22
Ang Kabihasnang Mesopotamia

Ang kabihasnang mesopotamia

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang kabihasnang mesopotamia

Ang Kabihasnang Mesopotamia

Page 2: Ang kabihasnang mesopotamia

• Ang pag-usbong ng kabihasnan ay ang-ugat sa mga pag-unlad na naganap sa Panahong Neolitiko.

• Nabago ang pamumuhay ng mga tao.• Mula sa pagiging nomad ay nagtatag ng

permanenteng mga pamayanan.• Nagsimula ring maging bihasa ang mga tao sa

iba’t ibang larangan, sa mga institusyonng pang-estado o pamamamahala, sa sistema ng pagtatago ng mga talaan at dokumento at sa makabagong mga teknolohiya.

Page 3: Ang kabihasnang mesopotamia

• Ang pagiging isang lungsod ay hindi nagtatapos sa pagkakaroon ng malawak na teritoryo at malaking populasyon at pagiging sentro ng kalakalan para sa mga magsasaka at mangangalakal.

• Ang mga kabihasnan ay karaniwang may sistema ng pamahalaan o estado na namamahala rito.

• Kaalinsabay nito ang pagkakaroon g relihiyon at paghahating panlipunan (socila stratification).

Page 4: Ang kabihasnang mesopotamia

• Mesopotamia – nagmula sa wikang Griyego na mesos,ibig sabihin ay “gitna” at potamos, ibig sabihin ay “ilog”.

• Ang Mesopotamia ay nabuo sa pagitan ng dalawang ilog, ang ilog Tigris at ilog Euprhates.

• Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Iraq.• Ang mga lupain ay mataba at mayaman

sapagkat dumanas ng taunang pagbaha.• Bahagi ng isang rehiyon na tinatawag na

Fertile Cresent

Page 5: Ang kabihasnang mesopotamia

PAMANA AT AMBAG NG SINAUNANG

KABIHASANAN SA MESOPOTAMIA

Page 6: Ang kabihasnang mesopotamia

Sumerian (5300-2334 BC)• Unang kabihasnang nabuo sa

Mesopotamia.• Unang nagtatag ng mga lungsod-estado

na pinamumunuan ng mga lugal o hari.• Ilan sa malalaking lungsod na umusbong

sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish, Lagash, Umma at Nippur.

Page 7: Ang kabihasnang mesopotamia

Mga naging ambag ng Sumerian

• Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform, kung saan ang mga salita ay kinatawan ng mga simbolo o hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit na panulat ay stylus o eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan naman ay tabla na gawa sa putik.

Page 8: Ang kabihasnang mesopotamia
Page 9: Ang kabihasnang mesopotamia

• Mas mainam na sistema ng irigasyon at pagsasaka; gumamit ng sinaunang uri ng araro ang Sumerian.

• Paggamit ng potter’s wheel sa pagawa ng tapayan.

• Paggamit ng gulong bilang instrumento ng transportasyon ng mga tao at kagamitan.

• Code of Ur-Nammu – unang saligang batas• Sexagesimal system – sa larangan ng

matimatika.

Page 10: Ang kabihasnang mesopotamia

• Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang paraan ng pagsulat at makapagtago ng mga talaan na pinamahalaan ng simbahan o templo.

• Pagtatayo ng mga templo bilang lugar-sambahan o ziggurat na nakalaan lamang sa mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa maraming Diyos (politeismo) na tumutulong sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay

• Unang sistema ng pagsukat ng timbang at distansya

• Lunar kalendaryo na may 12 buwan.

Page 11: Ang kabihasnang mesopotamia
Page 12: Ang kabihasnang mesopotamia

Akkadian (2334-2193 BC)• Nagsimula bilang maliit na lungsod-estado

na malapit sa mga Sumerian.• Dahil sa kanilang galing sa pakikidigma,

nagapi nila ang mga Sumerian.• Itinuturing na unang kabihasnang

nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay naisakatuparan sa pamumuno ni Sargon I.

Page 13: Ang kabihasnang mesopotamia

Mga napagtagumpayang gawin

• Nagpasimula ng isang uri ng pamamaraan ng paghahatid ng sulat at mensahe

• Paggamit ng selyo na gawa sa putik para sa mga sulat

• Pagpapangalan ng mga taon batay sa pangalan ng haring namumuno.

Page 14: Ang kabihasnang mesopotamia

Babylonian (1792-1595 BC)• Nabuo ang kabihasnan ng mga

Babylonian mula sa mga labi na naiwan ng Imperyong Akkadian.• Itinatag ni Sumuabum ang maliit na

bayan ng Babylon hanggang sa ito ay lumaki at naging isang imperyo sa pamumuno ni Hammurabi.

Page 15: Ang kabihasnang mesopotamia

Mga naging ambag ng Babylonian• Code of Hammurabi – isang batas na may

malupit na kaparusahan para sa mga krimen na nagawa ng mga Babylonian. Isa rin itong gabay para magkaroon ng isang organisadong lipunan.

• pag-aaral sa larangan ng astronomiya at matematika.

• Epiko ni Gilgamesh – ang pinakamatandang akdang pampanitikan na natuklasan sa kasaysayan ng daigdig.

• Paggamit ng mga sundial at water-clock.

Page 16: Ang kabihasnang mesopotamia

Hittite (1180-800 BC)• Naging tanyag sa pagmina ng mineral at

paggamit ng bakal bilang materyales sa paggawa ng mga armas at mga gamit sa pangangaso.

• Naimbag din nila sa kabihasnan ng daigdig ang pagkakaroon ng talaan ng mga titulo ng lupa ng mga mamamayan nito.

Page 17: Ang kabihasnang mesopotamia

Assyrian (2500-608)• Kilalang imperyo na gumapi sa mga

Hittite at Babylonian.• Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal

ay naging tanyag dahil sa kaniyang pagtatatag ng kauna-unahang sistematikong aklatan sa lungsod ng Ninevah.

Page 18: Ang kabihasnang mesopotamia

Chaldean-Neo-Babylonian (626-539 BC)

• Humalili sa mga Assyrian matapos nilang magrebelde sa pamumuno ni Nabopolassar.

• Naipatayo ang tanyag na Hanging Gardens of Babylon, isa sa mga itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar.

Page 19: Ang kabihasnang mesopotamia

Phoenician (1550-300 BC)• Kilala bilang magagaling sa manlalayag

mula sa rehiyong Levant (Lebanon)• Kabihasnan na lumikha ng alpabeto na

ponetika (phonetic), kung saan ang mga tunog ng mga salita o titik ay may kaagapay na simbolo.

• Gumamit ng ibang sistema ng pagsulat o pictograph.

Page 20: Ang kabihasnang mesopotamia

Lydian (2000-546 BC)• Ay nagmula sa rehiyon ng Anatolia

(Turkey) na bahagi rin ng Fertile Crescent.• Tanyag sa paggamit ng mga barya

bilang uri ng salapi – kabayaran sa pakikipagkalakalan.

Page 21: Ang kabihasnang mesopotamia

Persian (550-330 BC)• Kasalukuyang matatagpuan sa Iran.• Ang Imperyong Persian o Imperyong

Achaemenid ay nagmula sa pangalan ni Achaemenes,isa sa mga naunang pinuno ng lungsod-estado.

• Cyrus the Great – naging isang malaking imperyo na gumapi sa mga Imperyong Assyrian at Chaldean at ilan pang bahagi ng Fertile Crescent.

Page 22: Ang kabihasnang mesopotamia

• Darius I – humalili kay Cyrus the Great. Lumawak pa lalo ang impeyo hanggang sa ilang bahagi ng Europa at India.

Mga naiambag ng Kabihasnang Persian• Satrapy – pamamalakad pinamumunuan ng

isang satrap• Zoroatrianism – relihiyong nagmula sa mga

Persian. Ito ay batay sa mga pangaral at turo ni Zoroaster o Zarathustra. Relihiyong naniniwala sa isang Diyos o monotheism

• Ahura Mazda – kinikilalang Diyos ng relihiyong ito.