47
El Filibusterismo: Mga Tauhan Simoun Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani Ang makatang kasintahan ni Paulita Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal Ben-zayb Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino Ang amain ni Isagani Don Custodio Ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Embed Size (px)

DESCRIPTION

i do not own this

Citation preview

Page 1: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

El Filibusterismo: Mga Tauhan

SimounAng mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

IsaganiAng makatang kasintahan ni Paulita   BasilioAng mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang TalesAng naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang SeloAma ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong PastaAng tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zaybAng mamamahayag sa pahayagan

Placido PenitenteAng mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre CamorraAng mukhang artilyerong pari

Padre FernandezAng paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre FlorentinoAng amain ni Isagani

Don CustodioAng kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre IreneAng kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito PelaezAng mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

MakaraigAng mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

SandovalAng kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina

Page 2: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita GomezKasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

QuirogaIsang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

JuliAnak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana BaliNaghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana PenchangAng mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong LeedsAng misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

ImuthisAng mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Kabanata ISa Ibabaw ng Kubyerta

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.

2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan.

3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag.

4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang batalan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.

Mga Tanong at Sagot

1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?

Tugon

a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo.

b. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas.

Page 3: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunit’t makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan.

d. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad.

e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)

2. Bakit inis na inis si Donya Victorina?

Tugon

Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.

3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay Simoun?

Tugon

a. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.d. Giginhawa ang paglalakbay.

4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio?

Tugon

a. Malaki ang gugulinb. Maraming bayan ang kakailanganing siraink. Walang ibabayad sa mga manggagawa

5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?

Tugon

a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon;d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.

Page 4: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, ano ang naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta?

Tugon

a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano.b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.

7. Bakit nangingilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun?

Tugon

Ito’y kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.

Dagdag na mga Tanong at Puna

1. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.

2. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa Pilipinas.

3. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.

Kabanata IISa Ilalim ng Kubyerta

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng balakid sa lahat ng dako samantalamg ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina Isagani?

Tugon

Marami nang kabiguang naranasan ang matatanda kabiguan sa sarili nilang mga pangarap at balak noong kanilang kabataan samantalang ang mga bata ay may maapoy pang damdamin na gatong sa kanilang mga balak at adhikain. Di pa sila nakararanas ng maraming kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad.

2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?

Tugon

Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan. 

3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?

Tugon

Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung

Page 5: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila.

4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng serbesa?

Tugon

Hindi. Ito’y totoo para sa bayang malalamig nguni’t di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta! 

5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun?

Tugon

Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-inom ng alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?)

6. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak nailog?

Tugon

Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-lapu hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa Pilipinas. 

7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio?

Tugon

Pagtutulugan ng tubig at ng apoy sa isang makina (steam engine). Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.

8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun?

Tugon

Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may tubig nguni’t walang makina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.

9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?

Tugon

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat, pati si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.

Kabanata IIIAng mga Alamat

Page 6: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Dito’y makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing lalo pang nakaiinis ang pangrelihiyon.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta?

Tugon

Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.

2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas?

Tugon

Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang masasamang espiritu sapagka’t walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastila’y walang katotohanan. Sila’y tulisang Kastila naman natatakot ngayon.

Kabanata IVKabesang Tales

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay Huli.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay noon?

Tugon

Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal.

2. Ano ang ibig sabihin ni Kabesang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak?

Tugon

Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang

Page 7: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit.

3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales?

Tugon

Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos? 

4. Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa?

Tugon

Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal nguni’t maaaring kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal.

5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siya’y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak?

Tugon

Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain.

6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle? 

Tugon

Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siya’y titirisin lamang.

7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan?

Tugon

Noong una’y walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya’y may baril noon at siya’y magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siya’y balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.

8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal?

Tugon

Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinana’y ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto

Page 8: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na?

Kabanata VAng Noche Buena ng Isang Kutsero

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago.2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil?

Tugon

Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagka’t di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor.

2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo Carpio?

Tugon 

Ito ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay ginawang katutubo at kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio nguni’t unti-unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas. Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.

Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat ay di natin matiyak nguni’t ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon.

Mga Tanong na Maaaring Talakayin

Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit daw na mahigpit magparusa ang mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin. Ang mga gerilyo ay gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoong nakapanghihilakbot. Noong kalaganapan ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga

Page 9: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin ng pamahalaan ay nakapangingilabot din. Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon sa mga paglalarawan ng buhay sa Noli at Fili at sa ating mga ulat na pangkasaysayan. Makakabangon kaya tayo bilang isang lahi?

Kabanata VISi Basilio

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal – 300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo?

2. Dito’y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?

Tugon

Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siya’y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan).

2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin?

Tugon

Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasa’y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Nguni’t noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang nguni’t masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.

Kabanata VIISi Simoun

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may iba’t ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang pambansang wika.

2. Si Ibarra kailanma’y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang

Page 10: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at sila’y magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago nguni’t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan nguni’t sa totoo’y upang makasagap ng balita ukol kay Maria Clara.

3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti 

a) Si Don Rafael b) Si Maria Clara c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang iwasak.

Mga Tanong at Sagot

1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang labimpitong-taon?

Tugon 

Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari:

a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayo’y siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan. 

b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi.

c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Nguni’t ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.

2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon?

Tugon 

Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May dumating-si Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.

3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa nguni’t sinigan ang bangkay ni Elias?

Tugon 

Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na sunugin ang kanyang bangkay.

4. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa kanya na maaaring magpahamak sa kanya kung ibubunyag ng estudyante. Ano ang mga lihim na ito?

Tugon

a. Na si Ibarra ay buhay pa.

Page 11: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

b. Na si Ibarra’t si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak niyang paghihiganti.

5. Bakit di pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim?

Tugon

a. Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil.k. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-pagkapagamot ni Ibarra kay Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito.c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik. At sa kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun.

6. Paano nakapang-aalipin ang isang wika?

Tugon 

Kung ang wikang ito ay dating sa isang mananakop, ito ay nagiging sagisag ng kapangyarihan kaya’t ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang maghangad na tumaas, o tumayog. (Ito’y isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop ang sariling kanya hanggang sa ito ay tuluyan naising inisin o patayin at buhayin at payabungin ang sa dayuhan. Mga aklat, babasahin, at sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa pamumuhay ng dayuhan na nababasa at napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain, kasangkapan at iba pa. Pagsusulit-sulit: Dayuhan sa sariling bayan.

Sa ngayo’y alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay ipinagmamalaki; ikinahihiya ang lokal. Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop sa klima natin. Pagandahan ng kotse na di kayang gawin sa Pilipinas at gasolina’y tiyak na sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import) ay laging ibayong malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kaya’t unti-unting namumulubi ang bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod na salin ng lahi ay ating ipinaaanod sa baha ng kasalukuyan nating mga bisyo at di maiwasang hilig na masasabing buhat sa pang-aalipin sa atin ng wikang Ingles.

7. Ano ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni Rizal na mga tauhang ayaw magsalita ng Tagalog at pangangastila ang pinag-iigi?

Tugon 

Mga hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion).

8. Bakit ayon kay Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila?

Tugon

Anya-ang kulubot ng kanyang isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang katugon sa wikang Kastila. (Paano nga naman masasabi sa ibang wika ang ganito halimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at panghilod ng tabo na nasa sulok ng batalan. 

9. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon pa man sa pamamagitan ni Basilio?

Page 12: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Tugon 

Ang diwa ng Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya lamang ang tao kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig at ang magtatalumpati ukol sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o fanatico) Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa mga unang may diwang pandaigdig o internationalist. Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon.

Kabanata VIIIMaligayang Pasko

Mga Tanong at Sagot

1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas?

Tugon

Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.

2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito? 

Tugon

a) maaga silang ginigising para magsimba; b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa); k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal; d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.

Kabanata IXAng mga Pilato

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle.

Tugon 

Ito’y kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail kaya’t ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Ito’y naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang na magsasaka at nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno.

2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata?

Tugon

Page 13: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan.

Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit nagsabing wala.

Kabanata XKayamanan at Karalitaan

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun? 

Tugon

Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik. 

2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril?

Tugon 

Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.

3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo?

Tugon 

Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.

Kabanata XILos Baños

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko.Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.)

2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak. 

Mga Tanong at Sagot 

1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral?

Page 14: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Tugon

May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.

2. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?

Tugon

Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa pa.

3. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral?

Tugon

Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan.

4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?

Tugon

Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.

5. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna nguni’t dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon?

Tugon

Ang sabong... Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan.

6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit?

Tugon

Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito. 

7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan?

Page 15: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Tugon

Si Padre Fernandez ay naiiba sapagka’t siya’y matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan.

Kabanata XIIPlacido Penitente

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo.

2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon.

Ateneo

Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno.

Letran

Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat. 

UST

Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala. 

Paaralang Normal

Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat.

3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?

Tugon

Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.

2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?

Tugon

Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.

Page 16: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli?)

Tugon

Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari.

4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din?

Tugon

Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli. 

5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon?

Tugon

Karamihan noo’y walang natutuhan dahil: 

a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.

b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.

k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante.

d. Madalas ang araw na walang pasok.

Kabanata XIIIAng Klase sa Pisika

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Padre Millon:

a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura.

b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siya’y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito’y umiinog at umiikot sa araw.)

k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro.

d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.)

e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag.

g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.

Page 17: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase?

Tugon

Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na ipinalalagay niyang mga tanga lamang.

2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga estudyante?

Tugon

Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawa’t paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Doo’y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero na’y di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika.

3. Ano ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo?

Tugon

Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.

4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata?

Tugon

Siya’y naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayo’t mapayapa. Hangga’t maaari’y nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni’t kung tayo’y napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan.

Kabanata XIVSa Bahay ng mga Mag-aaral

Mga Tanong at Sagot

1. Sino si Sandoval?

Sagot

Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila.

2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez?

Sagot

Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan.

Page 18: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento?

Sagot

Sila ay mapagkumbaba.

Kabanata XVSi Ginoong Pasta

Mga Tanong at Sagot

1. Sino si Ginoong Pasta?

Sagot

Isang bantog na mananaggol ng Maynila.

2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta?

Sagot

Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas.

3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani?

Sagot

Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.

Kabanata XVIAng Kasawian ng Isang Intsik

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga?

Sagot

Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas.

2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun?

Sagot

Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.

3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso?

Sagot

Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.

Page 19: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Kabanata XVIIAng Perya sa Quiapo

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa. 2. Noo’y Enero.3. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds.

Mga Tanong at Sagot

1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito?

Tugon

Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal.

2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina?

Tugon

Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.)

Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil. Nguni’t ito man ay di nasakyan ng matatalino’t magagaling na pangkat nina Ben Zayb.

(Nasakyan naman kaya ito ng mga indiyo? At sino ang nakaisip ng gayong mga larawan sa perye?)

Kabanata XVIIAng mga Kadayaan

Mga Tanong at Sagot

1.Bakit hinimatay si Padre Salvi?

Sagot

Dahil sa takot sa tinawag na ulo.

2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis?

Page 20: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Sagot

Kay Ibbara.

3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis?

Sagot

Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.

Kabanata XIXAng Mitsa

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan ng kabataan.

2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay?

3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito?

4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na binubuo ng : 

A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti;

B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan;

K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas;

D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil. 

Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral?

Tugon

Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon.

Page 21: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

2. Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit ng kanyang paghihiganti?

Tugon

Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos. makikita ritong ang diwa ng 1872 ay nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga Pilipino pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan.

3. Bakit napatapon ang dating guro sa San Diego?

Tugon

Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang simbahan at ang pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto.

4. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma?

Tugon

It'y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti.

5. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun?

Tugon

Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na halos ng kamatayan.

6. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara?

Tugon

Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Vlara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo. 

7. Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias?

Tugon

Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang nag-uudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti. 

8. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasn ng kanyang ina?

Page 22: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Tugon

Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunwa’y payag na siya sapagka’t batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kaya’t wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan.

9. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun?

Tugon

Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara.

Kabanata XXSi Don Custodio

Mga Tanong at Sagot

1. Paano nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don Custodio?

Sagot

Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kani-kanino.

2.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin?

Sagot

Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng pamahalaan.

3. Ano angpalagay ni Don Custodio sa mga Pilipino?

Sagot

Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Kabanata XXIMga Anyo ng Taga-Maynila

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan.

2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-

Page 23: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa itaas ang mga paa.

Mga Tanong at Sagot

1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido?

Tugon

Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan nguni’t di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Nguni’t sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro).

2. Paano nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila?

Tugon

Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi, at sa pagsang-ayon dito ng mga taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong sila kung bakit ipinagbabawal ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig manood upang malaman kung bakit bawal; at ikalawa, iyong ibig manood kung bakit dapat ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng mga prayle, hindi dadami ang manonood.

Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa sa isang aklat. Dahil ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong bumasa ng Kastila noong panahon ni Rizal aaaaay nagnais makabasa ng mga nobelang ito. Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni Rafael Palma. Ito ay naging mabili. Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo itong pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa ito’y katutubo sa tao ang pagtanggi sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang bagay sa paglalagay ng pansin na Huwag Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng mga bakas ng daliri ng mausisa.

3. Sino-sino ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng dulaan?

Tugon

Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na magkaroon ng gulo upang mapigil ang pagbabalik nito sa Espanya at di kaagad matapos ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa makatuwid sumalakay man ang mga kampon ni Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi lamang inihandang pagkakagulong sa kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay hindi ang mga tulisan kundi ang mga manong na magtatanggol sa mga prayle. Dito’y gagamitin ni Rizal ang theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang iyong nasasakupan at sila’y madali mong mapaghaharian. Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban sa mga manong at confradia magiging malaya ang pangkat nina Kabesang Tales at ang mga mamamayan sa pagsasalakay sa nais nilang salakayin. 

4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo?

Page 24: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Tugon

Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay Tadeo.

Kabanata XXIIAng Palabas

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno. Ito’y hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng ilan sa ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may tatlong daang taon. Ang manonood, makikita sa ano mang palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing pandanmgal ang huling dumarating at ito ay ipamamata nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari sa maraming hindi naman gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa sumikat ang araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang magsasaka, nakasulong na sa dagat ang mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na bata at matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing oras-Pilipino ito’y mga minuto o oras na una kaysa takdang tipanan.

2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa pagkakatuwa at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang panibugho at galit kay Paulita. Ito ring damdaming ito ni Isagani ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli.

3. Hindi magkasama sa palko sina Don Custodio at Pepay. Mahalay para sa Don ang makitang kasama ang mananayaw.

4. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat natatagpuan sa dulaan. Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na lalong nagpapatingkad sa kanyang katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa nagdudunung-dunungang si Tadeo. Sila’y parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag.

5. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siya’y mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat siya’y manunulat at manunudling (columnist).

6. Usapa ni Padre Irer at Serpolotte nang makita ng babae ang kura sa karamihang nagsilapit sa artista. Sinunggaban sa bisig si Padre Irene at:

S-Naku, lapit, lapit dito, aking kuneho (pet o alaga).I-Huwag kang maingay (nagnasang lumayo).S-Bakit? Ikaw na higante rito at akong sumasamba sa iyo.I-Huwag kang maingay rito, Lily ako’y isang Papa rito.

Si Serpolette pala at si Padre Irene ay dati nang magkakilala sa Europa pa lamang. Si Padre Irene ay isang lalaking makamundo. Ayon sa isang palasaliksik na naging propesor ko, si Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre Irene ay hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may malaking halagang napailalim

Page 25: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa pananalig (Hudyo) ay nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon.

7. Punahin ang wika ni Donya Victorina nang mapg-usapan ang mabait at salbaheng utusan sa pamaling pagsasalin ni Juanito: At akong naniniwalang sa Europa ang lahat ay mababait! (Isip-alipin talaga)

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig?

Tugon

Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig

2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya ngng hulisa lahat?

Tugon 

Kay Simoun.

3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas?

Tugon

Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.)

4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval?

Tugon 

Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita.

5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan?

Tugon

Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto.

Kabanata XXIIIIsang Bangkay

Mga Tanong at Sagot

Page 26: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na hirap ditto at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos naang hirap niya?

Sagot

May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming kahapon.

2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas?

Sagot

Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas.

3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik?

Sagot

Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa.

4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si Elias, ay isa sa mga tututol?

Sagot

Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin---ang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento.

5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago?

Sagot

Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit; tulad ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda.

Kabanata XXIVMga Pangarap

Kabanata XXVTawanan at Iyakan

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante?

Sagot

Page 27: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo?

Sagot

Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging labinlima. Labing-anim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “...ang langit ay ipinipinid sa mayayaman, kaya’t sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan...” Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?

Sagot

Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan.

Kabanata XXVIMga Paskil

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.

2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura lamang ang pinagkaloob. Ngunit sila’y nakapanggagamot din. 3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago?

Tugon

Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nangipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.

2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin?

Tugon

Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw na.

3. Sino ang nakakita ng mga paskil?

Tugon

Page 28: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may kagagawan niyon.

4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na ?

Tugon

Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre (vulture).

5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati?

Tugon

Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa takot sa mga pangyayari.

6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil?

a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari pang si Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.

b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido.

7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan?

Tugon

Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio, sa akala ni Makaraig.

Kabanata XXVIIAng Prayle at ang Estudyante

Mga Tanong at Sagot

1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng kaisipang luma?

Sagot

Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle — bukod sa kakatiting pa. Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon.

2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa

Page 29: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

pagtuturo sa mga Pilipino?

Sagot

Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.

3. Ang kahuluganng kasabihang latin na “Vox populi ,vox dei” ? Ipaliwanag.

Sagot

Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala. 

4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna sa mga prayle ayon kay Isagani?

Sagot

Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagka’t pag-uusigin.

Kabanata XXVIIIPagkatakot

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari?

Sagot

Ni isa’y walang sumipot sa tindahan ni Quiroga gayong may mga bagong dating na panindang "nabibili" ni (nang walang bayad) sa intsik.

2. Bakit ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas?

Sagot

Natututo raw na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni Padre Damaso (Noli Me Tangere)

3. Ano ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga?

Sagot

Ipamamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik.

4. Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga?

Sagot

Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga

Page 30: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

pangyayari. Namatay si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang kanyang ulo. Kailangan niya ang mapag-isa , makapagisip-isip.

Kabanata XXIXAng Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa ganitong paraan nagkakamal ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay nangauulila maging sa pamana. 

2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang makakaparte.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha?

Tugon

Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito ri’y nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng sabungan sa langit, ha?

Kabanata XXXSi Huli

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Hermana Penchang na mabuti nang napaalis niya si Huli?

Sagot

Hindi totoong pinaalis niya si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga. Ayaw niyang kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Noo’y madaling madawit sa isang suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring madawit si Hermana Penchang na siyang pinaglilingkuran ng dalaga. 

2. Ano ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay Tandang Selo? 

Sagot

Ang pagkababae ni Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura.

3. Bakit sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa paglaya ni Basilio?

Page 31: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Sagot

Tulad ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo – ang katawan at puri ng dalaga.

4. Bakit nagtungo pa rin sa kumbento si Huli?

Sagot

Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang binata. Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.

Kabanata XXXIAng Mataas na Kawani

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales?

Sagot

Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga mata ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan.

2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas? Bakit?

Sagot

Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si Isagani dahil sa malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit. 

3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani?

Sagot

Una, siya’y isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya. 

4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito?

Sagot

Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang kawalang–pagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila.

Kabanata XXXIIAng Bunga ng mga Paskil

Mga Tanong at Sagot

1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ?

Page 32: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Sagot

Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot.

2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin ?

Sagot

Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilioay nanatili sa bilangguan.

3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli ?

Sagot

Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan.

4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani ?

Sagot

Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig ni Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, na “mga pangarap “ samantalang ang kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa ibang tao at sa bayan.

Kabanata XXXIIIAng Huling Matuwid

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan Heneral?

Sagot

Si Simoundaw ay isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan Heneral at nang-uupat sa huli sa paggawa ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan Heneral ay kasama ring aalis si Simoun.

2. Ano ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan 

Sagot

Nawalan siya ng sigla dala ng malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang paghihiganti. Hindi tulad ng una, may layunin siya sa paghihimagsik—pagbibigay ng bagong –buhay kay Maria Clara. Nguni’t ngayon ay wala na iyon. Isa na lamang payak na pagnanasang pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang matinding hapdi ng awa niya sa sarili na lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi.

3. Bakit nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong?

Sagot

Page 33: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Ang pinakamalaking tulong na nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa simbahan. Ang kasamaang ipinakita ng mga ito, sa tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay siyang lalong nagpabulok sa bayan., lalong naghanda sa bayan sa di-maiiwasang paghihimagsik. 

Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling na pagtangkilik kunwa sa imbing heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga kamangmangan.

4. Ipaliwanag ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay magkakaanak lamang ng alipin.

Sagot

Ang ibig sabihin ni Simoun , hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa paghihimagsik niya sapagka’t duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa pagkaalipin, samakatuwid , maging alipin din ang mga anak nito. Dahil dito,kailangang pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang mga iyon ay mga duwag na kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin.

Kabanata XXXIVAng Kasal ni Paulita

Mga Tanong at Sagot

1.Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan?

Sagot

Mababasa ito sa kasunod na kabanata.

2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal?

Sagot

Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi gumagawa nang gayon ang mga Pilipino.

3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si Sinong?

Sagot

Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong ang laging dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang ukol kay Huli.Ang tangang si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa bilangguan ng isang may’malaking’ pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun – upang dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang isip nito at damdamin.

Page 34: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Kabanata XXXVAng Piging

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng Mane Thacel Phares?

Tugon

Tuald ng pamagat na Noli Me Tangere, ito ay hango rin sa Bibliya, sa Lumang Tipan, Daniel, Kapitulo 5, bersikulo 25-28. Ayoin dito, ang Haring Belshazzar ng Babilonya ay nagdaos ng isang malaswan pagtitipon. Samantalang nagkakatuwa sa kalaswaan ang mga tao ay nakita nila ang isang kamay na buong hiwagang sumusulat sa pader ng: Mane, Mane, Thacel, Upharsin , isang babalang nagsasabing Tinakdaan na ng Diyos ang Babilonya at nabibilang na ang mga araw ng kahariang ito. Di nagtagal at ang Babilonya ay sinakop ng ibang kaharian at pinaghatian ng mga Mane at mga Persiyano. 

Sa kabanatang ito, ang pakahulugan marahil sa isinulat ni Ibarra o Simoun ay: Hinukuman na na ang paghahari ninyo rito at napagpuang nagkasala at kayo’y nahatulan ng kamatayan. 

2. Kangino naianyo ni Basilio si Simoun samantalang dala niyon ang ilawan ng kamatayan?

Tugon

Sa isang demonyo o kay Satanas na naliligid ng apoy.

3. Bakit si Padre Salvi lamang ang nakakilala sa lagda ni Ibarra?

Tugon

Siya lamang ang nakakita na ng lagda ni Ibarra sa sulat ng binata kay Maria Clara na ibinigay sa kanya ng dalaga bilang kapalit ng 3 liham ng ina nito kay Padre Damaso. Ito ay kaniyang hinuwad sa mga kasulatang nagdawit kay Ibarra sa himagsikang kagagawan nila ni Lucas.

4. Bakit di sumabog ang ilawan?

Tugon

Hindi nagalaw ang pihitan ng mitsa na siya sanang magpasabog sa lalagyan ng nitroglisirina.

5. Paano nakapasok sa nahay si Isagani?

Tugon

Maayos ang kaniyang bihis. Inakala ng mga tanod na siya ay isang panauhin.

6. Sino ang kumuha ng ilawan at naghagis noon sa ilog?

Tugon

Si Isagani.

Page 35: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

7. Bakit hindi nakita ni Basilio si Isagani sa bahay ng huli nang kanyang paroonan ang kaibigan?

Tugon

Tulad ng di iilang nabigo nang napakapait sa isang tapat at matinding pag-ibig, si Isagani marahil ay nagtungo sa isang lugar na mag-isa ay malaya siyang makapagmumuni-muni ukol sa kanyang kalagayan. Saka siya nagtungo sa pagdarausan ng piging upang makita man lamang si Paulita sa mga huling sandali nito sa pagkadalaga.

Kabanata XXXVIMga Kapighatian ni Ben Zayb

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit daw ayon kay Ben Zayb, nagtungo sa ilalim ng mesa si Padre Irene nang pumasok ang umagaw sa ilawan ni Simoun?

Sagot

Para raw mabilis at walang sagabal na mahabol ang di kilalang tao. Ang totoo: para magtago dahil sa takot. Doon niya nakita ang mga balutan ng pulbura sa ilalim ng mesa.

2. Bakit daw hinimatay si Padre Salvi?

Sagot

Dahil daw hindi nagbunga ng mabuti ang mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa pagpapakabuti, may mga indiyo pang nagiging pangahas at masama.

3. Ano pa ang ibang laman ng balita ni Ben Zayb ukol sa handaan sa kasal nina Paulita at Juanito?

Sagot

Pawang pagpuri sa “kagitingan at katapangan” ng mga Kastila - taong pamahalaan mula sa Kapitan Heneral hanggang sa mga prayle.

4. Ano ang naging parusa kay P. Camorra dahil sa ginawa niyang paghalay kay Huli sa Tiyani?

Sagot

Inilayo siya. Pinapagpahinga siya sa bahay-liwaliwan ng mga prayle sa Pasig. Higit na paglalayo lamang sa kanya sa kapahamakan ng paghihiganti, lalo na ni Kabesang Tales, ang gayon kaysa isang pagpaparusa.

Kabanata XXXVIIAng Hiwagaan

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani?

Page 36: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Tugon

May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni Kapitan Tiyago upang paghigantihan si Juanito. Ito’y hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may kagagawan niyon.

2. Bakit hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang kaugnayan dito ni Simoun?

Tugon

May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakita’t nagakasaksi sa mga pangyayari sa gabi ng hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May pakpak ang balita; may tainga ang lupa.

3. Patunayan na si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog.

Tugon

(a) Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon. Ang hindi niya naisisip ay ang layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang tanging nasa isip niya nuon ay si Paulita. Si Isagani ang pumasok sa bahay nang makaalis na si Basilio.

(b) Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng pagsabog ng ilawang iyon o kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang gayon! At sa salita niyang Pantayan man ako ng kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang paghihiwalay niya sa katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na ng poot at pait ng pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni Isagani, ay hindi niya gagawin ang kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon.

Kabanata XXXVIIIKasawiang-palad

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Noon pa man ay isa nang parusahan o tapunan ng bilanggo ang Siberya sa Rusya. Ayon ka Rizal, ang kalamigan ng Siberya ay mainam pa marahil kaysa parusang tinatanggap ng mga dinarakip ng mga sibil gapos na pinalalakad nang walang pandong at walang sapin sa paa sa kainitan maalikabok na lansangan sa kaparangan kasaby ng mga paglait at paghagupit.

2. Dito’y inilalarawan ni Rizal di lamang ang katangahan ng mga sibil kundi ang kanilang kalupitan sa mga kababayan. Basahin ang sinabi ng sibil ka Tano kung bakit daw pinagmamalupitan nila ang mga bihag. At ang wika ng bihag sa sibil: malupit ka pa kaysa sa mga kastila. Katutubo kaya sa atin ang ganitong kalupitan? Makatutukoy ang mga kalupitan ng Pilipino noong panahon ng Hapones.

3. Ang mga guwardiya sibil, liban sa mga puno nito ay karaniwang mga Pilipino rin. (Ang bumaril kay Rizal ay isang pangkat ng mga sibil na Pilipino.)

4. Si Tano, tulad ng hula ng marami, sa simula pa lamang kanyang pagkakawal ay naging guwardiya sibil. Matapos ang kanyang paglilingkod sa Carolinas ay nagsibil na siya at tinawag siyang Carolino o galing sa Carolinas.

Page 37: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

5. Ang kabanatang ito ay maihamahambing sa kabanatang Noche Buena sa Noli Me Tangere sa taglay na damdamin pagkikita ng matagal na nagkawalay na mag-anak na humantong sa trahedya. Sa kabanatang ito ay may parikala o irony ng Tadhana. Si Carolino o si Tano na rin ang nakapatay sa kanyang ama, kay Kabesang Tales.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiyani?

Tugon

Ito ang humatol na pag-aari ng mga Dominiko ang lupain ni Kabesang Tales.

2. Bakit naging mapanagumpay ang panunulisan ni Kabesang Tales?

Tugon

Walang pananggol ang bayang hindi pinagkatiwalaan ng sandata. Walang ginagawa ang mga tao noon kundi umalis sa kanilang bayan at pabayaan ang kanilang mga bukid at kabuhayan sa sandaling mabalitang sumalakay si Kabesang Tales sa malapit na bayan.

(Ganito rin ang nangyari ngayon. Ang mga mabuting mamamayan ay sumusunod sa utos na bawal ang pag-iingat ng baril. Samantala, hindi masamsam ng pamahalaan ang mga baril ng mga gangster at mga tulisan, kasama rito ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon, kaya’t ang mga mamamayan ay laging nasa anino ng lagim at pangamba sa mga sandatahang pangkat na ito.)

3. Anuo-anong ang ibinunga ng panunulisan ni Kabesang Tales?

Tugon

Tulad ng nais mangyari ni Simoun, ang bnayan ay lalong naging lugami. Natitiwangwang ang mga bukirin, nagkakamatay ang mga hayop sa pagsasaka, namamayani ang madudugong pagpatay at nagkatakot ang sambayanan. Namamatay ang negosyo o kalakalan sa bawa’t pook na litawan ni Matanglawin. Lumilitaw ang kawalang kaya ng pamahalaan. Mga dukha at mangmang at walang salang magbubukid ang madalas na dinarakip ng mga sibil upang pagbintangang tulisan o kinaalam ng mga tulisan dahil di nila inaabutan at madakip sina Kabesang Tales. Lalong nahihinog ang bayan sa paghihimagsik.

4. Bakit daw pinahihirapana ng mga sibil ang nangabihag na magsasaka?

Tugon

Ayon ka Mautang ay upang magsilaban at tumakas at nang pagbarilin na lamang nila.

5. Bakit kaya Mautang ang ipinangalan ni Rizal sa guwardiya sibil na ito?

Tugon

Marami nga marahil ang utang nito.

6. Sino ang itinuturo ni Tandang Selo kay Tano?

Tugon

Page 38: El Filibusterismo Mga Tulong Sa Pag Aaral

Si Kabesang Tales. Mapupunang nang bumagsak ang unang lalaki sa talampas ay nagpulasan na ang mga kasamahan nito. Nangangahulugang puno nila ang napatay. Walang taong lalantad nang gayon sa mga kalaban liban na lamang kung dala ng matinding damdaming sandaling nakapagpawala ng matinong muni o isip. Naging gayon si Kabesang Tales sa di-inaasahang pagkakakita sa anak. Tangi sa rito, may isinigaw ang lalaking iyon na nakatulig kay tano. Marahil ang sigaw ay Tano o anak ko!

Kabanata XXXIXKatapusang Kabanata

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?

Sagot

Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.

2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid niyang siya ay darakpin kinagabihan?

Sagot

Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.

3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan?

Sagot

Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan.

4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang una, pangalawa at pangatlong pagkabigo?

Sagot

Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun. Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.