16
Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino

Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

  • Upload
    others

  • View
    24

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Hanapbuhay ng mga Unang

Pilipino

Page 2: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino 1. Pinagyaman at pinangalagaan ng mga unang Pilipino ang likas

na yaman ng bansa. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga

sinaunang Pilipino, sila ay nagtanim ng mais, palay, niyog,

abaka, tubo, saging at iba’t ibang gulay at sari-saring punong

namumunga.

2. Mayroong dalawang sistema ng pagsasaka na ginagamit noon

ang pagkakaingin at paglilinang. Natuto ang mga tao noon ng

pagkakaingin upang magkaroon ng iba pang

mapagkukuhanan ng pagkain bukod sa pangangaso at

pangangalap ng pagkain sa kagubatan. Sa pagkakaingin ay

sinusunog at pinuputol ang mga puno sa kagubatan.

Page 3: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

3. Ang paglilinang naman ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa gamit ang araro at suyod, sa ganitong paraan natutunan ang paggamit ng kalabaw dahil noon ay tao ang gumagawa. Natutunan rin ang sistema ng patubig.

4. Ang mga naninirahan naman sa tabing dagat ay natuto ng pangingisda at paninisid, natuto silang gumamit ng pana, salakab, sibat, at bingwit at paninisid ng perlas at korales.

5. Ang mga sinaunang Pilipino ay naging mahusay rin sa pangangaso, gumagamit sila ng pana, sibat, at punyal upang maging madali ang paghuli sa mga maiilap na hayop.

6. Ang mga sinaunang Pilipino ay natuto rin na gumawa ng mga

sasakyang pantubig na mahalaga na ginagamit kapag sila ay

nakikipagkalakalan at nakikipagdigma. Ang ilan sa mga ito ay

tinawag nilang karakoa, parao, vinta, at birey. Ang matitibay at

maninipis na kahoy na ginamit sa paggawa ng mga sasakyang

pandagat ay nagmumula sa mga kabundukan.

Page 4: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

7. Dahil mayaman ang ating bansa sa mineral ay nakakapagmina

ang mga Pilipino noon ng ginto, pilak, tanso, at bakal, na

pangunahing ginagamit sa paggawa ng alahas, palamuti,

panluto, at pagpapanday na ginagamit pa sa ibang industriya

para makadagdag sa kabuhayan.

8. Ang mga Pilipino noon ay nakagawa rin ng mga alak at ito ay

naging maunlad, nakagawa sila ng tuba at lambanog mula sa

niyog, basi mula sa tubo, at pangasi at tapuy na mula sa bigas,

hanggang sa ngayon ay ginagawa pa rin ang mga katutubong

alak na ito.

9. Ang mga kababaihan naman ay natutong magburda at

pagkukulay ng tela, naghahabi rin sila ng mga telang yari sa

kapok, bulak, abaka, at hibla ng pinya.

Page 5: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Sistema ng Pagmamay-ari ng Lupain Malaki ang pagkakaiba ng pagmamay-ari ng lupa noon at sa

kasalukuyang panahon. Mayroong dalawang uri ng pagmamay-

ari noon ang pribado at pampubliko.

Ang Datu ang nagmamay-ari ng pribadong lupain, lubhang

mataba at sagana ang ganitong uri ng lupain sapagkat

naaalagaan itong mabuti ng mga alipin. Maaari itong paupahan

kung may gustong magtanim dito at maaaring bayaran sa

pamamagitan ng buwis. Ang mga lupaing niregalo, namana at

nakamit ay maituturing rin na pribado.

Pampubliko o panlahatan ay mga uri ng lupang mahirap sakahin,

di gaanong mataba at malapit sa kabundukan. Lahat ng tao ay maaaring magsaka sa pampublikong lupain.

Page 6: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Pakikipagkalakalan ng mga Unang Pilipino Ang pakikipagkalakalan ay ginamit ng mga sinaunang Pilipino

upang matugunan ang iba pang pangangailangan sa

pangkabuhayan, sila ay nakipag-ugnayan sa ibang katutubo sa

pamamagitan ng pakikipagkalakalan at pakikipagpalitan ng

produkto.

Nakatulong at naging maunlad ang sistemang ito kaya ang mga

Pilipino noon ay nakipagkalakalan na rin sa mga dayuhan na

bumibisita sa bansa lalo na sa mga karatig bansa sa Asya.

Maliban sa mga likas na yaman at produkto natuto rin ang mga

Pilipino ng mga tradisyon, kaugalian, paniniwala, paraan ng

pamumuhay , at paniniwalang espiritwal o relihiyon sa

pakikipagkalakalan nila sa mga dayuhan sa bansa.

Page 7: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Pangkapuluang Kalakalan at Ugnayan Gamit ang mga sasakyang pandagat ay nakarating

ang mga sinaunang Pilipino sa iba’t ibang lugar ng

Luzon, Visayas, at Mindanao para makipagkalakalan

sa mga kapwa katutubo.

Walang anumang salapi ang ginagamit noon sa

pakikipagkalakalan. Tanging produkto lamang ang

ginagamit gaya ng halamang pananim, alagang

hayop at iba pa. Tinatawag itong Barter.

Page 8: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Pangkapuluang Kalakalan at Ugnayan

Naging madali para sa mga dayuhan ang

makipagkalakalan sa mga Pilipino noon dahil sa

ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa

pamamagitan nito ay marami silang

napupuntahan para makipagpalitan ng mga

produkto gamit ang kanilang mga sasakyang

pandagat. Ito rin ang naging dahilan kung bakit

mayroong halong lahi ang ibang mga Pilipino

sapagkat nakapag-asawa ang mga Pilipino ng

mga dayuhang mangangalakal.

Page 9: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Pakikipagkalakalan sa mga Dayuhan Naging madali para sa mga dayuhan ang

makipagkalakalan sa mga Pilipino noon dahil sa ibat’

ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan

nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan

ng mga produkto gamit ang kanilang mga sasakyang

pandagat. Ito rin ang naging dahilan kung bakit mayroong

halong lahi ang ibang mga Pilipino sapagkat nakapag-

asawa ang mga Pilipino ng mga dayuhang

mangangalakal.

Page 10: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Kalakalang Orang Dampuan - Pilipino Sa pagitan ng taong 900 AD at 1200 AD

nagsimulang makipag-ugnayan ang mga Orang-

Dampuan sa Sulu, nagmula sila sa Timog Annam ng

bansang Vietnam. Sa una ay matiwasay at maganda

ang ugnayan nila sa mga Pilipino, subalit nagkaroon ng

hidwaan ang mga Orang Dampuan at ang mga

Baranun ng Sulu kaya nagpasya ang mga dayuhan na bumalik sa kanilang bansa.

Page 11: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Kalakalang Tsino - Pilipino Nagsimula ang kalakalan sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino

noong ika - 17 siglo AD sa ilalim ng dinastiyang Song ng Tsina.

Karaniwang gawa sa porselana ang mga ikinalakal na mga

produkto ng Tsina sa Pilipinas sa panahon ng nasabing dinastiya.

Naitala ng mga manunulat na Tsino na sina Chao Ju-Kua at

Wang Ta-Yuan na sumakay sa mga sasakyang pantubig ng mga

Arabo ang mga Pilipino patungo sa Canton, Tsina upang

makipagkalakalan.

Natuwa ang mga Tsino sa taglay na katapatan ng mga Pilipino

pagdating sa pakikipagkalakalan, iniiwan lamang ng mga Tsino

ang kanilang produkto sa mga Pilipino ng walang kapalit at

pagbalik nila ay nakahanda na ang produktong pamalit ng mga Pilipino.

Page 12: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Karaniwang ipinagpapalit ng mga Pilipino ang mga yantok,

bungangkahoy perlas, kabibe at iba pa. Walang palatandaan

na nandaya ang mga Pilipino sa kanilang pakikipagkalakalan.

Nagmula rin sa mgha Tsino ang mga produktong telang

sutla, kagamitang porselana, salamin, jade, at musk. Pati mga

pagkain gaya ng pansit, lumpia, siopao, siomai, at hopia. Ang

mga salitang ampao, susi, gunting, tanso, kuya, sangko, sanse,

at ditse ay sa mga Tsi no rin galing.

Page 13: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Kalakalang Arabo - Pilipino Dumating sa Sulu ang mga Arabo para makipag-

ugnayan sa mga Pilipino noong ika-9 na siglo. Ang

pinakamahalagang pangyayari sa ugnayan na nangyari ay

ang pagpapalaganap ng relihiyong Islam sa bansa,

partikular na sa Sulu at sa Mindanao. Impluwensya rin ng

mg arabo ang pagkakatatag ng pamahalaang sultanato.

Maraming naipamana sa kulturang Pilipino ang mga

Arabo. Kabilang na rito ang Arkitekturang Arabesque na

ginagamit na disenyo para sa mga mosque, kalendaryo o

talaarawan, sarimanok ng Maranao, disenyong okir, at alpabeto at sulating arabiko.

Page 14: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Nagmula rin sa mga Arabo ang hindi pagkain ng baboy

at agarang paglilibing sa yumao pagkatapos nitong

mamamatay, at pag-aasawa ng higit pa sa isa para sa mga

kalalakihan.

Nanggaling rin sa mga Arabo ang mayamang musika at

sayaw na Singkil at Kandingan, sa panitikan naman ay ang

Epiko ng mga Maranao at ang Darangan na may inspirasyon

mula sa tanyag na Epiko ng mga Arabo, ang Arabian Nights.

Sa pakikipagkalakalan sa mga Arabo ang karaniwang

ipinagpapalit ay gawa sa metal tulad ng tanso, ginto, perlas

at punongkahoy. Ang mga namana naman nating produkto

ay alpombra, telang lana, telang musli, bulak, palayok, at

mga mamahaling mineral.

Page 15: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Kalakalang Indyano Pilipino Ipinalalagay ng mga mananaliksik na walang tuwirang

ugnayan na nangyari sa pagitan ng India at Pilipinas.

Bagkus ay nagkaroon lamang ng impluwensyang Indyano sa

kulturang Pilipino dahil sa ugnayan ng mga kalupaan sa

Timog-Silangang Asya.

Ang mga salitang Sanskrit gaya ng ama, asawa,

dalaga, Diwata, halaga, isla, mutya, sampalataya, sandata,

tala at iba pa ay nahalo sa ating wika. Impluwensya rin ng

mga Indyano ang paggamit ng belo at kurdon sa kasal,

pagbibigay ng dowry sa pakakasalan, paniniwala sa mga pamahiin, pagsusuot ng sarong at putong.

Page 16: Hanapbuhay ng mga Unang Pilipino · 2020. 11. 10. · ibat’ ibang pulo nakatira ang mga Pilipino, sa pamamagitan nito ay marami silang napupuntahan para makipagpalitan ng mga produkto

Kalakalang Hapones - Pilipino Ang mga Hapon ay unang nanahan sa Maynila sa

gilid ng Golpo ng Lingayen at Cagayan noong 654 AD

hanggang sa ika-13 siglo.

Sinasabing tinuruan ng mga Hapon ang mga Pilipino

noon ng mga magagandang kaugalian gaya ng

pagkamalikhain, kasipagan, at katapatan.

Nagmula rin sa mga Hapon ang pagkatuto ng mga

unang Pilipino sa industriya ng pagpaparami ng mga

bibe at isda, at pagkukulay ng katad at paggawa ng sandata.