13
Banghay Aralin sa Filipino (TAYUTAY) Banghay Aralin sa Filipino II I. Mga Layunin A. Nailalahad ang mga kaisipang nakapaloob sa tula; B. Nasisipi mula sa tula ang mga tayutay na ginamit; C. Natatalakay ang bawat uri ng tayutay; D. Natutukoy ang uri ng tayutay sa bawat pangungusap; E. Napapahalagahan ang mga tayutay at ang gamit nito sa iba’t ibang larangan gaya ng pasulat at pasalita; F. Nailalahat ang mga uri ng tayutay, ang kahulugan at ang layunin nito; G. Nakikilala ang mga tayutay at uri ng tayutay na nakapaloob sa bawat pahayag; at H. Nakaguguhit ng mga simbolong maaaring mabuo gamit ang mga tayutay. II. Paksang Aralin Paksa : MGA TAYUTAY Mga Sanggunian : *Badayos, Paquito B. et. Al. 2010. Yaman ng Pamana Wika at Panitikan II. Vibal Publishing House Inc. Quezon City.

Banghay Aralin Sa Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

Banghay Aralin sa Filipino (TAYUTAY)

Banghay AralinsaFilipino II

I. Mga LayuninA. Nailalahad ang mga kaisipang nakapaloob sa tula;B. Nasisipi mula sa tula ang mga tayutay na ginamit;C. Natatalakay ang bawat uri ng tayutay;D. Natutukoy ang uri ng tayutay sa bawat pangungusap;E. Napapahalagahan ang mga tayutay at ang gamit nito sa ibat ibang larangan gaya ng pasulat at pasalita;F. Nailalahat ang mga uri ng tayutay, ang kahulugan at ang layunin nito;G. Nakikilala ang mga tayutay at uri ng tayutay na nakapaloob sa bawat pahayag; atH. Nakaguguhit ng mga simbolong maaaring mabuo gamit ang mga tayutay.

II. Paksang Aralin

Paksa : MGA TAYUTAYMga Sanggunian : *Badayos, Paquito B. et. Al. 2010. Yaman ng Pamana Wika at Panitikan II. Vibal Publishing House Inc. Quezon City. *Amog, Maybel V. at Mercedes D. L. Tulaylay. 2002. Kawil II. Rex Bookstore. Manila. *De Lara Ampil, Roberto. et. al. 2009. Maragtas II. St. Agustine Publication. Inc. Sampaloc, Manila. Kagamitan : larawan, plaskard, tag board, yeso at pambura Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa paggamit ng mga tayutay sa pagsasalita at pagsusulat. Konsepto : Ang tayutay ay isang paraan ng makulay na pagpapahayag. Naglalayon itong gawing marikit at masining ang pagpapahayag upang maging mabisa at kawili-wili ang pag- unawa sa damdaming ipinahihiwatig nito.

III. Pamamaraan

A. Pangganyak

Noon hanggang ngayon, kilalang mangingibig ang mga Pilipino at kadalasang umuusbong ang pagliligawan sa edad ninyo ngayon. Napapansin nyo na ang kagandahan at kagwapuhan ng kapwa binatat dalaga. Saksi sa inyong mga ligaw-tingin at pagsusuyuan ang lugar ng inyong tagpuan. Saan ba kadalasang nagliligawan ang mga binatat dalaga?SA TABI NG DAGATIsa sa mga itinuturing na pinakamagandang tula ng pag-ibig sapanulaang Filipino ay ang Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos.

Babasahin ng guro ang tula sa harap ng klase na sasaliwan ng isang awit ng pag-ibig.Mga Gabay na Tanong: Sino ang nagsasalita sa tula? Sino ang kanyang kinakausap? Ano ang nangingibabaw na damdamin sa tula? Sa palagay mo bay tapat ang lalaki sa kanyang pag-ibig? Paano inilalarawan ng may akda ang pagsusuyuan ng dalawa? Bakit mahalagang mangibabaw sa mundo ang tapat at wagas na pag-ibig? Sa makabagong panahon, ano ba ang uri ng ligawan ngayon ng mga kabataan?

B. Paglalahad

Magkaiba man ang pamamaraan ng ligawan noon at ngayon, ang mahalaga ay ang wagas na pagmamahalan na namamayani sa kaibuturan ng bawat pusong umiibig. Mula sa tulang binigkas, may mga paglalarawang sinipi upang bigyan ng ibayong pansin.

at sakong na wariy kinuyom na rosas

di na kailangangsapnan pa ang paang binalat-sibuyas

sa isang pilapilna nalalataganng damong may luha ng mga bituin

patiyad na tayoyMaghahabulang simbilis ng hangin

C. Pagtatalakay

Ang mga paglalarawang ito ang naging daan upang maging masining at mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng binatang sumusuyo sa kanyang nakabibighaning dalaga. Ito ay nakapupukaw din ng unawa dahil kailangan maintindihang mabuti ang di-tuwirang diwa na ipinahihiwatig nito. Hindi lubhang mahirap unawain ang mga ito kung taglay na ng mambabasa ang kaalaman tungkol sa ganitong paglalarawan.

Suriin naitn ang unang pahayag na sinipi mula sa tula.

at sakong na wariy kinuyom na rosas

Mga Gabay na Tanong: Anu-anong mga bagay ang pinaghahambing? Sakong at rosas Anong salita ang ginamit sa paghahambing? Wariy (wari ay) Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag? Mamulamula ang kanyang sakong Ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan itoy paghahambing na ginagamitan ng mga salitang wari, gaya, parang? PAGTUTULAD (SIMILE)

1. PAGTUTULAD (SIMLE) nagpapakit ng isang taasang paghahambing o pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, kaisipan at iba pa. Ginagamitan ito ng mga salitang gaya ng, para (kapara), wangis, wari, animo, tila at mistulan at tulad (katulad).Mga Halimbawa: Pisnging tila makopa sa kapulahan. Bilis-bilisan mo, para kang pagong kung kumilos.

di na kailangangsapnan pa ang paang binalat-sibuyas Mga Gabay na Tanong: Anong mga bagay ang inihahambing sa pahayag na ito? Paa at binalat-sibuyas Ano ba ang ibig sabihin ng salitang binalat-sibuyas? Maputi at makinis May ginamit bang salita o parirala upang paghambingin ang paa at binalat-sibuyas? Wala Ano ang ibig sabihin ng pahayag? Ang paang makinis at maputi ay di na kailangan sapinan pa. Kung gayon, ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan tuwirang inihahambing ang dalawang magkaibang bagay na walang ginagamit na salita o parirala upang paghambingin ang mga ito? PAGWAWANGIS (METAPHOR)

2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) ito ay tuwiran o tahasang pagkukumpara o pagtutulad. Hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng nasa pagtutulad.Mga Halimbawa: Buwaya ang mga sakim sa kapangyarihan. Isa siyang maamong tupa.

sa isang pilapilna nalalataganng damong may luha ng mga bituin Mga Gabay na Tanong: Anong katangian ng isang tao ang matatagpuan sa linyang ito ng tula? Pagluha Anong bagay ang binibigyang buhay sa linyang ito? Bituin Lumuluha ba ang mga bituin? Bakit? Hindi, dahil tao o bagay na may buhay lamang ang lumuluha. Ano ang ibig sa ipahiwatig ng pahayag? May mga patak ng hamog ang dahon. Anong uri ng paglalarawan kapag nagbibigay buhay sa mga bagay gamit ag kilos o galaw ng tao? PAGSASATAO (PERSONIFICATION)

3. PAGSASATAO (PERSONIFICATION) ito ay pagbibigay katauhan sa mga bagay na walang buhay o sa mga abstraktong kaisipan.Mga Halimbawa: Lumuha ang langita at ang mundo ay nanliit. Kumakaway ang mga dahon sa paghihip ng hangin.

patiyad na tayoyMaghahabulang simbilis ng hangin Mga Gabay na Tanong: Anong bahagi ng pananalita ang maghahabulan? Pandiwa Nasa anong aspekto? Kontemplatibo o panghinaharap Anong parirala ang naglalarawan sa pandiwa? Simbilis ng hangin Anong bahagi ng pananalita ito? Pang-uri Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito mula sa tula? Maghahabulan sila ng napakabilis Anong uri ng paglalarawan na kung saan lumalagpas sa katotohanan ang ipinahihiwatig? PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)

4. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay ginagamit kapag pinasisidhi ang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin.Mga Halimbawa: Kumukulo ang dugo ng dalagang inagawan ng cellphone. Nadurog ang puso ko dahil sa pagsisinungaling mo.

oh, Tukso! Layuan mo ako. Mga Gabay na Tanong: Anong bahagi ng pananalita ang salitang Tukso? Anong uri ng pangalan? Pangngalan, abstrak o di-konkreto isang kaisipang hindi nakikita, nalalasahan, naririnig at nahihipo ngunit nadaram at pawing nasa isip lamang ng tao. Paano kinakausap ang tukso sa pangungusap? Parang isang taong kaharap na kinakausap gayong wala naman. Anong gawi ang namamayani sa pangungusap? Tila tumatawag. Nasa anong uri ng paglalarawan ang pahayag na ito? PAGTAWAG (APOSTROPHE)

5. PAGTAWAG (APOSTROPHE) ito ay pagpapahayag ng isang karaniwang bagay o isang di nadaramang kaisipan na para ng isang buhay na tao o isang taong kaharap na kinakausap gayong wala naman.Mga Halimbawa: Pag-asa! Pag-asa! Ako ay lapitan nang maging mabulaklak ang aking landas. Kamatayay nahan ang dating bangis mo nang di damdamin ang hirap na ito!

D. Pagsasanay

Makakamtan ang nais na kaalaman kung pag-iinsayuhang gamitin at palawakin. Kaya magkakaroon tayo ng isang Quizz Bowl na lalahukan ng mga pangkat. Ipapangkat ang klase sa tatlong grupo at bawat pangkat ay bibigyan ng tag board, yeso at pambura. Kailangang magtulungan ang bawat miyembro sa pagtukoy kung nasa anong uri ng paglalarawan ang mga pahayag na ipapakita ng guro gamit ang plaskard. Matapos ang sampung pahayag, kung sinong pangkat ang may pinakamaraming puntos ang siyang panalo.1. Siyay uminom ng isang balding gatas. PAGMAMALABIS2. Animoy isang paruparo kung lumigaw si Basti sa dalaga. PAGTUTULAD3. Sumasayaw ang mga alon sa dalampasigan ng Bataan. PAGSASATAO4. Ang kanyang balat ay parang kaliskis ng isda kung hihipuin. PAGTUTULAD5. Mga basang sisiw ang mga batang sa kalye naninirahan. PAGWAWANGIS6. O, pagtulog! Dalawin mo ako nang akoy mahimbing na. PAGTAWAG7. Gabundok ang labahin niya kaya siya nakasimangot. PAGMAMALABIS8. O, dagat! Iduyan mo ako sa iyong mga alon. PAGTAWAG9. Ang puso moy bato dahil hindi marunong magmahal. PAGWAWANGIS10. Ibinulong ng hangin sa akin ang walang maliw niyang pagsinta. PAGSASATAO

E. Pagpapalawak

Gamitin natin an gating bagong kaalaman tungkol sa ibat ibang uri ng paglalarawan. Manatili kayo sa inyong mga pangkat dahil bibigyan kayo ng mga gawaing lilinang sa inyong imahinasyon.

Unang Pangkat sumulat ng isang saknong na may apat na taludtod gamit angmga uri ng paglalarawan. Bigkasin ito sa klase. Pangalawang Pangkat gumawa o pumili ng isang kantang may mgapaglalarawan sa liriko at awitin sa klase. Pangatlong Pangkat sumulat ng isang diyalogo gamit ang mga paglalarawangtinlakay at isadula ito sa klase.

Bawat pangkat ay bibigyan ng ilang minute upang gawin ang kanilang Gawain.At sa bawat presentasyon ay tutukuyin ng pangkat ang mga paglalarawang ginamit sakanilang awit, tula at diyalogo.

F. Paglalahat

Ang isang anyo ng paglalarawang-diwa na kaiba at malayo sa karaniwang paraan ng pananalita o pagsulat ay tinatawag na TAYUTAY. Naglalayon itong gawing marikit at masining ang pagpapahayag upang maging mabisa at kawiliw-wili ang pag-unawa sa damdaming ipinahihiwatig. Marami ang mga URI NG TAYUTAY.

1. PAGTUTULAD (SIMLE) nagpapakit ng isang taasang paghahambing o pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, kaisipan at iba pa. Ginagamitan ito ng mga salitang gaya ng, para (kapara), wangis, wari, animo, tila at mistulan at tulad (katulad).2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) ito ay tuwiran o tahasang pagkukumpara o pagtutulad. Hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng nasa pagtutulad.3. PAGSASATAO (PERSONIFICATION) ito ay pagbibigay katauhan sa mga bagay na walang buhay o sa mga abstraktong kaisipan.4. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay ginagamit kapag pinasisidhi ang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin.5. PAGTAWAG (APOSTROPHE) ito ay pagpapahayag ng isang karaniwang bagay o isang di nadaramang kaisipan na para ng isang buhay na tao o isang taong kaharap na kinakausap gayong wala naman.

G. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang tayutay na makikita sa bawat pahayag. Pagkatapos, kilalanin ang uring tayutay at ibigay ang kahulugan nito.

1. Para ng halamang lumaki sa tubig,Dahoy nalanta munting di madilig,Ikinalulunoy ang sandaling init,Gayon din ang pusong sa tuway manaig.(Florante at Laura) a.Tayutay ______________________________________________________________________ b.Uri ng Tayutay ______________________________________________________________________ C.Kahulugan ______________________________________________________________________

2. Lumuha ang langitat ang mundo ay nanliitkumakaway sa bakodang anghel na nakatanod. (Saranggola ni Pepe) a.Tayutay ______________________________________________________________________ b.Uri ng Tayutay ______________________________________________________________________ C.Kahulugan ______________________________________________________________________

3. Nang isilang ka sa mundong ito,Laking tuwa ng magulang moAt ang kamay nila ang iyong ilaw. (Anak ni Freddie Aguilar)a.Tayutay ______________________________________________________________________ b.Uri ng Tayutay