Pangkat Etniko

Preview:

DESCRIPTION

pangkat etniko

Citation preview

Itawes

Matatagpuan ang mgaItawissa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan kasama angmga Ibanagat may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ngalak, bulak paghahabi at pagsasaka.

Kankana-ey[Ang mga Kankana-eyang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sabulubundukinglalawiganng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ngBenguetat maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na probinsiya, samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province at mga lalawigang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang kultura at paniniwala.Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ngasoat lambat.Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

IbaloyAng mgaIbaloyay matatagpuan sa mga munisipalidad ngKabayan,Bokod,Sablan,Tublay,La Trinidad,Itogon, BenguetatTubasa timog-silangan ngBenguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.Ang mga Ibaloy aykayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok atmabatonglugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay,strawberryat mgaprutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsiyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansangpamahalaan.Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.

IsnegKilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ngmais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ngbasi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay nglupa,gubatatilogang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko saCordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.

IranunAng Iranun ay isang etniko group na native sa Mindanao , sa Pilipinas, at ang kanlurang baybayin ng Sabah , Malaysia ( kung saan sila ay matatagpuan sa 25 mga nayon sa paligid ng Kota Belud at Lahad Datu distrito; din sa Kudat at Likas , Kota Kinabalu ).Para sa mga siglo , ang mga Iranun ay orihinal na mula sa Kasultanan ng Maguindanao , sa timog Mindanao , ang Iranun colonies ay kumalat sa buong Mindanao , ang Sulu Archipelago at sa hilaga at silangang baybayin ng Borneo . Karamihan sa Iranun ay mga Muslim . Ang kanilang wika ay bahagi ng Austronesian pamilya , at pinaka malapit na nauugnay sa Maranao.Iranun ay isa sa mga pinakalumang umiiral na tribung muslim sa Pilipinas. Iranuns ang mga unang tao na pumasok sa isang kasal pagkakahawig sa Shariff Aulia at Shariff Kabunsuan . Bai Sa Pandan ( Princess Pagunguwan , anak na babae ng Raha Urangguwan ) at Bai Angintabu ayon sa pagkakabanggit. Ang kanilang matrimonyo kung saan si Sultan Kudarat isang Iranun ay direktang nakuha ang kanyang linya sa kanila. Iranun ay isang lahi ng bansa sa pagitan ng Karibang - Karingke Linya ng paglapag at huling mga Malay migrante. Ang unang pinuno ay si Raha Urangguwan . Ang pangalan ng kanilang lugar ( estado) ay UranenAng mga Iranun ay naninirahan sa Parang, Sultan Kudarat, Matanog, Buldon, Barira, Sultan Mastura, Alamada at sa syudad ng Cotabato at Pagadian.

CuyunonAng mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ngDagat Sulusa silangan ngPalawanat timog-kanluran ngPanay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mgaEspanyolna nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mgamaysakit, ginaganap ang taga-blacupang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya. Hindi sila naniniwala sa mga ibang tao

YakanNagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang Paring palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at handang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsiyo kung pumapayag dito ang lalaki.

BagoboMatatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ngDavao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Espanyol sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Angbayaniang andirigma at angdatuang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghahabi.

IvatanMga mamamayan ngBatanesang mgaIvatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan.[kailangan ng sanggunian]Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng bakol, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng palmera.Madalas na dinaraanan ngbagyoang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sabato,kogonatapog. Mayroon itong maliliit na bintana.Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.Matatagpuan ang mga Isinay saAritao,Bayombongat Dupax saNueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mgaAinung bansangHaponat nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mgaMangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamongmataat katamtaman ang tangkad.May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pangalpabetoang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatangingpanitikanna kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan atkamoteang kanilang pangunahing pagkain

IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ngmga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mgaburol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradongkubona natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.

IlonggoNangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalangIlongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay,tabako,saging, kamote at gulay ang mga Ilonggo Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa atibonsa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo atasinang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa kalikasan.Ang mga katangian ng isang ilonggo ay malumanay at malambing

MaranaoAng mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng LanaoLanao del Sur, Lanao del Norte,Lungsod ng MarawiatLungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulayginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ngtahananat sa mgamoske.Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa satanso.

BadjaoAng pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 213 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.

TausugKinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao saTimog-silangang Asya.May pagkakaiba ang mgaTausugna nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso atbakalsa mga taga-BorneoatSabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam saSulu.

T'boliSa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ngabaka.Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mgabathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan samukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahangdamit.Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mgababae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.

BicolanoAng mgaBikolanoay matatagpuan satangwaysa Timog Silangang Luzon at pati na rin saAlbay,Catanduanes,Masbate,Sorsogon,Camarines Sur, atCamarines Norte. Sila ay nabiyayaan ng kalikasan sa lupain tulad ng magagandang tanawin, matabang lupa, at mga mineral. Ang kanilang mga ari-arian ay nakakapinsala sa kanilang buhay at nakapipigil sa kanilang pag-unlad ang malimit na pagdaan ng bagyo sa lugar nila. Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila at ang kahiligan nila sa mga pagkaing maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan. Simple lamang ang pananamit ng mga kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay mahilig magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa katawan.

Recommended