18
ARALIN 1.3 PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

Mga gawain sa aralin 1.3

Embed Size (px)

Citation preview

ARALIN 1.3

PANGANGAILANGAN AT

KAGUSTUHAN

Gawain 1: ILISTA NATIN

Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat ito nag sunod-sunod ayon sa kahalagahan. Itala ang iyong sagot sa kahong nasa ibaba.

Sampung bagay na mahalaga sa akin bilang isang mag-aaral.

Pamprosesong Tanong:1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?

Ang bagay na pinakamahalaga para sa akin ay ang pagkain dahil ito ang tanging nakapagbibigay sa akin ng lakas at talino para magsipag sa pag-aaral.

2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan? Ang aking naging batayan sa ginawang listahan ay

ang pag-iisip ng mga bagay na labis na nakatutulong sa akin bilang isang mag-aaral, ayon sa aking mga karanasan, ayon sa aking mga pinagdaanan at ayon sa buhay ko ngayong kasalukuyan bilang estudyante. Binatay ko ang aking ginawang listahan ayon sa mga kailangan kong kagamitan sa aking pag-aaral.

3. Pareho ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong listahan sa listahan ng iyong kamag-aral? Kung hindi, ano sa palagay mo ang dahilan ng pagkakaiba ng mga ito?

May mga kamag-aral ako na halos kaparehas ko, pero may iilan ding hindi ko kaparehas. Sa aking palagay, ang dahilan kung bakit nagkakaiba ang aming mga listahan ay dahil sa ang bawat tao ay may iba’t-ibang kagustuhan ayon sa kanilang pangangailangan, minsan nakadepende ito sa karanasan at mga pinagdadaanan ng tao.

Gawain 2: WHY OH WHY?

Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon.

Option A Option B Dahilan1. Magte-text Tatawag sa telepono Option A, dahil mas

makakamura kung magtetext ka na lang kaysa sa tumawag, parehas din naman itong makakarating sa taong nais mo kausapin.

2. Maglalakad papasok sa paaralan

Sasakay pagpasok sa paaralan

Option B, dahil sobrang layo ng aking tinitirhan mula sa aking paaralan kaya mas mainam na sumakay ako upang hindi malate sa klase.

3. Kakain ng kanin Kakain ng tinapay Option A, dahil mas mabubusog ako sa kanin kaysa sa tinapay lamang.

4. Supot na plastic Supot na papel Option B, dahil environment-friendly ang papel,.

5. Gagamit ng lapis Gagamit ng ballpen Option A, dahil ito ang angkop na gamitin para sa isang estudyante sa hayskul na katulad ko.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang naging batayan mo sa ginawang pagpili? Ang aking naging batayan sa ginawang pagpili ay ang mga magiging epekto nito

sa atin kung sakali ito ang ating piliin, isa rin sa aking naging batayan ay ibinase ko sa aking buhay mismo, kung ano ang aking kailangan ngayong panahon na ito.

2. Maaari bang magbago ang iyong desisyon sa hinaharap? Bakit? Opo, posibleng magbago ang aking desisyon sa hinaharap dahil hindi habambuhay

iisa lamang ang aking pangangailangan sapagkat habang lumilipas ang panahon, nag-iiba na ang aking pangangailangan na angkop sa aking edad, at isa ito sa mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.

3. Magkapareho ba ang iyong sagot sa iyong mga kamag-aral? Ano sa palagay mo ang dahilan ng pagkakaiba o pagkakatulad nito?

Halos lahat ng aking kamag-aral ay katulad ng aking mga sagot ngunit may iilan pa ring hindi. Sa aking palagay, ito ay dahil sa pare-parehas kami ng mga pangangailangan sapagkat pare-parehas lang kaming nasa iisang stage ng pagiging tao. Ang dahilan naman kung bakit ang iilan ay hindi ko katulad ay dahil sa magkaiba kami ng kalagayan sa buhay.

Gawain 3: CROSSROADSSagutan ang tanong na nasa loob ng kahon na nasa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng INITIAL na kaalaman.

INITIAL NA KAALAMAN

Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag isinaalang-alang mo ang konseptong ito, magiging makahulugan ang pagdedesisyong isasagawa dahil mas pipiliin ng tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan sa kadahilanang mas mahalaga at importante ang bagay na kanyang kailangan kumpara sa bagay na gusto niya lamang at dahil dito, magiging matalino ang kanyang pagdedesisyon na ginawa/ ginagawa/ gagawin.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong

pagdedesisyon?

Gawain 4: KAILANGAN O KAGUSTUHAN

Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.

1. GUSTO kong pumunta sa party2. KAILANGAN kong kumain ng prutas at gulay upang

manatiling malakas ang aking katawan3. GUSTO kong magbukas ng savings account sa isang

matatag na bangko para sa aking kinabukasan4. GUSTO kong lumipat sa magandang bahay na may

aircon5. KAILANGAN kong uminom ng tubig pagkatapos

kumain6. GUSTO ko ng mamahaling regalo7. GUSTO ko ng telebisyon8. GUSTO kong kumain ng pizza9. GUSTO kong maglaro ng video game10. KAILANGAN kong magsuot ng maayos na damit

Pamprosesong Tanong:

1.Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?

Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay ang mga bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants).

2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?

Nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan kapag ang kagustuhang ito ay nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay at ang kaniyang kailangan ay ang mga bagay na nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay.

3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aral?

Ang pagkakaiba ng aking sagot kumpara sa mga sagot ng aking mga kamag-aral ay ang kanilang ilang kasagutan ay “kailangan” nila samantalang ako ay “gusto” ko lamang at ang ilan naman ay “gusto” nila samantalang ang sa akin ay “kailangan” ko.

4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan? Patunayan.

Opo, maaari po itong mangyari. Bilang halimbawa, may isang babae na nagkaroon ng problema sa balat, at ang kaniyang kailangan ay magpahid ng cream na panggamot sa kanyang sakit, habang nagtatagal, gumagaling na siya at dumating na din ang panahon na siya ay tuluyan nag gumaling pero dahil sa kanyang kagustuhan, pinagpatuloy niya pa rin ang pagpapahid ng nasabing cream kahit na hindi naman na niya ito kailangan, ito lang ay dahil sa kagustuhan niyang hindi na muling magkaroon ng problema sa balat.

Gawain 5: BAITANG-BAITANGIsulat sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng tao batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow. Lagyan din ang mga ito ng mga halimbawa. Sa ikalimang baitang ay ilagay ang pangalan ng kilalang tao sa iyong komunidad na sa palagay mo ay nakaabot sa antas na ito.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow?

Ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow ay: Pangangailangang Pisyolohikal, Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan, Pangangailangang Panlipunan, Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao, at Kaganapan ng Pagkatao.

2. Pwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?

Sa aking palagay, hindi pwedeng makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo, hanggang sa ikalimang baitang na hindi dumadaan sa una dahil mga pangangailangang ito ay parang isang proseso na kung saan kinakailangang pagdaanan ang lahat ng mga pangangailangan na ito nag sa gayon ay maging isang produktibong mamamayan. Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas.

3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat mong gawin upang marating ito?

Ang pinakamataas na baitang ay ang “Kaganapan ng Pagkatao”. Ayon kay Maslow, ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao at mararating lamang ang baitang na ito sa pamamagitan ng

Gawain 6: PASS MUNA

Ipagpalagay na miyembro ka ng isang pamilyang binubuo ng limang miyembro. Nasa ibaba ang listahan ng mga dapat pagkagastusan at maaari ninyong ikonsumo sa buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuuang kita na Php10, 000 sa isang buwan. Lagyan ng tsek (/) ang inyong dapat pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat ang dahilan kung bakit (x) ang iyong sagot.

MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN (Php)

/ 1. kuryente 1,000/2. tubig 500X 3. pagbili ng paboritong junkfood 150X 4. video game 100X 5. upa sa bahay 2,500X 6. pamamasyal at pagbisita sa mga kaibigan

500

/ 7. pagkain ng pamilya 5,000X 8. panonood ng paborito mong palabas sa sinehan

180

/ 9. pamasahe at baon mo, ni tatay, kuya, at ate

2,200

/ 10. cable / internet 900Total (/): 9,600

Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.(3) pagbili ng paboritong junkfood

Hindi masustansya ang junkfoods, mas mainam na gastusin ang pera sa mga nakakabusog at masusustansyang pagkain para maging malakas at malusog.

(4) video game

Hindi mahalaga para sa akin ang video game, marami pang ibang paraan upang magkaroon ng entertainment sa buhay, pwedeng maglaro ng iba’t-ibang laro ng lahi, magiging masaya ka na, na-eexercise pa ang katawan mo, o diba? San ka pa?

(5) upa sa bahay Hindi kami nagbabayad ng upa sa bahay na tinitirhan namin,

hindi dahil sa may sarili kaming bahay at lupa kundi dahil pinatira kami ng tita ko, ang kapatid ng Mama ko sa kanyang

Pamprosesong Tanong:1. Sa iyong ginawang

pagdedesisyon, magkano ang kabuuang halaga na maaari mong magastos o matipid? Sa aking ginawang pagdedesisyon,

ang kabuuang halaga na maari kong magastos ay Php9,600 samantalang ang halaga naman na maaari kong matipid ay Php400.

2. Ano-ano ang naging batayan mo sa pagdedesisyon? Bakit?Ang aking naging batayan sa aking

ginawang pagdedesisyon ay ang pangangailangan at kagustuhan, mas pinili ko ang mga kailangan namin bilang pamilya kaysa sa mga kagustuhan lamang na hindi naman dapat gaanong pagkagastusan.

3. Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang personal mong kagustuhan at pangangailangan sa

Gawain 7: ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN

Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.

Ang una ay ang pangangailangang pambuhay na kung saan nakapaloob dito ang mga bagay na ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao.

Ikalawa naman ay ang pangangailangang pangkaligtasan, seguridad na makapagbibigay ng kapayapaan sa buhay ng isang tao.

Ikatlo ay ang pangangailangang magmahal, kasama dito ang pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso.

Ikaapat naman ay ang pangangailangang pagpapahalaga na makakamit ang respeto sa sarili at syempre pati na rin sa ibang tao.

At ang huli, ang pinakamahalaga sa lahat ng mga pangangailangan ay ang pangangailangang pagkatao na kung saan dito ay may kamalayan ang tao hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Pamprosesong Tanong:1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pamantayan?

Maisasakatuparan ko ang aking pamantayan sa pagsasaalang-alang ng mga kahalagahan ng mga pamantayan na ito at sisimulan sa ibaba hanggang sa taas.

2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na ito? Bakit? Sa aking palagay, nasa ikatlong baitang pa lamang ako, ang

pangangailangang magmahal, kasama dito ang pakikipag-socialize sa ibang tao, pagkakaroon ng mga kaibigan at mga taong magmamahal ng buong puso. Dahil nasa hayskul pa lamang ako na kung saan nakakilala na ako ng mga kaibigan na magmamalasakit sa akin.

Gawain 8: CROSSROADS

Matapos ang lahat ng gawain sa LINANGIN, isaayos ang paunang kaalaman sa kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan nito sa iyong buhay. Sagutin muli ang tanong sa box sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kahon ng REVISED NA KAALAMAN.

REVISED NA KAALAMAN

Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain (necessity) samantalang ang kagustuhan naman ay ang mga bagay na hinahangad ng tao kung saan mas mataas ang batayan nito sa pangangailangan at nakakapagdudulot ito ng kasiyahan sa isang tao (wants).

Ang kaugnayan ng pangangailangan at kagustuhan sa aking buhay ay dito nalilinang ang pagsasagawa ko ng matalinong pagdedesisyon dahil sa pangangailangan at kagustuhan, mas pinipili ang

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at

kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?

Gawain 9: Ang Bayan Ko

Magsagawa ng obserbasyon sa iyong lokal na komunidad at tingnan kung ano-ano ang magagandang katangian nito. Gumawa ng editoryal na nagpapakita ng katangian at kasalukuyang kondisyon ng komunidad at ilarawan sa iyong editoryal kung ano-ano ang pangangailangan nito batay sa komposisyon ng populasyon.

Ang aming barangay ay tinatawag na Barangay Gordon Heights na kung saan ang mga mamamayang naninirahan ay palaging nakikiisa kapag may isinasagawang mga proyekto na tiyak na makabubuti sa lahat ng tao. Ipinaiiral ang kapwa-tao at bolunterismo sa aming barangay. Isang barangay na nangingibabaw ang kapayapaan at karangalan. Sa aming mga puso ay nagnunulay ang pagmamalasakit sa aming kapwa-tao. Palaging gumagabay ang Poong Maykapal. Sama-sama kami sa bawat oras tungo sa aming kaunlaran.

Kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t-ibang proyektong pambarangay ang aming barangay katulad ng tree planting, green community project at marami pang iba na talaga namang makabubuti sa lahat ng mga mamamayan.

Isa sa mga tinaguriang pinakamalaking barangay sa Olongapo City ay ang aming barangay, ang Barangay Gordon Heights kung kaya’t minsan ay dumadating na sa puntong nagkakaroon kami ng problema dahil sa populasyon kagaya na lamang ng kakapusan at kakulangan sa badyet ng barangay at sa suplay ng mga pagkain at tubig na aming sinosolusyonan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng konsepto ng ekonomiks na pangangailangan at kagustuhan.

Maraming suliranin man ang makasalamuha, patuloy pa rin sa paglaban at pagtutulungan ang mga mamamayan n gaming barangay upang makabangon.

Pamprosesong Tanong:1. Ano-ano ang mga katangian ng iyong lokal na komunidad? Bakit?

Ang mga katangian ng aking lokal na komunidad ay marunong makiisa, makipagkapwa-tao, mapayapa, makaDiyos at pinaiiral ang bolunterismo at ang mga katangiang ito ay dulot ng pagtutulungan ng mga mamamayan.

2. Sa iyong palagay, ano ang maaari pang gawin upang lubos na mapakinabangan ang magagandang katangian ng iyong lokal na komunidad?

Gawain 10: PARA SA KINABUKASAN

Gumawa ng isang open lettertungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan _________________” bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito.

Sa kagalang-galang na Olongapo City Mayor, Rolen Paulino,

Para sa kinabukasan at sa aking bayan, ako ay humihiling ng tulong mula sa pamahalaan ng Lungsod ng Olongapo upang matugunan ang suliraning kinahaharap ng Barangay Gordon Heights. Mga suliranin katulad ng kakulangan sa seguridad at kaligtasan n gaming barangay dahil sa hindi sapat ang mga pulis at tanod na nagbabantay sa bawat lugar sa aming barangay, nais kop o sanang madagdagan ng mga pulis at tanod na siguradong magbabantay ng buong puso sa bawat tao upang nang sa gayon ay magkaroon kami ng mas mapayapang pamumuhay ng walang kabang nananalantay sa aming damdamin. Sa barangay kasi namin, hindi ganoong kagandahan at kayos ang mga kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan araw-araw kung kaya’t gusto ko po sanang maipagawa ang ilang mga kalsadang delikado ng daanan dahil sa mga sira nito. At isa pa pong bagay ay ang mga baradong mga kanal na kadalasang umaalingasaw ang masangsang na amoy sa buong barangay kaya ito ay nagdudulot ng sakit sa mga naninirahang mamamayan. Pati na rin po ang mga basurahan na nakalagak sa aming barangay, kaugnay po nito, ang mga basurahan ay sa tingin ko hindi sapat ang bilang dahil kung minsan may iilang residenteng inaangkin ang mga basurahang dapat nakalagay sa isang kanto bagkus ang nangyayari ay akala mo sila na ang may-ari ng mga ito na umaabot na sa puntong nakalagay ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan na parang sila lamang ang may karapatan na magtapon ng basura dito. Yun lamang po ang nais kong iparating, maraming salamat po!

Gumagalang, Sophia Marie D. Verdeflor, labinlimang taong gulang na residente ng Barangay Gordon Heights

Gawain 11: CROSSROADS

Matapos ang mga pagwawasto, sagutan ang ikatlong bahagi ng CROSSROADS na nasa susunod na pahina. Sa gawaing ito ay dapat na maipahayag mo na ang iyong pagkakaunawa sa mga araling iyong pinag-aralan. Inaasahan sa bahaging ito na alam mo na ang kahalagahan ng pangangailagan at kagustuhan bilang batayan ng matalino at maunlad na pamumuhay. Isulat ang iyong sagot sa box ng FINAL NA KAALAMAN.

FINAL NA KAALAMAN

Ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan ay lubos na makatutulong sa atin lalong-lalo na sa pagbuo ng matalinong desisyon sa maraming aspeto. Bilang isang mag-aaral, ito ay makatutulong sa pagbabadyet natin ng oras, dito papasok ang pangangailangan dahil kung ano muna ang mas mahalaga na dapat unahin ang nararapat na gawin katulad ng pagsasagawa ng mga proyekto at takdang-aralin, kaysa sa mga gawaing kagustuhan lamang natin na hindi naman ganon kahalaga kagaya ng pagtetext, paglalaro sa mga smartphones, pagsusurf ng internet at paglalakwatsa. Bilang kasapi ng pamilya, matututo tayong magbadyet ng perang pampamilya, na dapat munang unahing bilhin ang mga importante sa pamilya (pagkain at tubig) kaysa sa mga kagustuhan lamang ng pamilya (malaking tv, baging sofa set, atbp.). Pagdating naman sa ating lipunan, gawin dapat ang proyekto na makakabenipisyo ang lahat kaysa naman sa isang proyekto na iilan lamang ang makakabuti. Sa madaling salita, dapat bigyan ng pansin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan.

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan atkagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?