19
Arts Unang Markahan – Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo 3

Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

  • Upload
    others

  • View
    399

  • Download
    11

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

Arts

Unang Markahan – Modyul 6:

Paglikha ng Geometrikong Disenyo

3

Page 2: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

Arts – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Miriam M. Bajao

Editor: Marivic O. Arro, Armando Aguillon, Arcel W. Gacasan,

Lynneth Baptista, May H. Zarate

Tagasuri: Aidena L. Nuesca, Ramon S. Gravino Jr., Menard M. Arenas

Tagaguhit: Milky D. Almorato

Tagalapat: Alona Ambasan, Christopher U. Gonzales

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynante A. Solitario

Janette G. Veloso Janwario E. Yamota

Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar

Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto

Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Page 3: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

3

Arts Unang Markahan – Modyul 6:

Paglikha ng Geometrikong Disenyo

Page 4: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa

araling Paglilikha ng Geometrikong Disenyo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

Paglilikha ng Geometrikong Disenyo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Page 5: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

iii

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Page 6: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

iv

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Page 7: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

v

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa

modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa

iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhaan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

vi

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga

kompetensi. Kaya mo ito!

Page 9: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

1

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para sa iyo upang matugunan

ang iyong pangangailangan at malinang ang iyong kakayahan

sa Arts lalong-lalo na sa paggawa ng geometrikong disenyo.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nakatutukoy ng iba’t ibang katangian ng linya;

2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita

ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If);

3. Nakapagpapakita ng pagkamalikhain at kakayahan sa

pagggawa ng geometrikong disenyo; at

4. Nakapagbibigay halaga sa likhang-sining na geometrikong

disenyo gamit ang iba’t ibang katangian ng linya.

Subukin

Ang mga pigura sa ibaba ay ang mga uri ng linya. Ito ay

iyong magagamit sa paggawa ng geometrikong disenyo.

Titingnan ko kung naaalala mo pa ba ang mga ito.

Tukuyin ang mga guhit sa Hanay A sa pamamagitan ng

pagtatapat-tapat nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng iyong

napiling sagot sa iyong sagutang papel.

A B

1. ____ a. paalun-alon

2. | b. pahiga

3. \ c. paikid

4. d. pahilis

5. e. patayo

Page 10: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

2

Aralin

1

Paglikha ng

Geometrikong Disenyo

Ang geometrikong disenyo ay isang bahagi ng sining. Ito ay

hindi puwedeng mahiwalay sa sining. Nagbibigay ganda ito sa

sining at likha.

Sa paglikha ng geometrikong disenyo, dito magagamit ang

iba’t ibang uri ng linya at hugis. Ang geometrikong disenyo ay

walang ibig iparating na kahulugan dahil ito’y iyong sarili, libre, at

malayang likha.

Balikan

Natutuhan mo sa dating modyul ang ilusyon sa espasyo.

Balikan muna natin ang nakaraang leksiyon. Narito ang iyong

pagsubok.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng

iyong napiling sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang napapansin mo kapag ang isang bagay ay malapit

sa iyong paningin?

a. makislap c. malaki

b. madilim d. maliit

2. Ano naman ang napansin mo kapag ang isang bagay ay

malayo sa iyo?

a. makintab c. malaki

b. makinis d. maliit

Page 11: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

3

3. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng ilusyon sa espasyo

para sa mga manlilikha ng sining?

a. nagpapakita ng pagkamalikhain

b. nagbibigay diin sa likhang sining

c. magiging makulay ang likhang sining

d. nagpapakita ng distansiya, lalim, at malawak na espasyo

4. Ito’y nagsasabi ng kaugnayan ng bagay at tao tungkol sa

layo o distansya.

a. hugis c. harmonya

b. distansya d. ilusyon sa espasyo

5. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng ilusyon sa espasyo?

a. b.

c. d.

Page 12: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

4

Tuklasin

Ang linya ay isa sa mga elemento ng sining. Ito ay itinuturing

na pinakasimpleng paglikha ng biswal na sining. May dalawang

uri ng linya. Ito ay ang linyang tuwid at linyang pakurba.

Mga Linyang Tuwid

patayo pahiga pahilis pasigsag

Mga Linyang Pakurba

pabalantok paikid paalun-alon

Sa paggamit ng linya ay marami kang magagawa o

mabubuo na sining kagaya ng geometrikong disenyo.

Page 13: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

5

Suriin

Sa bahaging ito, aalamin ko kung naalala mo pa ba ang

iba’t ibang hugis. Tingnan ang ilustrasyon ng mga linya sa ibaba.

Buoin ang sumusunod na mga linya sa bawat bilang upang

makabuo o makagawa ng isang hugis. Iguhit sa iyong sagutang

papel ang bagong hugis na nabuo.

1.

2.

3.

4.

5.

Page 14: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

6

Pagyamanin

Tingnan ang larawan ng isang geometrikong disenyo at

sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa iyong

sagutang papel.

1. Ang larawan ba ay nagpapakita ng iba’t ibang uri ng

linya?

2. Ano-anong uri ng linya ang nasa larawan?

3. Ang larawan ba ay nagpapakita ng maraming hugis?

4. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaiba-iba ng mga linya?

5. Paano mo gagawin ang isang disenyo?

Page 15: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

7

Isaisip

Ang isang artist ay puwedeng makagagawa ng

makahulugang mga disenyo sa pamamagitan ng paggamit ng

iba’t ibang uri ng linya at hugis. Ito’y isang kasiya-siyang gawain

dahil malaya o libre mo itong gawin at wala itong ibig iparating

na kahulugan.

Isagawa

Panuto: Tukuyin ang tamang uri ng linya sa sumusunod na salita.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. kidlat

2. alon

3. ulan

4. bola

5. poste

Tayahin

Panuto: Gumuhit ng isang disenyo gamit ang mga uri ng linya.

Bigyan ng puntos ang iyong likhang sining base sa rubrik sa

susunod na pahina. Isulat ang 3 kung ito ay Napakahusay, 2 kung

Mahusay o 1 kung Kailangang Paunlarin. Gawin ito sa iyong

sagutang papel.

Page 16: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

8

Rubrik sa Likhang Sining

Pamantayan Napaka-

husay

3

Mahusay

2

Kailangang

Paunlarin

1

1. Nakagawa ng isang

disenyo.

2. Naipamalas ang

pagkamalikhain

3. Naisagawa sa takdang

panahon ang likhang-

disenyo.

4. Sinikap maging malinis

at maayos ang gawa.

5. Pinanatiling malinis ang

kapaligiran habang

gumagawa.

Page 17: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

9

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang iskrapbok.

Maghanap ng mga larawan na may geometrikong disenyo

mula sa lumang magasin o diyaryo.

Gupitin ang mga ito at idikit sa bond paper. Tukuyin ang

mga uri ng linya na makikita sa bawat larawan.

Sumulat ng dalawang pangungusap ukol sa iyong ginawa.

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.B

2.E

3.D

4.C

5.A

Tuklasin

1.

2.

3.

4.

5.

Balikan

1.C

2.D

3.D

4.D

5.B

Isagawa

1.pasigsag

2.paalun-alon

3.patayo

4.pabalantok

5.patayo

Page 18: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

10

Sanggunian

Music, Arts, Physical Education and Health 3 Gabay ng Guro pp.

128-130

Music, Arts, Physical Education and Health 3 Kagamitan ng Mag-

aaral pp.120-123

Page 19: Unang Markahan Modyul 6: Paglikha ng Geometrikong Disenyo · 2. Nakabubuo ng isang geometrikong disenyo na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng linya (A3PR-If); 3. Nakapagpapakita

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]