41
MGA PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS GRADE VI

Mga Pangkat Etniko Sa Pilipinas Grade 6

Embed Size (px)

DESCRIPTION

powerpoint

Citation preview

MGA PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS

MGA PANGKAT ETNIKO SA PILIPINASGRADE VIAng kabuuang bilang ng tao sa pilipinas ay binubuo ng mga pangkat-etniko. Bawat isa sa mga pangkat-etniko ay may sariling wika, kaugalian at paniniwala.Kabilang naman sa maliit na pang-etniko sa bansa ang mga Ifugao, Bontok, Kalinga at Kankanay sa Cordillera, Ivatan sa Batanes, Tboli, Manobo, Bagobo at Bukidnon sa Mindanao at Mandaya sa Visayas. Ang mga Badjao, Samal, Yakan, Jama Mapun at Iranun ang bumubuo sa maliliit na pangkat ng mga Muslim. May dalawang uri ng pangkat-etniko sa Pilipinas. May tinatawag na malaking pangkat-etniko. Kinabibilangan ito ng Tagalog, Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, Ilonggo, Cebuano at Waray. May malaking pangkat-etniko rin sa lugar ng mga kapatid nating Muslim. Ito ay kinabibilangan ng Tausug, maguindanao at Maranao.Sa paglipas ng panahon, lumipat ng tirahan ang mga ibang kasapi ng pangkat-etniko at napabilang na sa mga pangkat-etniko ng nilipatang lugar. Nagkaroon ng pagkakahalo ng kanilang kultura kayat hindi na halos napupuna ang pagkakaiba-iba ng mga katutubong kulturang nagsanib.Ang mga nandarayuhan ay di na gaanong nahirapang makisalamuha sa mga dinatnang pangkat-etniko dahil mayroon silang mga pagkakatulad sa paran ng pamumuhay dulot ng kapaligiran at pagkakahawig ng kultura.Mga Pangkat-etniko sa LuzonAng Tagalog, Bikolano, Ilokano, Kapampangan at Pangasinense ay kabilang sa malalaking pangkat-etniko sa Luzon. Mayroon ding maliliit na pangkat-etniko tulad ng:TAGBANWA

Sa baybaying-dagat ng gitnang Palawan naninirahan ang mga Tagbanwa. Ang kasuotan ng mga babae ay blusang mahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong. Kapirasong damit lamang ang itinatakip ng mga lalaki sa kanilang katawan.BATAK

Sila ay kilala rin bilang Tinitianes. Sa mga bundok at dalampasigan ng hilagang-kanluran ng Palawan sila matatagpuan. MANGYAN

Sa mga liblib na pook ng Mindoro sila matatagpuan. Ang mga Mangyan ay binubuo ng Iraya, Alangan, Tadyawan, Batangan, Bukid, Ratagnon, Tagaydan, Bangon at Hanuoo. Ang makulay nilang pananamit at mga suot na alahas ay likas na kapansin-pansin. Ang mga lalaki ay nakabahay.APAYAO

Sa bulubundukin ng Hilagang Luzon sa hangganan ng Abra at Ilokos naniniraham ang mga Apayao. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagsasaka. Malaking bahagi ng kultura nila ang pagtatanim ng palay. Ang mga kalalakihan ay naghahanda ng lupa. Gawain naman ng kababaihan ang pagtatanim at pag-aani. Sa gilid ng bundok, gumagawa sila ng hagdan-hagdang palayan. May tanim din silang mais, gabi, kamote, tubo, saging ay gulay.IFUGAO

Ang Banaue Rice Terraces o ang Hagdan-hagdang palayan na ginawa ng mga Ifugao sa gilid ng bundok ay kilala at tanyag. Kinilala ito bilang isa sa mga natatanging tanawinsa daigdig dahil maraming turista ang humahanga rito.Mga Pangkat-etniko sa VisayasAng mga Ilonggo, Cebuano at Negrese ay kabilang sa malalaking pangkat-etniko sa Visayas. Ang iba pang pangkat na matatagpuan doon ay ang mga sumusunod:MagahatSa kabundukan ng Bayawan sa Negros Oriental sila matatagpuan. Sa paghahanap ng pagkain sa gubat sila nabubuhay. Kung maghahanap sila ng pagkain ay pangkat-pangkat. Ang pinaka matanda sa grupo ang sinusunod nila sa pagpili ng pook na matitirhan. Kapag inabot ng dilim, nagtatayo sila ng pansamantalang tirahan sa napiling lugar. Sa kanilang kaingin ay mayroon silang permanenteng tirahan na kanilang binabalikan.WARAY

Ang mga taga-Samar at Leyte ay tinatawag na Waray. Baganat iba ang kanilang wika, madalas silang ibilang sa pangkat ng mga taong tinatawag na Bisaya. Sila ay may sariling panitikan at kultura. Musika, awit at sayaw ang kanilang mga pangunahing libangan. Pinahahalagahan nila ang edukasyon, gayundin ang pagiging likas na relihiyoso.BOHOLANO

Hango ito sa salitang BOOL na siyang kauna-unahang pangalan ng lunsod ng Tagbilaran Bohol. Bool din ang tawag sa mga tao, wika at kultura nito. Mahigit sa 1,000 burol na tinatawag na Chocolate Hills na kilala sa buong daigdig ang matatagpuan sa gitnang bahagi ng Bohol.Mga Pangkat-etniko sa MindanaoAng ilan sa maraming pangkat-etniko sa Mindanao ay ang mga sumusunod:TAUSUG

Kilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Likas silang mapagbigay at palakaibigan. Dahil sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga taga-Timog-Silangang Asya, lalong nalinang ang mga ugali nilang mapagbigay at palakaibigan.YAKAN

Sa lahing Malay nagmula ang pangkat na ito. Singkit ang kanilang mga mata, may kayumangging balat at buhok na makapal ta maitim. Mga kalipi lamang nila ang kanilang nais makasalamuha dahil sa likas na pagiging mahiyain. Sumusunod din sila sa mga aral ng Koran na siyang Banal na Aklat ng relihiyong Islam at sa mga katutubong pamahiin at kaugalian.SAMAL

SUBANON

Sila ang kilalang mga hitananong-dagat dahilan sa mismong karagatan o sa mga baybaying dagat sila naninirahan. Sumusunod sila sa mga kawan ng isda na siya nilang ikinabubuhay. Nagsisilbing tirahan nila ang vinta, kumpit o bangka.Sa kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur naninirahan ang mga Subanon. Mababakas sa kanila ang mga katangiang Malay. Tulad ng mga Yakan, sila ay may kayumangging balat at maitim at makapal na buhok, kapansin-pansin ang maganda nilang pangangatawan.MANDAYA

Sa gilid ng bundok sa hangganan ng Karagatang Pasipiko at Tangos ng San Agustin sila nakatira. Matatagpuan din sila sa mga bundok ng Davao del Norte at Davao Oriental.Maging babae o lalaki man sa mga Mandaya ay mahaba ang buhok na bahagyang kulot at kulay itim o kape. Ang kanilang noo ay malapad at prominente ang mga buto nila sa pisngi. TBOLI

Kilala ng mga mamimili sa kapatagan ang pangkat ng Tboli. Hinahangaan sila sa pagiging makasining na ipinakikita nila sa mga kasuotan, personal na palamuti, gawang metal, paglala at paggawa ng basket. Nakikita rin ito sa di-pangkaraniwang musika at sayaw. Ang mg instrumento nilang pangmusika ay kinabibilangan ng agong, tambol at yaong mga may kwerdas na instrumento.Ang katawan ng mga Tboli ay maliit kasya sa pangkaraniwang Pilipino. Ang mga babaeng Tboli ay makitid ang balakang. May magagandang kulay ang mga kababaihan at kabataan samantalang kulay kape naman ang kanilang mga mata.BADJAO

Naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Pata, Tapul, Lugus, Parang, Maimbug at Talipaw ang pangkat ng mga Badjao. Kilala rin sila bilang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Palau at Palau. ang kanilang wika ay Samal.Ang kanilang kultura ay kahawig ng mga Samal. Hinihinalang sila at ang mga Samal ay nagmula sa Johore sa dakong timog ng peninsulang Samal.Ang mga Badjao ay nakatira sa mga bangkang-bahay na may habang 3 - 18 metro at may taas na 1-1 metro. Ang maaaring tumira lamang sa bangkang-bahay ay isang pamilya na may 2 13 na miyembro.Pangunahing nilang hanapbuhay ang pangingisda. Ang mga gamit nila sa pangingisda tulad ng lambat, gayundin ang vinta, ay kanilang ginagawa. Mga banig na may iba-ibang makukulay na disenyo ang hinahabi ng mga kababaihan. Mahusay rin silang manisid ng perlas.