88
ANG ALAMAT NG BAYABAS Ang alamat ay nagkukwento ng pinagmulan ng isang bagay. Nakalilibang itong basahin sapag ito'y nagbibigay impormasyon at aral mula sa alamat lalo na sa mga batang mag-aaral. Isang napakagandang alamat ang pumukaw sa aking atensyon upang gawing halimbawa para sa mga bata at ito ay ang alamat ng bayabas. Narito ang maikling salaysay mula sa alamat ng bayas. Noong unang panahon, may isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang utusan ang kanyang mga alipin. Tuwing may mga handaan ay sobra syang maghanda. Kahit na may mga natirang pagkain ay hindi sya namimigay kahit na alam niyang maraming nangangailangan. Isang araw habang nagpipyesta ang hari ay may lumapit na isang pulubi ang lumapit sa kanya at humingi ng pagkain. Sa halip na bigyan ay pinalayas niya ito. Nagalit ang pulubi sa kanya at nagsabi na bibigyan siya ng leksiyon. Bigla na lng naglaho ang hari at lumitaw ang isang halaman. Napansin ng mga tao na nagbunga ito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. at ito na ang ang kanilang sakim na hari. Mula noon ay tinawag na nila itong bayabas. Sa alamat na ito ay nagbigay ng isang magandang aral sa pangit na pag-uugali ng hari. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang makuha ang gusto. Hindi sya naging magandang halimbawa ng tao at ng kahit ng pamumuno sa kanyang mga nasasakupan. Bilang tao dapat tayong magmalasakit sa mga taong nakapaligid natin at kailangan nating magpakita ng mabuting pag-uugali. Hindi maganda ang maging isang sakim. Sa atin namang gobyerno, dapat din isalang-alang ang maayos na pamumuno. May mga opisyales na dapat gampanan ang kanilang mga tungkulin. Alamat ng Saging

Ang Alamat Ng Bayabas

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Alamat Ng Bayabas

ANG ALAMAT NG BAYABAS

     Ang alamat ay nagkukwento ng pinagmulan ng isang bagay. Nakalilibang itong basahin sapag ito'y nagbibigay impormasyon at aral mula sa alamat lalo na sa mga batang mag-aaral. Isang napakagandang alamat ang pumukaw sa aking atensyon upang gawing halimbawa para sa mga bata at ito ay ang alamat ng bayabas.     Narito ang maikling salaysay mula sa alamat ng bayas.     Noong unang panahon, may isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang utusan ang kanyang mga alipin. Tuwing may mga handaan ay sobra syang maghanda. Kahit na may mga natirang pagkain ay hindi sya namimigay kahit na alam niyang maraming nangangailangan. Isang araw habang nagpipyesta ang hari ay may lumapit na isang pulubi ang lumapit sa kanya at humingi ng pagkain. Sa halip na bigyan ay pinalayas niya ito. Nagalit ang pulubi sa kanya at nagsabi na bibigyan siya ng leksiyon. Bigla na lng naglaho ang hari at lumitaw ang isang halaman. Napansin ng mga tao na nagbunga ito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. at ito na ang ang kanilang sakim na hari. Mula noon ay tinawag na nila itong bayabas.     Sa alamat na ito ay nagbigay ng isang magandang aral sa pangit na pag-uugali ng hari. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang makuha ang gusto. Hindi sya naging magandang halimbawa ng tao at ng kahit ng pamumuno sa kanyang mga nasasakupan. Bilang tao dapat tayong magmalasakit sa mga taong nakapaligid natin at kailangan nating magpakita ng mabuting pag-uugali. Hindi maganda ang maging isang sakim. Sa atin namang gobyerno, dapat din isalang-alang ang maayos na pamumuno. May mga opisyales na dapat gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Alamat ng Saging

Page 2: Ang Alamat Ng Bayabas

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

 

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Page 3: Ang Alamat Ng Bayabas

 

ALAMAT NG MANGGAALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

ALAMAT NG HAGDAN-HAGDANG PALAYAN SA IFUGAOALAMAT NG HAGDAN-HAGDANG PALAYAN SA IFUGAO

Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, "Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?" Si G. Malintong ang guro ay sumagot, "Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan."

Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. "Noong pang kaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,a'y sa Bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigansubali't walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya'y tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Spagka't napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang magpatuloy ang buhay, sila'y nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito'y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi

Page 4: Ang Alamat Ng Bayabas

nagtagal dumami ang tao.

Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, "Kilala kitang mabuting tao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga Diyoses." "Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?"

Ang Dakilang Diyos ay sumagot, "Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng cañaoaraw at gabi ng tatlong araw na sinkad upang ako'y ipagbunyi. Kung ako'y msiyahan, uunlad ang inyong tribo."

Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda hangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni Kabunian. Siya'y nagsalita, "Mabuti anak. Ako'y nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita'y bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagi'y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik at ang batonngbuhay na yaon," tuloy turo sa duminding, ' ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon."

"Salamat po, Diyos ko," ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayo'y ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman ng palay na itinayo n gating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya

T U E S D A Y , M A Y 1 2 , 2 0 0 9

‘HUDHUD HI ALIGUYON’ : ALAMAT NI ALIGUYON

‘Hudhud Hi Aliguyon’ : Alamat Ni Aliguyon

Page 5: Ang Alamat Ng Bayabas

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, siPumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad niAliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

ANG PINAGKUNAN‘Hudhud hi Aliguyon,’ An Ifugao Legend of the Hero, Aliguyon,Introduction to Philippine Folklore,http://folklore.philsites.net/stories/heroism1.html

Posted by Mellec Computer Centerat 12:51 AM 5 comments:  

Labels: alamat

Page 6: Ang Alamat Ng Bayabas

M O N D A Y , M A Y 1 1 , 2 0 0 9

ALAMAT NI MARIANG MAKILING

Ang Alamat Ni Mariang Makiling

SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwatao diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat niMariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwatasa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay.Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk) na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong(talón, heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha (pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta satalipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo(basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pangsalapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla(seda, silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng pamilihan” nuon, at

Page 7: Ang Alamat Ng Bayabas

lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga “paninda.” Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa “pagtawad” sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dulaang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Marianang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang.

ANG MGA PINAGKUNAN‘Mariang Makiling,’ by José Rizal, translated by Austin Craig, The Life and Writings of Dr. José Rizal, Dr. Robert L. Yoder, webmaster,http://rizalslifewritings.tripod.com/kids/mariang-makilin.htm‘Mariang Makiling,’ as retold by Gat. Jose P. Rizal from Northern Luzon, http://folklore.philsites.net/stories/legend1.html‘The Legend of Mariang Makiling,’ Filipino Myths and Legends,www.filipino.com.au/categ/culture/makiling.htm

http://www.elaput.org/almat22.htm

Posted by Mellec Computer Centerat 11:55 PM 1 comment:  

Labels: alamat, mariang makiling

W E D N E S D A Y , A P R I L 2 9 , 2 0 0 9

ALAMAT NG OLONGAPOAng Alamat ng Olongapo(Bahagi ng Sentral Luson)Isinulat ni Rene Alba

Ang bayan ng Olongapo ay bahagi ng Zambales. Isa sa pinakamasayang lungsod ng Sentral Luson. Malapit din ito sa Subic Bay. Ito ay naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang PINATUBO. Kung bakit naging OLONGAPO ay siya nating malalaman sa ating alamat.

May isang binata ang pangalan ay Dodong. Isa siyang magsasaka at malawak ang kanyang sakahan. Sa kanilang bayan siya ay napamahal na sa kanyang mga kababaryo. Isa siyang

Page 8: Ang Alamat Ng Bayabas

matulungin kaya kinagiliwan siya ng mga tao. Siya ay napabantog sa pangalang APO at ito ang nakasanayang itawag sa kanya ng mga kabataan at mga matatanda.

Sa kabilang nayon ay may isang dalaga at tunay na Pilipina kung kumilos. Si Nene ang ngalan ng mayuming babae. Naging kaibigan ito ni Dodong o APO ngunit malaki ang agwat ng kanilang idad. Nalipat ng tirahan ang pamilya ni Nene. Ito ang dahilan at hindi na sila nagkita ni APO.

Lumipas ang maraming araw at buwan. Isang araw sa hindi inaasahang pagkakataon habang naglalakad si APO sa isa sa mataong lugar ng bayan ay bigla silang nagkasalubong ni Nene. Dalagang-dalaga ka na ang bati ni APO kay Nene. Lalong gumanda ang dalaga. Pagkatapos ng batian at balitaan ay inalok ni APO ang dalaga na kung puwede siyang ihatid nito. Bigla naman pinaunlakan ito ng dalaga.

"Tatang, Nanang, nandito po si APO ang masayang sigaw ni Nene, dadalawin po kayo."

"Dodong!" Kumusta ka! Mabuti naman at napasyal ka rito sa amin," ang wika ng tatay ng dalaga.

"Kumusta na po kayo? ang magalang na tugon ng binata. Pasensiya nap o kayo at hindi na ako nakakapagbayanihan dito sa inyo."

"Huwag mong alalahanin at alam naming abala ka rin sa gawain mo sa iyong bukirin. Kapag kakailanganin mo kami ay magpasabi ka lamang ang wika ng tatang ni Nene.

"Salamat sa inyo!" Hayaan po ninyo at tuwing Sabado ay dadalawin ko kayo rito. Nang sa gayon makatulong ho ako kahit papano, ang sabi ng binata.

Magmula noon ay madalas ng magkita ang binata at dalaga. Naging magkalapit sila sa isa't isa. Hanggang sa naging magkatipan. Hindi naman naging hadlang ang mga magulang ni Nene.

Isang umaga ay may dumaong na malaking bangka lulan nito ang mga lasing na Kastila. Namataan nila si Nene sa tabing dagat. Mayroong itatanong sa dalaga ang mga ito ngunit hindi ito maintindihan ng dalaga sa halip tumango na lamang. Ang buong akala ng mga lasing na Kastila ay pumapayag ang dalaga sa kanilang gusto hanggang sa niyapos at pinaghahalikan ang dalaga. Sumigaw si Nene at humingi ng saklolo.

Agad tinawag ng mga tao si Apo upang ipaalam ang nangyari sa katipan. Nagulantang si APO at sinugod nito ang mga Kastila at lumaban. Ngunit dahil sa marami at armado ang mga ito, sa kasamaang palad si APO ay namatay. May patakaran ang mga walang pusong Kastila para huwag pamarisan ay pinutol nila ang ulo ni APO at isinabit sa isang kawayan.

"Ulo ng Apo! Ulo ng Apo!" ang sigawan ng mga bata.Ang pagkaintindi ng mga Kastila ang pangalan ng nasabing lugar ay ULO ng GAPO hanggang tumagal ay naging OLONGAPO. Ito ang bayan ng Olongapo sa lalawigan ng Zambales isa sa pinaka-kontrobersyal na Lunsod sa Sentral Luson.

Page 9: Ang Alamat Ng Bayabas

Posted by Mellec Computer Centerat 3:36 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng olongapo

ALAMAT NG MALATEAng Alamat ng Malate(Bahagi ng Maynila)Isinulat ni Rene Alba

Ang Malate ay isang lugar sa Maynila. Ito ay karugtong ng Mabini at Harrison, malapit sa Roxas Boulevard at sa tabi nito ay dagat. Kung paano naging Malate ay siya nating isasalaysay.

Mayroong dalawang magkapatid na si Maria at si Jose. Madalas silang naliligo sa tabi ng dagat.

Isang araw habang naliligo ang magkapatid ay may napadaang mga dayuhan at ito ay ang mga Kastila.

Sa maraming pagkakataon ang mga dayuhan ay mahilig magtatanong sa mga pook at lugar na kanilang dinaraanan pagkat bahagi ito ng kanilang pagsisiyasat.

Nang mga sandaling yaon ang magkapatid ay nag-aayos ng kanilang dalang baon. Kakain na lamang sila ng mapuna nila na wala pala silang dalang tubig, mabuti pa yata'y uminom na lang tayo ng tubig sa dagat ang wika ni Jose. Biglang tumungo ito sa dagat at tinikman ang tubig.

Samantala ang mga kastila na namamasyal ay palapit kay Maria at itinatanong sa kanya ang pangalan ng pook sa wikang Kastila. Hindi ito maintindihan ni Maria sa halip ay tinawag ang kapatid na si Jose, kasalukuyang tumitikim si Jose ng tubig sa dagat.

Pasigaw na pinaalam nito kay Maria ang tubig dagat. "MA-ALAT ATE! MA-ALAT ATE!"Narinig ito ng mga Kastila at inakala ng mga ito na ang pasigaw na sinabi ni Jose ay ang pangalan ng pook. Magmula noon ay pinangalanan at tinawag ng mga Kastila ang nasabing pook na MALATE, hango sa tubig dagat na ma-alat ate!

Posted by Mellec Computer Centerat 3:33 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng malate

ALAMAT NG KASOYALAMAT NG KASOY

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang

Page 10: Ang Alamat Ng Bayabas

kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

"Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan."

Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

"Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?"

"Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito."

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto."

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.

"Ga...Ganito pala sa labas. Ma...Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A...Ayoko na sa labas."

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Page 11: Ang Alamat Ng Bayabas

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:24 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng kasoy

ALAMAT NG KAMATSILEALAMAT NG KAMATSILE

Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga. Sa tabi nito'y may nagsitubong iba't ibang mga punong may magagada't mababangong bulaklak na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na maipagmalaki, nguni't maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na mga sanga. Subali't di man ito makatawag-pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating malabis ng abang puno ng kamatsile.

Isang araw, malakas na naibulalas ng kamatsile ang kanyang hinanakit. "Naku! Anong pagkalungkot-lungkot na buhay itong akin. Kung ako ba'y nagtataglay ng bulaklak na katulad ng mga katabi kong puno, sana'y makagagayuma rin ako sa mga taong dito'y nagsisipagdaan."

Ang ganyan niyang himutok ay umabot sa pagdinig ng cadena de amor na gumagapang sa kanyang paanan. Kaya't ang daing ng kamatsile ay kanyang sinagot. "Madaling lutasin iyan, kung nais mong magkaroon ng bulaklak na kaakit-akit ay tulutanmong ako'y mangunyapit sa iyong mga sanga."

Ang kamatsile ay sumang-ayon sa magandang mungkahi ng cadena de amor. Di naglipat araw at ang dating nag-iisang puno ng kamatsile ay nag-uumugong sa mga bubuyog na sa kanya'y laging nag-kukumpol-kumpol. Ang mga tao naman ay di siya iniiwan ng tingin.

Nguni't pagkalipas ng ilang linggo ay di na makatagal sa sukal na sa kanyang sanga ay nakabalot. Kaya't sa cadena de amor, siya'y di makatiis na di magpahayag ng kanyang dinaramdam. "Oo ngat ako'y hinahangaan ng maraming tao, di ko naman malanghap ngayon ang mabangong simoy ng hangin, di ko man lamang masilayan ang mga baging na iyong ibinalabal sa akin.

"Subali't ano mang pagsusumamo ng abang puno ng kamatsile ay nawalan ng saysay sa lubos na nasisiyahang cadena de amor. Nguni't sa malaking habag ng Maykapal ay pinagkalooban din siya ng pananggalang sa cadena de amor. Ang tinik na magpahanggang sa ngayon ay nagmamalasakit sa kanya.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:23 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng kamatsile

ALAMAT NG DURIANALAMAT NG DURIAN

Page 12: Ang Alamat Ng Bayabas

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi'y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Page 13: Ang Alamat Ng Bayabas

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:21 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng durian

ALAMAT NG DURIANALAMAT NG DURIAN

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi'y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Page 14: Ang Alamat Ng Bayabas

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:21 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng durian

ALAMAT NG MINDANAOALAMAT NG MINDANAO

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.

Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng

Page 15: Ang Alamat Ng Bayabas

prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.

Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.

Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.

Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan .

Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.

Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.

Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:20 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng mindanao

ALAMAT NG ILOG PASIGALAMAT NG ILOG PASIG

Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan

Page 16: Ang Alamat Ng Bayabas

na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon.

"Paz sigueme! Paz, sigueme!" Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay "Paz sig!" Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang "Pasig" o Ilog Pasig.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:19 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng ilog pasig

ALAMAT NG HAGDAN-HAGDANG PALAYAN SA IFUGAOALAMAT NG HAGDAN-HAGDANG PALAYAN SA IFUGAO

Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, "Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?" Si G. Malintong ang guro ay sumagot, "Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan."

Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. "Noong pang kaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,a'y sa Bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigansubali't walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya'y tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Spagka't napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang magpatuloy ang buhay, sila'y nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito'y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.

Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, "Kilala kitang mabuting tao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin,

Page 17: Ang Alamat Ng Bayabas

kakasihan ka ng mga Diyoses." "Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?"

Ang Dakilang Diyos ay sumagot, "Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng cañaoaraw at gabi ng tatlong araw na sinkad upang ako'y ipagbunyi. Kung ako'y msiyahan, uunlad ang inyong tribo."

Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda hangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni Kabunian. Siya'y nagsalita, "Mabuti anak. Ako'y nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita'y bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagi'y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik at ang batonngbuhay na yaon," tuloy turo sa duminding, ' ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon."

"Salamat po, Diyos ko," ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayo'y ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman ng palay na itinayo n gating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:18 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng hagdan-hagdang palayan sa ifugao

ALAMAT NG CHOCOLATE HILLSALAMAT NG CHOCOLATE HILLS

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."

"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang

Page 18: Ang Alamat Ng Bayabas

lugar na parang lumilindol.

"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:10 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng chocolate hills

ALAMAT NG ROSASALAMAT NG ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:09 AM 2 comments:  

Labels: alamat, alamat ng rosas

Page 19: Ang Alamat Ng Bayabas

ALAMAT NG PIPINOALAMAT NG PIPINO

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa't anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.

Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa't hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.

"Paula, Paula, " ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, "Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot."

Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka't marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.

"Saan ba ako kukuha ng oiso?" ang sagot ni Paula. "At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo'y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak."

Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.

"Paula, maghain ka nga," ang utos niya sa asawa. "Nagugutom ako."

Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.

"Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso," ani Paula. "Siya'y hindi pa kumakain sapagka't inutusan ko."

Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.

Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.

"Inay, wala na pong ulam at kanin a," ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. "Simot na simot po ang mga palayok."

"Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?" ang usisa naman ni Paula.

"Aba tinirhan ko," ang pagsisisnungaling ni Rupino. "Baka kinain ng hayop." At si Rupino ay

Page 20: Ang Alamat Ng Bayabas

lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.

Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid.

Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.

Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.

"Aba, ano ang nangyari sa iyo?" ang usisa ni Paula. "Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?"

"Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. "Natalo ako sa tupada."

"Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?" ang ika ni Paula. "Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo."

"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko.

"Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni't talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo."

Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.

Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo'y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.

"Inay, paano ang gagawin natin ngayon?" ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. "Nasayang lamang ang pagod natin."

"Bayaan mo na anak, at ako'y maghahanap ng maipagbibili," ang wika ni Paula. "Makakaraos din tayo sa awa ng Dios."

Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka't

Page 21: Ang Alamat Ng Bayabas

at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.

Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.

"Kakain ka na ba?" ang tanong ni Paula. "malapit ng maluto ang ulam."

"Huwag mo akong abalahin," ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.

Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.br>

"Ang lambat?" Nasaan ang lambat?" ang humahangos niyang usisa. "Ano ang ginawa mo sa lambat?"

"Ha? Lambat?" ang walang tutong sagot ni Paula. "A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam."

"Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!" Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. "Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?"

"Diyos ko!" ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. "Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!"

At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.

Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: "Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka'y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya'y patay na ay makatulong sana siya sa inyo"

Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka't ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:07 AM No comments:  

Page 22: Ang Alamat Ng Bayabas

Labels: alamat, alamat ng pipino

ALAMAT NG PIPINOALAMAT NG PIPINO

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa't anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.

Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa't hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.

"Paula, Paula, " ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, "Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot."

Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka't marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.

"Saan ba ako kukuha ng oiso?" ang sagot ni Paula. "At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo'y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak."

Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.

"Paula, maghain ka nga," ang utos niya sa asawa. "Nagugutom ako."

Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.

"Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso," ani Paula. "Siya'y hindi pa kumakain sapagka't inutusan ko."

Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.

Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.

"Inay, wala na pong ulam at kanin a," ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. "Simot na simot po ang mga palayok."

"Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?" ang usisa naman ni Paula.

Page 23: Ang Alamat Ng Bayabas

"Aba tinirhan ko," ang pagsisisnungaling ni Rupino. "Baka kinain ng hayop." At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.

Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid.

Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.

Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.

"Aba, ano ang nangyari sa iyo?" ang usisa ni Paula. "Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?"

"Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. "Natalo ako sa tupada."

"Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?" ang ika ni Paula. "Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo."

"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko.

"Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni't talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo."

Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.

Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo'y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.

"Inay, paano ang gagawin natin ngayon?" ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. "Nasayang lamang ang pagod natin."

"Bayaan mo na anak, at ako'y maghahanap ng maipagbibili," ang wika ni Paula. "Makakaraos din tayo sa awa ng Dios."

Page 24: Ang Alamat Ng Bayabas

Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka't at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.

Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.

"Kakain ka na ba?" ang tanong ni Paula. "malapit ng maluto ang ulam."

"Huwag mo akong abalahin," ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.

Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.br>

"Ang lambat?" Nasaan ang lambat?" ang humahangos niyang usisa. "Ano ang ginawa mo sa lambat?"

"Ha? Lambat?" ang walang tutong sagot ni Paula. "A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam."

"Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!" Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. "Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?"

"Diyos ko!" ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. "Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!"

At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.

Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: "Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka'y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya'y patay na ay makatulong sana siya sa inyo"

Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na

Page 25: Ang Alamat Ng Bayabas

iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka't ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:07 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng pipino

ALAMAT NG PALAYALAMAT NG PALAY

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Sila ay maligaya roon.

Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot.

Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.

Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw.

Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.

Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at sila'y at nagging matalino.

Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayo'y bibigyan ko ng butyl. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga."

"Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo."

Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:06 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng palay

ALAMAT NG KAWAYANALAMAT NG KAWAYAN

Page 26: Ang Alamat Ng Bayabas

Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.

Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.

Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya pagka't tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.

Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.

Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan.

Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.

Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.

Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.

Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.

Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't makikitid ang mga dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng

Page 27: Ang Alamat Ng Bayabas

lubhang ikinagalak ni Kawayan.

Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso nino man.

Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:04 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng kawayan

ALAMAT NG ILANG-ILANGALAMAT NG ILANG – ILANG

Maraming nagtataka kung bakit hile-hilera ang di mabilang na puno ng ilang-ilang sa Pampang sa Ilog ng Pancipit.

Ang ilog ay homuhoho sa Look ng Balayan. Ang tubig ay galling sa Lawa ng Taal.

Balita ang Ilog Pancipit sa mga isdang-tabang na nahuhuli rito tulad ng maliputo, lumulukso, at tawilis na di nakikita sa alinmang dagat ng Pilipinas. Makasaysayan ang ilog sapagkat si Salcedo na apo ni Legaspi ay diti nasugatan sa pakikipaglaban sa mga negritong pawing nasasandatahan ng makamandag ng palaso.

Ang dalampasigan ng Balayan Bay ay makasaysayan din sapagkat ditto nagtayo ng bayan-bayanan sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela. Magugunita na ang dalawang datung ito ay tumakas galling Borneo upang makaiwas sa kalupitan ng kanilang hari.

Mula sa bunganga ng Bay paitaas sa ilog ay dalawang oras lamang ang tagal sa pamamangka papuntang Lawa ng Taal.

Sa gitna ng lawa nakatayo ang Bulkan ng Taal. Sa lahat ng bulkan sa buong daigdig ito ang may pinakmalaking bibig(crater).

May mga nayon sa dalampasigan ng bulkan. Sa isa sa mga nayon ay may naninirahang magandang dalada na ang pangalan ay Cirila Mabanlo. Ang palayaw sa kanya ng mga tao sa nayon ay Ilang.

Mahal si Ilang ng mga tag nayon.. Siya'y maganda, mabait, at matulungin sa kapwa. Balita ang kanyang kagandahan sa lahat ng sulok ng magkakaanib o kaaway na balangay.

Maraming tagahanga si Ilang, mga binatang manliligaw at tagasuyo. Isa n rito si Lanubo. Siya'y karibal ni Baknotan sa pangingubig.

Page 28: Ang Alamat Ng Bayabas

Kung si Ilang balita sa kanyang kagandahan, si Lanubo nama'y sa kanyang lakas, pagkamaginoo, katapatan, at katapangan. Subok siya sa arnis at buno at dalubhasa sa pangangaso sa gubat.

Sina Ilang at Lanubo ay uliran sa pagmamahal. Sila'y dalawang pusong pinagtambal ng tumutungga sa saro ng ligaya.

Ang ina ng dalaga ay balo. Siya'y sang-ayon sa pag-iibigan ng dalawa. Ano pa ang hahanapin sa isang magiging manugang na lalaking paborito ng nayon?

Makalipas ang sambuwan, hiningi ni Lanubo sa ina ang kamay ni Ilang. Si Lanubo ay tuwan tuwa at nagsimula na ng paghahanda sa darating n gasal.

Binibilang na ang mga araw at ang binata't dalaga ay haharap na sa dambana. Hinihintay na lamang ang nalalapit na anihan.

Isang araw siya'y lumabas sa kagubatan upang mangaso, kasama ang kanyang mga kaibigan. Sila'y manghuhuli ng usa at baboy-ramo na lilitssnin sa kasalan.

Nagpaalaalp si Ilang kay Lanubo, "Mabuti yata't maiwan ka rito. Huwag sumama sa kanila. Ang katiwala mo ang siyang kausapin mong mangulo sa pangangaso. Mayroon tayong pamahiin na ang nobyo raw ay huwag aaalis ng tahanan pag malapit nang ikasal pagka't baka may mangyaring kapahamakan!"

"Iya'y isa lamang pamahiin. Ako'y sasama sa kanila.Sa ikatlong araw babalik kami agad!"

Nabatid ni Baknotan na wala si Lanubo. Siya'y nagpunta sa bahay ni Ilang ng sumunod na gabi.

"Ako'y nagmula sa malayo upang ungkatin muli ang pag-ibig na hanggang ngayo'y sariwa. Minan pang gusto kong patotohanan ang aking pagmamahal!"

"Hindi ka sana naparito sad is oras ng gabi! Noong huli mong bisita ay sinabi ko sa iyo na hindi kta iniibig. Ang puso ko ay naisanla ko na kay Lanubo! Ako'y nalulungkot! Hindi ako maaaring magmahal sa dalawa! Iisa ang aking puso! Ipagpatawad mo. Ipinagtatapat ko sa iyong kami'y ikakasal na sa darating na lingo!"

"Ano mayroon so Lanubo na wala ako? Bakit k a natataranta sa kanya?"

"Siya'y lalaking marangal!"

"Lalo akong marangal! Mayaman pa!"ang sagot na nagyayabang ngunit ang totoo'y siya'y kalog at panot pa!

"Maaari ba? Umalis ka na! Ako'y nag-iisa! Igalang mo ang aking katahimikan!"

"Oo, aalis ako, ngunit sa aking pag-alis kita'y isasama. Sasama ka upang mamuhay o manatili ka ngunit aisa ng bangkay! Alin ang iyong pipilii?"

Page 29: Ang Alamat Ng Bayabas

"Ako'y mananatili saanman naroon si Lanubo!"

"Si Lanubo ay aking papatayin!"

"Permiso, sandali. Ikukuha kita ng maiinom. Palamig!"

"Gusto mong tumakas? Ang bahay mo ay nasasakupan ng aking kawal!Sa gusto mo sa hindi, sasama ka sa akin!" tuloy yapos.

Si Ilang ay nanglaban kinagat niya ang ilong at tenga ng kalog!

Nasaktan ang balatkayo. Nagalit at tinampal ang dalaga. Hindi nagkasya sa tampal at sinuntok pa ito sa panga. Kinuha sa lukbutan ang kris at sinaksak. Ang tampalasang lalaki ay tumakas.

Kinaumagahan, si Lanubo at ang mga kasama ay dumating galling sa pangangaso. Nabatid nila ang sakunang nangyari kay Ilang.

Ang unang pumasok sa isip ni Lanubo ay hanapin si Baknotan at maghiganti!

Pinapayuhan siya nang mga kaibigan na ang unahin ay ang paglilibing kay Ilang. Pihong nagtatago na raw si Baknotan. "Hintayin natin ang magandand pagkakataon! Ang katarunagan ay marunong maghintay!"

Si Lanubo ay larawan ng hinagpis! Siya'y nanangis, "Ilang ,Ilang, patawarin mo ako. Kung ako'y nakinig sa iyo na huwag umalis, disi'y hindi nangyari ito!"

Si Ilang ay inilibing sa burol na malapit sa bisita ng nayon. Si Lanubo ay nagbantay araw at gabi. Siya'y nagtaka nang makitang araw araw ay maraming bulaklak na nangagkalat sa puntod. Ang mga bulaklak pala ay nanlalaglag buhat sa malaking punongkahoy na nakayungyong sa puntod.

Noong mga unang araw ang punong ito ay walang bulaklak ngunit malalago ang dahon. Ngayo,y nakapagtataka! Kakaunti ang mga dahon subalit hitik sa bulaklak! Ang bulaklak ay dilaw mahaba, at makitid ang mga talulot. Ito'y mahalimuyak!

Bilang tagapagpagunita kay Ilang tinawag na balangay ang puno ng halaman ng Ilang-ilang!

Maraming taon ang lumipas subalit nanatiling binata si Lanubo. Ayaw niyang mag-aswa.

Pinatawad niya si Baknotan at nilimot ang tangkang paghihiganti. Naganap ang katarungan ni Bathala pagka't ang lalaki ay nagkasakit ng ketong.

Nang maging gobernadorcillo si Lanubo Noble sa magkakaratig n balangay, kanyang iniutos sa mga mamamayan na magtanim ng Ilang-ilang sa lansangan, liwasan,aplaya at pampang ng ilog.

Mabango ang simoy ng amihan sa pampang sa ilog ng Pancipit dahil kay Cirila Mabanlo ang

Page 30: Ang Alamat Ng Bayabas

pangunahing tauhan ng alamat na ito.

Posted by Mellec Computer Centerat 3:02 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng ilang-ilang

ALAMAT NG ALAGAWALAMAT NG ALAGAW

Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigan natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.

Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito,: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ating balangay."

"Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."

Si Marahas nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."

Naghiwalay sila.

Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galling kay marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamanginiwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan.

Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman.

Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.

Page 31: Ang Alamat Ng Bayabas

Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak.

Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan,iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.

Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...

Posted by Mellec Computer Centerat 2:59 AM No comments:  

Labels: alamat, alamat ng alagaw

ALAMAT NG BULKANG TAALALAMAT NG BULKANG TAAL

Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.

Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.

Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak.

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay.

Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:

"Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa."

"Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?"

"Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.

Page 32: Ang Alamat Ng Bayabas

"Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina."

"Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina," sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.

Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.

"Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!"

"Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu.

Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.

"Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo," paliwanag ng Datu.

"Salamat ng marami po, Ama ko," ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo."

Ilang sandali pa ang lumipas. " Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na," pakiusap ng Datu.

"Siya pong mangyayari Ama ko," Sagot ng Prinsesa.

Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.

Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.

Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.

Page 33: Ang Alamat Ng Bayabas

Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.

Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. "Isang himala ito!' laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?."

Kaya't ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa.

Subali't ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.

Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.

Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.

Nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.

Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.

Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.

Posted by Mellec Computer Centerat 2:57 AM

Page 34: Ang Alamat Ng Bayabas

Mga Alamat ng Pilipinas by Katig.ComPhilippine Legends or Folklore

Ano ang alamat?Bakit nagiging kapani-paniwala ang mga alamat?Ano ang kahalagahan ng alamat?Bakit may iba't-ibang bersiyon ang isang alamat?Bakit hinayaan ng mga Kastila na lumaganap ang alamat ni Bernardo Carpio?

Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.

Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian okapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ngpagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi magandatulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.

Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula nuong unang panahon at eto aynagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ang alamat ay pinaniniwalaan ngmaraming tao na tutoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa atingpanitikan o sa ating kultura.

Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ngsumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Eto ay maaaring sa hangarin na isanobela, isadula o isa-pelikula ang isang alamat.

Halimbawa ang isang bersiyon ng alamat ni Bernardo Carpio ay sinasabing sadyang pinalaganap ng mga Kastila upang mapigilan ang namumuong himaksikan ng mga Pilipino laban sa mga mananakop.

Ibang bersiyon naman ang pinalalaganap ng ibang mga magulang sa hangaring angkanilang mga anak ay huwag matakot kapag lumilindol sapagkat eto ay likha lamangni Bernardo tuwing nagtatangkang kumawala sa nag-uumpugang bato.

Bagama’t maraming bersiyon ang alamat, ang mga eto ay nagkakaisa sa paglalarawan kay Bernardo na isang matipuno at makisig na lalaki. Ang pagkakaiba ng iba't-ibang bersiyon ay ang pagtalakay kung bakit, papaano, at sino ang naging sanhi ng kanyang pagkaipit sa nag-uumpugang mga bato.

Other Philippine Legends or Folklore:Alamat ni Bernardo Carpio   (The Legend of Bernardo Carpio) Ang Alamat ng Pinya   (The Origin of Pineappl

Page 35: Ang Alamat Ng Bayabas

ng Alamat ng Lansones - Legend of the LanzonesEmail ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook

English version at the bottom

Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang prutas ngunit wala sino man ang mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay ayaw gawin ng mga taong bayan.

Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.

May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno. 

Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain.

Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.

Page 36: Ang Alamat Ng Bayabas

Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.

Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.

Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.

Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating "lason" ay naging "lansones". 

The Legend of the Lanzones (English Translation)

Once upon a time, in a town called Laguna, there were many trees whose fruits were round and pale. They looked delicious but nobody dared eat its fruits for they were rumored to be poisonous. The people were even afraid of coming near the tree out of fear.

This proved to be true when one day a stranger came to their town. The old and wearied traveler didn’t know that it was poisonous so he sat down under the tree to rest. He was hungry so he picked a fruit and ate it.

Page 37: Ang Alamat Ng Bayabas

One of the townsfolk saw this and tried to stop the old man from eating it but he was too late. The old man had already eaten it and was already shaking and convulsing while his mouth foamed white. This made the townsfolk more afraid of the dreaded tree.

Alamat ng Dahlia - The LegendEmail ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook

TAGALOG VERSION

English Version at the Bottom

Noong unang panahon, may isang babaeng naging tanyag dahil sa kanyang angking kagandahan. Ang dalagang ito ay nag ngangalang Dahlia.

Sa buong sulok ng bayan at maging sa mga ibayong dako ay rinig ang tungkol sa kagandahan ng dalaga. Si Dahlia ay may mapupungay na mga mata, mahaba at itimang buhok, mapupulang mga labi at makinis na kutis. Dahil sa kanyang angking kagandahan, maraming mga binata ang naglalayong makuha ang kamay ng dalaga upang mapangasawa.

Ngunit si Dahlia ay mailap sa mga tao. Siya ay naninirahang mag-isa malayo sa kabahayan ng mga taong bayan. Tuwing may mga binatang umaaligid sa kanya at nais magtapat ng kaninlng pag-ibig, siya as nagtatago sa kanyang bahay. Hindi ito lalabas hanggang sa ang mga binata ay mawalan ng gana sa pag-aantay at mag-kusang umalis ng hindi nasisilayan ang dalaga.

Kadalasan, si Dahlia ay nagpupunta sa kakahuyan at doon namimitas ng mga ligaw na halaman na may mga magagandang bulaklak. Sa pag-uwi nya, itinatanim niya ang mga halaman sa kanyang hardin, kaya ang kanyang hardin ay puno ng mga magagandang bulaklak.

May isang binatang nakarining tungkol sa kagandahan ng dalaga at ng masilayan nya ito, si Juan ay nahalina kay Dahlia. Naging masugid si Juan sa panliligaw sa dalaga. Bagamat hindi siya hinaharap ng dalaga, hindi siya sumuko na kausapin at ipahayag ang kanyang pag-ibig. Alam ni Juan na naririnig ni Dahlia ang kanyang mga sinasambit. 

Araw-araw dinadalaw ni Juan si Dahlia. Dahil napansin nito na mahilig ang dalaga sa mga

Page 38: Ang Alamat Ng Bayabas

bulaklak, araw-araw din itong may dalang mga bulaklak para sa kanya.

Ito ay nagpatuloy hanggang sa, dahil na rin sa mga bulaklak, unti-unting lumabas si Dahlia at nakipag-usap sa binata. Nahulog rin ang loob ng dalaga sa binata, hanggang sa sila ay naging magkasintahan at di nagtagal sila ay nagpasya sa pag-iisang dibdib.

Ngunit bago ang kanilang kasal, nag-paalam si Juan kay Dahlia na ito ay umuwi sa kanyang bayan upang mag-paalam ng maayos sa kanyang mga magulang. Kahit ayaw ni Dahlia na magkahiwalay sila ng matagal ni Juan, pumayag na rin ito. Ipinangako ni Juan na kaagad itong babalik kay Dahlia upang ituloy ang kasal.

Araw-araw na inantay ni Dahlia ang kasintahan. Lumipas ang mga araw at mga buwan, ngunit walang Juan ang bumalik. 

Hanggang sa ang pag-aantay ay umabot ng isang taon, hindi na nakayanan ng dalaga ang kanyang hinagpis. Lumabas siya ng kanyang bahay sa kanyang magandang hardin. Lumuhod siya sa tabi ng kanyang mga tanim na bulaklak, nag-iiyak at maya-maya ay kinitil ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtaga sa sarili ng isang tabak. Dumaloy ang dugo ni Dahlia sa mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. Habang unti-unting nalalagutan ng hininga ang dalaga ay may isang anino ang nakitang parating. Si Juan ay nagbalik.

Ngunit huli na ang lahat, ang dalaga ay wala ng buhay. Nag-sisi si Juan pero hindi na nya maibabalik ang buhay ng magandang si Dahlia. Inilibing ang dalaga sa kakahoyan kung saan madalas siyang naglalagi.

Matapos ang ilang araw, ang mga bulaklak na dinaluyan ng dugo ni Dahlia ay nanatiling kulay pula. At kahit na maulanan ang mga ito, hindi pa rin mahugasan ang kulay ng mga ito. Mag mula noon, ang mga umusbong na mga bulaklak ay ganoon na ang naging kulay.

Page 39: Ang Alamat Ng Bayabas

Dahil sa napakaganda ng mga bulaklak at hindi matanggal ang pulang kulay na mantsa ng dugo ng dalaga, ang mga ito ay tinawag na Dahlia.

ENGLISH VERSION

THE LEGEND OF THE DAHLIA

A long time ago, there once was a damsel who was well known because of her exceptional beauty. Her name was Dahlia.

Her beauty was renowned in all the towns, barrios and even far beyond the shores of the Philippines. Her eyes captured the gaze of many admirers whenever they saw her. Her long flowing black hair, blood red lips and fair skin has made many a young man swoon and desire her even just in their dreams. 

But there was something strange about Dahlia. She was not quite keen on mingling with other people. She lived far beyond the edges of her barrio and lived on her own. Whenever a young man tried to approach her, she went inside her home with nary a glance to leave back at the young man. She would not come out until the young men left, disappointed upon not having seen her.

She spent most of her time in the fringes of the woods where she'd pick up stray plants that have beautiful flowers. She'd bring them back to her garden and plant them with care. Her garden of flowers could make any gardener quite envious. Everywhere you looked, were dazzling colors and rainbows of flowers. The morning dew drops made tiny little prisms that made the sunlight dance and the flowers sway.

A young man heard of Dahlia's beauty and his name was Juan. Once, when Dahlia went to the market to buy food, Juan chanced upon her and was immediately captured by her beauty. He wasted no time in courting her and sending her flowers for he knew that she loved them all too dearly.

Unfortunately, Dahlia always ignored him and pretended that he was not there whenever he tried to speak to her. But he never gave up and patiently tried to come up with ways to get her attention. He'd muster up all of his courage for he was a shy young man, and approach her even though he knew that she would not talk to him. 

Page 40: Ang Alamat Ng Bayabas

Nevertheless, she liked the flowers and accepted them. Once, he thought that she'd steal a glance at him. Though when he tried to look back to see if she was looking at him, she'd quickly look the other way. 

He smiled as he saw her cheeks turn pink. 

His persistance and sensitivity rubbed off on Dahlia and she eventually gave in to his persistent monologues. He was reciting a poem whilst Dahlia was going over her flowers in her garden, when she corrected him about the words.

He was very surprised to hear her speak to him and couldn't hold back his glee.

From this moment on, Juan had the distinct privilege of being the only man that Dahlia would talk to other than the baker and the fish monger.

She found his witty charm and patient demeanor to be comforting and somewhat easy to be with unlike the other men who did nothing but brag about their prowess in hunting or chopping wood. 

Eventually she also fell in love with Juan.

One starry night, Juan decided to surprise Dahlia by proposing to her. Dahlia was elated and said yes to Juan with no qualms at all. 

But before they are to be wed, Juan needed to ask for his parents approval. His parents lived in the next barrio which was quite a long way from Dahlia's and the journey could take a few days. Having been with Juan for some time somewhat made Dahlia reluctant to part with him, even for just a little while. Juan promised that he'd go back as soon as he can after he got his parents approval. 

Days and nights passed by with no Juan walking to Dahlia's home. Every morning, she'd wake up to open her window and try to see whether there was a new bouquet of flowers lying around near her porch. There was none.

Days turned to weeks and weeks turned to months and finally a year. Still, there was no Juan who came back. 

Dahlia was distraught for she knew not what happened to Juan. In her intense longing she walked around her garden with no direction and cried endlessly. She fell on her knees to the ground amongst the now wilted flowers which she has not tended to for a long time. She sobbed and cried and took her own life with a knife. 

As she breathed her last breath, she sensed that there was a shadow of a man nearby. It was Juan. He came back but he was too late. Dahlia was able to get a last glimpse at Juan before her eyes then stared blankly into space. 

Page 41: Ang Alamat Ng Bayabas

Juan could not hold his pain and cried shamelessly before the lifeless body of Dahlia. Her blood flowed from her veins to the wilted flowers which made them blood red. Then the rain started to pour as Juan carried Dahlia away to bury her. 

But the flowers that were stained with Dahlia's blood were still red. Even the rain was not able to wash off the color of Dahlia's love. 

The next day, new buds began to appear beside the old ones. But unlike the others, these were far redder and more vibrant looking. To this day, the Dahlia remains vibrant and colorful, perhaps signalling the intense love that Dahlia had for Juan.

Alamat ng Arbol de Fuego - Firetree LegendEmail ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook

Alamat ng Arbol de FuegoEnglish version at the bottom

FILIPINO VERSION

Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo, ang mga diyos at diyosa ay nakikisalamuha pa sa mga tao sa lupa. Isa sa mga ito ay si Haring Araw.

Si Haring Araw ay tanyag, hindi lamang dahil sa kanyang kapangyarihan, kundi pati na rin sa kanyang nag-iisang anak na dalaga na ubod ng ganda. Maraming kalalakihan ang pumipila upang hingiin kay Haring Araw ang kamay ni Sinag upang mapangasawa. Ngunit, ang hari ay sadyang mapili. Ang nais niyang mapag-isang dibdib ng kanyang nag-iisang

Page 42: Ang Alamat Ng Bayabas

anak ay ang anak ng tulad din niyang diyos o di kaya’y isang dugong bughaw.

Subalit tulad ng kanyang amang mapili, si Sinag ay walang magustuhan sa mga nais ng ama niya na manligaw sa kanya.

Isang araw, habang namamasyal ang dalaga sa kanilang kaharian ay nakita nito ang isang matipuno at guwapong binata. Inatasan niya ang kanyang alipin na alamin kung sino ang lalaki. Inanyayahan ng alalay ang lalaki at ito ay nagpakilala kay Sinag.

Mula noon araw-araw nang nagpupunta sa bahay ni Poy ang magandang dalaga. Di naglaon naging magkasintahan ang dalawa.

Nalaman ni Haring Araw na ang kanyang anak ay umiibig sa isang pangkaraniwang tao. Nagalit ito at pilit na pinaglalayo ang dalawa. Pinagbawalan niya ang kanyang anak na lumabas ng kanilang palasyo. Dali-dali rin niyang pinagkasundo na ipakasal ang dalaga sa anak ng kaibigan niyang si Haring Buwan.

Ngunit sa pamamagitan ng tapat na alipin ng dalaga, ang dalawa ay palihim na nakakapag-usap. Napagkasunduan ng magkasintahan na sila ay tatakas at magtatanan.

Nang isang araw na magpasyang magpahinga si Haring Araw at ang mga ulap ay unti-unting pumaligid sa mundo, sinamantala ni Sinag ang makulimlim na panahon upang tumakas mula sa palasyo. Dali-dali siyang nagpunta sa bahay ng binatang iniirog. Subalit nagising ang hari at nang malamang umalis ang kanyang anak ay mabilis niya itong sinundan.

Page 43: Ang Alamat Ng Bayabas

Nagliwanag ang buong mundo at nahuli ni Haring Araw ang tangkang pagtatanan ng dalawang magkasintahan. Sa galit ng hari sa anak, nasambit nito na ang dalaga ay hindi na muling makakatuntong sa lupa. Mananatili na lamang si Sinag sa kalangitan kung saan hindi na siya maabot ng binata. At para sa mapangahas na binata na umibig sa anak ng hari ng araw, ito ay sinumpa ng hari na manatili sa kinatatayuan upang hindi masundan ang dalaga.

Pagkasambit ng hari ay unti-unting umangat ang dalaga at habang pumapalangit ay umiiyak na nagpapa-alam sa kanyang kasintahan. Samantalang ang mga paa ni Poy ay parang napako sa lupa at siya ay dahan-dahang naging isang puno. Siya ang pinaka-unang puno na tinatawag ngayong Arbol de Fuego.

Sa kasalukuyan, mapapansin na ang punong Arbol de Fuego ay namumulaklak na parang kulay apoy lalo na tuwing pinakamainit ang panahon. Ito ay ang binatang si Poy na nagpapahiwatig ng kanyang taimtim na pagmamahal sa kasintahang si Sinag.

ENGLISH VERSION

Page 44: Ang Alamat Ng Bayabas

THE LEGEND OF THE FIRETREE

A long time ago, when the world was still young and the gods and goddesses roamed amongst mortal men and women, one of the more renowned gods was King Sun. 

King Sun was well known not only because he was a very powerful ruler but also because of his beautiful daughter, Sunshine. Many mortals from all over the world would come and pay tribute to the king, just so they could bask in the light of beauty emanated by Sunshine. All of them wanted to ask for his daughter’s hand in marriage and yet the king was very fastidious. He wanted his daughter to marry the son of a fellow god or a mortal of noble blood. The king was never satisfied.

Like her father, Sunshine was just as picky. None of the young gods or noble mortals that came interested her, much to the consternation of her father.

One day, as Sunshine was walking around their kingdom, she saw a handsome and well-built lad. She gazed at him from afar and asked her servant to find out who the fellow was. The slave bowed her head and readily went to the young man. She told him that her master wanted to know who he was and that he was invited to be in her presence. He then strode over to the group of the princess and introduced himself as Fire.

The two became good friends and got to know each other better. 

Page 45: Ang Alamat Ng Bayabas

From then on, the princess would visit Fire’s neighborhood where they would then chat for hours and hours as they walked around. Soon, they fell in love.

The king eventually found out about the romance between his daughter and the ordinary mortal. He became angry and ordered his soldiers to separate the two. The princess was then ordered to stay within the palace. It was then that the king decided that Sunshine should be betrothed to the son of King Moon, who was his long time friend and ally. 

Though Sunshine was imprisoned within the palace walls, her loyal servant was able to secretly arrange a rendezvous between her and her paramour. They met each other under the cover of darkness and planned on escaping the palace to later on wed each other without the knowledge of her father. Sunshine then bade farewell to Fire as he slipped away into the night. 

Meanwhile, King Sun was very tired the after having overseen the farmers plant during the summer season. Dark clouds covered the sky which then made it dark for quite some time. Sunshine then took her chance to escape while it was still dark and then proceeded to go to Fire’s house. Unbeknownst to Sunshine, her father was following her having awoken from his deep slumber. 

When Sunshine reached Fire’s house, her father emerged from the darkness and unleashed his fury. The world was engulfed in light and the searing heat of King Sun’s anger made that day, the hottest one for the rest of eternity. He cursed his daughter that she will never again walk on the soil that mortals tread on and would be confined to the sky where Fire would not be able to reach her.

Page 46: Ang Alamat Ng Bayabas

The king then turned his anger towards Fire and banished him to the ground where he was standing on, never again to reach Sunshine. 

As King Sun said this, Sunshine began to float into the air while trying to reach out with her hand towards Fire. Fire can do nothing as he watched her cry and bid farewell. He felt as if his feet were growing heavier and heavier like they were being planted on the ground. He then slowly became a tree which is now known as the Arbol de Fuego or the Fire Tree.

The Arbol de Fuego, or the Fire Tree as it is commonly known nowadays, has flowers that bloom like flames during the hottest months of summer. With its arms reaching out to the sky and its flowers all abloom, we are reminded of the love that Fire once had for Sunshine.

Researched and Rewritten by LovedyTranslated and Formatted by Daniel Andrei GarciaLabels: Arbol de Puego, Legend of the Firetree, Love Legends

Newer Post Older Post Home

Mga Alamat

Alamat ng Ahas - Snake LegendTAGALOG VERSION English Version at the Bottom Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pan...

Ang Alamat ng Lansones - Legend of the Lanzones

Page 47: Ang Alamat Ng Bayabas

English version at the bottom Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang napakaraming mga puno na may mga bilog-bilog...

Ang Kababalaghan ng Tumutumbang Madre CacaoAng Kababalaghan ng mga Tumutumbang Madre Cacao Kakawate Mga minamahal kong mambabasa, ako sana'y hihingi ng kaunting paumanhin s...

Ang Alamat ng mga Bituin - Stars LegendEnglish Version at the Bottom Noong unang panahon, walang makikitang buwan o mga bituin sa kalangitan upang magbigay ng liwanag sa gabi...

Ang Alamat ng Niyog - CoconutEnglish Translation at the Bottom Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang magkaroon ng anak. May dalawang taon ...

Alamat ng Mirasol - Legend of the MirasolEmail ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook

FILIPINO VERSION

Page 48: Ang Alamat Ng Bayabas

Scroll Down for English Version

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ubod ng bait. Napamahal sa mga kapitbahay ang mag-asawa sapagkat ang mga ito ay matulungin sa lahat. Nakita rin ng diyosa ng araw ang lahat ng mabuting gawain ng mag-asawa at ito ay labis na natuwa sa kanila.

Subalit ang mag-asawa ay hindi lubusang masaya sapagkat sila ay hindi biniyayaan ng supling. Matagal nang nagsasama ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Tumatanda na ang mag-asawa at sila ay nalulungkot sa tuwing naiisip nila kung kanino nila iiwanan ang kanilang ari-arian. Naisip ng mag-asawa na ipamana na lamang ito sa isang malayong kamag-anak sakaling hindi talaga sila mabigyan ng anak.

Ngunit taimtim pa rin silang nagdarasal na sana’y bigyan din sila ng batang aalagaan. Narinig ng diyosa ng araw ang panalangin ng mag-asawa. Dahil nakita niyang mabait sa kapwa ang dalawa, ipinagkaloob niya ang kanilang hiling. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng isang anak na babae na kanilang pinangalanang Mirasol.

Mahal na mahal ng mag-asawa ang kanilang anak na si Mirasol. Dahil sa siya ay ang nag-iisang anak, lahat ng magagandang bagay ay binibigay ng dalawa sa bata. Lumaking mabuti at matulungin ang bata katulad ng kanyang mga magulang.

Isang araw, nagkaroon ng malubhang sakit sa bayan at sa kasawiang palad. ang mag-asawa ay kasama sa nadapuan nito. Dahil sa matanda na, alam ng dalawa na mahirap na silang gumaling mula sa sakit. Naging malubha ang kalagayan ng dalawa at walang magawa si Mirasol. 

Bago namatay ang mag-asawa, inihabilin nila ang kanilang nag-iisang anak at ari-arian sa pangangalaga ng kanilang malayong kamag-anak.

Pumayag ang kamag-anak ngunit alam niya na pag umabot sa tamang gulang ang bata, kay Mirasol mapupunta ang lahat ng ari-arian. Naging sakim ang kamag-anak. Ninais

Page 49: Ang Alamat Ng Bayabas

nitong mapasakanya ang lahat ng ari-arian kaya’t si Mirasol ay ginawa niyan alipin habang siya ay nagpapasarap sa yamang naiwan ng mag-asawa.

Si Mirasol ang pinag-lilinis niya ng bahay, pinag-lalaba, pinag-papakain ng mga alagang hayop at iba pang gawaing bahay. Madalas ding pinapagalitan at pinaparusahan ng kamag-anak ang bata. Ilang ulit din siyang hindi pinapakain. Natutulog na lamang itong pagod at walang laman ang tiyan.

Isang araw, hindi na naman nakakain si Mirasol. Habang naglilinis sa bakuran ay umiiyak ito na nagdarasal na sana’y matigil na ang kalabisang ginagawa ng kamag-anak sa kanya. 

Narinig ng diyosa ng araw ang hinagpis ng bata. Ito ay nagsalita at sinabing simula sa araw na iyon ay hindi na siya masasaktan ng kamag-anak. Habang maliwanag at naririyan ang diyosa ay may magbabantay sa kanya.

Pagkatapos magsalita ng diyosa, nagpasalamat si Mirasol at nakita niyang unti-unting nagbabago ang kanyang anyo. Si Mirasol ay naging isang halaman na may maganda at kulay dilaw na bulaklak. Simula noon, tinawag ng taong bayan ang halaman na Mirasol.

Sa ngayon, makikita natin ang halaman na Mirasol na nakatingala sa araw na waring nagpapasalamat sa pagliligtas ng diyosa. Sa gabi, pag wala na ang liwanag ng araw, ito ay yumuyuko upang hindi mapansin ng mapang-aping kamag-anak.

Page 50: Ang Alamat Ng Bayabas

ENGLISH VERSION

Back in the ancient days, there was once a good and generous couple who were loved dearly by their neighbors. The neighbors loved them since they helped all of them whenever they could. Everybody was fond of them because of their giving nature and the goddess of the sun was very pleased with their work.

But despite this, there was something that was lacking because they couldn't have a child of their own. The two have been together for quite some time now and were getting old. They thought about the future and and worried about who would take care of their property when they are to pass. They pondered on just giving their property to their distant relatives if they aren't able to conceive. 

Page 51: Ang Alamat Ng Bayabas

Yet they remained hopeful and prayerful that they would still be given that chance to have a child of their own to take care of and love. The goddess of the sun heard their prayers and because she saw that they were very kind to their neighbors she granted them their desires. 

The couple was very elated to find out that the wife was pregnant and after a few months she gave birth to a beautiful baby girl. Her name was Mirasol. 

The couple loved their only daughter Mirasol dearly. Since she was their only child, they showered her with gifts and beautiful things to play with. She grew up just as helpful and benevolent as her parents and they were very happy. 

It would seem that this happiness would not last long for darkness was soon to overcome their small town. A plague swept from out of nowhere ravishing their little barrio, decimating the populace to a fraction of what it was. 

Mirasol's father and mother were among those who died. 

Try as she might to revive them, there was nothing the little girl can do. She was all alone. Before her parents died, they gave their relatives one dying wish, to take care of Mirasol until such time that she can take care of herself. 

But these relatives, long envious of the fortune of the family, carried within them the poisoned seeds of envy. They knew that when the time comes when Mirasol is of age, she would be the one who would partake of it. They became greedy and plotted on how they could seize it from the little girl. 

They treated her shabbily and made her live as a slave while they enjoyed the fruits of the couple's hard work and fortune.

Every day, they would make Mirasol clean the house, do the laundry and feed the animals and do the other difficult chores. Mirasol was always scolded harshly and punished horribly. At times, they wouldn't even feed her and she became accustomed to starving as she slept in a tiny and dirty corner of the house.

One day, as the starving child was cleaning the fence, she remembered her parents and

Page 52: Ang Alamat Ng Bayabas

cried. She missed them horribly and prayed that the harsh treatment given to her would end. 

Unbeknownst to her, the goddess of the sun was watching her plight. She made herself known, came forward and consoled the little girl. She promised that she would never again be hurt by them. For as long as sunlight is there then the goddess of the sun will also be there to protect her. 

Mirasol managed to give her thanks to the goddess and as she was looking in the goddess eyes, she began to feel her body changing. It felt like sunlight was coming out of her and her hunger disappeared. When the brightness has gone, she realized that she has turned into a plant with a beautiful yellow flower. 

The townsfolk tried looking for the girl but she was nowhere to be found. They searched in vain but all that they could find was the yellow flower who raises its head to the sun whenever it appeared. At night, it would bow its head so as to hide itself from the abusive relative. 

http://www.alamat.com.ph/2011/07/alamat-ng-mirasol-plant-legend.html

Mga Alamat

1. Alamat ng Dahlia - Legend of the Dahlia2. Alamat ng Arbol de Puego - Legend of the Firetree3. Alamat ng Mirasol - Legend of the Mirasol Plant4. Alamat ng Gansa - Legend of the Goose5. Alamat ng Matsing - Legend of the Monkey6. Alamat ng Munting Loro - Legend of the Lovebirds7. Alamat ng Gagamba - Legend of the Spider8. Alamat ng Ylang-Ylang - Legend of the Ylang Ylang Flower9. Alamat ng Uwak - Legend of the Crow10. Alamat ng Ahas - Legend of the Snake

Page 53: Ang Alamat Ng Bayabas

11. Alamat ng Baka at Kalabaw - Legend of the Cow and Carabao12. Alamat ng Kuwago - Legend of the Owl13. Alamat ng Bayabas - Legend of the Guava14. Alamat ng Alitaptap - Legend of the Firefly15. Alamat ng Niyog - Legend of the Coconut16. Alamat ng Dama de Noche - Legend of the Dama de Noche17. Alamat ng Isan Daang Pulo - Legend of the Hundred Islands18. Alamat ng mga Bituin - Legend of the Stars19. Alamat ng Kamote - Legend of the Sweet Potato20. Alamat ng Paniki - Legend of the Bat21. Alamat ng Saging - Legend of the Banana22. Alamat ng Lansones - Legend of the Lanzones23. Alamat ng Palong ng Tandang - Legend of the Rooster's Crow and Crown24. Alamat ng Pagong - Legend of the Turtle25. Alamat ng Mais - Legend of the Corn26. Alamat ng Bulkang Taal - Legend of Taal Volcano27. Alamat ng Palaka - Frog Legend28. Alamat ng Damo o Talahib - Legend of the Weed Grass

Mga Kasabihan at Salawikain

9JUN

… na nabago na ng panahon at ng Pinoy at ni Ai-ai De Las Alas sa Tanging Ina Nyong Lahat!

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid ay puno ng linga.

Ako ang nagsaing… iba ang kumain. Diet ako eh.

An apple a day is too expensive.

An apple a day makes seven apples a week.

Ang buhay ay parang bato, it’s hard.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Page 54: Ang Alamat Ng Bayabas

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan… ay may stiff neck.

Ang taong nagigipit … sa bumbay kumakapit.

Ang taong naglalakad nang matulin… may utang.

Batu-bato sa langit, ang tamaan… sapul.

Behind the clouds are the other clouds.

Better late than later.

Better late than pregnant.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Birds of the same feather that prays together … stays together.

Do unto others … then run!!!

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto … muta lang yan.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

It’s better to cheat than to repeat!

Kapag ang puno mabunga … mataba ang lupa!

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

No guts, no glory… no ID, no entry.

Page 55: Ang Alamat Ng Bayabas

No man is an island because time is gold.

Pag may usok … may nag-iihaw.

Pagkahaba haba man ng prusisyon … mauubusan din ng kandila.

To err is human, to errs is humans.

Try and try until you succeed… or else try another.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

When all else fails, follow instructions.

When it rains … it floods.

Mga Kasabihan at Salawikain (Tagalog Proverbs)Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing TagalogFilipino Proverbs

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payoat patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mgakasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog  ay isinasaad sa mgamaiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahuluganat makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasanng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama angmaiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahasna hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sapera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawang mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din anggagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwamo ay tutulungan ka rin nila.

Page 56: Ang Alamat Ng Bayabas

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, aykaraniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hinditalagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may  sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mgabagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mgamagulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mgapagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natinang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong  din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Page 57: Ang Alamat Ng Bayabas

ang kasabihan ay mga aral sa buhay na isinusulat sa paraang ginagamit sa pang araw araw na usapan. Ang salawikain ay katumbas din ng kasabihan subalit isinusulat ito sa paraang patula o poetic.

SALAWIKAIN AT KASABIHAN (Mula sa Mga Pahina ni Laura) [email protected]~ Tinipon ni Laura B. [email protected]

* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

* Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago;mabuti pa ang bahay-kubo kung ang nakatira ay tao.

* Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.

* Ang paala-ala ay mabisang gamut sa taong nakakalimot.

* Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa.

* Ang kalusugan ay kayamanan.

* Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.

* Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.

* Hangga’t makitid ang kumot magtiis mamaluktot.

* Magsisi ka man at huli ay wala nang mangyayari.

* Mahuli man at magaling ay naihahabol din.

* Ang nauuna ay nagsisisi; nagkukumamot ang nahuhuli.

* Nasa huli ang pagsisisi.

* Ang pagkakaton sa buhay ay madalang dumating;kapag narito na ay ating samantalahin.

* Kung hindi ukol ay hindi bubukol.

Page 58: Ang Alamat Ng Bayabas

* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.

* Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.

* Batang-puso madaling marahuyo.

* Kung saan nahihilig duon din nabubuwal.

* Tikatiktik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.

* Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

* Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.

* Araw-araw ay “corpus” kung pista ay upos.

* Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

* Kung ano at sukat ng ohales, iyon din ang sukat ng butones.

* Nasa tao ang gawa; nasa Diyos ang awa.

* Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.

* Ang iyong kakainin ay sa iyong pawis manggagaling.

* Buhay-alamang, paglukso ay patay.

* Isang kahig; isang tuka.

* Buntot mo; hila mo.

* Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.

* Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

* Lahat ng gubat ay may ahas.

* May alagang ahas.

* Ang anumang kasulatan ay dapat lalagdaan.

* Nasa taong matapat ang huling halakhak.

* Ang tunay na kaibigan ay karamay kailan man.

* Ang tunay na kaibigan ay nakikilala sa kagipitan.

* Ang matapat na kaibigan ay tunay na maaasahan.

* Turan mo ang iyong kaibigan; sasabihin ko kung sino ikaw.

Page 59: Ang Alamat Ng Bayabas

* Ang tunay mong pagkatao, makikilala sa gawa mo.

* Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan;kung mahirap na ang buhay masalubong man sa daan hindi na babatiin; hindi pa rin titigan.

* Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.

* Ang pag-aasawa ay hindi biro; ‘di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso.

* Nakikita ang butas ng karayom subalit hindi makita ang butas ng palakol.

* Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

* Hampas ng kalabaw, sa kabayo ang latay.

* Mahirap malipol ang masamang damo.

* Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim.Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

* Tulak ng bibig kabig ng dibdib.

* Papunta ka pa lamang ay pauwi na ako.

* Ang lumalakad ng mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.

* Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paruruonan.

* Ang langaw ng dumapo sa kalabaw ay mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

* Maraming salita; kulang naman sa gawa.

* Madaling sabihin subalit mahirap gawin.

* Wala kang mabubunot sa taong kalbo.

* May tainga ang lupa at may pakpak ang balita.

* Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

* Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing saka nang maluto’y iba ang kumain.

* Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

* Kung matigas ay bato; kung malambot ay tao.

* Pili nang pili; natapatan ay bungi.

* Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.

* Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.

* Nauntog akong minsan, ayaw ko nang mauli; baka sa susunod ngipin ko pa ang mabungi.

Page 60: Ang Alamat Ng Bayabas

* Huwag kang magbintang kung hindi mo nakakamayan.

* Magkupkop ka ng kaawa-awa; langit ang iyong gantimpala.

* Ang mabuting gawa ay kinalulugdan ng madla.

* Kung ang nabasagan ay hindi nanghinayang, ako pa kayang nakabasag lamang?

* Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.

* Ang butong tinangay ng aso, walang salang nalawayan ito.

* Ang utang ay utang; hindi dapat kalimutan.

* Ang iyong hiniram isauli or palitanUpang sa susunod, hindi ka makadalaan.

* Kung labis ang tamis ang lasa ay mapait.

* Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa. Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.

* Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.

* Sala sa lamig; sala sa init.

* Gawin mo sa kapuwa mo ang nais mong gawin niya sa iyo.

* Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng buong katawan.

* Ang mabigat at gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

* Masakit ang katotohanan.

* Madaling pumitas ng bunga kung dadaan ka sa sanga.

* Ibong sa ahola'y ikinulong nang mahigpit kapag nakawaly's hindi na babalik.

* Barang ginamit mo sa iyong kapuwa, siya ring panukat sa iyong pagkadapa. (Mula sa tula ni Laura - Ang Tubig,http://www.ofw.bagongbayani.com/)

* Ang karunungan ay kayamanan gamitin mo sa kabutihan.

* Kahoy mang babad sa tubig, sa apoy huwag ilapit'pag ito' naradang sa init, sapilitang magdidikit.

* Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.

* Pagsapit ng gabi'y laging may umaga.

* Sa larangan ng digmaan nakikilala ang tapang.

* Kung may hirap ay may ginhawa.

Page 61: Ang Alamat Ng Bayabas

* Kung may isinuksok, mayruong madurukot.

* Kung may itinanim, mayruon ding aanihin.

* Walang pagod magtipon walang hinayang magtapon.

* Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak kapag nadapa.

* Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

* Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao, dungis mo muna ang tingnan mo.

* Nang makatagpo ng damit na payong, ang abang anahaw ay 'di na malingon.

* Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring silbi kapag nag-iisa.

* Minamahal habang mayruon; kung wala ay patapun-tapon.

* Ang gawa sa pagkabata dala hanggang sa pagkamatanda.

* Ang taong maiingitin lumigaya may ay sawi rin.

* Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.

* Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.

* Walang matibay na baging sa mahusay maglambitin.

* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

* Kung takot ka sa ahas iwasan mo ang gubat.

* Matutuyo na ang sapa nguni't hindi ang balita.

* Ang tunay na anyaya ay may kasamang hila.

* Binatang taring, buwal may'y tayo rin.

* Ikaw ana bahala; ako ang kaawa-awa.

* Ang damdaming nasugatan gumaling may ay balatukan.

* Ang anumang mabigat ay gumagaan kung pagtutulung-tulongan.

* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

* Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.

* Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.

* Kung hindi uko, hindi bubukol.

* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.

* Matalino man ang matsing, napaglalangan din.

Page 62: Ang Alamat Ng Bayabas

* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.

* Batang puso madaling marahuyo.

* Kung sann nahihilig duon din nabubuwal.

* Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. 

-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera. 

-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. -Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. 

-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. 

-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas. -Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. 

-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao. 

-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. 

-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.

Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng mga kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan natin ang mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.

Page 64: Ang Alamat Ng Bayabas

W E D N E S D A Y , M A Y 6 , 2 0 0 9

ALAMAT - Saan Nanggaling Ang Unang Matsing?Saan Nanggaling Ang Unang Matsing?

The Origin of the First Monkey: A Visayan Myth

MARAMING taon na ang nakaraan, may isang munting baranggay sa paanan ng isang bundok. Isang maliit na kubo ang nakatayo sa itaas ng baranggay, sa tagiliran mismo ng bundok na balot ng makapal na gubat. Duon nakatira ang isang matandang babae at ang kanyang apo, isang binatilyo.

Masipag ang lola. Hanap-buhay niya ang himayin ang mga buto mula sa bulak at gawing sinulid ang bulak. Laging may buslo ng bulak sa tabi ang lola, at isang mahabang patpat na kidkiran (huso, spindle) ng sinulid. Samang-palad, tamad ang binatilyong apo, ayaw tumulong sa lola at, araw-araw, bumababa sa baranggay upang makipag-barkada at magsugal. Isang araw, umuwing mainit ang ulo ng binatilyong apo dahil natalo sa sugal. Nagsisigaw siya nang makitang wala pang hapunan.

“Maghintay ka nang kaunti,” sagot ng lola habang abalang nagta-trabajo, “at minamadali kong himayin itong bulak. Pagkatapos kong ipagbili ito, bibili ako ng pagkain natin.”

Lalong nagalit ang binatilyong apo. Pumulot siya ng mga bao ng niyog, gamit na panggatong sa apoy, at hinagis sa lola. Nasaktan, nagalit din ang lola at gumanti. Hinampas niya ng hinampas ng kidkiran ang binatilyong apo.

Kagila-gilalas! Biglang nagbago ang anyo ng apo - isang pangit na hayop na balot ng bulak na naging balahibo, at kumabit ang kidkiran sa kanyang tumbong at naging buntot. Nang matuklasan ng binatilyong apo na siya ay isang pangit na hayop na, kumarimot siya patakas sa baranggay.

Hinanap niya lahat ng kabarkada niya sa sugal at sinisi sa nangyari sa kanya. Pinaghahataw niya ng kanyang buntot at isa-isang nagbago rin ang mga ito at naging hayop tulad niya - ang tinatawag ngayong matsing o tsonggo (mono, monkey).

Nang makita ng mga taga-baranggay ang mga pangit, maingay at magulong mga hayop, itinaboy nila ang mga ito at hindi na pinayagang pumasok uli sa baranggay. Mula nuon, sa gubat namuhay ang mga matsing.

ANG PINAGKUNAN

‘The First Monkey,’ a Visayan Myth, Philippine Folk Tales, compiled and annotated by Mabel Cook Cole, A. C.

McClurg and Company, Chicago, 1916,

Page 65: Ang Alamat Ng Bayabas

The Project Gutenberg EBook, produced by Jeroen Hellingman and the PG Distributed Proofreaders Team

from scans made available

by the University of Michigan, http://www.gutenberg.org/files/12814/12814-8.txt

http://www.elaput.org/almat05.htm

Labels

7 mandirigma at ang dambuhala (1)

agueda esteban  (1)

alamat  (71)

alamat ng hagdan-hagdang palayan sa ifugao  (1)

alamat Saan Nanggaling Ang Unang Matsing? (1)

Alamat - Ang Lawin at ang Paglikha sa Daigdig  (1)

alamat - kaya tumataas ang langit....  (1)

alamat - si mangita at si larina (1)

alamat 2 Babae At Ang Mangkukulam Isang Asawa  (1)

alamat Ibalon: Panahon Ng 3 Bayani Sa Bicol  (1)

alamat Naging Mga Bituwin Si Magbangal  (1)

alamat ng alagaw  (1)

alamat ng alitaptap  (1)

alamat ng argao  (1)

alamat ng aso  (1)

alamat ng bahaghari  (1)

alamat ng balanacan  (1)

alamat ng bawang  (1)

alamat ng bayabas  (1)

alamat ng bintakay  (1)

alamat ng bituin at buwan  (1)

alamat ng bulkang mayon  (2)

alamat ng bulkang pinatubo  (1)

alamat ng bulkang taal  (1)

alamat ng bundok arayat  (2)

alamat ng bundok banahaw  (1)

alamat ng chocolate hills  (1)

alamat ng dahong palay  (1)

alamat ng dulong bayan  (1)

Page 66: Ang Alamat Ng Bayabas

alamat ng durian  (2)

alamat ng gagamba  (1)

alamat ng guisian  (1)

alamat ng hinadharan  (1)

alamat ng hipon  (1)

alamat ng ilang-ilang  (1)

alamat ng ilog pasig  (1)

alamat ng ino  (1)

alamat ng janagdong  (1)

alamat ng kamatsile  (1)

alamat ng kanlaon  (1)

alamat ng kapayang  (1)

alamat ng kasoy  (1)

alamat ng kawayan  (2)

alamat ng lamesa  (1)

alamat ng lansones  (1)

alamat ng lanzones  (1)

alamat ng macopa  (1)

alamat ng magapua  (1)

alamat ng makopa  (1)

alamat ng malate  (1)

alamat ng mampaitan  (1)

alamat ng mangga  (1)

alamat ng marinduque  (1)

alamat ng matsing  (1)

alamat ng maya  (1)

alamat ng mendez  (1)

alamat ng mindanao  (1)

alamat ng nangka I  (1)

alamat ng niyog  (1)

alamat ng olongapo  (1)

alamat ng pagong  (1)

alamat ng pakwan  (1)

Page 67: Ang Alamat Ng Bayabas

alamat ng palay  (1)

alamat ng paru-paro  (1)

alamat ng pinya  (1)

alamat ng pipino  (2)

alamat ng pulo  (1)

alamat ng rosas  (2)

alamat ng saging  (1)

alamat ng sampagita  (1)

alamat ng sampaguita  (1)

alamat ng sampalok  (1)

alamat ng tandang  (2)

alamat ng tiyanak  (1)

alamat ng unggoy  (1)

alamat ng waling-waling  (1)

alamat Nilikha Ni Lumawig Ang Mga Tao  (1)

http://aralingpinoy.blogspot.com/search/label/alamat%20%20Saan%20%20Nanggaling%20%20Ang%20%20Unang%20%20Matsing%3F