45
GROUP 1 PRESENT S

ang kagubatan

Embed Size (px)

Citation preview

GROUP 1

PRESENTS

Naranasan mo na bang makapunta sa Kagubatan?

Nakakita ka na ba ng mga Kahoy na Ikinarga sa malalaking trak o hauler?

Ano ito hulaan mo?

Ano ito hulaan mo?

ITO ANG MGA SULIRANIN NA NAGAGANAP SA PANG AABUSO

NATIN SA KAGUBATAN

Talakayin natin ngayon ang mga sumusunod.

YAMANG GUBAT

Isang mahalagang yaman ng bansa ang kagubatan. Dito makikita ang iba't ibang uri ng matitibay na punongkahoy. Sa pagitan ng mga punongkahoy ay tumutubo ang iba't ibang uri ng halaman gaya ng pako, orkidyas at iba pa. Sa kagubatan din naninirahan ang mga ligaw na hayop tulad ng tamaraw, baboy damo, usa at mga ibon.

Ang ating kagubatan ay mayaman din sa kawayan, pawid, ratan at yantok. Ito ay mga katutubong kagamitan sa pagtayo ng bahay kubo. Sa ngayon ginagamit ang rattan at yantok sa paggawa ng muwebles at palamuti. Ang mga kasangkapang mula sa hilaw na sangkap ay tinatangkilik ng marami nating kababayan at ganoon din sa ating bansa.

Maraming uri ng mga puno ang matatagpuan sa ating kagubatan tulad ng apitong, bakawan, lawan, at yakal.

Maidadagdag ang mga sumusunod:

Narra – matitibay na kahoy para gawing muwebles.

Dipterocarp hardwood – Philippine Mahogany pinagkukunan ng herbal na gamot.

Bamboo – isang madamong kahoy. Ginagawang basket, bahay, tulay at muwebles.

Mangroves - bakod sa mga mababang bahagi ng katubigan, ginagawang tabla.

Nipa Palms – paggawa ng bahay sa lalawigan.

MGA KAHALAGAHAN NG YAMANG GUBAT¤ Maraming produkto ang nanggagaling sa mga puno sa ating kagubatan tulad ng goma, papel, troso, tissue paper, tabla, kahoy para gawing muwebles, mga herbal na gamot, produktong handicraft, at marami pang iba.

Nagsisilbing tirahan ng mga maiilap at mababangis na hayop, mga endagered species tulad ng Philippine Eagle o Monkey Eating Eagle, papan, lagaran, kagit(blue-naped parrot), sabukot.

¤ Nagbibigay proteksyon sa mga watershed na pinanggagalingan ng malinis na tubig na kailangan ng tao.

¤ Nagbibigay hanapbuhay sa mga tao sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga produkto galing dito.

¤ Nagbibigay din ito ng balanseng ekolohikal sa kapaligiran kaya kinakailangang pagtuunan ito ng pansin at bigyan ng kasagutan ang mga suliraning kinakaharap nito.

KONDISYON NG MGA KAGUBATANAng mabilis na pgkasira at pagkaubos ng

ating kagubatan ay isang malaking suliranin. Bunga ito ng pang-aabuso ng tao.

Ang dahilan nito ay ang mga taong mapagsamantala at gustong yumaman sa maling paraan na ang magiging dahilan ay pagkasira ng ating likas yaman.dahil sa kagustuhan nilang yumaman wala na silang pakialam kung makakabuti ba ito sa kalikasan.basta lang na magkaroon sila ng kita at maraming pera wala na silang pakialam.

Dahil sa pagkaputol ng mga puno sa kagubatan, bagyo man o tao ang dahilan wala na ang mga ugat ng puno na pumipigil sa lupa. Kung kaya't gumuguho ito na nagiging sanhi ng kapahamakan sa mga madadaan nitong mga bahay o taong matatabunan ng mga gumuhong lupa galing sa kagubatan.

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN

Ang Asya ay kontinenteng pinagkalooban ng napakaraming Likas na Yaman.

Ngunit hindi natin ito pinangangalagaan. Dumadami ang mga Suliranin.

Kumakaunti ang napagkukuhanan natin dahil sa walang habas na pagsira dito.

Isa pang dahilan ay ang paglaki ng populasyon,

Pagmimina, Pagtotroso, at Deforestation.

PAGKASIRA NG KAGUBATAN

Karamihan sa atin ay papayag na ang unang-unang dahilan ng pagkasira ng kagubatan ay ang:

1. logging (legal man ito o illegal) - Ang pagpuputol ng puno para gawing uling pangbenta man o para pansariling gamit, pag-uukit at Ginagamit din ito sa paggawa ng mga antique cabinet, dining tables at iba pa.

2. Ang paglawak ng agrikultura.

3. Bagyo - Ang sampu o mahigit pa na bagyong dumadaan sa Pilipinas ay nakakasira din ng kagubatan, dahil sa lakas nito ay napuputol din ang mga puno.

4. At mabihis na pagdami ng populasyon at kahirapan.

IMPLIKASYON NG PAGKALBO NG KAGUBATAN

Ang pagkakalbo nito ay maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng mga tao. Unti-unti na nating nararamdaman ang epekto ng pagkaubos ng mga puno sa kagubatan sa ating bansa. Isa na dito ang flashflood tuwing tag-ulan, ang pagkamatay ng mga maiilap na mga hayop at endangered species, pagbaba ng tubig sa mga dam at ang pag-init ng kapaligiran ay ilan din sa mga epekto ng pagkakalbo ng kagubatan. Kakulangan sa pagkain, tubig at iba pang pangangailangan ng tao, Pagbagsak ng ekonomiya, Panganib sa kalusugan ng tao. Dumarami ang mahihirap na tao. Land, water, at air pollution. Stress at pagkabingi dahil sa Noise pollution. Lumalala ang traffic. Acid rain at Ozone depletion.

Global Climate Change o Global Warming ay dahilan ng maraming namamatay resulta ng baha, erosion, land slide, at iba pa.

Ito ang pag-init ng ating kapaligiran. Nangyayari ito kapag ang Greenhouse gases ay nagbubunga ng mga carbon dioxide sa atmosphere sa matagal na panahon. Nagiging sanhi na pagtaas ng temperatura na nagbibigay daan sa natural catastrophes. Ito ay isang seryosong suliranin sa buong mundo na nakaaapekto sa buhay ng mga tao, hayop, at halaman.

Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan sa Pagsagip sa Ating Kagubatan

Ang pamahalaan at mga NGOs ( non-government organizations ) ay nagsasawa ng mga programa upang mapangalagaan at maproteksiyonan ang ating kagubatan.

One Manila at Green Peace Environment kapwa isinusulong ang reforestation. Ang reforestation ay ang pagtatanim muli ng mga puno sa kagubatan at isinasagawa upang mapalitan ang mga nawalang puno.

Mahalaga rin na magkaroon ng political will ang pamahalaan upang ipatupad ang total log ban. Ito ang pagbabawal na magtroso lalo na tuwing off season.

Mga Batas Ukol sa Pangangalaga ng Kalikasan

Ang Pilipinas ay isang bansang kilala dahil sa samu’t-saring mga halaman at hayop na likas na naninirahan dito. Halimbawa, ang Pandaka Pygmea na siyang pinakamaliit na isda sa buong mundo ay matatagpuan sa mga katubigan ng Pilipinas. Marami ding mga hayop na nakalista na may kakaunti na lamang na bilang at nasa panganib na tuluyang mawala ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang ilan dito ay ang dugong (sea cow), tarsier, ang Monkey-Eating Eagle, kagwang (flying lemur), at pawikan. Kilala rin ang mga katubigan sa Pilipinas bilang tahanan ng napakaraming uri ng mga yamang-dagat. Dahil dito ay napakahalagang magkaroon ng maraming mga batas na naglalayong panatilihin ang proteksyunan ang mga likas na yaman ng kalikasan sa Pilipinas. Ito ang ilan lamang sa mga batas na ito:

PD 705 o “Revised Forestry Code”

Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapag ilaan para dito. Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng puno. Ang tinukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang Bureau of Forest Development. Ang batas na ito ay inaprubahan noong Mayo 1975.

Batas Ukol sa Selective Logging 

Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan. Ayon sa batas na ito, ang mga punong maaaring putulin ay yaong mga punong mayroong dyametrong 60 cm (sa bahagi ng puno na kasingtaas ng dibdib ng tao). Sa paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang lupain, na siyang tutulong sa pananatili ng magandang kondisyon ng lupa at para makaiwas sa pagguho ng lupain. Ang PD 705 ay inaprubahan noong Mayo 1975.

Mga Institusyon at programa sa Industriya ng Panggugubat

Department of Environment and Natural Resources (DENR)• Pangunahing ahensiya na namamahala, nangangalaga sa pag-unald at maayos na pag-gamit ng kagubatan.• Pangunahing layunin nito ang mga programang nangangalaga sa mga kagubatan.

Pangangalaga sa kagubatan at Pagpapatupad ng batas

• Isinasagawa ng pamahalaan ang isang komprehensibong programa sa pangangalaga ng kagubatan.• Nauukol ito laban sa kaingin, ilegal na pagtotroso, sunog at peste sa punongkahoy, rehabilitasyon ng mga watershed at pamamahala sa mga naninirahan sa kagubatan.

•Mining Act of 1995 (RA 7942)

Lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa pribado at pampublikong lupain ng teritoryo at eksklusibong pang-ekonomiyang sona ng Pilipinas ay pagmamayari ng Estado.

Ang Priority Protected Areas

sa ating bansa

MT. ISAROG NATIONAL PARK

( BICOL )

PALANAN WILDERNESS AREA( SIERRA MADRE,

NORTHERN LUZON )

MT. IGLIT – BACO NATIONAL PARK

( MINDORO )

MT. GITING-GITINGNATURAL PARK( ROMBLON )

EL NIDO MARINE RESERVE

( PALAWAN )

CORON ISLAND( PALAWAN )

MT. PULAG ( MOUNTAIN PROVINCE )

APO REEF( MINDORO )

TURTLE ISLAND ( PALAWAN )

MOUNT ARAYAT( CENTRAL LUZON )

LAKE MAHAGNAO VOLCANIC PARK

( EASTERN LEYTE )

MOUNTAIN MALINDANG

( NORTHWESTERNMINDANAO)

MOUNT MAYON ( BICOL)

MOUNT KANLAONNATURE PARK

( CEBU )

THANK YOU FOR LISTENING

AND WATCHING

OUR PRESENTATION

JOHN PIOLO PADOHINOGJOHN ISIAH GRANDECLARENCE JORGE ABELLACHESTER NAGRITRICHARD PADECIOLOUELL EMBER ERISPEJOSHUA TAMONDEZERIC JUDE BORNALESJOSUA DAVE ACABADO

ROSENIE PADOHINOGERLAINE MAE ENDRICALAWRENCE ARRIEGAEUNICE SERANDONKIMBERLY ZONIOLYKA REIJNE HUELARVAN LYNLIE RUPIÑANSARAH JOY ALORES

ARALIN PANLIPUNAN JULY 29, 2015

GRADE 10 – ST. JOHNMRS. AIMEE P. VERGARA