14
United Pentecostal Church Welcome Service Notes Ang Siguradong Pundasyon Page | 1 of 14 ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. Lugue Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad: Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti. Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.” (Lucas 6:47-49) A. Ang Mga Prinsipyo ng Pagpapatuloy Matapos nating sundin ang Evangelio ni Kristo sa pamamagitan ng pagsisisi, bautismo sa tubig sa pangalan ni Hesus at bautismo sa Espiritu Santo na may ebidensya ng pagsasalita ng iba’t ibang wika (Mga Gawa 2:38), tayo’y mga bago nang nilalang. Ang sabi ng 2 Corinto 5:17: “Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.” Tayo rin ay binigyan na ng Diyos ng bagong puso at bagong espiritu (Ezekiel 36:26). Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tayo ay binigyan din n Diyos ng kapangyarihan mula sa itaas (Mga Gawa 1:8). Napakagandang isipin na tayo ay nagtamo na ng kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng kapanganakang muli (Juan 3:3-5), ngunit, ang manatili sa paglilingkod sa Diyos ay ibang usapin. Noong tayo’y tumanggap sa Panginoon sa pamamagitan ng bautismo, tayo’y pumasok na sa pintuan ng kaharian ng Diyos. Ngunit, ang pananatili sa paglalakad sa Kaniyang kaharian ay isang bagay din na dapat natin na gampanin. Ang buhay ng isang Kristyano ay maihahalintulad sa tatlong bagay:

ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

  • Upload
    doandan

  • View
    288

  • Download
    10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 1 of 14

ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. Lugue

“Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad: Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti. Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.” (Lucas 6:47-49)

A. Ang Mga Prinsipyo ng Pagpapatuloy

Matapos nating sundin ang Evangelio ni Kristo sa pamamagitan ng pagsisisi, bautismo sa tubig sa pangalan ni Hesus at bautismo sa Espiritu Santo na may ebidensya ng pagsasalita ng iba’t ibang wika (Mga Gawa 2:38), tayo’y mga bago nang nilalang. Ang sabi ng 2 Corinto 5:17:

“Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.”

Tayo rin ay binigyan na ng Diyos ng bagong puso at bagong espiritu (Ezekiel 36:26). Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tayo ay binigyan din n Diyos ng kapangyarihan mula sa itaas (Mga Gawa 1:8). Napakagandang isipin na tayo ay nagtamo na ng kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng kapanganakang muli (Juan 3:3-5), ngunit, ang manatili sa paglilingkod sa Diyos ay ibang usapin. Noong tayo’y tumanggap sa Panginoon sa pamamagitan ng bautismo, tayo’y pumasok na sa pintuan ng kaharian ng Diyos. Ngunit, ang pananatili sa paglalakad sa Kaniyang kaharian ay isang bagay din na dapat natin na gampanin. Ang buhay ng isang Kristyano ay maihahalintulad sa tatlong bagay:

Page 2: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 2 of 14

1. Paligsahan

Sa isang paligsahan, ang nagkakamit ng gantimpala ay ang taong hindi lamang pumirma sa paligsahan upang siya’y makasali, o tumakbo ng matulin ngunit sa dulo ay huminto; ang nananalo sa isang paligsahan ay ang taong nagtapos hanggang sa dulo ng patimpalak. Ang buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. Mahalaga na tayo’y makasali sa paligsahan ng kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo sapagka’t kung hindi ito magaganap sa ating buhay, sa dulo ng paligsahan, mawawalang halaga ang ating pagtakbo. Ngunit, gaano man ang ating ginawa upang tayo ay makasali sa patimpalak o gaano man kabilis ang ating pagtakbo, kung hindi naman natin tatapusin ang paligsahang ito, hindi rin tayo magkakamit ng gantimpala – ang kaligtasan. Sinabi ng Bibliya sa Mateo 24:13 – “Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.”

2. Pakikibaka

Sinabi ni apostol Pablo sa aklat ng mga taga Efeso 6:12 “Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Nang tayo ay tumanggap sa Panginoon, tayo ay pumasok sa isang pakikibaka. Isang sikat na manunulat ang nagsabi na ang buhay Kristyano ay hindi katulad ng pagsakay sa isang pang-turistang sasakyan kundi ito ay pagpasok sa isang sasakyang pangdigmaan hanggang tayo’y makarating sa tahanan ng Diyos. Matapos na tayo’y mabautismuhan, mayroong isang digmaan o pakikibaka na patuloy na mangyayari sa ating buhay hanggang tayo’y kunin ng Diyos o hanggang sa Kaniyang pagbabalik. Ang digmaan na ito ay hindi pisikal; ang digmaang ito ay nangyayari sa ating sariling kalooban – ang labanan ng ating sariling laman at ating sariling espiritu. Tayo ay katulad ng mga sundalo. Ang sabi ni Pablo sa 1 Timoteo 6:12 “Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at

Page 3: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 3 of 14

ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.” At atin ring tandaan na ang sandata ng atingpakikipaglaban ay hindi ukol sa laman (2 Corinto 10:4).

3. Bahay na naitayo sa isang pundasyon

Noong ating ginanap ang Evangelio ni Kristo, tayo ay nagtayo ng isang bahay sa isang pundasyon. Ngunit, nasa ating mga kamay ang pagpapatibay ng mga pundasyong ito sa pamamagitan ng mga bagay na inutos ng ating Panginoon. Malinaw sa parabula ni Hesus sa Lucas 6:47-49 na ang tao, mananampalataya man o hindi, ay makakaranas ng mga bagyo at pagbaha. Kung ang ating pundasyon ay mahina, magiging malaki ang kasiraan ng ating tahanan. Ngunit, kung an gating pundasyon naman ay matibay, dumaan man ang maraming bagyo at pagbaha, mananatiling nakatayo ang ating bahay. Ating tanungin ang ating mga sarili, “gaano katibay ang ating pundasyon?” Nalaman natin sa mga ilustrasyong ito na ang pagpapatuloy sa Panginoon ay isang mahalagang bagay. Ang kaligtasan ay hindi natatapos sa pagsisisi, bautismo sa tubig at pagtanggap ng Espiritu Santo. Kailangan nating magpatuloy sa paglilingkod sa Panginoon hanggang sa kaniyang muling pagbabalik. Sinabi ng aklat ng mga taga-Filipos 1:7 na anumang ating sinimulan ay gawin at lubusin natin hanggang sa araw ni Jesucristo.

B. Mga Tungkulin ng isang Kristyano

Ang tanging paraan para tayo ay makapagpatuloy sa paligsahan hanggang sa wakas, o upang tayo ay magkaroon ng tagumpay sa digmaan at magkaroon ng matibay na pundasyon ang tinayo nating tahanan, ay sa pamamagitan lamang ng pagganap ng ating mga tungkulin bilang Kristyano. Ang isang tao ay nakikilala sa pamamagitan ng mga tungkuling kaniyang ginagawa. Ang isang tao ay masasabi mong guro kung siya ay nagtuturo, nagsusuot ng kasuotang pang-guro o ‘di kaya’y may dala-dalang kagamitang pang-guro. Ang isang tao ay masasabi mong isang duktor kung siya’y nasa ospital, nagsusuot ng putting damit, o di kaya’y may dala-dalang “stethoscope” at iba pang gamit na pang-duktor. Ang pagiging Kristyano ay gayundin naman. Tayo ay makikilala sa pamamagitan ng mga bagay na ating ginagawa, mga kasuotang ating sinusuot at uri ng pamumuhay na ating isinasabuhay.

Page 4: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 4 of 14

Maraming tungkulin ang makikita natin sa Salita ng Diyos. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bagay na dapat nating gawin upang tayo’y makilala bilang Kristyano at upang tayo’y tumibay sa ating paglilingkod sa Panginoon.

1. Pagbabasa, Pakikinig at Pag-aaral ng Salita ng Diyos

Ang gampanin ng Salita ng Diyos sa ating buhay bilang Kristyano ay sadyang napakahalaga. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito:

a. Pagkain ng ating kaluluwa

Sinabi ng Mateo 4:4 “Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Kung ang ating katawang panglupa ay nangangailangan ng pagkain, tubig at pahinga upang ito ay mabuhay, ang ating kaluluwa din nama’y nangangailangan ng Salita ng Diyos upang ito’y mabuhay ng may tamang kalusugan.

b. Para sa ating espiritwal na paglago

Sinabi ng 1 Pedro 2:2 “Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas nang salita walang daya, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas.” Noong tayo’y nabautismuhan, tayo’y ay maihahalintulad sa isang sanggol na ipinanganak. Upang tayo ay lumaki o lumago sa paglilingkod sa Diyos, kagaya ng isang sanggol, naisin natin lagi ang gatas na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

c. Susi ng mga pabor at pagpapala ng Diyos

Sinabi ng Josue 1:8 “Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.” Noong tayo ay tumanggap sa Panginoon, ang pintuan at durungawan ng langit ay bumukas at handing ibuhos sa atin ang pangakong pagpapala ng Diyos. Ngunit, ang ating gampanin upang makamtan ang mga pangakong ito ay kung ating babasahin, pagbubulaybulayan at susundin ang mga kautusan ng Diyos.

d. Para sa pagiingat sa paggawa ng kasalanan

Page 5: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 5 of 14

SInabi ni Haring David sa Mga Awit 119:11 “Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.” Sa Mateo 4, noong ang ating Panginoong Hesus ay tinukso ng tatlong beses ng diyablo, ang kaniyang naging pananggala ay “Nasusulat…” Kung nais nating magtagumpay laban sa kasalanan na maaaring magpalayo sa atin sa Diyos, kailngan natin na itago ang Salita ng Diyos sa ating mga puso.

e. Pangdagdag sa ating pananampalataya

Kung walang pananampalataya, hindi natin kailanman malulugod ang Diyos (Mga Taga-Hebreo 11:6). At ang tangi lamang paraan upang ang tao ay magkaroon ng pananampalataya ay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Sabi ng aklat ng mga taga-Roma 10:17 “Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” Ilan lamang ang mga bagay na ito sa mga mahahalagang gampanin ng Salita ng Diyos sa ating buhay bilang Kristyano. Marapat lamang na atin ngang basahin at pagbulaybulayan ang Salita ng Diyos (Josue 1:8), saliksikin ang Salita ng Diyos (Juan 5:39), aralin ang Salita ng Diyos (2 Timoteo 2:15) at hindi lamang taga-pakinig kundi taga-ganap ng Salita ng Diyos (Santiago 1:21-24).

2. Pananalangin

Ang isa sa pinakamahalagang elemento sa anumang klase ng relasyon ay ang komunikasyon. Sinomang dalawang tao, gaano man nila kamahal ang isa’t isa sa una, na hindi maayos ang komunikasyon ay hindi kailanman magkakaroon ng matibay at matagumpay na relasyon. Ang panalangin ay isang uri ng komunikasyon. Sa ating relasyon sa Diyos, ang panalangin ay isang mahalagang tungkulin na dapat nating gawin upang mapagtibay ang ating relasyon sa Panginoon. Sinomang Kristyano na hindi marunong manalangin, o hindi nagbibigay ng sapat na panahon upang manalangin ay hindi dapat umasa na siya ay magkakaroon ng matibay at matagumpay na buhay bilang Kristyano. Ang isang bagay na hiniling ng mga disipulo ng ating Panginoong Hesus sa kaniyang kapanahunan bilang tao ay makikita natin sa Lucas 11:1 “At nangyari,

Page 6: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 6 of 14

nang siya'y nananalangin sa isang dako, nang siya'y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad.” Pangunahing utos sa pananalangin. Maraming kautusan ang sinabi ng Bibliya patungkol sa panalangin. Sinabi ng Mateo 6:7 na huwag tayong manalangin ng paulit ulit (o panalangin na kinabisado). Huwag din tayong manalangin na kagaya ng mga hipokrito na nagsisipanalangin sa mga sinagoga o sa mga pampublikong lugar upang Makita lamang na sila ay nananalangin (Mateo 6:5-6). Inutusan din tayo ng Panginoon na tayo’y manalangin sa pangalan ni Hesus sapagka’t sa Kaniyang pangalan lamang mayroong kapangyarihan (Mga Taga-Colosas 3:17). ANO ang ipapanalangin? Sinabi ng Juan 14:14 na anuman ang ating hingin sa pangalan ni Hesus, ito ay kaniyang tutugunin. KAILAN mananalangin? Sinabi 1 Mga Taga-Tesalonica 5:17 na tayo’y manalangin ng walang patid. Ang ibig sabihin lamang ni Pablo na gawin nating mahalagang bahagi ng ating buhay ang panalangin. Manalangin tayo sa tuwi-tuwina at hayaan natin na ang ating mismong buhay ay maging panalangin sa Diyos. SAAN mananalangin? Ang panalangin ay isang kondisyon ng puso. Saan man tayo naroroon o anuman ang ating posisyon sa panalangin, ito ay kayang dinggin at tugunin ng Diyos kung ito ay galing sa ating mga puso. PAANO manalangin? Maraming kaparaanan na kung saan pwede nating gawin ang pananalangin. Si Hesus, sa Mateo 6:9-13 ay nagturo ng isang paraan kung paano manalangin:

“Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.”

Atin nating tandaan na ang panalangin na ito ay isang paraan lamang kung

Page 7: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 7 of 14

paano manalangin. Hindi intension ng Diyos na ating ulit-ulitin ang mga salitang ito. Mula sa paraan ng pananalangin na ito, makikita natin ang apat na element na marapat lamang na Makita sa ating mga dalangin: A – Adoration (Pagsamba) C – Confession (Paghingi ng Tawad) T – Thanksgiving (Pagpapasalamat) S – Supplication (Paghingi ng mga pangangailangan) Gaya ng ating nabanggit, ang panalangin ay kundisyon ng ating mga puso. Maaring may ibang paraan na itinuturo sa atin ang Panginoong Hesus, gayunpaman, ang mahalaga ay manggaling ang ating mga panalangin hindi lamang sa bibig, kundi sa ating mga puso.

3. Pagdalo sa mga Gawain

Sinabi ni Pablo sa aklat ng mga taga-Hebreo 10:25 “Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.” Isang mahalagang gampanin natin bilang Kristyano ay ang pagdalo natin sa mga pagtitipon ng mga kapwa nating mananampalataya. Ito ay hindi lamang isang mungkahi, kundi, ito ay isang utos na dapat sundin. Anumang utos na hindi natin sinusunod ay nangangahulagan din na ito ay pagkakasala (1 Juan 3:4). Ang pagtitipon gaya ng pagsamba sa araw ng Linggo ay isang mahalagang pagtitipon. Sa katanuyan, bahagi sa Sampung Utos ng Diyos na ang araw ng Sabbath ay ipangilin (Exodo 20). Ang araw ng Sabbath ay anumang araw na kung saan tayo ay nagtatamo ng kapahingahan sa ating mga espiritu at atin ding nabibigyang kapahingahan ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga pagsamba. Ang kapahingahang ito ay nagaganap sa mga pagtitipon ng mga anak ng Diyos. Tungkulin natin bilang Kristyano na dumalo sa ganitong klaseng mga pagtitipon sapagka’t nagdudulot ito sa atin ng paglago at kalakasan na hindi natin masusumpungan sa ating mga tahanan lamang. Walang taong nabubuhay sa kaniyang sarili lamang. Ang katawan ni Kristo, na walang iba kundi ang iglesia, ay ibinigay upang ito ay magkaroon ng pagkakaisa sa paglilingkod sa Diyos. Ang ating mga kapatid sa Panginoon ay ibinigay ng Diyos upang punan ang ating mga kahinaan at atin ding maibahagi ang ating kalakasan sa kanilang mga kahinaan.

Page 8: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 8 of 14

4. Pagiging Katiwala

Sa Genesis 1:27-30, sinabi ng Panginoon:

“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain: At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon.”

Sa orihinal na lenggwaheng Hebreo, ang salitang “magkaroon kayo ng kapangyarihan” ay “radah” na ang ibig sabihin ay “pangasiwaan.” Ang lahat ng bagay ay likha ng Diyos at ito ay pawang nalikha para sa Diyos. Ang buong sanglibutan at anumang bagay na narito ay pagmamay-ari ng Diyos (Mga Awit 50:12). Hindi kailanman ibinigay ng Diyos ang kaniyang pagmamay-ari sa tao, datapuwa’t, ibinigay lamang ng Diyos ang “pangangasiwa” ng mga bagay na kaniyang nilikha sa tao. Bukod sa mga hayop at iba pang nilikha ng Diyos, tayo ay pinagkatiwalaan din ng Diyos ng mga sumusunod na bagay:

- Panahon

- Talento

- Salapi

Oras o panahon. An gating oras o panahon ay pagmamay-ari ng Diyos. Sa aklat ng mga taga-Hebreo 9:27, ang kamatayan ay isang bagay na tinakda ng Diyos. Wala tayong magagawa sa bagay na ito at ito ay nangangahulugan lamang na ang ating buhay ay sa Diyos.

Page 9: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 9 of 14

Nais ng Diyos na ang ipinahiram Niyang panahon sa atin ay mapangasiwaan nating mabuti. Suriin natin ng mainam kung paano natin ginagamit ang ating oras. Marapat lamang na mas mabigyan natin ng panahon ang Diyos na nagbigay sa atin ng mga pagkakataon at panahon. Talento o kakayahan. Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng Diyos ng talent o kakayahan. Hindi man tayo pare-pareho ng mga kaloob na binigay ng Diyos, isang tiyak na bagay na ang bawat isa ay mayroong kakaibang kakayahan na puwedeng ipagamit sa Panginoon. Dapat nating malaman na ang mga kaloob na ito ay ibinigay ng Diyos upang magbigay ng kaluwalhatian sa Kaniya (1 Pedro 4:10-11). Suriin natin ang kaloob na ibinigay sa ating ng Panginoon at hayaan nating mapangasiwaan ito ng mabuti sa pamamagitan ng pagpapagamit nito para sa kaluwalhatian ng Diyos. Salapi o ari-arian. Gaano man natin pinaghirapan ang ating mga salapi o ari-arian, isang tiyak na bagay na ito ay galing pa rin sa Diyos. Wala tayong tatanggaping anumang bagay sa mundong ito maliban ito ay ipagkaloob ng Diyos sa langit. Paano natin mapapangasiwaan ng mabuti ang mga salapi’t ari-arian na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos? Sa Malakias 3:8-10, isang malaking katanungan ang nasabi:

“Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa. Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.”

Isang malaking palaisipan kung ating iisipin kung kaya ba nating manakawan ang Diyos na nasa langit. Ngunit, sinabi mismo ng Diyos, nananakawan natin Siya. Sa kadahilanang pagmamay-ari Niya ang anumang bagay na mayroon sa atin, nananakawan natin Siya kung tayo ay hindi nagdadala n gating mga ikapu at handog sa tahanan ng Diyos.

Page 10: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 10 of 14

Ikapu – ito ay ang ikasampung bahagi ng lahat ng ating kita. Inutos ng Diyos na ito ay ating “DALHIN” sa tahanan ng Diyos sapagka’t ito ay sa Kaniya. Handog – anumang bagay o anumang halaga na ating ibibigay sa Diyos na galing sa ating mga puso. Ang pagbibigay ng ikapu at handog ay ginawa ni Abraham (Genesis 14:20). Ito ay ginawa rin ni Jacob (Genesis 28:22). Sinabi rin ni Hesus na ang kay Ceasar ay ibigay kay Ceasar, at ang sa Diyos ay ibigay sa Diyos (Mateo 22:21). Upang tayo’y maging katiwala ng mga bagay na ating tinatanglilik ditto sa lupa, marapat lamang na sundin natin ang palatuntunan ng Diyos ukol sa bagay na ito – ang pagbibigay ng ikapu at handog. Sa Mateo 25:14-30, may isang parabola na nagsasabi:

14 Ito ay katulad din sa isang lalaking papaalis ng bansa. Tinawag niya ang

kaniyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian. 15

Ibinigay niya sa isang alipin ang limang talento, sa isa pang alipin ay dalawang talento at sa isa pang alipin ay isang talento. Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kaniyang kakayanan. Siya ay umalis agad ng bansa. 16

Siya na nakatanggap ng limang talento ay nangalakal at tumubo ng lima pang talento.

17 Gayundin ang nakatanggap ng dalawang talento, siya ay

tumubo ng dalawa pa. 18

Ngunit siya na nakatanggap ng isang talento ay umalis. Siya ay naghukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon.

19 Pagkatapos ng mahabang panahon, dumating ang Panginoon ng mga

aliping iyon at sila ay nagbigay-sulit sa kaniya. 20

Dumating ang nakatanggap ng limang talento at nagdala siya ng lima pang talento. Sinabi niya: Panginoon, ipinagkatiwala mo sa akin ang limang talento. Narito, bukod dito ay tumubo pa ako ng lima.

21 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa.

Ikaw ay mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming mga bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.

Page 11: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 11 of 14

22 Dumating din ang nakatanggap ng dalawang talento. Sinabi niya:

Ipinagkatiwala mo sa akin ang dalawang talento. Tingnan mo, bukod dito ay tumubo pa ako ng dalawa.

23 Sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa.

Ikaw ay mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay. Pamamahalain kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.

24 Dumating din ang nakatanggap ng isang talento. Sinabi niya: Panginoon,

kilala kita na ikaw ay isang malupit na tao. Umaani ka sa hindi mo inihasik at nagtitipon sa hindi mo ikinalat.

25 Dahil sa takot, ako ay umalis at itinago

ang iyong talento sa lupa. Narito ang para sa iyo.

26 Sumagot ang kaniyang panginoon: Ikaw ay masama at tamad na alipin!

Nalalaman mo na ako ay umaani sa hindi ko inihasik at nagtitipon sa hindi ko ikinalat.

27 Nararapat sana na inilagay mo ang aking salapi sa mga

mamamalit ng salapi. At sa aking pagdating ay tatanggapin ko ang aking salapi na may tubo.

28 Kunin nga sa kaniya ang talento at ibigay sa kaniya na may sampung

talento. 29

Ito ay sapagkat ang bawat mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap ng sagana. Ngunit sa kaniya na wala, maging ang nasa kaniya ay kukunin sa kaniya.

30 Ang walang silbing alipin ay itatapon sa kadiliman sa

labas. Doon ay may pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.

KONKLUSYON Isang bagay ang maligtas at isang bagay din ang manatiling ligtas. Tayo ay magsumikap na gampanan ang lahat ng ating tungkulin bilang isang Kristyano sapagka’t ang mga bagay na ito ang makakapagpanatili sa atin hanggang sa muling pagbabalik n gating Panginoong Hesus. Sa mundong ito ay walang katiyakan. Sinabi ni Pablo sa 2 Timeteo 2:19 na ang pangsalig o pundasyon ng Diyos ay nananatili. Ang langit at ang lupa ay lilipas, ngunit ang Salita ng Diyos at ang tumatalima rito ay mananatili magpakailanpaman. Ang Diyos ay ang ating siguradong pundasyon. Yaman din lamang na ang ating tahanan ay nakatayo rito, ating pagtibayin at panatilihin ang pagkakatayo natin sa pundasyong ito.

Page 12: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 12 of 14

NOTES

Page 13: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 13 of 14

OTHER AVAILABLE MATERIALS

“Holiness in the Contemporary Times” This is a 4-lesson series compiled in a booklet which discusses the contemporary issues which seem to be a threat to the holiness standards of the church. This material is usually used in Holiness Seminars conducted by the local church of Tondo. “A-12 Ministry Modules” These are booklets which are ideally used in the conduction of discipleship program(s). There are three modules available: (1) Convert Level, (2) Worker Level and (3) Leader Level. Each module is consist of twenty four concised lessons. “Munaklat ng mga Pangunahing Doktrina” This is a booklet consiting of lists of verses categorized according to each basic doctrine of the Bible such as Oneness of God, New Birth, Christian Living and others. This material is usually used during Mass Indoctrinations. “OMSIFY TEAM” This is a compilation of program guides and manuals which discusses different evangelistic programs such as Discipleship (Apostolic Twelve Ministry), OMSIFY Crusades, OMSIFY Children’s Church and Church Planting. “Compilation of Lesson Plans and Lesson Materials” The church’s compilations of lesson series with lesson plans, lesson guides and various activities are also available. These materials are intended for Sunday School, Children’s Church and Teens Service. ***For inquiries, please contact us through the given contact details on the cover.

Page 14: ANG SIGURADONG PUNDASYON Ni: Bro. Raymart C. · PDF fileAng buhay ng isang Kristyano ay katulad rin nito. ... tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa

United Pentecostal Church Welcome Service Notes

Ang Siguradong Pundasyon Page | 14 of 14

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS

Republic Act No. 8293, also known as Philippine Copyright Law protects all forms of intellectual properties such as books, booklets, pamphlets, public speaking works (lectures, speeches and sermons) and others. Under the Philippine Copyright Law, even unpublished works qualify as fair use. The government expressly gives copyright ownership to the copyright holder automatically for works fit in the categories of intellectual properties. In accordance to such law, and in respect to the author of this material, please do not photocopy any part of this booklet. If you wish to do so for reasonable causes, please reserve permission from the author through the contact details given on the cover. Violation to copyrights is a form of stealing.

“Thou shalt not steal.” (Exodus 20:15)

Thank you very much. God bless you in Jesus’ name!

- The United Pentecostal Church of Tondo