8
Araling Panlipunan Katangian ng Populasyon : Malusog at Matalinong Mamamayan

Katangian Ng Populasyon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Katangian Ng Populasyon

Araling Panlipunan

Katangian ng

Populasyon: Malusog

at Matalinong Mamamaya

n

Page 2: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Mabilis na paglaki ng populasyon sa iyong pamayanan, sa atingbansa, at sa buong mundo? Lumalaki ng 211, 839 sa isang araw ang populasyon ngmundo. Sa loob ng isang oras, may 8,827 sanggol ang ipinanganganak.

Alam mo ba

Page 3: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Ang tao, bilang yaman ng bansa ay malaki ang maitutulong sa bansa. Magiging yaman ng bansa ang mga Pilipino kung ang bawat isa ay mabibigyan ng sapat na karunungan, maayos na kalusugan, at mabubuting pagpapahalaga tungo sa pag-unlad ng ating bansa.

Page 4: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Katangian ng Populasyon na makakatulong sa pag-unlad ng bansa:1.Malusog at malalakas na mamamayan2.Pagkakaroon ng kalidad na edukasyon3.Pagkakaroon ng maayos na tahanan at

kapaligiran4.Pagtatamasa ng mga karapatang

pantao5.Pagkakaroon ng maagap na serbisyong

pampubliko

Page 5: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Katangian ng Populasyong MaasahanMatalino Malusog

1. Mapagkalinga sa pamilya2. May pag-ibig sa kapwa3. May pinag-aralan4. May kasanayan5. Malikhain6. Matulungin7. Tapat sa tungkulin8. May pananalig sa Diyos9. Makabayan10.Magalang 

1. Malusog ang panganga-tawan.

2. Kumakain ng mura at masustansyang pagkain

3. Walang bisyo.4. Natutulog sa tamang oras

 

Page 6: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Ang mga tao ang pinakamahalagang pundasyon ng pag-unlad ng isang bansa. Nakasalalay ang pag-unlad na ito sa lakas at talino ng mga mamamayan.

Ang malusog na tao ay lubos na maasahan sa paggawa at pagpapaunlad ng kabuhayan. Kung mahina at sakitin ang mga tao, hindi sila lubos na makapag-aambag sa lipunan bagkus ay magiging pasanin pa ng pamahalaan.

Page 7: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Ang katalinuhan ng tao ay mahalaga sa bansa. Kadalasan, ang matalinong mamamayan ay mapamaraan. Ang pagiging mapamaraan ay makatutulong upang mapabilis ang pag-unlad ng isang bansa. Inaasahang malawak ang pang-unawa at may disiplina ang mga taong matatalino. Madali nilang nauunawaan ang mga dapat gawin at may kakayahan silang malutas ang mga suliranin sa paggawa.

Page 8: Katangian Ng Populasyon

Katangian ng Populasyon

Pangunahing pangangailangan ng tao na magtaglay ng malusog na pangangatawan at katalinuhan upang maging produktibo at magkaroon ng kakayahang mabuhay tungo sa kaunlaran at kapayapaan.

Ang malusog at matalinong manggagawa ang tunay na yaman ng bansa.

Makikita sa kalagayan ng mga mamamayan sa bansa ang katayuan ng pamumuhay. Kapag naghihirap ang mga tao, gayundin ang bansa.