8
D apat ubos-kayang labanan at wakasan ang pag- hahari ng pambansang traydor na si Duterte. Ki- nabukasan ng buong bayan at buhay ng bawat Pilipino ang nakasalang sa patuloy na paninikluhod niya sa mga imperyalistang kapangyarihan. Mistulang inialay na ni Duterte sa altar ng China ang karagatan at likas yaman ng bansa kapalit ng ma- tatabang kontrata na pinagkakakitaan niya at ng kap- wa niyang mga burukratang kapitalista. Sa kabilang panig, lalo pa niyang pinahigpit ang paggamit ng US sa buong Pilipinas bilang malaking base militar nito bilang sukli sa tuluy-tuloy na ayudang militar sa kanyang ma- dugong teroristang gerang "kontra-insurhensiya" at "kontra-droga." Dahil sa natatamo niyang pakinabang, bingi si Duterte sa sigaw ng bayan para ipaglaban ang tunay na kalayaan at ipagtanggol ang interes ng bansa sa harap ng nagtu- tunggaling mga imperyalistang kapangyarihan. Kung ma- nanatili sa poder si Duterte, tiyak na lalong bibigat ang pasan ng Pilipinas na dayuhang dominasyon, lulubha ang kinasasadlakan nitong krisis at titindi ang pasistang pag- supil sa makabayan at demokratikong kilusan. Ang kalagayan ngayon ng Pilipinas ay mahigpit na nakaugnay sa kasalukuyang kalagayan sa buong mundo na kinatatampukan ng tumitinding tunggalian ng mga imperyalistang kapangyarihan sa ekonomya at kalaka- lan, diplomasya, pulitika at militar. Habang nagtatagal ang di malutas-lutas na krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, lalong sisidhi ang mga kontradiksyong ito at lalong titindi ang hambalos nito sa Pilipinas at iba pang mga bansang malakolonya o hindi ganap na malaya. Nasa gitna ng mga tunggaliang ito ang pangunahing mga imperyalistang kapangyarihan, una na ang imper- yalismong US na nananatiling pinakamakapangyarihan sa buong daigdig dahil sa dambuhalang makinaryang militar nito na nakakalat sa buong mundo. Mahigpit na hinahamon ng iba't ibang imperyalistang kapangyarihan ang paghahari ng US, laluna ng Russia sa larangang mi- litar, at ng China sa larangan ng ekonomya. Sa desperasyon ng US na mapangibabawan ang in- ternal nitong krisis sa ekonomya, nagkukumahog itong ibalik ang solong paghahari. Nilalabanan ng US ang na- bubuong bagong hatian sa mundo (sa usaping militar at pamumuhunan) sa pagitan ng mga imperyalista kung EDITORYAL

cpp.ph · sa anyo ng mga pautang at mala-wakang konstruksyong pang-imprastruktura ay tangkang pigi-lan ang pagdausdos ng China sa krisis. Bahagi ng mga desperadong hakbang na ito

  • Upload
    vukiet

  • View
    235

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo L Bl g. 1 4

H ul yo 2 1 , 2 01 9

Dapat ubos-kayang labanan at wakasan ang pag-hahari ng pambansang traydor na si Duterte. Ki-nabukasan ng buong bayan at buhay ng bawat

Pilipino ang nakasalang sa patuloy na paninikluhod niyasa mga imperyalistang kapangyarihan.

Mistulang inialay na ni Duterte sa altar ng Chinaang karagatan at likas yaman ng bansa kapalit ng ma-tatabang kontrata na pinagkakakitaan niya at ng kap-wa niyang mga burukratang kapitalista. Sa kabilangpanig, lalo pa niyang pinahigpit ang paggamit ng US sabuong Pilipinas bilang malaking base militar nito bilangsukli sa tuluy-tuloy na ayudang militar sa kanyang ma-dugong teroristang gerang "kontra-insurhensiya" at"kontra-droga."

Dahil sa natatamo niyang pakinabang, bingi si Dutertesa sigaw ng bayan para ipaglaban ang tunay na kalayaanat ipagtanggol ang interes ng bansa sa harap ng nagtu-tunggaling mga imperyalistang kapangyarihan. Kung ma-nanatili sa poder si Duterte, tiyak na lalong bibigat angpasan ng Pilipinas na dayuhang dominasyon, lulubha angkinasasadlakan nitong krisis at titindi ang pasistang pag-supil sa makabayan at demokratikong kilusan.

Ang kalagayan ngayon ng Pilipinas ay mahigpit nanakaugnay sa kasalukuyang kalagayan sa buong mundona kinatatampukan ng tumitinding tunggalian ng mgaimperyalistang kapangyarihan sa ekonomya at kalaka-lan, diplomasya, pulitika at militar. Habang nagtatagalang di malutas-lutas na krisis ng pandaigdigang sistemangkapitalista, lalong sisidhi ang mga kontradiksyong ito atlalong titindi ang hambalos nito sa Pilipinas at iba pangmga bansang malakolonya o hindi ganap na malaya.

Nasa gitna ng mga tunggaliang ito ang pangunahingmga imperyalistang kapangyarihan, una na ang imper-yalismong US na nananatiling pinakamakapangyarihansa buong daigdig dahil sa dambuhalang makinaryangmilitar nito na nakakalat sa buong mundo. Mahigpit nahinahamon ng iba't ibang imperyalistang kapangyarihanang paghahari ng US, laluna ng Russia sa larangang mi-litar, at ng China sa larangan ng ekonomya.

Sa desperasyon ng US na mapangibabawan ang in-ternal nitong krisis sa ekonomya, nagkukumahog itongibalik ang solong paghahari. Nilalabanan ng US ang na-bubuong bagong hatian sa mundo (sa usaping militar atpamumuhunan) sa pagitan ng mga imperyalista kung

Tunay na kalayaan, ipaglaban!Paghahari ni Duterte, wakasan!

EDITORYAL

Hulyo 21 , 2019 ANG BAYAN2

Ang Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

Tomo L Bl g. 14 | H ul yo 2 1 , 2 01 9

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay i ni l a l abas sa

wi kang Pi l i pi no, Bi saya, I l oco,

H i l i gaynon, Waray at I ngl es.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontri busyon sa anyo ng mga

arti kul o at bal i ta. H i ni hi kayat di n ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

i kauunl ad ng ati ng pahayagan.

ANG

instagram.com/progressiveviews

@prwc_info

[email protected]

Editoryal: Tunay na kalayaan, ipaglaban!Paghahari ni Duterte, wakasan! 1

Todong liberalisasyon 3

Humihigpit na kontrol ng US sa Pilipinas 4

Writ of kalikasan, pwersahang pinaatras 5

#PayDayProtest, inilunsad 5

63rd IB at 87th IB, hinaras ng BHB 5

Bitak ng alyansang Duterte, lumalalim 6

Pamamayani ng huntang sibil-militar 7

Tangkang pagdukot, binigo 8

Paaralang Lumad, pinasasara 8

Liberalisasyon sa bigas 8

saan nababawasan ang mga lara-ngang dating nasa ilalim ng kanyangkontrol.

Sa kasaysayan, laging mahala-ga ang lugar ng Pilipinas sa estra-tehiyang geopulitikal ng mga im-peryalistang bansa. Pinagnanasa-han ito ng mga pandaigdigang ka-pangyarihan dahil nasa gitna ito ngmahahalagang ruta sa kalakalan,laluna sa paroo't parito mula saIndian Ocean patungo sa East atSoutheast Asia.

Sa nagdaang mahigit isang sig-lo, ipinataw ng imperyalismong USang kapangyarihan nito sa Pilipinas,una sa pamamagitan ng tuwirangkolonisasyon at, sa malaon, sa pa-mamagitan ng di-tuwirang kontrol.Ang mga base militar ng US sa Pili-pinas ay ginamit na lunsaran ngmga pwersang militar para sa ge-rang agresyon mula Vietnam hang-gang Middle East, gayundin, para sapagpapalawak ng merkado para samga produktong Amerikano sa Asia,laluna sa China. Halos tatlong de-kada na mula nang binaklas angmga baseng ito, pero nananatiling

nakaistasyon ang daan-daang sun-dalong Amerikano sa Pilipinas atparami nang parami ang mgaeksklusibo nilang pasilidad sa loobng mga kampo ng AFP.

Ang pagkakapailalim ng Pilipi-nas sa kolonyal at malakolonyal napaghahari ng US ang pinakamala-king balakid sa pag-unlad at pagsu-long ng Pilipinas. Ang ekonomya ngPilipinas ay pinaghaharian ng mgakorporasyong Amerikano at dini-diktahan ng USAID, ng IMF-WB atmga bangko at institusyon sa pi-nansya na hawak ng US.

Lumitaw ang China bilang isangkapitalistang kapangyarihan simulakalagitnaan ng dekada 2000. Ipi-nang-akit nito ang daan-daangmilyong manggagawang mababaang sahod upang higupin ang pro-duktibong kapital, laluna mula saUS. Hindi nagtagal, babahain ngmurang mga kalakal mula sa Chinaang pandaigdigang merkado. Sakasalukuyan, binabagabag angChina ng pagbagal ng produksyondahil sa pagkasagad ng merkado ngsobra-sobrang mga produktong

pangkonsumo at pangkapital. Angpaspasang pag-eeksport ng kapitalsa anyo ng mga pautang at mala-wakang konstruksyong pang-imprastruktura ay tangkang pigi-lan ang pagdausdos ng China sakrisis.

Bahagi ng mga desperadonghakbang na ito ang pagpapalakasng presensya ng China sa Pilipinassa nagdaang mga taon, partikularna ang malakihang paghuthot ngmineral at iba pang likas na yamanng bansa. Nakikipag-unahan nga-yon ang China sa US at iba pangmga kapitalistang kapangyarihan sapagsaid sa kayamanan ng Pilipinas.Kasabay nito, nagbubuhos ito ngpautang para sa mga proyektongpang-imprastruktura para ipambiling sobra-sobrang semento at aseromula sa kanila.

Batid ng China na ang Pilipinasay balwarteng militar ng US na gi-nagamit nitong daungan, paliparanat lunsaran ng mga sasakyan at ka-gamitang pandigma. Sa mahabangpanahon, ginamit ng US ang Pilipi-nas upang pagharian ang SouthChina Sea at kontrolin ang kalaka-lang dumadaan dito. Nakikita ngChina ang halaga na palakasin angpresensya at pag-impluwensya nitosa Pilipinas sa harap ng tumitindingpakikipagtunggalian nito sa US.Kaya ganoon na lamang ang paggi-giit nitong kontrolin at angkinin angmalawak na karagatan sa kanlurangbahagi ng Pilipinas, dambungin angyamang-dagat at itayo roon angkanyang mga pasilidad militar.

Ang Pilipinas sa ngayon ay nasagitna ng nag-uumpugang imperya-listang kapangyarihan. Dapat pag-ibayuhin ng sambayanang Pilipinoang kanilang pakikibaka para sa tu-nay na pambansang kalayaan mulasa kontrol ng US at laban sa pang-hihimasok ng China.

Ang pakikibakang ito sa ngayonay nakatuon pangunahin laban sapambansang traydor na si Duterte.Dapat siyang labanan, singilin atpapanagutin sa ginawa niyang pag-lapastangan sa kalayaan at sobe-ranya ng Pilipinas.

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2019 3

Una, dapat batikusin ang pag-suko niya sa China ng mga karapa-tan sa South China Sea, kabilangang soberanong karapatan sa"exclusive economic zone" ng Pili-pinas. Dapat din siyang pagbayarinsa korapsyon at pagpapayaman sapinasok niyang maanomalyang mgakasunduan at kontrata sa pautang.

Kasabay nito, dapat dingpuspusang ilantad ang panga-ngayupapa ni Duterte sa imper-yalismong US. Dapat ilantad itobilang pangunahing imperyalis-tang kapangyarihan sa Pilipinas,laluna sa pagtatangka nitong ga-mitin ang protestang bayan labansa China para ikubli o bigyang-matwid ang papatinding panghi-himasok at paggamit sa Pilipinaspara sa kanyang interes militar.

Dapat labanan, singilin at pa-panagutin si Duterte sa pagbibi-gay-daan niya sa pagpapalakas ngpresensya ng pwersang militar ngUS sa bansa, sa ilalim ng Operati-on Pacific Eagle-Philippines, at sapamamagitan ng parami nang pa-raming mga ehersisyo at maniob-rang militar ng US sa Pilipinas.Dapat labanan ang dikta ng US nabaguhin ang Konstitusyong 1987para ganap na ibuyangyang angekonomya ng bansa sa kapakina-bangan ng dayuhang malalakingkapitalista, Amerikano man oChinese. Isinusulong ito ngayon niDuterte upang ilusot ang kanyangbogus na pederalismo o ibangpagbabago para tiyakin ang pag-papalawig sa kapangyarihan ngkanyang pamilya.

Dapat batikusin ang US atang China sa pagbibigay ng su-porta sa tiranikong paghahari niDuterte, at singilin ang mga ito,laluna ang US, sa pag-aarmas sakanyang mga pasistang tauhan.Ang nakukuhang suportang mili-tar ni Duterte mula sa US angnagbibigay sa kanya ng lakas ngloob na ipagpatuloy ang walang-habas na maramihang pagpatay,pampulitikang pag-usig at pag-supil sa lahat ng lumalaban sakanyang paghahari.

Adyendang lehislatibo parasa todong liberalisasyon

Sa darating na State of theNation Address ni Rodrigo

Duterte sa Hulyo 22, tiyak namuli siyang magpapamalas ngtahasang pangangayupapa saimperyalista niyang among USsa pamamagitan ng pagpra-yoritisa sa neoliberal na mgareporma sa ekonomya. Angmga repormang ito ay matagalnang itinutulak ng US sa ilalimng The Arangkada Philippi-nes Project (TAPP).

Layunin ng natu-rang mga repormangang isagad ang liberalisa-syon ng lokal na ekonomya sapamamagitan ng pagpapaluwag otuluyang pagbabaklas ng mgarestriksyon sa pamumuhunan ngmga multinasyunal at mga subsid-yaryo nito. Sa nakaraang tatlongtaon, sunud-sunod nang naglabassi Duterte ng mga kautusang ehe-kutibo, gayundin ang mga ahensyang gubyerno, para paisa-isang ilu-sot ang mga hakbanging neoliberal.

Pag-amyenda sa PSAKabilang sa mga target na pa-

sukin ng mga multinasyunal angsubsektor ng telekomunikasyon attransportasyon na bahagi ng pam-publikong mga utilidad. Batay sadepinisyon sa reaksyunayong ba-tas, ang pampublikong mga utilidaday yaong mga “bagay o serbisyongkinakailangan ng isang komuni-dad.” Dahil itinuturing na estrate-hikong mga empresa, isinasaad saKonstitusyong 1987 na hindimaaaring humigit sa 40% ang day-ong pagmamay-ari sa mga pampub-likong utilidad. Gayunpaman, wa-lang patumanggang nilalabag angbatas na ito at marami sa mga kum-panya sa telekomunikasyon attransportasyon ay hawak na ng da-yuhang kapital. Nagagawa ito sapamamagitan ng pagpapautang atsosyohan sa mga lokal na kumpra-

dor.Para ituluyang baklasin ang na-

titira pang proteksyon sa subsektor,itinutulak ng rehimen ang pag-am-yenda sa Public Services Act (PSA obatas sa pampublikong mga serbi-syo). Alinsunod sa rekomendasyon ngTAPP, tatanggalin sa listahan ngpampublikong mga utilidad ang tele-komunikasyon at transportasyon.Ililimita na lamang ang saklaw nito sa“distribusyon at transmisyon ng kur-yente, serbisyong patubig at sewe-rage.” Sa pamamagitan nito ay pahi-hintulutan na ang mga dayuhan nabuong-buong makapagmay-ari atmangasiwa ng mga kumpanya sa mgaindustriyang ito. Nabigong ilusot ngkanyang supermayorya ang panuka-lang ito bago magsara ang ika-17Kongreso noong nakaraang buwan.

Pag-amyenda sa FIAItinutulak rin ng US na amyen-

dahan ang Foreign Investment Act(FIA o batas sa dayuhang pamu-muhunan) para sa mas madalas napagrepaso at pagpapaiksi ng lista-han ng mga negosyo at propesyonna ekslusibong nakalaan para samga Pilipino. Ang listahang ito natinatawag na foreign investmentnegative list (FINL) ay nagbabawal

"Adyenda...," sundan sa pahina 4

Hulyo 21 , 2019 ANG BAYAN4

Kontrol ng US sa bansa, patuloy na humihigpit

LALONG HUMIHIGPIT ANG hawak ng US sa Pilipinas matapos ang ika-8 Bi-lateral Strategic Dialogue (BSD) sa pagitan ng dalawang bansa noong Hulyo15-16. Isinasagawa ang taunang BSD sa ilalim ng US-Philippines MutualDefense Treaty. Dinadaluhan ito ng matataas na upisyal ng gubyernong US atng Armed Forces of the Philippines.

Ang delegasyon mula sa US aypinangunahan ni Ambassador SungKim, kasama ang mga kinatawan ngState Department for East Asianand Pacific Affairs at Department ofDefense for Indo-Pacific SecurityAffairs. Tinatalakay dito hindi la-mang ang mga usaping militar kundipati ang mga usapin sa larangan ngpulitika at ekonomya.

Ginamit ng US ang dayalogoupang patuloy na igiit ang ka-pangyarihan nito sa Asia, laluna saharap ng girian nito sa China.Tinulak nito ang Pilipinas na isulongsa ASEAN o Association of South-east Asian Nations ang isang kon-dukta sa pinag-aagawang teritoryosa South China Sea upang kontrahinang pag-angkin ng China sa karaga-tang ito. Napagkasunduan din nasasama ang Pilipinas sa pagpapa-

kitang-lakas ng US sa tabing ng mgaoperasyong "freedom of navigation"sa anyo ng paglalayag ng mga bar-kong pandigma at pagpapalipad ngmga jetfighter sa teritoryo ng bansa.

Mas malaki rin ang gaganapingpagsasanay ng mga hukbong katihanng Pilipinas at US sa susunod nataon. Sa Salaknib 2020, muling sa-sanayin ang 1st Brigade CombatTeam (BCT) na binuo ng militar ngUS noong 2018. Katapat ng may1,500 tauhan ng BCT ang may 1,700sundalo naman mula sa US ArmyPacific Command. Layon ng Salaknibna mapahusay ang pagmamando ngmilitar ng US sa mga pwersa ng AFPpara sa mga gerang kumbensyunalat “kontra-terorismo.” Paghahandaito para sa malakihang mga labanan,ayon sa tagapagsalita ng PhilippineArmy na si Lt. Col. Ramon Zagala.

sa pagpasok at buong pagmamay-ari ng mga transna-syunal at mga dayuhan sa naturang mga negosyo at pro-pesyon.

Partikular na itinutulak ang probisyon para pahintu-lutan ang mga dayuhang propesyunal, lalo na yaong ga-ling sa mga imperyalistang bansa, na magtrabaho saPilipinas para sila ang iempleyo sa dayuhang mgakumpanya at lokal na subsidyaryo. Banta ito sa trabahong mga Pilipinong abugado, duktor, syentista, inhinyeroat iba pang propesyunal na mapipilitang umangkop sadayuhang mga rekisito sa ngalan ng "internasyunal napamantayan."

Noong Oktubre 2018, inilabas ni Duterte ang ExecutiveOrder 65 na nagpatupad sa pinakitid na FINL. Tinanggal ni-to sa listahan ang limang larangan sa pamumuhunan at ak-tibidad kabilang ang mga negosyo sa internet; pagtuturo sakolehiyo ng mga asignaturang hindi pampropesyunal; mgasentro para sa teknikal at bokasyunal na pagsasanay nahindi bahagi ng pormal na sistemang pang-edukasyon; mgakumpanya sa pinansya; at mga wellness center. Itinaas dinnito ang pwedeng pagmay-ariin ng mga dayuhan sa mgakontrata sa konstrukyon o pagkukumpuni ng pampublikongmga imprastruktura at proyektong pangkaunlaran mula

25% tungong 40%; at sa pribadong mga kumpanya ng radyomula 20% tungong 40%.

Sa kagyat, makikinabang sa agresibong mga hakbangna ito ang pagpasok ng kapital at tauhan mula sa Chinaalinsunod sa mga kundisyon ng pautang nito sa rehimen.

Iba pang mga hakbangKabilang pa rin sa mga rekomendasyon ng US ang

pag-amyenda sa Retail Trade Liberalization Act (batassa liberalisasyon ng pagtitingi). Layon nitong lalupangpababain ang minimum na kapital na ipupuhunan ng da-yuhang mga kumpanya sa pagtitingi mula $2.5 milyontungong $200,000.

Samantala, minamadali ni Duterte ang pagpapasa saikalawang pakete ng batas na TRAIN na tinaguriangTrabaho Bill. Layunin nitong pababain ang buwis sa kitang mga korporasyon mula 30% tungong 20% at bawasanang mga insentibang ibinibigay sa mga korporasyon saespesyal na mga sonang pang-ekonomya.

Sa pangkabuuan, mula nang maupo si Duterte sapoder, nagpatupad na siya ng hindi bababa sa 10 kautu-sang ehekutibong nagbibigay daan sa lansakang liberali-sasyon ng ekonomya.

Bago pa man ang BSD, naglaanna ang US ng $145.6 milyon ayudapara gamitin ng AFP sa 2019. Hindipa kabilang dito ang makukuhangbahagi ng militar ng Pilipinas sainaprubahan ni US President Do-nald Trump na $1.5 bilyong ayu-dang militar para sa mga bansa saAsia Pacific mula 2019-2023.

Kasabay ng BSD, sinimulan dinang Marine Aviation Support Activity(MASA) sa Marine Base Gregorio Limsa Ternate, Cavite. Dalawang beseskada taon ginaganap ang MASA nanilalahukan ng Marines at Air Forceng US at Pilipinas. Isa lamang angMASA sa nakahanay na 280 pinag-sanib na pagsasanay na nakatak-dang gawin sa bansa sa 2019.

"Adyenda...," mula sa pahina 3

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2019 5

63rd IB at 87th IB,

hinaras ng BHB

DALAWANG BESES NA hinarasng Bagong Hukbong Bayan(BHB)-Western Samar ang mgaelemento ng 63rd IB noong Hun-yo 16 sa Barangay Bay-ang, SanJorge, Samar. Dalawang sundaloang napatay. Tatlong elementorin ng 87th IB ang napatay saoperasyong haras ng BHB noongHunyo 27 sa Barangay Sto. Niño,Paranas.

Samantala, naglunsad ngpunitibong aksyon ang BHB labankay Sonny Moreno, myembro ngMilitary Intelligence Battalion(MIB) sa Poblacion, San Jose deBuan noong Hulyo 7. Nagingaktibo siya sa pagpapasurenderng mga sibilyan. Si Moreno ay ki-lalang masugid na kontra-rebo-lusyonaryong tauhan ng datingmeyor na si Ananias Rebato. Pi-narusahan ng BHB si Rebatonoong Oktubre 2018.

Protestang #PayDay, inilunsad

INILUNSAD NG MGA manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno ang #Pay-dayProtest noong Hulyo 15, isang linggo bago ang State of the Nation Addressni Rodrigo Duterte. Kinundena nila ang pambabarat ng rehimeng Duterte samga manggagawa, nagpapatuloy na patakaran ng kontraktwalisasyon atpangkalahatang kawalang trabaho sa buong bansa.

Nakiisa sa protesta ang mgamanggagawang bukid ng HaciendaBuenconsejo, E.B. Magalona, NegrosOccidental. Ayon sa mga manggaga-wa, wala nang laman ang kanilangmga pitaka. Iligal na nagsara ang as-yenda at tinanggal ang mga mangga-gawa. Ang abereyds nilang sinasahoday ₱150/araw lamang samantalangang minimum na sahod para sa mgamanggagawa sa Negros ay₱365/araw. Mayorya sa kanila aymay tatlo hanggang 24 na taon nangnagtatrabaho sa asyenda.

Sa Cebu, lumahok sa protestaang mga drayber upang kundenahinang pekeng modernisasyon ng mgadyip na sa esensya ay pagpatay sa

kanilang kabuhayan. Sa Davao City,iligal na hinalughog ng mga pulis angmga gamit ng mga nagpuprotestangaktibista sa harap ng lokal na upisinang Department of Labor andEmployment.

Ilang araw bago ang protesta,nagpiket ang mga manggagawa ngPepsi Cola sa pangunguna ng PepsiCola Workers Unity sa harap ng pab-rika sa Muntinlupa City noong Hulyo12. Anila, nagbibingi-bingihan angmaneydsment sa kanilang kahingian sanagaganap na negosasyon ng col-lective bargaining agreement. Kabilangsa kanilang panawagan ang dagdag nasahod at regularisasyon ng 1,000kontraktwal na manggagawa.

Writ of kalikasan, pwersahang pinaatras

PWERSAHANG PINAATRAS NG mga abugado ng rehimeng Duterte noong Hul-yo 9 ang nagpetisyong 40 mangingisda ng Masinloc, Zambales at Palawan parasa writ of kalikasan sa West Philippine Sea (WPS).

Nagsampa sa Korte Supremanoong Abril ang naturang mga ma-ngingisda katuwang ang mga abuga-do ng Integrated Bar of the Philippi-nes ng kaso laban sa paninira ng Chi-na sa mga bahura at coral sa WPS.Ang writ of kalikasan ay isang ligal naremedyo para pwersahin angnakaupong gubyerno na bigyan-pro-teksyon ang karapatang konstitusyu-nal ng mga Pilipino para sa isang ma-lusog na kapaligiran alinsunod saKonstitusyong 1987.

Isinampa ng mga mangingisdaang petisyon para pigilan ang rekla-masyong isinasagawa ng China parapagtayuan ng mga istrukturang mi-litar sa karagatan ng Pilipinas. Re-sulta ng reklamasyon ang malawa-kang pagkasira ng mga bahura,partikular sa bahaging Zambales at

Palawan.Una nang naglabas ng desisyon

ang Korte Suprema pabor sa mgamangingisda noong Mayo. Inutusannito ang rehimeng Duterte na pro-tektahan ang WPS at gumawa ngmga hakbang upang pigilan angpaglabag sa mga batas pangkalika-san laluna sa eksklusibong sonangpang-ekonomya sa karagatan ng Pi-lipinas. Ipinahayag ni Chel Diokno,abugado ng mga mangingisda, napinatunayan ng unang desisyon ngkorte na lehitimo ang petisyon ngmga mangingisda. Aniya, ang kani-lang pag-atras ay dahil sa panggigi-pit ng rehimen. Dahil dito, kinanselana ng korte ang pangalawang pag-dinig kung saan maghaharap angmga mangingisda at mga kinatawanng gubyerno.

Sa pag-atras ng mga mangi-ngisda sa petisyon, tinanggal ngrehimen ang ligal na balakid parasa pandarambong ng China sakaragatan ng Pilipinas.

Samantala, bilang paggunita saikatlong taon mula nang magdesi-syon ang Arbitral Tribunal pabor saPilipinas laban sa China hinggil sapinag-aagawang West PhilippineSea, daan-daan ang nagmartsanoong Hulyo 12 tungong ChineseEmbassy upang kundenahin angpatuloy na panghihimasok ng Chinasa teritoryong dagat ng bansa.

Ayon sa P1NAS, ang desisyonng Arbitral Tribunal noong 2016 aymakatutulong sa iba pang mgabansa na labanan ang panghihi-masok ng China sa kani-kanilangmga teritoryong dagat. Resulta ngpanghihimasok, nakumpleto ngChina ang pagtatayo nito ng basemilitar na sakop ng mga karagatanng Pilipinas.

Hulyo 21 , 2019 ANG BAYAN6

Bitak ng alyansang Duterte, lumalalim

Lumalalim ang bitak sa alyansang Duterte-Arroyo-Marcos. Litaw ito sanagpapatuloy na bangayan ng mga tauhan nito para sa pinakamataas na

pusisyon sa Kongreso. Tuwiran nang nakialam si Duterte sa bangayan atinendorso noong Hulyo 8 sina Alan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco paramagsalitan bilang Speaker. Pero ilang araw pagkatapos nito, taliwas sa inaa-sahan ni Duterte, hindi pa rin lubos na nagkakaisa ang mga kongresista.

Hanggang sa bisperas ng pagbu-bukas nito, wala pa sa magkakaribalna kongresista ang nakatitiyak namakukuha nila ang mayoryang boto.

Nang inendorso ni Duterte sinaCayetano at Velasco para magsali-tang Speaker, inendorso rin niya bi-lang pinuno ng mayorya ng kapulu-ngan si Martin Romualdez, ang ma-nok ng bloke ni Arroyo. Nanalo siCayetano sa pagkuha ng basbas niDuterte dahil sa kanyang panga-kong isusulong ang charter change ocha-cha sa Kongreso. Gayunpaman,marami pa rin ang tutol sa planongiupo siyang Speaker. Una nang ti-nanggihan ng PDP-Laban ang alokna paghahati ng termino. Hindi rinsang-ayon sa pakanang ito ang tatlopang bloke sa Kongreso, kabilangang blokeng binubuo ng magkapatidna Sara at Paolo Duterte.

Bagong pakete, lumang pakanaNasa likod ng pagpili ni Duterte

kay Cayetano ang kanyang todo-to-dong pangako na isulong ang cha-cha. Sa kabila ng kanyang superma-yorya sa nakaraang Kongreso, nabi-go si Duterte na iratsada ang paka-nang ito dahil sa banggaan ng Sena-do at Kongreso sa susing mga probi-syon na pumapatungkol sa transi-syon tungo sa pederal na sistema ngpaggugubyerno.

Upang ibwelo ang cha-cha, ibi-nalot ito ng Inter-Agency TaskForce on Federalism and Constitu-tional Reform sa bagong pekete nanagdidiin sa mga probisyong pang-ekonomya para lalong “ibukas angekonomya, nang lahat ay may pag-asa.” Sa ilalim ng islogang ito, ti-yak na lalong pang itutulak angmga patakarang neoliberal na ma-tagal nang hinihingi ng American

Chamber of Commerce na ilagay sakonstitusyon ng bansa.

Itinutulak pa rin ng Task Forceang “pederalismo,” pero dahil batidni Duterte na walang malakas napagsuporta dito, idineklara niya na“ayaw man ninyo ng pederalismo,baguhin pa rin ninyo ang konstitu-syon.” Ayon sa pinuno nitong siEduardo Año, kalihim ng De-partment of Interior and LocalGovernment, maaari pang magbagoang direksyon ng cha-cha sa susu-nod na tatlong taon.

Wala pang detalye ang itinutulakng Task Force na pagbabago sakonstitusyon. Subalit kung pagbaba-tayan ang Resolution of Both HousesNo. 15 na ipinasa noong Disyembre2018 sa Kongreso, tiyak na ibayongsasahol ang konstitusyon ng Pilipi-nas. Nakapaloob dito ang pagta-tanggal ng mga probisyong nagbibi-gay-proteksyon sa interes ng lokal namga negosyante at mamamayangPilipino at pagbubukas sa lokal naekonomya sa mga transnasyunal nakorporasyon. Gayundin, binibigyan siDuterte ng kapangyarihang lehisla-tibo at pagbibigay sa kanya ng solongkapangyarihan ng buong gubyerno.Sa “bagong” konstitusyon ni Duterte,lilimitahan na ang mga karapatan ngmamamayan, at hindi na sila maaa-ring magpatalsik ng isang nakaupongpresidente.

Pambabraso sapampulitikangoposisyon

Sa gitna ngbangayan ng kan-yang mga alyado,tiniyak ni Dutertena hindi makati-tindig o makaha-

hamig ng suporta sa Kongreso atiba pang sangay ng estado angkanyang mga kaaway sa pulitika.Noong Hulyo 18, sinampahan niDuterte ang oposisyong pulitikal,kabilang ang bise-presidente ngPilipinas na si Leni Robredo at 35iba pa, ng kasong sedisyon. Kabi-lang dito ang mga senador ng LP,mga kandidato ng Otso Diretso(liban kay Mar Roxas), ilang pari atobispo, mga abugado at kanilangmga tagasuporta.

Tinawag ito ng Partido Komu-nista ng Pilipinas na “panggigipitat pananakot” laban sa pampuliti-kang oposisyon para magsilbingbabala sa mga tututol sa adyendaniyang “cha-cha.” “Basura,” “dikapani-paniwala,” “sukdulangpanggigipit at pambabraso”—itonaman ang naging reaksyon ngmga senador at obispong inakusa-han ng rehimen ng sedisyon. Ibi-natay ang kaso sa lumabas na na-kabidyong pahayag ni PeterAdvincula (alyas Bikoy) na nag-sangkot sa buong pamilya ni Du-terte sa iligal na bentahan ng sha-bu. Malinaw na panggigipit anglayunin ng pagkakaso upang lalu-pang ipitin at paatrasin ang opo-sisyon sa paglaban sa kanyang mgapakana. Babala din ang pagkakasosa mga alyado ni Duterte na nag-tatangkang makiisa sa oposisyon.Bago nito, nagpahayag ang LP na“bukas” itong sumali sa superma-yoryang bubuuin ni Cayetano saKongreso.

ANG BAYAN Hulyo 21 , 2019 7

Pamamayani ng huntangsibil-militar

Isang huntang sibil-militar ang nagpapatakbo sa si-bilyang burukrasya ng rehimeng US-Duterte. Nitong

Hulyo, umaabot sa 64 na pusisyong sibilyan sa gubyernoang hawak ng retiradong mga sundalo at pulis. Labing-isa sa kanila ay nasa gabinete at namumuno sa mayor namga ahensya. Madadagdagan pa ang kanilang hanay ngitatalaga ni Rodrigo Duterte na dating sundalo parapamunuan ang Department of Agriculture.

Duguan, sunud-sunuran sa kani-lang among US at batbat ng korap-syon ang rekord ng mga sundalo atpulis na ipinwesto ni Duterte sa kan-yang gubyerno. Binigyan niya angmga ito ng kapangyarihang sibil paraipagpatuloy ang mararahas na prog-ramang kontra-insurhensya na datina nilang tangan. Karamihan sa ka-nila ay nagsilbing mga hepe ng ba-talyon, dibisyon o kumand sa Minda-nao at sa gayon ay nagkaroon na nginisyal na pakikitungo kay Dutertenoong meyor pa siya ng Davao City.

Militarisadong kagawaranLima sa 21 (bakante ang isa)

kagawaran ng gubyernong Duterteay direktang hawak ng retiradongmga sundalo. Nakaupo naman saDepartment of Agrarian Reform angisang gradweyt ng Philippine Mili-tary Academy pero hindi nag-aktibong sundalo.

Nangunguna sa mga militaristaang kalihim ng Department of Na-tional Defense na si Ret. Gen. DelfinLorenzana. Masugid siyang taga-pagtaguyod ng mayor na mga pata-karan ng US sa loob ng ArmedForces of the Philippines (AFP) mulanang magsilbi siyang DefenseAttache ng AFP sa Washington DCnoong 2002. Naging katuwang niDuterte si Lorenzana noong hulingbahagi ng dekada 1980 nang siya aynaging kumander ng Second ScoutRanger Battalion sa Davao City.

Pinamumunuan naman ni Ret.Gen. Roy Cimatu ang Department ofEnvironment and Natural Reso-urces. Binansagan si Cimatu bilang

“GeneralPacman” dahilsa pamumunoniya sa “todo-gera” sa Min-danao noongpangulo si Joseph Estrada. Gayun-din, sa panahong Chief of Staff, na-sangkot si Cimatu sa pagtanggap ng“pabaon,” na tinatayang ₱50 mil-yon, nang siya ay magretiro sapagkasundalo.

Si Eduardo Año, beterano sapaniktik-militar, ang tumitindig nakalihim ng Department of Interiorand Local Government at may ha-wak ng badyet ng Philippine Natio-nal Police (PNP). Responsable siyasa pagdukot sa aktibistang si JonasBurgos noong nakaupo bilang hepeng Intelligence Service of theArmed Forces of the Philippines. SiAño rin ang kumander ng 10th IDnang patayin nang walang-labanang may sakit na si Leoncio Pitao(Ka Parago) noong 2015.

Nakaupo naman bilang kalihimng Department of Information andCommunication Technology si Gre-gorio Honasan. Kabilang si Honasansa mga sundalong naglunsad ng ku-deta laban sa dating presidenteng siCorazon Aquino. Samantala, hawakni Ret. Gen. Rolando Bautista, ka-reretirong hepe-militar ni Duterte,ang Department of Social Welfareand Development.

Ibang sibilyang pusisyonIpinagkaloob ni Duterte maging

ang ilang sibilyang pusisyon labas sagabinete. Kabilang dito ang Bureau

of Customs (BoC) na tumatayongKomisyoner si Ret. Gen. Rey Leo-nardo Guerrero. Pinalitan niya siRet. Police Gen. Isidro Lapeñapagkatapos masangkot sa “paglu-sot” ng ₱6.4 bilyong halaga ngshabu mula sa China.

Bagaman nasangkot sa ano-malya, muling pinaupo ni Duterte siLapeña bilang direktor ng TechnicalEducation and Skills DevelopmentAuthority. Ang dati namang itina-laga sa BoC na si Nicanor Faeldonna napilitan ding pababain sapwesto ay itinalaga sa Bureau ofCorrections, ang dating pusisyonng hepe ng PNP na si Ronaldo de laRosa bago siya tumakbo bilang se-nador. Sangkot si Faeldon sa dala-wang kudeta laban sa dating pre-sidenteng Gloria Arroyo.

Samantala, hawak ni CarlitoGalvez Jr. ang Office of the Presi-dential Adviser on the PeaceProcess matapos ibagsak ni Duterteang usapang pangkapayapaan sapagitan ng GRP at National De-mocratic Front of the Philippines.Dati siyang hepe-militar ni Duterteat sangkot sa kudeta noong 1989.

Ang iba pang mga ahensyanghawak ng militar ay ang Housingand Urban Development Coordina-ting Council, Metropolitan ManilaDevelopment Authority, NationalSecurity at iba pa.

Hulyo 21 , 2019 ANG BAYAN8

Tangkang pagdukot, binigo ng taumbaryo

Napigilan ng mga residente ng Barangay Bito-on sa Jaro District, IloiloCity ang tangkang pagdukot ng isang kilalang lider-masa nitong buwan.

Sama-samang naipagtanggol ng kanyang mga kapitbahay si Wilfredo “Tay Pi-do” Panuela, 65, isa sa mga lider ng Katilingban sang mga Imol sa Syudad(Kaisog) laban sa dalawang ahenteng paniktik ng estado.

Hinarang ng taumbaryo ang da-lawang ahente at dinala sa barangayhall. Umamin ang dalawa na sila'ymga elemento ng Philippine Army atNational Bureau of Investigation pe-ro hindi nakapagpakita ng pagka-kakilanlan. Dati nang pinag-iinitan siPanuela at kanyang asawa na si Jo-sephine dahil sa kanilang paglahok samga pakikibaka ng komunidad.

Naniniwala si Maura Abellon,pinuno ng Kalipunan ng DamayangMahihirap sa Panay at Guimaras, nasadyang balak ng gubyerno na du-kutin, atakehin o takutin ang mga li-

der ng maralitang lunsod na akti-bong lumalaban sa demolisyon at sapagkundena sa mga kaso ng pagla-bag sa mga karapatang-tao. NoongHulyo 8, nagprotesta ang grupo salabas ng hedkwarters ng pulis saIloilo City.

Samantala, pinatay ng militar siSalvador Romano, tagapagtanggol ngkarapatang-tao sa Negros noongHulyo 7. Pinagbabaril si Romano ha-bang lulan ng kanyang motorsiklo saAglipay St., Poblacion, Manjuyod,Negros Oriental. Dati siyang istap ngKarapatan Negros at kasalukuyang

Liberalisasyon sa bigas,

sakuna sa magsasaka

SA PRE-STATE OF the Nation Address Economic andInfrastructure Forum nga mga upisyal sa ekonomya,tinawag ng mga upisyal ng gubyerno na isang “napa-kalaking nakamit na lehislatura” ang Republic Act11203 o Rice Liberalization Act. Isa itong malakingkalokohan dahil ang katotohanan, ang itinuturing ni-lang “tagumpay” ay malaking sakuna para sa masangmagsasaka ng palay.

Pinagtibay ang naturang batas noong Disyembre2018 para diumano agapan ang pagsirit ng presyo ngbigas sa lokal na pamilihan. Pero taliwas sa panga-kong bababa nang husto ang presyo ng bigas, buma-baba lamang ito nang ₱1-2 mula nang ipinatupad angliberalisasyon. Nananatiling nasa ₱30-₱70 ang ben-tahan nito sa mga palengke at tindahan.

Ito ay sa kabila ng nakatala sa rekord ng gub-yerno na nasa ₱18-₱25/kilo ang presyo ng impor-ted na bigas na pumapasok sa bansa.

Sa kabilang banda, sumadsad ang presyo nglokal na palay mula abereyds na ₱20/kilo samaagang bahagi ng taon tungong ₱12-₱17/kilonoong Hunyo. Halos katumbas na lamang ito sagastos ng produksyon ng mga magsasaka sa pa-layan. Dulot nito, tinatayang malulugi ang mgamagsasaka nang hanggang ₱114 bilyon ngayongtaon, malayong mas mataas kaysa ipinagmama-laking ₱5.9 bilyong nalikom na taripa dulot ngbatas sa liberalisasyon.

myembro ng Iglesia Filipina Inde-pendiente (IFI). Ika-48 siya sa mgaaktibistang pinaslang sa Negros sailalim ng rehimeng Duterte.

Tuluy-tuloy naman ang panggi-gipit sa mga taong-simbahan nabumabatikos sa mga krimen at pag-labag ng rehimeng Duterte sa mgakarapatang-tao sa isla. Dalawa sakanila, sina Rev. Joel Bengbeng ngUnited Methodist Church (UMC) saCanlaon City at si Rev. Brian Ascuitng UMC sa San Pedro, Sta. Cruz,ang pinaghahanap ng militar paradiumano'y kausapin.

Sa Ilocos, ginigipit din ng militarang IFI, UMC at United Church ofChrist in the Philippines sa tabingng “pagbisita” ng mga sundalo sabalangkas ng Joint Campaign PlanKapanatagan.

Pagpapasara sa mga paaralang

Lumad, kinundenaNAGPROTESTA ANG MGA mag-aaral at guro ng mga paara-lang Lumad sa ilalim ng Save Our Schools (SOS) Network saharap ng upisina ng Department of Education sa Pasig Citynoong Hulyo 17 para kundenahin ang tangkang pagpapasarasa mga paaralang Lumad sa Mindanao. Partikular nilangbinatikos ang pagsuspinde sa 55 paaralan na pinatatakbo ngSalugpongan Ta' Tanu Igkanogon Community Learning Cen-ter Inc. alinsunod sa utos ni National Security Adviser Her-mogenes Esperon, Jr. na ipasara ang mga ito.

Sa tala ng Save Our Schools (SOS), may 215 nang mgapaaralang sa Mindanao ang sapilitang nagsara mula 2016.Walumpu dito ang nagsara dahil sa pagkakampo ng mgasundalo sa komunidad at sistematikong pang-aatake atpaninira ng mga sundalo sa kanilang mga pasilidad.

Matagal nang inakusahan ni Duterte ang Salugpongan atiba pang paaralang Lumad bilang mga paaralang ng BagongHukbong Bayan. Sa kanyang ikalawang State of the NationAddress noong 2017, nagbanta siyang bobombahin ang na-turang mga paaralan. Sa taong ito, may 30 paaralang Lumadang nagsara kung saan 1,300 mag-aaral ang natigil sa pag-aaral dahil sa tuluy-tuloy na atake ng militar.

Ayon sa PKP, ipinakikitta ng kautusan ng DepEd kungpapaanong itinatakda ng militar sa mga patakaran ng mgaahensyang sibil. Dagdag ng PKP, ito'y dagdag sa mgapatakarang anti-Lumad ng rehimeng Duterte kabilang na angpag-agaw ng kanilang lupang ninuno para ibukas sapagmimina at mga plantasyon.