7
1 Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013 Lupon ng Edukasyon Linda Canlas Presidente Jonas Dino Klerk Michelle Matthews Sarabjit Cheema Michael Ritchie Mga Miyembro Administrasyon ng Distrito Patnugot Kari McVeigh Punong Opisyal Pang- Akademya Arlando Smith Punong Opisyal Pang- Administratibo Akur Varadarajan Punong Opisyal Para sa mga Tauhan Derek McNamara Pinag-isang Distrito ng mga Paaralan ng New Haven 34200 Alvarado-Niles Rd. Union City, CA 94587 (510) 471-1100 Ang Misyon ng Distrito Ang misyon ng New Haven Unified School District, na isang samahan ng mga estudyante, mga pamilya, mga empleyado, at ng ating napakayaman na komunidad ng pinaghalong mga etnisidad, ay upang maturuan ang BAWAT mag-aaral na maging kapaki-pakinabang, responsable at matagumpay na ika-21-siglong mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng isang mahusay na inclusive educational system na may ligtas, maalagang lugar ng pagkatuto at isang nakaka- challenge, kumprehensibong kurikulum upang masigurado ang kanilang kahusayan pang-akademya. Profayl ng Distrito at ng Paaralan Nasasakop ng New Haven Unified School District ang Union City at ilang bahagi ng Hayward at ito ay may 12,951 estudyanteng nakaenrol. Pinagmamalaki namin ang mga tagumpay ng aming mga mag-aaral na galing sa iba’t ibang lahi. Ang misyon namin ay ang maturuan at mabigyan ng lakas ng loob ang bawat estudyante na maging kapakipakinabang, responsable, at matagumpay. Ang distrito ay binubuo ng pitong paaralan pang-elementarya, dalawang gitnang eskuwelahan o middle schools, dalawang hayskul, isang senter para sa pagsuporta sa mga estudyante, malayang pag- aaral o independent study, programa sa pag-aaral sa bahay o home school program, at isang paaralan para sa mga matatanda o adult school. May 1,400 na mga estudyante mula ika-anim na baitang hanggang ika-walong baitang ang nakaenrol sa paaralan noong 2011-12. Disiplina at Kapaligiran ng Pag-aaral Ang mga mag-aaral ng Alvarado Middle School ay may sinusunod na mga alituntunin at mga inaasahang pag-uugali sa silid-aralan na nagtataguyod ng respeto, kooperasyon, paggalang at pagtanggap sa kapwa tao. Upang masigurado ang pagbibigay ng ligtas, maalaga, at kaaya-ayang lugar ng pagkatuto o learning environment sa Alvarado Middle School ang mga mag-aaral ay inaasahan na mapanitili ang wastog asal at pag-uugali sa lahat ng oras. Mayroong tatlong mahahalagang layunin o tinatawag na three main character development goals. Ang mga layunin na ito ay MAGING MAINGAT, MAGING MAGALANG, at MAGING RESPONSABLE. Ipinapaalam ang mga batas ng paaralan at mga alituntunin tungkol sa pagdidisiplina sa mga magulang at mga estudyante sa pamamagitan ng Parent/Student Handbook. Ang talaan ng suspensyon at ekspalsyon ay naglalarawan ng lahat ng kaso para sa nakaraang tatlong taon, pati na rin ang porsiyento ng enrollment. Ang mga suspensyon ay nakasaad ayon sa kabuuang bilang ng paglabag, at hindi sa bilang ng batang nasuspinde, sapagkat may ibang estudyante na nasuspinde ng maraming beses. Ang mga ekspalsyon ay nangyayari lamang kung kinakailangan ayon sa batas o matapos isaalang-alang ang iba pang alternatiba. Takdang-Aralin Nagkaroon ng pagkakasundo ang mga empleyado ng Alvarado Middle School tungkol sa mga palatuntunin o guideline ng pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral. Ang unang kasunduan ay ang sundin ang rekomendasyon ng NEA at PTA tungkol sa palatuntunin kung gaano kadami ang takdang-aralin ang gagawin ng estudyante kada gabi. P inag-isang Distrito ng mga Paaralan ng New Haven Gitnang Paaralan ng Alvarado 31604 Alvarado Blvd, Union City, CA 94587 (510) 489-0700 Ulat ng mga Pananagutan ng Paaralan sa mga taong 2011-2012 J. Varela, Punong-guro Talaan ng mga Mag-aaral ayon sa Pinagmulang Etniko 2011-12 Porsiyento Afrikanong Amerikano 9.9% Amerikanong Indyan 0.1% Asyano 29.1% Pilipino 28.0% Kastila 15.7% Mga Taga-Isla ng Pasipiko 4.4% Puti 7.0% Dalawa o Higit pa 5.6% Walang Iniulat 0.1% Pansamantalang Pagpahinto at Pagpapatalsik Paaralan Distrito 09-10 10-11 11-12 09-10 10-11 11-12 Pansamantalang Pagpahinto 179 163 147 1236 979 1087 Talaan ng mga Pansamantalang Pinahinto 12.2% 11.7% 10.5% 9.5% 7.6% 8.4% Mga Pagkaltas/Pagbagsak 1 4 4 39 18 18 Sukat ng Pagkaltas/ pagbagsak 0.1% 0.3% 0.3% 0.3% 0.1% 0.1%

Gitnang Paaralan ng Alvarado

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gitnang Paaralan ng Alvarado

1Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Lupon ng EdukasyonLinda CanlasPresidenteJonas Dino

KlerkMichelle MatthewsSarabjit CheemaMichael RitchieMga Miyembro

Administrasyon ng DistritoPatnugot

Kari McVeigh

Punong Opisyal Pang-Akademya

Arlando Smith

Punong Opisyal Pang-Administratibo

Akur Varadarajan

Punong Opisyal Para sa mga Tauhan

Derek McNamara

Pinag-isang Distrito ng mga Paaralan ng

New Haven34200 Alvarado-Niles Rd.

Union City, CA 94587(510) 471-1100

Ang Misyon ng DistritoAng misyon ng New Haven Unified School District, na isang samahan ng mga estudyante, mga pamilya, mga empleyado, at ng ating napakayaman na komunidad ng pinaghalong mga etnisidad, ay upang maturuan ang BAWAT mag-aaral na maging kapaki-pakinabang, responsable at matagumpay na ika-21-siglong mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng isang mahusay na inclusive educational system na may ligtas, maalagang lugar ng pagkatuto at isang nakaka-challenge, kumprehensibong kurikulum upang masigurado ang kanilang kahusayan pang-akademya.

Profayl ng Distrito at ng PaaralanNasasakop ng New Haven Unified School District ang Union City at ilang bahagi ng Hayward at ito ay may 12,951 estudyanteng nakaenrol. Pinagmamalaki namin ang mga tagumpay ng aming mga mag-aaral na galing sa iba’t ibang lahi. Ang misyon namin ay ang maturuan at mabigyan ng lakas ng loob ang bawat estudyante na maging kapakipakinabang, responsable, at matagumpay.

Ang distrito ay binubuo ng pitong paaralan pang-elementarya, dalawang gitnang eskuwelahan o middle schools, dalawang hayskul, isang senter para sa pagsuporta sa mga estudyante, malayang pag-aaral o independent study, programa sa pag-aaral sa bahay o home school program, at isang paaralan para sa mga matatanda o adult school.

May 1,400 na mga estudyante mula ika-anim na baitang hanggang ika-walong baitang ang nakaenrol sa paaralan noong 2011-12.

Disiplina at Kapaligiran ng Pag-aaralAng mga mag-aaral ng Alvarado Middle School ay may sinusunod na mga alituntunin at mga inaasahang pag-uugali sa silid-aralan na nagtataguyod ng respeto, kooperasyon, paggalang at pagtanggap sa kapwa tao. Upang masigurado ang pagbibigay ng ligtas, maalaga, at kaaya-ayang lugar ng pagkatuto o learning environment sa Alvarado Middle School ang mga mag-aaral ay inaasahan na mapanitili ang wastog asal at pag-uugali sa lahat ng oras. Mayroong tatlong mahahalagang layunin o tinatawag na three main character development goals. Ang mga layunin na ito ay MAGING MAINGAT, MAGING MAGALANG, at MAGING RESPONSABLE. Ipinapaalam ang mga batas ng paaralan at mga alituntunin tungkol sa pagdidisiplina sa mga magulang at mga estudyante sa pamamagitan ng Parent/Student Handbook.

Ang talaan ng suspensyon at ekspalsyon ay naglalarawan ng lahat ng kaso para sa nakaraang tatlong taon, pati na rin ang porsiyento ng enrollment. Ang mga suspensyon ay nakasaad ayon sa kabuuang bilang ng paglabag, at hindi sa bilang ng batang nasuspinde, sapagkat may ibang estudyante na nasuspinde ng maraming beses. Ang mga ekspalsyon ay nangyayari lamang kung kinakailangan ayon sa batas o matapos isaalang-alang ang iba pang alternatiba.

Takdang-AralinNagkaroon ng pagkakasundo ang mga empleyado ng Alvarado Middle School tungkol sa mga palatuntunin o guideline ng pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral. Ang unang kasunduan ay ang sundin ang rekomendasyon ng NEA at PTA tungkol sa palatuntunin kung gaano kadami ang takdang-aralin ang gagawin ng estudyante kada gabi.

Pi n a g - i s a n g D i s t r i t o n g m g a P a a r a l a n n g N e w H a v e n

Gitnang Paaralan ng Alvarado31604 Alvarado Blvd, Union City, CA 94587

(510) 489-0700

Ulat ng mga Pananagutan ng Paaralan sa mga taong 2011-2012J. Varela, Punong-guro

Talaan ng mga Mag-aaral ayon sa Pinagmulang Etniko

2011-12

Porsiyento

Afrikanong Amerikano 9.9%

Amerikanong Indyan 0.1%

Asyano 29.1%

Pilipino 28.0%

Kastila 15.7%

Mga Taga-Isla ng Pasipiko 4.4%

Puti 7.0%

Dalawa o Higit pa 5.6%

Walang Iniulat 0.1%

Pansamantalang Pagpahinto at PagpapatalsikPaaralan Distrito

09-10 10-11 11-12 09-10 10-11 11-12

Pansamantalang Pagpahinto 179 163 147 1236 979 1087

Talaan ng mga Pansamantalang Pinahinto 12.2% 11.7% 10.5% 9.5% 7.6% 8.4%

Mga Pagkaltas/Pagbagsak 1 4 4 39 18 18

Sukat ng Pagkaltas/pagbagsak 0.1% 0.3% 0.3% 0.3% 0.1% 0.1%

Page 2: Gitnang Paaralan ng Alvarado

2Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Base sa ginawang pagsasaliksik ni Ginoong Harris Cooper ng Duke University, napagkasunduan ng mga empleyado ng paaralan na magbibigay sila 10 minuto ng takdang-aralin kada baitang o grade level at 15 hanggang 20 minuto ng pagbabasa. Kaya naman ang mga nasa ika-anim na baitang o grade six ay bibigyan ng 60 minuto ng takdang-aralin, ang mga nasa ika-pitong baitang o grade seven ay bibigyan ng 70 minuto ng takdang-aralin at ang mga nasa ika-walong baitang o grade eight ay bibigyan ng 80 minuto ng takdang-aralin kada gabi. Napagkasunduan din nila kung papaano hahatiin ang oras na ito para sa iba’t ibang departamento.

Recognition ng mag-aaral at mga ekstrakurikular ActivitiesParating kinikilala at ipinagdidiwang ng Alvarado Middle School ang mga tagumpay ng kanilang mga estudyante at mga empleyado. Binibigyan ng karangalan ang mga mag-aaral na may kumpletong pagpasok o perfect attendance at kahusayan sa pag-aaral o academic excellence.

Hinihikayat din ang mga estudyante na makilahok sa mga karagdagang mga akademik at ekstrakurikular gawain, na mahalagang bahagi ng programa ng edukasyon. May binibigay na mga insentibo sa buong paaralan at sa silid-aralan para paunladin ang positibong pag-uugali, hikayatin ang tagumpay, at makatulong upang maiwasan ang mga problema sa pag-uugali. Ang mga sumusunod ay ang mga ekstrakurikular gawain, clubs, at mga programa ng paaralan:

• Samahan ng Mahihilig Magbasa ng Libro • Banda• Grupo ng Mang-aawit • Kolorgard• Samahan ng mga Babae para sa Bhangra • Anak ng Bayan• Samahan Pang-ekolohiya • Liga ng Matematika• Samahan ng Forensiks at Sesyon ng Debate• Samahan ng mga Manlalaro ng Soccer• Samahan ng Manlalaro ng Ukulele• Laro kasama ang mga Kaibigan• Sayaw ng mga Taga-Isla• Samahan para sa Medya Senter• Samahan para sa Sining ng Pag-ganap sa Entablado• Samahan ng mga mahilig Maglakbay• Samahan ng manlalaro ng Wrestling

Ang mga interscholastic athletic programs ng paaralan ay nagtataguyod ng pansarili at pangrupong tagumpay at lakas ng loob sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga grupo na iniisponsoran ng paaralan sa mga kompetisyon laban sa ibang paaraalan. Ang mga Pangkalakasan o Isports na meron ang paaralan na ito ay:

• Basketball para sa mga Babae • Volleyball para sa mga Babae• Softball para sa mga Babae • Basketball para sa mga Lalaki• Paglalaro ng Football para sa Lalaki at Babae• Pagtakbo ng Cross Country para sa Lalaki at Babae• Paglalaro ng Soccer para sa Lalaki at Babae• Pakikipagbuno o Wrestling para sa Lalaki at Babae• Pagtakbo o Track para sa Lalaki at Babae

Pagpasok sa Paaralan at EnrolmentAng regular na pagpasok ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng pag-aaral at ito ay kritikal para magtagumpay sa akademya. Ang mga batas tungkol sa pagpasok, pagiging huli, at paglalakwatsa ay maliwanag na nakasaad, at ito ay patuloy na ipinapatupad, at ang mga konsikwensya ay pinangangasiwaan na walang kinikilingan.

Pinapayuhan ang mga magulang ukol sa kanilang mga responsibilidad, kasama na dito ang wastong pagbibigay-alam kung kailan at bakit hindi pumasok ang isang estudyante. Ang pagpasok ng estudyante ay laging sinusubaybayan at ang pagtawag sa telepono ng mga magulang ay ginagawa araw-araw. Magpapadala kami ng mga sulat kung nagiging problema na ang hindi pagpasok ng mag-aaral. Ang mga estudyante na may maraming record ng pagiging-huli, paglalakwatsa o ng hindi pinayagang pagliliban ay ipinapaalam sa Student Attendance Review Board (SARB).

Pinapakita ng tsart na ito ang takbo ng enrolment ayon sa antas ng grado para sa huling tatlong taon pang-paaralan o school year.

Pagsali ng MagulangNapakalaking benepisyo ang natatanggap ng Gitnang Paaralan ng Alvarado mula sa mga matulunging magulang na nakikibahagi sa edukasyon ng kanilang anak. Maraming magulang ang nagboboluntaryo at nakikilahok sa Konseho sa Paaralan at sa Samahan ng mga Guro at Magulang. Tumutulong ang Konseho ng mga Nagboboluntaryong Magulang sa pagpaparami ng pondo, paghingi ng donasyon, at pagboboluntaryo sa mga programa ng paaralan.

Laki ng mga KlaseIpinapakita sa talaan ang karaniwang laki ng klase ayon sa asignatura o subject area, pati na rin ang bilang ng mga klase na ayon sa enrolment.

Mga Kawaning Tagapayo at TagatulongLayunin ng Alvarado Middle School na tulungan ang mga estudyante na umunlad ang kanilang pakikipagkapwa-tao at personalidad pati na rin ang kanilang karunungan. Binibigyan ng espesyal na atensyon ng paaralan ang mga estudyante na nakakaranas ng problema sa pag-aaral, nahihirapan dahil sa mga problemang personal at pampamilya, nahihirapan sa paggawa ng desisyon, at ang mga nahihirapan dahil sa pagpipilit ng mga kaibigan o peer pressure. Ang bilang ng mga tagapagpayo o counselor sa kada estudyante ay 1:700. Nakalista sa talaang ito ang mga empleyado o support service personnel ng Alvarado Middle School.

Pamumuno ng PaaralanAng pamumuno sa Alvarado Middle School ay isang responsibilidad na pinaghahatian ng administrasyon ng distrito, ng punong-guro, ng mga guro, ng mga mag-aaral, at ng mga magulang. Binibigyan ng diin ng distrito ang balansyado at mahigpit na core curriculum para sa lahat ng baitang o grade level. Ang mga programa sa pagtururo ay naaayon sa mga pamantayan ng estado at ng distrito.

Takbo ng Talaan (Rehistrasyon) Ayon sa Baitang2009-10 2010-11 2011-12

Ika-anim 457 437 472

Ikapito 507 463 453

Ikawalo 505 495 475

Kalaganapan ng Kalakhan ng KlaseMga Silid-paaralang May

Average Kalakhan ng Klase

1-20 Mga Mag-aaral

21-32 Mga Mag-aaral

33+ Mga Mag-aaral

10 11 12 10 11 12 10 11 12 10 11 12

Ayon sa Asignatura

Wikang Ingles 36 33 31 - 2 7 1 4 2 38 25 23

Matematikas 35 33 34 - 4 4 3 1 1 38 26 23

Agham 35 31 34 - 6 4 7 3 - 32 23 24

Agham Panlipunan 36 34 32 - 2 4 1 1 2 38 25 23

Kawaning Tagapayo at TagatulongBilang ng

mga KawaniKatumbas na Buong Oras

Tagapayo 2 2.0

Intern ng Tagapayo 3 0.5

Ispesyalista para sa English Language Development (ELD) 1 0.5

Tagasanay sa Pagbasa at Pagsulat 1 0.5

Ispesyalista para sa Media 1 1.0

Dalubhasa sa Sikolohiya 1 0.5

Guro ng Resource Specialist Program (RSP) 3 3.0

Guro ng Espesyal na Klaseng Pang-araw 5 5.0

Dalubhasa sa Pagsalita at Wika 1 1.0

Kawani sa Paggamit ng Teknolohiya 2 Kung

Kinakailangan

Page 3: Gitnang Paaralan ng Alvarado

3Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Nakikilahok ang mga empleyado, mga guro at mga magulang sa iba’t ibang komite na gumagawa ng mga desisyon tungkol sa mga dapat unahin at direksyon ng plano ng edukasyon upang masigurado na ang mga programa ng pagtuturo ay alinsunod sa mga pangangailangan ng mga estudyante at sumusunod sa mga layunin ng distrito. Ang School Site Council ay isa sa mga samahan ng mga grupo ng namumuno.

Ang California Standards TestAng California Standards Test (CST), isang bahagi ng Programang STAR, ay binibigay sa lahat ng estuyante tuwing pagsibol o spring upang malaman kung ang kanilang performans ay kapantay ng mga State Content Standard o mga pamantayan na binigay ng Estado. Ang mga marka ng estudyante ay inuulat ayon sa antas ng performans o performance levels: Advanced (kung mas mataas ito sa pamantayan ng estado), Proficient (kung kapantay nito ang pamantayan), Basic (kung malapit nang maabot ang pamantayan, Below Basic (kung mas mababa ito sa pamantayan, at Far Below Basic (kung napakababa nito kumpara sa pamantayan).

Ang unang talaan ay nagpapakita ng porsiyento ng mga estudyante na nakabilang sa Proficient o Advanced na antas (kung kapantay o mas mataas ang kanilang marka sa pamantayan ng estado) sa English/Language Arts, Mathematics, Social Sciences, at Science, para sa pinakahuling tatlong taon.

Ang pangalawang talaan ay nagpapakita ng porsiyento ng estudyanye, ayon sa grupo, na nabibilang sa Proficient o sa Advanced na antas (kung naabot o mas mataas ang kanilang marka sa pamantayan ng estado) para sa pinakahuling ginawang pagsubok o most recent testing period.

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga resulta ng Programang STAR para sa bawat baitang o grade at antas ng performans, kasama na ang porsiyento ng mga estudyante na hindi nabigyan ng pagsubok o test, tingnan sa CDE STAR Results Website sa http://star.cde.ca.gov.

Kaankupang Pampisikal (Taon ng Paaralan 2011-12)Tuwing Pagsibol o Spring, inuutusan ng estado ang Alvarado MIddle School na magsagawa ng physical fitness test para sa lahat ng estudyante ikapitong baitang o grade seven. Ang physical fitness test ay isang pagsubok na ginagawa ng lahat ng paaralan upang masubaybayan ang pag-unlad ng mataas na kalidad ng programang pangkalusugan at tulungan ang mga mag-aaral na mapanatili ang pisikal na gawain bilang bahagi ng kanilang pang-araw araw na buhay. Ang mga resulta ng performans ng mga estudyante ay ikinukumpara sa ibang estudyante sa buong estado na kumuha ng parehas na pagsubok.

Ang California Standards Test (CST)Paksang Aralin Paaralan Distrito Estado

2010 2011 2012 2010 2011 2012 2010 2011 2012

Wikang Ingles / Sining Pangwika 65 64 67 53 54 55 52 54 56

Matematikas 52 43 42 47 45 44 48 50 51

Agham 75 73 71 59 60 62 54 57 60

Kasaysayan/Agham Panlipunan 63 57 52 46 43 40 44 48 49

*Ang mga puntos ay hindi pinapaalam kung mababa sa sampung estudyante ang sinuri sa isang baitang o grupo.

Ang California Standards Test (CST)Mga Lupong Pangalawang Antas

Paksang Aralin

Wikang Ingles / Sining

Pangwika

Matematikas AghamKasaysayan/

Agham Panlipunan

Distrito 55 44 62 40

Paaralan 67 42 71 52

Afrikanong Amerikano/ Itim 45 17 42 28

Amerikanong Indyan * * * *

Asyano 78 60 85 66

Pilipino 68 40 74 54

Kastila 55 26 50 30

Mga Taga-Isla ng Pasipiko 55 34 68 50

Puti 79 49 71 54

Mga Lalaki 61 42 72 55

Mga Babae 73 41 70 49

Gipit (Mahirap ang Kabuhayan) 51 29 58 36

Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles 18 12 28 6

Mga Estudyante na may Kapansanan 40 20 29 18

Edukasyon ng mga Dayo * * * *

Dalawa o Higit pa * * * *

*Ang mga puntos ay hindi pinapaalam kung mababa sa sampung estudyante ang sinuri sa isang baitang o grupo.

Porsiyento ng mga Mag-aaral na Malusog2011-12

Antas ng GradoApat sa Anim na

Pamantayan

Lima sa Anim na

Pamantayan

Anim sa Anim na

Pamantayan

7 16.2% 29.7% 35.9%

*Ang mga puntos ay hindi pinapaalam kung mababa sa sampung estudyante ang sinuri sa isang baitang o grupo.

Page 4: Gitnang Paaralan ng Alvarado

4Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Indeks ng Akademik Performans (API)Ang Academic Performance Index ay sukat mula sa hanay na 200 hanggang 1,000. Ito ay taunang sukat ng galing at pag-unlad ng bawat paaralan sa California. Pansamantala, itinakda ng California ang talang 800 bilang layunin ng mga paaralan.

Hanayan sa Buong Estado: Ang API Base score ng mga paaralan ay hinahanay sa sampung kategorya na magasinlaki (deciles) mula 1 (pinakamababa) hanggang 10 (pinakamataas), at ayon sa uri ng paaralan (mababanga paaralan, panggitnang paaralan, o mataas na paaralan).

Hanayan ng Magkasin-uri na mga Paaralan: May hanay din ang mga paaralan na naghahambing sa 100 ibang mga paaralan na may kahambing na demographic characteristics. Ang bawat lupon ng 100 na paaralan ay hinahanay ayon sa API score mula mula 1 (pinakamababa) hanggang 10 (pinakamataas) upang malaman kung gaano kagaling ang nagawa ng paaralan kung ihambing sa magkasintulad na paaralan.

Ang unang talaan ay nagpapakita ng mga ranggo ng API ng paaralan at ang aktwal na pagbabago sa mga puntos ng API o actual API point changes ayon sa grupo ng mga estudyante para sa huling tatlong taon. Pinapakita ng ikalawang talaan, ayon sa grupo ng estudyante, ang pinakabagong Growth API sa paaralan, distrito, at estado.

Ang Ulat ng Adequate Yearly Progress (Taon ng Paaralan 2011-12)Ang No Child Left Behind (NCLB) ay isang batas pederal na pinagtibay noong Enero 2002 at muling nagbigay-kapangyarihan sa Elementary and Secondary Education Act (ESEA). Iniuutos nito na ang lahat ng mga mag-aaral (kabilang ang mga maralita, mga miyembro ng minoridad, may mga kapansana, o hindi magaling sa Ingles) sa lahat ng baitang ay kailangang umabot sa state academic achievement standards sa Matematikas at Wikang Ingles/ Sining Pangwika pagdating ng taong 2014. Ang mga paaralan ay kailangang magpakita ng Adequate Yearly Progress (AYP) tungo sa layuning ito. Inatasan ng NCLB Act na ang lahat ng mga paaralan at distrito ay umabot sa mga sumusunod na atas ng (AYP)

• Bilang ng pagsali sa standards-based assessments sa English/Language Arts (ELA) at Matematikas ng estado.

• Porsyento ng galing sa standards-based assessments sa ELA at Matematikas ng estado.

• API bilang karagdagang tandaan. • Bilang ng pagtatapos (for secondary schools).

May ilang bunga kung ang mga paaralan ay hindi makakaabot sa AYP standards, kabilang ang karagdagang pagturo at pagpalit ng mga kawani. Ang mga estudyante ay papayagang lumipat sa ibang paaralan (sa loob ng kanilang distrito) na umabot sa AYP, at ang dating paaralan ang sasagot ng sasakyan ng estudyante tungo sa bagong paaralan. Makikita sa talanguhit ang nagawa ng mga paaralan at distrito.

2012 Paglaki ng APIPaaralan Distrito Estado

Bilang ng Estudyante

Iskor ng Paglaki

Bilang ng Estudyante

Iskor ng Paglaki

Bilang ng Estudyante

Iskor ng Paglaki

Lahat ng Estudyante sa Paaralan 1,350 817 9,321 773 4,664,264 788

Afrikanong Amerikano/ Itim 128 702 732 697 313,201 710

Asyano 395 889 2,054 863 404,670 905

Pilipino 383 819 1,839 822 124,824 869

Hispaniko o Latino 208 742 3,267 699 2,425,230 740

Native Hawaiian/Pacific Islander 59 791 329 750 26,563 775

Puti 96 839 632 787 1,221,860 853

Dalawa o Higit pa 79 825 449 815 88,428 849

Gipit (Mahirap ang Kabuhayan) 488 752 4,417 708 2,779,680 737

Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles 380 736 3,591 719 1,530,297 716

Mga Estudyante na may Kapansanan 140 611 971 592 530,935 607

Resulta ng mga Paaralang API2009 2010 2011

Buong Estado 8 8 7

Similar Schools 6 6 3

Lupon 09-10 10-11 11-12Lahat ng Estudyante sa Paaralan

Aktwal na Pagbabago ng API 13 -15 3

Afrikanong Amerikano/ Itim

Aktwal na Pagbabago ng API 33 -16 -27

Asyano

Aktwal na Pagbabago ng API 8 -15 9

Pilipino

Aktwal na Pagbabago ng API 8 -13 -14

Hispaniko o Latino

Aktwal na Pagbabago ng API -9 -6 4

Puti

Aktwal na Pagbabago ng API 47 -58 -

Gipit (Mahirap ang Kabuhayan)

Aktwal na Pagbabago ng API 41 -22 5

Mga Mag-aaral ng Wikang Ingles

Aktwal na Pagbabago ng API 29 -37 24

Mga Estudyante na may Kapansanan

Aktwal na Pagbabago ng API -17 4 -7

Adequate Yearly Progress (AYP)Paaralan Distrito

Nagampanan ang Pangkalahatang AYP

Hindi Hindi

Nagampanan ang mga Pamantayan

ng AYP

Wikang Ingles - Singing

Pangwika

Matematikas

Wikang Ingles - Singing

Pangwika

Matematikas

Talaan ng Pagsali Oo Oo Oo Oo

Porsiento ng Magagaling Hindi Hindi Hindi Hindi

Resulta ng mga Paaralang API Oo Oo

Reyt ng mga Nagtapos N/A Hindi

Page 5: Gitnang Paaralan ng Alvarado

5Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Ang Federal Intervention Program (Taon ng Paaralan 2012-13)Ang mga paaralan at distritong tumatanggap ng pondong pederal na Title I ay isasali sa Program Improvement (PI) pag di maabot ang AYP sa loob ng dalawang magkasunod na taon sa katulad na paksang-aralin (Wikang Ingles/Singing Pangwika o Matematikas) o katulad na batayan (API or graduation rate). Pagkatapos pumasok sa PI, ang mga paaralan at distrito ay susulong sa susunod na antas ng pagtulong bawat taond di maabot ang AYP.

Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa identipikasyon ng PI, tignan ang pahina ng Determinasyon ng Katayuan ng CDE PI: http://www.cde.ca.gov/ta/ac/ay/tidetermine.asp.

Mga Gamit sa Pagtuturo (Taon ng Paaralan 2012-13)Nagsagawa ng pampublikong pagdinig ang New Haven Unified School District noong ika-16 ng Oktubre, 2012, at napagpasyahan na ang bawat paaralan sa loob ng Distrito ay may sapat at dekalidad na mga aklat, gamit sa pagtuturo, o mga kagamitan sa Science lab ayon sa kasunduang Williams vs. State of California. Lahat ng estudyante, kasama na rin ang mga nag-aaral ng Ingles, ay binibigyan ng kanya kanyang aklat o ibang gamit sa pag-aaral na naaayon sa pamantayan, o parehas, para sa mga mahahalagang asignatura o core subjects upang magamit ito sa loob ng silid-aralan at sa bahay. Ang mga aklat at iba pang kagamitan ay may sinusunod na cycle na ginawa ng Departamento ng Edukasyon ng Estado, upang masigurado na ang mga aklat na ginagamit sa paaralan ay ang pinakabagong edisyon. Ang mga kagamitan na naaprubahan ng estado ay sinusuri ng lahat ng mga guro at ang isang komite ng pinagsamang mga guro at mga administrador ay gumagawa ng rekomendasyon para sa School Board. Lahat ng mga kagamitan na nirerekomenda ay nasa opisina ng distrito at maaari itong suriin ng mga magulang. Pinapakita sa talaan ang mga impormasyon tungkol sa kalidad, pagiging bago, at pagkakaroon ng mga aklat na naaayon sa pamantayan ng estado at ng iba pang mga kagamitan sa pagtuturo na kasalukuyang ginagamit ng paaralan, simula Pebrero 2013.

Laybrari & Mga Kompyuter na Maaaring GamitinAng laybrari ng paaralan, na pinapangasiwaan ng isang Media Specialist na nagtratrabaho ng fultaym, ay nagbibigay ng malawak at iba’t ibang uri ng mga referens at mga ispesyal interest na mga materyal, kasama ng daan-daang aklat pang-edukasyon at pang-libangan. Lingo-linggong pumapasok ang mga estudyante sa laybrari na bahagi ng kanilang mga klase at inaanyayahan na bumisita dito tuwing tanghalian o kaya naman pagkatapos ng klase.

Kadalasang may anim na kompyuter na nakakonekta sa Internet sa bawat silid-aralan. Bukod dito, mayroon din dalawang laboratoryo na may 40 na kompyuter kada isa. Mayroon din 16 na kompyuter pang-estudyante sa Medya Senter.

Iba pang Internet Access/Pampublikong LibraryPara sa karagdagang materyal para sa pagsusuri at kung nais gumamit ng Internet, hinihikayat ang mga estudyante na pumunta sa mga pampublikong aklatan o laybrari na mahahanap sa iba’t ibang lokasyon sa loob ng Alameda County, kung saan maraming mga kompyuter worksteysyon. Para sa impormasyon tungkol sa oras nga pagbubukas o pagsasara at sa lokasyon ng mga library, maaaring bisitahin ang http://www.aclibrary.org/.

Gurong Matataas ang Kwalipikasyon (Taon ng Paaralan 2011-12)Ayon sa Federal No Child Left Behind Act kinakailangan na maabot ng lahat ng guro na nagtuturo ng mga mahahalagang asignatura o core subjects ang ilang mga kwalipikasyon upang maituring na “Highly Qualified o may mataas na kwalipikasyon” simula sa katapusan ng taon o school year 2006-07. Ang pinakamababang kwalipikasyon ay: ang pagkakaroon ng Bachelor’s Degree, pagkakaroon ng mga kredensyal sa pagtuturo ng California, at nagpakita ng kagalingan sa mga mahahalagang asignatura o core academic subjects. Para sa karagadagang impormasyon, tignan ang pahina ng Pagpapaunlad ng Kalidad ng mga Guro at Punong-guro ng CDE sa:http://www.cde.ca.gov/nclb/sr/tq/.

Tandaan: Ang mga paaralan na mataas ang bilang ng mahihirap na estudyante ay maaaring maglaan ng 40 porsiyento o higit pa ng mga estudyante na makakatanggap ng libre o murang pagkain sa paaralan.

Mga Araling-aklat na Kinabig ng DistritoMga

BaitangPaksang

Aralin Tagalathala Taon ng Pagkabig Sapat % Kulang

6th-8th Agham CPO Science 2008 Oo 0.0%

6th-8thKasaysayan/

Agham Panlipunan

Holt, Rinehart & Winston 2006 Oo 0.0%

6th-8th Matematikas Holt 2009 Oo 0.0%

6th-8thWikang Ingles

/ Sining Pangwika

McDougal Littell 2003 Oo 0.0%

Programang Pantulong ng Pamahalaang PederalPaaralan Distrito

Kalagayan Kainaman ng Programa Wala PI Sa PI

Unang Taon sa PI - 2010-2011

Taon sa PI (2012-13) - Taon 3

# ng mga Paaralang Kasalukuyang nasa PI - 6

Porsiyento ng mga Paaralang Isasali sa PI - 42.86%

Mga Gurong Alinsunod sa NCLB% ng mga Kursong Buod na Tinuturo

Alinsunod sa NCLB

% ng mga Kursong

Buod na di Tinuturo

Alinsunod sa NCLB

Paaralan 100.0% 0.0%

Distrito 99.8% 0.2%

Mga Paaralang Mataas ang Karalitaan sa Distrito 99.8% 0.3%

Mga Paaralang Mababa ang Karalitaan sa Distrito 100.0% 0.0%

Page 6: Gitnang Paaralan ng Alvarado

6Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Pagtalaga ng mga GuroTumatanggap lamang ang New Haven Unified School Districts ng mga pinakakwalipiladong mga guro. Pinapakita ng tsart na ito ang impormasyon tungkol sa kwalipikasyon ng mga guro.

Ang Teacher Misassignments ay ang bilang ng mga pagtatalaga sa loob ng paaralan kung saan ang mga sertipikadong empleyado na nasa posisyon ng pagtuturo at iba pang serbisyo (kasama na ang mga posisyon ng mga nagtuturo ng mga estudyanteng nag-aaral ng Ingles) ay walang legal na sertipiko o kwalipikasyon. Ang Teacher Vacancies naman ay ang bilang ng mga posisyon kung saan wala ni isang sertipikadong empleyado ang naitatalaga sa simula ng taon at maging sa loob ng buong taon.

Tanda: Ang ibig sabihin ng “Misassignments” ay ang bilang ng mga posisyon na ginagampanan ng mga guro na walang legal na awtorisasyon na turuan ang nasabing baiting, asignatura, grupo ng mag-aaral, etc.

Pagpapaunlad ng mga EmpleyadoPatuloy na hinahasa ng mga guro at empleyado ang kani-kanilang galing at kaalaman sa pagtuturo sa pamamagitan ng paglahok sa maraming konferens at mga worksyap na isinasagawa sa buong taon, tapos ibinabahagi nila ang kanilang mga karanasan at karunungan sa kanilang mga kapwa guro at empleyado sa distrito. Naglaan ang distrito ng tatlong araw para sa pagpapaunlad ng empleyado kada taon sa loob ng nakaraang tatlong taon.

Mga Pasilidad ng Paaralan at KaligtasanItinayo ang Alvarado Middle School noong 1973 at kasalukuyang may 54 na silid-aralan, isang gym, isang multi-purpose room, isang silid para sa musika, dalawang kompyuter lab, isang laybrari, dalawang silid-pahingaan para sa mga empleyado o staff lounge, isang silid pantrabaho para sa mga empleyado o staff workroom, isang takbuhan o track, dalawang black top areas, isang soccer field, at isang softball field. Sa panahon ng pagkalathala nito 100% ng mga banyo ay nasa maayos na kondisyon.

Isa sa mga pangunahing tungkulin ng Alvarado Middle School ang masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante at empleyado. Ang paaralan ay patuloy na sumusunod sa lahat ng batas, patakaran, at alituntunin ukol sa mga mapanganib na kagamitan at mga pamantayan ng estado para sa lindol. Ang School Site Safety Plan ay huling sinuri at binago noong Nobyembre 2012 ng Komite para sa Kaligtasan sa Paaralan. Ang lahat ng pagbabagong ito ay pinaalam sa lahat ng empleyado maging klasipikado o sertipikado. Ang plano sa paghahanda ng paaralan laban sa mga sakuna ay may mga hakbang upang masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante at empleyado kung may sakuna man na dumating. Nagsasagawa ng regular na mga fire,disaster at lockdown drill sa kabuuan ng taon.

Ang mga estudyante ay binabantayan ng mga guro, mga administrador, at mga boluntaryo tuwing tanghalian. Mayroon nakalaang lugar para sa paghahatid at pagsusundo ng mga mag-aaral. Ang lahat ng bisita ay dapat magrehistro sa opisina o sa front office.

Proseso ng PaglilinisAraw-araw na nakikipagugnayan ang punong-guro sa mga tagalinis upang masigurado ang wastong paglilinis upang maging malinis at ligtas ang paaralan. Ang district governing board ay gumawa ng mga pamantayan sa kalinisan para sa lahat ng paaralan sa distrito. Ang buod ng mga pamantayan na ito ay makikita sa opisina ng distrito para masuri.

Pagpapanatili at PagkukumpuniSinisigurado ng mga kawani sa pagpapanatili o maintenace staff ng distrito na natatapos agad ang mga kailangan kumpunihin para mapanatili ang pagkakaroon ng paaralan ng tinatawag na good repair at work order. Ang proseso ng work order ay ginagamit upang masigurado na ang mga serbisyo ay episyente at binibigyan ng pinakamataas na prayoridad ang mga kailangan kumpunihin ng biglaan o emergency repairs. Noong ito ay nilathala 100% ng lahat ng mga banyo ay nasa maayos na kondisyon. Habang sinusuri ninyo ang ulat na ito, dapat alalahanin na kahit mga maliliit na mga pagkakaiba ay iniuulat habang nagaganap ang proseso ng inspeksyon. Ang mga aytem na nakasulat sa talaan ay naayos na o kung hindi man ay nasa proseso na ng pagkukumpuni.

Mga Ipinagpaliban na Pondo para sa PagpapanatiliNakikilahok ang distrito sa State School Deferred Maintenance Program, na nagbibigay ng pondo sa tinatawag na dollar-for-dollar basis, upang matulungan ang mga distrito ng mga paaralan ng magagamit na pera para sa mga malalaking kukumpunihin at pagbabago ng mga bahagi ng mga gusali ng paaralan. Ito ay karaniwang binubuo ng mga bubong, mga tubo ng tubig, mga pampainit, mga sistema ng kuryente, panloob o panlabas na pintura, at mga sahig.

Kalagayan ng Lisensya ng GuroPaaralan Distrito

09-10 10-11 11-12 11-12

Lisensyado 61 62 54 563

Kulang sa Katibayan o Lisensya 1 3 5 22

Gumagawa sa Labas ng Pinag-aaralan 1 1 0 1

Pagkakamali sa Pagtatalaga/Mga Bakanteng Posisyon10-11 11-12 12-13

Maling Pagtalaga ng Guro ng mga Mag-aaral ng Ingles 0 0 0

Maling Pagtalaga ng Guro (Iba) 0 0 0

Suma ng Maling Pagtalaga ng mga Guro 0 0 0

Bakanteng Posisyon sa Pagtuturo 1 0 0

Kalagayan ng Paaralan at Kagamitan Petsa ng Pinakahuling Inspeksyon: 02/15/2012

Pangkalahatang Kondisyon ng mga Pasilidad ng Paaralan: Napakahusay

Mga Aytem na Sinuri Istatus ng Component System ng mga Pasilidad

Mga Pagkukulang at mga Pagtutuwid na Ginawa o Binalak

Mahusay Katamtamang Husay

Hindi Mahusay

Mga Sistema (Sumisingaw na Gas, Mech/HVAC, Poso Negro)

X

Panloob X

Kalinisan (Pangkalahatang Kalinisan, Infestasyon ng mga Peste)

X

Elektrikal X

Mga Banyo at Inuman X

Kaligtasan (Kaligtasan sa Sunog, Mga Mapanganib na Materyal)

X

Mga Straktura (Mga Sira sa Straktura, Mga Bubong)

X

Panlabas (Paligid, Mga Bintana, Mga Pintuan, Mga Pasukan, Mga Bakod)

X

Page 7: Gitnang Paaralan ng Alvarado

7Gitnang Paaralan ng Alvarado Nailathala noong: Abril 2013

Sahod ng mga Guro at Pangasiwaan (Taon Pampiskal 2010-11)Pinapakita ng talaang ito ang mga pang-distritong sweldo ng mga guro, mga punong-guro, mga superintendent, at inihahambing nito ang mga numero na ayon sa estado ay ang karaniwang sweldo sa ibang distrito na may kaparehas na uri at laki. Pinapakita rin ng talaan ang mga sweldo ng mga guro at ng mga taga-administratibo bilang porsiyento ng pondo ng distrito, at inihahambing ito sa mga numero na ayon sa estado ay ang karaniwang sweldo sa ibang distrito na may kaparehas na uri at laki (base sa 2009-10 financial statements). Maaaring makita sa website ng CDE ang detalyadong impormasyon ukol sa mga sweldo.

Sahod ng mga Guro sa Paaralan (Taon Pampiskal 2010-11)Makikita sa talaan na ito ang karaniwang sahod ng mga guro sa paaralan, at inihahambing ito sa karaniwang sahod ng guro sa distrito at sa estado.

Gastusin ng Distrito (Taon ng Paaralan 2011-12)Ipinapakita ng tsart na ito ang paghahambing ng mga mga pondo ng paaralan sa bawat mag-aaral (mula sa restriktado at hindi restriktadong pinanggalingan ng pondo) ayon sa (hindi restriktadong) pinanggalingan ng pondo ng Distrito at ng Estado.

Ang Karagdagan/Restriktadong gastusin ay galing sa pera na kontrolado ng batas o ng donor. Ang pera na iniliaan ng distrito o ng mga namamahala sa bord para sa mga partikular na layunin ay hindi itinuturing na restriktado. Ang Pangunahin/Hindi Restriktadong gastusin, maliban sa pangkalahatang alituntunin, ay hindi kontrolado ng batas o ng donor.

Para sa mas detalyadong impormasyon sa gastusin ng paaralan para sa lahat ng distrito ng California, tignan ang pahina ng Kasalukuyang Gastusin ng Edukasyon at Gastusin sa Bawa’t Mag-aaral ng CDE sa http://www.cde.ca.gov/ds/fd/ec/. Para sa impormasyon tungkol sa sweldo ng mga guro sa bawat distrito ng California, tignan ang pahina ng Sweldo at Benepisyo ng mga Sertipikadong Empleyado ng CDE sa http://www.cde.ca.gov/ds/fd/cs/. Upang mahanap ang mga gastusin at sweldo para sa partikular na distrito ng mga paaralan, tignan ang Web sayt ng Ed-Data sa: http://www.ed-data.org.

Distrito Pinagmumulan ng Kita (Taon Pampiskal 2011-12)Kasalukuyang tumatanggap ng pondo ang New Haven Unified School District para sa mga sumusunod na kategorikal, edukasyon para sa mga may kapansanan o special education, at programang pang-suporta o support program maliban sa karaniwang natatanggap na pondo mula sa estado:

• Titulo I • Titulo II• Titulo III• Programa sa Pagpapaunlad ng Lenggwaheng Ingles (ELAP)• Tulong para sa Estudyante Nahihirapan sa Pag-aaral at Estudyanteng Baylingwal (EIA)

Impormasyong Pang-ugnayAng mga magulang o mga miyembro ng komunidad na nais makilahok sa mga koponan ng mga pinuno o leadership teams, mga komite ng paaralan, mga gawain sa paaralan, maging boluntaryo ay maaaring tumawag kay Punong-guro J. Varela sa numerong (510) 489-0700.

Mga Pinagkunan ng DatosAng mga datos na nasa SARC ay nanggaling sa New Haven Unified School District, na nakuha galing sa templeyt ng 2011-12 SARC, na mahahanap sa Dataquest (http://data1.cde.ca.gov/dataquest), at/o sa website ng Ed-Data.

Ang Dataquest ay isang search engine, na pinapanatili ng Departmento ng Edukasyon ng California o California Department of Education (CDE), kung saan maaaring mahanap ng publiko ang mga impormasyon tungkol sa mga eskwelahan at mga distrito sa buong estado. Kabilang sa mga datos na mahahanap dito ng mga magulang, at ng komunidad ay mga impormasyon tungkol sa performans ng paaralan, mga marka sa mga pagsubok o test, demograpiko ng mga estudyante o student demographics, mga empleyado at pagkuha ng empleyad o staffing, at mga paglabag na ginawa ng mga estudyante/kaukulang aksyon o student misconduct/intervention. Ang Ed-Data naman ay isang samahan ng CDE, EdSource, at ng Fiscal Crisis and Management Assistance Team (FCMAT) na nagbibigay ng ekstensibong impormasyon tungkol sa pinansiyal, demograpiko at performans ng mga pampublikong paaralan pandistrito at paaralan simula kindergarten hanggang ikalabing-dalawang baiting o grade twelve ng California.

Gugol sa Bawat Mag-aaralPaaralan

Suma ng Gugol Bawat Mag-aaral $7,095

Kinuha sa Karagdagan/Restriktado na Pinagmulan $2,000

Kinuha sa Pangunahin/Hindi Restriktado na Pinagmulan $5,095

Distrito

Kinuha sa Pangunahin/Hindi Restriktado na Pinagmulan $5,137

Porsiyento ng Pagkakaiba ng mga Paaralan at Purok -0.82%

Estado

Kinuha sa Pangunahin/Hindi Restriktado na Pinagmulan $5,455

Porsiyento ng Pagkakaiba ng mga Paaralan at Estado -6.60%

Average na Sahod ng mga GuroPaaralan at Purok

Paaralan $84,574

Distrito $83,645

Porsiyento ng Pagkakaiba 1.11%

Paaralan at Estado

Lahat ng Distrito ng mga Paaralang Ugnayan $68,488

Porsiyento ng Pagkakaiba 23.48%

Impormasyon Tungkol sa Average na SahodMga Guro – Mga Punong-guro – Mga Pinunong-Guro

2010-11 Distrito Estado

Mga Gurong Baguhan $47,657 $40,932

Mga Gurong Nasa Kalagitnaan $79,607 $65,424

Pinakamataas na mga Guro $103,269 $84,596

Mga Punong- guro ng mga Paaralang Pang-elementarya $117,338 $106,806

Mga Punong-Guro ng Pangitnang Paaralan $121,762 $111,776

Mga Punong-guro ng Mataas na Paaralan $153,469 $120,858

Pinunong-Guro $252,418 $204,089

Mga Sahod bilang Porsiyento ng Pangkalahatang Badyet

Sahod ng mga Guro 50.6% 39.4%

Sahod Pampangasiwaan 5.5% 5.0%