_______ 1. Pagmamahal sa pamilya

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 105: Tradisyon at Kulturang Pinoy

_______ 2. Masipag at matiisin

_______ 3. “Mañana habit”

_______ 4. “Amor Propio”

_______ 5. Gaya-gaya

_______ 6. Pagiging masayahin

_______ 7. Ningas – Kogon

_______ 8. “Padrino system”

_______ 9. Tayo-tayo o kanya-kanya

_______ 10. Filipino time

V. KARAGDAGANG GAWAIN

A. Isagawa ang mga katangian na nais mong pagyamanin/baguhin

B. Magsaliksik ng mga kaugalian ng ibang lugar na naiiba sa mga napag-aralan sa araling ito

www.rockczar.com

MANUNURI NG PELIKULANG PILIPINO 

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 106: Tradisyon at Kulturang Pinoy

MIGUEL Q. RAPATAN

     Tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino 2005-2006. Propesor sa Departamento ng Komunikasyon sa De La Salle University. Sa pamamagitan ng Fulbright Grants, tinapos niya ang kanyang M.A. Communication (Documentary Film) sa Stanford University at Doctorate sa Communication, Computing and Technology in Education sa Teacher’s College ng Columbia University (New York). Si Dr. Mike ang naging editor, manunulat, at director ng di iilang mga documentary at pang-edukasyon na video at programa, tulad ng Sinaunang Habi, Trails to an Answer para sa UNICEF Manila, at The Shahani Perspective. Kasalukuyang Director ng Center for Educational Multimedia (CREM) sa De La Salle University - Manila.

 

GRACE JAVIER ALFONSO

     Tagapangulo, MPP, 2002-2003. BFA major in Painting, M.A. Art History in Humanities, Ph.D. Communication at Post-Doctoral courses in Media Studies, New School for Social Research, New York. Propesor at Founding Chairperson, Department of Film and Audio-Visual Communication, College of Mass Communication, University of the Philippines. Kinatawan para sa Women’s International Film Festival in Seoul, Korea 2003 at International Film Festival, Mannheim, Germany, 1987, 1988, 1989. Kasapi ng Film Committee, National Commission on Culture and the Arts 1989-91, at konseho, Founding President, Film School Board of the Philippines. Tagapangulo, UP Film and Video Festival 1998-hanggang ngayon. Chancellor, UP Open University. Kolumnista, Daily Tribune.

 

BUTCH FRANCISCO

    Tagapangulo, MPP, 1989-91. Nagtapos ng Creative Writing (screenwriting) sa Harvard University noong 1998. Kasalukuyang miyembro ng Cinema Evaluation Board at host ng Star Talk ng GMA. Nagrebyu ng mga pelikula tuwing

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 107: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Biyernes sa Butch Review, isang segment ng Cristy per Minute ng ABS-CBN. Naging host ng Showbiz Lingo sa ABS-CBN tuwing Linggo. Nagkolum sa People’s Journal at Times Journal. Nagsulat ng mga rebyu at panayam sa Philippine Daily Inquirer. Kolumnista sa The Philippine Star. Dating managing editor ng TV Times, Parade Magazine at We Forum at kolumnista at editor sa Malaya. Naging media director ng Film Academy of the Philippines. Nakapaglathala ng mga rebyu at artikulo sa Panorama at Sunday Magazine. Nagtapos ng Journalism sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Hurado sa Gawad Telebisyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ( CCP ), 1987 at 1989, sa Metro Manila Film Festival mula 1990 hanggang 1993, sa Catholic Mass Media Awards 1990-91, CCP Short Film and Video Festival 1991, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) Award, 1990-91.

 

MARIO A. HERNANDO

     Tagapangulo ng MPP noong 2001-2002, 1985-86 at 1992-94. Editor ng Weekend Malaya. Dating Managing Editor ng pahayagang Malaya at Sunday Magazine ng Malaya. Kasapi sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) . Special lecturer sa film sa Faculty of Arts and Letters sa UST. Nagrebyu ng mga pelikula sa Movie Magazine, isang programa sa television na naging Channel S, sa loob ng pitong taon. Naging co-host ng Stars and Spies (naging S.S.S.), isang primetime talk show ng IBC 13, Hollywood Manila sa PTV4, Pamana ni Brocka sa PTV4, Tele-Vi sa PTV4, Editor ng isang aklat ang Lino Brocka: The Artist and His Times (nilimbag ng CCP, 1993). Kinatawan ang Pilipinas sa International Film Festival of Tashkent sa USSR noong 1988, International Film Festival of India sa Calcutta noong Enero 1990, Telluride at New York Film Festival sa Amerika noong 1991, ASEAN Film Week sa Singapore noong 1994, Focus on Asia 1996, Fukuoka International Film Festival, at 1999 Chicago International Festival. Kinatawan din ang Pilipinas sa International Visitor Program ng United States Information Service sa pitong lungsod sa Estados Unidos noong 1991. Hinirang na hurado ng FAMAS noong 1974, Catholic Mass Media Awards mula 1976-1980, Short Film Festival ng Experimental Cinema of the

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 108: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Philippines, Film and Video Festival ng CCP, Gawad CCP para sa Telebisyon, at Metro Manila Film Festival. May akda ng lathalaing nilimbag sa apat na libro sa pelikula at mass media.

 

BIENVENIDOLUMBERA

     Tagapangulo ng MPP, 1977-78, 1980-81. Ginawaran ng Ramon Magsaysay Award noong 1993, ng Gawad CCP para sa Sining (cultural research) noong 1991, at CCP Centennial Honor for Arts noong 1999. Dating director ng UP Film Center, propesor ng Panitikang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, at dating editor ng Sagisag at Diliman Review. Nagtapos ng M.A. at Ph. D sa Comparative Literature sa Indiana University. Naging exchange professor sa Osaka University of Foreign Studies noong 1985-1988. Professor Emeritus sa College of Arts and Letters, UP. Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan 2006.

 

DR. NICANOR G. TIONGSON

     Propesor sa UP Film Institute. Dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Naging Chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Noong 1998, isa siya sa isandaang manggagawang pangkultura na tumanggap ng CCP Parangal sa Sining at Kultura. Nagsilbi siya bilang artistic director at bise presidente ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1986-1994) at visiting professor sa Osaka University of Foreign Studies, Japan (1994-1998). Siya ay kasaping tagapagtatag at dating pangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Bilang iskolar, nakapagpalimbag na siya ng ngayo’y kinikilalang pag-aaral sa senakulo, komedya at sarsuwela, at pati na rin ng maraming artikulo sa dula, pelikula, panitikan, kasuotan, at kulturang Pilipino sa mga dyornal na lokal at internasyonal. Siya ang editor ng 10-bolyum na CCP Encyclopedia of Philippine Art at ng Tuklas Sining ng CCP, ang 28 video at monograph tungkol sa Sining na Pilipino.Inedit din niya ang dalawang antolohiya ng mga sanaysay ng Manunuri,

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 109: Tradisyon at Kulturang Pinoy

ang The Urian Anthology 1970-1979, at The Urian Anthology 1980-1989. Nakapagsulat na rin siya sa ng mga libretto para sa sayaw, tulad ng Siete Dolores, Adarna at Realizing Rama at ng iskrip para sa mga video documentary tungkol sa mga dula, kasuotan at tradisyong Pilipino. Siya at ang kanyang mga akda ay tumanggap ng mga gawad mula sa Manila Critics Circle, Surian ng Wikang Pambansa, UP Alumni Association, at National Research Council of the Philippines.

 

ROLANDO B. TOLENTINO

     Associate Professor sa Departamento ng Pelikula at Awdyobiswal na Komunikasyon, Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Acting Director ng U.P. Film Institute. Nagkamit ng Ph. D. sa Film, Literature and Culture sa School of Cinema-Television, University of Southern California sa tulong ng Fulbright Grant. Sumulat ng mga artikulo hinggil sa kultura at pelikula sa iba’t ibang babasahin at aklat tulad ng Screen, Social Text, Film Appreciation Journal, Amerasia Journal, Asian Cinema, Refiguring Spain, Filipiniana Reader, Ani, Diliman Review, Foreign Relations Journal, Philippines Studies at Philippine Japan Relations Towards the 21st Century, Transnational Asia Pacific. Awtor ng Richard Gomez at ang Mito ng Pagkalalaki, Sharon Cuneta at ang Perpetwal na Birhen, at ibang pang sanaysay ukol sa bida sa pelikula bilang cultural na teksto (Anvil), National/Transnational: Subject-Formation, Media and Cultural Politics in and on the Philippines (Ateneo de Manila University Press), at Geopolitics of the Vissible: Essays on Philippine Film Cultures (Ateneo de Manila University Press).

 

LITO B. ZULUETA

     Pinuno, Literary Arts Committee, National Commission for Culture & the Arts. Miyembro, Technical Panel on the Humanities, Commission on Higher Education. Tagapangulo, MPP, 2004-2005. Peryodista at editor. Nagtapos ng A.B. Journalism sa Faculty of Arts and Letters ng Unibersidad ng

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]

Page 110: Tradisyon at Kulturang Pinoy

Sto. Tomas. Naging Associate Editor ng Manila Chronicle kung saan siya nagwagi ng Best Editorial noong 1993 sa Journalism Awards ng Manila Rotary Club. Ang kanyang mga review at kritisismo ay regular na lumalabas sa Philippine Daily Inquirer (PDI) at Metro Magazine. Sumulat ng mga dokumentaryong pangtelebisyon tulad ng Revolucion, ang natatanging dokumentaryo ng ABS-CBN para sa sentenaryo ng kalataan ng Pilipinas noong 1998. Siya ang katulong ng director ng UST Creative Writing Center. Tagapayo ng The Varsitarian, opisyal na pahayagan ng mga Tomasino at Special Lecturer. Sa PDI, siya’y isang patnugot at editorial writer.

Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 [email protected]