33

5 Pagnenegosyo VI

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pagnenegosyo

Citation preview

Banghay AralinEdukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 1.1.1

Paksa

: Mga Salik sa Pagtatag ng Tindahang Kooperatiba

Reperensya: Agap at Sikap, pahina 270 ; Umunlad sa Paggawa, pahina 230

Kagamitan: Mga Larawan ng ibat-ibang uri ng kooperatiba

II.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatag ng tindahang kooperatiba

III. Estratehiya:

A. Paghahanda1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak

Ipakita ang mga larawan. Paano ito itinayo? Ano ang uri ng paninda ang makikita rito?

C. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon(Evaluation)

Ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatag ng tindahang kooperatiba?Anu-ano ang mga uri ng tindahan?1. Tatalakayin ang mga sumusunod:- Pumili ng mga tauhan

- Gumawa ng survey sa kalagayan ng pamayanan

- lugar kung saan maaring itayo ang tindahan- puhunang kailangan- ilan ang ibig sumapi

- mamimili

- Paraan ng pagtitinda at pamimili- produktong ipagbibili- Tindahang Semi permamente

- Tindahang Pirmihan o Permanente

2. Kilalalanin ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatag ng tindahang kooperatiba.

3. Natututukoy ang tindahang kooperatiba sa pamayanan.1. Ibigay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatag ng tindahang kooperatiba.- lugar

- puhunan

- mamimili

- paraan ng pagtitinda at tindahan

Anu-ano ang mga uri ng tindahan?

Tindahang nilalako

Tindahang pirmihan o permanente

D. Paglalahat (Generalization)

Ano ang mga salik na dapat isaalang alang sa pagtatag ng tindahang kooperatiba?E. Pagpapahalaga (Health Concepts Integration)

Pagpapahalaga sa mga masustansiyang pagkaing binili.1

IV. Kasunduan:Konsepto:A. Mga Talasalitaan (Word Study)* Tungkulin

* karapatan

* KasapiB. Patnubayang Tanong

Sino-sino ang mga bumubuo ng isang samahang kooperatiba?C. Gawaing Pambahay

- Pumunta sa mga tindahang malapit sa inyong tahanan.

- Alamin ang mga tungkulin at karapatan ng mga kasapi ng kooperatiba.D. Sanggunian:

Agap at Sikap p. 270 Umunlad sa Paggawa VI p. 2302Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 1.1.2

Paksa

: Tungkulin, Karapatan at Pananagutan ng mga Kasapi

Reperensya: Agap at Sikap p. 271 Umunlad sa Paggawa VI p. 231

Kagamitan: strips na papel na nakasulat ang mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng mga

kasapiII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi ng tindahang kooperatibaIII. Estratehiya:

a. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral

Mga salik sa pagtatag ng tindahang kooperatibab. Pagganyak

Alam ba ninyo ang inyong karapatan bilang isang bata? Anu-ano ang mga ito?c. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Ano ang mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng mga kasapi ng kooperatiba?Ano ang kahalagahan ng mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi sa pag-unlad ng samahan?- Pangkatin ang mga bata sa apat.

- Mula sa hinalong strips na papel ipapangkat ang mga karapatan, tungkulin at pananagutan ng bawat kasapi.- Tumawag ng ilang bata at ipabasa ang tsart na ginawa.

- Talakayin ang mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng mga kasapi.

Isulat angK - kung kasapi

D - kung Direktor

T - tagapamahala

__ 1. Kumakatawan sa lahat ng kasapi ng kooperatiba.

__ 2. Naghihikayat ng ibang tao na tumangkilik sa tindahan.

__ 3. Nangangasiwa ng mga patakaran ng kooperatiba ayon sa inimungkahi ng mga kasapi.

__ 4. Naghalal ng bagong lupon matapos ang kanilang panahon ng panunungkulan.

__ 5. Nagsagawa ng ng mga patakaran ng kooperatiba ayon sa inimumungkahi ng mga kasapi.

3

D. Paglalahat (Generalization)

Ang maayos na pagsasagawa ng tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi

sa isang kooperatiba ay nagdudulot ng kaunlaran at kasaganahan ng samahan.E. Pagpapahalaga ( Integration of Environmental Dimension)

Disiplina sa kalinisan ng mga paninda sa tindahan.IV. Kasunduan:

Konsepto:

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

Tingian

Tindahang kooperatibaB. Patnubayang Tanong

Ano ang kaibahan ng Tingiang Tindahan sa Tindahang Kooperatiba?C. Gawaing Pambahay

Magmasid sa pamayanan. Anong mga paninda ang matatagpuan sa tingiang tindahan? Sa tindahang kooperatiba?

D. Sanggunian:

Agap at Sikap p. 271 Umunlad sa Paggawa VI p. 2314Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 1.1.3

Paksa

: Pagkakaiba ng Tingiang Tindahan at Tindahang Kooperatiba

Reperensya: Umunlad sa Paggawa VI p. 233

Kagamitan: Mga Larawan, TsartII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. napaghahambing ang Tingiang Tindahan at Tindahang KooperatibaIII. Estratehiya:

a. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik aral

Tungkulin, Karapatan at Pananagutan ng mga Kasapi

b. Pagganyak

Tanungin ang mga bata kung sinu-sino ang may tindahan. Anong uri ng tindahan ang mayroon kayo sa inyong pamayanan?

c. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Ano-anong uri ng tindahan ang makikita sa pamayanan?- Pagmasdang mabuti ang dalawang larawan.

- Alin sa dalawang larawan ang tindahang tingian at tindahang kooperatiba?

- Pangkatin ang mga bata sa dalawa.

- Pag-usapan sa grupo ang kaibahan ng tindahang tingian sa tindahang kooperatiba.

- Paano ito makatutulong sa kasapi at sa pamayanan?Ano ang kaibahan ng tindahang tingian sa tindahang kooperatiba. Isulat ang T kung Tama ang kaisipan at M kung mali.

__ 1. Isang uri ng paglilingkod sa pamayanan ang pagtatayo ng tingiang tindahan.

__ 2. Ang sari-sari store, minimart, grocery at supermarket ay tingiang tindahan.

__ 3. Ang tindahang kooperatiba ay pinamahalaan ng lahat ng mga kasapi.__ 4. Sa Tindahang kooperatiba magkaroon ng dibedendo ang bawat kasapi.

1. Paglalahat (Generalization)

Ano ang tingiang tindahan? Ano ang tindahang kooperatiba? Paghambingin ang mga bagay sa loob ng dalawang tindahan.2. Pagpapahalaga (Health Concept Integration)

Pagbabahagi ng mga masustansiyang pagkain sa pamayanan.5

IV. Kasunduan:

Konsepto: Matalinong Pamimili ng mga Panindaa. Mga Talasalitaan (Word Study)

* Tindahang Kooperatiba

* istanteb. Patnubayang Tanong

Paano maipapakita ang matalinong pamimili ng mga paninda?c. Gawaing Pambahay

Alamin ang mga tuntunin o hakbang sa matalinong pamimili ng mga paninda?d. Sanggunian:

Agap at Sikap p. 2766

Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D.2

Paksa

: Matalinong Pamimili ng mga Paninda

Reperensya: Agap at Sikap p. 276

Kagamitan: realia ng ibat ibang preso, tsart, posterII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naiisagawa ang matalinong pamimili ng mga panindaIII. Estratehiya:

A. Paghahanda1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon ng silid-aralan at iba pa.2. Pagbabalik-aral

Pagkakaiba ng Tingiang Tindahan at Tindahang KooperatibaB. Pagganyak

Ipakita ang isang larawan ng ibat ibang tindahan.

Anu-anong mga paninda ang kadalasang binibili ng mga tao sa tindahan ng inyong pamayanan?C. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Ano ang dapat isaalang-alang sa pamimili ng mga paninda?- Talakayin kung paano ang pagsasagawa nito.

- Hayaang makapag-isip ang mga bata. Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara at pag-usapan.- Pangkatin ang mga bata sa apat.

- Pagbibigay ng mga pamantayan sa gagawin ng bawat grupo.- Ang guro ay magbigay puna sa kanilang ginawa.Panuto: Isulay ang T kung Tama at M kung Mali.__ 1. Dapat piliin ang pinakamataas na produkto na mabibili sa pinakamababang halaga.

__ 2. Makatitipid ang may-ari ng tindahan kung bibili siya ng mga paninda ng wholesale o maramihan.

__ 3. Bumili kahit anong produkto upang mapuno ang iskaparte ng tindahan.

__ 4. Mahalagang alamin ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa pamayanan.

__ 5. Alamin ang laki ng populasyon, uri ng pamumuhay kung saan nakatayo ang tindahan.

Sinu-sino sa inyo ang makapagsagawa sa matalinong pamimili ng mga paninda?

Masusunod ba ninyo ang wastong pamamaraan sa matalinong pamimili ng mga paninda?

7

D. Paglalahat (Generalization)

Bakit kinakailangan ang matalinong pamimili ng mga paninda? Ano ang kahalagahan nito?E. Pagpapahalaga (Health Concepts Integration)

Pagkamaiingat sa mga bibilhing produkto (fresh, tatak ng BFAD)

Pagkamatiyaga sa pagpili ng dekalidad na produktoIV. Kasunduan:

Konsepto: Mga Salik sa Matalinong Pamimili ng mga Paninda

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* Antas ng pamumuhay

* populasyon

* Pagsasaliksik B. Patnubayang Tanong

Bakit kailangan ang matalinong pamimili ng mga paninda?C. Gawaing Pambahay

Alamin ang mga tuntunin o hakbang sa matalinong pamimili ng mga paninda.

D. Sanggunian:

Umunlad sa Paggawa VI p. 2348Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 2.2.1

Paksa

: Mga Salik sa Matalinong Pamimili

Reperensya: Umunlad sa Paggawa, p 234

Kagamitan: Larawan ng mga Tindahan, plaskard, ruler, tsartII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang mga salik sa matalinong pamimiliIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral

Matalinong Pamimili ng mga Paninda

B. Pagganyak

Ipakita ang larawan ng ibat-ibang tindahan. Anu-ano ang mga panindang ipinagbili sa

tindahang kooperatiba?C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Bakit kailangang isaalang-alang ang pagpasya sa mga uring panindang ipagbibili?Pagpapakita nga isang larawan tindahang kooperatiba.

Pangkatin ang mga bata sa tatlo.

Alamin ang antas at uri ng pamumuhay ng mga taong nasa pamayanan?

Ibigay ang mga salik sa matalinong pamimili gamit ang semantic web at talakayin.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.___ 1. Bakit ang pangunahing pangangailangan ng nakararami ang dapat ipagbibili sa tindahan?

a. Upang magandang tingnan ang tindahan

b. Maipagbibili kaagad ang anumang panindang ilalagay

k. upang kaakit akit sa mambibili

___ 2. Madaling maipagbili ang mga paninda kung ________

A. Maraming tao

B. Makuha ang antas at uri

C. Malaki ang puhunan

___ 3. Anong dapat piliin sa pantitinda?

a. Pagbili sa pinakamataas na presyo

b. Pagpili sa pinakamataas na uri ng produktong ipagbibili sa pinakamababang halaga

c. Pagpili ng pinakamababang halaga

Paano malaman kung ang pamiling paninda ay madaling ibinta?

Anu-anong paninda ang dapat ibili?

9

D. Paglalahat (Generalization)

Ang mga salik sa matalinong pamimili

* ay pangangailangan ng mga kasapi

* kaugalian / gawi ng mga tao sa pamimili

* populasyon

* hanapbuhay

E. Pagpapahalaga (Values & Health Concepts Integration)

Matiyaga sa pagpipili ng dekalidad at murang produkto

Pagtitipid IV. Kasunduan:

Konsepto: Pag-iimbentaryo ng mga Paninda

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* Imbentaryo

B. Patnubayang Tanong

Ano ang wastong paraan ng pag-iimbentaryo ng mga paninda?

C. Gawaing Pambahay

Kilalanin ang mga paninda sa tindahan

D. Sanggunian:

Umunlad sa Paggawa VI p. 234

10

Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D.2.2.2

Paksa

: Pag-iimbentaryo ng mga Paninda

Reperensya: Castano C. et al.., Umunlad sa Paggawa VI p. 234

Kagamitan: Sales inventory form, pormularyo ng isang imbentaryoII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naisasagawa ang pag-iimbentaryo ng mga panindaIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pag-aawit ng awiting makabayan, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon ng silid-aralan at iba pa.2. Pagbabalik-aral

Magkaroon ng duludulaan ukol sa pagtitinda ng isang munting sari-sari.B. Pagganyak

Paano malaman ng may-ari ang laman ng kanyang tindahan?C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Ano ang dapat ihanda sa pag-imbentaryo?

Ipakita ang isang sales inventory form at kilalanin ang mga aytem na matatagpuan nito.

Talakayin ang paraan kung paano isasagawa ang pag-iimbentaryo.

Pag-usapan ang kahalagahan ng pag-iimbentaryo ng mga paninda.Hikayatin ang mga batang magkaroon ng kasanayanPanuto: Buuin ang pormularyo sa ibaba at itala ang mga sumusunod sa ibaba nito.BILANG

UNIT

PANINDA

HALAGA

KABUUANG

PANINDA

45 kilo bigas

25/ kilo

10 kls asukal

29.75 / kilo

25 bote toyo

12/ kilo

44 bareta sabon panlaba 13/ bareta

36 basong Nescafe (50 grams) 39.95/ kilo

Paano isasagawa ang pag-iimbentaryo ng mga paninda?

Bakit mahalaga ang pag-iimbentayo ng mga paninda?

11

D. Paglalahat (Generalization)

Mahalagang magkaroon ng imbentaryo ng mga paninda upang malaman kung ang mga paninda ay marami pa at wala na, at anong paninda ang dapat palitan at alisin na sa kooperatiba.

E. Pagpapahalaga (Values & Environmental Dimension Integration)

Pagkamatapat sa sarili

Bilang isang negosyante, paano mo mapanatili ang kalinisan ng iyong tindahan?

IV. Kasunduan:

Konsepto: Mga Pook Pamilihan at Paraan ng Pamimili

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* Barter

* pabrika

* Supermarket

* Ahente

* cash basis

B. Patnubayang Tanong

Ano ang tamang paraan at tamang pook sa pamimili ng mga paninda sa tindahan?

C. Gawaing Pambahay

Magmasid sa inyong pamayanan, isulat kung ano ang mga paraan at tamang pook ng

pamimili.

D. Sanggunian:

Umunlad sa Paggawa VI p. 235-236

12Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 2.2.3

Paksa

: Mga Pook Pamilihan at Paraan ng Pamimili

Reperensya: Umunlad sa Paggawa VI p. 235-236

Kagamitan: strips, realia ng mga panindaII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakapamimili ng mga paninda sa tamang paraan at tamang pookIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral: Pag-iimbentaryo ng mga panindaB. Pagganyak

Nakasakay na ba kayo ng tren? Saan hihinto ang tren? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Ano ang tamang paraanng pamimili?Ano ang mga tamang pook ng pamimili?

Paano mo malalaman na mamimili ka sa tamang pook at paraan?Paano mo nabibigyang halaga ang pamimili sa tamang pook at paraan?(Magsagawa ng brainstorming)

Pangkatin ang mga bata sa apat.

Pagbibigay ng mga pamantayan sa gawain.

(Bawat istasyon ay may mga tanong na sasagutin ng bawat grupo)

Pag-uulat sa natalakay na paksa.Pangkatin muli ang mga bata sa apat.

Magkaroon ng pagsasadula tungkol sa tamang paraan at tamang pamimili.

Mga Pamantayan

Nilalaman-20 pts.

Kooperasyon-10 pts.

Boses

-10 pts.

Kabuuan -40 pts.

D. Paglalahat (Generalization)

Anu-ano ang mga tamang paraan ng pamimili?

Anu-ano ang mga tamang pook ng pamimili?

Paano mo malalaman na mamimili ka sa tamang pook at paraan?13E. Pagpapahalaga (Values & Environmental Dimension Integration)

Paano mo nabibigyang halaga ang pamimili sa tamang pook at paraan?

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa kalinisan ng mga pamilihan?IV. Kasunduan:Konsepto: Pagsasaayos ng mga Paninda

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

De-lata

nakabote

stock

B. Patnubayang Tanong

Paano ang pagsasagawa ng pagtitinda ng may kahusayan?

C. Gawaing Pambahay

Magmasid ng isang tindahan o kantena ng paaralan. Mag-obserba kung paano nito

isinasagawa ang pagtitinda.

D. Sanggunian:

Umunlad sa Paggawa VI p. 23714Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D.3

Paksa

: Pagsasaayos ng mga Paninda

Reperensya: Umunlad sa Paggawa VI p. 237

Kagamitan: larawan, realia ng mga panindaII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naisasaayos ng mga paninda na may kahusayanIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral: Mga pook pamilihan at paraan ng pamimili.

B. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng isang modelong tindahan.

Anu-ano ang inyong napapansin sa mga larawan?C. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Paano ang pagsasaayos ng mga paninda ng may kahusayan?

Gusto ninyo ba ang aktwal ng pagsasaayos ng mga paninda?

Bakit kailangang pahalagahan ang pagsasaayos ng mga paninda na may kahusayan?

Pagpapakita ng isang modelong tindahang kakaiba ang pagkakaayos ng mga paninda.

Hayaang magbigay puna ang mga bata at pag-usapan ang mga ito.

Pangkatin ang mga bata sa apat. Pagbigay ng mga pamantayan sa gawaing paligsahan.

Ipaalam sa mga bata ang kahalagahan ng pagsasaayos ng mga paninda na may kahusayan.Pamantayan sa PagmamarkaMarka

1. Pangkatan ang pagsasaayos ng mga paninda at madaling abutin ang mga ito.

2. Nakatawag pansin ang pagkakaayos ng mga paninda.

3. Malinis, maayos, pantay-pantay at magandang tingnan ang pagkakaayos ng mga paninda.

4. Tulong-tulong gumawa ang lahat ng mga kasapi.

5. May tag ng presyo ang bawat paninda

KABUUAN

20 %

20 %

30 %

20 %

10 %

100%

15D. Paglalahat (Generalization)

Paano ang pagsasaayos ng mga paninda?E. Pagpapahalaga (Environmental Dimension Integration)

Bakit kailangang pahalagahan ang pagsasaayos ng mga paninda na may kahusayan at

kalinisan?IV. Kasunduan:

Konsepto: Pagtitinda ng mga proyektong gawa sa paaralan ng mga mag-aaral.

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

proyekto

sales inventory

B. Patnubayang Tanong

Paano magbenta ng mga proyekto gawa sa paaralan ng mga mag-aaral?

C. Gawaing Pambahay

Magdala ng mga proyektong natapos na galing sa Sining Pantahanan, Sining Pang-

industriya, Sining Pang-agrikultura, Nursery at Ornamental.

D. Sanggunian:

Mga Suplementaryo na aklat16Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ______________ Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D.4

Paksa

: Pagtitinda ng mga Proyektong Gawa sa Paaralan ng mga Mag-aaral.

Reperensya: Mga Suplementaryo na aklat

Kagamitan: realia ng mga panindaII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakapagtitinda nang may kahusayan sa mga proyektong gawa sa paaralan ng mga kamag-aralIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng mga panindaB. Pagganyak

Sinu-sino sa inyo ang may tindahan sa bahay? Naranasan nyo ba ang magtinda? C. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Anu-ano ang mga katangian ng mabuting tindera?

Gusto nyo ba ang aktwal na pagtitinda ng mga proyektong gawa sa paaralan ng mga mag-aaral?

- Pangkatin ang mga bata sa apat.

- Isaayos ang kanilang mga paninda.

- Magkaroon ng booth display at bigyan ng pagkakataon ng magbenta.

- Ipaalam sa mga bata ang kahalagahan sa pagtutulungan sa pagtitinda.Pamantayan sa PagmamarkaMarka

1. Pangkatan sa paglalantad ng mga paninda. (Malinis, maayos, pantay-pantay at magandang tingnan ang pagkakaayos ng mga paninda)

2. Tulong-tulong gumawa ang lahat ng mga kasapi.

3. May tag ng presyo ang bawat paninda

4. Kabuuang kita ng paninda

KABUUAN40 %

30 %

20 %

10 %100%

D. Paglalahat (Generalization)

Paano ninyo ginawa ang pagtitinda na may kahusayan sa mga proyektong gawa sa paaralan

ng mga mag-aaral? 17E. Pagpapahalaga (Health Concepts Integration)

Kalinisan ng mga panindang ibinibenta at sa tindahan, para sa makakaiwas ang mga

namimili sa sakit.IV. Kasunduan:Konsepto: Paggawa ng Payak na Kasunduan na sumasakop sa Pagtitinda ng mga Proyekto ng mga

Mag-aaral

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

Kasunduan

dokumento

B. Patnubayang Tanong

Anu-ano ang mga kasunduan na sumasakop sa pagtitinda ng mga proyekto ng mga

mag-aaral.

C. Gawaing Pambahay

Magbigay ng mga halimbawa ng simpleng kasunduan na sumasakop sa pagtitinda ng

mga proyekto ng mga kamag-aral.

D. Sanggunian:

Mga Suplementaryo na Dokumento

18Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)

Baitang: EPP VI

Petsa: ____________

Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 4.1

Paksa

: Simpleng Kasunduan na sumasakop sa Pagtitinda ng mga Proyekto ng mga

Kamag-aaral

Reperensya: Mga Suplementaryo na Dokumento

Kagamitan: Mga DokumentoII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakagagawa ng simpleng kasunduan na sumasakop sa pagtitinda ng mga proyekto ng mga

kamag-aralIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Pagtitinda ng mga Proyektong Gawa sa Paaralan ng mga Kamag-aaral.

B. Pagganyak

Bago kayo nagbenta ng inyong mga gawang proyekto, nagkaroon ba kayo ng isang

kasunduan? C. Paglilinang (Lesson Proper)

Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Anu-ano ba ang maaring maging kasunduan ninyo sa inyong grupo?

Ang inyong kasunduan ba ay nakakatulong sa inyong grupo at sa inyong samahan?

Ipangkat ang mga bata ayon sa kanilang grupo.

Bawat grupo ay gumawa ng simpleng kasunduan na sumasakop sa pagtitinda ng mga proyekto ng mga kamag-aral.

Pag-uulat ng bawat grupo sa kanilang nabuong kasunduan.

Pagbibigay reaksiyon ng ibang pangkat sa naiuulat na mga kasunduan.Gumawa ng limang kasunduan batay sa inyong napag-alaman.

D. Paglalahat (Generalization)

Paano ang pagsasagawa ng simpleng kasunduan?

Anu-ano ang mga simpleng kasunduang ito?E. Pagpapahalaga (Environmental Concept Integration)

Pagsunod sa mga tuntunin base sa kasunduan ng paaralan o ng pamayanan (negosyo,

pangangalaga sa kalikasan)

19IV. Kasunduan:

Konsepto: Imbentaryo ng mga panindang proyekto kagaya ng mga gawa sa H.E./I.A./ A.A., gulay at

bungang kahoy na ani sa paghahalaman, mga punla ng halamang ornamental at

punongkahoy na produkto sa narseri ng eskwelahan.

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* narseri

* ornamental

B. Patnubayang Tanong

Paano ang pagsasagawa ng pag-iimbentaryo ng mga panindang proyekto kagaya ng

mga gawa sa H.E./I.A./ A.A., at mga produkto sa narseri ng eskwelahan?

C. Gawaing Pambahay

Magdala ng mga panindang proyekto kagaya ng mga gawa sa H.E./I.A./ A.A..

D. Sanggunian:

Umunlad sa Paggawa VI

20Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 4.2

Paksa

: Imbentaryo ng mga Panindang Proyekto Kagaya ng mga Gawa sa H.E./I.A./ A.A.,

at mga Produkto sa Narseri ng Eskwelahan.

Reperensya: Mga Suplementaryo na Dokumento

Kagamitan: realia ng mga paninda, sales inventory formII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapag-iimbentaryo ng mga panindang proyekto kagaya ng mga gawa sa H.E./I.A./ A.A., gulay

at bungang kahoy na ani sa paghahalaman, mga punla ng halamang ornamental at

punongkahoy na produkto sa narseri ng eskwelahanIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Simpleng Kasunduan na sumasakop sa Pagtitinda ng mga Proyekto ng mga

Mag-aaral

B. Pagganyak

Paano ninyo malalaman ang laman ng inyong tindahan? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Ano ang dapat ihanda sa pag-imbentaryo?

Ipakita ang isang sales inventory form at kilalanin ang mga aytem na matatagpuan nito.

Talakayin ang paraan kung paano isasagawa ang pag-iimbentaryo.

Pag-usapan ang kahalagahan ng pag-iimbentaryo ng mga paninda.

Hikayatin ang mga batang magkaroon ng kasanayanPanuto: Buuin ang pormularyo sa ibaba at itala ang mga sumusunod sa ibaba nito.

BILANG

UNIT

PANINDA

HALAGA

KABUUANG

PANINDA

10 Sandok

10.00 / piraso12 Apron

20.00 / piraso

20 garapon Gwava Jelly

40.00 / garapon

8 latang atsara

20.00 / lata

15 placemat

20.00 / piraso14 kls. Talong

20.00 / kilo15 kls. Upo

15.00 / kilo20 kls. Kamatis

15.00 / kilo

21D. Paglalahat (Generalization)

Mahalagang magkaroon ng imbentaryo ng mga paninda upang malaman kung ang mga paninda ay marami pa at wala na, at anong paninda ang dapat palitan at alisin na sa kooperatiba.

E. Pagpapahalaga (Values & Environmental Dimension Integration)

Pagkamatapat sa sarili

Mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng tindahan

IV. Kasunduan:

Konsepto: Kasunduan MOA sa ibang Ahensiya

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* MOA

* kasunduan

* Ahensiya

B. Patnubayang Tanong

Paano gumawa ng kasunduang MOA sa ibang ahensiya na may kagayang pagtitinda

tungo sa pagpapalawak ng tingiang pagtitinda/pagnenegosyo?

C. Gawaing Pambahay

Pumunta sa mga malalapit na ahensiya at alamin ang mga kasunduang MOA sa

pagpapalawak ng tingiang pagtitinda/pagnenegosyo

D. Sanggunian:

Mga Suplementaryong Dokumento22

Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 5

Paksa

: Kasunduang MOA sa Pagpapalawak ng Tingiang Pagtitinda/Pagnenegosyo

Reperensya: Mga Suplementaryo na Dokumento

Kagamitan: Mga DokumentoII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakagagawa ng kasunduan MOA sa ibang ahensiya ng may kagayang pagtitinda tungo sa

pagpapalawak ng tingiang pagtitinda/pagnenegosyoIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Imbentaryo ng mga Panindang Proyekto Kagaya ng mga Gawa sa H.E./I.A./ A.A.,

at mga Produkto sa Narseri ng Eskwelahan.B. Pagganyak

Anong ahensiya ng gobyerno na magkatulad ang paraan ng pagtitinda? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Paano kaya gumawa ng kasunduang MOA sa ibang ahensiya ng may kagayang pagtitinda tungo sa pagpapalawak ng tingiang pagtitinda / pagnenegosyo?

Anu-ano ang mga hakbang sa paggawa ng kasunduan?

Pangkatin ang mga bata ayon sa kanilang grupo.

Bawat grupo ay pumili ng ahensiya sa gobyerno at gumawa ng kasunduang MOA para sa pagpapalawak ng tingiang pangtitinda / pagnenegosyo.

Pag-uulat ng bawat grupo sa kanilang nabuong kasunduan.

Pagbibigay reaksiyon ng ibang pangkat sa naiuulat na mga kasunduan.Gumawa ng limang kasunduan MOA batay sa inyong napag-alaman.Mga PamantayanNilalaman ng kasunduan 10 pts.

D. Paglalahat (Generalization)

Paano ninyo ginawa ang kasunduang MOA sa ibang ahensiya ng may kagayang pagtitinda tungo sa pagpapalawak ng tingiang pagtitinda / pagnenegosyo?

23E. Pagpapahalaga (Values & Environmental Dimension Integration)IV. Kasunduan:

Konsepto: Pagtutuos ng Katayuang Pananalapi ng Tindahan

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* Pagtutuos

* Pananalapi

B. Patnubayang Tanong

Paano ang pagtuos ng katayuang pananalapi ng tindahan?

C. Gawaing Pambahay

Pumunta sa mga malalapit na tindahan at alamin kung paano nila ginawa ang

pagtutuos ng katayuan pananalapi ng kanilang tindahan.

D. Sanggunian:

Mga Suplementaryong Dokumento

24

Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 6

Paksa

: Pagtutuos ng Katayuang Pananalapi ng Tindahan

Reperensya: Mga Suplementaryo na Dokumento

Kagamitan: Mga Dokumento

II.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakapagtutuos ng katayuang pananalapi ng tindahanIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Paggawa ng kasunduang MOA sa ibang ahensiya ng may kagayang

pagtitinda tungo sa pagpapalawak ng tingiang pagtitinda/pagnenegosyo.B. Pagganyak

Sa inyong tindahan, paano ninyo malalaman kung lumago/lumaki ang puhunang inilaan? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Paano gumawa ng pagtutuos sa katayuang pananalapi ng tindahan?

Pangkatin ang mga bata ayon sa kanilang grupo. Magkaroon ng Buzz Session at talakayin ang mga sagot sa tanong.Pag-uulat ng bawat grupo sa nalikom nilang inpormasyon.Suriang datos sa tsart at sagutin ang mga tanong sa ibaba.P 20,000 puhunan

P 25, 000 Halaga ng naipagbiling paninda

P 4,500 halaga ng iba pang gastos o miscellaneous

Mga Tanong:

1. Magkano ang puhunan?

2. Ilan ang kabuuang kita mula sa puhunan?

3. Magkano ang kita kapag binawian ng ibang gastos o miscellaneous

4. Magkano ang gastos o miscellaneous?

D. Paglalahat (Generalization)

Paano ang pagtutuos ng katayuang pananalapi ng tindahan.25E. Pagpapahalaga (Values & Environmental Dimension Integration)

Pagiging matapat sa pagtutuos sa pananalapi ng tindahan

Pagkamatipid sa paggamit ng mga kagamitan sa tindahan

IV. Kasunduan:

Konsepto: Kawilihan at Kasiyahan sa mga Gawain sa Tindahan

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* kawilihan

B. Patnubayang Tanong

Bakit kailangan ang kawilihan at kasiyahan sa mga gawain sa tindahan?

C. Gawaing Pambahay

Pumunta sa mga malalapit na tindahan at magtanong kung paano nila

ipinakikita ang kanilang kawilihan at kasiyahan sa mga Gawain sa tindahan.

D. Sanggunian:

Mga Suplementaryong Dokumento26

Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 7

Paksa

: Kawilihan at Kasiyahan sa mga Gawain sa Tindahan

Reperensya: Mga Suplementaryo na Dokumento

Kagamitan: Mga Dokumento

II.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipakikita ang kawilihan at kasiyahan sa mga gawain sa tindahanIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Katayuang Pananalapi ng TindahanB. Pagganyak

Sino sa inyo ang may tindahan? Masaya ba kayo sa paggawa sa mga gawain sa tindahan? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Paano maipapakita ang kawilihan at kasiyahan sa mga Gawain sa tindahan?Bakit kailangan ang kawilihan at kasiyahan sa mga gawain sa tindahan?

Pangkatin ang mga bata ayon sa kanilang grupo. Magkaroon ng Buzz Session at talakayin ang mga sagot sa mga tanong.

Ipasulat sa bawat pangkat ang mga dahilan.Pagsasadula kung paano naipakikita ang kawilihan at kasiyahan sa mga gawain sa tindahan.Scorecard sa Pagmamarka ng Dula-dulaan

1. Pagkamalikhain at may kaugnayan sa layunin 5 pts

2. Partisipasyon o Kooperasyon ng bawat miyembro - 5 pts

3. Pag-aarte

- 5 pts

4. Panghihikayat sa Madla- 5 pts

KABUUAN : 20 Pts

D. Paglalahat (Generalization)

Paano maipapakita ang kawilihan at kasiyahan sa mga gawain sa tindahan?27E. Pagpapahalaga (Values & Environmental Dimension Integration)

Paglalagay sa tamang lalagyan at pag-uuri sa mga patapong bagay sa tindahan kung itoy

nabubulok para mapanatiling malinis at kaayusan.IV. Kasunduan:

Konsepto: Pinagmulan ng Pera at kung Paano Nagkaroon ng Pera

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* negosyo

* proyekto

B. Patnubayang Tanong

Anu-ano ang mga pinagmulan ng pera sa tindahan?

Paano nagkaroon ng pera sa tindahan?

C. Gawaing Pambahay

Pumunta sa malapit na tindahan sa inyong lugar at magtanong ukol sa

pinagmulan ng pera at kung paano nagkaroon ng pera sa kanilang tindahan.

D. Sanggunian:

Gumawa at Umunlad, p 23928Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 8

Paksa

: Pinagmulan ng Pera at kung Paano Nagkaroon ng Pera

Reperensya: Gumawa at Umunlad p. 239 , Mga Suplementaryo na Dokumento

Kagamitan: tsart, peraII.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipapaliwanag ang pinagmulan ng pera at kung paano nagkaroon ng peraIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Kawilihan at Kasiyahan sa mga Gawain sa TindahanB. Pagganyak

Sino-sino sa inyo ang may tindahan? Saan kaya galing ang perang pinuhunan ninyo sa inyong mga tindahan? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Paano nagkaroon ng pera ang tindahan?Saan nagmula ang pera ng tindahan?

Pangkat-pangkatin ang mga bata ng tig-apat at ipatalakay ang mga tanong na nakasulat sa tsart.Take Fare ShareMga Gawain:

Humanap ng kapareha at pag-uusapan at sagutin ang tanong.

Isulat ang napagkasunduang sagot. Ipaliwanag kung paano nagkaroon ng pera sa tindahan. 5 pts

Ipaliwanag kung saan nagmula ang pera sa tindahan?

D. Paglalahat (Generalization)

Ipapaliwanag ang pinagmulan ng pera at kung paano nagkaroon ng pera.E. Pagpapahalaga (Health and Nutrition Concept )

Maghugas ng kamay pagkatapos humawak ng pera29IV. Kasunduan:

Konsepto: Kahalagahan ng Pagbabangko ng Kita

A. Mga Talasalitaan (Word Study)

* bangko* kita

B. Patnubayang Tanong

Ano ang kahalagahan ng pagbabangko ng kita?

C. Gawaing Pambahay

Pumunta sa malapit na tindahan sa inyong lugar at magtanong kung ano ang

dapat gawin sa pagbabangko ng pera.

D. Sanggunian:

Gumawa at Umunlad, p 24030Banghay Aralin

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (E.P.P.)Baitang: EPP VI

Petsa: ______________Seksiyon:

I. Bahagi: Pagnenegosyo

Yunit

: PELC D 9

Paksa

: Kahalagahan ng Pagbabangko ng Kita

Reperensya: Gumawa at Umunlad p. 240 ,

Kagamitan: tsart, pera

II.Layunin (Tiyak)

Pagkatapos ng apatnapung minuto (40 minutes), 100 % ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbabangko ng kitaIII. Estratehiya:

A. Paghahanda

1. Karaniwang Gawain: Pagdarasal, Tsikin ang atendans, kalinisan ng mga bata, Kondisyon

ng silid-aralan at iba pa.

2. Pagbabalik-aral:

Pinagmulan ng Pera at kung Paano Nagkaroon ng PeraB. Pagganyak

Sino-sino sa inyo ang may tindahan? Naranasan nyo na ba na maglagay ng perang kita sa tindahan sa bangko? C. Paglilinang (Lesson Proper)Mga Karunungang Gawain

(Learning Task)Pamamaraan ng Patuturo

(Instructional Procedure)Ebalwasyon

(Evaluation)

Anu-ano ang wastong paraan ng paghawak ng pera?Bakit mahalaga ang pagbabangko ng kita sa tindahan?Brainstorming

Pangkatin ang mga bata sa apat. Pumili ng lider na bawat kasapi ay magbigay ng kanilang sagot. Ang pinakamaraming parehong sagot ang iuulat sa grupo.

Ipaliwanag ang wastong paraan sa paghawak ng pera. 5 pts

Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabangko ng kita sa tindahan? 5 pts

D. Paglalahat (Generalization)

Ipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbabangko ng kita.E. Pagpapahalaga (Health and Nutrition Concept )

Maghugas ng kamay pagkatapos humawak ng pera

IV. Kasunduan:

Konsepto: Gamitin ang lahat ng napag-aralan at kasanayan tungkol sa pagnenegosyo.31

MGA SALIK SA MATALINONG PAMIMILI

Station 1 - Supermarket

Station 4 - Palengke

Station 2 - Pabrika

Station 3 - Ahente

KATANGIAN NG TINDERA