30
1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Layunin ng modyul na ito na ipakita sa mga mag-aaral ang ilan sa mga mabuting pagpapahalaga at kaugalian sa pamamagitan ng pag-aaral ng ating kultura. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa iba’t ibang katangian ng mga Pilipino. Matututuhan mo rin ang ilan sa mga tradisyong Pilipino. Gagabayan ka nito upang makilala ang mga kanais-nais at di kanais-nais na katangiang Pilipino upang mapanatili ang mga mabubuti at iwaksi ang hindi. Kalulugdan mo ang ilan sa mga makukulay na kaugaliang Pilipino na nagpapamalas ng mayaman nating kultura. Nahahati sa dalawang aralin ang modyul na ito : Aralin 1 — Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino Aralin 2 — Iba’t ibang Tradisyong Pilipino Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul Na Ito? Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo nang: makilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino; mapanatili ang mga kanais-nais na katangiang Pilipino at alisin ang mga di-kanais-nais; kilalanin ang ilan sa mga iniingatang tradisyong Pilipino; at ipagmalaki ang mayaman at makulay na kulturang Pilipino.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Layunin ng modyul na ito na ipakita sa mga mag-aaral ang ilan sa mga mabuting pagpapahalaga at kaugalian sapamamagitan ng pag-aaral ng ating kultura.

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang tungkol sa iba’t ibang katangian ng mga Pilipino. Matututuhan mo rin angilan sa mga tradisyong Pilipino. Gagabayan ka nito upang makilala ang mga kanais-nais at di kanais-nais nakatangiang Pilipino upang mapanatili ang mga mabubuti at iwaksi ang hindi. Kalulugdan mo ang ilan sa mgamakukulay na kaugaliang Pilipino na nagpapamalas ng mayaman nating kultura.

Nahahati sa dalawang aralin ang modyul na ito :

Aralin 1 — Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino

Aralin 2 — Iba’t ibang Tradisyong Pilipino

Anu-ano ang Matututuhan Mo sa Modyul Na Ito?

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo nang:

♦ makilala ang pagkakaiba ng kanais-nais at di-kanais-nais na katangian ng mga Pilipino;

♦ mapanatili ang mga kanais-nais na katangiang Pilipino at alisin ang mga di-kanais-nais;

♦ kilalanin ang ilan sa mga iniingatang tradisyong Pilipino; at

♦ ipagmalaki ang mayaman at makulay na kulturang Pilipino.

Page 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

2

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago mo umpisahang pag-aralan ang modyul na ito, sagutin ang pagsasanay sa ibaba para malaman kung ano naang na nalalaman mo tungkol sa paksang tatalakayin.

Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali.

_____ 1. May malapit na ugnayang pampamilya ang mga Pilipino.

_____ 2. Sa isang pamilyang Pilipino, ang ina ang namumuno.

_____ 3. Lubhang maawain at mapagbigay ang mga Pilipino, lalo na sa pagtulong sa mga taong nawalan ng mahalsa buhay.

_____ 4. Ang pakikipag-away sa kaibigan at pananakit ng damdamin ang kahulugan ng pakikisama.

_____ 5. Ang padrino system ay ang paggamit ng tagapamagitan kung may hindi nagkakasundo.

_____ 6. “Bahala na”, ang ginagamit na ekspresyon kapag ang tao’y naniniwala na ang kanyang tagumpay atpagkabigo ay nakasalalay sa suwerte o kapalaran.

_____ 7. Ang ugali ng mga Pilipino na tapusin ang mga gawain sa oras ay tinatawag na mañana habit.

_____ 8. Ang amor propio ay tumutokoy sa pagpuna sa sarili.

_____ 9. Ang panggagaya ay isang katangian ng mga Pilipino.

_____ 10. Taglay ng Pilipino ang mga kanais-nais at di-kanais-nais na katangian.

_____ 11. Mahilig magdiwang ng kasiyahan ang mga Pilipino.

Page 3: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

3

_____ 12. Isang tradisyon ang pamamanhikan kung saan hihingin ng mapapangasawang lalaki ang kamay ng babaeupang pakasalan.

_____ 13. Hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang muling pagsasama-sama o pagtitipon -tipon ng pamilya.

_____ 14. Nagdaraos ng iba’t ibang pista ang mga Pilipino sa loob ng isang taon.

_____ 15. Isang halimbawa ng pistang Pilipino ang Pista ng Higanteng Parol sa San Fernando, Pampanga.

Kumusta ang pagsusulit? Sa palagay mo ba’y nasagot mo nang tama ang mga katanungan? Ihambing ang iyong mgasagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 27.

Kung tama ang lahat ng sagot mo, napakagaling! Kung may iba kang mali, huwag mag-alala. Ibig sabihin nito, para saiyo ang modyul na ito. Tutulungan ka nitong maintindihan ang ilang mahalagang konsepto na magagamit mo sa iyongpang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mo ng mabuti ang modyul na ito, malalaman mo ang mga sagot salahat ng mga tanong at marami pang iba. Handa ka na ba?

Maaari ka nang magtungo sa susunod na pahina para simulan ang Aralin 1.

Page 4: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

4

ARALIN 1

Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino

May malapit na ugnayan ang pamilyang Pilipino. Binubuo ito ng mga lolo at lola, magulang at ang kanilang mgaanak. Bilang pinuno ng pamilya, nirerespeto ang ama at ito ang gumagawa ng pinal na pagpapasya. Nagtatrabaho siyang mabuti para sa kanyang pamilya. Tumutulong din ang ina sa paghahanap-buhay at siyang namamahala sa gastusinng pamilya. Minamahal din siya at nirerespeto tulad ng ama. Tumutulong sa gawaing bahay ang lahat ng mgamiyembro ng pamilya. Ang mga lolo at lola ang tagapayo. Mahalaga ang kanilang opinyon sa bawat miyembro ngpamilya.

Mayroon ding malaking extended family ang mga Pilipino. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng extendedfamily?

Page 5: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

5

Alamin Natin

Kadalasang may kasamang respeto ang malapit na ugnayanng pamilya. Mataas ang paggalang ng mga anak sa kanilangmga magulang. Hindi tama para sa mga bata ang gumawa ngmga importanteng bagay na hindi kumokonsulta sa kanilangmagulang lalo na kung nakadepende pa sila sa mga ito. Dagdagpa dito, ang batang sumasagot sa kanilang magulang o sanakatatanda sa kanya ay itinuturing na kawalang galang. Dapatgamitin ang “po” kapag nakikipag-usap sa mga matatanda tuladng lolo at lola.

Lubhang maawain at mapagbigay ang mga Pilipino lalo nakung tumutulong sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay.Handa silang makiramay at magbigay ng suportang emosyonal.Bukod pa rito, tumutulong din ang mga Pilipino sapangangailangang pinansiyal, kahit pa sapat lang ang kita nila.Para sa mga hindi makapagbigay ng tulong pinansiyal,tumutulong sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilangserbisyo, halimbawa, nag-aabot ng kape at tinapay, naghuhugasng mga plato at nag-aasikaso ng mga taong pumupunta salamay. Maraming mga tao ang nakikipaglibing. Ang iba aysumasama sa paglalakad ng malayo para ipakita angpakikiramay.

Tinutukoy ng extendedfamily ang mga kamag-anakna hindi kasapi saimmediate family. Kabilangdito ang tiyahin, tiyuhin,pinsan, ikalawang pinsanlolo at lola, atbp.

Page 6: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

6

Subukan Natin Ito

Tingnan ng maigi ang bawat larawan. Lagyan ng tsek (4) ang maliit na kahon kung nagpapakita ang larawan ngkanais-nais na katangian o gawaing Pilipino at ekis (6) kung hindi.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 28.

2.

4.

1.

3.

Sumanggunitayo samanggagamottungkol saiyong sakit.

Hindi! Iwanmo akongmag-isa! Ayawkong pumuntasamanggagamot.

Page 7: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

7

Gaano kahusay ang iyong ginawa? Nakuha mo ba lahat ang tamang sagot? Kung nakuha mo, binabati kita! Perokung mayroon kang mali, huwag mag-alala, para sa iyo talaga ang modyul na ito. Kailangan mo lang mag-aral ngmabuti.

Ipagpatuloy natin ang pagbabasa.

Isa pang katangian ang pakikisama na nagpapakita ng pagtutulungan sa paggawa at mabuting pagsasamahan,kung gagamitin ng tama. Karaniwang umaayon ang mga Pilipino sa pananaw ng pangkat at iniiwasan niyang magsalitang makakasakit tulad ng pagsasabi ng “hindi” ng walang pasubali, para hindi makasakit ng damdamin ng kaibigan.Ang katangiang ito ay nakapagpapaunlad ng samahan ng isang grupo.

Page 8: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

8

Kilala rin ang mga Pilipino sa bayanihan. Nangangahulugan na handaang Pilipino sa oras ng pangangailangan, krisis at kalamidad. Hindi langsa pabubuhat ng kubo nakikita ang bayanihan. May iba’t ibang anyo ito sapanahon ngayon. Halimbawa nito ang mga rescue operation, mga kusangloob na serbisyong pangkalusugan, pagbibigay ng mga relief goods atmarami pang iba. Maagap ang mga Pilipino sa pagtulong sa mga taongnangangailangan na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Ang mga Pilipino sa pangkalahatan ay mapagmahal sa kapayapaan.Hangga’t maaari umiiwas sila sa pakikipag-away sa kanilang kapwa.Ngunit kapag dumarating ang mga pahahong may salungatan, maymapayapang paraan ang mga Pilipino sa paglutas ng problema. Ito ang tinatawag na sistemang padrino. May taongnamamagitan para magkasundo ang magkabilang panig. Mabisa ito dahil karaniwang ang padrino ay isang malapit nakaibigan at sa pamamagitan niya, nagkakasundo ang magkabilang panig. Naiiwasan ang mainitang pagtatalo atpaghaharap sa ganitong pamamaraan.

Alamin Natin

Maraming kanais-nais na ugali atkatangian ang mga Pilipino nasiyang pinagkaiba niya sa ibangmga tao sa buong mundo.Ipinamana sa atin ang mga gawi atkatangiang ito. Ipinagmamalakinatin ito bilang mga Pilipino.

Page 9: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

9

Subukan Natin Ito

S I S T E M A N G M A Y P A D R I N O

E G E N E A O U C B A Y A N I H A N M

A W F A A P P Y O A R R K L A B W R M

A S D F G H J J K K U Y I O A M A Y A

L K J H G F S A D R T Y K S P M U B P

L M Y D E B E V A N C P I D E A S D A

O P O H P I O U E I G E S A L G H J G

V M A A W A I N E H I C A X O Q W E B

I O P S R A C P A A T T M B V Y U I I

M A B U T I N G P A G S A S A M A S G

W A U E R D U S S Y M P N A N P O Y A

P A G G A L A N G T O H P M P G F A Y

Bilugan ang mga katangian na makikita sa palaisipan sa itaas. Ito ay maaaring pahalang o patayo. Umpisahan angpaghahanap!

Page 10: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

10

Ang mga sumusunod ang dapat na binilugang salita:

SISTEMAMG MAY PADRINO MAPAGBIGAY

PAKIKISAMA OPO

MABUTING PAGSASAMA MAAWAIN

PAGGALANG BAYANIHAN

Nakita mo ba silang lahat? Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 28.

Basahin Natin Ito

Naniniwala sa tadhana ang karamihan sa mga Pilipino. Naniniwala sila na ang kanilang tagumpay at pagkabigo sabuhay ay nakasalalay sa kapalaran o tadhana. Ipinapahayag sa pariralang “Bahala Na” ang katangiang na ito. Dahildito nagsasawalang-bahala, tamad at walang ingat ang ilang mga Pilipino. Inilalagay nila ang kanilang mga suliraninsa isang di-tiyak na kinabukasan. Ginagamit nila ang ugalingBahala Na para umiwas sa paglutas ng suliranin. Dahil dito,karaniwang lalong nagiging masalimuot ang mga suliranin.

Isa pang katangian ng mga Pilipino ang Mañana Habit.Tumutukoy ito sa ugaling Pilipino na isinasantabi ang tungkulino gawain para gawin kinabukasan o sa ibang araw. Humahanapsiya ng paraan para hindi gampanan ang gawaing nakaatang sakanya sa oras na iyon, gagawin lamang niya ito kung kailan niyagustong gawin. Kadalasan hindi na nagagawa ang mga gawain.

Bahala na.Ano ang atinggagawin ngayon?

Page 11: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

11

Ningas Cogon ang tawag sa ugali ni Nina, isa pang katangiang Pilipino. Tumutukoy ito sa interes ng isang tao nasa umpisa lang gagawa, subalit kadalasang nawawalan siya ng interes bago matapos ang gawain. Hindi ito magandangkatangian dahil hindi natatapos ang mga gawain.

Maramdamin sa mga puna at panlalait ang mga Pilipino. Minsan, nasasaktan sila kahit biro lamang ang isangpuna. Nagkakaroon sila ng mga kaaway bunga ng mga dahilan na itinuturing ng mga banyaga na di-mahalaga. Lahatng mga katangiang nabanggit ay nakakaimpluwensiya sa amor propio (pagtatangi sa sarili) ng isang tao. Minsan,inuudyukan ng katangiang ito ang tao para magyabang sa harap ng kanyang mga kasama at mga tauhan upang siya ayigalang.

Isa ring katangiang Pilipino ang panggagaya. Mahilig na manggaya ang mga Pilipino at mahusay sila rito.Napapansin mo ba na kahawig ng karamihan sa mga palabas sa telebisyon at sinehan ay kahawig ng sa mgakanluranin?

Makikita rin ang katangiang ito sa moda. Tinitingala ng mga karaniwang tao ang kanilang paboritong mga artistaat ginagaya ang kanilang pananamit. Kaya trendsetters ang tawag sa mga sikat na artista.

Maaaring narinig mo na ang ekspresyong “sumali sa uso”. Isa ring katangiang Pilipino ang mentalidad nabandwagon. Ang bandwagon ay isang gawain o bagay na uso o kilala sa ngayon, na dati-rating walang interes angmga tao. Tumutukoy ang mentalidad na bandwagon sa kasabikan ng mga taong makisakay sa uso, kahit pa ito ay

Nagawa mo na baang gawaingitinakda sa iyo?

Gagawin kobukas.

Alam mo ba na isangsalitang Kastila angmañana na ang kahuluganay bukas.Ang kahulugan nito aymaaari ring “walangitinakdang oras” o “sahuli”.

Page 12: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

12

negosyo, moda o pagkain. Ang biglang pag-unlad ng nata de coco noong 1998 ang halimbawa ng mentalidad na ito.Noong taong iyon, halos lahat ng mga tahanan sa bansa ay marunong gumawa ng nata de coco.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Bago tayo magpatuloy sa susunod na aralin, gawin ang pagsasanay sa ibaba para malaman kung gaano na angnatutuhan mo sa araling ito.

Itugma ang mga salita o parirala sa Hanay A sa mga nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. malapit na ugnayan ng pamilya

2. awa

3. pakikisama

4. bayanihan

5. padrino

6. bahala Na

7. manana Habit

8. ningas cogon

9. amor propio

10. mentalidad na bandwagon

Ihambing ang inyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 29.

a. sabik ang mga Pilipino na makisali sa uso o moda

b. maski ano ang mangyari

c. isang tagapamagitan na tumutulong na malutas angdi-pagkakaunawaan

d. handang tumulong na walang hinihintay na kapalit

e. masigasig lamang sa umpisa ng gawain o proyekto

f. laging ipinagpapaliban ang gawain sa ibang araw

g. pagtatangi sa sarili

h. pinahahalagahan ang pagkakaibigan

i. nakikiramay sa nagdadalamhating pamilya

j. karaniwang nakatira ang mga lolo at lola kasama ngpamilya

Page 13: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

13

Gaano kahusay ang ginawa mo? Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot, binabati kita! Handa ka nangmagpatuloy sa susunod na aralin.

Kung 8 o 9 ang iskor mo, mabuti! Balikan mo na lang ang mahihirap na bahagi sa araling ito.

Kung 7 o mas mababa pa rito ang iskor mo, dapat pag-aralan mong muli ang buong aralin upang masmaunawaan mo ito.

Tandaan Natin

Maraming katangian ang mga Pilipino na siyang nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga tao sa buong mundo.Kahanga-hanga at ipinagkakapuri ang ilan sa mga katangiang ito. Pero mayroon ding mga katangian na di kanais-nais.Bilang mga Pilipino, dapat makilala natin ang mga kanais-nais at di kanais-nais na katangian. Sa gayon, maaari natingpagyamanin ang ating mabubuting katangian at alisin ang mga di kanais-nais.

♦ Ang malapit na ugnayan ng pamilya, pakikisama at bayanihan ay ilan sa mga kanais-nais na katangiangPilipino;

♦ Ang ningas Cogon, mentalidad na Bandwagon at ang mañana habit ay ilan sa mga di kanais-nais nakatangiang Pilipino;

♦ Dapat nating linangin ang ating mga kanais-nais na katangian at alisin ang mga di kanais-nais.

Page 14: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

14

ARALIN 2

Iba’t ibang Mga Tradisyong Pilipino

Alamin Natin

Isa sa mga mahalagang tradisyong Pilipino ang pamamanhikan. Kalimitan ang pamilya ng babae angnangangasiwa nito. Ang ikakasal na lalaki at ang kanyang mga magulang ay dadalaw sa pamilya ng babae para pormalna hingin ang kamay ng dalaga bilang mapapangasawa at para mapag-usapan ang darating na kasalan habangnagtatanghalian o naghahapunan. Kaugalian na may dalang regalo ang bumibisitang pamilya (kalimitan ay angespesyal na niluto ng ina) para sa maybahay.

Page 15: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

15

Isang magandang daan ang pamanhikan para makaiwas sa isang nakakaasiwang katayuan na ang mga magulangng ikakasal na lalaki at babae ay magkikita lamang sa unang pagkakataon sa araw ng kasal. Isang magandang daan itopara sa dalawang partido na magkakilala.

Basahin.

Isang bahagi ng kulturang Pilipino ang muling pagsama-sama ng pamilya. Gaya ng natutuhan natin sa naunangmodyul, malapit ang ugnayan ng pamilyang Pilipino. Kaya nga kinukuha nila ang bawat pagkakataon na magkasama-sama sila ng kanilang mga kamag-anak.

Karaniwan sa mga pagtitipon kung saan nagkakasama-sama ang pamilya ay Pasko, kasalan, pagkamatay ng isangmahal sa buhay, Bagong Taon, araw ng kapanganakan at marami pang iba. Pero mayroong mga pamilya na nagdadaosng muling pagsasama-sama ng pamilya kahit walang espesyal na okasyon. Layunin nito na mapanatili ang malapit napag-uugnayan na pinahahalagahang maigi ng mga Pilipino.

Alam mo ba na pagkatapos ng “pamamanhikan”,ang “paninilbihan” ang kasunod? Dito,maglilingkod sa pamilya ng babae ang ikakasal nalalaki para maipakita na karapat dapat siya. Kahitpa sabihin na tradisyon ito na matagal nangnakalimutan, ginagawa pa rin ito ng ilan. Maykarapatang humiling ng mga pabor ang pamilyang babae tulad ng ipinagmamaneho ang ina ngbabae sa pamamalengke, pagpapalit ng pundidongbombilya sa kusina o pagtupad ng mga simplengutos.

Page 16: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

16

Subukan Natin Ito

May alam ka pa bang ibang okasyon na nagkakasama-sama ang mga pamilya at magkakamag-anak? Kung meron,isulat ang mga ito sa mga patlang na inilaan sa ibaba.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Basahin Natin Ito

Hindi magiging lubos ang tradisyong Pilipino kung walangpagdiriwang ng iba’t ibang pista. Mahilig ang Pilipino sa pista atnagdaraos sila ng pagdiriwang halos buwan-buwan.

Ipinakikita sa pahina 17 ang ilan sa mga pista na ipinagdiriwangng mga Pilipino:

Page 17: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

17

Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan

Pista ng Sinulog Ikatlong linggo Cebu City Isang panlalawigang patimpalak tungkol sa interpretasyon sang Enero kahulugan ng pagdating ng mga mananakop na Kastila para

magpalaganap ang Kristiyanismo. Mayroong mga suhay, diyalogo,mga kasuutan (ang plano ng kulay at paggamit ng katutubongkagamitan ay isang bahagi ng pamantayan sa paligsahan).

Araw ng Cabanatuan 3 Pebrero Cabanatuan City Binibigyang diin ng parada ang paglago ng Nueva Ecijaat pag-unlad ng Cabanatuan mula noong bago dumating ang mgaKastila hanggang sa pananakop ng mga Hapon hanggang sa

kasalukuyan.

Semana Santa Marso 24-30 Buong bansa Pagpapakita ng paghihirap at pagkamatay ni Kristo(Mahal Na Araw)

Pista ng Kalilang Abril 10-15 Marawi City, Pista na nagpapaalaala ng anibersaryo ng charter ngLanao del Sur Marawi City; nagpapakita ng mga tradisyonal na awit

at sayaw ng Muslim, eksibit ng kulturang Maranao, mga gamit,pagkain at mga gawaing ukol sa relihiyong Muslim

Santa Cruz de Mayo Huling araw Lahat ng bahagi Pista na nagtatampok ng magagandang dalaga ng bansa nao Santacruzan ng Mayo nakasuot ng magagarang tunika. Naglalarawan sila ng mga biblikal at

makasaysayang mga tao tulad ni Reyna Helena (Reyna Elena),Naomi at Birhen Maria.

Pista ng Masskara Oktubre 19 Bacolod City, Pinakamalaking taunang pagdiriwang na nagpapakita ngNegros Occidental pagmamahal sa at kasayahan ng mga katutubong taga-

Bacolod. Kasabay sa pagdiriwang ng charter ng Bacolod City angmga paligsahan sa isports, palatuntunang kultural, karnibal, palabas,paligsahan ng kagandahan at ang mahabang pagsasayaw sakalye ng mga nakasuot ng damit at maskara tulad ng sa Mardi-Gras.

Pista ng Gran Cordillera Nobyembre 17-25 Baguio City Isa sa malaking pagdiriwang sa rehiyon na ginaganap sa Benguettaun-taon na nagtatampok ng pagtitipon-tipon ng mga tribo sa isanglinggong labanan para ipagdiwang ang buhay na nagpapakita ngmga sayaw ng tribo at pagtatanghal ng mga ritwal ng pasasalamat.

Page 18: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

18

Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista Paglalarawan

Pista ng Higanteng Disyembre Paskuhan Village, Pista ng malahiganteng mga parol na may iba’t ibang kulay naParol ng San Fernando San Fernando, natatangi sa bawat sumasaling mga barangay at bayan sa

Pampanga San Fernando. Sumusukat ng mula 10 hanggang 15 piye sadiyametro, ang mga parol na ito na nakasakay sa malalaking mgatrak at nagpapakita ng mga ilaw na sumasayaw sa saliw ng musikang kasamang banda.

(Sayaw sa Ubando) Mayo 17-19 Obando, Bulacan Tatlong araw na pagdiriwang ng pista ni San Pascual Baylon, Sta.Clara at Nuestra Senora de Salambao. Ang mga mag-asawangwalang anak, nagpapasalamat na mga magulang, nagpapasalamatna mga magsasaka at mangingisda ay nagsasayaw sa kalyekasama ng mga babaeng may kasuotang makukulay paraipagdasal ang mga bata at ang magandang ani.

Pista ng mga Pintado Hunyo 29 Tubod, Lanao Isang kasiyahan sa kalye at paligsahan na nakasentro sadel Norte matatandang kaugalian ng pagta-tattoo na nagpapahiwatig

ng tapang at istatus sa isang pamayanan.

Pista ng Sagayan Hulyo 3-5 Basco, Batanes Kakaibang pistang kultural na nagpapakita ng sayaw ng pakikidigmang mga lalaking katutubo at ang “Kasiduratan” ng mga babaengMuslim na suot ang kanilang makukulay at kakaibang kasuotan.Sumasali sa pistang ito ang lahat ng mga bayan ng lalawigan.

Pista ng Palu-Palo Agosto 4-5 Malaybalay, Pagtatanghal kultural ng iba’t ibang bayan ng Batanes naBukidnon nagpapakita ng mga kakayahan ng mga Ivatan.

Pista ng Kaamulan Setyembre 2-7 Bukidnon Kakaibang pista ng mga awit, sayaw at sosyo-kultural na gawain nanagsasama at pinag-iisa ang mga tribo ng pamayanan at ang ibapang mga sektor ng lalawigan ng Bukidnon.

Page 19: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

19

Subukan Natin Ito

May alam ka ba na iba pang mga pista na ipinagdiriwang ng mga Pilipino? Kung mayroon, isulat ang mga ito sapatlang na nakalaan sa ibaba.

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

Ipakita ang iyong mga sagot sa iyong Instructional Manager para sa dagdag na talakayan.

Bukod sa mga pista at pangilin na nabanggit,nagdiriwang ang mga Plipino ng mga mahahalagangpangyayari katulad ng mga kaarawan, anibersaryo ngkasal, Bagong Taon, Araw ng mga Puso, Araw ng Pasko,Araw ng mga Patay, Araw ng mga Kaluluwa, Anibersaryong Pagkamatay ng ating pambansang mga bayani, Arawng Kalayaan, Rebolusyon sa EDSA at marami pang iba.Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagdiriwang ng mgamahahalagang okasyon na ito.

Page 20: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

20

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Bago natin tapusin ang araling ito, sagutin ang pagsasanay sa ibaba para malaman kung gaano ang natutuhan mosa araling ito.

Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali.

__________ 1. Sa pamamanhikan, pormal na hihingiin ng babaeng ikakasal ang kamay ng lalaki sa pag-aasawa.

__________ 2. Pagkatapos ng pamamanhikan, paninilbihan naman ang kasunod. Dito ipinakikita ngmapapangasawang lalaki ang kanyang kahalagahan sa pamamagitan ng pagbibigay niya ngserbisyo sa pamilya ng babae.

__________ 3. Magandang pagkakataon ang pamamanhikan upang magkakilala ang mga pamilya ng ikakasal.

__________ 4. Ginaganap ang muling pagpasama-sama ng pamilya upang masira ang malapit na ugnayan ngpamilya.

__________ 5. Mainam na okasyon ang mga kasalan at Pasko para magkasama-sama ang pamilya.

__________ 6. Hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang muling pagsasama-sama ng pamilya.

__________ 7. Ipinagdiriwang ang Araw ng Cabanatuan tuwing ikatlong linggo ng Enero.

__________ 8. Ipinagdiriwang ang Pista ng Pintado tuwing ika–29 ng Hunyo sa Tacloban City, Leyte.

__________ 9. Ipinagdiriwang ang Pista ng Parol sa San Fernando kung buwan ng Mayo.

__________ 10. Nagdiriwang ang mga Pilipino ng mga mahahalagang pangyayari tulad ng mga kaarawan,mga anibersaryo ng kasal, araw ng Pasko at Bagong Taon.

Ihambing ang inyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 29.

Page 21: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

21

Kung tama lahat ang sagot mo, binabati kita! Marami kang natutuhan sa araling ito.

Kung 8 o 9 ang iskor mo, mabuti! Kailangan mo na lang pag-aralan ang mahihirap na bahagi na nadaanan mo sang araling ito.

Ngunit, kung 7 o mababa pa rito ang iskor mo, kailangang pagbalik-aralan mo ang buong aralin upang masmaunawaan mo ito nang mabuti.

Tandaan Natin

Ilan lamang ang pamamanhikan, muling pagsasama-sama ng pamilya at pagdiriwang ng iba’t ibang pista samaraming makukulay na tradisyon ng mga Pilipino.

♦ Isa sa kulturang Pilipino na pinahahalagahan ang pamamanhikan. Maganda itong paraan para magkakilala angpamilya ng magiging mag-asawa

♦ Sa muling pagsasama-sama ng pamilya, nagkikita-kita ang mga pamilya lalo na kung Pasko, kasal, BagongTaon, kaarawan at marami pang ibang okasyon.

♦ Ang mga pista ay ilan sa mga piyesta at pangilin na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ay Santacruzan, Mahal naAraw at iba pa.

Page 22: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

22

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

Bago mo tapusin ang pag-aaral ng modyul na ito, sagutin ang pagsasanay sa ibaba para malaman mo kunganu-ano na ang mga natutuhan mo sa araling ito.

Punan ang bawat pangungusap ng tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa pamilyang Pilipino, ang ama ang ____________________.

a. maybahay c. tagasunod

b. puno d. tagapayo

2. Ang halimbawa ng extended family ay ang ____________________.

a. ninang c. pinsan

b. kapatid na lalaki d. ina

3. Handang aliwin ang mga Pilipino ang nawalan ng mahal sa buhay. Nagpapakita ito na ang mga Pilipino ay____________________.

a. tamad

b. tiwali at hindi mapagkakatiwalaan

c. malupit

d. maawain at matulungin

Page 23: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

23

4. Ang bayanihan ay tungkol sa ______________________________ ng mga Pilipino.

a. kahandaang tumulong sa oras ng pangangailangan, krisis at kalamidad

b. kahandaang magtago sa oras ng pangangailangan, krisis at kalamidad

c. kahandaang tumakbo sa oras ng pangangailangan, krisis at kalamidad

d. kahandaang sumuko sa oras ng pangangailangan, krisis at kalamidad

5. Tungkol ito sa ugali ng mga Pilipino na ilagay sa isang tabi ang kanyang ginagawa sa kasalukuyan para sa ibangoras o araw.

a. manama habit

b. manasa habit

c. mañana habit

d. manara habit

6. Ang ibig sabihin ng amor propio ay ____________________.

a. pagpuna sa sarili c. sariling gawa

b. pagpapahalaga sa sarili d. sariling pagsusuri

7. Magandang paraan ito upang maiwasan ang sitwasyong ang mga magulang ng ikakasal na babae at lalaki aymagkikita lamang sa unang pagkakataon sa araw ng kanilang kasal.

a. pamamanhikan c. pamantayan

b. pamantasan d. pamahiin

Page 24: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

24

8. Layunin nitong mapanatili ang malapit na ugnayan ng pamilya na pinahahalagahang maigi ng mga Pilipino.

a. muling pamamasyal ng pamilya c. muling pagkain ng pamilya sa labas

b. muling pagpasama-sama ng pamilya d. muling panonood ng sine ng pamilya

9. Masayahing tao ang mga Pilipino kaya nagdiriwang sila ng ____________________.

a. mga pista c. pang-aapi

b. peste d. kalamidad

10. Sa pistang ito, nagtatanghal sa entablado ang mga tao ng paghihirap at pagkamatay ni Kristo.

a. Pista ng Kalilang c. Pista ng Pintados

b. Pista ng Sinulog d. Semana Santa

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 29.

Kung tama lahat ang sagot mo, binabati kita! Handa ka nang lumipat sa susunod na modyul.

Kung 8 o 9 ang iskor mo, mabuti! Pagbalik-aralan mo na lang ang mahihirap na bahagi na nadaanan mo sa aralingito.

Subalit kung 7 o mas mababa ang iskor mo, kailangang pag-aralan mo ulit ang buong modyul para maunawaanmo ito ng mabuti.

Page 25: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

25

Ibuod Natin

♦ May mayaman at makulay na kultura ang mga Pilipino. Mayroon siyang katangian na naglalarawan sa kanyabilang Pilipino at nagpapaiba sa kanya sa ibang mga tao sa mundo.

♦ Mahalagang bahagi ng ating kultura ang iba’t ibang tradisyong Pilipino. Ang mga tradisyong ito na ipinamanasa atin mula sa isang salinlahi patungo sa kasunod pa. Ito ay katibayan ng yaman ng ating kulturang Pilipino.

♦ Maraming katangian ang mga Pilipino na ikinaiiba niya sa ibang mga tao. Kahanga-hanga at ipinagkakapuri angilan sa mga katangiang ito. Pero mayroon ding mga katangian na di kanais-nais. Bilang mga Pilipino, dapatmakilala niya ang kanais-nais at di kanais-nais na katangian. Sa gayon, maaari nating pagyamanin ang atingmabubuting katangian at alisin ang mga di kanais-nais.

♦ Ilan sa mga kanais-nais na katangiang Pilipino ang malapit na ugnayan ng pamilya, pakikisama at bayanihan.

♦ Ilan sa mga di kanais-nais na katangiang Pilipino ang ningas cogon, mentalidad na bandwagon at angmañana habit.

♦ Dapat nating linangin ang ating mga mabubuting katangian at alisin ang mga di kanais-nais na katangian.

♦ Ilan lamang sa maraming makukulay na tradisyong Pilipino ang pamamanhikan, muling pagsasama-sama ngpamilya at pagdiriwang ng iba’t ibang pista.

♦ Isa sa mga kulturang Pilipino na pinahahalagahan ang pamamanhikan. Maganda rin itong paraan paramagkakilala ang magkabilang panig.

♦ Ang muling pagsasama-sama ng pamilya ay karaniwan kung Pasko, kasal, Bagong Taon, kaarawan at maramipang ibang okasyon.

♦ Ang mga pista ay ilan sa pangilin na ipinagdiriwang ng mga Pilipino.

Page 26: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

26

Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pahina 2–3)

1. T

2. M – Sa pamilyang Pilipino, ang ama ang puno.

3. T

4. M – Ang ibig sabihin ng pakikisama ay pagpapahalaga sa mabuting pagsasamahan.

5. T

6. T

7. M – ang mañana habit ay tungkol sa ugali ng mga Pilipino na isinasantabi ang kasalukuyang ginagawa parasa ibang oras o araw.

8. M – ang amor propio ay nangangahulugan ng pagpapahalaga sa sarili.

9. T

10. T

11. T

12. T

13. M – Bahagi ng kulturang Pilipino ang muling pagsasama-sama ng pamilya o family reunion.

14. T

15. T

Page 27: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

27

Subukan Natin Ito (pahina 6)

1. 4 3. 4

2. 6 4. 6

Subukan Natin Ito (pahina 9–10)

S I S T E M A N G M A Y P A D R I N O

E G E N E A O U C B A Y A N I H A N M

A W F A A P P Y O A R R K L A B W R M

A S D F G H J J K K U Y I O A M A Y A

L K J H G F S A D R T Y K S P M U B P

L M Y D E B E V A N C P I D E A S D A

O P O H P I O U E I G E S A L G H J G

V M A A W A I N E H I C A X O Q W E B

I O P S R A C P A A T T M B V Y U I I

M A B U T I N G P A G S A S A M A S G

W A U E R D U S S Y M P N A N P O Y A

P A G G A L A N G T O H P M P G F A Y

Page 28: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

28

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 12)

1. j

2. i

3. h

4. d

5. c

6. b

7. f

8. e

9. g

10. a

Page 29: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

29

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 20)

1. M – Sa pamamanhikan pormal na hinihingi ng lalaking ikakasal ang kamay ng babae sa pagpapakasal.

2. T

3. T

4. M – Ang muling pagsasama-sama ng pamilya o family reunion ay idinaraos para mapanatili angpagkakabuklod-buklod ng pamilya.

5. T

6. M – Bahagi ng kulturang Pilipino ang muling pagsasama-sama ng pamilya o family reunion.

7. M – Ipinagdiriwang kada ikatlo ng Pebrero ang Araw ng Cabanatuan.

8. T

9. M – Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Disyembre ang Pista ng Parol ng San Fernando.

10.

B. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 22–24)

1. b 6. b

2. c 7. a

3. d 8. b

4. a 9. a

5. c 10. d

Page 30: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ito_ang_ating... · 4 ARALIN 1 Iba’t ibang Katangian ng mga Pilipino May malapit

30

Mga Sanggunian

Culture. Filipino Pre-Wedding Traditions. <http://www.weddingsatwork.com/culture/tradition.htm>. October 27,2000, date accessed.

Santos, Rogelio A. (2000). Onli In Da Pilipins. Filipino Traits and Customs. <http://www.dock.net/rogers/filtraits.html>. October 30, 2000, date accessed.

Philippine Convention and Visitors Corporation. Festivals in Luzon. <http://www.dotpcvc.gov.ph/fest_luz.htm>.November 6, 2000, date accessed.

Philippine Convention and Visitors Corporation. Festivals in Visayas. <http://www.dotpcvc.gov.ph/fest_vis.htm>.November 6, 2000, date accessed.

Philippine Convention and Visitors Corporation. Festivals in Mindanao. <http://www.dotpcvc.gov.ph/fest_min.htm>.November 6, 2000, date accessed.

Philippine Convention and Visitors Corporation. Rituals of Bliss. Filipino. <http://www.aonline.com/article/0,1153,2500-17514-5,00.html>. October 27, 2000, date accessed.

Robinson, Mairi and George Davidson, eds. Chambers 21st Century Dictionary. Chambers; Edinburgh, UK, 1996.

Travel Insights. Filipino Traits. <http://www.visayahoo.com/features/travel/filtraits2.html>. October 30, 2000, dateaccessed.

Travel Insights. Filipino Traits. <http://www.visayahoo.com/features/travel/filtraits2.html>. October 30, 2000 dateaccessed.