66
Aralin 12 Ang Republic ng Rome at ang Imperyong Roman Prepared By: Jessabel Carla L. Bautista Social Studies Teacher Tagudin National High School Mabini, Pangasinan

Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

  • Upload
    kheesa

  • View
    1.021

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Aralin 12Ang Republic

ng Rome at ang Imperyong

RomanPrepared By:Jessabel Carla L. Bautista

Social Studies TeacherTagudin National High School

Mabini, Pangasinan

Page 2: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

SINAUNANG ROMAAng sibilisasyong Romano ay

nagsimula sa makitid at hugis botang tangway ng Italya.Tulad ng Gresya, ang Roma ay napapaligiran rin ng karagatang Mediterranean, bagamat mas mainam ang lokasyon nito sapagkat ito ay nasa gitna ng Italya.

Page 3: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ang Italya naman ay nasa gitna rin ng Mediterranean. Dahil dito, naging sentro ng kalakalan sa buong Italya ang Roma

Page 4: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Masdan ang kinalalagyan ng Roma sa mapa ng Italya. Paano nakaapekto ito sa pamumuhay

ng mga tao roon

Page 5: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 6: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Sinaunang Pamayanan ng Italya at Ang Heograpiya Nito

Sa habang 1120 kilometro at lapad na 240 kilometro, ang Italya ay umaabot sa Timog ng Europa patungo sa Aprika at hinahati ang karagatang Mediterranean sa silangan at kanlurang bahagi. Mula sa nakapagitnang lokasyon nito, naging napakadali para sa mga Romano na pamahalaan ang kabuuan ng mga lupain sa Mediterranean.

Page 7: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Dahilan sa mahalumigmig at mamasa-masang klima nito, ang mga magsasaka ay nakapagtatanim ng iba’t ibang butil, gulay, olives, at iba pang mga prutas.

Page 8: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Samantala, ang pag-aangkat at pagpapasok ng mga produkto ay hindi naging madali dahilan sa limitado nitong daungan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga sasakyang panlupa ang pangunahing gamit sa paglalakbay at kalakalan.

Page 9: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ang pangyayaring ito ay nakatulong upang magkaisa at magkalapit ang iba’t ibang rehiyon ng Italya. Di nagtagal, ang mga nagkakaisang rehiyon ay napailalim sa iisang pamahalaan.

Page 10: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ilang libong taon mula 2,000-1,000 BC, ang Italya ay sinakop ng mga Indo-European na sinasabing may kaugnayan sa mga Mycenaean ng Gresya. Ang mga mananakop na ito ay nagtayo ng mga pamayanan at nagsaka ng mga lupang sakahan.

Page 11: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Isa sa mga pangkat ng Indo-European ay tinawag na mga Latin sapagkat sila ay nagtayo ng mga pamayanan sa kapatagan ng Latium. Sila ang naging ninuno ng mga Romano.

Page 12: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Pag-usbong ng Republikang Romano

Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ngItalya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma. Nakontrol ngmga Romano ang Ilog ng Tibes na ruta ng kalakalan mula hilaga hanggang timog ngtangway ng Italya.

Page 13: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Noong 509 B.C.E., nag-alsa ang mga Roman laban sa dayuhang Etruscan. Nagtatag sila ng isang Republic kung saan ang mga mamamayan ay humihirang ng kanilang mga kinatawan sa pamahalaan

Page 14: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

2 uri ng lipunang Romano

PatricianHango sa salitang Latin na “patres o

mga ama” .nagmula sa mga mayayamang may-ari

ng mga lupa

Page 15: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuang populasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahing posisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan.

Page 16: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

PlebeiansSila ay mga karaniwang tao na

angmula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa.

Page 17: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang kanilang tinaasang karapatan.

Page 18: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ang Pamamahala ng Republika

tagapagpaganap (Executive) tagapagbatas (Legislative) dalawang patrician

nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbong sandatahan, Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upangMakapaglingkod.

Page 19: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Patrician• Senate- 300 kasapi; senador- Nanglilingkod hangbuhay,

nagpapanukala at nagpapasa ng batas.- Nagpapahintulot ng paggamit sa

pamahalaan.

Page 20: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

• Assembly of Century – ang pinakamalahang Assembly. Ito ang namamahala ng usaping padigma.

• Imperuim o kataas-taasang kapangyarihan- Pinamumunuan ang pamahalaan. Katungkulan nila na pangunahan ang hukbo, ingatan ang salap ng pamahalaan at tumayo bilang

Page 21: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

kahuli-hulihang hukom. Preator – hukom na ipaliwanag ang batas.Censor- bumibilang ng dami ng populasyon upang matiyak kung magkanong buwis ang babayaran.

Page 22: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Plebeians

• Assembly of Tribes - binubuo karamihan ng mga plebeians.

• Tribune - Nilikha upang pangalagaan ang karapatan nila laban sa mga mapang-abusong opisyal.

Page 23: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

• Ang kapangyarihan nito ay maaring mapawalang-bisa ang anumang batas na mapang-api.

• Twelve Tables – kalipunan ng batas at nilagay ito sa pampublikong lugar.

Page 24: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangang magkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon.

Page 25: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Latin League• Alyansa laban sa iba pang mga tribo sa

rehiyon.• Layunin:– Ipangtanggol ang estado.–Makakuha ng karagdagang lupa para sa

sakahan.

Page 26: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Rome laban sa Carthage• Yumaman ang Carthage sa

pakikipagkalakalan sa mga lalapit na lugar nito ng Corsica, Sicily at Sardinia. May isang malakas na plota ang Carthage na siyang naging balakid sa hangarin ng Rome na mangibabaw sa Mediterranean Sea.

Page 27: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ang malakas na hukbong sandatahan ng Roma ang pangunahing dahilan ng pananagumpay nito sa Italya. Ang pagigingmalakas ng sandatahan ay bunga ng pagkakaorganisa nito. Ang pangunahing yunit ay legions na binubuo ng mula 3,000 hanggang 6,000 sundalo na tinatawag nalegionnaires.

Page 28: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Sa pamamagitan ng mga legions, ang sandatahan ay mas malakas atmas mabilis makipaglaban

Page 29: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ang Unang Digmaang PunicAng ibig sabihin ng Punic ay

Phoenician. Ang Carthage ay itinatag bilang sentro ng kalakalan ng Phoenician.

Page 30: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Simple ang naging dahilan ng kanilang alitan: Natakot ang Carthage na makuha ng Roma ang Sicily. Ang Roma naman ay natakot na baka harangan ng Carthage ang kalakalan sa pagitan ng Italya at Sicily.

Page 31: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 32: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Sinimulan ng Roma ang Unang Digmaang Punic nang may mas pinalakas na hukbong sandatahan, ngunit may mahusay sa digmaang pandagat ang mga Carthaginian. Kayat ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali silang gumawa ng mga barkong halos katulad ng mga barkong pandigma ng Carthage.

Page 33: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Gamit ang mga barkong ito, ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila sa Carthage. Ngunit tumagal ito ng halos 20 taon bago tuluyang napabagsak ng Roma ang Carthage at nasakop ang isla ng Sicily. Nagbayad ng indemnity o bayad pinsala ang mga Romano.

Page 34: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

IKALAWANG DIGMAANG PUNICBumagsak nga ang Carthage ngunit hindi

ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito ay nagpalawak pa ng kapangyarihan sa Espanya sa pamumuno ni Heneral Hamilcar Barca. Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng mahusay na pinunong Carthaginian ang Espanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa pinakamahusay na heneral ng hukbong Espanya sa kanyang kapanahunan

Page 35: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Bagamat mas kaunti, natalo nina Hannibal ang mga sundalong Romano na sumalubong sa kanila sa naganap na Labanan sa Cannae sa timog silangan ng Italya. Nakarating ang mga Espanyol sa bukana ng Roma ngunit hindi nila ito pinasok.

Page 36: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Umasa si Hannibal na makikipagkasunduan ang Roma sa kanila ngunit hindi ito nangyari.

Upang maipagtanggol ang kanilang lupain, bumalik si Hannibal sa Carthagengunit siya ay natalo ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BC. Ang pagkatalong itoang nagwakas sa ikalawang Digmaang Punic

Page 37: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ang Ikatlong Digmaang PunicMakalipas ang 50 taon pagkatapos ng ikalawang

Digmaang Punic nagkaroon ngkapayapaan sa pagitan ng Roma at Carthage. Sa mga panahong ito ay umunlad na muli ang Carthage. Bagamat wala ng pangambang maidudulot ang Carthage sa Roma, ang mga malalagim na alaala ng mga ginawa ni Hannibal ay patuloyn na nagsilbing bangungot para sa mga Romano.

Page 38: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Ito ang naging dahilan upang naisin nila ang tuluyang pagkawasak ng Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC sinimulan nila ang ikatlong Digmaang Punic. Nagpadala sila ng mga sundalo sa Hilagang Aprika at nilusob ang Carthage. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa pakikipaglaban ang Carthage bago tuluyang sumuko.

Page 39: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Pagkatapos nito, sinunog ng mga Romano ang kabuuan ng Carthage at sinabuyan ng asin ang lupang sakahan nito upang tuluyan na itong mawalan ng pakinabang. Ang mga taong di namatay ay pinagbili bilang mga alipin.

Page 40: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Napakalaking tagumpay ito sa Roma at nagkaroon sila ng ganap na kapangyarihan sa kanlurang Mediterrenean.

Page 41: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Tagumpay sa SilanganHindi lamang ang mga Digmaang

Punic ang sumubok sa lakas ng Roma.Matapos ang marami-raming labanan, natalo nila ang mga Macedonian atnoong 146 BC, naging probinsya ng Roma ang Macedonia.

Page 42: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Sumunod na nilusob ng Roma ay ang gitnang silangan. Bagamat nanatili ang kalayaan ng Ehipto at Syria, naging kaalyado ng Roma ang mga pamahalaang ito. Pagsapit ng 100 BC, nasakop na ng Roma ang halos lahat ng lupaing nakapaligid sa Mediterrenean

Page 43: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Dahil dito tinawag ng mga taga-Rome ang Mediterrean Sea bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.

Page 44: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Panitikan• Marcus Plautus at Livius Andronicus

- mga unang manunulat ng comdey.

Page 45: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Arkitektura• Stucco – plaster n pampahid at

pantakip sa labas ng pader.• Arch• Basilica – isang bulwagan ng

nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly.

Page 46: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Colosseum

Page 47: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 48: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Amphitheather

Page 49: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

PananamitDalawang kasuotang ng mga lalaki:• Tunic - kasuotng pambahay na

hanggang tuhod.• Toga – isusuout pag sa ibabaw ng tunic

kung sila ay lalabas ng bahay.

Page 50: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 51: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Dalawa din ang kasuotang ng mga kababihan:• Stola – pambahay hanggang

talampakan.• Palla – inilalagay sa ibabaw ng stola

paglalabas ng bahay.

Page 52: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 53: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

First Triumvirate- Isang unyon ng tatlong

makapangyarihanng tao na nangasiwa ng pamahaalaan

- Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar.

Page 54: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Crassus• Ang pinakamayamang tao sa

Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin.

Page 55: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Pompey

• Kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ng Spain.

Page 56: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Juluis Ceasar• Matagumpay niyang

napalawak ang mga hangganan ng Rome.

Page 57: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

First Triumvirate

Page 58: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 59: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Second Triumvirate• Binuo upang ibalik ang kaayusan sa

Rome.• Ito ay dahil binalot ng takot ang Rome

mula ng mamamatay si Caesar.

Page 60: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

• Lepidus• Mark Anthony• Octavian – “Augustus” titulong

ginawad ng Senate sa kanya , na ngangahulugang isang banal na lugar o banal na akto.nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi karaniwan

Page 61: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Mark Anthony

Page 62: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Lepidus

Page 63: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)
Page 64: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Mga Emperador pagkatapos ni Augustus

• Caligula- nilustay ang pera sa maluluhong kasiyahan.

• Nero – ipinapatay niya ang kahat ng hindi niya makatuwaan

Page 65: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Mga mabubuting Emperador• Tiberius at Claudius• Vespasian

Page 66: Aralin 12 ang kabihasnang greek (3rd yr.)

Dinastiyang Flavian• “Limang Mahuhusay na Emperador”- O ang dakilang panahon ng imperyo.- Nerva, Trajan, Hadrian, Antoninus

Pius, at Marcus Aurelius