42
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika Ikalawang Markahan Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: - Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan. - Kung saan pupunta II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan Aralin: Maayos na Pagpapaalam Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13 Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.; Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61; Ulirang Mag- aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 55-56 Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Paano mo maiiwasang masaktan ang damdamin ng iyong kasambahay? Paano mo siya dapat tratuhin? 2. Pagganyak: Itanong: Sinasabi ba ninyo kung saan kayo pupunta? Bakit? B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad: Nagpaalam si Dennis na sasama siya sa pamimingwit sa ilog malapit sa Hulo. Nang matagal- tagal na silang nakaalis ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaagad-agad na sinundan ng kanyang ama si Dennis. Tamang- tama ang kanyang pagdating dahil hindi na sila halos makaalis sa umaapaw na ilog. 2. Pagtalakay: 1. Nagsabi ba si Dennis nang totoo kung saan siya pupunta? 2. Ano ang nagyaring hindi inaasahan? 3. Bakit hindi sila makaalis-alis sa kanilang kinalalagyan? 4. Nailigtas kaya sila ng ama ni Dennis? 5. Kung hindi kaya siya nagsabi nang totoo, ano kaya ang maaring nangyari sa kanya C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat: Tandaan: Sabihin ang totoo kung saan pupunta. 2. Paglalapat Ipasagot ang tseklis sa mga bata. Lagyan ng √ ang hanay ng iyong sagot. Gawain: Ginaga wa Hindi Ginagawa 1. Umaalis ka ng bahay na hindi nagpapaalam? 2. Nagsasabi ka

1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Musika

Ikalawang MarkahanUnang Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at

iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan.

- Kung saan pupunta

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at KabutihanAralin: Maayos na Pagpapaalam

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13 Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.; Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61; Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 55-56Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano mo maiiwasang masaktan ang damdamin ng iyong kasambahay?

Paano mo siya dapat tratuhin?2. Pagganyak:

Itanong: Sinasabi ba ninyo kung saan kayo pupunta? Bakit?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad:

Nagpaalam si Dennis na sasama siya sa pamimingwit sa ilog malapit sa Hulo. Nang matagal-tagal na silang nakaalis ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Kaagad-agad na sinundan ng kanyang ama si Dennis. Tamang-tama ang kanyang pagdating dahil hindi na sila halos makaalis sa umaapaw na ilog.

2. Pagtalakay: 1. Nagsabi ba si Dennis nang totoo kung saan siya

pupunta?2. Ano ang nagyaring hindi inaasahan?3. Bakit hindi sila makaalis-alis sa kanilang

kinalalagyan? 4. Nailigtas kaya sila ng ama ni Dennis?5. Kung hindi kaya siya nagsabi nang totoo, ano

kaya ang maaring nangyari sa kanya

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Tandaan: Sabihin ang totoo kung saan pupunta.2. Paglalapat

Ipasagot ang tseklis sa mga bata. Lagyan ng √ ang hanay ng iyong sagot. Gawain: Ginagaw

aHindi

Ginagawa1. Umaalis ka ngbahay na hindi nagpapaalam?2. Nagsasabi ka ng totoo kung saan ka pupunta?3. Nagpapaalam na papasok sa paaralan ngunit namamasyal ka.

IV. Pagtataya:Lutasin:1. Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan upang

tumulong sa paglilinis ng silid-aralan.Paano ka magpapaalam sa iyong magulang?

2. Kinukumbida ka ng kaklase mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa bahay. Paano ka magpapaalam?

V. Takdang-aralinSinabi mo sa iyong nanay na ikaw ay pinaiwan

ng guro at tinuruang magbasa kaya hindi ka nakauwi agad. Ang totoo kayo ay naglaro ng mga kaibigan mo. Tama ba ang iyong ginawa? Bakit?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Page 2: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Musika

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikalawang Araw)I. Layunin:- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at

iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan.

- Kung saan nanggaling

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at KabutihanAralin: Maayos na Pagpapaalam

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 55-56Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Bakit mahalaga na sabihin ang tunay na pook na pupuntahan?

Kung di kaya sinabi ni Dennis ang totoong lugar na pinuntahan niya mailigtas kaya sila ng tatay niya?

2. Pagganyak:Awit: Makinig at Sabihin

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang kwento tungkol kay Mario.Maagang gumising si Mario upang maghanda sa

kanyang pagpasok. Hindi nagtagal siya ay nagpaalam na.

Ang totoo, hindi siya pumasok sa paaralan. Kasama ang barkada, sila’y nagpunta sa mall. Doon sila namasyal at naglaro.

Nag-aalala ang mga magulang ni Mario. Dumidilim na ay wala pa siya. Pagdating sa bahay, inusisa siya at nagsabi nang totoo.

Nangako na hindi na niya uulitin ang nangyari. Pinatawad naman siya ng kanyang mga magulang.

2. Pagtalakay: Sino ang bata sa kwento?

Saan nagpunta ang barkada nina Mario?Bakit nagalit ang kanyang tatay?Ano ang ginawa ni Mario matapos siyang

makagalitan ng ama?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Tandaan: Sabihin ang totoo kung saan nanggaling.

2. Paglalapata. Medyo ginabi ng uwi si Lita galing sa paaralan.

Paano ay nakipaglaro pa siya sa kaklase pagkatapos ng kanilang klase. Pag-uwi sa bahay, sinabi niya na inuutusan pa siya ng guro na maglinis. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?

b. Galing si Ben sa bahay ng kaklase niya at naglaro sila ng holen buong araw. Tinanong siya ng tatay kung saan siya galing. Sinabi niya na sa paaralan lamang siya nagpunta at maraming ipinagawa ang guro niya kaya natagalan siya. Tama ba iyon? Bakit?

IV. Pagtataya:Sagutin: Tama o Mali

1. Niyaya ka ng iyong kaibigan. Sumama ka nang di-nagpapaalam sa iyong magulang.

2. Sinasabi sa magulang ang kasama sa lakad.3. Ipinaalam sa magulang ang oras ng pag-uwi.4. Hindi umuuwi sa takdang oras na ibinibigay ng

magulang.5. Nagsabi kang kasama ang guro sa lakad ninyo,

kahit hindi totoo.

V. Takdang-aralinIguhit ang iyong mukha sa iyong kwaderno at

isulat sa ibaba. “Ako ay batang matapat lagi akong magsasabi kung saan ako pupunta at kung saan ako galing.”

Puna:_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Page 3: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikatlong Araw)I. Layunin:- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at

iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan.

- sinasabi ang totoong gamit ng perang hinihingi

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at KabutihanAralin: Pagsasabi ng Totoong Gamit ng Perang

HinihingiSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 57-58Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Bakit mahalaga na maayos kang magpaalam kung saan mo nais magpunta?

2. Pagganyak:Kanino ka humihingi ng pera?Sinasabi mo ba ba kung saan mo ito gagamitin?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang kwento tungkol kay Jeb.Naisip ni Jeb na bumuli ng laruan para sa

kapatid niyang magdaraos ng kaarawan. Ngunit wala siyang pera. “Inay, nais kop o sanang bumuli ng laruan para kay Nina.”

“Naku, araw pa naman ng tyanggi ngayon. Husto lamang ang perang pamalengke ko para sa isang lingo.

Kung talagang kailangan mo ay ibabawas ko sa pamamalengke ang kailangan mo,” ang napapailing na ina.

“Huwag po muna ngayon.” Sabi ni Jeb.2. Pagtalakay

1. Sinabi ba ni Jeb ang tunay na gamit ng perang hinihingi niya?

2. Kaya ban g ina na ibinigay ang perang kailangan niya? Bakit?

3. Ano ang sinabi ni Jeb na ikinasiya ng ina?4. Tama ba ang ginawa ni Jeb? Bakit?5. Nais ba ninyong tularan si Jeb? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Bakit dapat mong sabihin ang totoong gamit ng perang iyong hinihingi?

Tandaan: Laging sabihin ang totoong gamit ng perang iyong hihingin.

2. Paglalapat:Ipasadula ang pangyayari sa mga bata .

IV. Pagtataya:Lutasin:

1. Nanghihingi si Kevin ng pera sa nanay niya.Sinabi niya na ibibili daw niya ito ng proyekto pero teks lang ang binili niya. Tama ba iyon? Bakit?

2. Gusto ni Ben na bumili ng bagong lapis dahil maikli na ang ginagamit niyang lapis. Sinabi niya sa nanay na kung maari bang bigyan siya ng pambili dahil nahihirapan na siyang gamitin ang maikling lapis. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?

V. Takdang-aralin:Buuin ang tugma.

Ang batang matapat ay _______ng lahat.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 4: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanUnang Linggo

(Ika-apat na Araw)I. Layunin:- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at

iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan.

- Nagsasabi ng tunay na halaga ng biniliII. Paksang Aralin :Pagmamahal at Kabutihan

Aralin: Pagsasabi ng Tunay na Halaga ng BiniliSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 59Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwentoIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral:

Pinabili si Roy ng kuya niya sa tindahan, Dinagdagan niya ng dalawang piso ang binili

niyang suka. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?2. Pagganyak:

Anu-ano ang mga bagay na pinagkakagastahan mo sa paaralan?

Kumakasya ba ang baong binibigay sa iyo ng iyong magulang?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad:

Gusto ni Milo na makasali sa paglalaro sa mga kaklase niya pero wala siyang pambili ng goma. Alamin natin kung ano ang gagawin niya.

Tama! Makakasali na ako sa paglalaro ng aking mga kaklase.

“Sasabihin ko sa nanay na P15.00 ang halaga ng pinabili niya sa akin. May sosobra akong piso. “Tuwang-tuwa si Milo. Bumili siya ng pisong goma.

Nakipagpitikan siya ng goma sa mga kaklase. Hanggang maubos ang goma. Pagkabigay niya ng mantika sa nanay niya, hindi ito nagustuhan ng nanay niya. “Bakit kakaunti lamang ito?” Bukas ay pupunta ako sa tindahan upang magtanong.” Natakot si Milo at napilitan siyang ipagtapat ang tunay na halaga ng mantika. “Inay, hindi ko nap o uulitin ang aking ginawa.”

2. Pagtalakay:

1. Ano ang binalak ni Milo sa ipinabili ng nanay niya?

2. Ano ang ginawa niya sa sobrang pera?3. Ano kaya ang mangyayari kapag tinanong ng

nanay niya ang binilhan niya?4. Ano kaya ang gagawin ng ina sa kanya?5. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Bakit mo dapat sabihin ang tunay na halaga ng bagay na iyong binili?Tandaan: Magsabi ng totoo. Laging sabihin ang tunay na halaga ng bagay na binili.

2. PaglalapatLutasin:

Sinabi ng guro ninyo na may babayaran kayong piso para sa Xerox copy ng inyong babasahin. Parang gusto mong sabihing limampiso para may ibibili ka ng laruan. Ano ang iyong huling pasya?

IV. Pagtataya: Sagutin: Tama o Mali

1. Sabihin ang totoong halaga ng pinagbabayaran ng guro sa magulang.

2. Dagdagan ang halaga ng pinananayaran ng guro sa magulang.

3. Sabihin ang totoong dahilan kapag hihingi ng pera sa magulang.

4. Mangupit ng pera sa pitaka ng nanay kapag hindi ka pinagbigyan sa hinihingi.

5. Huwag sasama ang loob kung hindi kaya ng iyong magulang na bigyan ka ng hinihingi mong pera o bagay.

V. Takdang-aralinLutasin: May binili ka sa tindahan. Nang pauwi

kana, napansin mo na sobra pala ng limampiso ang sukli sa iyo. Ano ang gagawin mo?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 5: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikalimang Araw)I. Layunin:- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at

iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan.

- isinasauli ang sobrang sukli.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at KabutihanAralin: Pagsasabi ng Tunay na Halaga ng Binili

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 59--60Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral:

Bakit mo kailangang sabihin sa iyong magulang ang tunay na halaga o presyo ng bagay na bibilin mo?

2. Pagganyak:Naranasan mo na ba na makatanggap ng labis o

sobrang sukli? Ano ang ginawa mo? Bakit?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Sa KantinaOras ng rises, nakapila ang mga bata habang

bumibili ng merienda sa kantina. Puto at jus ang binili ni Janine.

Nagbayad siya ng limampiso para sa puto at limampiso para sa jus. Nakabalik na siya sa silid-aralan nang mapansin niya na sobra ng limampiso ang naisukli ni Ate Tere sa kanya. Dali-daling bumalik sa kantina si Janine at isinauli ang sobrang sukli. Dahil sa kanyang ginawa, nahirang siyang” Star Kid.” Yon ang ibinibigay sa mga batang tulad niya na nagpapakita ng katapatan sa kanilang paaralan. Tuwang-tuwa ang guro ni Janine sa kanya.

1. Pagtalakay1. Anong oras naganap ang kwento?

2. Bakit nagbalik si Janine sa kantina?3. Anong ugali ang ipinakita ni Janine?4. Ano ang nagging gantimpala niya?5. Kaya mo bang gayahin si Janine?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Ano ang dapat mong gawin sa labis o sobrang sukli?

Tandaan: Isauli ang sobrang sukli.2. Paglalapat

Lutasin:Pinabili kayo ng inyong guro ng aklat-sanayan

sa halagang limampiso. Binigyan ka ng nanay ng sampung piso.

Ano ang iyong gagawin sa sukli?

IV. Pagtataya:Pakinggan: Ang Batang Matapat

Minsang inutusanAng batang si JuanPara bumili ng ulamDoon sa tindahan.

Halaga ng biniliTotoong sinabiPati na ang sukliKanyang isinauli.

Sagutin:1. Sino ang batang nautusan?2. Ano ang bibilin niya?3. Saan siya bibili?4. Ano ang isinauli niya?5. Anong uri ng bata si Juan?

V. Takdang-aralinIsaulo.Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 6: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

BanghayAralinsa MTB-MLEPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo(Unang Araw)

I. Layunin- Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa

pamamagitan ng pakikinig sa kwento.- Nakapakikinig na mabuti sa binasang kwento.- Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa

pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos.

- Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.

- Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.

II. PaksangAralin: “Si Lili”A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga

salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos

B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan

C. Pag-unawa sa BinasaPagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.

D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala ng Ngalan ng Pook

E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Llat Yy sa Iba pang Titik na napag-aralan na.

F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita

G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na LarawanH. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik

Ll at YyI. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE

Teaching Guide p. 3-5J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na

Ll/Yy, plaskardIII. Pamamaraan:A. Gawain Bago Bumasa:1. Paghahawan ng balakid:

Lila pinsan lantsa letsugas laso tumana2. Pagganyak:

Magpakita ng larawan ng batang babae na may lilang laso?

Ano ang masasabi ninyo sa bata sa larawan?Ano ang nakalagay sa kanyang buhok?

3. Pangganyak na tanong:

Bakit kaya mahilig si Lili sa lilang laso?4. Pamantayan sa Pakikinig sa KwentoB. Gawain Habang Bumabasa1. Pagbasa ng Guro sa kwento.

“ Si Lili” Si Lili ay mahilig sa laso. Lima ang lila

niyang laso. Binigay ito sa kanya ng kanyang Lola Lita noong kaarawan niya. Alam kasi ng lola niya na mahilig siya sa mga laso.

Isang araw, nagpunta si Lili sa Laguna kasama ng kanyang lola. Masayang-masaya silang sinalubong ng kanyang mgapinsang sina; Lara,Lena, Liza, Lori at Lulu.

Inaya si Lili ng mga pinsan na mamasyal at mamitas ng mga gulay sa tumana. Nanguha sila ng labanos at letsugas. Pumitas din sila ng bulaklak na lotus.

Sa lantsa sila sumakay nang sila ay umuwi. Sa likod ng lantsa naupo si Lili. Sa lakas ng hangin nilipad ang lilang laso sa kanyang ulo.

2. Talakayan:1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento??2. Ano ang kinahihiligan ni Lili?3. Sino ang nagbigay sa kanya ng laso?4. Saan sila nagpunta at namitas ng mga gulay?5. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Lili sa

nilipad niyang laso?C. Gawain Matapos Bumasa:1. Ipasakilos ang ilang mga mahahalagang bahagi

ng kwento.2. Ipaguhit ang mga gulay at bulaklak na napitas.

IV. Pagtataya:Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig.

Ikahon ang wastong salita.1. Si Lili ay mahilig sa ( laso, libro, lobo, lollipop)2. (Pula, Dilaw, Asul, Lila) ang kulay ng kanyang laso.3. Nagpunta si Lili sa Laguna kasama ang kanyang

(ina, lola, guro, pinsan)4. Namitas sila ng labanos at ( sitaw, bataw,

letsugas, langka) sa tumana.5. Dahil sa lakas ng hangin habang nakasakay sa

lantsa nahulog ang (tsinelas, hikaw, suklay, laso) ni Lili.

V. Kasunduan: Iguhit at kulayan ang mga laso ni Lili.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 7: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

BanghayAralinsa MTB-MLEPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin- Nagagamit ang pantukoy na Ito sa pangungusap.

II. PaksangAralin: “Si Lili”A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga

salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos

B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan

C. Pag-unawa sa BinasaPagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.

D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.

E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ll at Yy sa Iba pang Titik na napag-aralan na.

F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita

G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan

H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy

I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80

J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Sino ang mahilig sa laso?Bakit naalis sa buhok ni Lili ang kanyang laso?Nagpumilit pa kaya si Liling makuha ang lasong

nilipad ng hangin?2. Pagganyak:

Laro: Utos Ni Pedro:Sa larong ito mag-uunahan ang mga bata sa

pagdadala gamit na hihilingin ng guro na dalin sa kanya.Hal. Utos ni Pedro magdala ng lilang krayola.Ang unang batang makakapagdala ang siyang panalo.

B. Paglalahad:

Ilahad ang mga pangungusap hango sa napakinggang kwento. (Gumamit ng larawan para sa bawat pangungusap.)

Ito ay laso.Ito ay lotus.Ito ay labanos.Ito ay lobo.Itanong; Ilan ang lasong tinutukoy ng bata?

Nasaan ang laso? (Gawin sa iba pang pangumngusap)

C. Paglalahat:

Anong pantukoy ang ginagamit para sa isang bagay na hawak o malapit sa nagsasalita?

Tandaan: Ito ang ginagamit sa pagtukoy sa isang bagay na hawak o malapit sa nagsasalita.

D. Paglalapat:Pakuhanin ng isang gamit ang mga bata sa

kanilang bag o silid-aralan at ipagamit ang ito sa pangungusap.

Gamitin ang Ito ay ______.

IV. Pagtataya:Tawaging isa-isa ang mga bata.Pagbigayin ng pangungusap gamit ang

batayang: Ito ay _________________________.

V. Kasunduan:Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan.Gamitin ang: Ito ay ______________.1. Batang may hawak na bulaklak.2. Babaeng may dalang basket.3. Lalaking may hilang kabayo.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 8: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

BanghayAralinsa MTB-MLEPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikatlong Araw)I. Layunin- Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Yy sa

iba pang titik na napag-aralan na.- Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.- Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.- Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap

at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.II. PaksangAralin: “Si Lili”A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga

salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos

B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan

C. Pag-unawa sa BinasaPagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.

D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.

E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-aralan na.

F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita

G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na LarawanH. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik

Ll at YyI. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE

Teaching Guide p. 73-80 J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na

Ll/Yy plaskard

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Sinu-sino ang mga bata sa kwentong, “Si Lili”?Ano ang kanilang ginawa?

2. Pagganyak: Laro: Ipaayos nang mabilis ang pira-pirasong

larawan ng laso. Kung aling pangkat ang unang makabuo ang siyang mananalo.

Anong bagay ang nabuo ninyo sa larawan?Anong simulang titik ng laso?

B. Paglalahad:

Ilahad ang mga larawang may simulang tunog na Ll.

Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan;Lobo laso lalaki Lily lapis lata lamok

Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.

Saang titik nagsisimula ang bawat larawan?

C. Paglalahat:Ano ang tunog ng titik Ll?

D. Paglalapat:Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala,

pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, at Ll

Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:Pantig:

Ma me mi mo muSa se si so su Ba be bi bo buTa te ti to tu Ka ke ki ko ku La le li lo lu

Parirala:Ay lumaSa labasTumakboKasama ng TatakboSila ay Sa labi

Pangungusap:Ang lobo sa labas ay sa lalaki.Ang limos ng lalaki ay malaki.Si Eba ay mabilis tumakbo.Ang lata sa lote ay sa kambal.

IV. Pagtataya:Iugnay ang salita sa angkop na larawan.

Salita Larawan1. laso2. lobo3. lagare4. libro5. lapis

V. Kasunduan:Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na Ll.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 9: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

BanghayAralinsa MTB-MLEPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ika-apat na Araw)I. Layunin- Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Llat Yy sa

iba pang titik na napag-aralan na.- Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.- Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.- Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at

kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.II. PaksangAralin: “Ang Yoyo ni Yeyet”A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita

sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos

B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan

C. Pag-unawa sa BinasaPagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.

D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa Pangungusap.

E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-aralan na.

F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita

G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na LarawanH. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at

YyI. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE

Teaching Guide p. 73-80 J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na

Ll/Yy plaskardIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Lagyan ng / ang larawang may simulang titik na Ll.Laso manok lata langaw lobo lalaki

2. Pagganyak: Anong laruan ang hanihila para tumaas at bumaba?Marunong ka bang maglaro nito?

B. Paglalahad:1. Iparinig ang kwento: “Ang Yoyo ni Yeyet”

Si Yeyet ay mayroong yoyo. Bigay ito sa kanya ni Yaya Yoly. Pula ang yoyo ni Yeyet. Isang araw, sumakay si Yeyet sa yate. Habang naglalakbay, kumain siya ng yema at uminom ng Yakult.

Si yaya Yoly naman ay nagyoga. Si Yeyet ay masayang naglaro ng kanyang yoyo.

2. Ipapili sa mga bata ang mga salitang may simulang titik na Yy. Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.

Yoyo Yeyet yaya Yoly yate yema Yakult yogaAno ang simulang titik ng mga salita sa pisara.Pabilugan ang simulang titik ng bawat salita sa mga

bata.C. Paglalahat:

Ano ang tunog ng titik Yy?D. Paglalapat:

Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento:

Pantig; Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll at Yy

Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:Pantig:

Ma me mi mo mu Sa se si so su Ba be bi bo bu Ta te ti to tu Ka ke ki ko ku La le li lo lu Ya ye yi yo yu

Salita:Yaya, yeso, tayo, biya, yema, taya, maya, saya, Masaya, malaya, may, kulay, suhay, yayo , buhay, tulay, kilay, atay

Parirala:Kay yaya , ang yeso, ang mga yema , may maya , tulay na, atay at kilay, ang buhay

Pangungusap:1. Masaya ang buhay. 2. May biya at yema sa mesa.3. Paano tumayo ang aso? 4. Sino ang Malaya na?5. Ano ang kulay ng atay? 6. Bakit masaya ang maya?7. Si Yayo ay may Yakult. 8. Malaki ang atay ng bibe.9. Kasama ni yeyet ang yaya niya.10. May suhay ang kubo. 11. Lima ang yoyo ko.12. May yelo sa baso. 13. May kulay ang nata.Kwento:

May yoyo si Roy. Asul ito. Masaya siya sa yoyo niya. Sina Yayo, Yani at Aysa ay may yoyo rin.1. Sino ang may yoyo?2. Ano ang kulay nito?3. Ano ang hugis nito?

IV. Pagtataya:Ikahon ang tamang salita para sa larawan.

1. larawan ng yate yate yoyo yema2. larawan ng yoyo yema yaya yoyo3. larawan ng Yakult Yakult yaya yoyo4. larawan ng yeso yeso yoyo yema5. larawan ng yaya yema yaya yoyo

V. Kasunduan:Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-

aralan ngayon.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 10: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

BanghayAralinsa MTB-MLEPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin- Nasusulat ang malaki at maliit na titik Ll at Yy

II. PaksangAralin: Wastong Pagsulat ng mga Titik Ll at Yy.A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga

salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos

B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan

C. Pag-unawa sa BinasaPagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.

D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala ng Ngalan ng Pook

E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ll at Yy sa Iba pang Titik na napag-aralan na.

F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita

G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na LarawanH. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik

Ll at YyI. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE

Teaching Guide p. 73-80 J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na

Ll/Yy, plaskard

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Ano ang unang tunog ng mga larawan? (Ll at Yy) Laso yema lobo yeso lawin yaya2. Pagsasanay kaugnay sa mga napag-aralan na titik.

Pagsasanay 1- Pagbuo ng mga pantig gamit ang mga titik na napag-aralan na:

Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll at Yy

Pagsasanay 2 – Iugnay ang larawan sa tamang salita.

Larawan Salita Laso langaw Yate yakult Lima yate Yakult laso

langaw lima

Pagsasanay 3Magpaligsahan sa Pagbasa ng parirala na nasa

plaskard.

Pagsasanay 4Pagguhit ng mga larawan na may simulang titik

Ll at Yy.

IV. Pagtataya:Pagsulat ng titik Ll at Yy

Ll Ll Ll Ll Ll

Yy Yy Yy Yy Yy

V. Kasunduan:Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong

napag-aralan ngayon.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 11: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa Filipino IPinagsanib na aralin sa Filipino at Araling

PanlipunanIkalawang Markahan

Unang Linggo(Unang Araw)

I. LayuninNakikibahagi sa pagkanta ng “Ako ay may

Lobo”

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga pangsariling hilig at gusto.

2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.

3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: tsart ng awit na “Ako ay may Lobo?” Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:1. Paunang Pagtataya

Saan makikita ang inyong higaan sa inyong tahanan?

2. Tukoy-AlamMayroon ka bang paboritong bagayAno ito? Saan mo ito itinatago?

3. TunguhinSabihin ngayong araw ay aawitin natin ang isang

awit tungkol sa isang bata at sa paborito niyang bagay.

4. PaglalahadPag-awit ng mga bata.

Ako ay may LoboAko ay may LoboLumipad sa langitDi ko na nakitaPumutok nap ala.

Sayang ang pera koBinili ng lobo

Sa pagkain sanaNabusog pa ako.

5. Pagtuturo at PaglalarawanGamit ang tunay na lobo. Ipatong ito sa mesa.

Sabihin: Ang lobo ay nasa ibabaw ng mesa.Nasaan ang lobo?Gamitin ang batayang pangungusap:Nasa _____ang lobo.

IV. Pagtataya:A. Ipaawit ang” Ang Lobo” nang pangkatan.B. Ilagay ang lobo sa iba’t ibang lugar at

ipatukoy ito sa mga bata.Nasa _____ang lobo.

V. Takdang AralinIguhit ang isa sa mga bagay na paborito mo.Kulayan ito.

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 12: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa Filipino IPinagsanib na aralin sa Filipino at Araling

PanlipunanUnang Linggo

(Pangalawang Araw)

I. LayuninNatutukoy ang mga salitang magkakatugma;

Nakapagbibigay ng katugmang salita ng paboritong bagay.

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga pangsariling hilig at gusto.

2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.

3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: tsart ng awit na “Ako ay may Lobo?” Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:1. Balik-aral:

Ipaawit muli sa klase ang “Ako ay may Lobo”Anong salita ang katunog ng salitang lobo?

ako langit pumutok

2. TunguhinSabihin ngayong araw ay aalamin natin ang mga

salitang magkakatugma.

3. Paglalahad:Iparinig ang awit:

Ang Inahing Manok (Tono: Leron-Leron)

Ang inahing manok kanina’y pumutakPutak, putak, putakAko ay nagulat, nang ako’y manaogTiningnan ko’ng pugadNaroo’y bagong itlogKaykinis ng balat.

4. Pagtuturo at Paglalarawan

Ating piliin ang mga salitang magkatugma sa awit.

nagulat - balat

Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga salitang magkatugma.

5. Kasanayang Pagpapayaman Laro : Tambalang Gawain Umisip ng paborito mong bagay

Pagbigayin ng salitang katugma nito ang kapareha mo.

Halimbawa:Bata 1 : kasoyBata 2 : baboyBata 1: bulaklakBata 2: anak

IV. Pagtataya:Hanapin sa Hanay B ang katugma ng mga

paboritong bagay sa Hanay A.

Hanay A Hanay B Paborito Katugmang Salita

1. Lobo bulate2. Ibon palaka3. tsokolate salamat 4. Manika balon 5. Aklat pabo

V. Kasunduan:Sumulat ng salitang katugma ng salita sa kaliwa:1. Unan2. Sitaw3. bukid

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 13: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa Filipino IPinagsanib na aralin sa Filipino at Araling

PanlipunanIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ikatlong Araw)

I. LayuninNailalarawan ang sarili at nasasabi kung paano

sila nakatutulong sa pag-aalaga sa mga gamit sa ating tahanan.

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga pangsariling hilig at gusto.

2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.

3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: tsart ng awit na “Ako ay may Lobo?” Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:1. Paunang Pagtataya:

Iniingatan ninyo ba ang mga kagamitan sa inyong tahanan?

2. TunguhinSabihin ngayong araw ay pag-uusapan natin ang

mga paraan sa pangangalaga sa mga gamit sa ating tahanan.

3. PaglalahadSa inyong palagay, sa awit na Ako ay may Lobo,

bakit kaya nakalipad ang lobo ng bata, iningatan kaya niya ito?

Kung kayo ang bata, paano ninyo iingatan ang lobo para hindi ito lumipad?

4. Pagtuturo at Paglalarawan:Magbigay ng mga kagamitang makikita sa

tahanan.

telebisyon mesa kama upuan silya bentilador kompyuter

5. Kasayanang Pagpapayaman

Paano ninyo inaalagaan ang mga paborito ninyong bagay?

Tawaging isa-isa ang mga bata.Hal. Manika – inilalagay sa tamang lalagyan

pagtapos laruin

6. Kasanayang PagkabisaIpasabi sa mga bata kung paano nila inaalagaan

ang mga bagay sa tahanan na ibinigay nila.Hal. Silya – pinupunasanKompyuter – inaalis sa saksak pagkatapos

gamitin

IV. Pagtataya:Lagyan ng / kung nagpapakita ng pangangalaga

ng mga gamit sa tahanan. X ang hindi.___1. Bukas-sara si Alvin sa kanilang ref.___2. Tinotodo ni Jane ang bukas ng radio.___3. Pinapatay ni Bea ang ilaw kung walang

gumagamit.____4. Tinutuwad-tuwad ni Ruffa ang silya.____5. Naglulundagan ang mga bata sa malambot

na kama. V. Kasunduan:

Sumulat ng 2 paraan kung paano mo inaalagaan ang mga gamit sa sarili ninyong tahanan.

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 14: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa Filipino IPinagsanib na aralin sa Filipino at Araling

PanlipunanIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ika-apat na Araw)

I. LayuninNatutukoy ang angkop na kinalalagyan ng mga

bagay sa tahanan;Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng

posisyon ng mga bagay sa pangungusap

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga pangsariling hilig at gusto.

2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.

3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: larawan ng iba’t ibang bagay sa tahanan; Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:1. Paunang Pagtataya:

Alam mo ba kung saan makikita ang mga bagay sa inyong tahanan?

2. TunguhinSabihin ngayong araw ay aalamin natin ang

angkop na kinalalagyan ng mga bagay sa tahahan; .3. Paglalahad

Magpakita ng larawan ng isang tahanan. Isa-isahing ipakita at ipatukoy sa mga bata ang iba’t ibang bahagi nito:Sala o silid-tanggapan, silid-tulugan, silid-kainan, silid-lutuan, palikuran.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:Hayaang pagtambalin ng mga bata ang larawan

ng bahagi ng tahanan at panglan nito.Hal. Silid-tulugan – larawan ng kwarto

5. Kasayanang PagpapayamanPangkatang Gawain

Idikit sa ibat-ibang bahagi ng silid-aralan ang mga pangalan ng mga bagay sa tahanan at ang mga larawan ng kinalalagyan nito. Hayaang ilagay ng mga bata ang gamit sa tamang lugar na kinalalagyan ng mga ito.

Pangkat 1 – silid-tuluganPangkat 2 – KusinaPangkat 3 – silid-lutuanPangkat 4 - palikuran

6. Kasanayang PagkabisaBuuin ang pangungusap:Nasa ______ang _____.Nasa silid-tulugan ang unan.

IV. Pagtataya:A. Isulat kung saan makikita ang bawat bagay sa

tahanan.1. kumot2. Plato3. Tabo4. Kaldero5. telebisyon

B. Tukuyin ang kilalagyan ng bawat bagay.1. Nasa kahon ang bola. Nasaan ang bola?_______2. Nasa silid-kainan ang silya. Nasaan ang silya?________3. Nasa basket ang mga prutas. Nasaan ang mga prutas?_____4. Nasa pensilkeys ang lapis. Nasaan ang lapis?_________5. Nasa sulok ang walis. Nasaan ang walis?__________

V. Takdang AralinIguhit ang sagot.

Plato sa mesaBulaklak sa plorera.

Puna:

Page 15: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino IPinagsanib na aralin sa Filipino at Araling

PanlipunanIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ika-limang Araw)

I. LayuninNasasagot ang tanong na “Nasaan?”

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga pangsariling hilig at gusto.

2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.

3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: larawan ng iba’t ibang bagay sa tahanan; Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:1. Paunang Pagtataya:

Ano ang ginagawa mo para makita ang isang bagay na nakatago?

2. TunguhinSabihin ngayong araw ay sasagutin natin ang

tanong na “Nasaan?”

3. PaglalahadBasahin ang bawat pangungusap tungkol sa

larawan.Nasa palengke ang nanay.Nasa tapat ng barangay hall ang parada.Nasa tindahan ang timbangan.Nasa Maynila ang tatay.Nasa ilalim ng silong ang pugad.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:Ano ang isinasagot natin sa tanong na ,

“Nasaan?” o Saan?Ipabigay ang sagot sa bawat tanong:

Nasaan ang ____?Nasa palengke ang nanay.Nasa tapat ng barangay hall ang parada.Nasa tindahan ang timbangan.Nasa Maynila ang tatay.Nasa ilalim ng silong ang pugad.

5. Kasanayang PagpapayamanLaro: Nasaan? Papikitin lahat ang mga bata at

saka magtago ng isang bagay.Itatago ng guro ang isang bagay sa silid-aralan.Ipahahanap ito sa mga bata. May puntos ang

unang makakita sa bagay na itinago.

IV. Pagtataya:Sagutin: Nasaan ang?1. Bulaklak sa hardin2. Itlog sa pugad3. Aklat sa bag4. Bata sa ilalim ng puno5. Pera sa bulsa

V. Takdang AralinIsulat kung nasaan makikita ang bawat bagay:1. Buwan2. Uod3. Palay4. Isda5. ibon

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 16: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

ARALING PANLIPUNAN IIkalawang Markahan

Unang Linggo(Unang Araw)

I. LAYUNIN:Nakapaghahambing ng mga tradisyon at

nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking PamilyaA. Aralin 1: Ang Kwento ng Aking PamilyaB. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 7; Teacher’s Guide pp. 3-4 Activity Sheets pp. 3-5

C. Kagamitan: Mga larawan, tsart

D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Muling ipaalala ang mga nagbago at hindi nagbago sa buhay ni Aya.

Nagbago ba ang mga itsura nila Aya?

2. Pagganyak:Awit: Mag-anak

B. Panlinang na Gawain:1. Paunang Pagtataya:

Itanong: May nagbago ba at di nagbago sa buhay ng pamilya mo noon at ngayon?

2. Paglalahad:Ipasuri ang mga tradisyon o nakaugaliang

gawain ng mga-anak:Noon: Ngayon:

Naglalaro ng piko.

Nagdarasal ng orasyon

Naglalaro ng kompyuter

Hindi na nagdarasal ng orasyon ang pamilya

Nagbabasa ng mga kwento

Nasa bahay ang ina

Nanonood ng TV

Nagtatrabaho na din ina

3. Pagtalakay:Hayaang paghambingin ng mga bata ang

tradisyon ng mag-anak noon at ngayon.

4. Paglalahat:Anu-ano ang mga bagay na nagbago at di-

nagbago?Tandaan: May mga bagay na nagbabago at

nagpapatuloy o hindi nagbabago sa buhay ng isang pamilya.

5. Paglalapat:Pagbigayin pa ang mga bata ng mga

nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon.

IV. Pagtataya:Paghambingin ang mga tradisyon at

nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon.1. Sa pagdarasal2. Sa pagpapagawa ng bahay3. Sa pagluluto4. Sa mga pinapasyalang pook5. Sa mga nilulutong pagkain

V. Kasunduan:Magbigay ng isang tradisyon ng iyong pamilya

noon at ngayon.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ______ang nagpakita ng _____na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 17: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

ARALING PANLIPUNAN IIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:Nakapaghahambing ng kwento ng sariling

pamilya sa kwento ng pamilya ng mga kamag-aaral.

II. PAKSANG-ARALIN:A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya

1.1 Ang Kwento ng Aking PamilyaB. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5

C. Kagamitan:Mga larawan, tsart

D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga nagbago at di nagbagong gawain ng iyong pamilya noon at ngayon?

2. Pagganyak:Magpakita ng larawan ng dalawang mag-nak.

Hayaang paghambingin ng mga bata ang mga nakikita nila sa larawan.

Aling pamilya ang may maraming kasapi?Ano ang tawag natin dito?

B. Panlinang na Gawain:1. Paunang Pagtataya:

Itanong: Anu-ano ang pagakakaiba at pagakakatulad ng

iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aaral?

2. Paglalahad:Gawain na ibinigay isang araw pa bago isagawa:Bigyan ang mga bata ng kopya ng kanilang

sasagutan. Maaring tulungan o gabayan ang mga

bata sa pagbigay ng mga hinihinging impormasyon.

Ako ay nabibilang sa pamilya_______(apelyido)Binubuo ang aking pamilya ng ___na kasapi.Nakatira ang aming pamilya sa _________

Ang tatay ko ay isang__________Ang nanay ko ay isang___________Ang paborito naming ginagawa nang sama-sama

ay ____________________Ang aming pamilya ay _________(katangian)

3. Pagtalakay:May napansin ka bang pagkakatulad at

pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aaral?

IV. Pagtataya:Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.Ibahagi ang kwento ng iyong pamilya. Batay sa inyong mga ibinahagi.Tingnan ang tsart sa pah. 124 ng Pupils’

Activity Sheet.

V. Kasunduan:Isulat ang mga pangalan ng iyong kamag-aaral

na may pagkakahawig sa ilang impormasyon sa iyong pamilya.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 18: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

ARALING PANLIPUNAN IIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:Napahahalagahan ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng mga pamilya.

II. PAKSANG-ARALIN:A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya

1.1 Ang Kwento ng Aking PamilyaB. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5

C. Kagamitan:Mga larawan, tsart

D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Ilan sa inyo ang pareho ang bilang ng mga kasapi ng pamilya?

Ilan sa inyo ang magsasaka ang ama?

2. Pagganyak:Laro; PangkatanLahat ng may parehong impormasyon tungkol sa

kanyang pamilya ang magsasama-sama.Hal. May limang kasapi ang mag-anakNaghahanapbuhay ang ina, atbp.

B. Panlinang na Gawain:1. Paunang Pagtataya:

Itanong: Mahalaga ba na malaman ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng mga pamilya? Bakit?

2. Paglalahad:Ipakita ang talaan ng impormasyon ng isang

pangkat sa pisara na binubuo ng limang kasapi.Hayaang paghambingin ng mga bata ang mga

impormasyon.

3. Paglalahat:Bakit mahalaga na malaman ninyo ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya?

5. Paglalapat: Hayaang bumuo ng pangkat ang mga batang

may pagkakatulad ang mga impormasyon sa pamilya. Gayundin ang mga bata na may pagkakaiba.

IV. Pagtataya:Sagutin : Tama o Mali1. Lahat ng pamilya ay pare-pareho ang bilang

mga kasapi.2. May mga pamilyang kaunti ang kasapi.3. Ang mga pamilyang may hanapbuhay ay

maginhawa ang buhay.4. Iba-iba man ang laki ng pamilya ay masaya

naman.5. Mas maraming pangangailangan ang

inihahanda ng malalaking pamilya.

V. Kasunduan: Paghambingin ang iyong pamilya sa pamilya ng

iyong kapit-bahay.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 19: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

ARALING PANLIPUNAN IIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-

araw-araw na buhay ng pamilya Naiisa-isa at nauuri ang mga pangunahing

pangangailangan ng mag-anak- pagkain

II. PAKSANG-ARALIN:A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya

1.1 Ang Kwento ng Aking PamilyaB. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp.

3-5C. Kagamitan:

Mga larawan, tsartD. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na mag-anak?

2. Pagganyak:Awit: Pangangailangan

B. Panlinang na Gawain:1. Paunang Pagtataya:

Itanong: Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan

ng isang mag-anak upang lahat ng kasapi ay maging malusog?

2. Paglalahad:Ipabigkas ang tugma:Isa, dalawa: Mag-anak na masaya.Tatlo , apat: Kaunti ang anak.Lima, anim: Kayang pakainin.Pito , walo: Laging salu-salo

Siyam, sampu: Mag-anak ay magkakasundo. 3. Pagtalakay:

Anong uri ng mag-anak ang nabanggit sa tugma?

Ilan ang mga anak?

Anong pangangailangan ang kayang ibigay sa mga anak?

4. Paglalahat:Anong pangangailangan ng mag-anak ang dapat

na matugunan nang sapat?Tandaan: Bawat mag-anak ay dapat na

mabigyan ng sapat na pagkain ang mga kasapi upang maging malusog.

5. Paglalapat: Ikahon ang mga pagkaing mabuti at

makapagpapalusog sa isang pamilya.

Prutas gulay karne mais kamote

IV. Pagtataya:Lagyan ng / ang mga pagkaing

makapagpapalusog sa mag-anak.1. pansit2. kanin3. gulay4. pisbol5. puro karne lang

V. Kasunduan: Gumuhit ng mga masusustansiyang pagkain sa

inyong notebook.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 20: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

ARALING PANLIPUNAN IIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-

araw-araw na buhay ng pamilya Naiisa-isa at nauuri ang mga pangunahing

pangangailangan ng mag-anak- kasuotan

II. PAKSANG-ARALIN:A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya

1.1 Ang Kwento ng Aking PamilyaB. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5

C. Kagamitan:Mga larawan, tsart

D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Anong pangangailangan ang dapat na matugunan nang sapat para sa pamilya?

2. Pagganyak:Awit: Pangangailangan

B. Panlinang na Gawain:1. Paunang Pagtataya:

Itanong: Paano mo pinangangalagaan ang iyong katawan

sa labis na init o lamig?

2. Paglalahad:Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang

kasuotan: pang-araw-araw, pantulog, pangtrabaho, uniporme, pang-espesyal na okasyon.

3. Pagtalakay:

Kailan ninyo isinusuot ang ganitong uri ng kasuotan?

Alin ang isusuot mo kung maiinit ang panahon?

4. Paglalahat:Anong pangangailangan ng mag-anak ang

nagbibigay proteksiyon sa mga katawan ng mga kasapi?

Tandaan: Bawat mag-anak ay dapat na mabigyan ng angkop na kasuotan upang mapangalagaan ang katawan sa init o lamig.

5. Paglalapat: Gumuhit ng isang halimbawa ng kasuotan na

gusto mo.

IV. Pagtataya:Aling kasuotan ang dapat mong isuot kung:1. matutulog ka na.2. magsisimba ka3. mamasyal ka4. makikipaglaro ka sa kalye5. papasok ka na sa eskwela

V. Kasunduan: Gumupit ng mga larawan ng ibat-ibang uri ng

kasuotan.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Page 21: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa MatematikaIkalawang Markahan

Unang Linggo(Unang Araw)

I. Mga layuninNatutukoy ang 1st, 2nd, 3rd hanggang 10th na

bagay mula sa hanay ng mga bagay.Nakikiisa sa mga pangkatang gawain.Nakaguguhit ng mga larawan ng bagay para

maipakita ang mga bilang na ordinal.II. PaksaA. Aralin : Pagtukoy sa mga Bilang ng 1st, 2nd, 3rd

hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 101C. Kagamitan: larawan ng 10 bataD. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Nahihinuhang konsepto: Pagtukoy sa mga Bilang na Ordinal mula Una hanggang pangsampu.(1st-10th)

III. PamaraanA. Paghahanda1. Pagganyak

Awit: Sampung Batang Pilipino(Tono: Ten Little Indians)Isa, dalawa, tatlong Pilipino.Apat, lima, anim na PilipinoPito, walo, siyam na Pilipino.Sampung batang Pilipino.

B. Paglalahad:1. Iparinig ang maikling kwento:

Ang mga bata sa baitang isa Pangkat Jose Rizal ay nagkaroon ng maikling palatuntunan. Sampung bata ang magsusuot ng kanilang paboritong kasuotan. Sila ay isa-isang tatayo sa inyong harapan upang inyo silang makilala.

(Gumamit ng cut-out ng 10 bata na may iba’t ibang kasuotan at isa-isa itong ipakat sa pisara)

Sa ilalim ng cut-out ilagay ang bilang na ordinal mula pang-una hanggang pang-sampu at pangalan ng bata.

Hal. Maria Ana Pang-una Pangalawa 1st 2nd

2. Itanong: Sino sa mga kalahok ang unang nagpakilala? Pangalawa?

3. Anong bilang ang ginamit sa ilalim ng bawat kalahok sa paligsahan?

C. Pagsasagawa ng Gawain1. Laro: Pangkatin ang mga bata sa 3 pangkat.

Bigyan ang bawat pangkat ng ordinal na bilang sa kard 1st -10th. Sa hudyat ng guro itatambal ng mga bata ang bilang na hawak sa mga bagay na nakahilera sa mesa upang ipakita ang posisyon ng nasabing bagay.

D. Pagproseso sa Resulta ng GawinItanong: Ano ang nasa unang bagay?

Pangalawa? Pangatlo?Anong bilang ang ginamit upang tukuyin ang

kinaroroonan o posisyon ng bagay sa hanay ng maraming bagay?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan1. Tingnan ang salitang : B L A C K B O A R D

Alin ang unang titik?Anong titik ang pangatlo?Ang C ba ang ikalimang titik?

2. Paglalahat: Gumagamit tayo ng mga bilang na ordinal

upang ipakita ang posisyon o kinalalagyan ng isang bagay mula sa hanay ng mga bagay.

Isinusulat ang simbulo ng bawat bilang tulad ng:1st, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th 10th

Paano kayo gumawa kasama ng iyong pangkat? Nakiisa ka ba sa mga kasama mo?

IV. Pagtataya:Kulayan ang bagay na sinasabi sa iba1. 4th na bagay2. 9th na bagay

3. 1st na bagay4. 6th na bagay5. 3rd na bagay

V. Takdang Aralin

Mansanas lobo puno bag payong Basket kendi dahon bulaklak atis

Bag lapis pantasa pambura pensilkeys

Krayola ruler papel notbuk aklat

Page 22: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Iguhit ang tamang bagay na tinutukoy.1. 3rd na bagay2. 8th na bagay

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa MatematikaIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ikalawang Araw)

I. Mga layuninNababasa ang mga bilang na ordinal 1st, 2nd, 3rd

hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.Napananatili ang kaayusan habang gumagawa ng gawain.

II. PaksaA. Aralin 1: Pagbasa ng mga Bilang na OrdinalB. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 101-102 Pupils’ Activity Shet pp. C. Kagamitan: cut-out ng 10 bata/bagay/prutasD. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Nahihinuhang konsepto: Pagbasa ng bilang na ordinal.

E. Pagpapahalaga: Kaayusan

III. PamaraanA. Paghahanda1. Pagganyak

Ano ang ginagawa ninyo kung maraming bata ang bumibili sa kantina?

Bakit kailangan mong mahintay sa iyong pagkakataon?

Ano ang maaring mangyari kung magtutulakan at magkakagulo ang mga bata sa pagbili sa kantina?

B. Paglalahad:1. Tumawag ng 10 bata at hayaang pumila sila sa

harap ng klase.Hayaang pangalanan ng mga bata ang kanilang

kamg-aaral.Itanong: Sino ang nasa unahan ng pila?

Pangalawa?Ipakita ang bilang na ordinal sa simbulo at

salita.

2. Gumamit ng 10 cut-outs ng prutas at gamitin ang katulad na pamamaraan.

Hayaang basahin ng mga bata ang bilang na ordinal sa simbulo at sa salita.

C. Pagsasagawa ng GawainMagkaroon ng paligsahan.Ipakita ang pangkat ng 10 bagay.Hayaang magkontes sa pabilisan sa paglalagay

ng bilang ordinal ang 3 pangkat. Ang unang pangkat na makatapos ang siyang panalo.

D. Pagproseso sa Resulta ng GawinPang-ilan ang bola? Bisekleta? Lobo?Paano kayo ninyo naipanalo ang laro?Naghintay ka ba ng iyong pagkakataon para

makasagot?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan1. Ipakita ang plaskard ng mga numerong ordinal sa

simbulo. Ipabasa nang pangkatan.2. Ipakita ang plaskard ng bilang ordinal sa salita at

ipabasa din nang pangkatan.

F. PaglalahatAno ang sinasabi ng mga bilang na ordinal?Paano natin binabasa ang mga bilang na ordinal?

IV. Pagtataya:A. Maghanay ng 10 cut-out ng hayop.

Ano ang posisyon ng bawat hayop?Isulat ang tamang posisyon ng bawat hayop.(Gumamit ng larawan)1. pagong__2. kuneho__3. baka___

4.4.4.

bibe___5. aso____

B. Isulat ang wastong bilang na ordinal para sa may salungguhit na bagay sa pangkat.

1. SSSSSSSSSS2. MMMMMMMMMM3. XXXXXXXXXX4. HHHHHHHHHH5. Y YYYYYYYYY

V. Takdang Aralin:Basahin ang salita. Isulat ang simbulo.

Ikalawa____Ikatlo_____

Tandang , aso, pusa, pagong, ibon

Page 23: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Ika-apat____Ika-lima_____

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa MatematikaIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ikatlong Araw)

I. Mga layuninNaisusulat ang mga bilang na ordinal 1st, 2nd, 3rd

hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.Napananatili ang kaayusan habang gumagawa

ng gawain.

II. PaksaA. Aralin 1: Pagsulat ng mga bilang OrdinalB. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 10 Pupils’ Activity Shet pp. 17-22C. Kagamitan: mga pamilang(stik, hole, etc.)D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Nahihinuhang konsepto : Pagsulat ng mga Bilang na Ordinal.

III. PamaraanA. Paghahanda1. Pagganyak

Paligsahan sa pagbasa ng bilang na ordinal.

B. Paglalahad:1. Tumawag ng 10 bata at hayaang pumila sila sa

harap ng klase.Hayaang pangalanan ng mga bata ang kanilang

kamg-aaral.Itanong: Sino ang nasa unahan ng pila?

Pangalawa?Ipakita ang bilang na ordinal sa simbulo at

salita.2. Gumamit ng 10 cut-outs ng laruan at gamitin ang

katulad na pamamaraan.

Hayaang basahin at isulat ng mga bata ang bilang na ordinal sa simbulo at sa salita.

C. Pagsasagawa ng Gawain Magkaroon ng paligsahan.Ipakita ang pangkat ng 10 gulay.Hayaang magkontes sa pabilisan sa paglalagay

ng bilang ordinal ang 3 pangkat. Ang unang pangkat na makatapos ang siyang panalo.

D. Pagproseso sa Resulta ng GawinPang-ilan ang ampalaya? repolyo? sitaw?Paano kayo ninyo naipanalo ang laro?Naghintay ka ba ng iyong pagkakataon para

makasagot?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan1. Ipakita ang plaskard ng mga numerong ordinal sa

simbulo. Ipabasa nang pangkatan.2. Ipakita ang plaskard ng bilang ordinal sa salita at

ipabasa din nang pangkatan.3. Magdikta ng mga bilang ordinal. Ipasulat ito nang wasto sa mga bata.

F. PaglalahatAno ang sinasabi ng mga bilang na ordinal?Paano natin binabasa at isinusulat ang mga

bilang na ordinal?

IV. Pagtataya:Isulat ang wastong bilang na ordinal para sa may

salungguhit na bagay sa pangkat.1. WWWWWWWWWW2. OOOOOOOOOO3. LLLLLLLLLL4. RRRRRRRRRR5. P PPPPPPPPP

V. Takdang Aralin: Basahin ang salita. Isulat ang simbulo. Ikapito____ Ikawalo_____ Ikasiyam____ Ikasampu _____

Page 24: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Puna:____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa MatematikaIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ika-apat Araw)

I. Mga layuninNasasabi ang posisyon ng isang bagay gamit ang

pamilang na ordinal 1st hanggang 10th mula sa ibinigay na batayan.

II. PaksaA. Aralin 1: Ordinal Numbers 1st -10thB. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 16 Pupils’ Activity Shet pp. 25-26C. Kagamitan: mga pamilang(stik, hole, etc.)D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Nahihinuhang konsepto: Ordinal Numbers 1st -10th

III. PamaraanA. Paghahanda1. Pagganyak:

Ipagamit ang show-me-board.Magkaroon ng laro sa pagtatambal ng salita at

simbulo gamit ang ordinal na bilang.

B. Paglalahad:1. Gumamit ng tunay na bagay o larawan.

Maghilera ng 10 bagay sa mesa.Hayaang lagyan ng angkop na bilang na ordinal

ang bawat bagay.Bagay Salita SimbuloHal. Mais – pang-una 1st

Kamote – pangalawa 2nd

(Gawin hanggang 10th) 2. Tanungin ang mga bata.

Ilang mga bagay ang nahanay sa harap?Ano ang posisyon ng aklat?Pang-ilan ang bag?

C. Pagsasagawa ng Gawain:Magbigay ng pangkatang pagsasanay.Bigyan ang bawat pangkat ng talaan ng mga

bagay(larawan ang gamitin) .Hayaang tukuyin nila ang posisyon ng bawat

bagay sa hanay.

D. Pagproseso sa Resulta ng GawinAno ang ginamit mong bilang?

Paano mo nalaman ang posisyon ng isang bagay?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at KasanayanIpabasa at ipasulat muli ang mga bilang ordinal

sa mga mag-aaral.

F. PaglalahatAno ang sinasabi ng mga bilang na ordinal?Paano natin binabasa at isinusulat ang mga

bilang na ordinal?

IV. Pagtataya: Pasalita:Magpakita ng 10 bagay sa harap.

Ipasabi ang posisyon ng bagay na ituturo ng guro.

V. Takdang AralinGumuhit ng 10 bagay na nakikita sa inyong

tahanan. Lagyan ito ng bilang ordinal 1st hanggang 10th.

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Page 25: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa MatematikaUnang Markahan

Ikalawang Linggo(Ika-limang Araw)

I. Mga layuninNasasabi ang posisyon ng isang bagay gamit ang

pamilang na ordinal 1st hanggang 10th mula sa ibinigay na batayan.

II. PaksaA. Aralin 1: Ordinal Numbers 1st -10thB. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 21 Pupils’ Activity Shet pp. 28C. Kagamitan: larawan ng mga hayopD. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Nahihinuhang konsepto : Ordinal Numbers 1st -10th

III. PamaraanA. Paghahanda1. Pagganyak

Awit: Sampung Chikadee

2. Balik-aralPagbasa at pagsulat ng bilang na ordinal 1st

hanggang 10th sa salita at simbulo.

B. Paglalahad:1. Iparinig ang kwento:

Isang araw, kasama ni Jayson ang kanyang pamilya sa pamamasyal sa zoo. Marami silang nakitang hayop doon.

Idikit sa pisara ang larawan ng hayop habang isa-isa itong sinasabi:

Leon, zebra, tigre, unggoy, oso, agila, sawa, elepante, buwaya at ostrich.

2. Tanungin ang mga bata.Ilang hayop ang nakita nila Jayson?Pangalanan ninyo nga ang mga hayop sa hanay?

C. Pagsasagawa ng GawainLaro: Isa-isang ipapili ang mga hayop na nakita

ni Jayson sa paskilan.

D. Pagproseso sa Resulta ng GawinPaano ninyo nakuha ang inyong sagot.Ano ang ginawa ninyo?

Saang banda kayo nagsimula sa pagtukoy at pagbilang sa mga bagay sa hanay?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan1. Isulat ninyo ang sagot sa patlang.

M A T E M A T I K Aa. Anong titik pang-walo?b. Ano ang posisyon ng titik M?

F. PaglalahatAno ang tawag natin sa mga bilang na ginamit?Ano ang sinasabi ng ordinal na bilang?

IV. Pagtataya:Ipagawa ang ang Gawain sa pahina 108 ng

Teaching Guide sa math.

V. Takdang AralinGawin ang Worksheet bilang 3 sa pahina 108

TG.

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Page 26: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralinsa MUSICMusic

Ikalawang MarkahanUnang Linggo(Unang Araw)

Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. LayuninNapaghahambing ang kaaya-ayang tunog at di-

kaaya-ayang tunog.

II. Paksa: Kaaya-ayang Tunog , Di-Kaaya-ayang Tunog

Uri ng TunogBatayan: Music Teaching Guide pah. 1-4

Music teacher’s Module pah. 1-2 Music Acitivity Sheet pp. 1-2 Kagamitan: larawan ng mga nakakalikha ng tunog

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral:

Bakit mahalaga ang ating tenga?Anu-ano ang mga nakalilikha ng tunog?

2. Pangganyak: Orkestra ng mga Tunog

Pangkatang Gawain:Pangkat 1 – Tunog ng TaoPangkat 2 - Tunog ng HayopPangkat 3 - Tunog ng SasakyanPangkat 4 - Tunog ng Laruan

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad:

Magpakita ng larawan ng bata na tukop ang kanyang dalawang tainga.

Ano sa palagay ninyo ang problema ng batang ito?

2. Pag-usapan ang mga tunog na kaaya-aya at mga pinagmulan nito.

Pag-usapan din ang mga tunog na di-kaaya-aya.3. Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa.

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalahat:

Aling tunog ang mas mabuti sa ating pandinig?Tandaan: May dalawang uri ng tunog:

Kaaya-aya at di-kaaya-aya.Ang mga kaaya-ayang tunog ay mabuti sa ating

pandinig.Ang di-kaaya-ayang tunog ay maaring

makapagdulot ng sakit sa ating pandinig.

2. Pagsasanay:Pumili ng dalawang bagay na magkapares.Paghambingin ang mga ito.Hal. Malambing na Musika at kulog

IV. Pagtataya:Ilagay ang bawat halimbawa ng tunog sa angkop

na hanay.

Kaaya-ayang Tunog Di-Kaaya-ayang TunogDumarating na tren Awit ng Pag-ibigUmiiyak na sanggol Pinaandar na motorsikloNakikipag-usap sa kaibigan PaswitNanonood ng orchestra AmbulansiyaGumugulong na malaking bato Paggigitara

V. Kasunduan:

Page 27: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Gumuhit ng isang bagay na nakakalikha ng kaaya-ayang tunog at isang bagay na nakakalikha ng di-kaaya-ayang tunog.

Puna:_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSICMusic

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ikalawang Araw)Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

at Art

I. LayuninNaiguguhit ang staff nang wasto.

II. Paksa: Ang Staff (Sulatan ng mga Nota sa Musika)

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4 Music teacher’s Module pah. 1-2 Music Activity Sheet pp. 1-2Kagamitan: larawan ng staff III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral:

Anu-ano ang dalawang uri ng tunog?

2. Pangganyak:Magpakita ng mga tuldok.Hayaang makagawa ng linya ang mga bata sa

pag-uugnay sa mga tuldok.Hal. Anu-anong uri ng linya ang mabubuo pag

pinagdugtong ang mga tuldok? B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad:Magpakita ng halimbawa ng staff.

4 3 2 1

2. Pagtalakay:Ilang linya ang bumubuo sa staff?Ilang pagitan?

C. Pangwakas na Gawain:1. Paglalahat:

Tandaan: Ang Staff ay binubuo ng limang linya at apat na pagitan. Ito ang nilalagyan ng mga simbulo sa musika.

2. Pagsasanay:Ikonekta ang mga putol-putol na guhit upang

makabuo ng staff.

IV. Pagtataya:Gumawa ng sarili mong staff. Gumamit ng ruler

upang matuwid ang mga guhit.

V. Kasunduan:Gumuhit ng staff sa notebook sa musika.

Puna_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 28: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

Banghay Aralin sa EDUKASYON sa PAGPAPALAKAS ng KATAWAN

Ikalawang MarkahanUnang Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:Naikikilos ang leeg at mga kamay.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng KatawanAralin: Mga Kilos ng Leeg at mga KamaySanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa

Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I; Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20; Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 19-24

Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng leeg at mga kamay

Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral:

Balik-aralan natin ang mga bahagi ng katawan. Nasaan ang iyong leeg?

Nasaan ang iyong mga kamay?

2. PagganyakAwit: Ako ay May Ulo

Ako ay may ulo na aking ginagalawAking ginagalaw (2x)

Ako ay may ulo na aking ginagalawSalamat sa Maykapal.

B. Panlinang na Gawain1. Ipaliwanag:

Ang leeg at mga kamay ay dapat mag-ehersisyo.Tayo ay magiging malakas. Ang bahaging ito

ng ating katawan ay mahalaga.May kanya-kanyang gamit ang mga bahagi ng

ating katawan. Ikinilos natin ang bawat bahagi ng ating katawan.

2. Gawain:Panimulang AyosTumayo nang tuwid at magkalayo ang mga paa.

Ilagay ang kamay.Ihilig ang leeg sa kanan.Ibalik sa panimulang ayos.

Pagpalakpak ng Kamay sa Harap at sa LikodPanimulang Ayos

Tumayo nang tuwid na nakababa ang mga bisig.a. Ipalakpak ang mga kamay sa unahan pantay

sa balikat.b. Ipalakpak ang mga kamay sag awing likuran.

3. Paglalahat:Ang ating leeg at mga kamay ay naikikilos sa

iba’t ibang paraan.Ang pag-uunat ng leeg ay magpapakilos dito.

Naigagalaw mo ang iyong leeg sa kanan. Naigagalaw mo ito sa kaliwa.

Ang pagpalakpak ng mga kamay ay nagpapalakas ng mga kamay.

4. PagsasanayPangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. PagtatayaAno ang kilos ng bahagi ng iyong katawan?1. ulo a. naikikiling b. naihahawak

2. leeg a. naiuunat b. naihahawak

Page 29: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

3. kamay a. nailalakad b. naititikom 4. tuhod a. naibanbaluktot b. naituturo 5. braso a. naihahawak b. nailuluhod

V. Kasunduan Pag-aralan ang iba’t ibang kilos ng Leeg at mga

Kamay.

Puna_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saARTPinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa

PagpapakataoIkalawang Markahan

Unang Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang

ginagamit sa art.Nakagagawa ng mga kulay sa pamamagitan ng

paghahalo ng mga ito.Nakagagawa ng color wheel.Nakikilala at natutukoy ang mga kulay na

nakikita sa kalikasan.Nagagamit ang man-made na mga kulay para

gayahin ang mga kulay sa kalikasan.

II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay: Pangunahing Kulay

A. Talasalitaan Primary Colors: Red , blue, Yellow Secondary Colors; green. Violet, orangeB. Elemento at Prinsipyo

Shape, lineC. Kagamitan

Crayons at least 6 colors, cartolinaD. Sanggunian: K-12 Art Teacher’s Guide pp. 29-30 Pupils; Activity

Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Pagganyak

Magpakita ng larawan?Ipasabi ang mga kulay na kanilang nakikita sa

larawan.

2. Laro: Bring Me GameMagsasabi ang guro ng kulay na dadalin ng bata.Ang pangkat na maraming madadala ayon sa

utos ng guro ang siyang mananalo.

B. Panlinang na Gawain1. Gawain:

Gumamit ng asul at dilaw na krayola.Ikaskas ang asul nang magaan sa puting papel.

Sa ibabaw ng kulay na asul, ikaskas nang magaan ang kulay dilaw.

Anong panibagong kulay ang nabuo mo?(Gawin ang katulad na pamamaraan sa:

Pula+ asulDilaw+Pula

Anu-anong mga bagong kulay ang nabuo?

C. Pagpoproseso ng Gawa: 1. Paano nakabubuo ng berdeng kulay? Lila o ube? Orange o dalandan?

2. Ilarawan ang kulay na nabuo ninyo.

IV. Pagtataya:Pagawain ang mga bata ng color wheel ayon sa

natutuhang mga kulay.

V. Kasunduan:Ano kaya ang maaring mangyari kung lahat ay

kukulayan o gagamitan ng itim na kulay?

Puna

Page 30: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTHPinagsanib na aralin sa Science at Art

Ikalawang MarkahanUnang Linggo

(Ika-limang Araw)

I. Layunin:- Naipakikita ang wastong paghuhugas ng

mga kamay :- Pagkatapos gumamit ng palikuran

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng KamayA. Malinis na KamayB. Kagamitan: tubig at sabon, bimpoC. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide page 17; Modyul 1, Aralin 1 pah 3-4 Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain:1. Balik-aral

Laro: Ituro Mo (Touch Me) GameHumarap sa kapareha. Sa hudyat ng guro ituturo

ang bahagi ng katawan ng kapareha.

2. Pagganyak:Awit: I Have Two Hands

B. Panlinang na Gawain1. Ilahad:

Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang germs o mikrobyo?

Alam ninyo ba kung saan ito galing at paano ito nakukuha?

Paano ito naisasalin? Paano ito maiiwasan?

2. Iparinig ang awit na“Ako ay May Mga Kamay”(Tono: Maliliit na gagamba)

Ako’y may mga kamayNa kaliwa at kananItaas mo man ito’y

Malinis namanIpalakpak, ipalakpak

Itong mga kamayIpalakpak, ipalakpak

itong mga kamay.

3. Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay.

Kapag naghuhugas ng ating mga kamay tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

4. PaglalahatTandaan: Maghugas ng kamay pagkatapos

gumamit ng palikuran upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.

5. Pagsasanay:Awit: I Have Two Hands

IV. Pagtataya:Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong

paghuhugas ng kamay.

V. Kasunduan:Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos

gumamit ng palikuran.

Puna

Page 31: 1filedownload.com · Web viewEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO. Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika. Ikalawang Markahan. Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.