3
14 ANG ALAMAT NG PUSÛ SA CEBU Noong unang panahon, may pook sa Cebu na tinatawag na Polambato sa bayan ng Bogo na ang mga tao ay laging kumakanta at sumasayaw para kay Bathala. Si Ulding, ang babaeng wala sa tono at matigas ang katawan, pinagtatawanan ng mga kapitbahay tuwing kumakanta at sumasayaw. Sa kabila nito, hindi siya nawalan ng pananalig kay Bathala. Patuloy siyang nagdarasal sa mga diyosa at sa mga ninuno niya. Dahil dito, naririnig niya ang pumanaw nang ina na laging nagsasabing, “Ulding kakaibang nilalang ka sa mundo.” Isang araw nag-alala si Ulding dahil hindi na bumalik mula sa pangingisda ang kanyang asawa. Ang kanyang anim na mga anak na sina Binaki, Manan-aw, Binosa, Dumpol, Badbaranay at Kinasing ay palaging umiiyak na naghihintay sa dalampasigan sa pagbabalik ng kanilang ama. Ngunit, hindi nawalan ng pag-asa si Ulding. Tinuruan niya ang kanyang mga anak kung paano magdasal nang taimtim. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng kanyang mga kapibahay na siya ang dahilan kung bakit hindi na

ANG ALAMAT NG PUSÛ SA CEBU...14 ANG ALAMAT NG PUSÛ SA CEBU Noong unang panahon, may pook sa Cebu na tinatawag na Polambato sa bayan ng Bogo na ang mga tao ay laging kumakanta at

  • Upload
    others

  • View
    848

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

  • 14

    ANG ALAMAT NG PUSÛ SA CEBU

    Noong unang panahon, may pook sa Cebu na tinatawag na Polambato sa bayan ng Bogo na ang mga tao ay laging kumakanta at sumasayaw para kay Bathala. Si Ulding, ang babaeng wala sa tono at matigas ang katawan, pinagtatawanan ng mga kapitbahay tuwing kumakanta at sumasayaw. Sa kabila nito, hindi siya nawalan ng pananalig kay Bathala. Patuloy siyang nagdarasal sa mga diyosa at sa mga ninuno niya. Dahil dito, naririnig niya ang pumanaw nang ina na laging nagsasabing, “Ulding kakaibang nilalang ka sa mundo.”

    Isang araw nag-alala si Ulding dahil hindi na bumalik mula sa pangingisda ang kanyang asawa. Ang kanyang anim na mga anak na sina Binaki, Manan-aw, Binosa, Dumpol, Badbaranay at Kinasing ay palaging umiiyak na naghihintay sa dalampasigan sa pagbabalik ng kanilang ama.

    Ngunit, hindi nawalan ng pag-asa si Ulding. Tinuruan niya ang kanyang mga anak kung paano magdasal nang taimtim. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng kanyang mga kapibahay na siya ang dahilan kung bakit hindi na

  • 16

    bumalik ang kanyang asawa dahil hindi siya magaling sumayaw at kumanta. Pero nananatiling madasalin si Ulding kay Bathala na sana bumalik ang kanyang asawa.

    Sa paglipas ng mga araw at buwan, ang mga anak ni Ulding ay unti-unting nagpapakita ng kani-kaniyang kakaibang husay. Si Binaki ay magaling sa pakikipag-usap sa mga espiritu at mga engkanto. Dahil dito, ang mga taong nais makipag-usap sa kanilang namatay na anak at magulang ay pumupunta sa kanya.

    Si Manan-aw ay kilala sa kaniyang taglay na kagandahan at magandang pag-uugali. Sa kanya pumupunta at nagpapatulong sa pagdarasal kay Bathala ang mga babaeng hindi nagkakaanak. Si Binosa naman ay may angking talino sa pagdarasal para sa lupa at sa bagong nagsisimulang pamilya upang guminhawa at lumigaya.

    Si Dumpol ang binigyan ng talino sa pagdarasal para sa magandang pagtubo ng mga puno at sa masaganang huli sa pangingisda sa ilang pook. Ang mga dasal ni Dumpol ay katulad ng huni ng mga ibon, na palaging nagdadala ng pag-asa.

    Si Badbaranay din ay may kakaibang taglay

  • 18

    na talino ng pagdarasal. Bawat taong may sakit na dinadasalan niya ay gumagaling. Kung kaya dinarayo siya ng mga taong may sakit.

    Ang bunsong anak ni Ulding na si Kinasing ay mahilig lumapit sa mga bata upang sila ay ipagdasal. Siya ay masayahin, kaya lahat ng mga lumalapit sa kanya ay nahahawa sa kanyang pagkamasayahin.

    Isang araw, dumating ang malakas na bagyo, namatay ang maraming tao kasama lahat ng mga anak ni Ulding. Unti-unting nawala ang pananalig ng mga tao sa pagdarasal.

    Sa sobrang kalungkutan, ibinuhos ni Ulding ang kanyang panahon sa pagluluto. Kumuha siya ng “lukay” at nilagyan niya ng bigas sa loob. Gumawa siya ng iba’t ibang hugis at ipinangalan niya sa kanyang anim na anak. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa malaking palayok at pinakuluan. At inalay niya ito sa mga diyos at diyosa bilang pag-alala sa kanyang mga anak na pumanaw.

    Kailangang hiwain ito sa gitna dahil inihalintulad nya ito sa isang puso. Dapat ding maniwala sila sa mataimtim na pagdarasal at pananalig sa Maykapal.

    Hindi nagtagal, tumanda si Ulding at siya ay binawian ng buhay. Ang tanging yaman na kanyang iniwan ay ang ang taimtim na pagdarasal na may kasamang puso.

    Ang pusu ay isang tanyag na pagkain na makikita sa iba’t ibang lugar dito sa Cebu na kilala sa tawag na “hanging rice” na may iba’t ibang hugis.