Transcript
Page 1: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Planong AralinPagtakas Mula sa Ehipto (Unang Aralin)

Unang Aralin: Iningatan ng Diyos si Moises Guro: Teksto sa Kasulatan: Exodo 1:1-2:10 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na laging nananaig ang mga plano ng Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang

iligtas sila mula sa Faraon, ang Hari ng Ehipto. Itinalaga ng Diyos ang isang batang lalaki na

nagngangalang Moises upang iligtas ang Kanyang bayan. Tinangka ng Faraon na patayin ang

lahat ng mga batang lalaking anak ng mga Hebreo ngunit itinago si Moises ng kanyang ina sa

mga tambo sa Ilog Nilo. Nakita ng anak ng babae ng Faraon si Moises at hiniling sa kanyang

sariling ina na alagaan siya. Ng medyo malaki na si Moises, dinala siya ng prinsesa sa palasyo ng

Ehipto upang doon tumira.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang ibig sabihin ng pangalang Moises ay ‘hinango mula sa tubig’ dahil hinango

siya mula sa tubig? (Exodo 2:10)

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 2: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 1, 2, at 3 mula sa kuwentong ‘Pagtakas Mula sa Ehipto.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Sino ang pinuno ng Ehipto?

2. Bakit hiniling ng mga Hebreo sa Diyos na iligtas sila?

3. Paano itinago si Moises ng kanyang ina mula sa Faraon?

4. Paano iningatan ng Diyos si Moises?

5. Ano ang mga panganib na maaaring mangyari kay Moises sa ilog?

Mensahe: Basahin: Kawikaan 19: 21. Bagama’t tayo ang gumagawa ng ating mga sariling plano, ang plano pa

rin ni Yahweh ang nananaig.

Talatang isasaulo: “Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.”

(Awit 50:15)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Si Moises sa Ilog

2. For more activities, see our Moses & the Ten Plagues Activity Book and Moses and the Ten

Plagues for Kids Ages 3-5. Preview here: https://www.biblepathwayadventures.com/activities/

78-page-activity-book-moses-10-plagues/ and https://biblepathwayadventures.com/activities/

moses-ten-plagues-activitybook-kids-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 3: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Planong AralinPagtakas Mula sa Ehipto (Ikalawang Aralin)

Ikalawang Aralin: Tumakas si Moises patungong Madian Guro: Teksto sa Kasulatan: Exodo 2:11-2:21 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na magtiwala sa Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalawang Aralin, nanatiling alipin ang mga Hebreo sa Ehipto. Lumaki si Moises sa palasyo ng

Faraon at natutunan ang mga karunungan ng mga Ehipsyo. Isang araw, nakita niya ang isang

Ehipsyo na sinasaktan ang isa sa mga aliping Hebreo kaya’t pinatay niya ang Ehipsyo. Ng malaman

ng Faraon ang ginawa ni Moises, tinangka niyang patayin ito. Natakot si Moises para sa kanyang

buhay at tumakas siya patungo sa lupain ng Madian kung saan niya nakilala si Jetro (isang

saserdoteng Madianita) at ang mga anak na babae nito.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang lupain ng Madian ay matatagpuan sa ngayon ay tinatawag na modernong

Saudi Arabia?

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 4: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 4, 5, at 6 mula sa kuwentong ‘Pagtakas Mula sa Ehipto.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Sa inyong palagay, bakit nagalit si Moises sa Ehipsyo?

2. Bakit ninais ng Faraon na patayin si Moises?

3. Bakit tumakas si Moises mula sa Ehipto at saan siya nagpunta?

4. Paano nakilala ni Moises si Jetro?

5. Ano ang ipinangako ni Jetro kay Moises?

Mensahe: Basahin: Kawikaan 3: 5-6. Kung hindi natin nauunawaan ang mga nangyayari, dapat tayong

magtiwala kay Yahweh at huwag manangan sa ating sariling isip at karunungan.

Talatang isasaulo: “Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya'y

isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig.”

(Jeremias 17: 7-8)

Gawain: 1. Maze: Ehipto Maze

2. For more activities, see our Moses & the Ten Plagues Activity Book and Moses and the Ten

Plagues for Kids Ages 3-5. Preview here: https://www.biblepathwayadventures.com/activities/

78-page-activity-book-moses-10-plagues/ and https://biblepathwayadventures.com/activities/

moses-ten-plagues-activitybook-kids-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang

maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 5: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Planong AralinPagtakas Mula sa Ehipto (Ikatlong Aralin)

Ikatlong Aralin: Ang nagliliyab na puno | Guro: Teksto sa Kasulatan: Exodo 2:21-4:28 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na kung pagagawin sila ng Diyos ng isang bagay, bibigyan sila ng kakayahan ng Diyos.

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikatlong Aralin, napangasawa ni Moises si Zipora at tumira sila sa ilang, malapit sa isang bundok

na tinatawag na Sinai. Pagkatapos ng 40 taon, sinabi ni Yahweh kay Moises na bumalik ito sa

Ehipto para sa isang espesyal na misyon, ang pagpapalaya sa Kanyang bayan mula sa pagkaalipin

sa Ehipto. Hindi makapaniwala si Moises na pakikinggan siya ng Faraon. Binigyan ng Diyos ang tungkod ni Moises ng kapangyarihan na gumawa ng mga tanda at himala at binigyan din siya ng

makakatulong sa katauhan ng kanyang kapatid na si Aaron.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na parehong ginugol ni Moises at ni Jesus (Yeshua) ang bahagi ng kanilang

kabataan sa Ehipto? Sinimulan ni Moises ang kanyang ministeryo pagkatapos ng 40 taon sa ilang;

sinimulan naman ni Yeshua ang Kanyang ministeryo pagkatapos na 40 araw na pagaayuno sa

ilang.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 6: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 7, 8, at 9 mula sa kuwentong ‘Pagtakas Mula sa Ehipto.’ Mga gagamiting

tanong:

1. Ano ang ginawa ni Moises habang wala siya sa Ehipto?

2. Ano ang kakaiba sa puno na nakita ni Moises sa disyerto?

3. Bakit sinabi ng Diyos kay Moises na hubarin niya ang kanyang panyapak?

4. Ano ang ipinapagawa ni Yahweh kay Moises?

5. Paano binigyan ni Yahweh ng kakayahan si Moises upang pangunahan ang mga Israelita sa

paglabas sa Ehipto?

Mensahe: Basahin: Hebreo 13:20-21. Lagi tayong binibigyan ng Diyos ng kakayahan upang gawin ang

Kanyang ipinagagawa sa atin.

Talatang isasaulo: “Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.”

(Awit 121:2)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Si Moises at ang Ahas

2. For more activities, see our Moses & the Ten Plagues Activity Book and Moses and the Ten

Plagues for Kids Ages 3-5. Preview here: https://www.biblepathwayadventures.com/activities/

78-page-activity-book-moses-10-plagues/ and https://biblepathwayadventures.com/activities/

moses-ten-plagues-activitybook-kids-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang

maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 7: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Planong AralinPagtakas Mula sa Ehipto (Ikaapat na Aralin)

Ikaapat na Aralin: Ang pakikipagkita ni Moises at Aaron sa Faraon Guro: Teksto sa Kasulatan: Exodo 4:29-8:11 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na ang Diyos ang may kontrol sa lahat ng bagay

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikaapat na Aralin, dumating sa wakas sina Moises at Aaron sa Ehipto. Tumayo sila sa harap ng

Faraon at hiniling dito na palayain na ang mga Hebreo sa pagkaalipin. Ngunit pinatigas ng Diyos

ang puso ng Faraon at tumanggi ito. Ginawang dugo ni Yahweh ang tubig Nilo at nagpadala Siya

ng salot na mga palaka upang tulungang magbago ng isip ang Faraon.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang salitang ‘salot’ ay mula sa salitang Hebreo na ‘oth’ na nangangahulugang

‘mahimalang tanda,’ ‘pangitain,’ o ‘babala?’

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 8: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 10, 11, at 12 mula sa kuwentong ‘Pagtakas Mula sa Ehipto.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Bakit si Aaron ang naging tagapagsalita ni Moises?

2. Paano tumugon ang Faraon sa kahilingan nina Moises at Aaron na palayain ang mga Hebreo?

3. Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin na pinatigas ng Faraon ang kanyang puso?

4. Bakit nagalit ang mga Hebreo kina Moises at Aaron?

5. Ano ang una at pangalawang salot?

Mensahe: Basahin: Exodo 14:13-14. Makapangyarihan ang Diyos! Kahit na hindi natin ito nakikita, Siya ang

may kontrol sa lahat ng bagay.

Talatang isasaulo: “Mapalad ang taong sumusunod sa ating Diyos, ngunit ang matigas ang ulo ay mapapahamak.”

(Kawikaan 28:14)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Sampung Salot

2. For more activities, see our Moses & the Ten Plagues Activity Book and Moses and the Ten

Plagues for Kids Ages 3-5. Preview here: https://www.biblepathwayadventures.com/activities/

78-page-activity-book-moses-10-plagues/ and https://biblepathwayadventures.com/activities/

moses-ten-plagues-activitybook-kids-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing

panalangin.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 9: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Planong AralinPagtakas Mula sa Ehipto (Ikalimang Aralin)

Ikalimang Aralin: Ang mga Salot! Guro: Teksto sa Kasulatan: Exodo 8:12-10:7 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata na si Elohim ang nagiisa at tunay na Diyos

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikalimang Aralin, nagpadala ang Diyos ng marami pang mga salot sa Ehipto kabilang ang mga

salot ng kuto, langaw, patay na hayop, at pag-ulan ng malalaking tipak ng yelo. Ngunit sa bawat

pagkakataon, tumigas ang puso ng Faraon at hindi siya sumunod sa utos ng Diyos na palayain ang

mga Hebreo. Nagmakaawa ang mga alipin ng Faraon na hayaan na nitong umalis ang mga Hebreo

at magpuri sa Diyos. Ngunit tumanggi ang Faraon.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na ang layunin ng sampung salot na ipinadala ng Diyos ay upang ipakita sa Faraon

at sa mga Ehipsyo na walang kapangyarihan ang kanilang mga diyus-diyusan kumpara kay

Yahweh? Ang bawat salot ay hatol ng Diyos laban sa bawat isang diyus-diyusan ng mga Ehipsyo.

Halimbawa, ang salot na kadiliman ay hatol ng Diyos sa diyus-diyusan ng mga Ehipsyo na

tinatawag na ‘Rah,’ (ang diyos na Araw).

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 10: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 13, 14, at 15 mula sa kuwentong ‘Pagtakas Mula sa Ehipto.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan sa Faraon at sa lahat ng mga Ehipsyo?

2. Ano ang reaksyon ng Faraon?

3. Bakit hindi natuwa si Jonas sa ginawa ng Diyos?

4. Bakit nagmakaawa ang mga alipin ng Faraon na baguhin nito ang kanyang desisyon?

5. Anong uri ng tao si Moises?

Mensahe: Basahin: Isaias 44: 6-8. May isa lamang tunay na Diyos. Ang tatlo sa Kanyang mga pangalan ay

Elohim, YHVH at Yahweh.

Talatang isasaulo: “Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Diyos:” (Deuteronomio 6:4)

Gawain: 1. Pahinang kukulayan: Ang Salot ng Langaw

2. For more activities, see our Moses & the Ten Plagues Activity Book and Moses and the Ten

Plagues for Kids Ages 3-5. Preview here: https://www.biblepathwayadventures.com/activities/

78-page-activity-book-moses-10-plagues/ and https://biblepathwayadventures.com/activities/

moses-ten-plagues-activitybook-kids-3-5/

Pangwakas na panalangin: Tapusin ang aralin sa isang maiksing panalangin.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 11: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Planong AralinPagtakas Mula sa Ehipto (Ikaanim na Aralin)

Ikaanim na Aralin: Paglaya mula sa pagkaalipin! | Guro: Teksto sa Kasulatan: Exodo 10:8-12:36 Layunin ng aralin: Matututunan ng mga bata ang tungkol sa itinalagang panahon ng Diyos (YHVH) para sa Paskwa

Panimulang panalangin: Manalangin ng maiksi kasama ang mga bata bago simulan ang aralin.

Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Ikaanim na Aralin, nagpadala si Yahweh ng mga salot na balang at kadiliman. Tumanggi pa rin

ang Faraon na palayain ang mga Hebreo, kaya’t nagpadala ang Diyos ng panghuling salot – ang

kamatayan ng mga panganay na lalaki ng mga Ehipsyo. Ngunit naligtas ang mga Hebreo na

sumunod sa tagubilin ng Diyos na magpahid ng dugo ng kordero sa mga hamba ng kanilang

pintuan. Sumunod din sa wakas ang Faraon kay Yahweh at pinalaya ang mga Hebreo. Ito ang

unang Paskwa at ang panahon kung kailan inaalala ng mga Hebreo ang pagpapalaya sa kanila ng

Diyos mula sa pagkaalipin nila sa Ehipto.

Nakakatuwang Katotohanan mula sa Bibliya? Alam ba ninyo na namatay si Jesus (Yeshua) sa mismong araw ng Paskwa, 1,500 taon pagkatapos

ng unang Paskwa sa Ehipto? Ang Paskwa ay isa sa mga itinalagang kapistahan ng Diyos sa Bibliya.

©Bible Pathway Adventures www.biblepathwayadventures.com

Page 12: Planong Aralin - biblepathwayadventures.com · Buod ng Aralin sa Bibliya: Sa Unang Aralin, ang mga Hebreo ay mga alipin sa Ehipto. Tumawag sila sa Diyos (Yahweh) upang iligtas sila

Aralin sa Bibliya: Basahin ang mga pahina 16, 17, at 18 mula sa kuwentong ‘Pagtakas Mula sa Ehipto.’ Mga

gagamiting tanong:

1. Ilang araw tumagal ang kadiliman sa lupain ng Ehipto?

2. Ano ang pinakahuling salot?

3. Paano iningatan ng mga Hebreo ang kanilang sarili mula sa salot na ito?

4. Ano ang ibinigay ng mga Ehipsyo sa mga Israelita ng umalis sila sa Ehipto?

5. Ano ang inyong natutunan tungkol sa Diyos?

Mensahe: Basahin: Exodo 12:1–20. Itinuturo sa atin ng Paskwa na naligtas tayo sa ating mga kasalanan sa

pamamagitn ng dugo ni Jesus (Yeshua) na nabuhos ng ipako Siya sa krus. Nais ng Diyos na

maunawaan natin ang ibig sabihin ng Paskwa upang matutunan natin ang Kanyang plano ng

pagliligtas.

Talatang isasaulo: “Ang Pista ng Paskwa na gaganapin sa gabi ng ikalabing apat na araw ng unang buwan.”

(Levitico 23:5)

Gawain: 1. For more activities, see our Moses & the Ten Plagues Activity Book and Moses and the Ten