16
Ang Alamat ng Tansan Ni: Jeric A. Lopez BEED 3-1N

Ang alamat ng tansan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

worth reading :)

Citation preview

Page 1: Ang alamat ng tansan

Ang Alamat ng Tansan

Ni:Jeric A. Lopez

BEED 3-1N

Page 2: Ang alamat ng tansan

Ginagamit ang tansan bilang panakip ng mga softdrinks, hard drinks, tubig at marami pang iba. Naisip mo na ba kung bakit nagkaroon ng tansan? Ano ang pingamulan nito? At bakit animo’y pinaliit itong batsa. Bakit kaya may patulis ito sa gilid? Tara at ating alamin ang pinagmulan ng tansan.

Page 3: Ang alamat ng tansan

Si Jonathan o mas kilala bilang Tan ay larawan ng isang matulunging tao. Lahat ng dalawampu’t isang pamilya sa kanilang nayon ay kanyang natutulungan. Batid niyang siya ay matalino ngunit gaya ng ibang tao ay may kahinaan rin. Oo, tama, bobo nga sya pagdating sa mga lugar. Gusto niyang sumali sa pinakatanyag na laro sa buong mundo ang “Pinoy Henyo,” ngunit natatakot siyang baka lugar ang matapat na kategorya sa kanya at doon nga ay tiyak siyang papalya.

Page 4: Ang alamat ng tansan

Nag-aral sya sa Harvard University at nag-enrol ng kursong may kinalaman sa mga lugar. Hindi niya natapos ang pag-aaral dahil mismong guro ay sumusuko na sa kanya. Bumalik siya ng nayon at doon nakita niya si Kuya Kim ang “Matang Lawin.” Humingi siya ng tulong dito “Kuya Kim, maaari mo ba akong matulungan patungkol sa lugar?” tanong niya. “ah, eh ako? Pasensya na iho pero may taping pa kami ng showtime. Try mo nalang humingi ng tulong kay Jose at Wally sali ka na rin sa Juan For All, All for Juan baka dun mo mahanap ang kasagutan.”

Page 5: Ang alamat ng tansan

Nagkibit balikat na lamang si Tan at nalulungkot niyang binagtas ang punong kakahuyan. Sa di kalayuan ay may nakita siyang mataas na puno. Nilapitan niya ito at doon nanaghoy ng tuluyan. “Kung mayroon lang sanang makakatulong sa akin, kahit sino pa sya lalapitan ko talaga” umiiyak na sabi ni Tan sa puno.

Page 6: Ang alamat ng tansan

Nayanig ng bahagya ang puno at nahati ito sa gitna. Umilag si Tan dahil malalaglagan siya. Lumitaw ang isang Lolang may hawak na magic wand. “Iho, ang ingay mo naman! Nagising tuloy ako. Ano ba ang problema?” Una ay nahintakutan si Tan sa pag-aakalang ito ay bruha. Tumakbo siya ng ubos lakas ngunit napansin niya nagmu-moonwalk lang siya. “Tulong-tulong!!!” sigaw ni Tan. Nilapitan siya ng lola at sinampal.

Page 7: Ang alamat ng tansan

“Huwag ka ngang umatungal na parang bata dyan!” Ikinuwento nga ni Tan ang kanyang problema sa matanda. Tumawa ng malakas ang matanda at bahagyang bumuka ang lupa, “ayy, sorry” sabi nito. “eh ang dali lang naman pala ng problema mo, akala ko naman kung ano” sabi ng matanda. “hawakan mo ang aking mga kamay at lilipad tayo sa alapaap”- utos ng matanda.

Page 8: Ang alamat ng tansan

Bago pa man mahawakan ni Tan ang kamay nito ay sumipol muna si Lola at doon nga lumabas ang sasakyang animo’y batsa. “Ayan na ang Zan” sabi ni Lola. “Tara sakay na!” madaling sabi ni Tan.

At iyon nga ang nangyari, nagkaroon ng world tour ang dalawa sakay ng Zan. Una nilang pinuntahan ang Mercury. Napansin nilang sobrang lapit nito sa araw. Lumipad ng lumipad at lumipad pa ang dalawa hanggang sa narating nila ang Jupiter. “talagang napakalaki nga ng Jupiter”

Page 9: Ang alamat ng tansan

Bumalik sila ng earth at nagulat sa nakita nila “ayan ang laki na ng butas ng ozone layer- dahil yan sa maling gawain ng tao” sabi ng matanda. “sing laki na siya ng Australia” sagot naman ni Tan. Naglakbay sila sa ulap sakay ng Zan. Pumunta sila sa White House, London Bridge, Eiffel Tower , Taipei 101 at marami pang iba.

Page 10: Ang alamat ng tansan

Nagawa rin nilang bisitahin ang ‘Konoha’ at doon natunghayan nila ang paglalaban ni Naruto at Sasuke. Nang magutom ay pumunta sila sa Japan at nagpa-bake ng tinapay kay Kazuma Azuma, natikman nila ang obra nitong “Mount Fujiwara Bread”. Nakaramdam sila ng pagod kung kaya’t nanood sila ng concert ni Psy sa Korea. Nakita nilang wala pang giyera dito. At bumalik sila sa nayon sakay ng Zan. Ipinagkatiwala ng matanda kay Tan ang kanyang Zan sa pag-aakalang magagamit ito sa kabutihan.

Page 11: Ang alamat ng tansan

Naging maalam nga si Tan pagdating sa lugar. Wala siyang sinayang na oras. Sa tulong ng kanyang mga natutunan ay sumali siya sa “Pinoy Henyo”. Tama nga ang kanyang hinala, nagwagi siya at inuwi niya ang 21,000,000 na premyo sa palaro.

Kasabay ng kanyang pagyaman ang pagbabago ng kanyang pag-uugali. Naging maramot siya sa kapwa at naging mapagmataas. Nakalimutan niyang tulungan ang mga kanayon niya, bagkus, nilustay niya ang pera sa pagpunta sa iba’t-ibang lugar sakay ng Zan. Wala ng ibang bukambibig si Tan kundi ang kanyang Zan. Ipinagmamayabang niya ito kanino man.

Page 12: Ang alamat ng tansan

Isang araw ay may matandang lalaking taga-nayon ang humingi ng tulong sa kanya. Sa halip na tulungan ay inutusan niya ang Zan at sumakay rito. Lumipad ang Zan sa ibabaw ng matanda, dahilan ng pagkaka-buwal nito sa kinatatayuan. Nagpuntang Great Wall of China si Tan at nagpasyang doon nga matulog. Samantala, malungkot na inihayag ng matanda ang ginawa sa kanya ni Tan sa mga taga-nayon.

Pumunta ang dalawampu’t isang pamilya sa kakahuyan at nag-alay ng chooks-to-go chicken sa puno. Bumuka ito at lumitaw ang isang matandang babae. Kinain muna niya ang manok at nagwikang “mas yummy!”

Page 13: Ang alamat ng tansan

“Bakit nyo ako kailangan?” tanong ng matanda sa mga tao. At doon nga inilahad ng mga taga-nayon ang istorya.Naiiyak ang matanda at humihikbi dahil sa kaawaan. “hindi ko akalaing ang Zan ang magpapabago sa pag-uugali ni Tan, kailangan niyang maturuan ng leksyon” sabi ng matanda.Sa isang iglap ay nawala ang matanda, animo’y nag-teleport. Dinatnan niya si Tan na natutulog sa Great Wall, akap-akap ang Zan. Kinalabit siya ng matanda hanggang sa siya ay magising.

Page 14: Ang alamat ng tansan

“Anong ginagawa mo dito tanda?”- walang galang na sabi ni Tan.

“Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na nagkasala ka at kailangan mong makamit ang karampatang kaparusahan sa iyong maling nagawa.” Tugon ng matanda.

“Wala ka namang kapangyarihan eh. Bagkus, isang utos ko lang sa aking Zan ay tataob ka na”- mayabang na sagot ni Tan.

“ipinagkatiwala ko yan sa iyo sa pag-aakalang makakatulong ka sa iba”- naiiyak ng sabi ng matanda.

“oh! Wag kang iiyak tanda! At maraming namamatay sa maling akala” natatawang sabad ni Tan.

“Yaman din lamang lagi mong ipinagmamalaki ang Zan, ikaw na mismo ang gagawin kong Zan.”

Page 15: Ang alamat ng tansan

Isinumpa nga ng matanda si Tan, ang Zan na mala-batsa ay nagkaroon ng dalawampu’t isang patulis sa gilid tanda ng dalawampu’t isang pamilyang nasaktan ni Tan. Ipinasya ng matandang tawagin itong “TanZan” bilang paalalang huwag tutulad kay Tan. Winika niyang “ikaw Tanzan ay mananatiling nakataob bilang tanda ng iyong pagluhod sa mga taong nasaktan mo. Ilalagay ka sa mga inumin bilang panakip upang lagi ka nilang maalala at wag lang tutularan.” At doon nga ay lumiit ang tanzan.

Page 16: Ang alamat ng tansan

Bumalik ang matanda sa nayon upang ikwentong wala na si Tan. Ibinigay niya ang maliit na bagay sa dalawampu’t isang pamilya upang magamit nila bilang panakip sa inumin. “ano po ito?” tanong ng isa sa mga taga-nayon. Dahil sa bungi ang matanda kung kaya’t di niya mabanggit ng maayos ang Tanzan bagkus ito ay nabanggit niyang “Tansan.” Mula noon hanggang ngayon, ginagamit na ng mga tao ang tansan bilang panakip sa mga botelyang naglalaman ng likidong inumin.