MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN

Preview:

Citation preview

MODYUL 14:

KARAHASAN SA PAARALAN

• Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas namalisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktanang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sapaaralan.

• Ito ay nagaganapdahil sa hindi pantayna kapangyarihan o lakas sa pagitan ng mga tao.

• Nakalulungkot na anglugar na dating sagradodahil dito dumadaloy angkarunungan at katuwiranay nababahiran na ng karahasan.

• Ang mga batang nambubulas ay ginagamit ang kaniyangkapangyarihan, na nakahihigit sakaniyang binubulas – pisikal na lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa mganakahihiyang impormasyon tungkol sabinubulas o kaya naman ay popularidad– upang kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa.

• Matatawag lamang napambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit o may potensyal na maulitsa takdang panahon.

• Ang pambubulas ay hindi

palaging marahas. • Sa katunayan, mas malalim

ang sugat na iniiwan ng

pambubulas na hindi

marahas.

• Upang mas magingmadaling unawain ito ay tatalakayin angdalawang uri ng pambubulas.

Mga URI NG PAMBUBULAS

Pasalitang pambubulas pagsasalita o pagsusulat ng

masasamang salita laban sa

isang tao .

Halimbawa:

Sosyal o relasyonal na

pambubulas ito ay may layuning sirain ang

reputasyon at ang pakikipag-

ugnayan sa ibang tao.

Halimbawa:

Pisikal na pambubulas ito ay ang pisikal na

pananakit sa isang indibidwal

o pangkat at paninira ng

kaniyang mga pag-aari.

Halimbawa:

Mga dahilan kung bakit nambubulas (ayon kay Karin

E. Tusinski)

• Mas malamang na napalaki ng isang

pamilyang napabayaan na gawin

ang lahat ng kaniyang gustong

gawin at hindi napaaalalahanan lalo

na sa mga hindi tamang nagagawa.

• Hindi naramdaman sa kaniyang

pamilya ang pagmamahal.

• Hindi napalago ang

komunikasyon at ugnayan sa

loob ng pamilya.

• Ginamitan ng pananakit bilang

pagdisiplina.

• Nakita ang pagiging marahas ng

magulang na magdudulot ng

pagkakaroon ng damdamin ng

poot sa kapwa at malaon ay

makaramdam ng kasiyahan sa

pananakit sa iba.

KAKAIBANG PISIKAL

(Physically Different)• ANG MGA HALIMBAWA NITO AY ANG

PAG KAKAROON NG KAPANSANAN

SA KATAWAN , MASYADONG MATABA

O PAYAT , MAHINA , MASYADONG

MATANGKAD O BANSOT, AT IBA PA.

KAKAIBANG ISTILO NG PANANAMIT

(Dresses up differently )• Halimbawa , kung ikaw ay babae,

maaaring magiging target ka nila kung

masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong

pananamit, o di kaya masyado namang

mahaba o balot ang katawan o

konserbatibo ka kung manamit.

ORYENTASYONG SEKSWAL

(Sexual orientation)

MADALING MAPIKON

(Short-Tempered)

BALISA AT DI MAPANATAG ANG SARILI

(anxious and insecure)

Mga

Mga

Mga

Bilang panlipunang nilalang, likas sa atin

ang pagnanais na mapabilang

(belongingness). Naghahanap tayo ng

pangkat kung saan tayo mapabilang

maliban sa ating pamilya. Ang usapin na

lamang ay kung anong uri ba ng pangkat

ang iyong nais na kabilangan o sa

kasalukuyan ay kinabibilangan.

Ayon sa Estados Unidos:

1. Pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang

indibidwal.

2. Ang mga myembro nito ay kolektibong

kinikilala ang kanilang pangkat sa

pamamagitan ng paggamit ng pangkatang

pagkakakilanlan (group identity) na kanilang

ginagamit upang makalikha ng takot o

intimidation, madalas ay ginagamit nila ang

isa o mahigit pa sa mga sumusunod:

• iisang pangalan o pagkakakilanlan

• islogan

• mapagkakakilanlan o palatandaan

• simbolo

• tattoo o ibang marka sa katawan

• kulay ng damit

• ayos ng buhok

• senyales ng kamay o graffiti

3. Ang tanging layunin ay makilahok o sumali sa

masasamang gawain o mga krimen at

gumagamit ng karahasan o intimidation upang

maisagawa ang mga ito.

4. Ang mga kasapi ay sumasali sa masasamang

gawain o krimen na kung ang gagawa ay mga

nakatatanda, ay mga krimen na may layuning

mas palakasin ang kapangyarihan ng pangkat,

reputasyon at pinansyal na panustos sa kanilang

mga pangangailangan.

5. Ang samahan ay maaari ring magtaglay ng

sumusunod na katangian:

• mayroon silang sinusunod na mga panuntunan

para sa pagsama o paglahok.

• nagkikita ang lahat mga miyembro sa mga on a

recurring basis.

• nagbibigay ang mga kasapi nito ng proteksyong

pisikal sa mga kapwa kasapi nito lalo na mula sa

mga kapwa gang.

• mayroon silang itinuturing na partikular na lugar

na tinatawag nilang teritoryo.

• Isang panlipunan o akademikongorganisasyon o samahan na ginagamitang alpabetong griyego na batayan sakanilang mga pangalan.

• Ito ay isang pagkakapatiran (latin : frater na nangangahulugang “brother”)

• Layuning mapalago ang aspektongintelektwal,pisikal at sosyal ng mgakasapi .

• ito ay binuo dahil sa maraming

layunin,kasama rito ang edukasyon lalo

na sa mga pamantasan,kakayahan sa

paggawa,etika,relihiyon,politika,pagtulo

ng sa kapwa o maging paggawa ng

krimen at marmi pang iba.

• Palaging ginagabayan ang mga kasapi

nito ng kahalagahan

• itinuturong nangungunang dahilan sapagdami ng karahasan o krimen

• Upang maging kasapi ng gang,isanginisasyon ang kailangan maipasa

• Ang pagiging kalahok ng gang ay maaaring magdulot ng kapahamakan

• Ang paglahok sa gang ay halos palaging nangangahulugan ng paggamit ng droga at alcohol

• Inilalagay nito sa kaahamakan maging angsariling pamilya na maaaring pagbalinganng mga kalabang gang bilang paghihiganti

• Karamihan sa mga miyembro ng gang ay nadadala ang pagiging marahas hanggangsa kanilang pagtanda

• karamihan sa mga miyembro ng gang ay humihinto sa pag-aaaral o natatanggal sapaaralan

• Ang mga miyembro ng gang ay mas madalas na nasakalye at kung minsan ay humahawak ng baril o ibapang mga armas nanakasasakit at nakamamatay

• Ang layunin ng iba’t ibang

pamamaraan na nabuo bunga ng

mga pag-aaral sa ibang bansa

pangunahin na ang Estados Unidos

ay ang pigilan ang pagkakaroon

ng karahasan sa paaralan.

Mayroong APAT NA ANTAS upang pakilusin

ang programa laban sa karahasan sa

paaralan

Ang APAT NA ANTAS ay:

Antas sa LIPUNAN

Antas sa PAARALAN

Antas sa TAHANAN

Antas sa INDIBIDWAL

• Ang mga pamamaraan sa antas

na panlipunan ay nakatuon sa

sosyal at kultural na pagbabago

dito upang mabawasan ang

karahasan saan man ito

nagaganap.

• Halimbawa: ay ang regulasyon ng

media upang mabawasan ang

pagpapalabas at paglalathala ng

karahasan dito, ang paghuhubog

ng mga pamantayang sosyal,

pagbabago sa sistema ng

edukasyon

• Ang mga programa sa antas

na ito ay nangangailangan

ng mahabang panahon at

higit na mahirap ipatupad

kaysa sa alinmang antas

• Ang programa sa antas na pampaaralan

ay nakadisenyo upang baguhin ang mga

kalagayan sa paaralan na kaugnay ng

karahasan. Ito ay maisasagawa sa

pamamagitan ng pagsasaayos at

pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase,

cooperative learning at wasto at sapat na

pamamatnubay ng mga guro sa mga

mag- aaral.

• Sa mga paaralang elementarya ang

pamamaraan o istratehiyang

tinawag na Good Behavior Game ay

nakatutulong upang mabawasan

ang pagkaantala ng klase at

magkaroon ng mabuting interaksyon

sa loob ng klase.

• Nakatutulong naman ang Second Step

Curriculum upang sanayin ang mga

mag-aaral sa ikalawa at ikatlong

baitang na magkaroon ng pagpipigil sa

sarili at empathy upang mabawasan

ang agresyon sa kanilang pagkilos at

pakikitungo sa kapwa mag-aaral

Karamihan ng mga programa sa paaralan

upang mabawasan o mawala ang karahasan

ay nakatuon sa pagsugpo sa pambubulas sa

loob ng paaralan. Gayun pa man

napatunayan pa rin na higit na mabisa ang

mga programa na kaugnay ng pagpapalakas

ng ugnayan sa pamilya at mga programang

nakapagpapataas ng kasanayang sosyal at

akademiko ng mga kabataang nanganganib

bumagsak o umalis sa paaralan.

Samakatuwid ang mga

estratehiya at programa sa

antas na pantahanan at

indibidwal ay mas dapat na

bigyan ng tuon.

• Tama nga ang lahat ay

dapat na nag-uugat sa

sarili,ang isa sa

pinakamahalagang sandata

sa anumang karahasan sa

paaralan.

• Kaya mong mahalin ang iyong kapwa,

mag alala para sa kanila, bigyan sila

ng lakas ng loob,suportahan, at

makinig ngunit lahat ng biyaya ng

kasiyahan,pag-unawa at pag-aaruga

na iyong ibinibigay sa iyong kapwa ay

nararapat rin para sa iyong sarili.

Ang Dalawang bagay na mahalaga

upang maiwasan ang pagiging

mapaghanap at ang kawalang ng

kapanatagan ng tao:

1.) Kaalaman sa Sarili- Mahalagang

kilalanin ang sarili. Ano ang iyong

talento at kakayahan?Ano ang tunay

na layunin mo sa buhay? Mahalagang

masagot ang mga tanong na ito

upang maging panatag ang iyong

damdamin at kalooban.

2.) Paggalang sa Sarili- upang

magkaroon ng paggalang sa

iyong sarili.Ibig sabihin nito ay

ang pagkakaroon ng

pagpapahalaga sa sarili (self

esteem or self worth)

1.Ang paggalang sa kapwa ay

kailangan upang maging ganap

ang pag mamahal na inilalaan

2.Ang pagmamahal sa kapwa ay

nangangahulugan ding

pagmamahal sa kanya

3.Ang pagmamahal sa kapwa ay

kaakibat ng karunungan

Recommended