Upload
others
View
9
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
8
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Glenda P. Del Rosario
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Babylyn M. Demetion / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
8
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6:
Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang
higit mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig. Pagtutuonan nang pansin sa ating pag-aaral sa modyul na
ito ang mga mahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at kung paano
naging kapaki-pakinabang ang mga ambag na ito sa pagkakaroon ng mauunlad na
pamayanan at sa pagtataguyod ng kabihasnan.
Ang mga gawaing inilahad ay makatutulong upang mas maunawaan ang
paksa at makamit ang mga layunin. Ang modyul na ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia
Talakayan 2 – Mga Pamana ng Kabihasnang Indus
Talakayan 3 – Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino
Talakayan 4 – Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
a. nakapagiisa-isa ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig;
b. nakapagsusuri ng kapakinabangan ng mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan hanggang sa kasalukuyan; at
c. nakapagpahahalaga sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig.
2
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong
Daigdig?
A. pictogram C. hieroglyphics
B. cuneiform D. calligraphy
2. Ano ang tawag ng mga Egyptian sa proseso ng preserbasyon ng isang yumao
kung saan gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay?
A. pag-embalsamo C. paglilibing
B. mummification D. pagpreserba
3. Ano ang tanyag sa gusali sa Babylonia na kabilang sa Seven Wonders of the
Ancient World?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
4. Ano ang kaisipang nagmula sa China ukol sa pagbalanse ng yin at yang
upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman?
A. Feng Shui C. sundial
B. Bing Fa D. I Ching
5. Anong relihiyon na nagmula sa India ang naniniwala sa muling pagkabuhay
o reincarnation at sa karma?
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Hinduismo D. Jainismo
6. Alin sa sumusunod na estruktura ang tahanan ng mga diyos sa Sumer?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
7. Alin sa sumusunod ang pilosopiya na may layunin na magkaroon ng isang
matahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili
at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao at lipunan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Taoism D. Buddhism
8. Anong estruktura ang nagsilbing tahanan ng mga emperador noong
Dinastiyang Ming?
A. Forbidden City C. Pyramid
B. Great Wall D. Grand Canal
9. Ano ang tawag sa pagbibilang na nakabatay sa 60 tulad ng 60 minuto bawat
oras at kabuuang 3600 bawat bilog?
A. Decimal system C. sexagesimal system
B. Pictogram D. grid
3
10. Sino sa sumusunod ang nagtayo ng aklatan na naglalaman ng kultura ng
mga taga-Sumeria at Babylonia?
A. Ashurbanipal C. Akbar
B. Chandragupta I D. Babur
11. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Tsino?
A. Cuneiform C. Heiroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
12. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang
mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino?
A. Oracle bones C. Sacrificial bones
B. bricks D. clay tablet
13. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Egyptian?
A. Cuneiform C. Hieroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
14. Ano ang tinaguriang “Agham ng Buhay” ng Sinaunang India na naglalaman
ng mahalagang kaisipang pangmedisina?
A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh
B. Arthasastra D. Ramayana
15. Ano ang piramide na pinakamalaki sa buong daigdig na ipinagawa ni Khufu?
A. Great Pyramid of Gizah C. Pyramid of Unis
B. Step Pyramid D. Pyramid of Khufu
4
Aralin
1 Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Daigdig ay nag-iwan ng
kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng
kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at
aspekto. Matutuklasan mo na marami sa mga kaalaman na ginagamit sa
kasalukuyang panahon ay nagmula sa mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan.
Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng pag-aaral ang mahahalagang
kontribusyon ng mga sinaunang tao na nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng
kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Susuriin din ang
mga kahalagahan sa kasalukuyan ng mga dakilang pamanang ito sa sangkatauhan.
Balikan
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga mahahalagang pangyayari kung
paano nalinang ng mga sinaunang tao ang mga kasanayan sa iba’t ibang larangang
nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Subukan mong sagutin ang mga sumusunod
na katanungan batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin.
• Sa iyong pagkaunawa, paano nagkatulad ang mga sumibol na sinaunang
kabihasnan sa Daigdig?
• Anong aral ang iyong natutuhan mula sa kasaysayan ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig?
Mga Tala para sa Guro
Maaaring papiliin ang mga mag-aaral ng isang
kabihasnan. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng isang
pinakamahalagang aral na kanilang natutuhan mula sa napili
nilang kabihasnan at paano nakatutulong ang aral o
kaisipang ito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
5
Tuklasin
Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa
ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain
mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito.
Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung paano nakatutulong sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga tao ang mga bagay na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
gulong
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
araro
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
kalendaryo
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
6
compass
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
papel
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
7
Suriin
Maglalakbay tayong muli sa nakaraan, iisa-isahin natin ang mga pamana sa
daigdig ng mga dakilang kabihasnang sumibol sa Mesopotamia, India, China at
Egypt. Pangunahin sa mga pamanang ito ang mga kagamitang naimbento na
lubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon. Ano ang
pinakamahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan na hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na napakikinabangan? Tutuklasin mo iyan sa araling ito.
Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia
Lunduyan ng kabihasnan ang lupaing Mesopotamia. Ang mga taong
nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang
pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Narito ang ilan sa mga
mahahalagang bagay na nalikha ng mga Sumerian.
Ziggurat
ZIGGURAT – Ito ay isang estrukturang
nagsisilbing tahanan at templo ng
diyos o patron ng isang lungsod. Ito
ang sentro ng pamayanan. Umaabot ng
pitong palapag at may templo sa
pinakatuktok ng gusali.
Gulong
GULONG - Ito ay naging mahalaga sa
mga Sumerian dahil sa ito ay malaking
tulong sa pangangalakal (Sumerian
wheel cart) at naging potter’s wheel na
nagpadali sa paggawa ng mga banga.
Ang gulong ay itinuturing na
pinakamahalagang imbensyon o
tuklas ng tao ng nagdaang pagbabago
o ebolusyon at ito ay ginagamit pa rin
sa kasalukuyan sa iba’t ibang hugis at
kayarian.
8
Cuneiform
CUNEIFORM – Ito ay
nangangahulugang “hugis-sinsel”, ang
kauna-unahang sistematikong paraan
ng pagsusulat sa buong Daigdig na
nalinang ng mga Sumerian.
Gumagamit ang mga eskriba (scribe)
ng isang maliit na patpat na tinatawag
na stylus bilang panulat at tabletang
luwad (clay tablet) bilang sulatan.
Epic of Gilgamesh
EPIC OF GILGAMESH – Itinuturing ito
bilang kauna-unahang akdang
pampanitikan sa buong Daigdig. Isa
itong kwento ni Haring Gilgamesh ng
lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian
noong ikatlong siglo B.C.E. Isa sa mga
kabanata ng epikong ito ay
kahalintulad ng “The Great Flood” ng
Bibliya.
Code of Hammurabi
“CODE OF HAMMURABI” – Ang
katipunan ng mga batas ni
Hammurabi ay isang napakahalagang
ambag ng kabihasnang Sumer. Ito ay
naglalaman ng 282 batas na
pumapaksa sa halos lahat na aspekto
ng araw-araw na buhay sa
Mesopotamia. May mga batas na
nagkakaloob ng proteksyon sa mga
mamimili, may mga batas ukol sa
kasal at pamilya. Nagbigay ng
kaayusan at katarungan ang mga
batas ni Hammurabi.
Araro
WATER CLOCK – Isang kalendaryong
nakabatay sa siklo ng buwan.
SEXAGESIMAL SYSTEM – Ito ay matandang sistema ng matematika ng
Sumerian kung saan ang pagbibilang
ay nakabatay sa 60.
• Nagpaunlad ng mga kaisipan ukol
sa astronomiya.
• Paggamit ng araro sa pagsasaka
9
Layag
Mga arko
• Paggawa ng unang mapa.
• Paggawa ng kagamitan at sandata
gamit ang tanso
• Paggamit ng layag sa mga
sasakyang pandagat
• Paglagay ng mga arko sa kanilang
mga estruktura
Pamana ng Kabihasnang Indus
Ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang
panirahang sumailalim sa tinatawag na urban planning o pagpaplanong panlungsod.
Kahanga-hanga din ang kanilang pagpapahalaga sa kalinisan at sanitasyon ng
kanilang pamayanan. Narito ang ilan sa mga kontribusyon ng kabihasnang Indus:
Arthashastra
Isinulat ni Kautilya ang
Arthashastra noong ikatlong siglo B.C.E.
Ito ang kauna-unahang akda o treatise
hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si
Kautilya ang tagapayo ni Chandragupta
Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong
Maurya.
Ayurveda
Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay”
ay isang mahalagang kaisipang
pangmedisina ng sinaunang India.
Tinawag itong “Agham ng Buhay” sapagkat
binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.
10
Sewerage System in Mohenjo-Daro
Ang pagkakaroon ng mga palikuran
ng mga kabahayan ay itinuturing na
kauna-unahang paggamit sa kasaysayan
ng sistemang alkantarilya o sewerage
system. Bukod dito ang mga kalsada sa
matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at
Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Ramayana at Mahabharata
Ang dalawang epikong pamana ng India sa
larangan ng panitikan.
➢ Ang Mahabharata ay isang salaysay
hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-
anak – ang mga Pandava na
kumakatawan sa kaguluhan at
kasamaan.
➢ Ang Ramayana ay isang salaysay
tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita,
ang kanyang asawa, na sapilitang
kinuha ni Ravana, isang demonyong
hari.
Iba pang kontribusyon
Taj Mahal
• Pamantayan ng bigat at sukat
• Decimal System
• Paggamot at pagbunot ng ngipin
• Halaga ng pi (3.1416)
• Taj Mahal
• Pinagmulan ng mga relihiyong
Hinduismo, Budismo, Jainismo at Sikhismo
11
Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino
Ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay nag-iwan ng mga dakilang
pamana sa sangkatauhan. Narito ang mga mahahalagang kontribusyon ng
kabihasnang Tsino.
Great Wall of China
Ang GREAT WALL ay ipinatayo
sa panahon ng Qin. Tinatayang isang
milyong katao ang sapilitang
pinagtrabaho upang itayo ito. Itinayo
ang Great Wall upang magsilbing
tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng
China. May haba itong 2400 kilometro o
1500 milya. Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng
mahabang panahon.
Grand Canal
Ang GRAND CANAL ang
nagdudugtong sa Ilog Huang-Ho at Ilog
Yangtze at may kabuuang distansya ito
na 2,500 kilometro. Ito ang
pinakamahabang kanal sa buong
Daigdig na may habang 1,776 km at
taas na 138 talampakan.
Calligraphy
CALLIGRAPHY o kaligrapo ang uri
ng pagsulat na nabuo ng Dinastiyang
Shang. Pictogram o mga larawan ang
kanilang gamit sa calligraphy na dikit-
dikit ang pagkakasulat upang makabuo
at maipakita ang ideya.
Feng Shui
Ang paniniwala sa FENG SHUI o
Geomancy ay nagmula sa China. Ang
kaisipang ito ay ukol sa tamang
pagbabalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang
hinaharap sa sinuman.
➢ Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan – malambot at
kalmado.
➢ Ang yang ay tumutukoy sa
kalalakihan – matigas at masigla.
12
I Ching at Bing Fa
Ito ay ang dalawang mahahalaga
at sinaunang aklat na pamana ng mga
Tsino.
➢ Ang I Ching (Classic of Change) ay
nagbibigay ng perspektiba at
pamamaraan ng prediksyon ukol sa
iba’t ibang bagay at sitwasyon sa
buhay ng tao.
➢ Ang Bing Fa (Art of War) ay
itinuturing na isa sa mga kauna-
unahan at pinakatanyag na aklat
ukol sa estratehiyang militar na
isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong
510 B.C.E.
Iba pang kontribusyon
Papel
Porselana
• Seismograph – instrumentong
nagtatala sa pagdating, lakas at
direksyon ng lindol
• Papel – na nagdulot ng malawakang
pagbabago sa komunikasyon at
kalakalan
• Porselana – na naging pangunahing
produktong iniluluwas
• Paggamit ng silk o seda – isang
mahalagang produktong Tsino na
ikinakalakal mula China
patungong Mediterranean.
• Kagamitang pang-astronomiya
tulad ng kalendaryo, star maps
• Praktikal na kagamitan tulad ng
wheel barrow, mill wheel, water
clock at sundial
• Magnetic compass
• Gunpowder para sa fireworks
• Block printing para sa paglilimbag
ng mga bagong kaisipan at
mahahalagang akda
13
Chopsticks
Pamaypay
Payong
Wheel barrow
• Chopsticks
• Abacus
• Payong
• Pamaypay
• Saranggola
• Mga pilosopiya tulad ng
Confucianism, Taoism at Legalism
14
Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian
Ang mga sinaunang Egyptian ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang
monumento ng kanilang kabihasnan. Narito ang mga mahahalagang ambag ng
sinaunang kabihasnang Egyptian.
Great Pyramid of Giza
Ang pyramid ay nagsisilbing
monumento ng kapangyarihan ng mga
pharaoh at huling hantungan sa
kanilang pagpanaw. Ang mga piramide
ay hitik sa mga simbolismong
relihiyoso.
➢ Great Pyramid of Giza –
pinakamalaki, pinakamataas at
pinakamarangal na piramideng
ipinatayo ni Khufu noong 2600
BCE. Kabilang ito sa tinaguriang
Seven Wonders of the Ancient
World.
Hieroglyphics
Hieroglyphics ay ang sistema ng
pagsulat na nalinang ng mga
eskribano, na nangangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa wikang
Greek. Ang hieroglyphics ay nakasulat
hindi lamang sa mga papel kundi
nakaukit din sa mga pampublikong
gusali o kaya naman ay nakapinta sa
luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay
naging mahalaga sa pagtatala at
kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino
o paper scroll ay mula sa mala-tambong
halaman na tinatawag na papyrus.
Mummification
Mummification ang katawan ng
isang yumao ay sumasailalim sa isang
preserbasyon bago ito tuluyang ilibing.
Ang mga Egyptian ay gumagamit ng
kemikal upang patuyuin ang bangkay.
Matapos nito, ang isang mummy o
embalsamadong bangkay ay
pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.
15
Iba pang kontribusyon
• Kalendaryo na may 365 araw sa
isang taon na hinati sa 12 buwan.
• Geometry
• Medisina tulad ng pagsasaayos ng
nabaling buto
• Paggamit ng chariot o karong
pandigma
Pagyamanin
Gawain 1: Flower Chart
Pumili ng isang kabihasnan at ibigay ang limang (5) mahahalagang kontribusyon
nito sa daigdig gamit ang Flower Chart. Kopyahin ang flower chart sa sagutang papel
at isulat ang iyong sagot sa bawat talulot ng bulaklak.
16
Gawain 2: Maglakbay Tayo!
Tukuyin ang kabihasnang pinagmulan ng mga sumusunod na ambag na makikita
sa bawat chariot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
A B
C. D.
clay tablet
araro
water clock
seismograph
silk
chopsticks
paper scroll
kalendaryo
chariot
Arthasastra
Taj Mahal
Ayurveda
17
Gawain 3: Makabuluhang Pamana!
Makikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan kung maiuugnay ang mga
pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan. Ilahad ang kahalagahan sa kasalukuyan
ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Paggamit ng
gulong
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
Pagbuo ng
sistema ng
pagsulat
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Pagkaimbento
ng kalendaryo
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Paggamit ng
araro sa
pagsasaka
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Paglikha ng mga
bangka at layag
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
18
Gawain 4: Triple Matching Type
Buoin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagpili ng mga konsepto mula
sa Hanay A at Hanay C na kaugnay ng kabihasnan na nasa Hanay B. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain 5: Tri-Question Approach
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa aralin.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
C
Sistemang Caste
Zoroastrianismo
Hinduismo
Monoteismo
mummification
Confucianismo
A
Taj Mahal
Great Pyramid
Forbidden City
Ziggurat
Grand Canal
Hanging Garden
B
Mesopotamia
Egypt
Tsino
Indus
Anong mga
katangian ang
taglay ng mga
sinaunang tao
upang magawa
ang mga bagay
na naging
pamana nila sa
kasalukuyang
panahon?
Kahanga-hanga
ba ang ginawa ng
mga sinaunang
tao sa paglikha
nila ng iba’t ibang
kagamitan upang
mapatatag ang
kanilang
kabihasnan?
Bakit?
Paano nakatulong
sa mga Pilipino
ang mga pamana
ng mga sinaunang
kabihasnan tulad
ng araro, gulong,
mga kaalamang
pangmedisina at
iba pa?
19
Gawain 6: Konsepto Ko, Buoin Mo!
Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong
titik sa loob ng mga kahon. Gawing gabay ang mga titik na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
G M
H U
M
G A
P N
P Y
G Y
A D
G
S G M
1. Epikong itinuturing bilang kauna-unahang
akdang pampanitikan sa buong Daigdig.
2. Matandang relihiyon na nagmula sa India
3. Embalsamadong bangkay na pinipintahan,
binabalutan ng linen at pinapalamutian ng
alahas
4. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang
pagbabalanse ng yin at yang
5. Pangunahing produktong iniluluwas ng mga
Tsino noon
6. Halamang pinagmumulan ng paper scroll ng
mga Egyptian
7. konseptong napakahalaga upang sukatin
ang lupa, planuhin ang istruktura at iba pa.
8. Isang mahalagang kaisipang pangmedisina
ng sinaunang India.
9. Ang pagkatuklas nito ay nagpadali sa
paggawa ng mga banga.
10. Matandang sistema ng matematika kung
saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.
20
Isaisip
Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang buod ng aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa
Daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa
sangkatauhan.
Ang ilan sa mga kilalang ambag na nagmula sa
Mesopotamia ay ang mga sumusunod
_________________________________. Samantala pinagyaman
ng India ang panitikan ng Daigdig sa pamamagitan ng
___________________________________ na kanilang ambag sa
panitikan. Gayundin, ang bawat dinastiyang nangibabaw sa
China ay may mga kontribusyon sa pagpapayabong ng
kulturang Tsino. Naimbento nila ang
_______________________________ na ginagamit pa rin sa
kasalukuyang panahon. Sa kabihasnang Egypt naman
naitayo ang ________________________________ na itinuturing
na isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
Sa kabuoan, masasabi na naging matagumpay ang
mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig sapagkat nakapag-
iwan ang mga ito ng mga pamana na hanggang sa
kasalukuyan ay napakikinabangan.
21
Isagawa
Ilahad ang kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel sa mga sumusunod batay sa
iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may
pahintulot ang langit na pamunuan ng emperador ang China?
A. Divine Origin C. Mandate of Heaven
B. Devaraja D. Caliph
2. Aling relihiyon ang pinalaganap ng mga Persiano sa Mesopotamia?
A. Kristiyanismo C. Budismo
B. Islam D. Zoroastrinismo
3. Alin sa sumusunod ang isang tulang epiko tungkol sa kadakilaan ni Prinsipe
Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita?
A. Mahabharata C. Ayurveda
B. Arthasastra D. Ramayana
Kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel
Sa iyo, bilang
isang mag-aaral:
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
_____
Sa ating lipunan:
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
_____
Sa Daigdig:
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
_____
22
4. Ano ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at naglalaman
ng 282 batas ng Babylonia?
A. Kodigo ni Hammurabi C. Kodigo ni Naram Sin
B. Kodigo ni Sargon D. Kodigo ni Cyrus the Great
5. Alin sa sumusunod ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa
pamahalaan?
A. Calligraphy C. Sphere of influence
B. Civil Service Examination D. Cuneiform
6. Ano ang akdang isinulat ni Kautilya tungkol sa pamahalaan at ekonomiya?
A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh
B. Arthasastra D. Ramayana
7. Ano ang libingan ng hari sa Ehipto na hitik sa mga simbolismong relihiyoso?
A. Hanging Garden C. Memorial Park
B. Dome D. Pyramid
8. Alin ang tumutukoy sa tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga
sawikain, at mga salaysay?
A. Mahabharata C. Ayurveda
B. Vedas D. Ramayana
9. Alin ang ambag ng mga Sumerian na naging malaking pakinabang at gamit sa
transportasyon at pakikidigma?
A. araro C. arko
B. gulong D. bakal
10. Ano ang pilosopiya na hangad ang balanse sa kalikasan at Daigdig at pakikiayon
ng tao sa kalikasan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Taoism D. Buddhism
11. Aling estruktura ang nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko sa
hilagang China?
A. Ziggurat C. Pyramid
B. Great Wall D. Grand Canal
12. Sa anong halaman nagmumula ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ng
mga Egyptian?
A. Abaca C. papyrus
B. Cacao D. punong-kahoy
13. Anong relihiyon ang itinatag ni Siddharta Gautama na naging malaking salik sa
pagpapayaman sa kultura ng India?
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Hinduismo D. Jainismo
14. Ano ang estrukturang ipinatayo ni Shah Jahan bilang alaala ng kanyang
minamahal na asawang si Mumtaz Mahal?
A. Forbidden City C. Taj Mahal
B. Great Wall D. Grand Canal
15. Alin sa sumusunod ang itinuturing bilang kauna-unahang akdang pampanitikan
sa buong Daigdig?
A. Code of Hammurabi C. Epic of Gilgamesh
B. Code of Ur-Nammu D. Enuma Elish
23
Karagdagang Gawain
Sagutin upang mas higit na mapagtibay ang natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan
ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?
2. Pumili ng dalawang (2) ambag ng sinaunang kabihasnan at ilahad
ang kapakinabangang dulot nito sa iyo bilang isang kabataan sa
kasalukuyang panahon.
Napiling Ambag:
____________________________
Kapakinabangan:
____________________________
____________________________
____________________________
Napiling Ambag:
____________________________
Kapakinabangan:
____________________________
____________________________
____________________________
24
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN 1.B 9. C
2.B 10. A
3.D 11. D
4.A 12. A
5.B 13. C
6.B 14. A 7.A 15. A
8.A
TUKLASIN
Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
Gawain 1
Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
Gawain 2
A.Mesopotamia
B.Tsino
C.Egypt
D.Indus
Gawain 3
Batay sa sariling
pagkaunawa ng mga mag-
aaral ang kasagutan
Gawain 4
Mesopotamia – Ziggurat
Hanging Garden
Zoroastrianismo
Indus – Taj Mahal
Sistemang Caste
Hinduismo
ISAISIP
Mesopotamia – cuneiform
Ziggurat
Gulong
Water clock
Unang mapa
Indus – Ayurveda Arthashastra
Ramayana at
Mahabharata
Tsino – seda
Kalendaryo
Chopsticks Pamaypay
Paying
Compass
Wheelbarrow
Egypt – Great Pyramid
ISAGAWA
Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
TAYAHIN
1.C 11. B
2.D 12. C
3.D 13. A
4.A 14. C
5.B 15. C 6.B
7.D
8.B
9.B
10.B
KARAGDAGANG GAWAIN
Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
Egypt – Great Pyramid Mummification
Monoteismo
Gawain 5 Batay sa sariling
pagkaunawa ng mga mag-
aaral ang kasagutan
Gawain 6
1.Gilgamesh
2.Hinduismo 3.Mummy
4.Geomancy
5.Porcelana
6.Papyrus
7.Great Pyramid 8.Ayurveda
9.Gulong
10.Sexagesimal
25
Sanggunian
Blando Rosemarie C. et al. 2014. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan –
Modyul ng Mag-aaral. Department of Education-Instructional Materials
Council Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: Vibal
Group, Inc.
K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Baitang 1-10. DepEd Learning
Portal. Mayo 2016. https://lrmds.deped.gov.ph/
K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan.
Deped Learning Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Manwal ng Guro. Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City. Vibal Group, Inc. 2014.
Project EASE Araling Panlipunan III. “Modyul 3 Ang Mga Unang Kabihasnan”
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03
UNANG_KABIHASNAN.PDF
Vivar, Teofista L. et.al. 2000. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat Para sa
Ikatlong Taon. Kagawaran ng Edukasyon-Instructional Materials Council
Secretariat. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City: SD Publications,
Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III – Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)