Myra Rollan Yunit 1- Aralin

Preview:

Citation preview

Yunit 1 Aralin5Tik-tak oras na

Presented by: Myra D. Rollan

Presented to: Grade II- Rose

Alamin natin

•Anu ang ginagawa ninyo bago matulog sa gabi?

Alamin natin

•Anu ang ginagawa ninyo pag kagising sa umaga?

Ang Magkapatid ni R. B. Catapang

Tuwing gabi, bago matulog ay inihahanda

ng magkapatid na Ronan at Rolan ang kanilang gamit sa pagpasok. Isinasabit na nila ang kanilang uniporme sa lugar na madali nilang makikita. Sinisigurado nila na kumpleto ang gamit na nasa loob ng kanilang bag bago sila matulog

Pagkagising sa umaga, sabay silang nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos para sa isang bagong umaga.

Inililigpit nila ang kanilang tulugan at inihahanda ang kanilang sarili sa pagpasok. Sila ay naliligo, nagbibihis, at kumakain bago magtungo sa paaralan.

• Nakarating sila sa paaralan sa tamang oras at nakadalo sa pagtataas ng watawat.

 Sagutin ang sumusunod

na tanong. 1. Ano ang ginawa ng magkapatid na

Ronan at Rolan matapos nilang kumain ng hapunan?

2. Ano-ano naman ang kanilang ginawa pagkagising sa umaga?

3. Ano ang naging mabuting bunga ng maagang paghahanda ng magkapatid?

Isaisip natin

Suriin ang sumusunod na larawan. Pag-usa pan ang mga ito. Piliin ang nagpapakita ng paghahanda para sa pagpa sok sa paaralan

sa tamang oras.

• Ano-ano ang dapat mong gawin upang makapasok sa tamang oras?

• Bakit kailangan mong pumasok sa paaralan sa tamang oras?

Tandaan

• Ang pagpasok sa tamang oras ay isa sa mga tuntunin at pamantayang itinakda sa paaralan. Mahalaga ang mga ito para sa ikabubuti natin. Ang pagtupad nito ay tanda o pagpapakita ng pakikiisa.