12
ALAMIN ANG BATAS LABAN SA CHILD TRAFFICKING Protektahan ang mga Bata!

Alamin ang batas laban sa child trafficking

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Alamin ang batas laban sa child trafficking

ALAMIN ANG BATAS LABAN SA CHILD TRAFFICKING

Protektahan ang mga Bata!

Page 2: Alamin ang batas laban sa child trafficking

ANO ANG TRAFFICKING IN PERSONS? Ang TRAFFICKING IN PERSON ay isang paglabag sa karapatan

ng bata kung saan nire-recruit, kinukuha, binabyahe, dinadala, itinatago o ibinabahay ang biktima nang sapilitan, may pahintulot man o wala, sa loob o labas ng kanyang bansa. Ang mga biktima ay pinipilit, kinikidnap, niloloko o nililinlang, inaabuso, dinadaan sa sindak ng taong mas mataas ang posisyon, pinagsamantalahan ang kahinaan o sinuhulan para pumayag. Layon ng maysala ang magsamantala; kabilang na dito ang prostitusyon at iba pang uri ng sekswal na pagsasamantala (kagaya ng pornograpiya) , forced labor o iba pang katulad na serbisyo, pang- aalipin, pagpapagawa ng mabibigat na trabaho, at pagtanggal at pagbenta ng mga bahagi ng katawan (organs)

Page 3: Alamin ang batas laban sa child trafficking

BAKIT NANGYAYARI ANG CHILD TRAFFICKING?

Batay sa karanasan, karamihan sa mga nabibiktima ng trafficking ay lugmok sa kahirapan at mababa ang pinag-aralan; ang iba’y nakaranas ng sekswal at pisikal na pang-aabuso o pinipilit ng pamilya. Kadalasan mababa ang tingin ng mga nambibiktima sa mga bata. Tinuturing na pag-aari ang bata, na pwedeng ikalakal at pagkakitaan.

Page 4: Alamin ang batas laban sa child trafficking

ANO ANG R.A. 9208?

Ang Republic Act 9208 (R.A. 9208) o Anti-trafficking in Person Act of 2003 ay isang batas na ipinasa para wakasan ang trafficking in persons, lalo na sa mga babae’t mga bata. Layon ng batas na magpatupad ng mga patakaran at paraan para protektahan at suportahan ang mga biktima ng trafficking at maparusahan ang mga lumalabag sa batas na ito.

Page 5: Alamin ang batas laban sa child trafficking

ANONG MGA AKTO NG TRAFFICKING ANG BINIBIGYANG-SALA SA R.A. 9208?

Bukod sa mga pananamantalang mga gawain katulad ng illegal recruitment, prostitusyon, pornograpiya, pang-aalipin, sapilitang pagtatrabaho, pagtatangal at pagbebenta ng mga bahagi ng katawan, kabilang din dito ang bride trade, sex tourism, sapilitang paninilbihan ng tao bilang kabayaran sa utang, at pag-recruit o pag-ampon ng bata para sumali sa hukbo.

May parusa rin para sa mga gawaing nagtataguyod sa trafficking. Halimbawa nito ay ang paggamit sa serbisyo ng biktima, pagtago o pagpapatira sa biktima ng trafficking, pag-imprenta o pagpapakalat ng pornographic na mga larawan o video na ipinapakita ang biktima, ang pagtulong para madaling makapasok o makalabas ng bansa ang biktima, pagtatago ng pasaporte o mga ligal na dokumento ng biktima para ikulong siya, at ang pagbibigay ng pondo sa mga gawain ng trafficking.

Page 6: Alamin ang batas laban sa child trafficking

IWASAN ANG CHILD TRAFFICKING!

Huwag basta magtitiwala sa kahit na sino. Ipagbigay alam sa mga kamag-anak, kaibigan at sa inyong barangay ang pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa mga kahinahinalang taong nagre-recruit ng mga bata sa inyong lugar. Tiyaking may contact number kayo ng mga mapagkakatiwalaang tao na maaring tawagan sakaling mangailangan kayo ng tulong. Alamin ang inyong mga karapatan at ipaglaban ang mga ito!

Page 7: Alamin ang batas laban sa child trafficking

ANO ANG MGA KASO NG QUALIFIED TRAFFICKING IN PERSONS?

Maituturing na pinakamabigat na kaso g trafficking ang qualified trafficking in persons. Masasabing qualified trafficking ang kaso kung ang biktima ay bata, kung ang biktima ay nagkaroon ng HIV-AIDS, kung ang maysala ay kamag-anak ng biktima o may relasyon sa biktima, kung malaking sindikato ang nagpapatakbo nito o kung mahigit sa tatlong tao ang naging biktima ng maysala, kung ang biktima’y inilako sa militar o ibang alagad ng batas, kung ang nambiktima ay militar, alagad ng batas o opisyal ng pamahalaan o institusyon.

Page 8: Alamin ang batas laban sa child trafficking

ANO ANG PARUSA SA MGA MAYSALA?

Ang maysala ay maaring parusahan ng pagkakakulong nang mula sa anim (6) na taon ang pinakamababa, hanggang habambuhay ang pinakamataas at pagbayarin ng multang P 500,000 ang pinakamababa hanggang P 5,000,000 ang pinakamataas. Nagbabago ang parusa depende sa bigat ng partisipasyon sa trafficking. Paparusahan din ang mga taong gumamit ng serbisyo ng mga taong na-traffick; magbibigay sila ng anim na buwang community service at magbabayad sila ng P50,000 na multa sa unang pagkakasala. Paglumabag uli sila sa batas, ang multa’y magiging P100,000 na. May karampatang parusa para sa mga sindikato, dayuhan at opisyal ng pamahalaang lumabag sa R.A. 9208. Ang qualified trafficking in persons ay papatawan ng pinakamabigat na parusa – habambuhay na pagkabilanggo at multa ng dalawang milyon hanggang limang milyong piso.

Page 9: Alamin ang batas laban sa child trafficking

SINO ANG PWEDENG MAGREKLAMO, MAGSUMBONG O MAGSAMPA NG KASO

Maaring magsumbong ang nabiktima ng trafficking, ang asawa niya, ang mga magulang o ligal na tagapangalaga (legal guardian), kapatid, anak, o kahit na sinong taong may kaalaman tungkol sa nagaganap na trafficking.

Page 10: Alamin ang batas laban sa child trafficking

SAAN PWEDENG MAGSUMBONG KUNG MAY ALAM KANG LUMALABAG SA R.A. 9208?

Maaaring lumapit sa lokal na barangay, pulis, (Philippine National Police o PNP), social worker (lokal branch ng Department of Social Welfare and Development o DSWD) o sa lokal na opisina ng PACT, kung mayroon a inyong lugar. Maari ring makipag-ugnayan sa lokal na opisina ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), na pinapamunuan ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) at ng DSWD.

Page 11: Alamin ang batas laban sa child trafficking

PAANO MATUTULUNGAN ANG MGA NABIBIKTIMA NG TRAFFICKING IN PERSONS?

Sa ilalim ng R.A. 9208, ang mga biktima ng trafficking ay maaaring bigyan ng pansamantalang shelter, payo ng abogado, sebisyong medikal at sikolohikal o counselling, skills training o pagsasanay para sa kabuhayan at educational assistance para sa batang na-traffick.

Page 12: Alamin ang batas laban sa child trafficking

TIP ACTION LINE

1343 - Manila

02 (1343) – Outside Manila

632 (1343) – Outside Philippines