18
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 8: Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: 10

10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Modyul 8: Mga Angkop na Kilos na

Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Seksyon:

Paaralan:

10

00

Page 2: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

1

May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang

mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang

kabahagi na sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na

kaalaman at kakayahan:

a. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal

sa bayan Esp10PB-IIIf-11.4;

b. Nasusuri ang mga halimbawa ng bawat kilos na nagpapamalas ng

pagmamahal sa bayan sa gitna ng pandemyang kinahaharap ng ating bansa sa pamamagitan ng graphic organizer;

c. Napahahalagahan ang importansiya ng pagmamahal sa bayan sa

pamamagitan nang pagninilay-nilay.

Panuto : Basahin, unawain at piliin nang maigi ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan ang

kanyang natutuhan ay gagamitin upang tulungan ang nangangailangan

at ipadama sa iba na hindi sila nag-iisa sa kanilang paghihirap at pangangailangan ng tulong.

a. Pumila nang maayos b. Mag-aral ng mabuti c. Huwag magpapahuli

ang oras ay mahalaga

2. Paano maipapakita ang paggalang sa ating watawat bilang simbolo ng

ating pagkakakilanlan?

a. Hihinto sa paglalakad kung nagsisimula na ang pagtaas ng watawat habang inaawit ang Lupang Hinirang.

b. Magpatuloy sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang.

c. Hindi kikibo at magsawalang bahala habang inaawit ang Lupang Hinirang.

3. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan

ipagpapatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”.

a. Kung maaari ng bumoto, isagawa ito nang tama.

b. Alagaan at igalang ang nakatatanda.

c. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura.

4. Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?

a. Hindi, dahil hindi naman basehan ang pagkakakilanlan sa pag-unlad.

b. Oo, dahil hindi ito aksidente, ito ay nakaplano ayon sa kagustuhan ng

Diyos bilang isang indibidwal na sumasakatawang diwa.

c. Hindi, dahil ang biyaya ay matatamo lamang kung ikaw ay magsusumikap.

SUBUKIN

ALAMIN

Page 3: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

2

5. Anong kilos ng tao ang napapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan iniiwasan ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal,

at labis na pagkaadik sa mga kompyuter games.

a. Kung maaarig ng bumoto, isagawa ito nang tama.

b. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.

c. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.

6. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng hindi pag-aaksaya ng tubig, responsable sa paggamit ng pinagkukunang yaman, at pangangalaga sa

kalikasan.

a. Bumili ng produktong sariling atin, huwag iyong peke o smuggled.

b. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.

c. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura.

7. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit ito ang magiging dahilan ng banta sa iyong buhay?

a. Oo, dahil ito ang siyang nararapat gawin kahit ito ay magdudulot sa

iyo ng kapahamakan.

b. Hindi, dahil ito ay nakasasama sa iyo at piliing huwag nalang

makialam.

c. Hindi, dahil ayaw mong madamay sa krimen.

8. Ito ay uri ng kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung

saan ang isang tao ay marunong bumalanse sa tamang oras, iniiwasan

ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain.

a. Pumila nang maayos. b. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga.

c. Mag-aral nang mabuti.

9. Basahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip.

a. Tumulong si Ana sa pagtitinda ng gulay sa kanyang kapitbahay nang

walang hinihinging kapalit.

b. Itinanggi ni Ben ang nagawa niyang kasalanan sa harap ng kanyang

guro.

c. Palaging nag-iisip ng masama si Cita sa kanyang kaibigan.

10. Bawat Pilipino ay may karapatang bumoto sa pagsapit ng tamang gulang,

alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang

paggamit ng karapatan sa pagboto.

a. Hindi ipinaalam ni Jane sa kanyang mga magulang na siya ay naka

kuha ng suhol sa magkabilang partido.

b. Tinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto.

c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa

mga mahihirap.

Page 4: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

3

Sa nagdaang modyul, ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang

sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao

ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan

na tayo ay nabubuhay sa mundo kasama ang ating kapwa.

Gawain 1: Post ko, Comment mo! Panuto : Basahin at suriin nang maigi ang post sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa comment box na nakahanda.

Gawain 2 : Larawan-Suri

Panuto : Tunghayan at suriing mabuti ang pag-uusap ng dalawang bata na sina Mark at Ronel na nasa larawan. Sagutin ang mga pamatnubay na

tanong na nasa ibaba.

Anu-anong mga bagay ang iyong nagawa para masabing

mahal mo ang iyong bayan? Ipaliwanag.

TUKLASIN

BALIKAN

Page 5: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

4

Pamatnubay na mga Tanong:

1. Anu-ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan?

2. Magkapareho ba ang pananaw ng dalawang bata? Oo o hindi, ipaliwanag.

3. Meron bang mga kilos o gawi na ipanapakita ang dalawang bata tungkol

sa pagmamahal sa bayan?

May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon

ang mga problemang kinahaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa mga

tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating

bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaring isabuhay upang makatulong sa bansa, ito ay ayon kay Alex Lacson:

Gawain 3: Basa-Unawa

Panuto: Basahin nang maigi ang teksto at unawain ang mga nilalaman nito.

Pagkatapos, sagutin ang mga nakahandang katunungan sa ibaba.

SURIIN

Page 6: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

5

1. Mag-aral nang Mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman mag-iisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang natutuhan sa pag-aaral ay gagawin niyang paraan upang mahanapan ng solusyon at tulungan ang bansa sa problemang kinakaharap at haharapin nito. Ang kaniyang natutuhan ay gagamitin upang

tulungan ang nangangailangan, ipakita at ipadama sa iba na hindi nag-iisa sa kanilang pag-iisa at pangangailangan ng tulong.

2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay hindi makatutulong upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng tamang oras na susundan. May batas o wala, kailangang gamitin ang oras ng tama, kailangang isulong ang kultura nang pagiging maagap (culture of punctuality).

3. Pumila nang maayos. Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na kung minsan, dahilan ng pagtatalo na nuuwi sa aksidente, away, bugbugan hanggang sa patayan. Sabi nga lagi, “Disiplina lang pakiusap.” Mababaw kung tutuusin pero kailangan.

4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Kung may simpleng bagay na maaring gawin ang isang mamamayan para sa kaniyang

bayan, ito ay ang igalang ang kaniyang pagkakakilanlan, pangunahin na rito ang pambansang awit. Awitin ito ng buong puso at may paggalang.

5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o mangopya. Isa sa pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan ay ang kawalan ng katapatan lalo ang iilang nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na mangangalaga sa karapatan ng mamamayan. Ang katapatan ay unang itinuro sa bahay, at pinauunlad at pinalalawak ito sa paaralan at isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan.

6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan. Ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa o ng mundo sa kapaligiran ay nasa kamay ng mamamayan at ito ay ang responsableng paggamit ng pinagkukunang yaman nito, kasama na rito ang pagtitipid sa tubig, kuryente, pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at tamang pagtapon ng basura.

7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong. Ang kalusugan ng tao ay yaman sa bansa, ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal, at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa kompyuter ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa.

8. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan ito upang lalo pang matulungang mapalago at maingat ang ekonomiya ng bansa, na sa huli ay ang

mamamayan makikinabang nito. Ang produktong masasabing tunay na gawang Pilipino ay likas na matibay, maganda, at maayos ang pagkagawa kaysa sa ibang bansa.

9. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno na kakatawan sa mga bagay na nais mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa kung anong pabor o materyal na bagay.

10. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”. Ang pangangalaga sa nakatatanda ay isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi.

11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang kapangyarihang ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa Kaniya, paghinig ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin sa buhay. Sabi nga nila, pakinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat.

Page 7: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

6

Tanong:

1. Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong ba ang pagkakaroon ng

tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip?

2. Ang aksiyon ba na kanilang ginawa ay lihis o ‘di ayon sa pagiging

makabayan?

3. Alin sa mga nabanggit ang naisagawa mo na?

4. Paano mo gagawing instrumento ang iyong sarili upang maging kaisa

ang iyong kapuwa kabataan na isabuhay ang mga kilos na ito?

Gawain 4: Tanong mo, Tugon ko!

Panuto: Balikan ang labing-isang halimbawa ng mga angkop na kilos na

nagpamamalas ng pagmamahal sa bayan. Lagyan ng Tsek (√) kung ito ay

Ginawa at Ekis (X) naman kung ito ay Hindi Ginawa o Hindi pa Nagawa.

Pagkatapos, sagutin ang tanong. Ano ba ang layunin mo bakit mo ito ginawa o hindi ginawa. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.

Kilos na nagpapamalas

ng pagmamahal sa Bayan

Tugon

Ginawa Hindi

Ginawa

Bakit mo ito ginawa/hindi

ginawa?

Mag-aral nang mabuti √ Dahil ito ang siyang tama,

at ito ay para sa aking

magandang bukas.

Huwag magpahuli, ang

oras ay mahalaga

Pumila ng maayos

Awitin ang pambansang

awit

Maging totoo at tapat

Magtipid ng tubig

Iwasan ang gawain na

hindi nakatutulong

Bumili ng sariling

produktong sariling atin

Kung puwede ng bumoto,

isagawa ng tama

Alagaan at igalang ang

nakatatanda

Isama sa panalangin ang

bansa at kapuwa

PAGYAMANIN

Page 8: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

7

Gawain 5 : Concept Web

Panuto: Magbigay ng mga kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan

na may kinalaman sa paglutas at pag-iwas sa mga masamang dulot ng COVID -19 sa ating bansa.

Ang aking Pagmamamahal sa Bayan sa gitna

ng Pandemya

Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao

1. Anu-anong mga bagay ang gusto mong gawin upang ikaw ay makatulong sa gitna ng nararanasang pandemya ng ating

bansa?

2. Ano ang maari mong gawin upang maisasabuhay ang iyong mga

pagkatuto sa modyul na ito?

ISAISIP

Page 9: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

8

Gawain 6 : Ang Paggawa ng Tama ay Mabuting Halimbawa!

Panuto: Basahin at unawain ang bawat kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na nasa unang hanay. Isulat sa ikalawang hanay

ang isang konkretong halimbawa sa bawat kilos na nagpapakita ng

pagmamahal sa bayan. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.

Kilos na nagpapamalas ng

pagmamahal sa Bayan

Halimbawa

Mag-aral nang mabuti Papasok sa paaralan at hindi liliban ng

walang dahilan.

Huwag magpahuli, ang oras

ay mahalaga

Pumila nang maayos

Awitin ang pambansang awit

Maging totoo at tapat

Magtipid ng tubig

Iwasan ang gawain na hindi

nakatutulong

Bumili ng sariling

produktong sariling atin

Kung maaaria ng bumoto,

isagawa nang tama

Alagaan at igalang ang

nakatatanda

Isama sa panalangin ang

bansa at kapwa

Gawain 7 : Pagninilay sa Sanaysay; para Masanay! Panuto : Gumawa ng isang repleksiyon batay sa konseptong natutunan sa modyul na ito. Tatayain ang iyong sagot batay sa rubrik na nakahanda.

Makatutulong ang mga pamatnubay na mga tanong upang makabuo ka ng

isang komprehensibong sanaysay. 1. Ano ang iyong mga natutunan sa modyul na ito?

2. Anu-anong mga mungkahing kilos na nagpapakita ng pagmamahal sa

bayan na nais mong ipahatid sa iba pang mga mag-aaral na katulad mo. 3. Anu-ano ang mga dapat mong taglaying katangian upang maipakita

natin ang ating pagmamalasakit sa bansa? At papaano mo ito

mailalapat.

ISAGAWA

Page 10: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

9

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

SET : A

1. Sa gitna ng pandemyang nangyayari ngayon, paano mo maipapakita na ikaw

ay tapat at nagmamalasakit sa bayan?

A. Sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan na may lagnat sa dahilang nais mong makapasok sa isang mall nang hindi hinaharang.

B. Sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa mga kinauukulan na ikaw ay uuwi sa inyung lugar at handa kang dumaan sa proseso para maka-uwi ng ligtas

at walang dalang panganib.

Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay

Pamantayan Krayterya Iskor

Organisasyon ng mga ideya

Naipapakita at nailalahad nang maayos ang ugnayan ng konseptong

ipinapahayag.

5

Kaangkupan

ng mga salitang ginamit

Wasto at angkop ang mga ginamit na

salita at ang mga ito ay nagtataglay ng tamang bantas.

5

Lalim ng pag-

unawa sa paksa

Nagpapahayag ng malalim na pag-

unawa sa paksang tatalakayin.

5

Orihinalidad at

istilo

Nagpapamalas ng orihinalidad sa mga

ideyang gagamitin at nagpapakita ng

kakaibang istilo sa pagsusulat.

5

Kabuuan 20

Dito magsimula:

PAGTATAYA

Page 11: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

10

C. Sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng totoo na ikaw ay may malalang ubo dahil gusto mong mamasyal sa pook pasyalan.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan?

A. Pagtatapon ng basura sa may ilog .

B. Pag-aaksaya ng tubig

C. Pagtulong sa pagtatanim ng mga punongkahoy sa mga bakanteng lupa.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtangkilik ng mga produktong

sariling atin?

A. Bumili ng mamahaling bag na Chanel si Rhea sa isang mall.

B. Piniling gumamit ng mga rattan at kawayan si MJ para sa kanilang mga upuan.

C. Ipinahiya ng isang babae ang batang nagtitinda ng sampaguita.

4. Paano maipapamalas ng isang tao ang pagiging mabuting botante?

A. Sa pamamagitan ng pagpipili ng karapat-dapat na politiko na siyang may

magandang adhikain para sa ikauunlad ng bayan.

B. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol mula sa magkabilang panig at

ni isa sa kanila ay hindi binoto.

C. Sa pamamagitan ng pagsasawalang kibo sa mga pangyayari.

5. Ang pagsusugal, pag-inom, paninigarilyo, at labis na pagkahilig sa kompyuter na laro ay nakatutulong ba sa pag-unlad ng ating bayan?

A. Oo, dahil wala namang kinalaman ang mga bisyo sa pagpapatakbo ng

bansa.

B. Hindi, dahil ito ay nakasasagabal sa mithiin ng pamahalaan at

nakadadagdag ito sa mga suliranin na kinahaharap ng bayan.

C. Oo, dahil kumikita rin naman ang gobyerno sa pamamagitan ng buwis at

taripa ng mga ito.

6. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan ipanapakita ang buong pusong pag-awit sa Lupang Hinirang at paggalang sa watawat?

A. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.

B. Mag-aral nang mabuti.

C. Awitin ang pambansang awit ng may paggalang at dignidad.

7. Bakit kailangan nating isama sa ating mga panalangin ang ating bansa at ang ating kapuwa?

A. Dahil wala naman tayong mapagpipilian kung di ang isama ang iba sa

ating panalangin.

B. Dahil kailangan mo lang ito para makita ng mga tao na ikaw ay maka

Diyos.

C. Dahil pakikingan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang

nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat.

8. Sa trabaho, paano mo maipapakita sa ibang lahi na hindi likas sa mga

Pilipino ang pagiging huli sa oras at iba pang mga bagay?

A. Ipapakita sa trabaho na masinop at marunong magpahalaga sa wastong oras ng pagtatrabaho at hindi nahuhuli sa pagpasok.

B. Magsawalang kibo nalang dahil sa palagay mo ito ay totoong palaging huli at hindi masinop sa oras ang mga Pilipino.

Page 12: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

11

C. Magpatuloy sa kung ano ang nakagawian at huwag nalang pansinin ang panlalait ng ibang mga lahi.

9. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan

nagpapakita ng disiplina sa sarili sa tuwing nasa gitna ng lansangan,

namimili ng grocery sa mall, at pagsunod sa mga patakaran ng fast lane,

Senior Citizen, PWD and pregnant lane ng bawat establisyimento.

A. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga

B. Pumila nang maayos

C. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.

10. Naglakad-lakad ka upang magpahangin sa tapat ng inyong bahay, nakita

mo ang matalik na kaibigan ng iyong ina na nagsusunog ng napakaraming

plastik na basura. Nagkataon ang nanay mo ang Kapitan ng inyong

Barangay, ano ang gagawin mo?

A. Magsasawalang kibo at ipagpalagay na hindi mo ito nakita.

B. Ipagbigay alam kaagad sa nanay mo ang iyong nakita subalit ibang tao

ang babanggitin mo.

C. Kausapin ang nanay mo tungkol sa iyong nakita kahit na alam mong

matalik niya itong kaibigan.

SET : B

1. Sa gitna ng pandemyang ating nararanasan ngayon, bilang isang Pilipinong may pagmamahal sa bayan, paano ka makatutulong sa pagsugpo sa paglaganap ng virus?

a. Sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng utos at payo ng mga

kinauukulan at ang hindi paglabas ng bahay kung hindi naman

kinakailangan.

b. Sa pamamagitan ng pagsama sa mga rally upang ipahayag sa pamahalaan ang matinding pagsalungat sa mga plano.

c. Piliing manahamik at magkibit-balikat nalang sa mga nangyayari.

2. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan

tinatangkilik ang sariling produkto.

a. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at pangalagaan ang kalikasan

b. Bumili ng sariling atin, huwag ang peke o smuggled.

c. Alagaan at igalang ang nakatatanda.

3. Nagpapamalas kaya ng pagmamalasakit sa bayan ang mga taong walang

iniisip kung hindi ang mamasyal kahit nasa kasagsagan pa ng pandemya?

a. Hindi, dahil hindi nila iniisip ang maaring mangyari kapag nahawaan sila at sila naman ang makahahawa sa iba, lalong lala ang sitwasyon.

b. Oo, dahil kahit sila ay namamasyal wala naman silang inaagrabyado at pera naman nila ang kanilang ginagasta.

c. Hindi, dahil ito ay magdudulot ng kapahamakan.

4. Ang mga sumusunod ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan maliban sa isa:

a. Maging totoo at tapat.

b. Mag-aral nang mabuti.

c. Magliwaliw kasama ang mga barkada.

5. Nakasaksi ka sa nakawang nangyari sa isang tindahan, sasabihin mo ba ang iyong nakita kahit ito ay madudulot ng panganib sa iyong buhay?

Page 13: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

12

a. Hindi, dahil mahal ko ang aking buhay at wala naman akong mapapala sa pagsisiyat ng krimen.

b. Oo, dahil kaibigan ko ang may-ari ng tindahan.

c. Oo, dahil kailanman ay hindi tama ang pagnanakaw at nais kung makatulong sa imbestigasyon.

6. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan ang maging tapat at totoo?

a. Dahil ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa iyong pagkatao at mahal ng Diyos ang mga hindi sinungaling.

b. Dahil ito ay itinuturo ng mga magulang at mga guro na dapat sundin para hindi mapagalitan.

c. Dahil napipilitan kang gawin sapagkat iyon ang idinidikta ng mga taong nasa paligid mo.

7. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit

sa kalikasan, maliban sa isa:

a. Abala sina Jane at Kris sa paglilinis ng kanilang bakuran samantalang

walang pakundangan sa pagsusunog ng mga plastik si Amy.

b. Maluwag na sumama si Jade sa isang programa ng pagtatanim ng mga

magroove sa bakanteng malapit sa baybayin.

c. Pinaghihiwalay ni Clarisse ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na basura.

8. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-

iisip?

a. Dahil ang isang taong may tamang may pag-uugali ay gagawa ng

paraan upang may maitulong sa kapwa at gagawin niya kung ano sa

palagay niya ang makabubuti at pag-aralan kung ano ang sanhi ng

problema.

b. Dahil ang pag-uugali ang basehan kung yayaman ka ba o hindi.

c. Dahil sa pag-uugali makikita kung ano kang klaseng kaibigan,

anak , at katrabaho.

9. Paano mo maipapakita sa loob ng klase ang pagiging isang tapat?

a. Sa pamamagitan ng pagpasa sa guro ng isang sanaysay na ginawa ng

iba at tuluyang pag-angkin nito.

b. Sa pamamagitan ng pagpasa ng iyong papel kahit maraming bilang ang walang sagot kahit na pilit kang pinakopya ng iyong kaibigan.

c. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot sa iyong katabi dahil alam mong lumabas saglit ang guro.

10. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita na ikaw ay nag-aaral nang mabuti?

a. Sa pamamagitan ng pagbubulakbol at pamamasyal kasama ang mga

kaibigan.

b. Sa pamamagitan ng pagsusunog ng kilay para makapasa sa unang

pagsusulit.

c. Sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan para lang makakuha ng

baon sa magulang.

Page 14: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

13

Panuto : Gumawa ng poster na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino na

nagpapamalas ng mga kilos ng pagmamahal sa bayan. Tatayain ang awtput batay sa rubrik na nakahanda.

Pagmamarka sa paggawa ng Poster

Pamantayan Indikador Puntos

Kaisipang

Inilalahad

Naipapakita nang maayos ang nais

ipahiwatig na kaisipang ipinababatid

ng poster.

5

Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa ng

poster

5

Kaangkupan ng

konsepto

Maayos at angkop ang mensahe sa

paglalarawan ng konsepto

5

Pagkamalikhain

(creativity) Gumamit ng tamang kombinasyon ng

mga kulay at nagpapakita ng mayaman na imahinasyon sa nilalaman ng

konsepto.

5

Kabuuang Presentasyon

Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon

5

Kabuuan 25

KARAGDAGANG GAWAIN

Page 15: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

14

Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp 201-205

www.Storyboardthat.com /Pietro Maximoff - account

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN

1.B

2. A 7.A

3.B 8.B

4.B

10.C

6.C

5.B

9.A

SET A

1.B

2. C 7.C

3.B 8.A

4.A

10.C

6.C

5.B

9.B

SET B

1.A

2. B 7.A

3.A 8.A

4.C

10.B

6.A

5.C

9.B

Page 16: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

15

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jun Mark T. Dag-uman, T-I

Pagadian City NHS, Pagadian City Division

Editor/QA: Susan S. Baga, HT-I

Pagadian City National Comprehensive High School

Tagasuri:

Tagaguhit: Jun Mark T. Dag-uman, T-I

Tagapamahala:

Danny B. Cordova, EdD,CESO VI

OIC-Schools Division Superintendent

Ma. Coleen L. Emoricha, EdD, CESE

OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Maria Diosa Z. Peralta

CID-CHIEF

Ma. Madelene P. Mituda, EdD

EPS - LRMDS

Jovita S. Dugenia

EPS - EsP

Page 17: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain;

For our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below

The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing

my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance

of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖

Page 18: 10 - znnhs.zdnorte.netTinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa mga mahihirap. 3

11