33
ANG ALAMAT NG ROSAS Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan. Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin. Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman. Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na

Ang Alamat Ng Rosas

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Alamat Ng Rosas

ANG ALAMAT NG ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na

balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming

nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya

mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa

mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang

mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang

agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay.

Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo

sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran

nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay

nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil

niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik

na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Page 2: Ang Alamat Ng Rosas

ANG ALAMAT NG MAYA

Si Rita ay batang lubhang malikot.  Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga

ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay.  Si Rita ay nanood sa

kanyang ina.  Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan.  Nang mayroon

ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.   Ang

lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao.  Ngayon natakpan siya ng bilao. 

Hindi nahalata ng ina.  Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya

si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo.  Hindi sumagot si Rita.  Hinanap ng

ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon

galing sa loob.  Kumakain ng bigas ang ibong iyon.  Ang ibong iyon ay si Rita, ang

tinatawag ngayong maya.

Page 3: Ang Alamat Ng Rosas

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga Magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Page 4: Ang Alamat Ng Rosas

ANG ALAMAT NG DURIAN

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo’y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka’t siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

Ilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata’y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi’y munting tinik.Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya’y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito’y namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito’y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito’y si Sangkalan. Sa huli’y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang narinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Page 5: Ang Alamat Ng Rosas

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di’y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di’y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama’y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

Page 6: Ang Alamat Ng Rosas

BAKIT NASA LABAS ANG BUTO NG KASOY?

Noong unang panahon, katulad ng ibang prutas, nasa loob din raw ng bunga ang buto ng kasoy. Subalit ayon sa sabi-sabi mainipin daw ang buto nito.

"Ang lungkot naman dito, nakakainip. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita ang kagandahan ng kapaligiran," wika ng buto ng kasoy.

Narinig ito ng Diwata ng Kagubatan. "Nais mo ba talagang makita ang kariktan ng kapaligiran? Gusto mo bang lumabas sa iyong bunga?", ana ng Diwata."Opo, Inang Diwata, gusto ko po sana, kung iyong mamarapatin," pahayag ng mainiping buto.

"Maganda nga sa labas ngunit ito'y mapanganib. Kaya mo bang harapin ang init at lamig sa labas? Mababasa ka pag bumuhos ang ulan. Mahihirapan kang makakita pag sapit ng gabi. Mas komportable at tahimik sa loob ng iyong bunga," paliwanag ng Inang Diwata.

"Opo. Kakayanin ko po, basta't makita ko lamang ang nasa labas," panindigan ng makulit na buto.

"O siya. Maari kong pagbigyan ang iyong hiling, subalit hindi ko na maari pang bawiin ang aking mahika. Hindi ka na maari pang bumalik sa loob," kundisyon ng Diwata.

"Sige po. Hindi ko po hihilinging makabalik pa ulit sa loob ng bunga ko," pangako ng buto.

Kumumpas ang Inang Diwata. Namulat ang buto ng kasoy sa kagandahan ng kapaligiran. Galak na galak ang buto sa kanyang nakita. "Hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang mundo. Salamat Inang Diwata, pinasaya mo ako ng lubos," tuwang sambit ng buto. "Walang anuman, mahal na buto. Tandaan mo lang ang iyong pangako," sambit ng Diwata at naglaho.

Magdamag na nagmasid ang buto habang nakatungko sa ulunan ng kanyang bunga. Nang unti-unting dumilim ang paligid, nakaramdam ng pangamba ang munting buto. Nangutim ang mga ulap, nagbabadya ng mabigat na pag-ulan. Nagpalitan ng galit? ang kulog at kidlat.

"Inay kupo. Bakit nagging ganito? Nakaktakot pala ditto. Gusto ko nang bumalik sa loob. Brrrr. Nanlalamig na ako," nanginginig na saklolo ng buto. Naisip niyang tawagin ang Inang Diwata upang humingi ng saklolo. Subalit naalala niya ang pangako niya sa Diwata na hindi na siya maari pang humiling na makabalik sa loob."Tama nga ang Inang Diwata. Sana'y hindi na ako nagmatigas na masunod ang gusto ko," malungkot na wika ng nanlulumong buto.

Page 7: Ang Alamat Ng Rosas

ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin

si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw,

isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay,

ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang

matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng

damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng

mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na

lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak,

dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso

sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami

ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

Page 8: Ang Alamat Ng Rosas

ALAMAT NG ALAGAW

Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigan natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.

Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito,: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ating balangay."

"Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."Si Marahas nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."

Naghiwalay sila.

Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galling kay marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamanginiwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan.

Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman.

Page 9: Ang Alamat Ng Rosas

Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.

Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak.

Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan,iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.

Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...

ALAMAT NG ILOG PASIG

Page 10: Ang Alamat Ng Rosas

Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon.

"Paz sigueme! Paz, sigueme!" Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay "Paz sig!" Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang "Pasig" o Ilog Pasig.

ANG ALAMAT NG DAHONG PALAY

Page 11: Ang Alamat Ng Rosas

Noong unang panahon ang mga ahas ay walang kamandag. Sa ganito sila ay hindi kinakatakutan at pinakukundanganan tisurin o patayin. Sa gayon nilang katayuan ay minarapat nilang gumawa ng paraan upang sila’y pangilagan ng tao at huwag patayin.Kaya’t ang kanilang puno’y dumalangin humingi ng kamandag kay Bathala. Ang kanilang kahilingan ay hindi naman pinagkaitan ng Panginoong Diyos.

Isang araw ang Panginoong Diyos ay nanaog at dala ang isang kamandag upang batiin ang mga ahas. Ang unang nakakuha ay ang ulupong kung kaya ang kanya ang pinakamabagsik. Ang lahat ay nakakuha ng kamandag maliban lamang sa dahongpalay na hindi kaagad nabatid ang pagbibigayan ng kamandag.

Nang madatnan niya ang pook na bigayan ng kamandag ay ang banga na lamang ang kanyang nakita. Sa hangad niyang magkaroon ng kamandag ay nagpaikot-ikot siya sa loob ng banga na ang kamandag ay napunta sa kanyang balat. Ngayon ang dahongpalay ay may kamandag sa balat at hindi sa loob ng katawan.

ALAMAT NG BUNDOK ARAYAT

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan

Page 12: Ang Alamat Ng Rosas

at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.

Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng engkantada.

Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.

ANG LOBO AT ANG UBAS

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto 

Page 13: Ang Alamat Ng Rosas

ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Katig.Com:

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli  pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubasna iyon," ang sabi niya sa sarili.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Page 14: Ang Alamat Ng Rosas

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng  gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

ANG DAGA AT ANG LEON

Page 15: Ang Alamat Ng Rosas

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak  siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.  

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

ANG LOBO AT ANG KAMBING

Page 16: Ang Alamat Ng Rosas

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. 

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. 

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. 

"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." 

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. 

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." 

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

ANG UWAK NA NAGPANGGAP

Page 17: Ang Alamat Ng Rosas

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo salupa.  Pinagmasdan 

niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay nataglay niyon.  At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.  

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.  

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaringuwak.  

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak.  Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.   

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!" Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo salupa.  Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay nataglay niyon.  At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.  

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.  

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaringuwak.  

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak.  Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.    Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW

Page 18: Ang Alamat Ng Rosas

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw angnaninirahan sa gitna ng taniman ng mais.  Isang araw, lumabas ngbahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan!  Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok.   "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agadmagsisipag-kilos ang mga iyon!  May panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok.  Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.  

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawakong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-dalingiminungkahi sa kanilang ina.  Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindimagsisipagsunod ang mga iyon!  May mga trabaho ring dapatasikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan.  May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok.  Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. 

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim.   Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mgasarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

ANG KABAYO AT MANGANGALAKAL

Page 19: Ang Alamat Ng Rosas

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sapalengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyangkabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sakoat ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyangnagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal  sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun  pa man aymagpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

ANG ASO AT PUSA

Page 20: Ang Alamat Ng Rosas

Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon.Samantalang pinagpapasasaan

niya iyon, isang munting butoAng nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya

maalisAng bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang

ubod-lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng Makapag-aalis ng

kanyang bikig.Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa

kaninumangMahilingan ng tulong na ibibgay niya ang anumang mayroon siya sa

makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang aso at

ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo hanggang

liig upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, “Akin na ang

aking gantimpala.” Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil.

“Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa

rin nang hindi napahamak,” wika ng aso na waring nanunumbat.

ANG BUWAYA AT ANG TUSONG MATSING

Page 21: Ang Alamat Ng Rosas

Balisang balisa ang Matsing. Ubos at wala nang pagkain sa kanyang munting pulo ng Buyayaw, at gutom na gutom na siya. Maraming pagkain sa kabilang malaking pulo at tumpak! Dapat siyang lumipat duon! Ang hirap, kailangang tumawid sa makitid na dagat nang palangoy. Mas mahirap, isang katutak na mga buaya ang palangoy-langoy sa tubig, gutom din tulad niya. Paano siya makakarating sa kabilang pulo?

“Maigi pa, tanungin ko ang dagat,” sabi ni matsing, sa wakas. “Dagat, dagat, kung mapanganib talaga sa akin ang tumawid, dapat kang maging malamig!”

Lumapit sa dalampasigan si Matsing at isinawsaw ang kanyang kamay. Ang lamig! Natigilan si Matsing sa sagot ng dagat, na mapapatay siya kung lumangoy. Subalit mahirap din ang mamatay sa gutom, kaya ipinasiya ni Matsing na tumawid sa tubig, kahit ano ang mangyari! Nagsimula na siya nang nakita niya si Buaya, naghihintay sa gitna ng tubig.

“Ano ang gusto mo sa akin?” tanong ni Matsing.

“Ang atay mo,” ungol ni Buaya. “Iyon ang favorito ko.”

“Atay ko!” bulalas ni Matsing. “Sayang, iniwan ko duon sa kabilang pampang dahil mabigat at baka malunod ako kung dinala ko. Subalit matalik kitang kaibigan, kaya kukunin ko para sa iyo. Maaari bang isakay mo ako sa likod mo at itawid sa kabila?”

Pumayag si Buaya at itinawid si Matsing sa kabilang pulo. Mabilis na bumaba ito at tumakbo sa gubat. Nang ligtas na saka lamang siya lumingon.

“Wala kang kaalam-alam, Buaya!” sigaw ni Matsing. “Mayruon ba namang nag-iiwan ng atay niya!”

Tuluy-tuloy na siya sa gubat at nagtago. Naiwan si Buaya sa pampang, galit na galit, at ipinasiya niyang maghiganti. Isang araw, pinasok niya ang bahay ni Matsing. Walang laman ang bahay, nasa labas siMatsing at naghahanap ng pagkain. Nagtago sa luob ng bahay siBuaya at nag-abang.

Page 22: Ang Alamat Ng Rosas

Pagbalik ni Matsing, nakita niya ang mga bakas sa lupa at naghinalang tatambangan siya ni Buaya. Upang makatiyak, sumigaw siya, “Kung mayruong nasa luob ng bahay, tumahimik siya, subalit kung walang naghihintay sa luob, dapat siyang humiyaw!”

Pagkarinig ni Buaya, humiyaw nga siya upang ipahiwatig na walang naghihintay sa luob ng bahay.

“Tanga ka, Buaya!” sigaw ni Matsing bago tumakas. “May hihiyaw ba kung walang nasa luob ng bahay!?”

Nabigo uli, hindi sumuko si Buaya. Kinabukasan, naglublob siya sa putik hanggang bumantot ang amoy niya. Tapos, dumapa siya sa lupa nang walang kilos, nagkunwaring patay na siya. Hindi siya gumagalaw, kaya dinapuan siya ng maraming langaw tulad ng gawa nila sa bangkay. Hindi nagtagal, dumating si Matsing at lumapit sa “patay” na Buaya.

“Ikaw, Buaya, kung buhay ka pa, huwag kang umimik,” sabi niMatsing, “subalit kung talagang patay ka na, umongol ka!”

At umngol nga si Buaya upang patunayan na hindi siya nagpapatay-patayan!

Kumaripas patakas si Matsing.

“Talagang gunggong ka, Buaya!” sigaw ni Matsing mula sa malayo.“Sino ba namang patay na buaya ang umuungol?!”

Marami pa silang naging paghahamok, subalit dahil tuso, laging nakaiwas si Matsing sa mga pakana ni Buaya.

Page 23: Ang Alamat Ng Rosas

ANG IBON AT ANG LANGGAM

Merong isang langgam sa tabi ng batis,Sa nilakad-lakad nahulog sa tubig, sa

nilutang-lutang at inikit-ikit, kamatayan niya’y lalong lumalapit. Sa tabi ng batis; sa

may sanga ng kahoy ay may namumugad namang isang ibon, sa kawawang langgam

nagbigay ng tulong,naglaglag ng isang maliit na dahon. Sa dahong nalaglag langgam

ay kumapit,Kaya’t nakaligtas siya sa panganib.Ang pasasalamat ay di

mahulip,“Makagaganti rin!” ang ipinagsulit. Sa nasabing puno ng kahoy ang langgam

ay gumawa ng bahay. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan.Gumawa ng punso o

puntod at pinagsikapang bantayan ang ibonHabang nabubuhay. Ilang araw lamang

ang nakalipasMay isang binata ang lumabas sa gubat.May saklay itong pana sa

kanyang balikat at ang ibon ay siyang hinanap. Nang napapagod na’y nakaramdam ng

uhaw ang binataKaya’t nakarating siya sa batisan. Dito niya nakita ang ibonNa siya

niyang pakay, nasa sanga ng kahoy at gustoNiyang hulihin, at kara-karaka’y kinuha

ang kanyang panaAt papanain n asana ang ibong kawawa. Ngunit nagulantangNa

lamang ang binata nang sugurin ng mga langgam ang kanyang paa. Sa pagkagulat ng

binata nahulog ang kanyang sibat, nagkaroonNg pagkakataon ang ibon para

makalipad. Ang binata naman sa Sakit ng mga kagat dulot ng mga langgam sa pook

na yaon ay umalis agad.Ang nangyaring ito sa ibon at sa langgam saksing mahalagaSa

pagtutulungan. Iligtas mo ako sa kapahamaka’t, Ililigtas kita sa kapanganiban.