Republic of the Philippines Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 1:
Ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang Klasiko ng Greece
Zest for Progress
Zeal of Partnership
8
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lelineth B. Tumapon
Editor: Florence S. Gallemit
Ma.Vilma E. Mahinay
Julito H. Abne
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Leah B. Acoymo
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang Klasiko ng Greece.
(AP8DKT-IIa-1)
Balikan
Bago natin simulan ang bagong aralin, sagutin muna ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnan na itinuring na isa sa mga napakahalagang ambag sa daigdig?
A. Epic of Gilgamesh C. Geometry B. Code of Hammurabi D. Ziggurat 2. Bakit dakilang pamana ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan?
A. Dahil naging ugat ng ating paniniwala ang mga ambag nila. B. Dahil ang kasaysayan ay hadlang sa ating kaunlaran ng bansa. C. Dahil ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan ay may pakinabang
sa pamumuhay ng mga Pilipino. D. Dahil ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan ay may kaugnayan
sa mga opisyal ng kabihasnan sa kasalukuyan.
3. Ang mga sumusunod ay mga kontribusyon o ambag ng kabihasnang Indus MALIBAN sa: A. Sewerage System C. Water Clock
B. gamit ng Seda D. Arthasastra
4. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnanakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito. B. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat
maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan. C. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento
ng mga sinaunang Tsino. D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. 5. Ano ano ang mga kontribusyon sa kabihasnan Tsino? A. Code of Hammurabi, Cuneiform, Ziggurat B. Taj Mahal, Halagang Pi (3.16), Sewerage System C. Pyramid,Sagradong Pagdiriwang, Hieroglyphics D. Star Map, Great Wall of China, Payong
Tuklasin
Ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Kabihasnang Klasiko ng Greece
Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa Timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing
naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na nagpayaman sa kanilang kultura.
Ang mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbibigay-daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. Ang Mga Minoans
Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BCE o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bagay na yari sa laryo bricks at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.
Hindi nagtagal, kinilala naman ang Knossos bilang isang makapang-yarihang
lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ng Knossos ang naging pinakamalaki.
Aralin 1
Ang Kabihasnang Minoan, Mycenaean at
Kabihasnang Klasiko ng Greece
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga
mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 BCE. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nagsimula na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinagugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos nang masakop at magupo nila ang Crete.
Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga
salitang Minoan aang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan aay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin ng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kwentong ito ay nag-uugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, hindi nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.
Noong 1100BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at
iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinikilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon ding kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang Dark Age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.
Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa espasyo na inilaan.
1. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng mga Minoan? 2. Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?
3. Saan matatagpuan ang kabihasnang Mycenaean? 3. Ano-ano ang katangian ng Kabihasnang Mycenaean? 5. Paano nagbago ang Kabihasnang Mycenaean sa pagsapit ng 1100BCE na tinaguriang Dark Age o madilim na panahon?
Pagyamanin
Gawain 1: Pagtatambal-tamabal: Panuto: Pagtatambalin ang mga aytem sa HANAY A at mga aytem sa HANAY B. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B ___ 1. Mahuhusay gumamit ng metal at iba pang A. Mycenaea teknolohiya.
___ 2. Makapangyarihang lungsod na sumakop sa B. Ionian
kabuuang Crete.
___ 3. Matatagpuan 16 kilometro ang layo sa C. Knossos Aplaya ng dagat Aegean.
___ 4. Pangkat ng tao mula sa hilaga na pumasok D. Dorian sa Greece at iginupo ang Mycenaean.
___ 5. Isang pangkat ng tao na may kaugnayan sa E. Minoan Mycenaean na pumasok sa timog ng Greece. Gawain 2: Kumpletuhin Mo.. Panuto: Tukuyin ang mga lugar, pangkat ng tao o pangyayari na hinihi- ngi sa bawat bilang ayon sa pahayag na ibinibigay. Ang initial letter ay makikita bilang iyong gabay.
H ________ M________ 6. Ang maalamat na hari na nagtatag ng Kabihasnang Minoan.
K __________________ 7. Isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete.
M __________________8. Napapaligiran ng makapal na pader ang lungsod na nagsilbing
pananggalang sa maaaring paglusob. D __________________9. Pangkat ng tao mula sa hilaga na pumasok sa Greece at iginupo
ang Mycenaean. D __________A______10. Madilim na panahon ng Kabihasnang Mycenaean na tumagal
nang halos 300 taon.
Gawain
Gamit ang FLOW CHART, isulat ang mga pangyayari sa pag-unlad at pagbagsak ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean. Isulat ito sa mga bakanteng kahon.
Kabihasnang
Minoan
Kabihasnang
Mycenaean
RUBRIC sa Pagmamarka ng Flow Chart
Pamantayan Diskripsiyon Puntos
Nilalaman Mahusay na nailahad ang mga pangyayari 10
Kalinisan Malinaw at malinis ang gawain 5
Kabuuan 15
Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot espasyo na inilaan.
1. Kung kayo ay nabubuhay sa panahong ito, paano kayo makikiayon sa kapaligiran at sa mga taong nakapaligid sa iyo? 2. Sa palagay mo, may kaugnayan ba ang mga naging ambag ng kabihasnang Minoan at Mycenaean sa kasalukuyang panahon? Paano?
Isaisip
Punan Natin Ito. Panuto: Alamin ang nawawalang salita o mga salita tungkol sa kabihasnang Minoan at Mycenaean upang mabuo ang pangungusap o pahayag. Mamili ng sagot mula sa mga salita sa ibaba. Isulat ang inyong napiling sagot sa patlang. 1. Ang lupain ng Greece ay mabato at ________________. Ito ang pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. 2. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal. Magagaling din silang __________________. 3. Umunlad nang husto ang kabuhayan ng Kabihasnang Minoan dulot ng _______________. 4. Ang Mycenaean ay napapaligiran ng makapal na pader na nagsisilbing ______________ sa mga maaaring lumusob dito. 5. Ang Dark Age o madilim na panahon ng kabihasnang Mycenaean na tumagal nang halos 300 taon. Naging _______________ ng iba’t ibang kaharian. 6. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa ___________________. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan.
7. Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinikilala mga _______________. 8. Nakilala bilang mga Ionian ang pangkat ng tao na mayroon ding kaugnayan sa mga Mycenaean na tumungo sa ____________ ng Greece. 9. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga ________________ at alipin. 10. Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na ________________ na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan.
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem o tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot. 1. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ang mga sumusunod ay naging epekto nito sa kabuuang lupain MALIBAN sa;
A. Naging sagabal sa mabilis na pagdaloy ng komunikasyon. B. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. C. Naging dahilan upang magkaroon ng kaugnayan sa iba’t ibang uri
ng tao. D. Ang bawat lungsod-estado ay nagkaroon ng kani-kaniyang natatanging
katangian na nagpapayaman ng kanilang kultura.
2. Sa Kabihasnang Minoan, ano ang kinikilala na isang makapangyarihang lungsod na sumakop sa kabuuang Crete?
A. Knossos C. Greece B. Aegean D. Mycenea
3. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng kabihasnang Minoan MALIBAN sa isa;
A. Walang sistema ng pagsulat. B. Magagaling din silang mandaragat.
Palasak ang digmaan
Kalakalang pandagat
Bulubun
dukin
Wikang Greek
magsasaka
Panang-galang Dorian
timog
Pakikipag-kalakalan
manda-ragat
C. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo bricks. D. Mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
4. Paano narating ng kabihasnang Minoan ang tugatog ng pag-unlad? A. Sa pamamagitan ng palakasan. B. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. C. Sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka. D. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bagay na gawa sa metal.
5. Paano nagwakas ang kabihasnang Minoan? A. Dahil sa pagkawasak ng mga lupain. B. Dahil sa kalamidad tulad ng pagbaha at lindol. C. Nang sinalakay ito ng di nakikilalang mananalakay. D. Dahil sa pagkakaroon ng sakit na ikinamatay ng mga tao.
6. Anong kabihasnan ang matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng Dagat Aegean?
A. Minoan C. Knossos B. Mycenaea D. Dorian
7. Ang mga sumusunod ay katangian ng Kabihasnang Mycenaea MALIBAN sa isa;
A. May kakayahan sa pagpipinta. B. Naging napakalakas na mandaragat. C. Napapaligiran ng makapal na pader ang lungsod. D. Ang mga lungsod ay pinag-uugnay ng maayos na daanan at tulay.
8. Ano ang pangkat ng tao na mula sa hilaga na pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean?
A. Ionia C. Dorian B. Minoan D. Dravidian
9. Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao ang tumungo sa timog ng Greece at nagtatag ng kanilang pamayanan. Sino ang mga ito?
A. Ionian C. Mycenaean B. Dorian D. Minoan
10. Ang pagpasok ng dalawang pangkat ng tao sa Greece ay tinaguriang Dark Age o madilim na panahon na tumagal nang halos 300 taon. Bakit tinawag itong Dark Age?
A. Naging palasak ang digmaan ng iba’t ibang kaharian. B. Ang paglago ng sining at pagsulat ay unti-unting naudlot. C. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka at ibang gawaing pangkabuhayan. D. Lahat sa nababanggit
Karagdagang Gawain Gamit ang W-Technique, isulat ang PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean.
Minoan Pagkakatulad Mycenaean
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan (Kasaysayan ng Daigdig)
Mga Manunulat - Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorena S. Asis
BALIKAN
1. B
2. C
3. B
4. C
5. D
PAGYAMANIN
1. E
2. C
3. A
4. D
5. B
6. Haring Minos
7. Knossos
8. Mycenaean
9. Dorian
10. Dark Age
ISAISIP
1. bulubundukin
2. mandaragat
3. Pakikipagkalakalan
4. Pananggalang
5. Palasak
6. Wikang Greek
7. Dorian
8. Timog
9. Magsasaka
10. Kalakalang pandagat
TAYAHIN
1. C 6. B
2. A 7. B
3. A 8. C
4. B 9. A
5. C 10. D
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX Our.. Eden... Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”
And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!
I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.