120
1 UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON Pangunahing Pang-unawa: Naipamamalas ang pang-unawa sa kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyong kinabibilangan ayon sa katangiang heograpikal nito. Pangunahing Katanungan: Bakit mahalagang maunawaan ang epekto ng lokasyon at kinalalagyan ng isang lalawigan? Aralin 1 – Simbolo sa Mapa I. Mga Layunin 1. Natatalakay ang iba’t ibang simbolo na ginagamit upang madaling maunawaan ang mapa. 2. Nakabubuo ng mapa ukol sa rehiyong naitalaga sa mga mag-aaral. 3. Napahahalagahan ang pagsunod sa mga panuto at direksiyon. II. Nilalaman A. Paglalahat Ang mapa ay isang mahalagang representasyon ng isang lugar at mahalagang maunawaan ang mga konseptong kaakibat

UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

  • Upload
    others

  • View
    124

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

1

UNANG MARKAHANMGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pang-unawa sa kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyong kinabibilangan ayon sa katangiang heograpikal nito.

Pangunahing Katanungan:

Bakit mahalagang maunawaan ang epekto ng lokasyon at kinalalagyan ng isang lalawigan?

Aralin 1 – Simbolo sa Mapa

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang simbolo na ginagamit upang madaling maunawaan ang mapa.

2. Nakabubuo ng mapa ukol sa rehiyong naitalaga sa mga mag-aaral.

3. Napahahalagahan ang pagsunod sa mga panuto at direksiyon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mapa ay isang mahalagang representasyon ng isang lugar at mahalagang maunawaan ang mga konseptong kaakibat

Page 2: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

2

na nakapaloob dito katulad ng impormasyon ukol sa direksiyon, lokasyon, at distansiya ng mga lugar at iba pang representasyon na makatutulong sa pang-unawa sa kung ano ang mayroon sa isang lugar o lalawigan.

B. Paksang-aralin

Simbolo sa Mapa C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 2–16

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 2–3. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 3–4. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa

Page 3: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

3

buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang tungkol sa pangunahin at pangalawang direksiyon sa “Natuklasan mo na ba” sa pp. 5–9. Magsagawa ng isang laro ukol dito. Ipatukoy sa mga mag-aaral kung sino o anong bagay ang iyong ituturo ayon sa direksiyong iyong ibibigay.

b. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa pp. 6 at 8–9.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng pangungusap ang mga mag-aaral na nagtatala ng mga direksiyon kung paano makararating mula sa paaralan pauwi sa kanilang bahay. Ipagamit ang konsepto ng pangunahin at pangalawang direksiyon.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Balikan ang paksa tungkol sa mga direksiyon na ginagamit sa mapa. Magpakita ng flaschards ng mga direksiyon at pabigyan ng paliwanag sa mga mag-aaral.

Page 4: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

4

2. Talasalitaan

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng simbolo. Pagkatapos ay tanungin sila kung ano-ano ang nakikita nilang mga simbolo na nagbibigay representasyon ng iba’t ibang bagay sa paaralan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng simbolo na ginagamit sa mapa. Magpakita at ipaliwanag ang ilang halimbawa nito.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat at magsagawa ng quiz bee. Magpakita ng iba’t ibang simbolo at ipatukoy kung ano ang mga ito sa mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkatuto ng isang tao sa iba’t ibang direksiyon at simbolo sa pang-araw araw na pamumuhay. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

Page 5: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

5

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 12–13.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot at isagawa ang pagwawasto.

2. Talasalitaan

Magpakita ng ilang salita at ipaliwanag ang mga konseptong ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Mula sa natutuhan ng mga mag-aaral ay pagawain sila ng mapa na naglalaman ng direksiyon mula sa kanilang bahay papuntang paaralan. Ipakita nila dito ang iba’t ibang estruktura at lugar na makikita bago makarating sa paaralan mula sa kanilang bahay at gagamit sila ng mga simbolo upang madaling maunawaan ang kanilang mapa.

b. Ipagawa ang mapa sa oslo paper o 1/8 illustration board. Pakulayan ang mapa sa mga mag-aaral.

Page 6: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

6

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng mga mag-aaral upang ipakita at ibahagi sa klase ang kanilang ginawang mapa. Sa pag-uulat ay ipagamit ang konsepto ng pagbibigay ng direksiyon.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 14–15.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 16.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 2)

BAHAY SIMBAHAN RILES PAARALAN OSPITAL BUNDOK

Natuklasan mo na ba? (p. 6)

1. Nueva Ecija, Pangasinan2. Ifugao, Nueva Vizcaya3. La Union4. Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur

Page 7: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

7

(p. 8) (p. 9)

1. Nueva Vizcaya 1. Nueva Ecija2. Aurora 2. Tarlac, Zambales3. Tarlac 3. Bataan4. Bulacan 4. Bulacan

Tuklasin Mo (pp. 12–13)

1. a. paaralan b. simbahan at riles c. puno at tulay d. dagat at daungan

2. a. tulay b. daan c. bulubundukin, kabahayan, at kapatagan d. puno at paaralan e. dagat, daungan, riles, at simbahan

Pagtataya

A. (p. 14)

1. g 6. i 2. e 7. j 3. h 8. d 4. b 9. c 5. a 10. f

Page 8: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

8

Aralin 2 – Kinalalagyan at Katangian ng mga Lalawigan sa Luzon

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang heograpikong katangian at kinalalagyan ng mga lalawigan sa Luzon;

2. Nakagagawa ng symbolic organizer na nagbubuod sa mga katangian ng bawat rehiyon sa Luzon; at

3. Napahahalagahan ang pagiging malikhain.

II. Nilalaman

A. Paglalahat Ang Luzon ang pinakamalaking isla sa

kapuluan ng Pilipinas at ang mga lalawigang nakapaloob dito ay may mga natatanging mga katangian na napapakinabangan ng mga mamamayan nito. Ang klima at likas na yaman dito ay nakatulong sa pag-unlad ng mga rehiyon gayundin ang yamang tao.

B. Paksang-aralin

Kinalalagyan at Katangian ng mga Lalawigan sa Luzon

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 17–37

Page 9: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

9

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa sa pp. 17–18. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 19. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

b. Pagkatapos ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano sa mga salitang nabilugan ang kanilang kayang bigyan ng kahulugan. Ipakilala ang lahat ng mga salitang nabilugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payak na pagpapakahulugan. Gumamit ng mga halimbawa o sitwasyon upang lalong maunawaan kung kinakailangan.

Page 10: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

10

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng acrostic gamit ang salitang PILIPINAS, pagtalain ang mga mag-aaral ng iba’t ibang paglalarawan sa mga katangian ng Pilipinas sa kabuuan.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang mabuo ang kanilang acrostic. Isagawa ang pag-uulat at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mahahalagang konsepto ukol sa katangian at kinalalagyan ng Pilipinas sa kabuuan.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng video tungkol sa mga natatanging lugar na matatagpuan sa Luzon. Tanungin ang mga mag-aaral kung ilan na ang nakapunta sa mga nabanggit na lugar at kung ano-ano ang kanilang mga karanasan sa kanilang naging paglalakbay sa mga lugar na ito.

Page 11: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

11

2. Talasalitaan

a. Magpakilala ng mga piling salita mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Maaaring kumuha ng salitang Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, o iba pa. Maaaring gamitin ang salitang maganda upang sa huli ay maiugnay ito sa katangian ng mga Pilipino at ng Pilipinas sa kabuuan.

b. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng ating diyalekto. Ano ang maganda at hindi magandang dulot ng pagkakaibang ito. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang iba’t ibang mga mahahalagang katangian ng bansang Pilipinas sa kabuuan. Magpagawa sa mga mag-aaral ng symbolic organizer na magbubuod sa mga katangian at kinalalagyan ng iba’t ibang lalawigan sa Luzon.

b. Hatiin ang klase sa walong pangkat. Hayaang apat na grupo muna ang magbigay ng ulat:

i. Unang Pangkat: Rehiyon I – Plant Organizer

ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon II – Flower Organizer

Page 12: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

12

iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon III – Person Organizer

iv. Ikaapat na Pangkat: CAR – Human Face Organizer

c. Ipaugnay rin sa mga mag-aaral ang konseptong ibinigay sa kanila.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang konsepto ukol sa katangian at kinalalagyan ng mga rehiyon sa Luzon.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita ng isang video ukol sa Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region (NCR). Pagkatapos ay itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:

i. Ayon sa inyong napanood, paano ninyo mailalarawan ang NCR?

ii. Paano nagkakaiba ang rehiyong ito sa ibang lugar at lalawigan sa Pilipinas?

b. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.

Page 13: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

13

2. Talasalitaan

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kaibahan ng lungsod sa lalawigan. Paano nga ba nagiging isang lungsod ang isang bayan? Ipaliwanag ito sa mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

Ipatuloy ang pag-uulat ng natitirang apat na grupo:

i. Ikalimang Pangkat: NCR – Plant Organizer

ii. Ikaanim na Pangkat: Rehiyon IV-A – Flower Organizer

iii. Ikapitong Pangkat: Rehiyon IV-B – Person Organizer

iv. Ikawalong Pangkat: Rehiyon V – Human Face Organizer

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang konsepto ukol sa katangian at kinalalagyan ng mga rehiyon sa Luzon.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 35–36.

Page 14: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

14

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 16.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 17–18)

Underground River - Luzon Burnham Park Lake – LuzonIsla ng Boracay – Visayas Bulkang Taal – LuzonBundok Apo – Mindanao Hagdan-hagdang Palayan – Luzon

Alam mo ba? (p. 19)

Page 15: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

15

Pagtataya

A. (pp. 35–36)

1. CALABARZON 2. Bundok Pulag 3. Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro 4. Lungsod ng San Fernando, Pampanga 5. Gitnang Luzon 6. Lungsod ng Calamba, Laguna 7. 17 (16 na lungsod, 1ng munisipalidad) 8. Lungsod ng Maynila 9. Rehiyon IV-B 10. Lungsod ng Vigan

B. (p. 36)

1. IV-B 2. CAR 3. I 4. I 5. III 6. IV-A 7. III 8. III 9. NCR 10. IV-A

Page 16: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

16

Aralin 3 – Kinalalagyan at Katangian ng mga Lalawigan sa Visayas

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang mga katangiang heograpiko ng mga lalawigan sa Visayas;

2. Nakagagawa ng clay map para sa iba’t ibang mga rehiyon sa Visayas; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng paghahanda para sa mga parating na bagyo o lindol.

II. Nilalaman

A. Paglalahad

Ang Visayas ay isang makasaysayang lugar sa bansa dahil dito unang dumating ang mga Espanyol bukod pa sa mga magagandang tanawin na makikita sa iba’t ibang probinsiyang bumubuo rito. Maunlad at masigla ang industriya ng turismo gayundin ang kalakalan sa maraming lugar dito kaya kung mas magiging handa sila sa paparating na bagyo na madalas tumatama rito ay matatamo ng buong kapuluan ang kaunlaran.

B. Paksang-aralin

Kinalalagyan at Katangian ng mga Lalawigan sa Visayas

Page 17: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

17

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 38–48

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 38–39. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 39. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang iba’t ibang mahahalagang katangian ng Visayas sa kabuuan. Magpagawa sa mga mag-aaral ng symbolic organizer na

Page 18: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

18

magbubuod sa mga katangian at kinalalagyan ng iba’t ibang lalawigan sa Visayas.

b. Hatiin ang klase sa apat na pangkat:

i. Unang Pangkat: Rehiyon VI – Plant Organizer

ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon VII – Flower Organizer

iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon VIII – Person Organizer

iv. Ikaapat na Pangkat: Rehiyon ng Isla ng Negros – Human Face Organizer

4. Pangwakas na Gawain

a. Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang maikli ngunit komprehensibong sariling opinyon kung ano ang sa tingin nila ay magandang gawin ng pamahalaan sa suliranin na nararanasan sa Visayas kapag binabayo ang rehiyon ng malalakas na bagyo.

b. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

PALAALA: Ang Rehiyon ng Isla ng Negros (NIR) ay inabolish sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 38 noong Agosto 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nasa guro ang pagpapasiya kung ituturo pa rin ang paksa tungkol sa rehiyong nabanggit.

Page 19: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

19

5. Takdang-aralin

Magpasaliksik tungkol sa iba’t ibang rehiyon na nasa Visayas. Paghandain ang mga mag-aaral para sa pangkatang gawain.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Isagawa ang larong 4Pic1word. Magpakita ng ilang larawan at tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang tinutukoy ng mga larawang ito. Ang mga salitang maaaring kunin ay mula sa paksa ng mga rehiyon at lalawigan sa Visayas.

2. Talasalitaan

Ipakita ang salitang Cebu. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga unang maiisip nila pag nakita nila ang salitang ito. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magbigay ng ilang impormasyon at gabay ukol sa gagawing pangkatang gawain ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng isang gabayang talahanayan ay papunan sa bawat pangkat ang inihandang tsart sa ibaba.

Page 20: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

20

Rehiyon:Mga lalawigang bumubuoMga dating pangalan ng mga lalawiganKatangian ng lalawiganKinalalagyan ng mga lalawigan

i. Unang Pangkat: Rehiyon VI ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon VII iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon VIII iv. Ikaapat na Pangkat: Rehiyon ng

Isla ng Negros

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mahahalagang natalakay sa aralin.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang magagandang tanawin sa Visayas. Sa fishbowl kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga mag-aaral ay bumunot ng pangalan na huhula sa ipinakitang

Page 21: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

21

larawan. Itanong din kung saang rehiyon ito matatagpuan. Bigyan ng karagdagang puntos ang mag-aaral kung tama ang kanyang sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala ang salitang Ati. Sa pamamagitan ng isang video ay ipalarawan sa mga mag-aaral ang mga Ati at ang kanilang mga kultura at kaugnayan sa mga pagdiriwang sa Visayas gaya ng Ati-atihan, Dinagyang, at Sinulog. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pagkakakilala nila sa mga ito. Iproseso ang magiging sagot ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpadala sa mga mag-aaral ng 1/8 illustration board, iba’t ibang kulay ng clay, at markers. Papiliin ang mga mag-aaral ng isang rehiyon sa Visayas at pagawan ng clay map para ipakita ang mga lalawigang nakapaloob dito. Pagamitin ang mga mag-aaral ng ilang simbolo upang maipakita ang iba’t ibang anyong lupa o tubig na makikita rito.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral na gawin ang mapa at pagkatapos ay ipabahagi sa klase ang kanilang ginawa.

Page 22: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

22

4. Pangwakas na Gawain

Markahan ang ginawa ng mga mag-aaral.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 47–48.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 48.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 38)

1. I L O I L O2. S I Q U I J O R3. B O R A C A Y4. C E B U5. B O H O L6. A N T I Q U E7. C A P I Z8. G U I M A R A S9. B I L I R A N10. L E Y T E

Page 23: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

23

Alam mo ba? (p. 39)

Pagtataya

A. (p. 47)

Tourist Spot Lalawigan RehiyonBoracay Aklan VI

Dambana ni Lapulapu

Cebu VII

Chocolate Hills Bohol VIIThe Ruins Negros Occidental Isla ng Negros

B. (p. 48)

Rehiyon Sentro ng Rehiyon

Dahilan ng Kaunlaran

Kanlurang Visayas Lungsod ng IloiloMaaaring

magkakaiba ang mga

sagot.

Gitnang Visayas Lungsod CebuSilangang Visayas Lungsod ng TaclobanRehiyon ng Isla ng

NegrosLungsod ng Bacolod

Page 24: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

24

Aralin 4 – Kinalalagyan at Katangian ng mga Lalawigan sa Mindanao

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mahahalagang konsepto ukol sa kinalalagyan at katangian ng mga rehiyon sa Mindanao;

2. Nakabubuo ng picture collage na naglalaman ng magagandang lugar sa Mindanao upang maipakita ang kagandahan ng mga rehiyon rito; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng kapayapaan upang matamo ang kaunlaran ng rehiyon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga lalawigan sa Mindanao ay may mahalagang kasaysayan bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop. Sa buong kapuluan, ito ang tanging bahagi na marami pa rin ang nananatili sa paniniwala at relihiyong Islam na naipakilala ng mga unang misyonero at mga mangangalakal na nagmula sa Gitnang Silangan. Naging larawan din ang rehiyon ng maraming potensiyal na kung mapipigilan ang mga kaguluhan at hindi pagkakaisa ay maaaring matamo ng mga lalawigan dito ang kaunlaran at kapayapaan.

Page 25: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

25

B. Paksang-aralin

Kinalalagyan at Katangian ng mga Lalawigan sa Mindanao

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 49–65

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa sa pp. 49–50. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 51. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

Page 26: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

26

3. Panlinang na Gawain

a. Ipapanood sa mga mag-aaral ang isang video ukol sa kabuuan ng Mindanao. Iproseso ang sumusunod na tanong:

i. Ano ang masasabi nating pangunahing katangian ng Mindanao bilang pangalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas?

ii. Bakit sinasabing malaki ang potensiyal ng Mindanao sa kaunlaran?

iii. Bakit nababalam ang pag-unlad ng Mindanao? Paano nakaaapekto ang mga kaguluhang nagaganap dito?

iv. Bakit matagal ng gustong humiwalay ng Mindanao?

4. Pangwakas na Gawain

Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa nagaganap na digmaan sa Mindanao. Pasulatin sila ng isang maiksing sanaysay tungkol sa kanilang saloobin at kung ano sa palagay nila ang pinakamagandang solusyon na dapat gawin upang matamo ng Mindanao ang kaunlaran na matagal na nitong dapat nakuha. Hingan din sila ng paliwanag sa kanilang kasagutan.

Page 27: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

27

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Magsagawa ng laro. Maglagay ng mga tanong sa isang kahon. Pabunutin ang mga kinatawan ng bawat pangkat at pagkatapos ay ibibigay nila ang sagot sa nabunot nilang tanong. Ang pangkat na may pinakamaraming bilang ng tamang sagot ang siyang magwawagi.

2. Talasalitaan

Magpakita ng ilang mga salita na may kinalaman sa Mindanao. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa nalalaman nila ukol dito. Kumuha ng ilang mga bagong salita na makikita sa “Tandaan mo” sa p. 53.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at magpagawa ng pangkatang gawain sa pamamagitan ng travel show. Ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang mga rehiyon sa Mindanao:

i. Unang Pangkat: Rehiyon IX ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon X iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon XI iv. Ikaapat na Pangkat: Rehiyon XII

Page 28: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

28

v. Ikalimang Pangkat: Rehiyon XIII vi. Ikaanim na Pangkat: ARMM

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mahahalagang konsepto mula sa mga paksang tinalakay at pinag-aralan.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Maghanda ng isang wordhunt puzzle kung saan maaaring makita ng mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang konseptong natalakay. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng mga salitang ito.

2. Talasalitaan

Tanungin ang mga mag-aaral sa kahulugan ng salitang konserbasyon. Itanong din kung ano-ano ang mga halimbawa ng konserbasyon na ginagawa nila sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Page 29: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

29

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpagawa sa bawat pangkat ng collage ng mga larawan ng iba’t ibang magagandang lugar sa Mindanao. Ipadikit ang collage sa itim na cartolina pagkatapos ay palagyan ng tagline na tumutukoy sa pangangalaga sa mga lugar at magagandang tanawin na ito.

b. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang gawin ang collage. Ipabahagi sa klase ang mga output.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso sa mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto ukol sa pangangalaga sa mga yaman ng bawat rehiyon sa buong Pilipinas sa kabuuan.

5. Pagtataya

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 64–65.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 65 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 68–73.

Page 30: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

30

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 49–50) Alam mo ba? (p. 51)

Pagtataya

A. (p. 64)

1. ARMM 2. XII – SOCCSKSARGEN 3. ARMM 4. X – Hilagang Mindanao 5. XI – Davao 6. XIII – CARAGA 7. XII – SOCCSKSARGEN 8. ARMM 9. XIII – CARAGA 10. X – Hilagang Mindanao

Page 31: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

31

Markahang Pagsasanay

A. Sagutan (pp. 68–69)

1. c 6. c 2. d 7. c 3. c 8. c 4. d 9. d 5. c 10. c

B. Pag-isipan (pp. 70–71)

1. IV-B MIMAROPA 2. CAR 3. XI – Davao 4. IX – Peninsula ng Zamboanga 5. III – Gitnang Luzon 6. X – Hilagang Mindanao 7. III – Gitnang Luzon 8. V – Rehiyon ng Bicol 9. II – Rehiyon ng Cagayan 10. X – Hilagang Mindanao

Page 32: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

32

IKALAWANG MARKAHANMGA KUWENTO NG IBA’T IBANGMGA LALAWIGAN AT REHIYON

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga sa iba’t ibang kuwento at mga sagisag na naglalarawan sa sariling lalawigan at mga karatig na lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Pangunahing Katanungan:

Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang kuwento at kasaysayan ng mga lalawigan at rehiyon na ating kinabibilangan?

Aralin 1 – Kasaysayan ng Bawat Lalawigan o Rehiyon sa Luzon

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang mga kuwento ukol sa pinagmulan ng mga lalawigan sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon;

2. Nakabubuo ng graphic organizer ukol sa mga mahahalagang kuwento ng mga lalawigan sa Luzon; at

3. Nauunawaan ang pagiging masipag at mapagmalasakit sa sariling lalawigang kinabibilangan.

Page 33: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

33

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat rehiyon at lalawigan ay may pinagmulan at mahalagang maunawaan natin ito upang maintindihan ang pinagmulan ng kanilang kultura, tradisyon, at kabuhayan. Malaking tulong din na mapag-aralan natin at tangkilikin ang mga bagay na mayroon sa bawat lalawigan lalo ang mga mamamayan nito.

B. Paksang-aralin

Kasaysayan ng Bawat Lalawigan o Rehiyon sa Luzon

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 75–110

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 75–76. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

Page 34: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

34

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 77. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

b. Ipakilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang kabisera. Pagkatapos ay tanungin ang mga ito kung ano ang batayan para matawag ang isang lugar bilang kabisera.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang mahahalagang numero na nagbubuod sa mga bumubuo sa iba’t ibang mga rehiyon sa Luzon sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 77–80.

b. Pagkatapos ng talakayan ay isagawa ang larong charade. Hatiin ang klase sa limang pangkat at pahulaan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng aksiyon ang kanilang mabubunot na salita sa munting kahon. Ang mga salita ay tumutukoy sa magagandang tanawin na matatagpuan sa Luzon. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang siyang mananalo sa pagsasanay.

Page 35: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

35

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mga magagandang tanawin na mababanggit at tumawag ng mga mag-aaral upang tukuyin kung saang rehiyon ito matatagpuan.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 77–80. Iproseso ang mga wastong sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kaibahan ng Atas ng Pangulo sa Kautusang Tagapagpaganap na maaaring paulit-ulit na marinig ng mga mag-aaral sa pagtalakay sa kasaysayan ng mga lalawigan. Magbigay ng ilang halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at magpagawa ng graphic organizer. Bago iyon ay ipaliwanag muna ang mahahalagang konsepto ukol sa sumusunod na rehiyon:

Page 36: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

36

i. Unang Pangkat: Rehiyon 1 – House Organizer (bahagi ng bahay: pinto, bintana, at iba pa)

ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon 2 – Book Organizer (nilalaman, larawan, at iba pa)

iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon 3 – Cell phone Apps Organizer

iv. Ikaapat na Pangkat: CAR – Computer Organizer

b. Bigyan ng ilang sandaling paghahanda ang mga mag-aaral at pagkatapos ay isa-isang ipakita ang kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Ipaproseso sa mga mag-aaral ang mahahalagang bagay na kanilang naitala sa symbolic organizer.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita ng isang video ukol sa isa sa mga rehiyon, maaaring NCR. Talakayin ang kalagayan ng NCR sa pamamagitan ng prosesong tanong:

i. Bakit maraming mga tao ang nagpupunta at naninirahan sa NCR?

Page 37: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

37

ii. Paano masisiguro ang pagkakaroon ng maayos at masaganang buhay sa siyudad lalo na sa NCR?

b. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng bayani. Ano-ano ang mga konsiderasyon upang masabi na ang isang tao ay isang bayani. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng ilan sa mga kilalang bayani na nanggaling sa Luzon.

3. Panlinang na Gawain

Ituloy ang pagpapakita ng presentasyon ng mga mag-aaral. Ang apat na pangkat ay gagawa muli ng sariling graphic organizer, ayon sa kanilang sariling ideya at talakayin ang sumusunod:

i. Unang Pangkat: Rehiyon IV-A ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon IV-B iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon V iv. Ikaapat na Pangkat: NCR

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng pagbubuod ng mga mahahalagang konsepto ang mga mag-aaral ukol sa natalakay sa Luzon. Isagawa

Page 38: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

38

ang estratehiyang dugtungan upang lahat ng mag-aaral ay makasagot.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 107–108. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa pp. 109–110.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 75–76)

BANGUS FERDINAND MARCOS VIGAN FIDEL RAMOS BANGUI WINDMILLS ELPIDIO QUIRINO

Alam mo ba? (p. 77)

Page 39: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

39

Natuklasan mo na ba? (pp. 77–78)

Rehiyon I Rehiyon II Rehiyon IIIIlocos Norte Ilocos Sur Pangasinan La Union

Batanes Cagayan Isabela Nueva Vizcaya Quirino

Aurora Bulacan Bataan Pampanga Nueva Ecija Tarlac Zambales

Rehiyon IV-A Rehiyon IV-B Rehiyon VCavite Laguna Batangas Rizal Quezon

Mindoro Marinduque Romblon Palawan

AlbayCamarines Norte Camarines SurMasbate SorsogonCatanduanes

Pagtataya (pp. 107–108)

1. j2. a3. b4. e5. d6. g7. f8. h9. c10. i

Page 40: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

40

Aralin 2 – Kasaysayan ng Bawat Lalawigan o Rehiyon sa Visayas

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang simbolo na ginagamit upang madaling maunawaan ang mapa;

2. Nakabubuo ng mapa ukol sa rehiyong naitalaga sa mga mag-aaral; at

3. Napahahalagahan ang pagsunod sa mga panuto at direksiyon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Kabisayaan ay biniyayaan ng maraming isla at may makulay na kasaysayan dahil naging lugar ito kung saan unang dumating ang mga mananakop na mga Kastila at naging isang mahalagang simbolo ng Katolisismo sa bansa. Naging maunlad ang mga lungsod at lalawigan at magpasahanggang ngayon ay pinupuntahan ng marami ang mga magagandang tanawin dito na sikat hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

B. Paksang-aralin

Kasaysayan ng Bawat Lalawigan o Rehiyon sa Visayas

Page 41: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

41

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 111–129

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga

gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 111–112. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 113. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita at lugar na matatagpuan sa Visayas.

b. Pagkatapos ay ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang competitiveness. Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan nito.

Page 42: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

42

3. Panlinang na Gawain

Talakayin ang paksa sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 113–115. Isa-isahin at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang iba’t ibang elemento na kailangan upang masuri ang pagiging competitive ng isang lugar.

4. Pangwakas na Gawain

a. Tanungin ang mga mag-aaral kung saang lalawigan o lugar sila nagmula. Itanong din kung paano nila mailalarawan ang kakayahan ng kanilang lalawigan sa aspekto ng kaunlaran.

b. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng flashcards. Ang mga ito ay ang mga lugar sa Pilipinas na kabilang sa Visayas. Tanungin ang mga mag-aaral kung ilan sa kanila ang nagpunta na sa mga lugar na nasa cards at kung ano-ano ang magaganda nilang karanasan dito.

2. Talasalitaan

Talakayin ang ilan sa mga tagline na ginagamit upang ipakilala ang iba’t

Page 43: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

43

ibang mahahalagang lalawigan o lugar sa Visayas. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit sa tingin nila ay ito ang ginamit na tagline.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita sa mga mag-aaral ng isang video kung saan nabubuod ang tungkol sa mga rehiyon sa Visayas.

b. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga pinagmulan at katangian ng mga rehiyon sa Visayas.

c. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto sa pamamagitan ng graphic organizer upang mas madaling maunawaan at matandaan ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Sa pamamagitan ng maiksing pagsasanay ay alamin ang natutuhan ng mga mag-aaral sa mahabang talakayan ukol sa Kabisayaan. Isagawa ang pagwawasto.

5. Takdang-aralin

Pagsaliksikin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang himno ng mga lalawigan sa rehiyon ng Visayas. Paghandain ang klase para sa pangkatang gawain.

Page 44: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

44

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita sa mga mag-aaral ng ilan sa magagandang tanawin na matatagpuan sa Visayas sa pamamagitan ng isang video.

2. Talasalitaan

Magparinig at magpakita ng video ng isang halimbawa ng himno ng isang lugar sa Visayas, halimbawa ay sa Cebu. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mahahalagang nilalaman ng himno ng Cebu.

3. Panlinang na Gawain

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Paghandain ng isang presentasyon ang mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang himno ng ilang lalawigan na matatagpuan sa rehiyon na naatas sa kanila:

i. Unang Pangkat: Rehiyon VI – Kanlurang Visayas

ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon VII – Gitnang Visayas

iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon VIII – Silangang Visayas

iv. Ikaapat na Pangkat: Rehiyon ng Isla ng Negros

Page 45: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

45

4. Pangwakas na Gawain

Markahan ang presentasyon na ipinakita ng bawat pangkat at ibuod ang paksa sa araw na iyon.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 127–129.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 129.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 111–112)

Page 46: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

46

Alam mo ba? (p. 113)

Pagtataya

A. (pp. 127–128)

1. Ruy Lopez de Villalobos 2. Benigno Simeon Aquino III 3. Batas Bilang 115 4. Aklan 5. hantik 6. Bamban 7. Capiz 8. Himal-us 9. Batas Republika Bilang 7160 10. Iloilo

B. (p. 128)

1. b 6. a 2. a 7. c 3. a 8. c 4. b 9. a 5. c 10. b

Page 47: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

47

Aralin 3 – Kasaysayan ng Bawat Lalawigan o Rehiyon sa Mindanao

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang mga katangiang heograpiko ng mga lalawigan sa Mindanao;

2. Nakagagawa ng clay map para sa iba’t ibang mga rehiyon sa Mindanao; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pakikipagkasundo upang matamo ang kapayapaan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga lalawigan sa Mindanao ay may mahalagang kasaysayan na mauugat bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop. Sa buong kapuluan, ito ang tanging bahagi na marami pa rin ang nananatili sa paniniwala at relihiyong Islam na naipakilala ng mga unang nanirahan at namuno rito. Naging larawan din ang rehiyon ng maraming potensiyal na kung mapipigilan ang mga kaguluhan at hindi pagkakaisa ay maaaring matamo ng mga lalawigan dito ang kaularan at kapayapaan.

B. Paksang-aralin

Kasaysayan ng Bawat Lalawigan o Rehiyon sa Mindanao

Page 48: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

48

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 130–150

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 130–132. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 132. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

b. Ipakikilala sa mga mag-aaral ang tungkol sa salitang Bangsamoro na hango sa konseptong “bansa ng mga Moro”. Ipaliwanag ito.

Page 49: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

49

3. Panlinang na Gawain

a. Magpanood ng video tungkol sa Bangsamoro sa mga mag-aaral. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:

i. Sino-sino ang mga naninirahan sa Mindanao?

ii. Paano nagkaroon ng resolusyon ang mga Moro at mga Lumad sa kanilang paninirahan sa Mindanao?

iii. Ano ang mahahalagang nilalaman ng Kasunduan sa Bangsamoro?

iv. Paano ito makatutulong upang matamo ang kapayapaan sa Mindanao?

b. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga prosesong tanong na ibinigay ng guro.

4. Pangwakas na Gawain

a. Sa isang 1/4 sheet of pad paper ay pagawain ang mag-aaral ng isang maikli ngunit komprehensibong sariling opinyon kung ano ang sa tingin nila ay magandang gawin ng pamahalaan sa suliranin na nararanasan sa Mindanao.

Page 50: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

50

b. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

5. Takdang-aralin

Magsaliksik ukol sa iba’t ibang rehiyon na nasa Mindanao. Maghanda para sa pangkatang gawain kinabukasan.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Isagawa ang larong 4pic1word. Magpakita ng ilang larawan at tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang tinutukoy ng mga larawan. Ang mga mag-aaral na makakukuha ng tumpak na sagot ay bibigyan ng karagdagang puntos. Ang mga salita ay maaaring kunin mula sa paksang-aralin.

2. Talasalitaan

Ipakita ang salitang Davao. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga unang maiisip nila kapag nakita nila ang salitang ito. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Magbigay ng mga impormasyon at gabay ukol sa gagawing pangkatang

Page 51: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

51

gawain ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng isang gabayang talahanayan ay pupunan ng bawat pangkat ang inihanda ng guro para sa kanila at pagkatapos ay iuulat nila ito sa kanilang mga kapwa mag-aaral. Gamitin ang batayan sa ibaba.

RehiyonMga Lalawigang BumubuoMga Dating Pangalan ng mga LalawiganKatangian ng LalawiganKinalalagyan ng mga Lalawigan

i. Unang Pangkat: Rehiyon IX – Peninsula ng Zamboanga

ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon X – Hilagang Mindanao

iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao

iv. Ikaapat na Pangkat: Rehiyon XII – SOCCSKSARGEN

v. Ikalimang Pangkat: Rehiyon XIII – CARAGA

vi. Ikaanim na Pangkat: ARMM

b. Pagsagawain ang mga mag-aaral ng presentasyon.

Page 52: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

52

4. Pangwakas na Gawain

Isagawa ang pagbubuod ng mahahalagang natalakay sa mga aralin.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng pangalan ng iba’t ibang magagandang tanawin sa Mindanao. Sa fishbowl kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga mag-aaral ay bunutin ang mga pangalan ng mag-aaral na manghuhula sa ipakikita at kung sila ay tama, bibigyan sila ng karagdagag puntos. Tanungin rin kung saang rehiyon ito matatagpuan.

2. Talasalitaan

Ipakikilala ang salitang Muslim. Sa pamamagitan ng isang video ay ilarawan sa mga mag-aaral ang mga Muslim at ang kanilang kultura. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pagkakakilala nila sa mga ito. Iproseso ang magiging sagot ng mga mag-aaral.

3. Panlinang na Gawain

a. Papiliin ang mga mag-aaral ng isang rehiyon sa Mindanao at pagawain sila ng clay map para ipakita ang mga

Page 53: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

53

lalawigang nakapaloob dito. Gumamit ng ilang simbolo upang maipakita ang iba’t ibang mga anyong lupa o tubig.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral na gawin ang mapa. Pagkatapos ay tumawag ng mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Markahan ang ginawa ng mga mag-aaral.

5. Pagtataya

Pasagutan ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 146–149. Isunod ang pagwawasto.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo sa p. 150 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 182–187.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 130–131)

Dakak Park And Beach Resort – Zamboanga del NorteDapitan Shrine – Zamboanga del NorteMount Apo – Davao del SurMaria Cristina Falls – Lanao del Norte

Page 54: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

54

Samal Island – Davao del NorteDuang-Dulang – Bukidnon Alam mo ba? (p. 132)

Pagtataya

A. (pp. 146–147)

1. SOCCSKSARGEN – Rehiyon IX Peninsula ng Zamboanga

2. Batas Republika Bilang 715 – Batas Republika Bilang 711

3. Corazon Aquino – Gloria Macapagal Arroyo 4. Dapitan – Pagadian 5. tama 6. Lungsod ng Iligan – Tubod 7. Misamis Occidental – Misamis Oriental 8. tama 9. Luz Sarmiento – Lorenzo Sarmiento 10. Davao Oriental – Davao del Norte

Page 55: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

55

B. (pp. 147–148)

1. Rehiyon IX – Peninsula ng Zamboanga 2. Rehiyon X – Hilagang Mindanao 3. Rehiyon X – Hilagang Mindanao 4. Rehiyon X – Hilagang Mindanao 5. Rehiyon X – Hilagang Mindanao 6. Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao 7. Rehiyon XII – SOCCSKSARGEN 8. Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao 9. Autonomous Region in Muslim Mindanao

(ARMM) 10. Rehiyon XIII – CARAGA

Page 56: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

56

Aralin 4 – Mga Simbolo at mga Sagisag ng mga Lalawigan at Rehiyon

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang mahahalagang sagisag at simbolo ng mga lalawigan sa Pilipinas;

2. Nakabubuo ng sariling sagisag upang ipakilala ang kagandahan ng lalawigang kinabibilangan; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng ambag ng mga natatanging tao sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat lalawigan sa ating bansa ay may mga sagisag at simbolo na kumakatawan sa kagandahan ng lalawigan at kagalingan ng mga mamamayan nito. Sa pamamagitan ng mga ito ay lalong nakikilala ang mga lalawigan at rehiyon ng bansa at naipakikita ang kani-kanilang mga pagkakaiba.

B. Paksang-aralin

Mga Simbolo at mga Sagisag ng mga Lalawigan at Rehiyon

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 151–178

Page 57: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

57

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 151–152. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 153. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng tableau at anotasyon ay talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mahahalagang tao mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ang tagapag-ulat ang magbabasa ng anotasyon.

i. Unang Pangkat: Rehiyon I, II, III, at CAR

Page 58: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

58

ii. Ikalawang Pangkat: Rehiyon IV-A, IV-B, V, at NCR

iii. Ikatlong Pangkat: Rehiyon VI, VII, at VIII

iv. Ikaapat na Pangkat: Rehiyon IX, X, at XI

v. Ikalimang Pangkat: Rehiyon XII, XIII, at ARMM

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral para sa paghahanda at pagkatapos ay ipakita ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Markahan ang ginawa ng mga mag-aaral at pagkatapos ay ibuod ang kanilang presentasyon.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magsagawa ng isang laro. Magpakita ng iba’t ibang simbolo at ipatukoy sa mga mag-aaral kung ano ang mga simbolong ito.

2. Talasalitaan

Talakayin ang ibig sabihin ng provincial seal at kung ano ang batayan ng paglikha ng mga ito. Magbigay ng mga halimbawa.

Page 59: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

59

3. Panlinang na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mga sagisag at simbolo ng mga lalawigan sa Pilipinas. Maaaring gamitin ang nasa batayang aklat at maaari ding magdagdag ng iba pa.

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa sagisag ng kanilang lalawigan at kung ano ang ibig sabihin nito.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magparinig ng isang awit ng lalawigan halimbawa ay Manang Biday ng mga Ilokano. Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nila mailalarawan ang mga Ilokano base sa liriko ng kanilang awitin.

2. Talasalitaan

Ipakikilala sa mga mag-aaral ang salitang productivity o pagiging produktibo. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng pagiging produktibo ng mga tao at ng lalawigan sa kabuuan.

Page 60: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

60

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang iba’t ibang mga himno ng mga lalawigan at iparirinig sa kanila ang mga ito.

b. Pagkatapos ay kukuha ng kagamitan ang mga mag-aaral para sa pagsasanay. Gagawa sila ng sagisag ng kanilang lalawigang tinitirhan. Bigyan sila ng sapat na panahon at tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Markahan ang ginawa ng mga mag-aaral at pagkatapos ay iproseso sa kanila ang mahahalagang konsepto ukol sa simbolo at sagisag ng mga lalawigan sa kabuuan.

5. Pagtataya

Pasagutan ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 175–177. Isunod ang pagwawasto.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo sa p. 178 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 182–187.

Page 61: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

61

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 151–152)

Batanes Nueva Ecija Batangas Bulacan Pampanga Laguna

Alam mo ba? (p. 153)

Gloria DIAZ – Rehiyon I o Rehiyon ng IlocosJuan Ponce ENRILE – Rehiyon II o Lambak ng CagayanFrancis ESCUDERO – Rehiyon V o Rehiyon ng BicolDiosdado MACAPAGAL at Gloria MACAPAGAL-Arroyo – Rehiyon III o Gitnang LuzonRamon MAGSAYSAY – Rehiyon III o Gitnang LuzonFerdinand MARCOS – Rehiyon I o Rehiyon ng IlocosManuel PACQUIAO – Rehiyon XII o SOCCSKSARGENElpidio QUIRINO – Rehiyon I o Rehiyon ng IlocosFidel RAMOS – Rehiyon I o Rehiyon ng IlocosEfren REYES – Rehiyon III o Gitnang LuzonLea SALONGA, Rehiyon III o Gitnang Luzon

Page 62: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

62

Pagtataya

A. (pp. 175–176)

1. Rehiyon I – Rehiyon ng Ilocos 2. Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao 3. Rehiyon III – Gitnang Luzon 4. Rehiyon III – Gitnang Luzon 5. Rehiyon I – Rehiyon ng Ilocos 6. Rehiyon III – Gitnang Luzon 7. Rehiyon VII – Gitnang Visayas 8. Rehiyon I – Rehiyon ng Ilocos 9. Rehiyon IV-A – CALABARZON 10. Rehiyon IV-A – CALABARZON 11. Rehiyon XII – SOCCSKSARGEN 12. Rehiyon III – Gitnang Luzon 13. Rehiyon III – Gitnang Luzon 14. Rehiyon VI – Kanlurang Visayas 15. Rehiyon IV-A – CALABARZON 16. Rehiyon X – Hilagang Mindanao 17. Rehiyon VI – Kanlurang Visayas 18. Rehiyon III – Gitnang Luzon 19. Rehiyon I – Rehiyon ng Ilocos 20. Rehiyon VII – Gitnang Visayas 21. Rehiyon I – Rehiyon ng Ilocos 22. Rehiyon IV-A – CALABARZON 23. Rehiyon IV-A – CALABARZON 24. Rehiyon III – Gitnang Luzon 25. Rehiyon VII – Gitnang Visayas

Page 63: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

63

B. (p. 177)

Mga posibleng sagot:

1. Iloilo, Kalinga, Nueva Ecija, Sarangani 2. Batanes, Ilocos Norte 3. Agusan del Norte, Aklan, Antique, Aurora,

Basilan, Camarines Sur, Camiguin, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao Occidental, Iloilo, Davao Oriental, Eastern Samar, Guimaras, Laguna, Marinduque, Masbate, Misamis Occidenta, Negros Oriental, Northern Samar, Quezon, Samar, Sarangani, Siquijor, South Cotabato, Surigao del Sur, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur

4. Ilocos Norte 5. Camiguin, Laguna, Lanao de Norte 6. Aklan, Antique, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela,

Misamis Occidental, Nueva Viscaya, Occidental Mindoro, Pampanga, Quirino, Tarlac, Zamboanga Sibugay

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 182–183)

1. c 6. b 2. c 7. d 3. b 8. a 4. d 9. b 5. b 10. c

Page 64: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

64

IKATLONG MARKAHANANG PAGKAKAKILANLANG

KULTURAL NG AMING REHIYON

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang rehiyon.

Pangunahing Katanungan:

Paano pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kultura ng kinabibilangang rehiyon?

Aralin 1 – Pamanang Materyal: Pagkain, Tirahan, at Pananamit

I. Mga Layunin

1. Natutukoy ang mga halimbawa ng mga pamanang materyal na nagpasalin-salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa kasalukuyan;

2. Nailalarawan ang mga pamanang materyal ng kinabibilangang rehiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain; at

3. Napahahalagahan ang iba’t ibang pamanang materyal upang patuloy itong mapakinabangan ng mga mamamayan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang tirahan, pananamit, at pagkain ay halimbawa ng materyal na kultura ng ating

Page 65: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

65

bansa. Ito ay sumasalamin sa uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

B. Paksang-aralin

Pamanang Materyal: Pagkain, Tirahan, at Pananamit

C. Sanggunian SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan),

pp. 189–198

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 189–190. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 190. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

Page 66: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

66

3. Panlinang na Gawain

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang mga pamanang materyal tulad ng pagkain, tirahan, at kasuotan ng mga sinaunang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan nito.

b. Magkaroon ng talakayan hinggil sa larawan.

c. Hayaang magbahagi ang piling mag-aaral ng iba pang mga halimbawa ng pamanang materyal.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng estratehiyang Think-Pair-Share sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na: “Paano dapat pahalagahan ng mga mamamayan ang pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangan nilang rehiyon?”

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Sa pamamagitan ng estratehiyang 3–3 pagbigayin ang mga piling mag-aaral ng 3 halimbawa ng pagkain, 3 halimbawa ng kasuotan, at 3 halimbawa ng tirahan ng ating mga ninuno noong unang panahon.

2. Talasalitaan

Pagbahaginan ang mga mag-aaral ng kahalagahan ng kultura.

Page 67: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

67

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan at kahalagahan ng kultura sa isang rehiyon.

b. Pagkatapos ay ipaliwanag ang pagkakaiba ng pamanang materyal at di-materyal.

4. Pangwakas na Gawain

Isagawa ang estratehiyang Show Me Board kung saan, isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang nakagisnang pagkain, tirahan, at kasuotan sa kanilang pamayanan.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Iparinig sa mga mag-aaral ang tulang “Ang Pamana” at talakayin ang mensahe nito.

2. Talasalitaan

a. Bigyang kahulugan ang sumusunod na salita: kagamitan, nakagisnan, ninuno, at pamumuhay.

b. Pag-ugnayin ang mga nabanggit na salita sa mga paraan ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang rehiyon.

Page 68: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

68

c. Sa pamamagitan ng pangkatang gawain, pagsagawain ang bawat grupo ng paglalarawan sa kanilang pamanang kultural sa pamamagitan ng inilaan na gawain para sa kanilang grupo.

3. Panlinang na Gawain

Pagkatapos ng gawain ng bawat pangkat ay ipadikit sa pisara ang kanilang mga ginawang poster, tula, at liriko ng awit o rap. Isagawa ang estratehiyang Gallery Walk. Papilahin ang mga mag-aaral at isa-isang patingnan ang iginuhit o ginawa ng bawat grupo. Magkaroon ng talakayan pagkatapos makita ng lahat ng grupo ang mga larawan. Habang ang natirang dalawang grupo ay magpakita ng dula-dulaan at tableau.

4. Pangwakas na Gawain

Magkaroon ng talakayan pagkatapos makita ng lahat ng grupo ang mga larawan.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 197. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang pagsasanay.

Page 69: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

69

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 198.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 189)

Pagtataya (p. 197)

1. M 6. T2. T 7. M3. T 8. M4. T 9. T5. M 10. M

Page 70: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

70

Aralin 2 – Uri ng Komunidad at Panahanan

I. Mga Layunin

1. Napaghahambing ang uri ng komunidad at panahanan sa kinabibilangang rehiyon;

2. Naiguguhit ang uri ng tirahan na ninanais sa sariling pamayanan; at

3. Napahahalagahan ang uri ng komunidad at panahanan sa kinabibilangang rehiyon sa pamamagitan ng pakikiangkop sa anumang uri ng kapaligiran mayroon ito.

II. Nilalaman

A. Paglalahat Ang tirahan ay isa sa mga materyal na

kultura ng isang rehiyon. Ito ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa komunidad. Ito ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga tao sa init at lamig ng panahon. Magkakaiba ang hitsura o disenyo ng mga bahay sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nakabatay ang mga disenyong ito sa heograpiya ng lugar at sa mga pangangailangan ng mga nakatira rito. Kailangang makiangkop ang mga tao sa anumang uri ng kapaligiran mayroon ang kanilang komunidad para maging maayos ang kanilang pamumuhay.

B. Paksang-aralin

Uri ng Komunidad at Panahanan

Page 71: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

71

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 199–209

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 199–200. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 201. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng dalawang uri ng komunidad—ang pamayanang rural at pamayanang urban.

Page 72: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

72

b. Talakayin ang paksa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bagay na nakikita sa bawat uri ng pamayanan na isinalarawan.

4. Pangwakas na Gawain

Bigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng larong relay. Magpakita ng larawan at hayaang mag-unahan ang dalawang pangkat sa pagasagot. Ang may pinakamaraming bilang ng tamang sagot ang siyang magwawagi.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang uri ng tirahang makikita sa kanilang pamayanan. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ibahagi sa klase kung ano ang kanilang nais maging tirahan kapag sila ay may sarili ng hanapbuhay.

2. Talasalitaan

a. Ipaayos ang mga ginulong titik upang makabuo ng uri ng tirahan tulad ng sumusunod:

i. Ivatan ii. bale iii. abong

Page 73: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

73

iv. inappal v. lepa

b. Ibigay ang kahulugan ng mga salita bilang gabay ng mga mag-aaral upang mabuo ang bawat salita.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng larawan ng mga tirahan na maaaring gawin sa bawat uri ng pamayanan.

b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaiba ng pamayanang rural at pamayanang urban.

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutan ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa p. 207.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Sa pamamagitan ng PowerPoint presentation ay ilahad ang iba’t ibang uri ng panahanan sa pamayanang rural at pamayanang urban.

2. Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang salitang heograpiya.

Page 74: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

74

3. Panlinang na Gawain

a. Sa pamamagitan ng pangkatang gawain ay ipasagawa sa bawat grupo at ipakita sa pamamagitan ng tableau ang mabubunot nilang pamayanan.

b. Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa aralin.

4. Pangwakas na Gawain

Ipaalaala sa mga mag-aaral na sa kahit anumang uri ng pamayanan at tirahan sila nabibilang ay dapat ikarangal nila ito sapagkat sila ay nagsisikap upang makatulong sa pamayanan sa kanilang sariling kaparaanan upang makapamuhay nang maayos at marangal.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 208. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 209.

Page 75: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

75

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 199)

1. d 4. e2. a 5. f 3. b 6. c

Tuklasin Mo (p. 207)

Paglalarawan Rural Urban1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Page 76: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

76

Aralin 3 – Mga Tao, Diyalekto, at Wika sa Pamayanan Ko

I. Mga Layunin:

1. Natutukoy ang iba’t ibang pangkat etniko o kultural na komunidad sa bawat rehiyon ng bansa;

2. Nakagagawa ng koleksiyon ng mga larawan ng bawat pangkat etniko sa Luzon, Visayas, at Mindanao; at

3. NaIpakita ang paggalang sa bawat pangkat etniko.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking pulo—ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang bawat pulo ay binubuo ng mga rehiyon. Ang Pilipinas ay may 18ng rehiyon. Sa bawat rehiyon ay may iba’t ibang pangkat etniko o kultural na komunidad.

Iba-iba ang wikain o diyalekto na ginagamit sa bawat pangkat etniko upang magkaunawaan ang mga naninirahan dito. Ang wikang Tagalog ang naging batayan ng Pambansang Wikang Filipino na ginagamit ng karamihang Pilipino.

Page 77: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

77

B. Paksang-aralin

Mga Tao, Diyalekto, at Wika sa Pamayanan Ko

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 210–216

III. Mga Gawain

A. Unang Araw 1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 210–211. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa pp. 211–212. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang Pilipinas ay isang kapuluan at ito ay

Page 78: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

78

binubuo ng tatlong malalaking pulo—Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa bawat rehiyon ay may iba’t ibang pangkat etniko.

b. Talakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika upang magamit sa komunikasyon.

4. Pangwakas na Gawain Ipahambing sa mga mag-aaral ang

tatlong pagbati na ginagamit sa iba’t ibang diyalekto.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang napapansin nila kapag sila ay nagpupunta sa mga lalawigan sa larangan ng pakikipag-usap.

2. Talasalitaan

a. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahulugan ng wika at wikain o diyalekto.

b. Ibigay ang kahulugan ng wika at diyalekto bilang gabay ng mga mag-aaral upang malaman nila ang gamit nito sa komunikasyon.

Page 79: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

79

3. Panlinang na Gawain

a. Ipakita ang mapa ng Pilipinas at ituro ang tatlong malalaking pulo—Luzon, Visayas, at Mindanao.

b. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika sa isang pangkat ng tao.

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan sa mga mag-aaral ang mga pahayag:

Natutuhan ko na ______________________ Mula ngayon _______________________

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tanungin ang mga mag-aaral kung nakikilala o alam ba nila ang kahulugan ng mga babanggiting salita sa iba’t ibang diyalekto.

2. Talasalitaan

Itanong ang kahulugan ng mga babanggiting salita.

3. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng wika.

Page 80: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

80

4. Pangwakas na Gawain

Ipaalaala sa mga mag-aaral ang mga wikain o diyalekto na ginagamit ng mas nakakaraming Pilipino.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 215–216. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 216.

Mga Sagot sa mga Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 210)

1. Iloko2. Bikolano3. Waray4. Sinugbuanong Binisaya 5. Hiligaynon

Page 81: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

81

Aralin 4 – Mga Pagdiriwang at Paniniwala ng Rehiyon

I. Mga Layunin

1. Natutukoy ang iba’t ibang pagdiriwang at paniniwala sa bawat rehiyon;

2. Nakagagawa ng koleksiyon ng mga larawan ng bawat pagdiriwang at paniniwala ng bawat rehiyon; at

3. NaIpakita ang pagpapahalaga sa bawat pagdiriwang na kakikitaan ng kultura ng bawat rehiyon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

1. Ang bawat lugar sa bansa ay may kani-kaniyang kapistahang ipinagdiriwang.

2. Ang mga kapistahang ito ay nagpapamalas ng kultura ng isang lugar.

3. Bawat pangkat etniko ay may kani-kaniyang paniniwala at tradisyon na maaaring nagmula pa sa kanilang mga ninuno.

B. Paksang-aralin

Mga Pagdiriwang at Paniniwala ng Rehiyon

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 217–228

Page 82: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

82

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 217–218. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 218. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipaliwanag na maraming pagdiriwang sa bawat rehiyon sa Pilipinas na sumasalamin sa mga kaugalian at paniniwala ng mga mamamayan.

b. Talakayin ang kahalagahan ng mga pagdiriwang at mga festival sa bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Paghambingin ang mga pagdiriwang.

Page 83: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

83

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang napapansin nila sa larangan ng mga pagdiriwang o festival kapag sila ay nagpupunta sa mga lalawigan.

2. Talasalitaan

a. Ibigay ang kahulugan ng iba’t ibang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtalakay sa “Tandaan Mo” sa pp. 219–224.

b. Ibigay ang kahulugan bilang gabay ng mga mag-aaral upang makilala nila ang mga pagdiriwang na ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng larawan ng pagdiriwang ng pista sa bawat lalawigan ng rehiyon.

b. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga pagdiriwang sa isang tiyak na lugar.

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan ng mga mag-aaral ang pahayag:

Natutuhan ko na _______________________. Mula ngayon ________________________.

Page 84: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

84

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tanungin ang mga mag-aaral kung nakikilala nila ang mga pagdiriwang na ipakikita sa bawat slide.

2. Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang mga salita sa PowerPoint presentation.

3. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng mga pagdiriwang, paniniwala, tradisyon, at festival.

4. Pangwakas na Gawain

Ipaalaala sa mga mag-aaral ang panuto sa pangkatang gawain.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 226–227. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

Page 85: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

85

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 228.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Pagtataya (pp. 226–227)

1. c2. b3. d4. d5. a6. a7. d8. a9. b10. c

Page 86: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

86

Aralin 5 – Makasaysayang Lugar

I. Mga Layunin

1. Natutukoy ang iba’t mga makasaysayang pook sa bansa;

2. Nakagagawa ng koleksiyon ng mga larawan ng mga makasaysayang pook sa bawat rehiyon; at

3. NaIpakita ang pagpapahalaga at pagpapanatili sa mga makasaysayang lugar.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

1. Ang bawat lugar sa bansa ay may kani-kaniyang makasaysayang lugar.

2. Ang mga lugar ito ay nagpapamalas ng malalim na kasaysayan ng bansa.

3. Bawat rehiyon ay may kani-kaniyang makasaysayang lugar na nagpapakita ng nakaraan nito.

B. Paksang-Aralin

Makasaysayang Lugar

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 229–239

Page 87: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

87

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa p. 229. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 230. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na maraming makasaysayang lugar sa bawat rehiyon sa Pilipinas. Dito nasasalamin ang mayamang kasaysayan ng bansa.

b. Talakayin ang kahalagahan ng mga makasaysayang lugar.

4. Pangwakas na Gawain

Paghambingin ang mga makasaysayang lugar sa Pilipinas.

Page 88: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

88

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang napapansin nila kapag sila ay nagpupunta sa mga makasaysayang lugar sa mga lalawigan.

2. Talasalitaan

Pabigyan ng kahulugan sa mga mag-aaral ang mga makasaysayang lugar na mababasa sa batayang aklat.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng larawan ng mga makasaysayang lugar sa bawat lalawigan ng rehiyon.

b. Ipaliwanag ang mga paraan nang pagpapanatili ng mga makasaysayang lugar na ito.

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan sa mga mag-aaral ang mga pahayag:

Natutuhan ko na _______________________. Mula ngayon _________________________.

Page 89: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

89

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tanungin ang mga mag-aaral kung nakikilala nila ang mga makasaysayang lugar na ipakikita sa bawat slide.

2. Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang mga salita sa PowerPoint presentation.

3. Panlinang na Gawain

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga kahalagahan ng mga makasaysayang lugar.

4. Pangwakas na Gawain

Ipaalaala sa mga mag-aaral ang panuto sa pangkatang gawain.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 238–239. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

Page 90: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

90

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang pangkatang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 239 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 242–246.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Tuklasin Mo (pp. 237–238) Pagtataya (pp. 238–239)

1. 6. û 1. 2. û 7. 2. 3. 8. û 3. 4. û 9. 4. 5. 10. 5.

Markahang Pagsasanay

A. Sagutan (pp. 242–243)

1. kultura 6. palayok o bumbong ng kawayan 2. kangan 7. loob ng kuweba 3. putong 8. silong ng bahay 4. saya 9. tirahan 5. tattoo 10. tirahan

B. Pag-isipan (pp. 243–244)

1. A 6. B 2. A 7. A 3. A 8. A 4. A 9. A 5. B 10. B

Page 91: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

91

IKAAPAT NA MARKAHANANG EKONOMIYA AT PAMAMAHALA

SA AMING REHIYON

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pag-unawa sa mga gawaing pangkabuhayan at bahaging ginagampanan ng pamahalaan at ang mga kasapi nito, mga pinuno, at iba pang paglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Pangunahing Katanungan:

Bakit mahalaga ang ekonomiya at pamamahala sa isang rehiyon?

Aralin 1 – Mga Hanapbuhay, Produkto, at Kalakal sa Aming Pamayanan

I. Mga Layunin:

1. Naipaliliwanag na kailangan ng mga tao ang hanapbuhay upang mabuhay;

2. Nakagagawa ng collage ng iba’t ibang hanapbuhay ng kinabibilangang rehiyon; at

3. NaIpakita ang pagiging malikhain at produktibo sa anumang gawain.

Page 92: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

92

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Iba-iba ang uri ng hanapbuhay sa isang pamayanan. Ang anumang gawaing pinagkakakitaan ng isang tao ay tinatawag na hanapbuhay o trabaho. Ang mga uri ng hanapbuhay ay inuugnay sa likas na yaman, panahon, lokasyon, antas ng edukasyon, at kasanayan ng isang tao sa isang pamayanan. Mahalaga ang perang kinikita sa paghahanapbuhay. Ito ay ginagamit ng tao sa pamayanan upang matustusan ang kaniyang pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay.

B. Paksang-aralin

Mga Hanapbuhay, Produkto, at Kalakal sa Aming Pamayanan

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 248–258

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-

Page 93: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

93

isip Tayo!” sa pp. 248–249. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 250. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng pangunahing pangangailangan ng mga tao sa pamayanan upang mabuhay nang maayos.

b. Talakayin ang kahalagahan ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagpapatukoy sa mga bagay na makikita sa larawan at ang pagbabahagi ng mga mag-aaral kung gaano ito kahalaga para sa kanila.

4. Pangwakas na Gawain Magsanay sa pamamagitan ng larong

relay. Magpakita ng mga larawan ng mga pangunahing hanapbuhay, produkto, at kalakal sa isang rehiyon at hayaang mag-unahan ang dalawang pangkat ng mga mag-aaral sa pagsagot. Ang may

Page 94: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

94

pinakamaraming bilang ng tamang sagot ang siyang magwawagi.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung anong uri ng hanapbuhay ang nais nila kapag sila’y malaki na at nakatapos na ng pag-aaral.

2. Talasalitaan

a. Magdikit ng iba’t ibang larawan (palay, mais, isda, computer, at damit) sa pisara. Ipatapat ang larawan at sa pangalan nito base sa uri ng produkto o kalakal

b. Ibigay ang kahulugan bilang gabay ng mga mag-aaral upang makilala ng mga mag-aaral ang uri ng hanapbuhay.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng larawan ng tao (magsasaka, doktor, inhenyero, minero, labandera, negosyante) at itanong sa mga mag-aaral kung saan sila karaniwang nagtatrabaho.

b. Ipaliwanag ang kahalagahan ng hanapbuhay bilang isa sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan

Page 95: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

95

at sabihing maaaring payak lamang ang hanapbuhay ngunit ito ay dapat na marangal.

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan sa mga mag-aaral ang mga pahayag:

Natutuhan ko na ______________________. Mula ngayon _______________________.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Sa pamamagitan ng larawan ng iba’t ibang produkto ay sasabihin ng mga mag-aaral ang uri ng hanapbuhay.

2. Talasalitaan

Ipaliwanag ang kahulugan ng hanapbuhay, produkto, kalakal, at lokasyon.

3. Panlinang na Gawain

a. Balikan ang pinagkakakitaan ng bawat pamilya ng mga mag-aaral.

b. Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga pinagkakakitaan at pangangailangan ng bawat pamilya sa isang rehiyon.

Page 96: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

96

4. Pangwakas na Gawain

Ipaalaala sa mga mag-aaral na bilang anak, maaari silang makisali sa pagtitipid sa gamit sa bahay at maging masinop sa paggastos sa pera. Maaari din naman silang humanap ng ibang paraan upang makatulong sa magulang para madagdagan ang kinikita ng pamilya.

5. Pagtataya

Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 257–258.

6. Takdang-Aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 258.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Pagtataya

A. (p. 257) B. (pp. 257–258)

1. e 1. e 2. a 2. d 3. c 3. b 4. d 4. c 5. b 5. a

Page 97: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

97

Aralin 2 – Mga Tungkulin at Pananagutan ng mga Namumuno sa Pamayanan

I. Mga Layunin

1. Naiisa-isa ang mga tungkulin at pananagutan ng mga namumuno ng pamayanan;

2. Nakapagsasaliksik ng mga kaalaman hinggil sa mga tungkulin at pananagutan ng mga inihalal ng mga mamamayan; at

3. Napahahalagahan ang mga karapatan upang maligtas sa anumang uri ng pang-aabuso.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamahalaan ay binubuo ng mga taong namumuno o namamahala na may tungkuling gumawa at magpatupad ng batas sa kanilang nasasakupan o pinamamahalaan. Sa bawat lalawigan, lungsod, bayan, at barangay ay may mga pinuno na gumaganap ng tungkulin para sa pamayanan.

B. Paksang- Aralin Mga Tungkulin at Pananagutan ng mga

Namumuno sa Pamayanan

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 259–268

Page 98: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

98

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 259–260. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 261. Sa bahaging ito ay makikilala ng mga maSa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

3. Panlinang na Gawain

a. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang tinatamasang karapatan at sino-sino ang nagbibigay sa kanila ng mga ito sa kanilang lalawigang kinabibilangan.

b. Talakayin ang “Tnadaan Mo” sa pp, 262–265.

Page 99: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

99

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan ang pangungusap:

Ako ay mapalad na mamamayan sapagkat ______________________________________.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral ang pangalan ng mga taong namamahala sa kanilang barangay.

2. Talasalitaan

a. Ipaayos ang mga ginulong titik upang mabuo ang mga salitang:

i. Kapitan ii. Alkalde iii. Gobernador iv. Pangulo

b. Ibigay ang kahulugan bilang gabay ng mga mag-aaral upang mabuo ang bawat salita.

3. Panlinang na Gawain

Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang sariling karanasan sa pamamahala ng kapitan at mga kagawad sa kanilang barangay.

Page 100: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

100

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutan ang pagsasanay na inihanda.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral ang kanilang mga talento at hayaang ipakita nila ito sa buong klase (pangalanan ito ng pangalan ng seksiyon at dugtungan GOT TALENT). Ipaalaala sa mga mag-aaral na ang mga tungkulin ay dapat gampanan nang maayos at matapat upang maging maunlad ang isang lugar na nasasakupan.

2. Talasalitaan

Ipatapat ang mga larawan (halimbawa: kapitan ng barangay, alkalde, at bise alkalde ng bayan, gobernador, at bise-gobernador ng lalawigan, pangulo at pangalawang pangulo ng bansa) sa pangalan nito.

3. Panlinang na Gawain

a. Isagawa ang larong charade. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang pangkat na makahuhula ng lahat sa pinakamaikling oras ang mananalo.

Page 101: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

101

b. Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa pamamahala ng mga namumuno sa barangay, bayan, lalawigan, at bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Kumpletuhin ang mga pahayag na: Natutuhan ko na _______________________. Nararapat kong ________________________.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay A–B “Pagtataya” sa pp. 267–268. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa tayo” sa p. 268.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Alam mo ba? (p. 261)

1. KAPITAN 4. PANGULO2. ALKALDE 5. KAGAWAD3. GOBERNADOR

Page 102: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

102

Pagtataya (pp. 267–268)

1. gobernador 4. punong barangay2. bise-gobernador 5. bise alkalde3. alkalde

Page 103: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

103

Aralin 3 – Pagpili ng mga Tagapamahala ng Aming Pamayanan

I. Mga Layunin

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpili ng tagapamahala ng pamayanan;

2. Naisasagawa ang mga paraan sa pagpili ng tagapamahala ng isang bayan o lungsod sa pamamagitan ng pagsasadula ng mga ito; at

3. Napahahalagahan ang pagtupad sa mga karapatan at tungkulin bilang isang rehistradong botante.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Sa isang pamahalaang demokratiko, ang manunungkulan sa isang bansa, lalawigan, lungsod, bayan, at barangay ay inihahalal ng mga rehistradong botante. Kailangan ng isang bansa ang isang mabuting pamahalaan. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang kapakanan ng lahat ng mga mamamayan.

B. Paksang-aralin

Pagpili ng mga Tagapamahala ng Aming Pamayanan

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 269–276

Page 104: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

104

III. Mga Gawain

A. Unang Araw 1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 269–270. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 270. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang mga katangian ng taong nararapat nilang piliin bilang lider ng klase.

4. Pangwakas na Gawain

Ibahagi ang dalawang mahalagang konsepto ng aralin.

Kung ako ay nasa tamang edad na upang bumoto, ako ay ______________________.

Kapag hindi ako tumupad sa aking mga tungkulin, ako ay ______________________.

Page 105: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

105

B. Ikalawang Araw 1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang mga kaya na nilang gawin sa tahanan na nagpapakita ng pagtulong sa mga magulang at iba pang kasapi ng pamilya. Pagkatapos ay isunod ang mga kaya nilang gawin sa pamayanan na nagpapakita ng mga katangian ng pagiging responsableng mamamayan.

2. Talasalitaan

Pabigyan sa mga mag-aaral ng kahulugan ang sumusunod na salita: tungkulin, karapatan, pamahalaan, tuntunin, at katapatan

3. Panlinang na Gawain

Talakayin nang mas malalim ang aralin.

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan sa mga mag-aaral ang pahayag.

Mahalaga ang pagkakaroon ng eleksiyon o halalan sa isang demokratikong bansa sapagkat ___________________.

Page 106: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

106

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang napapansing ginagawa ng mga kandidato kapag panahon ng halalan sa kanilang lungsod o bayan.

2. Talasalitaan

Ipatapat ang mga larawan (halalan, botante, proklamasyon, at termino) sa pangalan nito.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang mga hakbang sa pagpili ng mamumuno sa pamayanan.

b. Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa aralin.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot ang one-minute paper.

Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ko sa araw na ito?

Ano pa ang hindi malinaw sa akin sa aralin?

Ano pa ang gusto kong malaman sa paksa?

Page 107: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

107

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 275. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 276.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Pagtataya (p. 275)

4 1 5 3 2

Page 108: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

108

Aralin 4 – Kahalagahan ng Pamahalaan

I. Mga Layunin

1. Naiisa-isa ang mga bagay na maaaring gawin ng pamahalaan sa pamayanang kanilang nasasakupan;

2. NaIpakita ang paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan; at

3. Napahahalagahan ang mga paglilingkod na ginagawa ng pamahalaan sa mga mamamayan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamahalaan ng bawat pamayanan ay tumutugon upang mapaglingkuran ang mga kasapi nito. Ang mabuhay nang maayos sa mga pamayanan ay nangangailangan ng iba’t ibang serbisyo mula sa pamahalaan. May mga pangunahing paglilingkod na lubhang kailangan ng mga mamamayan tulad ng pagkakaroon ng sapat na bilihin, pagkakaroon ng tubig, koryente, at komunikasyon sa mga lugar. Kasama rin sa paglilingkod ng pamahalaan ang pagbibigay ng maayos na kalusugan, kaligtasan, at malinis na tirahan sa kanilang mga nasasakupan. Tinutugunan din ng pamahalaan ang pangangailangan sa edukasyon at transportasyon ng mga mamamayan sa lugar na kanilang pinamamahalaan.

Page 109: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

109

B. Paksang-aralin

Kahalagahan ng Pamahalaan

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 277–289

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 277–278. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa p. 279. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Sa pamamagitan ng larawan ng isang malinis na barangay ay itanong sa

Page 110: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

110

mga mag-aaral ang kanilang obserbasyon sa kanilang barangay.

b. Talakayin ang mga simpleng magagawa ng isang batang tulad nila upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng barangay

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutan sa mga mag-aaral sa kani-kanilang drill board ang tanong na: “Paano tumutulong ang mga bata para sa kalinisan at kagandahan ng inyong barangay?”

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Sa pamamagitan ng larawan ng barangay captain, mga kagawad ng barangay, at mga barangay tanod ay ganyakin ang mga mag-aaral na ang mga taong ito ay mga katulong ng pamayanan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng isang barangay.

2. Talasalitaan

a. Bigyan ng kahulugan ang sumusunod na salita: kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan.

b. Itanong sa mga mag-aaral kung nararanasan nila ang mga nabanggit na paglilingkod ng pamayanan.

Page 111: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

111

3. Panlinang na Gawain

Talakayin ang aralin tungkol sa pagtutulungan para sa kaayusan at kapayapaan.

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan sa mga mag-aaral ang talata:

Ang mga paglilingkod na ginagawa ng pamahalaan sa aming pamayanan ay ang sumusunod ____________________.

Kung hindi maglilingkod nang mabuti at tapat ang mga namumuno sa pamayanan ay maaaring ___________________.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Itanong sa mga mag-aaral kung paano sila tumutulong sa mga naging biktima ng kalamidad. Iproseso ang tanong na: “Ano ang nararamdaman mo kapag ikaw ay nakatutulong sa kapwa na nangangailangan?” Pasagutan sa pamamagitan ng estratehiyang Think-Pair-Share.

Page 112: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

112

2. Talasalitaan

Ipatapat ang mga larawan (kalamidad, donasyon, at isang tagpo ng pagtutulungan sa pamayanan) sa pangalan nito.

3. Panlinang na Gawain

a. Paganapin ang mga mag-aaral ng kanilang ginagawa kapag may humihingi ng tulong.

b. Ipaliwanag ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa aralin.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot ang one-minute paper.

Ano ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ko sa araw na ito?

Ano pa ang hindi sa akin malinaw sa aralin?

Ano pa ang gusto kong malaman sa paksa?

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 287–288. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

Page 113: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

113

6. Takdang-Aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 289.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Alam mo ba? (p. 279)

Pagtataya (pp. 287–288)

1. tama 6. tama2. tama 7. tama3. mali 8. mali4. mali 9. mali5. tama 10. tama

Page 114: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

114

Aralin 5 – Pakikiisa sa mga Proyekto ng Pamahalaan

I. Mga Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga bagay na maaaring gawin sa pamayanan bilang pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan;

2. Nakalalahok sa mga gawaing nakatutulong sa pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng sariling lalawigan at kinabibilangang rehiyon; at

3. Napahahalagahan ang mga magagandang katangian bilang elemento ng pagkakaroon ng pamayanang may pagkakaisa at pagtutulungan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat mamamayan ay kabahagi sa pag-unlad ng lalawigan o lungsod na kanilang kinabibilangan.Sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan, nangangailangan ng pakikiisa ng mga kasapi nito upang masiguro ang kaayusan at kaunlaran ng sariling lalawigan.

B. Paksang-aralin

Pakikiisa sa mga Proyekto ng Pamahalaan

C. Sanggunian

SIGLO 3 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 290–302

Page 115: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

115

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 290–291. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng sagot ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Alam mo ba?” sa pp. 291–292. Inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Sa pamamagitan ng larawan ng isang malinis na barangay ay itanong sa mga mag-aaral ang kanilang obserbasyon sa sariling barangay.

b. Talakay ang mga simpleng magagawa ng isang batang tulad nila upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng barangay

Page 116: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

116

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutan sa kani-kanilang drill board ang tanong na: “Paano inilulunsad ng pamahalaan ang kanilang mga proyekto sa lungsod o bayang kanilang nasasakupan?”

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Sa pamamagitan ng larawan ng barangay captain, mga kagawad ng barangay, at mga barangay tanod ay ganyakin ang mga mag-aaral na ang mga taong ito ay mga katulong ng pamayanan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng isang barangay.

2. Talasalitaan

a. Bigyang kahulugan ang sumusunod na salita: kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan.

b. Itanong sa mga mag-aaral kung nararanasan nila ang mga nabanggit sa sariling pamayanan.

3. Panlinang na Gawain

Talakayin ang pagtutulungan para sa kaayusan at kapayapaan.

Page 117: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

117

4. Pangwakas na Gawain

Padugtungan ang talata:

Nararapat na lumahok sa mga proyekto ng pamahalaan upang ___________________.

Ang mga paraan na dapat gawin ng mga mamamayan bilang pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan ay ang sumusunod ______________________________________.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak Itanong sa mga mag-aaral: “Sa inyong

palagay saan kumukuha ang pamahalaan ng panggastos sa paggawa ng tulay, kalsada, gusaling pampamahalaan, at iba pa?” Ipasagot sa pamamagitan ng estratehiyang Think-Pair-Share.

2. Talasalitaan

Itapat ang mga larawan (kalamidad, donasyon, isang tagpo ng pagtutulungan sa pamayanan) sa pangalan nito.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipaganap sa mga mag-aaral ang kanilang ginagawa sa pagpili at pagbili ng produkto.

Page 118: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

118

b. Ipaliwanag ang mahahalagang kaalaman tungkol sa aralin.

4. Pangwakas na Gawain

Pasagutan ang mga tanong sa pamamagitan ng one-minute paper.

Ano ang pinakamahalagang bagay na natutunan ko sa araw na ito?

Ano pa ang hindi malinaw sa akin sa aralin?

Ano pa ang gusto kong malaman sa paksa?

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 301–302. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo sa p. 302 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 305–309.

Page 119: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

119

Mga Sagot sa Pagsasanay

Pagtataya (pp. 301–302)

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Markahang Pagsasanay

A. Sagutan (p. 305)

1. a 6. a 2. c 7. d 3. d 8. b 4. b 9. a 5. b 10. c

B. Pag-isipan (p. 306)

may ekis:

1. datu 4. kapitan 2. SK chairman 5. Sangguniang 3. barangay tanod Kabataan

Page 120: UNANG MARKAHAN MGA LALAWIGAN SA AKING REHIYON

120

C. Palalimin Natin (pp. 306–307)

1. tama 6. tama 2. mali 7. tama 3. tama 8. tama 4. tama 9. tama 5. mali 10. tama

D. (pp. 308–309)

1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10.