Aralin 8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Edukasyon sa Pagpapahalaga IV

Citation preview

Aralin 8

Aralin 8Pagpapakatao: Kabutihang Loob Na Alay KoGawainSuriin ang sariling kalooban. Anu-ano kaya ang maaaring makita rito? Umisip ng mga simbolo na kakatawan sa bawat katangian, pagpapahalaga at birtud na taglay ng iyong kalooban. Iguhit sa loob ng puso ang mga simbolong ito. GawainPag-isipan kung papaano nahubog ang iyong kalooban, gayundin ang mga taong pinapasok mo sa iyong kalooban. Isulat ang mga ito sa labas ng kaliwang bahagi ng puso.Isipin din ang mga bagay/hakbangin na maaari mong isagawa upang mapaganda/mapalago ang iyong kalooban. Isulat ito sa labas ng kanang bahagi ng puso.PagsusuriAno ang iyong naramdaman habang sinusuri ang iyong kalooban? Ikinararangal mo ba ang iyong loob? Bakit?Anu-anong mahalagang katangian ang taglay ng inyong loob?Paano nahubog at napaganda ang iyong kalooban sa bisa ng iyong pagtugon sa mga taong kumakatok sa iyong puso?Pagsusuri4. Ano ang iyong mahahalagang realisasyon sa nilalaman ng iyong loob? Anu-anong katangian ang nais mong taglayin ng iyong loob?

Pagpapayaman ng KonseptoTanong: Ano ang kaloob ng Diyos sa kanyang nilalang?Sagot: 1. Talino ng isip 2. Magandang loob

Tanong: Bakit binigyan ng Diyos ang bawat tao ng loob?Sagot: Ang loob ang nagsisilbing malalim na batayan sa pagtimbang sa halaga ng tao.

Pagpapayaman ng KonseptoTanong: Kung binigyan ng Diyos ang tao ng loob, anu-ano naman kaya ang mga katangian ng loob? Anu-ano ang dapat na angking katangian ng loob?Sagot: Lahat ng mabubuting bagay o katangian ay dapat na nakikita sa loob.Ano ba ang Birtud?Birtud galing sa salitang Latin na virtus na ang ibig sabihin ay ang tatak at ang katangian ng isang totoo at mabuting tao.Uri ng Birtuda. Natural batay sa likas na disposisyon ng taob. Supernatural may kinalaman sa pagtingin sa Panginoon tulad ng pananampalataya

c. Acquired (nakuha) batay sa paulit-ulit na pagsasagawa tulad ng kabaitan, kasanayan at perpeksyon

* Ang isang acquired na birtud na moral ay isang moral na gawi. Ito ay isang moral na gawi ayon sa dikta ng pag-iisip.

Kardinal na BirtudAy mga batayan sa pagpapaunlad ng mga moral na birtud:

1. Kabaitan pagkakaroon ng kasanayan upang umunawa at magkaroon ng katiyakan at madaliang pagsasagawa ng isang pamamaraan para sa pagkakamit ng layunin.Kardinal na Birtud2. Katarungan may constancy upang kilalanin ang kanyang karapatan at ang karapatan ng ibang tao. Ito ay ang pagbibigay-galang sa kapwa.

3. Katatagan naglalarawan ng katapangan at tibay ng loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

Kardinal na Birtud4. Pagtitimpi pumipigil sa tao upang iwasan ang mga masasama sa buhay tulad ng mga bisyo, pagkatuto ng tukso at ginhawa ng katawan at magkaroon ng huwisyo ng pag-iisip; paggamit ng mga bagay-bagay ayon sa katotohanan at katwiran; pagkontrol sa hilig at pagkakaroon ng kapangyarihang pansarili batay sa konsensyaTanong: Kung ang kabutihan ay lantay sa kalooban ng bawat tao, papaano natin mapapasok ang ibang tao sa ating loob? Paano natin mapapasok ang loob ng iba?Sagot: Kung bukal sa loob ng bawat isa ang pagtanggap sa kahalagahan ng bawat nilalang, malaki ang posibilidad na ang tao ay mabilis na tanggapin.Tanong: Ano ang pangunahing katangiang dapat taglayin ng tao upang magkaroon ng kapayapaan sa mundo?Sagot: Pagkilala sa katapatan at integridadAng gamot sa anumang suliranin ng mundo ay nasa kabutihang loob ng bawat isa sa atin.

Ayon kay Mother Teresa

Ang pag-ibig at kabutihan ay dapat nating ikalat saan man tayo naroroon.Takdang Aralin:Magsaliksik ukol sa mga taong nagpamalas ng kabutihang loob sa kanilang kapwa. a. Ekstraordinaryong Pagpapamalas ng Gawainb. Natatanging Asal at Gawic. Pag-aalay ng Sarili sa Kapwa