Upload
others
View
9
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Ano ba ang
Protected Area?
Isang tukoy na lugar na pinamamahalaansa pamamagitan ng legal o iba pang
epektibong pamamaraan upangmapangalagaan at makonserba ang
kalikasan.
Ang Protected Area (PA) ay:
Ang Protected Area ay:
▪ may iba’t-ibang uri at anyo;▪ mga kagubatan, National Parks, o parke na
makikita sa lupa at karagatan o seascapes, at mga lugar na pinangangalagaan ng mga katutubo o Indigenous Community Conserved Areas (ICCAs);
▪ dati ay iilan lamang;▪ sa pagdaan ng panahon ito’y kinilala at
dumami;▪ tinatantyang nasa 200,000 ang mga Protected
Areas sa buong mundo.
Ang Protected Area ay:
▪ sakop ang 14.6 bahagdan ng kalupaan ng daigdig, at 2.8 bahagdan ng karagatan ng daigdig;
▪ nasa sentro ng pag-konserba at pagprotektasa kalikasan;
▪ sinisiguro ang patuloy na pagkakaroon ng kabuhayan, pagkain, malinis na tubig, at gamot habang nagbibigay ng proteksyon labansa mga natural na kalamidad.
Ang mga Protected Area saPilipinas
▪ Nasa 240 ang protected areas sa buong Pilipinas
▪ Sinasakop ang 5.45 million hektarya sa ilalaim ngNIPAS
▪ 14.2 bahagdan ng kabuuan ng bansa
▪ 4.07 milyong ektarya dito ay kalupaan (13.57 bahagdan ng kabuuang kalupaan ng bansa)
▪ 1.38 milyong ektarya ay karagatan (0.63 bahagdan ngkabuuang karagatan ng bansa)
Parks/Protected Areas
• 120 ay nasa unangbahagi ng pagproklama(Initial Component)
• 13 ay proklamado na(Proclaimed)
• 107 ay naisabatas na(legislated)
Forest Cover
Parks/Protected Areas
Nasa 26 nabahagdan ng natitirangkagubatan sa bansa ay matatagpuan sa mga protected areas.
Forest Cover
Key Biodiversity Areas
Parks/Protected Areas
Kasalukuyan Batas at Patakaranukol sa mga PA sa Pilipinas
Section 58. Ang mga Lupaing Ninuo o ang mga
bahagi nito na kinakailangan protektahan para sa
watershed, bakawan, wildlife sanctuaries, protected
areas, kagubatan, o para sa reforestation ay
pananatilihin, pamamahalaan, at pauunlarin. Ang
kinauukulang Katutubong Pamayanan ang siyang
bibigyan ng responsibilidad na panatilihin, paunlarin, at
protektahan ang mga lugar na ito kasama ng buo at
epektibong tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Ayon sa Indigenous People’s Rights Act (IPRA)
▪ Pinalawak na National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS)
▪ Naisabatas ngayong Hunyo 2018▪ Inamyenda nito ang Batas NIPAS o RA 7586▪ Isinabatas nito ang karagdagang 94 na Protected
Areas na matatagpuan sa iba’t-ibang sulok ng bansa.
Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) o RA 11038
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
Section 2. Paglalahad ng Polisiya ng Batas ENIPAS (Declaration of Policy)
“…Kikilalanin ng E-NIPAS ang pangangalaga ng kalikasan at pamamahala na ipinatutupad ng mga Local Government Unit (LGU), mga lokal na pamayanan at mga Katutubong Pamayanan”.
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
“Sa loob ng isang taon mula sa pagtatag ng Protected Area, gagawang isang ‘Plano ng Pamamahala’ na siyang magiging balangkas na panuntunan sa pagsasagawa ng mga plano ng gawain at pondongkakailanganin.
Ang Planong ito ay ipagsasang-ayon (harmonized) sa Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) na batay sa IPRA o RA 8371 at sa Comprehensive Land Use Plan o CLUP na batay sa Local Government Code ng 1991 at iba pang mga plano.”
Section 9. Management Plan
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
Bilang bahagi ng pagkonserba sa mga pamana ng kalikasan at mga lugar na mataas ang
antas at halaga sa biodiversity, ang mga teritoryo at mga lugar na sakop ng mga
Katutubong Pamayanan ay kikilalanin, rerespetuhin, pauunlarin at itataguyod.
Ang mga apektadong pamayanang katutubo ay siyang may responsibilidad na
mamahala (govern), magpanatili at magpaunlad, mag-konserba, at magprotekta ng
mga lugar na ito ayon sa mga katutubong kaalaman, gawi at batas kasama ang buo at
epektibong tulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Department
of Environment and Natural Resources (DENR), mga ahensiya ng pamahalaan, local
government unit (LGU), at mga suportang grupo.
Magtatatag ng isang mekanismo para sa maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga Pamunuan ng Katutubo, NCIP, DENR, ahensiya ng gobyerno, at mga suportang grupo
Section 13. Katutubong Karapatan at Lupaing Ninuno
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
Sec. 20. Mga Pinagbabawal na Gawain – Liban lamangkung pinahihintulutan at ayon sa mga patakaran at regulasyon, ang mga sumusunod ay ipinagbabawal:
j) Pagputol, pangangalap, at pag-alis ng mga puno sa loob ng Protected Area kahit pa sa loob ng pribadong lote na walangkaukulang permit, awtorisasyon, sertipikasyon na ito ay itinanim o exemption na ang pagputol ay paglilinis ng kagubatan, liban lamang kung ito ay isinagawa ayon sakinikilalang katutubong gawi ng mga Pamayanang Katutubopara sa kanilang kabuhayan.
k) Pagsira, paghuhukay, paglapastangan sa anumang paraan ng mga natural na bagay, mga sagradong lugar, mga lugar namakasaysayan, may natural na ganda, at mga mahahalagangbagay sa Katutubong Pamayanan.
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
Sec. 29. Interpretasyon – Ang mga nilalaman nitongbatas na ito ay iintidihin na may pakahulugang pabor saproteksyon at rehabilitasyon ng Protected Area at para sa konserbasyon at pagpapanumbalik ng kalikasanhabang isinasaisip ang mga pangangailangan at interesng mga kwalipikadong migrante at karapatan ng mgakatutubo at lokal na pamayanan, at ang mga benepisyomula sa mga pakinabang sa kalikasan para sakasalukuyan at sa darating na henerasyon. Walanganuman sa batas na ito ang magbabawas o magpapawalang-bisa sa lokal na awtonomiya o sa IPRA.
Parks/Protected Areas
Ancestral Domains
Forest Cover
Mga Halimbawa ng Overlap ng Lupaing Ninuno at Protected Area
Aming nalalaman…
▪ Na ang aming Gubat Sanctuaryo ay sinasakopdin ng parke at ito din ang idineklara nilang“Strict Protection Zone” na kung saan bawallahat ang anumang gawain.
▪ Na ang lugar na ito din ang pinakamahalagadahil sa kultura, pamumuhay at pagkataobilang katutubong Mangyan Taga-Bukid.
Certificate of Ancestral Domain Title (CADT ) ng Mangyan Taga-Bukid: 8,408.4 hectares
Mt. Guiting-guiting Natural Park
Overlap area: 3,322 hektarya o 43% ng CADT at 21% ng PA
Sakop sa overlap ng parkeat CADT ang kabuuan ng Sanctuary Forest, Production Forest,Pangasuhan, mga Sagradong Lugar, malaking bahagi ng Latian at ang mga sitio ng: Haguimit, Buyabog, Malapipi, Payma, Tagbong, Lamao, Dakong Sapa, Guintac-an
LupaingNinuno
NAME CERTIFICATE # ORGANIZATION ETHNOLINGUISTIC GROUPS LOCATION
• Hanunuo Mangyan AD Hanununo Mangyan Bulalacao
• Hanunuo Mangyan AD Hanunuo Mangyan Mansalay
• CADC 124 CADC 124 Alangan Mangyan Naujan
• CADC 130 CADC 130 Buhid Mangyan San Jose
• CADC 126 CADC 126 Iraya Mangyan Baco
• CADC 024 CADC 024 Alangan Mangyan Sablayan
• CADC 085 CADC 085 Sulodnon Socorro
• CADC 086 CADC 086 Alangan Mangyan Naujan
• CADC 125 CADC 125Tarabangan Fagayo Tau Buid sa Mindoro Tao Buid Mangyan Pinamalayan
• CADT 23 R04-PUE-0404-023 Iraya Mangyan Puerto Galera
• CADT 14 R04-SCR-0140-014 Iraya Mangyan Sta. Cruz
• CADT 46 R04-GLO-0706-046 Tadyawan Mangyan Gloria
• CADT 47 R04-PIN-0706-47 Tadyawan Mangyan Pinamalayan
• CADT 98 R04-SAB-0309-098 Alangan Mangyan Sablayan
• CADT 127 R04-BON-0709-127 Buhid Mangyan San Jose
• CADT 100 R04-MAG-0309-100 HAGURA Hanununo Mangyan Magsaysay
• Alangan Mangyan CADT Claim Alangan Mangyan Sablayan
• Naujan CADT Claim Naujan
• Naujan CADT Claim Naujan
• Pola CADT Claim Pola
Forest
Protected Areas
Key Biodiversity Areas
PA vs. CADT Overlap
▪ 62 Protected Areas ang sumasapaw o nag-ooverlap sa mga CADTs
▪ 99 CADTs ang apektado:• 42 sa Luzon
• 18 sa Island Groups
• 39 sa Mindanao
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
▪ Sec. 5, (a1). Sa tulong ng mga ibang ahensiya ngpamahalaan, kung kinakailangan, ang DENR ay magtutukoy ng mga hangganan ng mga Protected Area. Hindi ito maaaring baguhin, liban lamangkung may kautusan ang Kongreso.
▪ Sec. 5 (a.2). Sa loob ng tatlong taon mula ng maisabatas ang E-NIPAS, magsasagawa ang DENR ng mga sumusunod na hakbang:1) Pagmamapa2) Pag-aaral ukol sa pagiging angkop ng lugar3) konsultasyon sa publiko
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
▪ Section 5 (c). Magsasagawa ng pag-aaral kung angkop ang lugar bilang maging Protected Area.Lalamanin nito ang mga sumusunod:
1. Survey ng mga naninirahan sa Protected Area;
2. Enthnographic Survey;
3. Katangian ng likas-yaman sa lugar;
4. Mga Plano sa gamit ng Lupa at Katubigan; at,
5. Iba pang mga pag-aaral.
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
▪ Sec. 5 (d). Sa pagsasagawa ng konsultasyon, ang DENR ay:
1. Ipapaalam sa publiko ang pagkakaroon ng konsultasyon sa pamamagitan ng peryodiko at ibapang publikong patalastas sa mga apektadong bayan at pamayanan 30 araw bago maganap ang konsultasyon;
2. Isasagawa ang konsultasyon sa mga lugar na malapitsa Protected Area;
3. Magsagawa ng mga rekomendasyon ayon sa resultang konsultasyon.
Mga mahahalagang bahagi ng E-NIPAS
Sec. 11. Protected Area Management Board (PAMB)
Sa loob ng tatlong (3) buwan mula ng magingepektibo ang batas, magtatatag ng isang PAMB para sa mga Protected Areas na nasa antas na ‘initial components,’ sa mga ‘proklamado ng presidente’ at sa mga ‘naisabatas na.’
Mga Kinatawan sa PAMB
a. Ang DENR Regional Director na may jusrisdiction saProtected Area ang siyang magiging Chairperson;
b. Governor o kanyang opisyal na kinatawan kung saanmatatagpuan ang Protected Area;
c. Senador na residente sa lugar na kung saan matatagpuanang Protected Area, liban lamang kung ayaw niya ang appointment;
d. Representante ng Kongreso sa distrito na kung saanmatatagpuan ang Protected Area, liban lamang kung ayawniya ang appointment;
e. Mayor o opisyal na representante ng siyudad/bayan nakung saan matatagpuan ang Protected Area;
f. Chairman ng barangay na kung saan matatagpuan ang Protected Area;
Mga Kinatawan sa PAMB
g. Mga Regional Director ng mga sumusunod naahensya ng Gobyerno: Department of Agriculture (DA), National Economic Development Authority (NEDA), Department of Science and Technology (DOST), Philippine National Police (PNP),at Department of National Defense (DND);
h. Tatlong (3) kinatawan ng mga People’s Organization (PO) o Non-Government Organization (NGO) na kinikilala o accredited ng DENR at Provincial Government at mayroon nanglimang taon na naitatag at may kilalang kaalamansa pangangalaga sa kalikasan.
This document was prepared by Dave De Vera of the Philippine Association for Intercultural Development (PAFID) for BUKLURAN (Philippine ICCA Consortium) and the National Engagement Strategy Philippines (NES).
The printing of this document was made possible by the International Land Coalition (ILC) through NES Philippines. The information and views expressed in this document do not necessarily reflect those of ILC.
National Engagement Strategies are multi-stakeholder processesset in motion by the International Land Coalition to promotepeople-centered land governance, by influencing the formulationand implementation of land policies and programs. NES processesand their platforms are led by national actors, including non-ILCmembers, and are linked to regional and global processes of theInternational Land Coalition. [For more information:http://www.landcoalition.org/en/national-engagement-strategies.]
NES Philippines may be reached at:
c/o ANGOC33 Mapagsangguni Street, Sikatuna VillageDiliman, 1101 Quezon City, PhilippinesP.O. Box 3107 QCCPO 1101, Quezon City, PhilippinesTel: +63-2-3510581Fax: +63-2-3510011Email: [email protected]
Cover photo by Marianne Jane Naungayan of ANGOC. All maps used in this information material were
provided by PAFID.