ESP 7 MODUL 16: HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA PAGNENEGOSYO O PAGHAHANAPBUHAY !

Preview:

Citation preview

MODYUL 16: HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA PAG-NENEGOSYO O PAGHAHANAPBUHAY

Ngayong nasa haiskul ka na, mas higit na marami ang gawain sa paaralan.

Minsan, talaga namang nakaka stress; kaya naman madalas kang nagrereklamo,” masyadong mahigpit ang teacher ko, mahirap ang test, unfair ang mga rules and regulation. Lahat ay sinisisi sa bumabang marka.

Minsan tinatamad mag-aral. Di ba mas masarap manood ng tv o kaya maglaro ng kompyuter games. Mas masarap tumambay at mag FB.

Pero ano naman ang mangyayari sa kinabukasan mo kung di ka mag-aaral? Paano naman ang pangarap mo kung haiskul pa lang eh tinatamad ka na?

Ang Merkado sa Paggawa o Labor Market

Isang malaking paligsahan ang merkado sa paggawa o labor market. Ang mga trabaho at ang katumbas na pasahod dito ay nakadepende sa antas ng pangangailangan ng mga kumpanya para sa mga kasanayang ito at ang bilang ng mga mayroong ganitong kasanayan.

Kung may kakulangan sa isang kasanayan sa merkado ng paggawa, magiging higit na mataas ang pasahod sa manggagawang may kasanayang ito. Ito ang mga trabahong tinatawag na in-demand o may demanded skill set.

Edukasyon at Kawalan ng Trabaho o Unemployment

Epekto ng Kawalan ng Edukasyon sa Pamumuhay sa LipunanAng kawalan ng

edukasyon ng marami nating kababayan ay nagpapalala sa mga krisis sa bansa; sa ekonomiya, politika, kalusugan at iba pa.

Nagiging marginalized tuloy sila. Wala silang boses pagdating sa mga mahahalagang usapin sa bansa. Parusa ang maging mangmang.

Tuwing eleksyon, may karapatan din silang bumoto. Kung salat sila sa kakayahang unawain ang mga tunay na pinag-uugatan ng kahirapan sa bansa, o dahil hindi makakuha ng trabahong sapat ang pasuweldo mas madali sa kanila ang papaniwalain sa mga pangako ng tiwaling politiko, lalo na kung may kapalit na malaking pera.

Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng mga Kasanayan sa Pag-aaral (Study Skills)

1. Isulat mo sa iyong mga takdang-aralin sa iyong kwaderno.

2. Huwag kalimutang dalhin sa paaralan ang araling-bahay.

3. Makipag-usap ka sa iyong guro.

4. Magsaayos sa pamamagitan ng paggamit ng kulay.

5. Magtalaga ng isang palagiang lugar para sa pag-aaral at paggwa ng araling-bahay.

6. Ihanda ang iyong sarili sa nga pagsusulit.

7. Alamin ang iyong pangunahing paraan ng pagkatuto(Learning Style).

8. Itala ang mga mahahalagang puntos sa pinag-aaralan sa kwaderno.

9. Iwasan ang pagpapabukas-bukas.

10. Alagaan mo ang iyong kalusugan.