14
ANG ALAMAT NG IBONG MAYA Halaw By: Kasuki Comillas Branch Comillas, La Paz, Tarlac Follow the link: https://www.facebook.com/kasuki.comillasbranch?ref=tn_tnmn

ANG ALAMAT NG MAYA

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ALAMAT NG IBONG MAYA

Citation preview

Page 1: ANG ALAMAT NG MAYA

ANG ALAMAT NG

IBONG MAYA

By: Kasuki Comillas Branch Comillas, La Paz, Tarlac Follow the link: https://www.facebook.com/kasuki.comillasbranch?ref=tn_tnmn

Page 2: ANG ALAMAT NG MAYA

HalawNoong unang panahon, may isang batang maliit na may mamula-mulang buhok na parang buhok ng mais.

Page 3: ANG ALAMAT NG MAYA

Maganda din siyang kumanta. Ang pangalan

niya ay Maya.

Page 4: ANG ALAMAT NG MAYA

Subalit napakalikot niya. Talon dito, talon doon ang kaniyang laging ginagawa.

Page 5: ANG ALAMAT NG MAYA

Wala siyang inatupag kundi ang maglaro at kumain. Hindi pati siya mautusan ng kaniyang ina upang utusang magsaing.

Page 6: ANG ALAMAT NG MAYA

Dahil sa katamaran, nagtago si Maya sa baluyot.

Page 7: ANG ALAMAT NG MAYA

Dahil sa matagal na pagtatago, nakaramdam ng gutom si Maya. Kinain niya ang bigas na nakasilid sa baluyot.

Page 8: ANG ALAMAT NG MAYA

Maya-maya, may naramdaman siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Lumiliit siya at nagkakaroon ng ibang anyo.

Page 9: ANG ALAMAT NG MAYA

Samantala, hanap dito hanap doon ang ginawa ng ina ni Maya subalit hindi niya makita ang kaniyang anak.

MAYA!!nasaan

kana anak!!!

Page 10: ANG ALAMAT NG MAYA

Makalipas ang ilang araw, nakarinig siya ng kakaibang tunog mula sa loob ng baluyot.

Nang buklatin niya ang takip nito, may isang maliit na ibon doon.

Page 11: ANG ALAMAT NG MAYA

Maliit ito at may mamula-mulang balahibo. May mabining huni ito. Patalon talon at tila

malikot kumilos ang ibon.

Page 12: ANG ALAMAT NG MAYA

Napaiyak na lamang ang ina ni Maya sapagkat batid niya na ang ibon na ito ay ang

kaniyang anak na si Maya.

Page 13: ANG ALAMAT NG MAYA

Mula noon, ang ibon na ito ay tinawag nang IBONG MAYA.