Click here to load reader

Ang Mga Bayaning Pilipino

  • View
    549

  • Download
    10

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga bayani ng ating lahi..grade 2

Text of Ang Mga Bayaning Pilipino

ANG MGA BAYANING PILIPINO

ANG MGA BAYANING PILIPINOAng Pilipinas ay lupain ng mga dakilang bayani. Maraming mga Pilipino ang nagsilbing huwaran ng katapangan. Ginamit ng mga Pilipinong ito ang kanilang kakayahan upang ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa.

Siya ang ating pambansang bayani.Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.Ang kanyang mga magulang ay sina Teodora Alonzo at Francisco Mercado Rizal.

Dr. Jose P. RizalSiya ay naging isang guro, doktor sa mata, pintor, eskultor at manunulat.Binaril siya sa Bagumbayan (Rizal Park) noong Disyembre 30, 1896.

Ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila.Labing-apat na taon ng siya ay maulila, sa paggawa ng baston at abaniko siya kumikita ng pera upang mabuhay nya ang kanyang limang kapatid.Andres Bonifacio

Isinulat niya ang tulang Pag-ibig sa Tinubuan Lupa.Itinatag niya ang Katipunan.Pinangunahan niya ang mga katipunero sa Unang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 1896.Namatay siya noong Mayo 10, 1897.

Isinilang siya sa Talaga, Tanuan, Batangas noong Hulyo 22, 1864.Tinaguriang Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo.

Apolinario Mabini

Siya ang sumulat ng Tunay na Dekalogo na nagsasaad ng:Ibigin mo ang iyong bayan nang pangalawa sa Diyos at sa iyong dangal, at nang higit sa sarili sapagkat iyan ang tanging paraiso sa ipagkakaloob ng Diyos sa iyo.Emilio Jacinto

Ipinanaganak noong Disyembre 15, 1875 sa Tondo Maynila.20 taong gulang lamang noong siya ay sumali sa Katipunan.

Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan.Kinilala siya bilang Utak ng Katipunan.Namatay siya sa Majayjay, Laguna noong Abril 16, 1899.Antonio Luna

Magiting na Heneral ng RebolusyonIpinanganak siya sa Urbiztondo, Maynila noong Oktubre 29, 1866.Sa edad na anim na taong gulang ay natutuhan na ang pagbasa, pagsulat at ang apat na basikong operasyon sa matematika.Nakakuha ng mataas na marka sa Batsilyer en Artes sa Ateneo Municipal de Manila.

Bilang isang pinuno, mahigpit ang kanyang disiplina na di kinasiya ng ibang mga kawal ni Aguinaldo.Ito ang naging dahilan upang siya ay patayin sa Cabanatuan noong 1899.

Melchora AquinoIna ng KatipunanKinilala sa tawag na Tandang SoraNaging kasapi siya ng Katipunan noong siyay mahigit 80 taon na.

Dinamitan, pinakain at inalagaan niya ang mga Katipunerong pumupunta sa kanyang tahanan.Natuklasan ng mga kastila ang kanyang ginagawa kayat siyaay dinakip at ipinatapon sa pulo ng Marianas.Bumalik siya sa Pilipinas noong 1903.

Gregorio del PilarBayani ng Pasong TiradIpinanganak siya sa Bulacan, Bulacan noong ika-14 ng Nobyembre, 1875.Siya ay pamangkin ni Marcelo H. Del Pilar.

Siya ay naging heneral ng mamatay si Hen. Antonio Luna.Buong giting na ipinagtanggol ni del Pilar ang patakas na si Aguinaldo sa Pasong Tirad.

Gabriela SilangSiya ang butihing maybahay ni Diego Silang.Ipinanganak sa baryo Caniogan, Ilocos Sur noong ika-19 ng Marso, 1731.Matulungin, maunawain at relihiyosong bata si Gabriela.

Nagtuloy sa pakikidigma sa mga kastila nang mapatay ang kanyang asawang si Diego Silang.

Josefa Llanes EscodaIsang dakilang bayaning Pilipina. Tinulungan niya ang mga sugatang sundalong Pilipino noong panahon ng Hapones at namahagi siya ng mga pagkain, gamot at damit sa mga bihag na Pilipino.

Si Josefa Llanes Escoda ang nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines. Isa rin siyang mahusay at masipag na guro.

Jose Abad SantosIpinanganak siya sa San Fernando, Pampanga noong Pebrero 19, 1886.Ang mga magulang niya ay sina Vicente Abad Santos at Toribia Basco.Ngtapos siya ng abogasya sa Amerika.Siya ay naging Kalihim ng Hustiya.

Naging Punong Mahistrado siya sa Korte Suprema. Nang sakupin ng bansang Hapon ang Pilipinas, iniwan sa kanya ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pamamahala sa bansa nang itoy tumakas sa mga Hapones.Noong Abril 11, 1942, nadakip siya ng mga Hapones. Pinili ni Jose Abad Santos ang kamatayan kaysa makipagtulungan sa mga Hapones.

Heneral Emilio AguinaldoSi Heneral Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang nagtatah ng isang malayang republika sa Pilipinas at sa buong Asya.

Siya ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.Lapu-Lapu

Si Lapu-Lapu ay datu sa Isla ng Mactan.

Nahirang siya bilang unang bayani ng ating bansa dahil sa kanyang katapangan at di pagsunod sa kapangyarihang kastila.Raha Sulayman

Si Raha Sulayman ang huling hari ng Maynila. Itinuturing siya ng mga Kastila bilang pinakamatapang na Pilipino na nakalaban nila.

Tinutulan niya ang pang-aabuso ng mga Kastila at pinamunuan niya ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kanila. Namatay siya sa pakikipaglaban noong Hunyo 3, 1571 sa Bangkusay,Tondo.

Sultan Dipatuan KudaratNakipaglaban siya sa mga kastila sa loob halos ng 48 taon, nang nais sakupin at gawing Kristiyano ng mga dayuhan ang kanyang pinamumunuan sa Maguindanao.

Siya ay sultan din ng Royal House of Maguindanao na nakasasakop sa parte ng Lanao.