10
Monday June 20,2016 Monday-Thursday August 24- 28,2015 ARALIN 4 PANGANGALAGA SA SARILING KASUOTAN I .Layunin: a) Napangangalagaan ang sariling kasuotan b)Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan(hal.mag-ingat sa pag- upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba pa) II – Paksa: Pangangalaga sa Sariling Kasuotan Sanggunian: Modyul 1, K to 12-EPP4 HE-0b3 PG pp. 74 – 75 , KM pp. 221 - 226 Kagamitan: Iba’t ibang larawan o totoong kasuotan III- Panimulang Pagtataya: Pasagutan sa papel ang sumusunod na tanong: Alin sa sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog? a. maong at polo b. gown c. damit pangsimba d. pajama Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme? a. Ayusin ang pleats ng palda b. Ipagpag muna ang palda c. Ibuka ang palda d. Basta na lang umupo IV – Pamamaraan: 1.Pagganyak Magpakita ng iba’t ibang kasuotan. Itanong sa mga bata kung kailan ito sinusuot. 2.Paglalahad Ipakita ang iba’t-ibang uri ng mga kasuotan. 2.Pagtatalakay: Paano natin mapapangalagaan ang ating mga sariling kasuotan Anu-ano ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan(hal.mag-ingat sa pag- upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba pa) Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV-DEL PILAR 5:20-6:00

Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

Monday June 20,2016

Monday-Thursday August 24-28,2015

ARALIN 4 PANGANGALAGA SA SARILING

KASUOTAN

I .Layunin:a) Napangangalagaan ang sariling kasuotanb)Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan(hal.mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba pa)II – Paksa: Pangangalaga sa Sariling Kasuotan Sanggunian: Modyul 1, K to 12-EPP4 HE-0b3 PG pp. 74 – 75 , KM pp. 221 -226 Kagamitan: Iba’t ibang larawan o totoong kasuotanIII- Panimulang Pagtataya:Pasagutan sa papel ang sumusunod na tanong: Alin sa sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog? a. maong at polo b. gown c. damit pangsimba d. pajama Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme? a. Ayusin ang pleats ng palda b. Ipagpag muna ang palda c. Ibuka ang palda d. Basta na lang umupo IV – Pamamaraan:1.Pagganyak

Magpakita ng iba’t ibang kasuotan.Itanong sa mga bata kung kailan ito sinusuot.2.Paglalahad Ipakita ang iba’t-ibang uri ng mga kasuotan.

2.Pagtatalakay: Paano natin mapapangalagaan ang ating mga sariling kasuotan Anu-ano ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan(hal.mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba pa)3. Pangkatang Gawain: Pangkatin ang mga bata sa anim na pangkat iapakita ng bawat pangkat ang mga paraan sa pangangalaga ng mga kasuotan.Pangkat I: Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag itong hayaang magusot sa pag-upo.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-DEL PILAR 5:20-6:00

Page 2: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang damit o pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.

Pangkat 2: Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para madaling matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa. Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o mantsa.Gamitin ang naaayon sa kulay ng damit. May mga chlorox para sa puti at bleach para sa may kulay.

Pangkat 3 Magsuot ng angkop kasuotan ayon sa gawain. Huwag gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, hubarin kaagad ito at pahanginan.

Pangkat 5 Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit ang pantulog

upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.

Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi sa bahay upang hindi ito lumaki.

Pangkat 6: Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa tamang lagayan

Pangkatin ang klase. Ipagawa ang Linangin Natinsa LM pp. 221 -2254.PagsasanibItanong: Bakit kailangang pangalagaan ang atingkasuotan?5.Paglalahat Ano- ano ang mga paraan ng pag-aalaga ng inyong mga kasuotan?6.Pangwakas na PagtatayaPasagutan ang Gawin Natin sa LM pp. 225V – Pagpapayaman ng Gawain

Page 3: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

Isulat sa kuwaderno ang isinasaad ng Pagyamanin Natin sa LM p. 2261. Pag-uwi mo sa bahay, tingnan mo ang iyong mga pansariling kagamitan.2. Gumawa ka ng tseklist na katulad ng nasa baba.3. Palagdaan ito sa iyong magulang.

Tuesday June 21,2016

ARALIN 5 MGA KAGAMITAN SA PANANAHI

I.Layunin: – a) Nasasabi ang kagamitan sa pananahi sa kamay b) Naiisa-isa kung kung ano ang gamit ng mga ito c) Masiglang nakikibahagi sa talakayanII.Paksang Aralin: Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay Sanggunian: K to 12-EPP4HE-0b3

PG pp. 76 – 77 , KM pp. 227 -231 Kagamitan: medida, didal,gunting, emery bag, pin cushion, atbp III- Panimulang Pagtataya: PANUTO: Pilin ang titik ng tamang sagot:

1. Ito ay ginagamit sa

pagsukat ng tela. a. Medida b. didal c. gunting d. emery bag 2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi ito kalawangin. a. sewing box b. pin cushion c. emery bag d. didal IV – PAMARAAN

A. Pagganyak

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-DEL PILAR 5:20-6:00

KAGAMITAN

INAAYOS

HINDI INAAYOS

Mga damit Mga sapatos Marururming damit Nilabhan ang hinubad na panloob na damit

Page 4: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

B. Magpakita sa klase ng mga kagamitan sa pananahi. Magpapaligsahan sa mga mag-aral kung sino ang unang makapagsasabi ng mga kagamitan sa pananahi.

C. PaglalahadAnu-ano ang gamit ng bawat isang kagamitan sa pananahi?

D. Pagtatalakay:Ipaliwanag ang gamit ng bawat isa.

E. PagsasanibItanong: Anong magandang kaugalian ng isang Plipino ano ang ipinapahiwatig sa pananahi?

F. PaglalahatAnu-ano ang mga kagamitan

sa pananahi? anu-ano ang gamit ng bawat kagamitan sa pananahi?

May mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Ang bawat isa ay may angkop na gamit.

Dapat din na tandaan natin kung paano ang mga ito itatago sa tamang paraan upang magamit sa oras na kailangan g.Paglalapat: Tastas ang laglayan ng iyong palda, ano ang iyong gagawin?Para maayos mo uli ito?IV.Pagtataya:Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela. a. medida b. didal c. gunting d. emery bag Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin. a. sewing box b. pin cushion c. emery bag d. didal3.Ginagamit ito sa paggupit ng tela. a. medida b. didal c. gunting d. emery bag 4.Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri. a. medida b. didal c. gunting d. emery bag 5.Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi. a. karayom at sinulid b. didal at medida c. gunting at lapis d. emery bag at didalV – Pagpapayaman ng Gawain

Page 5: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

Pag- uwi mo sa bahay, buksan ang lagayan ng iyongmga damit. Tingnan kung may sira ang damit at tahiin ang mga ito. Ipakita sa mas nakatatanda kung tama ang iyong pagtahi sa damit.

Wednesday June 22,2016

Aralin 6: Pagsasaayos ng Sirang KasuotanI .Layunin:a) Naisasaayos ang payak na sirang kasuotan sa pamamagitan ng pananahi ng kamay ( halimbawa Pagkabit ng butones)

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-DEL PILAR 5:20-6:00

Page 6: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

II .Paksa: Pagsasaayos ng Payak na Sira ng Kasuotan sa Pamamagitan ng Pananahi ng Kamay (halimbawa Pagkabit ng butones) Sanggunian: K to 12-EPP4HE-0b3 Edukasyong, Pantahanan at Pangkabuhayan PG pp. 78 – 79 , KM pp. Kagamitan: tela, mga kagamitang pantahi, iba’t ibang butones III- Panimulang PagtatayaIpasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong: 1.Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng pansara ng damit. Alin ang HINDI: a. Kapirasong putol ng damit b. Two-hole button c. Kutsetes d. Straight eye 2.Sa pagkakabit ng butones ng damit, ano ang unang hakbang? a. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones. b. Gupitin ang isang parte ng tela. c. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit. d. Isagawa ang pagtatahing lilip. IV – PAMARAANa.Pagganyak May mga pagkakataon na natanggal ang mgapansara ng iyong damit. Alam mo ba kung paano ito ayusin?2.Paglalahad

Magpakita ng polo o blouse na nawalan o natanggalan ng butones. Paano natin aayusin ang damit na ito na natanggaln ng butones o may sira? Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng mga panara sa damit?3.Pagtatalakay: Tlakayin ang iba’t-ibang uri ng panara., at ang mga paraan ng pagkakabit ng butones. 4. PagsasanibItanong: Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa paglalagay ng butones?5.Paglalahat: Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsasaayos ng mga sirang kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay? Ayusin ang natanggal na butones, otomatiko o kutsetes ng damit upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot muli ang damit napag-aralan?6.Pangkatang Gawain: 1.Hatiin ang klase sa anim na pangkat. 2.Pag-usapan ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong. 3.Ano-ano ang uri ng mga butones? 4.Bakit naglalagay ng aspili sa pagkakabit ng butones na flat? 5.Bakit pinaiikutan ng sinulid ang leeg ang butones? 6.Paano isinasara at ikinabit ang butones? IV.Pagtataya:Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot.

Page 7: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

Alin ang HINDI uri ng panara ng damit? a. imperdible b. two-hole button c. kutsetes d. straight eye Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones sa damit? a. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones b. Gupitin ang isang parte ng tela c. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit d. Isagawa ang pagtatahing lilip 3-5. Isulat ang tamang sagot. Ano-ano ang dapat tandaan sa paglalagay ng butones?

Thursday June 23,2016

Aralin 7: Pag-aayos ng mga Kasuotan Batay saGamit at Okasyon

I .Layunin: Naitatabi nang maayos ang mga kasuotan batay sa kanilang gamit ( hal. pormal na kasuotan at pang espesyal na okasyon) II.Paksa: Pag-aayos ng Mga Kasuotan Batay sa Kanilang Gamit at Okasyon Sanggunian: K to 12-EPP4HE-0b3

Edukasyong, Pantahanan at Pangkabuhayan PG pp. 80 – 81 , KM pp. Kagamitan: mga iba’t ibang kasuotan para sa iba’t ibang okasyonIII- Pamamaraan A.Pagganyak

1. Patingnan ang mga larawan ng iba’t ibang kasuotan.

2. Ilarawan ang mga ito.B.Panlinang na Gawain:a.Paglalahad

Kailan natin ginagamit ang mga kasuotang ito?

b.Pagpapalalim ng Kaalaman1. Pangkatin ang mga mag-

aaral.2. Sa tulong ng KM,

pangkatin ang mga kasuotan para sa iba’t ibang okasyon.

A. PagsasanibNapag-aralan na ninyo sa asignaturang Sibika at Kultura na bago pa man nasakop ang ating bansa ng mga dayuhan ay mayroon

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

IV-DEL PILAR 5:20-6:00

Page 8: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

na tayong sariling kultura at mga paniniwala.Mayroon tayong mga pagdiriwang at pagtitipon batay sa ating nakaugalian. Dahil ditto, marapat lamang na mapag-aralan ninyo ang angkop na kasuotan sa iba’t ibang okasyon.

B. PaglalahatUpang mapanatiling maayos at maisuot ang iba’t ibang kasuotan sa mga okasyon, dapat na itabi ang mga ito nang maayos sa tamanglalagyan, bago itago. Tandaan nab ago itago ay dapat na labhan muna ang mga ito.

IV – Pangwakas na Pagtataya Panuto: Lagyan ng tsek () kung ito ay ginagawa o hindi mo ginagawa. Gawain Palaging

ginagawaHindi Ginagawa

Pina-dry clean ang gown bago itago sa aparador.Natulog kang suot pa rin ang damit mong ginamit sa party.

V – Pagpapayaman ng Gawain Magdikit sa portfolio ng mga

iba’t ibang kasuotan. Sumulat ng ilang pangungusap o talata tungkol sa kasuotan.

Friday June 24,2016

I. Layunin:a. Nasusukat ang kaalamang

natutunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagkuha ng mahabang pagsusulit.II. Paksang-Aralin:

A. Paksa: Mahabang Pagsusulit sa AP 4 B. Sanggunian: K+12 Curr. in EPP 4, Teacher’s Guide & Learner’s Material C. Kagamitan: papel-lapis, tsart D. Pagpapahalaga: Pagsagot nang may Pang-unawa at KatapatanIII. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Paghahanda sa kaisipan ng mga bata. 2. Paghahanda ng mga gagamitin sa pagsusulit. B. Panlinang na Gawain 1. Pagbasa at pagpapaliwanag ng mga panutong nasa pagsusulit. 2. Pagsisimula ng mga bata sa pagsagot sa pagsusulit. 3. Pagsusubaybay ng guro habang nagsusulit ang mga bata. C. Pangwakas na Gawain 1. Pagwawasto/pagtsetsek sa sagot ng mga bata. 2. Pagtatala ng mga iskor

Page 9: Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan

na nakuha sa pagsusulit.IV. Pagtataya Nakasagot ba kayo sa pagsusulit nang may mapanuring pag-iisip o pang-unawa ? katapatan? Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng pang-unwa at katapatan habang nagsusulit?V. Takdang-Aralin Ihanda muli ang sarili sa susunod na mga aralin sa EPP.