4
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6 IKATLONG MARKAHAN I. Nagagamit ang mga pang-uring may iba’t ibang kayarian ng maaliwalas at magandang kapaligiran. II. A. DESKRIPSYON NG KONTENT: Paggamit ng mga pang-uring may iba’t ibang kayarian. B. PAGPAPAHALAGA: Pagpapanatiling malinis at maganda ng kapaligiran. C. KAGAMITAN: RBEC 2002 Wika: Gintong Pamana, pp. 116-121 III. PANIMULANG GAWAIN: 1. Balik-aral Gumawa ng mga pangungusap tungkol sa mga larawan na ginagamitan ng mga pang-uri. 2. Pagpapalawak ng bokabularyo Linangin ang mga sumusunod na salita. Gamitin sa pangungusap. a. MATULAIN b. DALISAY c. MAHALUMIGMIG d. NAKATUTULIG A. MAGPAKITA NG MGALARAWAN TULAD NG: a. Dalampasigan

Banghay Aralin Sa Filipino 6

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino

Citation preview

Page 1: Banghay Aralin Sa Filipino 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6IKATLONG MARKAHAN

I. Nagagamit ang mga pang-uring may iba’t ibang kayarian ng maaliwalas at magandang kapaligiran.

II. A. DESKRIPSYON NG KONTENT:Paggamit ng mga pang-uring may iba’t ibang kayarian.

B. PAGPAPAHALAGA:Pagpapanatiling malinis at maganda ng kapaligiran.

C. KAGAMITAN: RBEC 2002

Wika: Gintong Pamana, pp. 116-121

III. PANIMULANG GAWAIN:

1. Balik-aralGumawa ng mga pangungusap tungkol sa mga larawan na ginagamitan ng mga pang-uri.

2. Pagpapalawak ng bokabularyo

Linangin ang mga sumusunod na salita. Gamitin sa pangungusap.

a. MATULAINb. DALISAYc. MAHALUMIGMIGd. NAKATUTULIG

A. MAGPAKITA NG MGALARAWAN TULAD NG:

a. Dalampasiganb. Malalagong halamanc. Talond. Dalisay na tubige. Lampas-tuhod na tubig

B. IPALARAWAN ANG BAWAT LARAWAN.

Page 2: Banghay Aralin Sa Filipino 6

C. PAGLALAHAD:

Basahin ang isang paglalarawan:

“Ang Pulo ng Camiguin”

Ang Camiguin ay isang maliit sa pulong lalawigan. Isa ito sa pinakamagandang pulo ng ating bansa. Maraming magagandang tanawin sa lalawigang ito. Naririto ang matulaing Talon ng Katiwasan. Nakakatulig ang maingay na pagbasak ng tubig mula sa bundok ng talon ito. Ang malakristal at lampas-tuhod na bukal ng Tangub ay kahanghanga dahil sa dalisay na tubig nito. Napaliligiran pa ang pook na ito na malalagong halaman at mababangong bulaklak. Kaakit-akit ang dalampasigan nitong may pinung-pino at putting-putting buhangin.

Pangunahing industriya sa lalawigan ang pangingisda at pagsasaka. Sariwa ang mga pagkaing-dapat sa Camiguin at iba-ibang masasarap na prutas na inaani rito.

Tahimik at payapa ang pamumuhay ng mga tao sa Camiguin, Kay sarap manirahan sa pook na ito pagkat mahalumigmig ang simoy ng hangin sa buong taon.

Maituturing na isang katangi-tanging biyayang kaloob ng Maykapal ang Pulo sa Camiguin.

PAGTATALAKAY:

1. Anu-ano ang mga natatanging tanawin sa Camiguin? Ilarawan ang mga ito.2. Anu-ano ang pangunahing industriya ng lalawigan?3. Paano mo mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa Camiguin?

D. PAGLINANG NA KASANAYAN:

1. Sa talatang binasa anu-anong salita ang naglalarawan sa pagkaing dagat at pamumuhay ng mga tao?

2. Ano ang kayarian ng mga salitang ito?3. Ipagamit sa makabuluhang pangungusap ang mga sumusunod na salita. Ilarawan ang isang

maaliwalas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan.

HAL: dalisay, payapa, kaaya-aya, kaysarap, makapigil-hininga

E. PAGLALAHAT:

Anu-ano ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri?

F. PAGPAPAYAMANG GAWAING:PANGKATANG GAWAIN:

PANGKAT A: Bigyan ng mga larawan ng isang kapaligiran. Ipatala ang mga pang-uri o angkop sa paglalarawan sa iba’t ibang kayarian.

PANGKAT B: Ipagamit sa pangungusap ang pang-uring naitala ng unang pangkat sa iba’t ibang kayarian ng pang-uri sa paggamit ng larawan.

PANGKAT C: Gumawa ng maikling talata sa larawang ipinagamit sa unang pangkat.

IV. EBALWASYON:

Basahin ang talata. Punan ang angkop ng pang-uri sa wastong kayarian nito sa pangungusap pagkatapos.

Ang Lungsod ng Zamboanga

Isa sa mga pangunahing atraksiyon n gating bansa ang Lungsod ng Zamboanga. Maraming (kaakit-akit) na pook sa lungsod na ito ang (natatangi) ang Pasonanca Park na (punung-puno) ng mga pino, halamang namumulaklak, mga (luntiang) pako at maririkit na orkid. Dinarayo rin ng marami ang mga katutubong bahay na matatagpuan sa malalabay na sanga ng mga punongkahoy.

Page 3: Banghay Aralin Sa Filipino 6

Magiging (kasiya-siyang) karanasan ninuman ang pamamasyal sa kapaligiran ng hinahangaang Lungsod ng Zamboanga.

V. TAKDANG ARALIN:

Pumili ng isang magandang pook o tanawin sa Pilipinas na inyo nang napuntahan. Sumulat ng isang kaakit-akit na paglalarawan tungkol dito na binubuo ng dalawang talata. Gamitin ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri sa paglalarawan.